Chapter 20

"Rai, sana naman sumama ka na samin. Lumipat nga rito sina Emi kasi gusto nilang makasama tayo tapos umiiwas ka naman." Sinundan ako ni Wren hanggang sa makapasok sa locker room. "May problema ka ba? Hindi ka na rin nagsasabi sakin."



I opened my locker door and took the books na gagamitin ko para sa schedule ko ngayong umaga. "Look Wren, wala naman akong problema. Sadyang hindi ko lang afford sumama kasi marami akong ginagawa."



Sumandal siya sa tabi ng locker ko, crossing her arms at nakataas ang kilay. Obviously, hindi naniniwala sa palusot ko. Pero wala rin naman akong ibang maisip na idahilan. Hindi ko lang talaga afford humarap sa kanya.



"Nagtatampo na ako, Rai. Busy ka pero may time ka kapag si Sven ang kasama mo. Busy ka pero lagi naman kitang nakikita sa cafeteria, pag umaalis kami tapos papasok kayo ni Sven." She looked at me with a question. I lowered my head, hindi inaasahang makikita niya pala iyon. "Sabihin mo nga, may hindi ba kayo sinasabi ni Sven sa akin?"



Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. "Hindi sa ganoon. There's nothing to hide. It is just that . . . nasasaktuhan ni Sven ang lunch ko. Remember? Nung inayos natin ang mga schedule natin, pareho kami ni Sven."



She looks at me disapprovingly. "Si Sven na lang ba ang tinuturing mong best friend para makalimutan mong pareho rin tayo ng schedule ng lunch? O sige, leave that schedule behind. Kahit iyong vacancies na lang. Rai, pareho rin tayo. At ang ina-ask ko lang naman ay kaunting time. Gusto lang kitang makasama. Maka-bonding. Masama ba 'yon?"



Naibaba ko ang kamay ko at sinuklay iyon sa buhok ko. Wren managed to corner me. Bakit ko nga ba nakalimutan ang mga bagay na 'yon kung magkakasama naming s-in-et ang mga schedules namin.



"I'm sorry, Wren. Alam kong walang lusot ang dahilan ko. Pero kasi . . .. hindi mo maiintindihan eh," wika ko at sinarado ang locker ko.



Sinundan niya rin ako nang lumabas ako ng locker room. Kagaya rin sa building namin dati sa Senior High, meron din kaming sariling locker room at cafeteria sa building namin. Iyong tinutukoy ni Wren na cafeteria kung saan nakakasama niya sina Emi kahit magkakaiba kami ng cafeteria ay ang cafeteria na located sa isang building na pang lahatan.



"See? Inamin mo ring umiiwas ka nga. How can you be so sure na hindi ko maiintindihan kung hindi mo naman sinasabi sakin ang problema?"



Tumigil kami sa gitna ng hagdan, leaning against the railway, I looked at her. "Hindi mo maiintindihan kasi pwedeng masira na naman ang pagkakaibigan natin. This is something na hindi ko na kayang sarilihin pero hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sayo. I'm sorry, Wren. . ."



Umiling siya sakin. She looks like she's confused. Naiintindihan ko 'yon. "You know what? You're so unfair. Habang sinusubukan kong wag kang mapalayo samin ni Emi because it has always been Amethyst to you, heto ka. Nagbibigay ng dahilan para lumayo kami sayo. Kung ito pala ang gusto mo, sana sinabi mo na agad," wika niya at tinalikuran na ako leaving me behind.



"Wren, wait!" I tried calling her pero hindi na niya ako nilingon pa.



Feeling weak, napaupo na lang ako sa hagdan and fisted my hair. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang kahit anong gawin kong subok na ma-lessen yung sakit na nararamdaman ko para sa pagkakaibigan namin, may masasaktan at masasaktan pa rin.



Nilingon ko ang pinuntahan ni Wren pero hindi ko na siya mahagilap. I'm fucking this up.



"Nag-away ba kayo ni Wren?" Sven asked when we reached his bike. Sabay kasi ulit kaming uuwi. "Pinuntahan niya ako sa isang class, galit na galit. Sabi niya, sinisira ko raw ang pagkakaibigan niyo."



Bumuga ako ng hangin, crossing my arms. Hindi malabong gawin 'yon ni Wren dahil si Sven lang naman ang malapit na pwede niyang pagbuntungan ng galit at inis niya.



"Wala 'yon. Nagkaroon lang nang kaunting pagtatalo," kinagat ko ang labi ko, lowering my head, hiyang-hiya. "She already caught me na gumagawa lang ng dahilan para maiwasan siya at Emi."



"Do you wanna talk about that?" Sven asks warily.



Tumango ako. "Kung hindi kita naaabala. At kung ayos lang sayo. Ang bigat din kasi sa pakiramdam."




"Ano ka ba, Rai. Hindi ka kailanman naging abala sakin. Lika nga rito," he motioned for me to come to him.



Lumapit ako at tumabi sa kanya. I crossed my arms and leaned on his chest. Sa ilang linggo kong naririnig ang tibok ng puso niya, nakakasanayan ko na. Bukod siguro sa presensya niya, this is what I'm leaving for na.



"Hindi niya maiintindihan, Sven. Kahit ipaliwanag ko sa kanya kung bakit kailangang masira ulit ang mga pamilya namin, hindi niya maiintindihan. Kung ako nga, kusang nagsara na ang utak ko sa mga pwedeng ibato sakin ni mama," I told him. "Nalulungkot na nga ako. Kasi hindi ako sanay na hindi siya kasama. Binanggit pa niya si Amethyst, iyon ang hindi ko gusto sa kanya. Lagi niyang kinukumpara ang sarili niya sa kambal niya."



Wren and Amethyst are fraternal twins. Kaya kahit kambal, hindi naman sila magkamukha. Isa pa, malaki ang pagkakaiba nilang dalawa. Siguro, may aspect na pwedeng pareho sila pero hindi ganoon na magkapareho. At never ko rin silang pinagkumpara kaya nakakalungkot na ganoon ang iniisip ni Wren.



"Hindi mo naman pinapafeel sigurong mas matimbang si Amethyst, diba?"



Agad akong umiling. "Of course not. I'm not that kind of person, Sven. At saka, mahal ko silang pareho. Pantay ang tingin ko sa kanila. Kaya nalulungkot ako sa mindset ni Wren."



"Gusto ka lang naman niyang makasama, diba? Sila ni Emi. Kaya bakit hindi mo samahan?"



Bumuga ako ng hangin. "Just like I said-"



"Hindi. Naiintindihan ko ang parteng 'yon. Pero Rai, labas na kayong dalawa ni Wren sa kasalanan ng mga magulang ninyo. Labas na kayo sa kung anong kabalastugan na ginagawa nila. Dapat nga kayo pa ang magkampihan kasi kayo ang nagkakaintindihan," paliwanag niya. He slings his arm over my neck. "At sigurado naman akong mahal ka ni Wren. Hindi siya mag-e-effort ng ganito sayo kung hindi. Kaya buksan mo rin ang isip mo sa nararamdaman niya."



Saglit akong natulala, thinking of what he said. May punto naman ang sinabi niya. Siguro nga masyado lang akong nag-overthink at nasaktan para sa aming dalawa.



"Normal pa rin namang sumama ang loob ko kaya pinili kong lumayo kasi nahihiya ako, diba?"



I felt him nodded. "Oo naman. Your feelings are valid, Rai. Pati yung nararamdaman ni Wren. Kaya wag mong isipin na baka mali ang nararamdaman mo kaya sinasabi ko 'to. Hindi ganon 'yon."



"Okay. I'll think about it. Magri-reach out na lang din ako sa kanya."



He patted my head saka ako humiwalay. "Thank you kasi nandito ka para pakinggan ako," dagdag ko. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka."



Natawa siya. "Ako na 'to, e."



I rolled my eyes on him. Pero tama siya. Siya na 'yan eh.



"Daan tayong 7 Eleven?" aya niya.



Tumango ako. "Tara."



"Bakit ngayon ka lang umuwi, Rai? Gabi na ah," bungad sakin ni mama.



I was shocked na nandito siya. Usually, mga ganitong oras, hindi ko na siya nahahagilap dito sa bahay dahil sa trabaho niya. Kaya nakakapanibagong maaabutan ko siya rito sa bahay.



Nilagpasan ko siya at umakyat sa kwarto ko. Dinig ko siyang sumunod sakin. May problema kaya siya? I know her. Hindi niya ako hilig buntunan. Nakalimutan na nga niya ang existence ko sa buhay niya. Kaya what is it that she's concerned about?



"Kinakausap pa kita, Rai. Bakit ngayon ka lang umuwi? Ganito na ba ang ginagawa mo porket wala ako? Nagpapariwara ka?"



For a second, I got offended. Hinagis ko ang bag ko sa kama at hinarap siya nang buksan niya ang ilaw ng kwarto ko.



"Wait, Ma. Bakit ang pressed mo masyado? Akala ko ba wala kang pakialam sakin?" hindi ko na napigilang tanong. "Kasi hindi ko maintindihan 'tong ginagawa mo ngayon."



Tumaas ang kilay niya at sumandal sa pinto ko. "Wala na ba akong karapatang pagalitan ka? Baka nakakalimutan mo lang na nandito ka pa rin sa pamamahay ko, Rai. Sabihin mo lang kung gusto mong lumayas na. Tutal, mukhang gusto mo yung hindi ka pinipigilan sa mga kabalàstugan mo eh."



Natawa ako at tinalikuran na siya. Kinuha ko ulit ang bag ko at kinuha ang mga gamit ko don para ilagay sa study desk ko. May quiz kami bukas sa Gen Math kaya hindi pwedeng hindi ako mag aral.



"Mag-aaral na po ako, Ma."



"Kinakausap pa kita, ha? Ganyan ka naba talaga kabastos, Rai?" pagri-raise niya ng voice sakin. "Alam mo, hanggang ngayon, nagsisisi akong naging anak kita. Kung sana sina Wren-"



"Ma, please. Wala ho kayong karapatang banggitin ang pangalan ni Wren o ni Amethyst sa harapan ko." Tumayo ako at nilapitan siya. "Buong buhay ko, pinagsisisihan ko ang nangyari kay papa at pati na rin kay Amethyst. Sige, I sama nannatin si Tita Kat. Lahat 'yon, Ma pinagsisihan ko. Simula nung tayong dalawa na lang ang naiwan, walang gabi na umiiyak ako. Pinagdarasal na sana ako na lang ang nawala para hindi ka na nanhihihirapan ng ganito. Pero sa tingin mo ba matutuwa sayo si Wren pag nalaman niyang niloloko niyo siya ni Tito Lukas?"



Nanlaki ang mga mata niya, hindi makapaniwalang may alam na ako. Noon pa man, madali nang mabasa si mama. Kaya nga kahit hindi ko siya tinatanong, ramdam ko ang galit niya sakin sa pagkawal ni papa.



"Anong . . . anong sinasabi mo?" nauutal na wika niya. "Hindi mo alam ang sinasabi mo, Rai. Kaya wala kang karapatang magsalita ng ganyan."



Inilingan ko siya. "You know what, Ma? Hindi naman ako tanga. Batong bato na nga ko dahil sayo. Palayasin mo ako, wala na kong pakialam. But it cannot change the fact na nakita ko kayo ni Tito Lukas sa Godimento Park. At magpasalamat kayo na hanggang ngayon, hindi pa alam ni Wren. Kasi kung wala akong karapatang magalit I'm sure si Wren, meron."



"Don't you dare tell-"



"Mag-aaral na po ako." Sinaraduhan ko siya ng pinto at sumandal doon, napadausdos paupo at nagtakip ng mukha para sa luhang kumawala. "Ang sakit sakit na . . ."



Bakit ba hindi na lang ako hayaan ng mundo maging masaya? Masaya bang saktan ako? Nakakaubos na. Simot na simot na ako.



Bumuga ako ng hangin when my phone buzzed. Tumayo muna ako at nilapitan ang phone na nasa bag. It was an unregistered number.



"Hello?" sagot ko sa tawag.



"Haven't I told you na hindi ka makakatakas sakin? Kahit anong gawin mo, sakin pa rin ang bagsak mo," his voice is full of confidence. "Hindi ko alam kung paano mo nagawang pabayaan na mawala ang vcard mo ng ganoon lang, Rai. I'm disappointed."



I massaged my temples. "Kasi wala kang mahihita sakin gaya ng sinabi ko sayo dati pa. Kaya pwede ba? Tantanan mo na 'ko?"



"Nabalitaan ko kay Wren, iniiwasan mo siya. Dahil ba sakin? Huwag kang mag-alala, hindi mo na kailangang gawin 'yon. Kasi sa oras na umiwas ka ulit samin, ako na mismo magsasabi kay Emi nang nangyari satin," pag-iiba niya ng usapan.



Bumuga ako ng hangin. Hindi ba pwedeng palutasin muna ako ng problema bago dagdagan?



"Do whatever you want, Geo. Wala na akong pakialam." I ended the call.



Napaupo ako sa kama. Anong gagawin ko ngayon?




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top