Chapter 2
A skin as fair as Snow White, a small but pointed nose, a pair of eyes that resembles Angelina Jolie’s, and a pale plump lips. This is what I see on the reflection. Oo, ito nga ako. Dressed in a white cardigan with white tube inside where it pairs in a black trouser. Lastly, a black choker as accessory.
Hindi ako handang umalis pero as if naman may choice akong huwag siputin ang eskwelahan. Ikatatlong absent ko na ‘to ngayong linggo. Ibig sabihin, dalawang araw lang ang pinasok ko. Noong Monday at ngayong Friday. Lately, nawawalan na akong ganang pumasok. Parang paulit-ulit na lang naman kasi ang nangyayari sa school. Wala ng bago. At nabuburyo na ako dahil doon.
Bitbit ang school bag ay bumaba na ako ng bahay. Wala akong naabutang anino ni mama. At nasanay na rin ako. Sa gabi lang naman kasi ako nagkakaroon ng pagkakataon na sabayan siya sa mga hinanakit niya. At tuwing umaga, daig niya pa ang mga multo sa paglalaho na parang bula.
Bumuga na lang ako ng hangin at tuluyan nang nilisan ang bahay namin. Paglabas ko ng Milieu Village ay saktong may tumigil na jeep sa may waiting shed. Naging mabilis ang hakbang ko hanggang sa makasakay ako sa jeep. Malayo-layo ang University of Sagezza, dahilan para maaga akong pumasok. Maaga na rin naman siguro ang second subject, diba?
“Ne, ang putla mo. Natutulog ka pa ba?”
Napabaling ako sa babaeng katabi ko. Hindi ko naman ugaling pumatol sa mga nakakatanda sakin. Pero wala ba siyang sariling buhay para magkaroon pa siya ng oras na punahin ang ibang tao?
Hindi ko na pinansin pero ayaw tumigil. “Tapos, ang payat mo pa. Hindi ka ba pinapakain sa inyo? Gusto mo bang magtrabaho para may pandagdag ka sa pag-aaral mo? Sakto—”
Kinatok ko na agad ang bubong ng jeep. Naririndi ako sa kanya. Masiyado pang maaga para masira ang araw kong sirang-sira na.
“Para po. Sa tabi lang,” wika ko at inabot na agad ang bayad.
Bumuga ako ng hangin nang makababa. Ang aga pa para sa trip ng ale. Though, matagal ng acknowledged na made for prejudice ang syudad na ‘to. Nakakatawa pa ring isipin na pinangangatawanan talaga nila. Mabuti na lang pwede na lang lakarin ang school mula rito sa 7 Eleven.
Pagdating sa gate, hinarangan agad ako ng guard. Ipinakita ko agad ang identification card ko para wala nang maraming satsat.
“Hindi itinatago sa bulsa ang I.D., Miss Miravalles. Sinusuot ‘yan,” sabi niya sakin.
Dahil late na ako at yamot pa doon sa babae kanina, hindi ko na pinansin si kuyang guard at naglakad na papasok ng school. Dumaan ako sa canopy kung saan may one way papunta sa building ng Senior High. Madali naman akong nakarating at naabutan ang mga estudyanteng nasa labas ng canteen which is sa left side. Sa right side naman ang locker hall namin na agad kong pinuntahan. Nasanay na akong iniiwan ang mga gamit ko rito lalo na kung wala namang kailangang aralin sa bahay.
Kinuha ko na lang ang mga libro at notebook ko para sa subjects na Creative Non-Fiction, Piling Larangan sa Filipino, at Investigation, Inquiries, and Immersion. Second semester na namin sa Grade 12. Ibig sabihin din, malapit ko nang pahirapan ang sarili ko sa pagpili ng kurso sa college.
Umakyat na rin ako sa third floor using the elevator ng school. Iyon kasi ang designated floor para sa mga HUMSS students. Hindi rin naman kami nagamit ng elevator unless needed or late na. My least concern ay ang mapagalitan dahil sa pagiging late ko.
“Whoa, the ever humble and dynamic council Vice President ay pumasok na. Hindi kaya masyado kang maaga para sa second subject?” bungad ng best friend kong si Wren.
Nilagpasan ko lang siya at pumasok na sa classroom. Nasa corridor kasi siya at nakikipagdaldalan sa mga kaklase namin. Naramdaman ko siyang sumunod hanggang sa maibaba ko ang bag ko sa upuan na katabi lang ng kanya. Dumapo agad ang mata ko sa upuan na nasa likuran ko. Walang tao.
“Nasa canteen si Sven kung siya hinahanap mo,” sabi ni Wren.
Nabigla ako ro’n. Pero bumawi rin agad. “Hindi ko siya hinahanap.” Umupo na ako sa upuan ko at umupo naman siya sa armchair niya.
“Himala at pumasok ka. Three days ka na namang absent. ‘Yong totoo, daig mo pa serial killer sa pattern ng schedule mo,” sabi niya.
I crinkled my nose. “Sa dami ng pwedeng ikompara, sa serial killer pa. May assignment ba?”
Inabutan niya ako ng kiss na lollipop. Kinuha ko naman ‘yon. Paborito niya ito na naging paborito ko na rin. Tamis kasi eh.
“Wala naman. Pero nag-announce na si Ma’am Annalyn ng group para sa Practical Research 2.”
Napasandal ako sa upuan. Magaling talaga ang Tadhana. Alam niya kung kailan ako dudurugin nang malala. Hindi ko na matandaan kung paano ko naipasa ang Practical Research 1. Kaya heto at binibigyan na naman niya ako ng panibagong sakit ng ulo.
Pumahalumbaba ako. “Sino raw kasama ko?”
“Sino pa ba? Edi kami ni Sven!” masaya niyang anunsyo. “Tapos, sina Nathan at Francis.”
Napaayos ako ng upo. Nabawi ang badtrip ko kasi puro mga nasa honor roll kami. Hindi ko alam kung challenge lang ba samin ‘to or gusto ni Ma’am Anna na makita kung paano mag-split utak namin.
“Talaga? Edi mabuti,” nakahinga ako nang maluwag.
Natawa si Wren. “Edi masaya ka na naman niyan kasi matitino kasama mo.”
Inilingan ko siya. “Alangan naman gusto kong magkaroon ng kasamang pabuhat, diba? Mindset naman, Gonzales.”
“Whatever.”
Namataan kong pumasok si Sven sa classroom in his usual state. Parang laging antok: magulo ang buhok, walang pakialam sa paligid niya, at parang palaging bad mood. Well, mabait naman si Sven. ‘Yan lang talaga ang default mode niya. Kapag nakikita ko siya, mas lalo akong nagkakaroon ng rason para tamarin pumasok. Siya ba naman parati mong kasama tapos parang feeling niya wala ng patutunguhan buhay niya. Magkakaroon ka pa kaya ng drive niyan para magpatuloy?
Dumeretso siya upuan niya sa likuran ko at nagmukmok. Napatingin kami ni Wren sa kanya. Kinatok ni Wren ang armchair niya kaya nang umangat ang ulo niya ay nagtama ang mga paningin namin.
“Nandito na si Vice,” sabi ni Wren.
Kumaway ako kay Sven. Again, hindi ko mabasa yung nasa utak niya. “Grupo raw tayo sa PR 2?” pangungumpirma ko.
“Oo, ako leader kaya huwag kang umabsent kung ayaw mong tanggalin kita sa listahan.”
Napangiti ako. Another nice. Siguro, kabisado na ng mga ‘to na kahit achiever ako at gusto kong makasabit sa mga honors and another awards, alam nilang hindi nila ako maaasahan. Ayoko kasing mag-leader. Ayoko yung thought na may expectations sila sakin tapos kapag hindi ko na-live up yung expectations na ‘yon, masisira ko mga tiwala nila.
Kung dati, noong kaya ko pang maging active at may will pa ako to do things on my way—baka nag-volunteer ako. Kaso nakakapagod. Kung expectations nga ni mama, hindi ko ma-live up. Sa ibang tao pa kaya?
The bell rang which made my classmates go frantic at nagsibalikan sila sa mga upuan nila.
“Good morning, class.”
The sound of the books which was dropped on the table by Miss Glyssa made me flinched. Lalo na nang magtama ang mga paningin namin na nagpalunok sakin. Tumagal ng ilang segundo ‘yon bago siya nagsalita: “Miss Miravalles, I am inviting you to go to my office after this class.”
Nang umiwas siya ng tingin ay tahip-tahip na ang kaba na nararamdaman ko. The power Miss Glyssa holds. Pero sino ba naman kasing hindi kakabahan kung i-invite ka nga sa office niya—sa office of the Guidance Counselor pa.
“Everyone, get your Creative Non-Fiction books and turn the page on page 144.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top