Chapter 19
“Anong ginagawa mo rito?” Sinarado ko ang gate namin at hinarap si Sven na nakasandal sa motor niya. “Hindi ko naman sinabing sunduin mo ‘ko.”
Lumapit siya sakin at tumayo sa tabi ko. “Dalawang linggo mo na akong ini-ignore, Rai. Hindi na rin kita ma-contact. Nag-aalala ako sayo.”
Right. Sinira ko na kasi ang simcard ko matapos kong umalis sa bahay ni Geo. Ginawa ko ‘yon para hindi niya ako ma-contact o sa kahit na sino sa kanila, dahil wala akong lakas ng loob para harapin sila.
Sinuklay ko ang buhok ko at nilampasan si Sven. Maski kay Sven, hindi ko na kayang humarap. Kung malaman niya ang ginawa ko, malamang, magagalit siya. Baka pandirian niya ako. Layuan. Hindi ko kayang panoorin siyang talikuran ako kaya ako na ang gumagawa.
“Walang nangyari. Ayos lang ako,” sabi ko sa kanya at lumapit na lang sa bike niya. Hinaplos ko ang upuan at tiningnan siya. “Papasok na tayo, diba? Tara na. Baka ma-late tayo.”
Mukha siyang hindi convinced. Titig na titig lang siya sakin. Kilala ako ni Sven, higit pa sa kung anong alam ko sa sarili ko. Minsan, nagugulat na lang ako na may natatandaan siyang bagay na ginagawa ko, na ako mismo, nakalimutan kong ginawa ko pala.
“Kumain ka na ba?” pag-iiba niya ng usapan. “Daan muna tayong 7 Eleven.”
Nagkibit-balikat ako. “Ikaw ang bahala,” sabi ko sa kanya. Gutom rin naman ako.
Wala akong maramdaman kundi pagod. Wala nang saysay ang buhay ko. Pero alam ko sa sarili kong hindi ko rin naman kayang iwanan si mama. Nung nakaraan din, bumalik na siya rito sa bahay. Pero hindi ko na siya pinansin. Hindi ko kaya. Kasi anong pag-uusapan namin?
Kung gaano niya kamahal si Tito Lukas? Kung paano niya tinraydor si Wren pati na rin ako? Kaya iyon na lang ang kaya ko. Parang nawalan na rin ako ng pakialam kahit palayasin niya ako ulit dahil hindi niya ako kayang harapin.
Dahil sa mga panahong ‘to, wala na rin akong ganang harapin siya.
“Anong gusto mo?” tanong ni Sven nang makapasok kami sa 7 Eleven.
“Cup noodles bulalo saka C2 kung meron,” sabi ko sa kanya at umupo na sa tool.
Ang gaan ng pakiramdam ko. Pero hindi yung gaan na parang nakakahinga ako nang maluwag. Ito kasi, parang klase ng gaan na nakakawalang gana na gumalaw. Ito yung klase ng gaan na para akong sinasakal ng hangin na nilalanghap ko.
“Hintayin mo ng 3 minutes,” sabi ni Sven nang ilapag sa harapan ko ang cup noodles at C2. “Bayaran ko lang ‘to.”
Pinagmasdan ko lang siyang magbayad sa cashier habang nakapahalumbaba. Gusto ko si Sven. Gustong-gusto ko siya. Para sa lahat ng nagawa niya para sakin, para ngang mahal ko na siya.
Pero hindi ko alam . . .. parang hindi ko siya deserve. Parang hindi siya ang para sakin.
“Huwag mo munang kainin, ha,” wika niya at umupo sa tabi ko.
Natawa ako. “Nakita mo bang binuksan ko? Hindi, diba?”
Bumili din siya ng pagkain niya. Hotdog in bun. Sana iyon na lang din ang binili ko para magkasalo kami. Ayoko kasi yung mindset na hihintayin niya pa ako para lang gawin yung thing niya.
Naks naman, may kayo? Daig niyo pa may relasyon ah. Epal ng intrusive thoughts ko.
“Masaya naman akong kasama, diba?” tanong niya sakin.
Tumaas ang kilay ko at hinarap ang cup noodles. Lumalabas ang maliliit na usok doon. Usok na hindi mo mapapansing umaawas na pala kung ‘di mo pa bubuksan ang lid.
“Oo naman,” sagot ko sa tanong niya. “Bakit? May nagsabi ba sayong hindi? Sino para masuntok ko.”
“Kaya mo bang makipagsuntukan sa sarili mo?” natatawang wika niya. “Magmumukha kang tanga.”
“Baliw ka pala, eh. Kailan ko ba sinabing hindi ka masarap kasama?” Kung sa sobrang sarap mo ngang kasama, nahulog na ‘ko sayo. “At saka, ayos lang magmukhang tanga. Basta cool pa ring tingnan.”
Humalakhak siya habang umiiling. “Mukha ka na ngang tanga, cool pa rin ba ‘yon?”
“’To naman pinapatawa ka lang. Sven, kahit kailan, hindi ko naisip na hindi ka masarap kasama.”
Ngumiti siya. “Pero iyon ang nararamdaman ko, Rai.” Napayuko siya at sinimulang lagyan ng cheese at ketchup ang hotdog in bun niya. “’Yong hindi mo pagsagot sa tawag at text ko, feeling ko, pinagsarhan mo na ‘ko ng pinto sa buhay mo.”
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko, hindi malaman ang sasabihin. “Paano ba ‘to . . . uhm, Sven kasi. Ano—”
“Ano?” putol niya sa sasabihin ko. “May iba ka ng kaibigan? Ayaw mo na sakin?”
Umiling ako. “Don’t freak out, okay?”
“Ano nga ‘yon, Rai?”
Bumuga ako ng hangin at inangat ang kamay ko para ipakita sa kanya ang laman under my sleeves.
Natulala siya. Walang masabi.
Pero what he did next melts my heart. He hugged me. It was a tight one. Tama lang para mapatunayan ko lalo na sa kanya lang ako makakampante. Sa kanya lang ako mahuhulog nang paulit-ulit.
Why can’t it be us, Sven?
“Hello, Rai! T-in-ext ako ni Emi. Sabi niya, sabay daw tayong mag-lunch?” sabi ni Wren matapos niyang pumumta sa room namin. May one hour vacant kasi kami and hindi kami same section. “Hindi kita ma-text kasi sinabihan ako ni Sven na wala ka raw sim card ngayon.”
Habang pinagmamasdan ko ngayon si Wren, mas lalo lang nadadagdagan ang kaba na nararamdaman ko. Mas lalo lang akong natatakot. Mas lalong lumalala yung anxiety ko na baka dumating ang araw na talikuran na niya ako.
“Sorry, Wren. May kailangan pa kasi akong gawin eh. May meeting kami sa council,” sabi ko sa kanya. “Pakisabi na lang kay Emi na sa susunod na lang.”
Mukha siyang disappointed. Pero maayos na rin ‘yon, tatandaan ko na lang ang mukha niyang ‘yan bilang ganyan din ang magiging expression niya kapag nalaman niya ang tungkol sa parents namin.
“Ganoon ba? Osige, pero kung umabot ka, puntahan mo kami, ha? Nasa canteen lang kami,” malungkot na wika niya.
Tinanguan ko siya at kinawayan. “Oo, salamat.”
I’m sorry, Wren. I just couldn’t afford to let myself be with you.
“Talaga bang ipapakilala mo na ko sa kanya, Rai?” tanong sakin ni Sven nang makapasok kami sa Deces Memorial Park.
Malayo pa ang undas pero ramdam ko na yung lamig ng lugar. Siguro kasi lonely yung mga tao rito, walang bumibisita or pumupunta sa kanila. Dumiretso na agad kami ni Sven sa mausoleum ni Amethyst.
At picture pa lang niya ang nakikita ko, gusto ko nang tumumba agad. Parang hindi ko pa yata kaya. Parang gusto ko na munang umuwi at magpanggap na hindi ako pumunta rito ngayon.
“Okay ka lang?” tanong ni Sven, nakaalalay sakin. “Sigurado ka bang kaya mo?”
Umiling ako. Iyon ang totoo. “Pero gusto ko siyang makausap, Sven . . .. ang dami kong gustong sabihin sa kanya.”
Hinaplos ni Sven ang braso ko. Dama ko ang pagtindigan ng mga balahibo sa batok ko. “Okay,” he breathes. “Sasamahan kita.”
“Thank you,” wika ko.
Inalalayan niya akong makapasok sa mausoleum ni Amethyst. Nag-squat kami dahil wala namang ibang mauupuan. Nang hinaplos ko ang pangalan sa mausoleum niya, gusto nang mawasak ng puso ko.
In Loving Memory of Amethyst Gonzales
March 3, 2002-May 5, 2kkk
“You’ll remain alive in our hearts…”
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. Ramdam ko ang pagpiga ni Sven sa balikat ko, sinasabing nasa tabi ko lang siya.
“Nandito na ako . . .” buga ko. “Ang tagal na rin, Amy. Lagi na lang ikaw yung pumupunta sakin . . .”
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin tanggap. Hinding-hindi ko na yata matatanggap pa.
“I’m sorry, Amy. If . . . if it took my years to go here . . .. to visit you,” I murmured, pilit tinatatagan ang loob ko. “Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Masyado akong kampante na palagi kitang nararamdaman. Na parati kitang nakakausap sa isip ko. Pero Amy . . . miss na miss na kita.”
I smelled the flowers I bought for her, it was her favorite flower, the tulips. Nasa gilid ng pangalan niya ang picture niya at mas lalo akong nasaktan dahil ang bata-bata niya pa ro’n. At alam ko sa sarili kong habang buhay na siyang magiging bata.
“Hindi ko na matandaan ang boses mo. Kasi it is just all in my head, Amy. Na minsan, sariling boses ko na ang naririnig ko,” sabi ko pa. “Babalik ka pa ba? Babalikan mo pa rin ba ako?”
“Wag naman sana,” bulong ni Sven. “Hindi pa ako handang sumama ka sa kanya.”
Natawa ako at inakbayan si Sven. Napabitiw siya sakin. “This is Sven, Amy. The friend that I’ve met nung iwanan mo ako. He promised to never leave me, Amy. Tingin mo, dapat akong maniwala?”
Ginulo ni Sven ang buhok ko kaya natawa ako. A genuine one. Parang sa kanya ko na nga lang nagagawang tumawa ng ganito. Kasi parang siya na lang din ang may kakayanang patawanin ako.
“Hindi ko pababayaan ‘tong kaibigan natin, Amy. Pangako.” Sinaluduhan niya si Amethyst na mas lalong nagpatunaw ng puso ko. “Siya lang din meron ako nung mga panahong wala si mama, e. Nagkikita na nga siguro kayo diyan. Matagal na rin nung huli kong bisita sa kanya. Kaya sana kapag nakita mo siya, pakibalita na masaya na ang anak niya. Masaya ako kay Rai.”
Binatukan ko si Sven. “Inutusan mo pa yung best friend ko, e.” Bumuga ako ng hangin. “Masaya rin ako kay Sven, Amy. Siya yung isa sa dahilan kung bakit tumigil na ako mag-hope na sumunod sayo. I’m sorry, Amy. I promised. Pero kahit na ang hirap ng situwasyon ko ngayon, parang hindi ko pa sila kayang iwanan.”
Hinaplos niya ang buhok ko at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Saglit kaming natahimik habang pinagmamasdan ang picture ni Amethyst. She looks happy. Just like what I’ve always imagined, she’s in her bob cut. Maputi. Expressive ang mga mata.
Kung pwede lang, habang buhay kong makita ang mga ngiti niyang ‘yan.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Sven nang sumandal siya sa rails, katabi ko. “Kanina ka pa tahimik.”
Umiling ako. “Hindi ako okay, Sven,” kinagat ang labi para mapigilan ang mga luha na namang nagbabadyang tumulo. “Nilalayuan ko ngayon si Wren kasi nangyari na naman eh. Nasira na naman ang mga pamilya namin. At hindi ko alam kung bakit kailangan na namang mangyari nito.”
Hinila niya ako sa braso at hinarap sa kanya. Hindi siya nagsalita at tahimik akong yinakap. Segundo, minuto ang lumipas, hindi ko na napigilan ang sarili kong tumulo ang mga luha. Humigpit ang yakap ko kay Sven habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.
“Hindi ko kayang mawalan ng kaibigan ulit, Sven. Hindi ko kayang mawala sakin si Wren . . .”
Hinaplos-haplos niya ang likuran ko. Ramdam ko ang pagpatak niya ng mga halik sa forehead ko. It feels light. At sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko sa ginagawa niyang ‘to, tinulak ko siya palayo sakin at tinalikuran.
“Masisira ang pagkakaibigan natin, ayokong pati ikaw mawala sakin,” wika ko habang niyayakap ang sarili.
This is so out of context. Bakit ngayon pa kailangang umatake ‘tong puso ko? Bida-bida yarn?
“What do you mean, Rai?” mahinahon ang boses niya, halatang maingat. “Bakit pati ako?”
“Dahil gusto kita!” sigaw ko sa kanya nang humarap ako. “I can’t look at you the same way I’ve looked at you before. Gusto kita, Sven. At hindi ko alam . . .. baka mahal na rin kita.”
Bumaba ang kamay niya sa gilid niya, completely surrendering. Napayuko siya, walang sinasabi.
“See? Mawawala ka na rin sakin—”
“Ano namang problema kung gusto mo ako, e gusto rin kita,” putol niya sa sinasabi ko. “Matagal na. Pero hindi ko alam kung paano sasabihin . . .”
Hindi ako makapaniwalang napatulala sa harap niya. “Ano . . .?”
Umiling siya, humakbang ng isang beses palapit sakin at tumama na naman ang ulo ko sa dibdib niya. Dinig na dinig ko kung gaano kalakas ang tibok ng puso niya.
“Gustong-gusto kita, Emraida Miravalles. Heart, mind, body, and soul. Sayong-sayo,” he whispered in my ear. “Kaya hindi mo kailangang matakot kasi hindi ako mawawala sa tabi mo.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top