Chapter 18
“Amethyst, please go back. Take me with you, please… ang sakit sakit na, Amethyst. Gusto ko na lang mawala,” I shouted at the depths of Raauha West Bridge.
My heart feels heavy, like it was carrying the whole world. Para ring hinihiwa ‘yon at the same time. Hindi ako makahinga nang maayos, super bigat sa pakiramdam.
The wind blew my hair and it added to the pain I’ve been feeling. Hindi na ako sigurado kung alin pa ba ang totoo sa hindi dahil parang halos lahat ng bagay na nakikita ko sa paligid, may hindi tama.
My back crashed on the rails of the bridge, head bowing as I put my face on my hands, covering it. Hindi ko na naituloy na tawagan si mama right after we saw them sa Godimento. It is like all of my worries were blown by the wind and all that’s left is shame.
Panigurado akong hindi alam ni Wren ang nangyayaring ‘to. At sa isipin palang na ‘yon, hindi ko na alam ang gagawin ko. Wren was hurt as I am nung mga panahong nawala samin si Amethyst, si Tita Kat, at si Papa Kairo.
Tapos…tapos ngayon. Napailing ako.
My phone buzzed. I fished it inside my pocket and when I saw who the caller was, I immediately answered it.
“Nagkaresulta na ba ang pagno-novena ko at sa unang tawag ko palang, sinagot mo na—”
“Take me away from here,” I cut him off. “Ayoko na rito, Gideon.” I cried as I shook my head, thinking that he was in front of me. “Sawang-sawa na ako. Pagod na pagod na ako.”
“Where are you?”
I suffocated on my breath, the heavy feeling in my heart increases every time I release an air. “Sa…sa Raauha. Please come here…please.”
Narinig ko ang pagmamadali niya sa kabilang linya. Ang pagbukas at pagsara ng pinto hanggang sa pagpapaandar niya ng kotse.
“Ano bang nangyari? Bakit umiiyak ka na naman?” Geo demands. “Don’t hang up the line and stay put. Wala kang gagawin na kahit ano sa sarili mo. I’ll be there at 10.”
The line went dead. Tumingala ako sa kalangitan at hinayaan ang mga luhang kusang lumandas sa pisngi ko. I gathered both of my knees and put my face in between.
Ganoon na ba talaga ako kamalas sa pamilya? Hanggang kailan ba magiging ganito ang buhay ko? Bakit halos lahat na lang kailangang bawiin sakin?
Hindi na ba talaga ako pwedeng maging masaya?
Hindi nagtagal, narinig ko ang kotse na tumigil sa harapan ko. Dinig ko ang pagbukas, pagbaba ng isang tao at pagsara ng pinto ng kotse.
“Emraida, anong ginagawa mo rito.” I felt Geo went beside me at nang tingnan ko siya, gone was the Geo na walang ibang ginawa kundi ang inisin ako. “Ang lamig ng panahon, o.” He took off his polo and put it on my back.
Umiling lamang ako. “Gusto kong umalis rito. Take me away from here, please…”
Inayos niya ang buhok ko at inipit iyon sa aking tainga. Pinunasan niya rin ang luha ko at inalalayang makatayo. Hawak niya ang braso ko hanggang sa pagsakay ko ng kotse niya saka siya umikot upang makasakay rin sa driver’s seat.
“Saan mo gustong pumunta?” he asked, I did not sense any sarcasm on his voice or even the teasing. Looks like he got some sense on his head. Or talagang may time lang talaga na inaatake siya ng nakakairita niyang pag-uugali.
“Kahit saan.”
The whole drive was silent. Thankful na lang ako na hindi ako pinapaandaran ni Geo ng mga hirit niya ngayon kasi katahimikan lang talaga ang gusto ko sa ngayon.
“I’ll take you to my apartment,” he said, inikot niya ang kotse niya papunta sa Raauha East Bridge.
I can’t help but admire the bridge. The place was still alive at this hour, may mga tao pa rin na naglalakad sa bridge. Bukas pa ang mga stalls, mini-restaurants, at daig pa nito ang may festival.
Ibang-iba talaga sa other side ng La Douleur. Makikita mo kung paano nagkakaroon ng division sa tatlong part: Elite, The Middle Class and The Slums. This part also speaks in what part of the community Geo belongs to. Hanggang purgatoryo lang ang inabot ko.
But what shocked me is when we entered the elite village that is exclusively for rich families living here at La Douleur. Gusto kong pulutin yung panga ko na nalaglag habang dinadaanan ng kotse ni Geo ang mga naglalakihan at magagarang bahay sa village na ‘to. Umikot pa kami sa kabilang street pero walang nagbago. Ang gagara pa rin.
When Geo pulled over in a house, similar to the other houses almost looking like a mansion. Sabog na ang utak ko. I feel overwhelmed kasi dang . . . ganito kayaman si Geo?
“Anong klaseng apartment ang tinutukoy mo?” I questioned him, jaw dropping, mindblowing. Kasi boy, it was beyond my expectation. “Hindi ito apartment. Mansion ‘to, Gideon.”
He chuckled before going down his car. Umikot siya para pagbuksan ako. He never loses his smile.
“Don’t you know na alam ko lang na existing ang village na ‘to sa La Douleur dahil sa mga walang sawang kwento ng mga kaklase kong shopaholic? Pero wow . . . . nag-materialize na siya ngayon,” kwento ko. Hinarap ko siya pero napailing lang ako. “Nawala yung gana kong magdrama. Parang ang expsensive magdrama rito, e.”
Pero tumawa lang talaga siya. Nakakatawa naman talaga reaction ko.
“Look. Save your comments when we get inside.” Hinila na niya ako at pumasok na kami sa gate. Malawak ang harap ng bahay niya. Malago ang grass. Typical na arrangement ng labas ng bahay ng mga mayayaman—may mga flowers pa, e.
“Ikaw lang ba mag-isa rito?” I asked him warily. “It seems lonely.”
Kung gaano kaganda sa labas ng bahay niya, hinigitan pa yata ng loob. Ang ganda ng interior design. May chandelier pa rito sa living room. Pero iyon nga, mukhang mag-isa lang siya dahil hanggang ngayon, wala pang butler na sumasalubong samin or maid man lang. Just like in the movies or books.
“That’s the bitter taste of growing up with a golden spoon in your mouth, Rai,” he tells me, making me sit on the couch. His voice is in a low tone. “Damang-dama ko ang pag-iisa dahil buhay ng mga magulang ko ang pagtatrabaho.”
I kind of understand him. Pamilya ko ngang hindi naman ganoon kayaman, di tulad niya. Uhaw pa rin ako sa atensyon at pagmamahal ni mama na hindi ko alam. Hindi rin ako sigurado kung masusuklian pa ba. Bumuga ako ng hangin.
“Siguro sa mga nagkukumahog magtrabaho, sa mga matataas ang pangarap, at gustong may ma-provide pa para sa pamilya nila—masaya ang magkaroon ng pera. Kasi ganoon naman, right?” Tiningnan niya ako, may kalungkutan sa mga mata niya. “Kapag may goal tayo sa buhay or may gustong maabot—hindi natin tinitigilan. Money can buy happiness in aspects na alam nating kailangan talaga natin sa buhay. Pero sa mga kagaya ko, hindi nabibili ng pera ang kasiyahan ko. Lalo na ang pagmamahal.”
Hindi ko napigilang pagmasdan si Geo. Lahat ng mga sinasabi niya ngayon sakin, lahat ng naririnig ko sa kanya, iyon ang mga bagay na hindi ko inakalang maririnig ko. Lalo na sa impression na una niyang pinakita sakin.
Puro inis lang naman kasi ang nararamdaman ko sa kanya kaya nakakagulat na may nasasabi pala siya or may sarili siyang opinion sa mga nangyayari sa paligid niya.
Napayuko ako. I’m not ashamed of my attitude towards him kasi hindi talaga ako natutuwa sa mga ginagawa niya sakin. At the same time, hindi ko rin naman aakalain na ishi-share niya sakin ang piece na ‘to ng pagkatao niya.
“I guess, I judged you too much.” I shake my head, sighing. “Ayoko lang kasi ng drama sa buhay ko na it’ll come a time that I had to betray a friend. Mahal na mahal ko ang mga kaibigan ko, Gideon.”
He cupped both of my cheeks and made me face him. I can’t fathom the emotions showing in his face. It looks like he was born to keep himself intact. Kaya hindi ko maintindihan kung paanong nagawa niyang ibahagi sakin ang tungkol sa sarili niya.
“Maybe, it is really a sin that I had fallen for you the same time that I’m in a relationship with Emi,” he explained. “Pero can’t you blame me, Rai? Na ang puso, hindi dalawa pero kayang magmahal ng higit pa. Hindi ko naman inakalang magugustuhan kita. Akala ko, nung una kitang nakita sa Raauha West Bridge, weird lang na tumibok ang puso ko para sayo. Na gusto kong mapansin mo. Na gusto ko ng atensyon mo. Pero hindi eh . . .”
Napalunok ako at humiwalay sa pagkakahawak niya. This is all wrong. Ang pagpunta ko rito. Ang pagtawag ko sa kanya. Ang pag-iisip ko na baka pwede . . . baka pwede kong tanggapin ang nararamdaman niya sakin. Pero hindi. Naiisip ko si Emi. Naaalala ko ang mga tawa niya.
Pati na rin ang sinabi ni Wren na walang makakapagpahiwalay saming tatlo. Nawala na si Amethyst sa amin, hindi ko kayang pati si Emi, mawala.
I felt stiffened when I felt Geo’s hot breath on my neck and his arms wrapping around on me. “Rai, it hurts. It feels hurt saying this but . . . I love you. I love you, Rai.”
Napatayo ako sa gulat dahil sa sinabi niya. Malakas ang kabog ng puso ko at hindi makapaniwalang timitigan siya. I couldn’t find the right words. Halo-halo na rin ang mga iniisip ko.
“Gideon, hindi pwede!” I shouted at him. “Girlfriend mo si Emi. Hindi pwedeng mahalin mo ako!”
Tumayo na rin siya, mabilis ang pagtaas at baba ng dibdib niya. Halatang nagpiligul, halatang maraming gustong sabihin. He towered over me and I took a step back, shaking my head. This is just a dream. Hindi pwedeng mahal niya ako tapos mahal niya rin si Emi.
“Bakit hindi pwede, Rai? Wala na ba akong karapatang magmahal ngayon? Hindi ko na ba pwedeng maramdaman ‘to?” Lumapit siya sakin at hinawakan niya ako sa dalawang braso. “I didn’t ask you to love me back! What I’m asking you is to acknowledge what I feel! You made me feel things that I didn’t know na mararamdaman ko ulit, Rai!”
Buong lakas ko siyang tinulak at tinalikuran. Aalis na lang ako. Kung nahihiya na ako harapin ulit si Wren matapos nang nakita ko kina mama. Ayokong pati kay Emi, wala na akong mukhang maihaharap pa. Pagkatapos nito, sasabihin ko na sa kanya. Geo doesn’t deserve her.
“Rai, sandali! Rai!”
He managed to pull me back when I got out of his house. Hinarap ko siya at sinampal. Buong lakas niya akong hinila at pinasok ulit sa bahay niya. Napalitan lahat ng admiration ko sa bahay niya into hating it. I feel disgusted. Totally opposite sa inakala kong magandang presence of relaxation ang lugar na ‘to.
“Tigilan mo na ‘ko, please! Hinding-hindi ko mababalik ang nararamdaman mo. Hinding-hindi ko matatanggap ‘yon!” I told him. “I can’t lose another friend, Gideon. Hindi ko kayang pati si Emi, mawawala sakin. Please, please. Tigilan mo na ‘ko!”
Tears started streaming down my cheeks. Tinulak ko siya at napadausdos na lang ang likuran sa pintong sinarado niya pagkatapos akong hilahin papasok ulit ng bahay niya.
“Please . . . ayoko na,” I sobbed. “Mag-isa na lang ako, Gideon. Mag-isa na lang ako . . .”
Umupo siya sa harapan ko. Pero hindi ko siya kayang harapin kaya tinakpan ko ng kamay ko ang mukha ko.
“Hindi ka mag-isa, Rai. Hindi ko hahayaang maging mag-isa ka,” mahinang wika niya. “Natatakot din naman ako, Rai. Alam kong mali. Alam kong hindi tama. Pero, pero ito ang nararamdaman ko, e. Hindi ako duwag para hindi harapin ang nararamdaman ko.”
Bakit kasi kailangang ako pa?! Bakit kailangang sakin mo pa maramdaman?! I wanted to shout this at him. Pero masyado nang ubos ang lakas ko para makipagtalo pa.
Kinuha niya ang kamay ko away from my face and tipped my chin up. This time, the emotions were overflowing his face. The fright, the love, the willingness to fight for his feelings. It is all-in-one.
“Kung natatakot ka dahil pakiramdam mo, tatalikuran ka na ng mundo. Rai, I’m willing to drown myself just to be with you,” Geo says, while caressing my face. “Lahat kaya kong gawin, matanggap mo lang ako at ang nararamdaman ko.”
I took a deep breath. Without a word, I took a fist on his collar, crashing his lips on mine. Nawala lahat ng iniisip ko. Si mama, si Tito Lukas, si Emi, si Wren at kahit si Sven. Nakalimutan ko kung nasaan ako, kung sinong kasama ko at kung bakit ko ginagawa ito.
Umabot na kami pabalik sa couch at inupo niya ako roon, taking off his polo and mine. Saglit siyang humiwalay sa halik namin at hinaplos ang pisngi ko.
“Ikaw lang ang magiging mundo ko, Rai. Wala ng iba.”
“Paano si Emi?” I asked him, breathless.
“Walang Emi, Rai. Ikaw at ako lang . . .. tayo lang.”
I didn’t say a word and just kissed him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top