Chapter 17
“Filling of COC na para sa new Supreme Student Council ng college department, Rai. May designated partylist na, na binigay sakin si Chairman. Tatakbo ka ba ulit for Vice President?”
Nakatambay ang barkada namin ngayon dito sa mansion ng mga Sevaños. Pinag-uusapan na rin namin yung mga balak naming gawin ngayong college.
“Do you think I’d still be fit for the position?” I asked her. “Personally, feeling ko hindi na. Lalo na’t napakarami kong lapses sa position ko nung huling taon ko sa Grade 12.”
Tiningnan ko si Eos na hinahaplos yung friendship knot na nasa kamay ko. Hindi ko tinatanggal ‘to kasi nagbabaka sakali pa rin akong makita ko ulit yung babaeng nagbigay sakin nito.
“To be honest, uminit talaga ulo ko sayo that time. Kasi it feels like you left me in the air. Ako sumalo lahat ng gawain mo. I’m just glad that I’m with Therese. Kahit na well, kaya ko naman.” Umalis siya sa rails ng terrace at humarap sakin. “But the Chairman said that I should give you the benefit of the doubt kasi maganda ang tandem natin.”
“Kahit ako kinabahan nung unang kaming nagkita ni Rai,” singit ni Alvara sabay tawa. “Akala ko hindi na ako makakapasok ulit eh.”
Napailing ako. Wala naman sa student handbook namin na pagbawalan ang mga estudyante na magkaroon ng sideline, kaya alam kong hindi ko rin susuwayin si Alvara no’n. At saka, wala ako sa ulirat nung mga panahong ‘yon para mapansin pang nag-aaral pala siya sa Sagezza.
“So you’ve met already?” Daya asked. “Saan naman?”
“Sa Epineio,” I answered. “Birthday ng kababata ko that time.”
Tumango-tango naman si Alvara bilang pag sang ayon. They looked convinced and did not ask further kaya nakahinga ako nang maluwag.
“This is cute,” wika ni Eos habang nasa friendship knot pa rin ang pansin. “Saan mo binili ‘to, Rai?”
Bumaba ang tingin ko sa friendship knot at umiling. “Hindi ko binili. This was given to me by a stranger. Dati sa Raauha.”
Papalubog na naman ang araw. Maya-maya, magkakayayaan na kaming umuwi. Minsan na lang kasi kami magkita-kita dahil may mga sarili kaming ganap sa buhay. Isa pa, wala rin naman kaming means of communication.
“Now what, Rai? Sasama ka ba sakin sa filling?” tanong ulit ni Hiraya.
Tumango ako. “Okay, game.”
“Thank you talaga sa pagsundo sakin, Sven. Alam kong out of the way na yung bahay namin pero dumaan ka pa rin talaga,” sabi ko nang makababa kami sa motor niya.
He slings his arm over my shoulder. Napatingin ako don. Binalik ko rin naman sa harap ang tingin nang magsalita siya.
“Para mo na ring sinabing hassle ka sakin. Wala ‘yon, Rai. Mabuti nga ‘yon kasi hindi ka na nahirapan maghanap ng sasakyan.”
Nang makarating kami sa quadrangle, marami ng tao. Oo nga pala, pumasa ako sa admission ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino kaya iyon ang ipapa-enroll ko.
“Rai, Alaric, nandito na pala kayo!” sinalunong kami ni Wren, she was all smiles, halatang excited nang mag-enroll. “Magkahiwalay tayo ng building, diba?”
Bumitiw sakin si Sven at kinuha ang flow chart niya sa bulsa. “Oo, magkaiba. Pero magmi-meet tayo ulit pag sa cashier na. Napag-usapan naman na natin yung subject na dapat parehas tayo, diba?”
Tumango kami ni Wren. Dalawang subject lang naman yung magkakasama kami, sa PATHFIT and NSTP lang since iyon lang ang minor subject samin ni Wren. The rest, major.
“Okay, then see you later. Text lang kayo sakin pag may nangyari,” bilin niya.
“Bye, Alaric!” Kumaway pa si Wren sa kanya bago kami tumalikod. “So where are we going first?”
Tinawanan ko siya. “What if check mo yung flow chart mo para alam mo, diba?”
Tumawa rin siya at napatampal ng noo. “Right. Sabi ko nga. Well, sa Chairperson muna tayo ng department natin then going to the registrar and sa NSTP natin. I guess, dito tayo magmi-meet nina Sven mamaya.”
“Well, sana ihuli niya rin ‘yon.” Pumasok na kami sa Welfare Building dahil nandito lahat ng office ng mga faculty and staff ng University of Sagezza. “Elevator na lang tayo. Nakakatamad gumamit ng hagdan.”
“For sure naman since iisa lang naman flow chart natin, ‘no,” she told me saka kami pumunta sa elevator. “True. What’s the use of the elevator kung hindi gagamitin, diba?”
Deep inside, ginagaslight na lang namin mga sarili namin sa katamaran naming gumamit ng elevator.
“Anyway, do you know na ba na the couples are transferring here? I heard nakapasa raw si Emi sa Tourism. While, sa Aviation naman si Geo,” kwento ni Wren habang hinihintay na makarating kami sa tamang floor. “Ibang klase talaga ang dalawang ‘yon. Hanggang sa program dapat goals sila.”
Napalunok ako. Inaalala ko nga ulit kung ano nga ba yung course na kinuha ni Sven. Buti na lang Aircraft Mechanic ‘yon. “Good for them. Hindi sila maghihiwalay.”
“Yeah, but hindi mo sure. I have known Gideon for like decades na kasi and hindi siya ganoon—I mean, yung trato niya kay Emi. I know na hindi siya ganoon.”
Kumunot ang noo ko sabay baling sa kanya. Bumukas na rin ang elevator kaya naglakad na kami palabas papunta sa office ng Chairperson ng department. “What do you mean na hindi siya ganoon?”
Nagkibit-balikat siya, parang hesitant kung sasabihin ba ang nalalaman or not. Buti na lang marami pang estudyanteng nakapila sa labas ng office. Tumambay muna kami sa gilid.
“Remember when you transferred to Milieu Village after the incident between our families? Lumipat din kami ni Amethyst ng school dati sa Queenstown,” panimula niya. “We met Gideon sa Queenstown. Kind of a heartthrob, a varsity, and has overconfidence to himself. Naging kaklase ko siya. At nakikita ko siya on how he treats his girls, trash.”
Napangiwi ako at nagkrus ng braso. Para namang nagbago siya. Obviously, sa pagiging two-faced niya kay Emi na hindi siya nagbago talaga.
“Pero one day, there’s this one girl sa school namin na nakakuha ng atensyon niya. Yung sinasabi nilang malabo raw magbago abg isang guy overnight, ayon, nagkatotoo. Nagbago kasi si Geo. He became friendly and all that.” Tumawa siya habang napapailing. “Pati nga ako na hindi niya pinapansin dati, pinansin eh. We became friends din. Pero yung atensyon niya, nandoon pa rin sa girl. Mukhang mamamatay na siyang loyal. But . . .. hindi rin sila nagkatuluyan.”
Tumaas ang kilay ko. Takang-taka kung bakit. Aside from the obvious fact na hindi sila nagkatuluyan, nagtataka ako kung bakit. Kasi mukha namang seryoso talaga si Geo and he has all the time to give his love to this girl.
“Bakit?”
Umayos siya ng tayo at humarap sa rails kung saan may glass window ang Welfare Building. Dahil nasa mataas kaming floor, kita namin ang beyond view ng Sagezza.
“I don’t know. Basta one day, the girl went gone.”
Kumunot ang noo ko. The girl went gone . . . nagtransfer? Tumigil sa pag-aaral?
“Kaya alam ko na hindi rin sila magtatagal,” wika niya at humarap sakin. “Kasi Geo accursed that he will never unloved this girl, kahit anong mangyari.”
It made me think na kung hindi na pala siya magseseryoso ever or wala na siyang balak pang magmahal ng iba, anong silbi ng relationship nila ni Emi? At ano yung ginagawa niyang pantitrip sakin?
“Tara na, Rai. Upo na tayo,” aya ni Wren.
Tiningnan ko naman ang pila at nakitang kaunti na lang ang natira. Naunang maglakad sakin si Wren at umupo sa isa sa mga upuan, tumabi naman ako sa kanya.
“Hindi pa rin ba umuuwi mama mo?” tanong sakin ni Sven. Niyaya niya akong mag-Monde Restaurant, dito lang sa Godimento Circle Park.
“Hindi pa, e. Nag-aalala na nga ako, Sven. Baka kung ano na nangyari sa kanya.”
Bumuntonghininga ako. Ramdam ko ang pagod ngayong araw. Matapos kasi naming mag-enroll, na-corner ako ni Hiraya. Buti na lang dala ko yung mga requirements ko para sa COC. Sinamahan ako ni Sven tapos si Wren naman, naunang umuwi.
Thank goodness at hindi ko nakabanggaan sina Emi and Geo all the while na nasa university ako.
“Sinubukan mo na bang tawagan?” kalmado ang boses niya, halatang ayaw dagdagan ang stress na nararamdaman ko. “Baka nasubsob sa trabaho.”
Umiling ako. “I don’t think so. Magta-tatlong linggo na simula nung hindi siya umuwi, Sven. Malabong nasubsob sa trabaho ‘yon.”
“Pero tinawagan mo na?”
I bit my lower lip and shook my head, wala akong lakas ng loob dahil takot akong ma-shut off niya. “Hindi pa . .”
I heard him sigh and put his hand over mine then caressed it. “Okay, tapusin muna natin ‘tong pagkain natin. Sasamahan kitang tawagan siya.”
Gumaan ang pakiramdam ko at sinunod ang gusto niya. Kahit wala akong gana dahil sa mga nangyayari, dagdagan pa ng pagod ko—kumain pa rin ako. Laking pasalamat ko na lang talaga na kasama ko ngayon si Sven kasi hindi ko alam ang gagawin ko.
After we ate, lumabas na kami ng Monde Restaurant. Palubog na ang araw sa mga oras na ‘to. Buong maghapon din kasi kaming nasa Sagezza.
“Sa Raauha na lang ba tayo tatawag or dito na lang?” Sven asked as we walked towards his bike. “May load ka ba?”
Tumango ako habang pinapanood siyang ayusin ang motor niya. “Meron naman. Siguro sa . . .” words left my mouth when my eyes darted on the two people across the street.
They looked like they were happy with each other. The man has his arms over the woman’s shoulder and it is as if they were already familiar with each other’s body comfort.
Pero sa isang tao lang talaga ako nakatutok. Different emotions spread all over my body, atop to that is the betrayal, confusion, and hurt.
“Rai, natahimik ka—”
I felt Sven stiffened behind me. Alam kong kahit hindi siya magsalita, kilala niya rin ang mga taong tinitingnan ko.
But the next thing they did is the one that broke me into pieces.
A lone tear escaped my eyes as soon as Sven covered my eyes. Umiling ako sa kanya habang pinipigilang magsalita dahil alam kong pipiyok lang ako.
Bakit magkasama si mama at si Tito Lukas?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top