Chapter 16
“So, anong balak mong kuhanin sa college? We only have two months to decide, Rai,” sabi ni Wren habang umiinom ng beer.
Nagkayayaan ulit kami nina Emi. Sumama na ‘ko kasi nababato na ko sa bahay. Isang linggo na rin simula nung huli kong nakita si mama. Mula nung gabi ng graduation ko na nag-sorry siya sakin, kinabukasan hindi ko na siya ulit nakita.
“I’m still undecided, Wren. Ikaw ba? Wala bang program na gustong ipakuha sayo si Tito Lukas?”
Pinapanood naming dalawa sina Emi at Geo na kumakanta. Malaki ang ngiti ni Emi habang kinakantahan siya ni Geo, nakaupo pa si Emi sa lap niya. Wala akong ibang maramdaman, siguro talagang hindi ako mahulog-hulog sa bitag ni Geo.
Until now, hindi niya pa rin ako tinatantanan. And naguguluhan na ako sa trip niya sa buhay.
Wren shook her head, drunk her shot and got another. “Dad’s not that strict, Rai. He won’t force me into something that I do not want. Besides, napag-isip-isip ko na kung nasaan ka, doon na lang ako.”
Kumunot ang noo ko at binalingan siya, tutok na tutok lang ang atensyon niya kina Emi at Geo. “Bakit mo gagawin ‘yon? Wala ka bang plans for yourself, Wren?”
“You know, Rai,” nilingon niya ako at nginitian nang mapait. “Ever since I lost my sister, I feel like my world turned upside down. Nawala ako sa sarili ko at nawalan ako ng desisyon para sa sarili ko. And I feel like Amethyst is within you. Kapag kasama kita, I feel safe. Kapag kasama kita, I feel like I am myself. Kaya I’d be lost if nawala ka rin sakin.”
Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko naman nakalimutan kung paanong muntik na rin mawala sakin si Wren dahil sa pagkawala ni Amethyst. I remember when she gave me the letter she said that Amethyst left for me noong nawala siya. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin binubuksan ‘yon. It has been years pero pakiramdam ko hindi pa ako handang buksan ‘yon.
Huminga ako nang malalim at hinawakan ang kamay ni Wren. Bukod kay Tito Lukas, ako na lang ang meron siya. At kung ako rin naman tatanungin, hindi ko na kayang mawalan pa ulit ng kaibigan. “I’ll be here for you, Wren. Hindi kita iiwanan.”
She smiled sheepishly and pulled me for a hug. “Kahit hindi lahat ng katapusan ay masaya, alam ko. Alam kong hindi mo ko iiwan, Rai.”
“Uy, sama naman ako diyan!” Tumalon samin sa Emi kaya napahiwalay kami sa isa’t isa ni Wren. “Ang lagay, kayo na lang ang magkaibigan?”
Tumawa kami ni Wren. “Si Emi talaga, napaka matampuhin mo,” Wren teased her at hinila na rin para makaupo siya sa gitna namin. “Of course, tayo pa ring tatlo. Walang makakapaghiwalay sating tatlo.”
“Sa kahit anong bagay?” Emi tries to confirm.
Tumango ako sa kanya kahit ramdam ko ang titig sakin ni Geo. No, Geo. We will be unbreakable.
“Kahit sa anong bagay,” I said with assurance and then, we hugged.
“Kailan ka magpapa-enroll?” Sven asked. “Ako, siguro, I’ll be taking Aircraft Mechanic.”
Tumingala ako sa langit, wala masyadong stars ngayon. Must be back in the dust. Pero lagi na lang bang ganito ang gabi ko? Parang hindi na ako nagkaroon ng masayang gabi sa buong buhay ko.
“Hindi ko alam, Sven. Iniisip ko nga kung dapat bang magpatuloy pa ako. I lost all the motivation I have inside my body. Nothing is left.” Bumuga ako ng hangin at tumalikod upang sumandal sa rails at ikrus ang isang braso ko. “Baka mas lalo lang akong mawala kung mas guguluhin ko pa buhay ko.”
“Wala ka bang pangarap, Rai? Kahit hindi para sa mama mo. Kahit para sa sarili mo na lang,” mahinang wika niya.
Sinuklay ko ang buhok ko, I feel a little uncomfortable sa sarili kasi para akong sinasakal ng hangin. “I guess, wala. Wala akong mahanap na dahilan para mangarap pa, Sven. Kasi umpisa palang naman, simple lang pangarap ko — maging kumpleto pamilya ko.”
“Gusto mong bumuo tayo ng sariling pamilya natin?”
I chuckled before biting my lower lip. Kahit kailan talaga ‘tong si Sven Gallego. “Galing mo rin tumayming, no? Pero hindi. Hindi ko na nga rin nakikita yung sarili ko na mag-a-asawa eh.”
“Paalala ko lang, hindi ka bagay sa kumbento, Emraida. Wag mong balakin,” he sounded serious that I wanted to pull jokes on him.
I smirked. “You just gave me an idea. What if ‘yon na lang kaya? Pwede ba ang course na theology sa babae?”
Nakarinig ako ng pagkahulog sa kabilang linya. The next thing I heard is Sven coughing. Mas lalo akong natawa.
“Rai!” he called. “Hindi magandang biro. Paano naman ako?”
“What? You’re all set naman na ah.” I told him. Pero hindi na siya sumagot. “Or di kaya yung linya ni Ruffa Mae Quinto sa isang movie niya, yun bang, “Tanggap ko na Jane, Wanda, na mag-aalaga na lang ako ng aso, pusa, o dagang costa.””
Humalakhak siya kaya natawa na rin ako. Kumakalma ang puso ko na bumibilis habang pinakikinggan ang tawa niya. Possible palang maramdaman ‘yon all at once. Ito yung mga hindi ko maramdaman sa tuwing malapit sakin si Geo.
“Bagay pala sayo, Rai. Impersonator ka na lang kaya? Try mo mag-apply,” he says in between his laugh.
“Whatever, Sven. Basta ‘yon, hindi pa ako talaga sigurado kung ano bang dapat kuhaning program. I’m still lost,” I told him the truth. “Hindi ko rin naman alam kung saan pwedeng hanapin sarili ko. Hindi ko magagaya yung mga social media influencer na nagso-soul searching without spenting so much money.”
A deafening silence predominated our call. All I can hear was his breathing, hindi ko alam kung naririnig niya ‘yon. But it added to the peace that I’m feeling. It was a slow, heedful, and embracing kind of breathe. It feels like he was with me. And that I was in his arms. I can almost feel a kiss on my forehead.
“How about you visit her?”
It made me froze. Opposite to his light feathery breathing, mine was unsure, afraid, restless, and almost breathless.
“Nandyan ka pa, Rai?” I heard him say. “Tingin mo kaya it will work on you?”
Pumikit ako at dahang-dahan na pinakawalan ang hangin sa dibdib ko. “Hindi ko alam. Uhm, Sven. Tatawagan na lang ulit kita? Magpapahinga na ako eh.”
“May nasabi ba akong mali?”
I started pacing back and forth while massaging my temples. “Hindi . . . hindi. Wala kang nasabing mali. But maybe, maybe, I’ll just think about it. Pag-iisipan ko ang sinabi mo then I’ll get back to you. Ayos lang ba ‘yon?”
“Okay. Good night, Emraida.”
Bumuntonghininga ako. “Good night, Sven.”
I pocketed my phone and lean on the rails. Kumukulog. Dagdag effect yata sa nararamdaman ko. Ang bigat eh. Alam ko namang darating ang panahon na kailangan ko talagang harapin siya ulit. Pero anong sasabihin ko? That I’m losing my will on everything?
My phone buzzed. This time, it was Geo who is calling. Huminga muna ako nang malalim bago ko sinagot ang tawag.
“Is it really that hard to get you on calls?”
Tumaas ang kilay ko. Ibang-iba talaga si Geo kay Sven. Not that pinagbangga ko sila noon. Alam ko kasing he could never compete with Sven. Because Sven has always been calm and collected. Opposite to Geo who is always deceptive.
“Anong kailangan mo?”
Passive-aggressive palagi si Geo. Kaya doon ko rin siya idinadaan. Nakakalito na ang intention niya. Kasi napaka random niya kung sasabihin niyang nagustuhan niya ako on our first encounter.
“I have both good and bad news. Which one would you want to hear first?” I can hear him smile over the line.
“The good one. Siguraduhin mong maganda ‘yan,” sabi ko.
“The good news is araw araw na tayong magkikita. Which means wala ka ng dahilan para makatakas sakin. At hindi na natin kailangan ng mga pag-aaya ni Emi para magkita tayo.”
The fuck? Akala ba niyang gusto ko yung mga pagkikita namin? Ang assuming niya naman kung gano’n. Hindi ko naman siya kaibigan. Actually, wala nga siyang relevancy sa relationship namin nina Wren eh.
“What do you mean?”
“Mag-e-enroll kami ni Emi sa Sagezza.”
Umawang ang labi ko. “Luh, bakit pa? Diyan na lang kayo sa Queenstown.”
“Emi wants to stay longer here sa La Douleur. Nagustuhan ambiance rito. At saka, bakit ayaw mo? Para makalayo ka lalo sakin? I told you, Rai, hindi ka makakatakas sakin.”
Bumuga ako ng hangin. “Hindi ka ba nahihiya sa girlfriend mo sa kakapalan ng mukha mong mag cheat, Geo? At sa kaibigan pa niya? Magpasalamat ka nga at hindi pa kita sinusumbong na tarantado ka.”
He chuckled. It was sexy. Pero walang effect sakin. “Tinatanong pa ba kung bakit? Obviously, sooner or later, mahuhulog ka rin sakin. At saka, wala naman akong pakialam kahit magsumbong ka. Sabi ko nga, kaya kong iwanan si Emi para sayo.”
I get cringed. “Nakakasuka ka.”
Kaslaanan ko na hanggang ngayon hindi ko pa rin siya sinusumbong kay Emi. Totoong ayaw ko sa kanya. Pero yeah, walang lusot doon. Maybe I’ll tell her one of these days.
“You don’t get to shut me off, Rai. Mahal ako ng kaibigan mo. At hindi na ako mawawala sa mundo mo. Deal with it,” his voice is stern.
Binabaan ko na siya ng tawag without waiting for the bad news. Kahit naman kasi yung unang balita niya, pangit sa pandinig.
But this means, hindi na talaga ako tatantanan ni Geo. Kailangan kong dumikit pa lalo kay Sven or kina Hiraya para malayo sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top