Chapter 14
"Rai, nagyayaya ulit si Emi na mag-Epineio sa Friday. Karaoke lang daw," panimula ni Wren nang makuha namin sa counter ang mga order namin na pagkain.
"Ito talaga agenda mo para hindi makasingit si Sven, ano?" pang-aasar ko sa kanya habang pabalik na kami sa pwesto namin dito sa canteen.
Ito yung isa sa mga araw na hindi umaalis si Wren tuwing tanghali, kaya nakakasabay namin siya. Nginitian lang ako ng gaga nang makaupo kami. Katabi ko si Sven habang nasa harapan namin siya.
"Alam niyo bang nagmumukha akong third wheel palagi dahil sa inyo?" nakangusong sabi niya. "Ayaw niyo ba ng third party naman para kunwari group chat 'to?"
Pinandilatan ko siya ng mata habang inaasikaso na kami ni Sven. Nilalagay niya yung mga order namin sa mfa harap namin. Pati yung juice na rin.
"Pinagsasabi mo?" saway ni Sven.
Wren shrugs, kinuha na niya yung utensils niya doon sa pinaglagyan namin ng mga order. "Hindi niyo ba naisip na magka-inlove-an man lang?"
Nagkatinginan kami ni Sven. Ramdam kong bigla akong namula. Tapos nauna siyang umiwas ng tingin sakin. Pero yung tenga naman niya yung pumupula.
"Uy, si Rai, namumula!" Wren teases me. Tinuro-turo pa 'ko ng kutsara habang natatawa. "Crush mo si Sven, 'no?"
Pinanlakihan ko siya ng mata sabay tampal sa kamay niya. "Tumigil ka nga! Kumain ka na diyan!"
Humalakhak siya bigla. "Why not? Possible naman ah? Tapos kapag naging kayo, pwede niyo 'kong isabit sa relationship niyo. Para happy tayong tatlo."
Nagsimula na 'kong kumain and hindi na pinansin pa yung mga panggagatso ni Wren. Kapag talaga inaatake siya ng kabaliwan niya, dire-diretso, e. Walang hinto-hinto.
"One woman man ako, Gonzales," sagot ni Sven.
"Edi chose wisely," rumebat agad si Wren.
Not minding the noise surrounding us, feel na feel ko yung puso ko na any moment pwedeng tumalon palabas.
"Rai, yung mga new friends mo, o," sabi ni Wren kaya tiningnan ko naman ang tinuro niya.
There I found Eos looking and waving at me. Sumaludo ako sa kanya bago inubos ang pagkain ko.
"Puntahan ko lang sila." Tumayo ako pero before I leave, nahawalan na agad ni Sven ang wrist ko. "Bakit?"
Bumitiw naman siya agad. "Sasabay ka samin pabalik sa room?"
"Oo naman. Kakausapin ko lang sila saglit."
Tumango siya kaya napatango rin ako bago ko sila tuluyang tinalikuran. Nang lumapit ako sa mesang inuupuan nila, nakita ko na si Daya. Yes, after all the encounters we had, Daya has finally become welcomed sa barkada.
"Di pa kayo kumakain?" tanong ko.
"Hindi pa, Rai. May hinihintay pa kasi kami. Buti nga umupo ka rito." Eos giggled.
Ngumiti ako. Kahit talaga kailan, napaka-energetic nitong si Eos. Mapapailing ka na lang, e.
"There she is," bored na wika ni Hiraya.
Umangat ang tingin ko nang may sumulpot na babae sa gilid ko. This girl . . .. siya yung nakita ko sa Epineio. At the same time, siya rin yung napagbintangang nagnakaw ng wallet ni Professor Vergara.
Kabarkada ko na siya?
"Hi," mahiyain na wika niya.
"Hello, Alvara!" Eos seems enthusiastic by her arrival, even stood up to cling on her arms and make her sit beside Hiraya.
Napailing na lang si Hiraya but she's putting up a smile. Tiningnan ko naman si Daya sa tabi ko, she's cool. Mukhang wala sa mood makipag-usap.
"We are now complete!" masayang wika ni Eos. "Official tambayan na natin yung Abandoned Beach, ha?"
I gulped. Habang tinitingnan ko ang mga kaibigang naging kaibigan ko dahil kay Eos, naisip ko . . .. will all this be worth it? Knowing na super gugulo namin bago magkakilala. And for sure, katulad ko, may mga memorable na nangyari sa bawat buhay namin nung nakilala namin siya.
Now what?
"What are you doing here?" Geo showed up, hands on his pockets while leaning on the wall.
Oo, pumayag na ako sa pangungulit ni Wren dahil masyado na siyang magulo. Pero hindi ko talagang kayang tumagal sa loob. May mga kasama rin naman sina Emi na friends tapos kami ni Wren ang magkasama. It feels suffocating.
"Can't you see?" Tinaas ko ang stick ng sigarilyo sa kanya. "I'm smoking. At saka, bakit nandito ka na naman? Hindi ba pwedeng lubayan mo muna 'ko?"
Umayos siya ng pagkakatayo at nilakad ang pagitan namin. Napasandal ako bigla sa pader, unmoving. Ang lapit-lapit na naman ng mukha niya.
"Gideon," I called his name. "Fuck off. Please. I don't want to betray a friend." ... another friend.
Sinubukan ko siyang itulak but he wouldn't budge. May kung anong nagwawala sa tiyan ko at kung hindi ko ipipilit na kumawala sa kanya, baka gustuhin ko na lang magpa-beslave. Hindi talaga gumagana ang super ego ko sa mga panahong 'to.
He palms my neck while caressing his thumb on my jaw. Huminga ako nang malalim at tinitigan siya sa mga mata. Wala akong mabasang kahit ano. Hindi ko mahulaan ang iniisip niya.
"Emraida . ." he trails off. "What would I do so you can bend your principles for me?"
"I am not my father, Gideon," I said through gritting teeth.
Dumiin ang likuran ko sa pader at bumagsak ang mga mata ko habang dinadama ang mga labi ni Geo sa labi ko. It was intoxicating and nakakaubos hininga.
"I never wanted you to become your father. I only want you to be yourself," he says in my mouth and kisses me more deeply.
"Tangina, ano kamong sabi mo?"
Napapikit ako sa lakas ng boses ni Sven. Dinala ko siya rito sa rooftop para sabihin sa kanya ang situwasyon namin ni Geo.
"Rai . . ." Ginulo niya ang buhok niya. Mabilis ang pagtaas at pagbaba ng dibdib. "Rai, tangina . . . ginagago mo ba sarili mo?"
Alam ko. Alam kong hindi niya maiintindihan. Alam kong hindi papasok sa utak niya 'to. Pero gusto ko pa ring maintindihan niya. Gusto kong i-justify niyang tama 'to.
"Tinakot ka ba niya? Sabihin mo sakin, pinagbantaan ka ba niya?"
Umiling ako. Kahit na oo. Maraming beses niya akong pinilit. Ilang beses niyang pinagsisiksikan ang sarili niya sakin.
Pero narealize ko rin kasi nung gabing 'yon na si Geo lang yung tanging sumugal sakin. Siya lang yung naglakas loob na tumalon sa ilog ng tulay para puntahan ako.
"Rai." Sinipa niya yung isang monobloc na upuan kaya napaigik ako sa kinatatayuan ko.
"Gusto ko na yata siya, Sven . . .. hindi ko na alam ang gagawin ko."
Sinuklay niya ang buhok niya at doon ko lang nakita ang unang beses na halos nagmamakaawa na ang mukha niya. Lumalabas na ang ugat niya sa leeg at namumula ang tenga niya.
He seems livid. Hindi ko alam kung sa akin ba, kay Geo or sa sarili niya.
"Sabi ko, poprotektahan kita pero tangina!" Tinalikuran niya ako at napasigaw siya.
"Huwag kang sumigaw. Please, huwag kang sumigaw," naiiyak na wika ko. Tinatakpan ng dalawang kamay ang magkabilang tenga ko.
I felt him hug me. Nanginginig ako sa mga bisig niya. Hindi ako maka-respond nang maayos. Hindi ko rin siya mayakap. Natatakot ako. Natatakot akong masigawan niya ulit.
"I'm sorry, I'm sorry, Rai." Hinaplos niya ang buhok ko. "Forgive me, baby, please..."
Tahimik lang akong humikbi habang nasa mga bisig niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top