Chapter 13
“Saan mo gustong kumain?” tanong sakin ni Geo nang sunduin niya ako sa Godimento Plaza.
It was the weekend that time. Gusto ring makipagkita ni Geo Kaya I had no choice. Wala rin naman akong ginagawa.
“May alam kang pwedeng kainan na streetfoods? Ang tagal na kasi nung huli akong kumain,” sabi ko sa kanya.
Nakangiti naman siyang tumango. “Kumakain ka rin pala? Pareho tayo. May alam ako pero dadaan pa tayo sa Raauha East Bridge.”
“Sige lang,” sagot ko at hinayaan siyang dalhin ako sa kung saan.
These past few days, nawawalan na ako ng gana sa lahat. Simula rin nung gabing ‘yon, hindi ko na naaabutan si mama sa umaga. At maski sa gabi, hindi ko na rin siya naaabutan. It is as if our world was completely separated. Hindi alam nina Sven at Wren ‘yon. There’s no point in telling them din naman.
Pero si Geo, he insists na malaman. Lagi niya ako tinatawagan tuwing gabi para kantahan hanggang sa makatulog. And he never makes me feel that I am alone. Although, tipid pa rin kung makipag-usap ako sa kanya pero parang wala lang. Parang ayos lang sa kanya ang kahit na anong gawin ko.
“May bluetooth kotse ko. Baka gusto mong i-connect cellphone mo,” basag niya sa katahimikan.
Iyon nga ang ginawa ko dahil ayoko namamg maramdaman niyang wala akong mabigay sa kanya. Dahil sunod-sunod ang mga beses na binubuhos niya lahat sakin yung atensyon niya.
Hindi ko pa na-a-adapt pero natatakot na ako. Masarap mag-alaga si Geo. Kaya swerte si Emi sa kanya.
The song Hopelessly Devoted To You blasted on the car and I sang it on my head. Bigla kong naalala si Sven at kinakamusta ko siya sa utak ko kasi I kinda missed him. Pero ayoko namang mairita siya sakin for being so needy.
I heard Geo chuckled. It made me face him with a raised eyebrow.
“You’re Hopelessly Devoted with whom?” he asked.
Umiling ako. “With no one.”
Hindi ko alam na kailangan na pala ngayon ng dahilan or meaning para mapatugtog mo ang isang kanta.
“E bakit ‘yan ang tugtugan mo?” he said, curious.
I guess, si Geo yung klase ng tao na maski ang mga maliliit na bagay ay binibigyan niya ng meaning. Napailing na lang ako.
“Just because. Can’t we have our own preferences?” I said, annoyed.
Ngumisi siya. “Chill. Nagtanong lang naman. Well, I’m kind of hoping na sa akin.”
“Asa.”
Tumawa lang siya. Tatlong songs pa ang dumaan bago kami makarating sa pupuntahan. Pinagbuksan pa ako ni Geo ng pinto kahit hindi ko naman sinabing gawin niya.
“Thanks,” sabi ko.
He led the way and I was just behind him. I can feel how warm the place was. Maingay ang paligid dahil sa mga sasakyan. Mausok dahil sa mga streetfood stalls. Tapos, may mga batang naglalaro pa. Hapon na rin naman. Ganito rin naman karami ang mga tao sa amin.
Pero doon, kalkulado ang mga galaw nila. Kumpirmado talaga na malaki ang differences dahil sa paghahati ng mga lugar dito sa La Douleur.
“O, hijo. Bumalik ka na ulit. Kamusta?” bati kay Geo nang makalapit kami sa isang stall.
The man who greeted him looked like he knew Geo for a long time. I can feel the familiarity lang. Then, I saw Geo smile. Mukhang kilala rin niya ang matanda.
“Ilang taon din po tayong ‘di nagkita, Mang Jose. Ayos naman po ako. Kayo po ba, kamusta na?”
Napatitig ako kay Geo dahil doon. Malayong-malayo kasi ito sa Geo na una kong nakilala. Magaspang ang ugali, bara-bara kung magsalita, walking temptation. Kasi ito, I can feel that he already gave me a piece of him kahit hindi ko hinihingi.
“Saglit lang naman ‘yon, hijo. Hindi ko alam na nakabalik ka na palang La Douleur.” Napatingin ang matanda sakin at ngumiti. I smiled back. “Sino ‘tong magandang dalaga na kasama mo? Ito na ba si . .”
Umiling si Geo. The pain became evident on his face but it quickly vanished when he saw me looking at him. Tinaasan ko siya ng kilay.
Para akong na-overwhelm bigla dahil doon. Hindi ko kaya itong mabilisan niyang pag-switch ng nararamdaman niya. Tapos nakikita ko pa kung gaano siya ka-all out.
“Oo nga pala . . . pasensya na, hijo,” pakikisimpatya sa kanya ng matanda.
Ngumiti lang si Geo at nagsimulang magtusok ng kikiam, squidballs, fishballs, at pati na rin ng penoy.
“Kumakain ka ba niyan?” tanong ko sa kanya.
Tiningnan niya ako sabay tawa. “Grabe ka talaga sakin, Emraida. Judge na judge pagkatao ko. Oo naman. Kilalang-kilala na nga ako ni manong, e. Diba, Manong?”
Napailing na lang ako. Talagang naghanap pa siya ng kakampi.
Ngumiti naman si Mang Jose at tumango sakin. “Oo, hija. Simula elementary ‘yan, laging nandito ‘yan. Kasama yung dati niyang nobya kaso lang . . .. wala na siya.”
“Manong, wag niyo na banggitin ‘yon. Mamaya matakot ‘tong si Emraida tapos iwanan ako.” Geo laughed bitterly.
“Wala na po? Ano pong ibig sabihin?”
Although, I have a clue inside my head. I don’t wanna conclude. Baka mamaya nagloko lang din tapos iyon na ang pagbubunga ng pagiging fuck boy nitong si Geo. Tapos, dadagdagan ko pa yung prejudice ko sa kanya.
“She died,” sagot ni Geo.
Natahimik ako. The girl died. Nawalan si Geo ng minamahal. Kagaya ni Dr. Chardy nang mawala si Relicta. At si Mama Emerald nung nawala si Papa Kairo. Who would have thought that Geo almost has the same story as them?
Hindi na ako nagtanong pa ulit. Mukha rin naman kasing Geo is not interested in sharing that piece on his life, eh. I have my boundaries. Kahit na walang boundaries si Geo. I respect him.
Tinapik ko na lang ang balikat niya para malaman niyang nakikiramay ako. Kahit pa matagal na sigurong nangyari ‘yon.
“Saan tayo?” I asked him after eating at a streetfood stall. The food was great. Kahit ilang taon na ‘kong hindi nakakakain no’n, parang sanay pa rin ang tiyan ko.
“That’s new,” he teased me. “Parang nung nakaraan lang, super allergic ka sakin na halos tingnan mo na ‘kong parang linta kakadikit sayo.” Tumawa pa siya. Baliw.
I rolled my eyes. “Oh please. Wag assumero, okay? This is my way of paying back para doon sa gabing you stayed. At oo, para ka naman kasing linta talaga. But after this, I am expecting not to see you again kasi bayad naman na ako.”
Geo pulled the car on the side. My brows furrowed. At nang tingnan ko siya, pumuputi niya yung kamay niya dahil sa higpit ng hawak niya sa steering wheel.
“Problema mo?”
“I don’t want this to be the last,” he said under his breath. Sabay tingin sa mga mata ko. “I want to see more of you, Emraida. I want us to become friends.”
I looked into his eyes and It sends shiver down my spine. Sa hindi malamang dahilan, kumabog ang puso ko sa kaba dahil sa mga titig niya sakin.
Inalis ko ang tingin ko sa kanya at f-in-ocus ang mga mata sa harapan. Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib ko.
“I don’t want to see you again, Geo. You’re making me feel uncomfortable. Ayoko ng mga pinaparamdam mo sakin,” I said with conviction. Then, I looked at him. “I like someone else. And you have a girlfriend. Take note, childhood friend ko pa. Kaya kung pwede—”
“No,” putol niya sa sinasabi ko. “Kung gusto mong hiwalayan ko si Emi. Gagawin ko, Emraida, para lang hindi ka ma-guilty.”
The fuck. Ito na naman siya sa asshole moves niya. “Geo, hindi mo naiintindihan—”
“Ikaw ang hindi makaintindi!” he roared then he cornered me on my seat.
Nawalan ako halos ng hininga when he palm my neck then he pressed his lips on mine. He bit my lower lip so he could have access on my mouth. “Don’t call me Geo, Emraida. It is Gideon for you,” he said through my mouth.
My toes curls when I feel him taste the inside of my mouth. My hands clutch on his shirt, holding it as if my life depends on it. And I gave in, I kissed him back. Until he moved away with a smirk plastered on his face.
“You kissed me back,” it was a statement.
It dawned on me. Fuck. Fuck. Fuck. “No, no, no—I betrayed her. Tangina. Tangina mo! Ayoko nang makita ka!” I smacked him on the head but he was just laughing. “Ang fuck boy mo talaga!”
“You’ll never escape me, Emraida. I won’t let you.”
“Rai, gusto . . .. gusto mo bang sumama sa canteen?” I heard Sven’s hesitation.
Katatapos lang ng klase namin sa Practical Research 2 and we are about to start na after the work immersion. Tho, sigurado naman akong sa Municipal Hall lang kami pagta-trabahahuhin.
“Hindi na,” sabi ko kay Sven.
One week na simula nung huli kaming nagpansinan and it seems to me na ayos lang naman sa kanya. Kasi kapag nagkikita kami last time or kahit ‘pag dumarating ako rito sa classroom, either papasok siya pag bell na. Or kausap niya mga tropa niya.
Tapos bigla kong naisip sina Hiraya at Eos. Baka nasa canteen ang dalawang ‘yon ngayon. Isang linggo na rin kasi simula nung naging magkakaibigan kami. From then on, marami na akong nalaman kay Hiraya. At mas lalo ko pang nakilala si Eos.
“Wait, Sven.”
Mabilis siyang lumingon sakin. “Pupunta ka bang canteen?”
Tumango siya, still hesitant. Nasa mga mata yung gustong umiwas pero hindi naman ginagawa. What’s his deal?
“Sama ako,” sabi ko sabay tayo sa upuan at nilapitan siya. Kaunti lang ang tao sa classroom. Bawal kumain dito eh.
Pero syempre, minsan, sinusuway ko kasi wala namang mapapagalitan if walang nahuhuli, diba?
“Pupuntahan ko lang sina Hiraya saka Eos,” basag ko sa katahimikan namin nang makarating kami sa first floor.
Hindi na siya nakapagsalita nang maglakad ako palayo sa kanya. Sabay pinuntahan si Hiraya na kinakampay ako palapit, parang sinasabing lumapit ako sa kanila. Doon naman talaga ang punta ko.
“Sup,” bati ko sabay upo sa tabi ni Eos.
Napalingon naman siya sakin at nanlaki pa ang mga mata. “Rai, you’re here! Lunch?”
Tumawa ako. “Sure. Basta libre niyo.”
“PG,” sagot ni Hiraya.
I stuck out my tongue. “Like you have a choice.”
Ever since naging close kami, I felt comfortable around Hiraya. Nagjo-joke kami sa isa’t isa tuwing nakatambay sa Abandoned Beach and we would share the things with each other na hindi pa namin alam. Kaya madali na lang din para sakin na magbiro sa kanya ng ganito. At hindi ko na kailangang mag-sign of the cross pa.
“Uh . . .. pagkain mo, Rai.” Inilapag ni Sven ang plato ng spaghetti at coke sa harapan ko.
“OMG, yiiie!” Eos squealed.
Habang nakataas lang ang kilay ni Hiraya. “Didn’t know na you got a boyfriend pala, Rai.”
Sinamaan ko ng tingin si Hiraya. “He’s a friend. Sven, si Hiraya and Eos. Hiraya and Eos, ito si Sven. Hello, hindi ko pa ba kayo napapakilala sa isa’t isa?”
Hiraya grins. “Bakit defensive?”
Parang bigla ko siyang gustong suntukin ngayon. Umiling na lang ako at nagpasalamat kay Sven. Aaminin ko, tumaas ang balahibo ko sa batok. Kahit madalas naman niyang ginagawa ‘to kapag magkakasama kami nina Wren, iba yung epekto.
“Gusto mo bang ihatid kita sa Raauha?” tanong ni Sven matapos ang last class namin.
Maingay na ang classroom dahil halos lahat, nagmamadali. Palubog na rin ang araw. At kaninang lunch, napag-usapan namin nina Hiraya at Eos na pupunta kaming Abandoned Beach. So, I shook my head sa offer ni Sven.
“Maybe, next time. Aalis kami nina Hiraya, e.” I told him.
When I examined him, ngayon ko lang napansin kung gaano siya kagwapo sa suot niya—black collared shirt na tingin ko large ang size, nakapantalon siya then naka-high cut shoes na pang basketball.
“Magkaibigan pa rin naman tayo, diba?” he asks with a crooked voice.
I nodded. “Oo naman. Why’d you think na hindi?”
Nauna akong lumabas ng classroom and I felt na sumunod naman siya sakin. Hindi na niya ako sinagot hanggang makarating kami sa first floor at doon, I saw Hiraya and Eos waiting for me.
“Next time, sabay tayo ulit umuwi,” I assured him. “Ingat ka, Sven.”
After he left, lumapit na ako kina Hiraya and Eos na malaki ang ngiti. Well, si Eos lang ang ganoon. Si Hiraya, malicious yung dating ng ngiti.
“Alam ba niyang gusto mo siya?” mapang-asar na wika ni Hiraya.
Pero mapagpatol ako. Kaya inilingan ko siya. “Masyadong manhid.”
Tumili si Eos na nasa gitna namin. Natutuwa ako sa trio namin kaso kinakabahan din kasi diba, sabi nila, kung sino raw yung nasa gitna—iyon ang mamamatay? Or sa picture lang ‘yon? Nonetheless, masaya ako talaga kasi aside from Wren and Sven. I have Hiraya and Eos with me.
Natigilan lang ako sa paglalakad nang tumigil din sina Hiraya and Eos. Tiningnan ko naman yung tinitingnan nila and there I saw the girl who stole Eos phone. She looks sad and envious of the students going out of the university.
Mabilis na bumitaw si Hiraya kay Eos at nilapitan si ate girl. The next thing we know, nag-aaway na sila.
“Ah, so hindi ka pala nakapag-aral? Tell me, paano ka natutong magnakaw?” hostility was evident on Hiraya’s voice.
May napapadaan ding mga estudyante at tinitingnan kami kaya sabi namin ni Eos, “Hiraya, stop!”
Kaso ayaw magpapigil. “Is there some sort of thief academy somewhere in the slums?” Hiraya mocked the girl.
“Fucking bobo. Hindi nga ako nakatapak sa high school. Tapos may thief academy ka pang nalalaman diyan. Tangina nito,” the girl rebutted.
Halos mapa-face palm ako dahil kaunti na lang magsasabunutan na sila ni Hiraya. I always knew na malala ang anger issues niya pero hindi kasing lala na pati yung situation ni Eos nung nakaraan with the girl named Daya pala, ibu-brought up niya.
“You know what? Just give me my money back and I won’t bother you anymore.” Hiraya spat.
On the other hand, Daya seems unbothered. Unfazed by the wrath of Hiraya. “Sorry, I’ve spent it all already. Barya lang naman sa inyo ‘yon. Paubaya mo na lang sakin.”
Umiling na lang ako. “Sabing tama na, okay? Just move on.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top