Chapter 12

Napabangon ako nang malakas na kumatok si mama sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko na namalayan kung anong oras na pero pagbukas ko ng pinto, nakita kong napalunok siya.



Mukha siyang maayos. Hindi nakainom. Her sanity is still intact. But the sadness in her eyes is evident, na parang hindi tinigilan ang pag-iyak. That alone made my heart broken.



"Ma?" nalilito ako. This is the first time that she didn't get to shout at me. It is like she's used to being presence already.



Pero hindi niya ako sinagot. Tinalikuran lang niya ako at naunang bumaba ng hagdan. May nag-udyok sakin na sundan siya kaya iyon ang ginawa ko. Hanggang sa makarating kaming dalawa sa kusina and there I found a decent dinner. The plates were arranged for two. Na parang nakahanda talaga 'yon para saming dalawa.



I sat in front of her. Hindi ganoon kalakihan ang bahay namin kaya damang-dama ko na para akong sinasakal ng atmosphere namin. I wasn't claustrophobic pero hindi talaga ako makahinga.



"Kumain ka," she demanded na ginawa ko naman.



I served my own food and she does hers. Tanging kalansing ng utensils ang maririnig sa buong bahay. Tapos nagsimula na kaming kumain.



Sa kalagitnaan, tumigil si mama. When I looked up at her, tears were already streaming down her face. My heart clenched because of the sight.



"I can't . . .. do this . . ." Suminghap siya. "I still couldn't face you without being hurt."



Humigpit ang hawak ko sa kutsara't tinidor dahil do'n. Kasi kung ganito pala ang nararamdaman niya, bakit niya pinipilit ang sarili niya? Bakit niya ako sinasaktan ngayon?



Napayuko si mama habang dinig na dinig ko ang bawat paghikbi niya. Tuluyan na rin siyang umiyak sa mga kamay niya. Habang nasa tapat lang niya ako, tulala at walang magawa. Can't even put my arm on her shoulder to comfort her.



"Please leave, Rai," she pleaded.



Iniisip man lang ba ni mama ang nararamdaman ko? Akala niya ba sinasadya kong saktan siya?



"Umalis ka na . ."



Then I did what she wanted. I left her alone in the dining room. Dere-deretso ang lakad ko palabas. Pababa ng porch. Palabas ng gate. Palabas ng village.



Gabing-gabi na at wala na masyadong tao. Good thing that my phone is still in my pocket. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha iyon at hinanap ang pangalan ni Sven.



Siya lang ang pwede kong mapuntahan sa mga oras na 'to. I was shaking while trying to suppress my tears. Then, I put my phone in my ears.



Please. Please. Please. Sumagot ka, Sven.



But to no avail. Nagsimula na akong maglakad sa gitna ng Raauha West Bridge, feeling the wind that embraced me. I wasn't wearing a hoodie. Only a crop top and a square pants kaya mas lalong dama ko ang lamig.



I tried calling him four times. Tapos naisip ko na baka he was at the shop. Nagtatrabaho nga pala siya.



My sight was blurry when I found his number in my text messages to text him that I want him here. But it is okay if hindi siya available kasi kaya ko naman.



How petty, Emraida.



Napaupo na lang ako sa gutter. Nawalan na ng pag-asa. Doon lang nabuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko kanina kaya sunod-sunod na ang paghikbi ko. Ma-we-weird-an ang kung sino mang dadaan dito pero wala na akong pakialam. I just wanted to be gone so that I won't be able to feel the pain and so my mother could be finally happy.



In a while, unti-unting humupa ang sakit na nararamdaman ko. Unti-unti na rin akong tumatahan and I had no one with me. It is like I got through this alone.



Then my phone beeped. It was Geo who was calling.



"Emraida," his voice was serious, there was no hint of teasing.



Suminghap muna ako bago sumagot. "Yeah? Ano na namang kailangan mo?"



"Are you okay?"



Kumunot ang noo ko. "Bakit?"



"I got your text. Do you want me to be with you?"



Nanlaki ang mga mata ko at saglit na nawala ang bigat sa dibdib dahil sa tanong niya. "The fuck? I didn't-" Shit.



P-in-ut ko sa hold si Geo bago kinalkal ang text messages and he was right. Sa kanya ko na-send ang text. Napatayo ako and I stomped on my feet.



Tanga. Tanga. Tanga. Ang tanga mo, Miravalles.



Binalikan ko si Geo sa phone. "I'm sorry. It wasn't meant for you -"



"Tingin ka sa tapat mo," putol niya sakin.



I raked my hair while biting my lower lip in frustration. Tapos tiningnan ko yung tinutukoy niya, sa ministop-nandoon siya. Hands in his pockets, silver chain in his neck, black oversized shirt, cargo pants-and a beanie.



"Are you crying?" pagsasalita pa rin niya sa tawag.



"Hindi. Anong ginagawa mo rito?"



Bakit wala siya sa tabi ni Emi? Bakit niya sinunod ang text ko knowing na hindi naman para sa kanya 'yon?



"Are you mad, then? I'm sorry. Nag-alala lang ako sayo."



Annoyed, bumuga ako ng hangin at ibinaba ang tawag. Ako na mismo ang tumawid papunta sa ministop at nilapitan siya.



"Did I tell you na mag-alala ka?" inis kong sabi. "Bakit ba ang kulit mo?! Hindi ka ba nag-grade two?"



He just smiled then tucks my hair over my ear. "Hindi. Accelerated ako. I got straight to Grade 3."



Gosh. Gooooosh. Saan pwedeng mag-avail ng patience para ma-control ko pa ang inis ko sa hayop na 'to?! Ayaw niyang magpapigil!



"You're pretty when you cry. Pero mas maganda ka, 'pag kalmado ka," sabi pa niya.



My brows furrowed. "Did I ask for your opinion? Hindi, diba? Umuwi ka na nga!"



Wala rin naman akong mapapala sa lalaking 'to kaya tinalikuran ko na siya. Dahil gabi na rin naman at wala ng tao sa Raauha West Bridge, malaya akong nakatawid.



Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Siguro, iti-text ko na lang si Wren kung pwede akong matulog sa kanila kahit ngayong gabi lang.



"Emraida, wait!" Geo grabbed my arm but I yanked it off and faced him, annoyed.



"Hindi mo ba ako talaga titigilan? Ano bang gusto mo, Geo? May girlfriend ka na. Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo 'yon? At hindi kita gusto. Wala ka bang magawa sa buhay mo kaya pilit ka nang pilit ng sarili mo sakin?" I asked him, gritting my teeth.



Para na akong sirang plaka dahil sa paulit-ulit kong pagsasabi sa kanyang ayoko. Hindi ako interesado. May girlfriend siya at kaibigan ko. Pero bakit ayaw niyang tumigil?



"Ano?!" I shouted at him. Natulala na lang kasi siya. "Ngayon, ayaw mong sumagot. Leave me alone. Please."



Huminga siya nang malalim sabay buga. "Fuck. I want your lips on mine."



Tinulak ko siya using my finger. "You dirty asshole. Kung hindi mo mahal ang kaibigan ko, wag mong paglaruan. Huwag mo kong idamay. Huwag mo kaming gaguhin," gigil na sabi ko.



But he doesn't seem to be affected. As a matter of fact, mukha pa siyang masaya. Na parang gustong-gusto niya ang ginagawa.



"I can love you," sabi niya. "I will never leave you," ang sumunod.



Doon ako natigilan. Doon mas lalong nawasak ang puso kong kanina pa wasak. Ngayon, hindi ko na alam kung paano ko pupulutin para buuin ulit.



"Stop." Tinalikuran ko siya at humilig sa rails ng tulay. "Umalis ka na."



Ito na naman yung mga luha sa pisngi ko. Pinunasan ko 'yon nang maramdaman kong niyakap ako ni Geo from behind. Hinarap ko siya at malakas na tinulak but he wouldn't budge.



"Umalis ka na! Iwanan mo na 'ko!" sigaw ko, mas lalong lumala ang panginginig ng mga balikat ko. Nakita na niya. Nakita na niya kung gaano ako kahina at walang kalaban-laban. "Ayoko nang makita ka, Geo! Umalis ka na!"



"Stop being so cruel, Rai!" sigaw niya pabalik. I had to cover my ears dahil nararamdaman ko na rin ang panlalambot ng mga tuhod ko. "I will never abandon you!"



I cried, shouting for him to leave. Hindi siya nakakatulong! He is only hurting me! Isinasampal niya lang sa akin kung paano ako iniiwan paulit-ulit ng mga tao! I want him gone! Umalis na sana siya sa harapan ko!



"Masakit, Geo .." mahinang wika ko at napadausdos ng upo sa semento. "Ang sakit, sakit, sakit . . .. wag mong dagdagan. Ayoko na. Ayoko na, please . ."



Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Sinuklay niya ang buhok ko habang pilit akong pinapatahan.



"Hush, Rai. You're safe with me," bulong niya. "Hindi kita iiwan. Hindi kita iiwanan . ."



"Rai, you look constipated. Ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Wren nang makapasok kami sa canteen.



Himalang hindi siya umalis ngayon para pumunta sa kung saan. Like usual, I'm with her and with Sven. Kaninang umaga, tulala ako kay Sven. Naghahanap ng tanong kung mahalaga ba talaga ako sa kanya.



"Anong gusto niyo?" tanong ni Sven samin.



Wala akong ganang kausapin siya kanina pang umaga. Hindi ko rin alam kung bakit. Kapag naaalala ko ang nangyari nung nakaraang gabi, bigla akong nawawalan ng gana.



Walang kasalanan si Sven sa nangyari, Rai, wika ng conscience ko. Kung meron pa 'ko no'n.



"Kahit ano," sagot ko at naghanap ng lamesa kasama si Wren.



"Do you two have a problem with each other?" concern laced on Wren's voice.



Umiling ako. "Wala."



Natigilan lang ako nang makarinig ng sigawan at nagkagulo sa pila sa counter. As Vice President, hindi pa rin naman pwede na hindi ko tutugunan yung problema.



"Ah, so you'll choose to play the IDK card. Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa sa kaibigan ko. Hihintayin mo pa bang mapahiya ka?"



It was Hiraya's voice. Sumingit ako sa pila at nakita si Professor Vergara and he was fuming mad. Sa tapat niya ay ang kinagulat ko . . . siya yung babaeng nakita ko nung nakaraan sa Epineio. At umiiyak siya.



"Ganoon talaga pag mahihirap, nagnanakaw na lang sila," wika ng babaeng katabi ko. Hindi ako familiar sa kanya pero nagpantig ang pandinig ko.



"How could you criticize someone without knowing the whole story? And really? Ginagamit mo yung status niya? E sino ka ba kung hindi dahil sa yaman ng pamilya mo? May ipagmamayabang ka ba?" sita ko sa kanya.



The girl looked at me and became frightened. Of course, she must know na wala akong sinasanto kahit sino ka pa basta nandito ka sa eskwelahan dahil kami pa rin ang may hawak ng student body.



"What are you saying, Miss Miravalles? Naturingang Vice President, mga hijo de puta!" sigaw ni Professor Vergara.



"Sir, may I interrupt?" a man's voice makes students go separate ways so he could talk to Professor Vergara.



And the man is no other than Erj Almaz, the president of tertiary education's student body.



"What?!" Professor Vergara growled.



Ever since talaga, napaka mainitin na ng ulo ng matandang 'to. Pero menopausal na kasi or say, tumatanda na kaya ganyan. Nakakainit pa rin ng ulo somehow. Kasi wala naman silang pinaniniwalaan kundi ang mga sarili nila.



"I'm from the UOS College Department who just passed by but I can tell that this lady here..." Tinuro niya yung nagnakaw ng phone ni Eos. "... was the one who stole your wallet."



Professor Vergara's brows furrowed. "How can you tell? This student-" he points at the girl I saw in Epineio. "-has my wallet and admitted it already. You can't just point at someone."



Hiraya smirked. "I can vouch for it, Sir. Just a few weeks ago, this girl right here stole my friend's phone. There's no doubt that she stole your wallet as well."



It caused murmurs about how they could never doubt Hiraya's instinct as she is also a good leader. Napataas lang ang kilay ko sa sobrang bilis magbago ng mga isip nila. Halatang hindi tinitimbang ang mga opinyon bago sunggab nang sunggab.



Professor Vergara looks defeated. "Still, the evidence was found to this student," he glanced sideways on the girl before facing both Hiraya and Erj. "It will be better if we settle this in the disciplinary office."



Nang makaalis sila ay bumalik din sa dati ang mga estudyante. Na para bang walang nangyari at hindi sila nanghusga ng tao.



Nawalan na rin ako ng ganang kumain.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top