Chapter 10
"Nagyaya sina Emi sa Friday. Sa Epineio raw. Wanna come, Rai?" sabi ni Wren matapos ang klase namin.
Pababa na kami sa first floor sabay dumeretso sa locker room. Dahil halo-halo naman ang mga lockers na para sa mga girls and boys. Sinigurado namin nina Sven at Wren na magkakatabi lang ang mga locker namin.
Habang inilalagay ang mga librong nagamit kanina, inisip ko ulit yung sinabi ni Wren. What comes with Emi? An excess baggage which means nandoon din si Geo dahil boyfriend siya ng kaibigan ko.
Umiling agad ako kay Wren. "Once is enough, Wren. Napagbigyan na kita."
Hindi niya rin alam na nagkagalit kami ni mama tungkol sa pagpunta ko sa birthday ni Emi. At wala rin naman akong balak na sabihin. But then, I won't risk it again. Marami pa namang paraan siguro para makapag-bonding kami. Pero hindi ko talaga kaya ngayon.
"Oh come on, Rai. Don't tell me that this is because of Geo? Ano bang ginawa sayo ni Gideon?"
Persistence talaga ang middle name ni Wren. Pero kailangan talagang isingit 'yon lalo na ngayong nandito si Sven?
Sumingit tuloy siya. "Sinong Gideon, Wren?" his voice is stern.
I almost formed a smile pero napigilan ko rin. Diniin ko na lang ang dila ko sa cheek para hindi ako makapagsalita nang masasamang words. Para kasing may kung anong nagwawala sa tiyan ko dahil sa simpleng pagtatanong ni Sven. It shouldn't be a big deal pero ewan...I can feel his extra care for me.
"He's nothing, Alaric. Anyway, hindi muna ako makakasabay sa inyo kasi may kailangan akong puntahan," wika ni Wren at parang napilitan ang mood niya. Para siyang kinikilig or not sure... baka natatae lang.
"Saan punta mo? Lagi ka na lang may lakad," sabi ni Sven.
Inirapan siya ni Wren. "It's not your business, Alaric. Ikaw na lang muna ang maghatid kay Rai like what you were silently praying for."
Kumabog ang puso ko at kinunotan ng noo si Wren. What does she mean by that?
"Tigilan mo 'ko, Gonzales."
Tumawa si Wren at kinawayan kami. "Bye, love birds."
Natigilan kami ni Sven sa main hallway. Maraming mga estudyante ang dumadaan. The usual na may grupo, jocks, feeling queen bees, at yung walang pakialam sa mundo. Nadagdagan sila-mga gamers. At ang ingay nila sa hallway.
"So, ihahatid ba kita ngayon?"
As much as I wanted to say yes. Naalala kong makikipagkita pala ako kina Eos ngayon. "May lakad ako."
I think gets naman niya kasi tumango siya sakin. We continued walking until we got out of the building. The sun is still evident on the horizon. At ang ganda lang ng hues ng langit ngayon. Instagrammable.
"Emraida!"
Napalingon ako sa kaliwang banda and I found Eos with Hiraya. Eos seems enthusiastic about something while Hiraya looks bored. Napangiti ako. They have big differences yet it was so refreshing to see both of them together. Or siguro bias lang ako dahil tinitingalang tao ko si Hiraya.
"Hi," bati ko sa dalawa nang makalapit sila. "Saan tayo pupunta?"
"To a not-so secret beach," sagot ni Hiraya.
Hinampas ni Eos si Hiraya sa balikat at over na siguro ako pero medyo napaawang kasi ang labi ko. For sure only those who are close with Hiraya can do that to her. Baka kasi kapag nasa SSC kami at binanatan ko siya ng gano'n, siya na mismo ang magpapasa ng impeachment letter ko.
"Akala ko ba isusurprise natin siya?" Eos felt betrayed. And I chuckled.
I can feel that Sven is still behind me. I felt safe. Feeling ko kasi hindi naman ako pinaglalaruan ng tadhana para sa timing na dumating sila sa buhay ko ngayon. If anything, I would be glad to welcome them with open arms.
"There's no use in surprising her, Eos. At saka, she asked. I'm just giving her answers."
Napangiti lang ako. "Gagabihin ba tayo ro'n?"
Umiling si Eos. "I think, hindi naman," she smiled and then looked at Sven behind me who was just waiting for a signal. Tho, I'm not sure kung he's staying or what. "Are you going with us, Alaric?"
Nilingon ko naman si Sven na umiling sa amin bago ako binalingan. "Mauuna na 'ko. Kailangan ako sa shop pero balitaan mo ko bukas or kwento ka."
For a second, I felt like my heart melted. Alam ko na ang kayang gawin para sakin ni Sven pero hindi ko inaasahan na ganito niya kagustong alagaan ako so I nodded. "Ingat ka."
Pinanood namin siyang maglakad palayo sa amin. At saka ko naramdamang umangkla sa braso ko si Eos. Sa right side niya si Hiraya habang nasa left naman ako.
"Let's go!" she giggled.
Natawa naman ako sabay iling. I really love her vibe. Up until now, I'm thanking her inside my head dahil sa ginawa niya para sa akin nung gabing 'yon.
"What if bumili tayo ng food natin sa 7 Eleven para naman makapag-mini picnic tayo?" Eos suggested.
"Sure. I'll pay." Hiraya offered.
Nahihiwagaan pa rin ako sa presensya niya kasi I always see myself below her. Kaya ngayong malapit siya sakin at feel ko magiging kaibigan ko pa siya, kinakabahan ako. It's like the Queen befriended her servant.
Tumingin sila sakin. Probably, curious as to what's going on my head about their plans. "Kung anong trip niyo."
Napapalakpak si Eos at tumawid na kami sa Dai Nam Avenue papunta sa 7 Eleven. The door chimed when we got in nang tumunog bigla ang cellphone ni Eos.
"I'm sorry. I had to take this call," Eos said, biting her lip.
"Go on," sagot naman ni Hiraya tapos kami na yung tumuloy sa loob.
"I'll go get the drinks. You picked the snacks," wika niya saka kami naghiwalay.
Habang namimili ng mga pagkain, naalala ko bigla yung sinabi ni Eos na nagtatrabaho siya sa 7 Eleven na 'to. I wonder if she still work here?
Pupuntahan ko na sana si Hiraya sa pwesto ng refrigerator nang sumigaw yung babaeng nasa cashier.
"OMG, si Eos!"
Natigilan ako at binilisan ang pagpunta kay Hiraya. She seems alert too. Walang sali-salitang iniwanan namin ang mga pagkain sa estante at lumabas sa convenience store.
"Eos, what happened? Ayos ka lang ba?" I asked. Concern laced on my voice.
Tulala lang si Eos at umaaktong may hawak pa rin siya. She must have been shocked.
"Eos, are you okay?" sinundan ni Hiraya.
"'Yong-yong phone ko . . . I was talking to my friend and . . .. it's gone-someone stole it."
"Saan nagpunta?" I growled.
Nilingon namin ang paligid nang sumigaw si Hiraya at may tinuturo. "There!"
Hinubad ko ang bag ko at hindi na nag-atubiling tumakbo. Hiraya, on the other hand, runs with me too making us leave Eos behind.
"Baka mapano kayo!" sigaw niya samin.
Nang makita kami ng magnanakaw na hinahabol siya ay tumakbo na rin siya. Ramdam ko na agad ang pagkapagod dahil matagal-tagal na rin yung huli kong takbo.
"Where the fuck is the girl going?" Hiraya cussed.
Umikot yung babae sa Raauha East Bridge kaya mas binilisan namin. Nang halos malapit na kami sa kanya ay hihilahin ko na sana siya nang mauna sakin si Hiraya. Bumangga ako sa kanilang dalawa makes us roll into the ground. Napaigik ako sa lakas ng pagkakabagsak naming tatlo.
Gumulong ako at tumayo nang muling hilahin ni Hiraya ang babae sa shirt nito at isinandal sa rails ng tulay.
"Hey bitch! Wala ka na ba talagang maisip na gawing sideline at heto pa ang naisip mo?" Hiraya said in an angry manner.
But the girl didn't seem to be afraid of Hiraya. Rather she asked us with a boring expression, "Ano bang gusto niyo?"
Natawa si Hiraya at idiniin pa lalo ang babae. "Isn't it obvious? Ibalik mo yung cellphone ng kaibigan namin."
Umirap lang ang babae. Shuta, ang tigas ng mukha niya. If wala lang si Hiraya sa harapan ko at nagpapanggap pa akong mabait kay president. Baka tinulak ko na 'tong babaeng 'to sa tulay. Ang dami niyang pasaring.
Sasampalin na sana siya ni Hiraya nang may humawak sa kamay niya. "Hiraya, wag."
It was Eos. Her voice seemed sad. Mas lalo tuloy kumulo ang dugo ko sa babaeng 'to. No one messes with my friend.
"Ate, pakibalik na lang po ng cellphone ko para wala tayong gulo . ." Eos sighed. ". . . Kailangan ko po kasi 'yan e. Mahalaga sakin 'yan."
Gusto kong sigawan yung babae sa harapan ko na ibalik na niya. But again, I can't risk it. Baka palitan ko si San Pedro the moment na malaman ni Hiraya kung gaano ako kagago.
"Talaga? Parang hindi naman," the girl mocked Eos.
From that moment, I wanted to strangle her. Talagang mga tao ngayon, walang pinapalampas na pagkakataon basta usaping pera. Na para bang pinupulot lang 'yon kaya madaling hingiin.
Nakailang sagutan pa sila bago sila nag-negotiate na bibigyan ng twenty bucks 'yong babae. Iyon kasi yung pinagkasunduan para ibalik niya yung phone ni Eos.
Pero shit lang.
"Now, give the phone back," Hiraya demanded.
The girl smiled sheepishly. "Sure." Kinuha nito ang telepono ni Eos sa bulsa niya at sinadyang itapon sa ilog.
Napaawang ang labi namin pero nginitian niya lang kami. "Oops, nahulog sa kamay ko . . . "
Galit na sumigaw si Hiraya habang natulala na lang ako.
"Adios!"
And then, she was gone.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top