PROLOGUE (PART 3)
ABADDON SCHOOL:
THE LAST FIGHT
Prologue (Part 3):
Maraming nagbago sa nakalipas na panahon. Grumaduate kami ng matiwasay pagkatapos ng dalawang beses naming pagkakasangkot sa madugong trahedya na nangyari sa amin.
Nagkanya-kanya kami ng landas at pinagpatuloy ang buhay namin. Noong nakaraang buwan lamang ako grumaduate kasama ang kupal na si Gino.
Hindi ko alam bakit kami palagi ang magkasama. Pusanggalang 'to! Hindi na nagsawa sa akin. Ako nga sawang-sawa na sa kanya.
"Lin," tapik sa akin ni kumag.
"Ano?" Inis kong sabi sa kanya.
"Sa'n ka magtatrabaho?" Nilingon ko na siya.
"Gino naman, lumayo-layo ka na sa akin, akala tuloy nila may bawal na relasyon tayong dalawa. Bakit ba kasi parehas tayo ng course?"
Kumibit-balikat lang siya sa akin, "malay ko. Parehas yata takbo ng utak natin." Pusanggalang niyan.
"Tapos sasama ka rin sa akin kung sa'n ako magtatrabaho? Lumayo ka nga! Baka nababakla ka na sa akin, ha!?" Sabi ko rito.
"Hoy! Lalaking-lalaki ako! Nagkaroon na nga ako ng 4 na exes," ngisi niya sa akin.
Umiling ako rito.
"Ikaw? Ilan na ex mo?" Pang-aasar niya. Sige lang. Ilulublob kita sa kumukulong tubig.
"Kaysa naman sayo fuck boy!" Sabay layas ko sa kanya.
Ewan ko ba rito kung bakit ko siya sinama. Ang kasama ko talaga dapat si Fayce pero langya may date siya.
"Hindi ka na mabiro, Dude! Bakit kasi 'di mo ligawan iyong dati nating classmate na si Jessa. Since college, patay-patay na sa'yo iyon. Binabalaan pa mga babaeng lumalapit sayo."
Umiling ako rito. Ayoko masangkot sa mga relasyon na iyan. Gastos lang at baka maging under pa ako.
"Wala akong panahon d'yan, Gino. Alam mong ayokong pumasok sa relasyon kung 'di pa ako handa."
Pumasok kami sa supermarket at kumuha ng big cart.
"Sus! Baka naman---"
Pinutol ko ang sasabihin niya, "Tagal na nu'n, Gino, ilang years na ba sila ni Ivan? Saka alam ko na talaga ang posisyon ko kay Debra. Ayoko lang talaga." Tumango na lang siya sinabi ko.
"Ano ba bibilhin? Pusanggalang Fayce 'to, inuna pa date bago tayo samahan." Naiinis kong sabi.
"Kalahating sakong bigas, apat na argentina corn beef, tatlong kilong baboy and manok, apat na san marino, dalawang taling petchay, dalawang tali---"
Inawat ko siya, ang gulo ng listahan. Nasa canned goods kami tapos napunta sa fresh meat.
"Sunod-sunorin natin. Nakakalito. Sino gumawa ng listahan?" Kinuha ko sa kanya ang listahan. Ang haba. Three days lang naman kami magbabakasyon pero mukhang pang-isang linggong supply namin 'to.
"Si Rey," sabay tawa ng siraulo.
"Canned goods muna tayo, then, fresh meat. Huli natin iyong bigas." Tumango naman siya.
Umabot kami ng kalahating oras bago natapos sa pamimili.
Nandito kami sa pulang bubuyog at kumakain. May sobra pa sa perang binigay ni Fayce.
"Seryoso na ba si Fayce sa latest girlfriend niya?" Tanong ng isa.
Kumibit ako sa kanya, "malay ko sa kanya. Gawain niyo niyang tatlo, dapat alam mo."
Binato niya ako ng fries. "Atleast tumatagal ng one month ang relasyon ko kaysa sa dalawa." Sabay tawa niya.
Umiling ako sa kanya.
"Dude, sila naman ang lumalapit sa amin kahit alam nilang pampalipas lang sila. So, wala kaming kasalanan."
Anong klaseng reason niyon. Tsk.
"Malay mo naman tumino na si Fayce, two weeks na sila nu'ng ka-fling niya, e. Iyon lang ang tumagal sa kanya."
Tama nga naman siya. Iyong ibang ka-fling niya wala pang one week wala na sila. Minsan two days, iyon ang pinakamatagal niya.
"Kapag kayong tatlo nakahanap ng katapat, kawawa kayo." Banta ko sa kanya.
"Kung makakahanap. Sa charm kong 'to? Walang makakatanggi sa akin."
"Ewan ko sa inyo,"
Natapos kami at buti na lang sinundo kami ni Rey.
"Ang tagal mo!" Baling ko sa kanya. Kanina pa namin siyang tinetext pero ngayon lang dumating.
"Hinatid ko pa, e."
"Hindi talaga kayo titigil sa hilig niyong tatlo nila Fayce. Fling, fuck, and trash?" Umiiling ako sa kanila.
Kaya sa aming apat, ako ang nagliligpit ng mga kalat nila. Sina Debra at Ivan naman may sariling mundo. Simula maging silang dalawa, 'di na sila napaghiwalay. Seloso kasi masyado si Ivan. Langya.
"Naiinggit lang niyan, Rey. Kanina pa n'yan pumuputak sa supermarket." Bulong ni Gino.
"Gago. Sinasabihan ko lang kayo, baka magkaroon kayo ng aids."
"Easy, Lin! Mayro'n ka yata ngayon. Hahahaha!" Sabay halakhak ng dalawa.
"Gumagamit naman kami ng protection, Dude. Lubricant pa nga." Nag-apiran pa ang dalawa.
"Easy pie, pûssy. Hahahaha. "
"Ewan ko sa inyo. Bahala kayo sa gusot niyo." Suko ko sa kanila.
Hindi ko ba alam kung bakit sinusuway ko sila, alam ko namang 'di sila nagpapatinag.
Lalo na si Fayce. Buhay niya raw iyon. Hays.
Nang nakarating sa bahay, bumaba ang dalawa at nilapag ang pinamili namin.
Bumangad sa amin si Mommy.
"Lin, nandito na iyong tatlo. May beach daw kayo pupuntahan?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga pinamili namin.
"Oo, 'my. Three days lang naman kami. After, nu'n maghahanap na ako ng work." Tumango siya sa akin.
"Lagi ko kayong binabalaan, mag-iingat kayo kung sa'n pupunta, ha."
"Of course, tita!"
"Yes po, 'ta!"
Sagot nu'ng dalawa. Tumawa lang si mommy sa kanilang dalawa.
"Tagal niyo," inip na sabi ni Fayce.
Pusanggalang 'to, siya pa nainip. Kami 'tong napagod.
"Ayos lang ba kayo, Lin? Kumain na ba kayo?" Tumayo si Debra at tinignan ang pinamili.
"Yes, ayos lang kami. Kumain na rin kami ni Gino. Natagalan kami dahil kay Rey." Masamang tumingin sa akin si Rey. Kasalanan naman niya.
"Sasama raw si Maddie." Napakunot kaming lahat sa sinabi ni Ivan.
"Bakit/Why?" Sabay-sabay naming sabi. Alam naman nilang bwisit si Rey sa babaeng niyon.
"At, bakit Rey? Naka-move on na iyong kaibigan ko sayo!" Mataray na sabi ni Debra.
Uh-oh.
"Wala naman ako sinabi, Debs!"
"Kung wala naman pala, bakit bawal siyang sumama? Kaibigan ko siya kaya isasama ko siya!"
Walang nagsalita sa amin. Sabi ni Debra ang masusunod. Nginisihan lang kami ni Ivan. Raulo.
"Debra! I'm here na bestfriend!" May narinig kaming malakas na sigaw.
"Nandyan yata siya!" Dali-daling siyang lumabas.
"The ex is here." Tumatawang sabi ni Fayce. Pinakyuhan lang siya ni Rey.
"Easy, dude!"
Pumasok sila Debra. Maikli pa rin kung magsuot ng damit 'tong si Maddie.
"Hi, guys! Can't wait to the beach!"
Ito na naman kami maririndi sa boses ng babaeng 'to. Wala na naman kaming kawala, lalo na si Rey na kanina pa naiinis dahil sa daldal ni Maddie.
× × × ×
PS:
Abaddon School: The Last Fight (Part 3) is ongoing... After ng one year, ito na ang book 3. Dito ko na lang ilalagay para dire-diretso ang pagbabasa niyo.
Thank youuuuu sa paghihintay sa book 3!
- TitserAna
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top