PROLOGUE (ABADDON SCHOOL PART 2)

Abaddon School Part 2:


PROLOGUE

LINCOLN'S POV

Isang taon. Isang taon na nakalipas. Simula nung naranasan namin ang larong...Larong maraming buhay ang kinuha.

Sa loob ng isang taon, anim na buwan kaming nasa pangangalaga ng mga psychiatrists.

Pilit nilang binabaling ang atensyon namin sa ibang bagay at pilit na winawaksi ang aming mga isipan sa nangyari.

Makalipas na anim na buwan na pananatili namin doon, nagkanya-kanya na kami ng landas.

Si Fayce ay dinala sa Amerika, para maghilom lalo ang sugat ng nakaraan.

Si Debra ay dinala rin sa ibang bansa dahil sa paulit-ulit na panaginip niya tungkol kay Faye at sa nangyari sa amin sa Abaddon School.

Si Rey na piniling lumayo sa amin at sa mga magulang niya. Ni-isa sa amin ay walang alam kung nasaan siya.

Si Gino, Ivan at Ako na lang ang nandito. Pilit man namin gustong lumayo pero parang may humahatak sa amin pabalik.

"Pare!" Napahinto at napalingon ako sa tumawag sa akin.

Nakita ko si Gino na nakaschool uniform.

Simula umalis sina Fayce, Rey at Debra. Si Gino na ang madalas kong kasama. Dahil doon lalo ko siyang nakilala ng husto.

"Bakit?" sagot ko sa kanya ng sumabay ito sa paglalakad ko.

"Pare naman! First day of school oh?! Nakabusangot ka. Kaya walang lumalapit na chicks sa atin eh!" umiiling na sabi nito. Dinamay pa ako sa kalokohan.

"Sira*lo." mahinang sabi ko sa kanya. At, inunahan ko na siyang maglakad.

"Uy, narinig ko n'yon!" malakas na sabi niya at tumakbo.

First day of school. Nilibot ko ng tingin ang school. School na naging saksi para sa tatlong araw namin pakikipaglaban at pakikipagsapalaran sa mga buhay namin.

"Ang daming nagbago sa school." Mahinang sabi ni Gino.

"Nirenovate raw ang mga building at pinablessing..." nagtataka akong tumingin sa kanya.

Tumingin siya sa akin, "Ganoon talaga pag-gwapo. Ang dali kong nakakuha ng info." Sabay pogi pose ni kupal at tumawa.

"feeling ko kailangan mo ulit bumalik sa psychiatrists natin. Malala ka na boy."

Nakarating kami sa classroom namin. Naaalala ko dati, bubungad sa akin ang mukha ni Debra, Faye at si Fayce na nakasimangot dahil pinagsabihan na naman ng dalawa. Pero, ngayon hindi na.

Pagkapasok namin nakita ko si Ivan na nakatingin sa bintana.

Simula umalis si Debra, madalang na lang magsalita si Ivan. Kapag tatanungin namin, doon lang siya magsasalita.

"Pards! Balita?" Bati ni Gino kay Ivan.

Imbis na magsalita, tumango lang si Ivan kay Gino.

Tumingin sa akin si kupal, nagkibit-balikat na lang ako.

Umupo ako sa tabi ni Ivan.

Out of the blue biglang nagsalita si Ivan.

"Babalik na sila..." Napatingin ako sa kanya.

Magsasalita pa lang sana ako ng sumabat si Gino "Sinong sila?"

Tumingin sa amin si Ivan "Sina Debra,Rey at Fayce."

Tinitigan namin siya.

"Hindi niyo alam? Hindi ba kayo nagbubukas ng email niyo? Nag-email sila ha?" tanong niya sa amin.

Nang makita niya kami na parang nalilito pa rin. Kinuha niya ang phone niya at pinakita ang email na sinasabi niya.

"Ito oh! Sent to many nga ito!" nakita nga namin doon ang email ng tatlo. Dito na ulit sila mag-aaral. Makikita ulit namin sila.

Magsasalita pa sana si Gino ng pumasok ang prof namin. Sa porma palang niya, propesor namin siya.

Lahat ng mga guro rito ay mga bago maski ang mga faculty member mga bago.

"Good morning class! My name is Ms. Niña Sumodlayon. Your History professor. Nice to meet you..." sa mukha ni Ms. Niña mukhang bago lang siya sa pagtuturo. Mukhang bata pa kasi.

Nagtuturo si Ms. ng biglang may kumatok.

Lumapit siya sa pinto at parang may kinakausap siya roon.

"Class, you have new classmates. Apat sila but n'yong tatlo baka bukas pa makapasok. Nandito n'yong isa para magpakilala sa inyo."

Sinenyasan ni Ms. na pumasok at magpakilala na nyong bagong classmate namin.

Dahan-dahan itong humakbang papunta sa harapan ng naka-yuko.

Pinaglalaruan ko ang ballpen habang hinihintay magsalita ang lalaking nakayuko.

Nahulog ko ang ballpen ko at kinuha ito. Pagkayuko ko, siyang sabi ng kanyang pangalan.

"Magandang umaga. Ako nga pala si Spencer Markus..." napatigil ako sa pagkuha at tinignan ang bago naming kaklase.

Napatulala ako ng makita ko siya. Siya nyong lalaki sa hospital. Siya nyong lalaking unang naglaro sa demonyong laro. Siya n'yon, hindi ako pwedeng magkamali. Siya n'yon.

Tumingin sa akin ang lalaki na nagngangalang Spencer, at ngumisi sa akin.

Pinagpatuloy niya ang sinasabi niya kanina, "Spencer Markus po at Mamamatay na tayong lahat..."

"Iho, anong sinabi mo?" tanong ni Ms.

"Wala po Ms. San po ako maaaring umupo?" tanong niya.

Tinuro ni Ms. ang bakanteng upuan sa pinakadulo. Hindi ko pa rin inaalis ang paningin ko sa kanya.

Napalingon ako kay Ivan "Siya ba? Siya ba nyong sinasabi mo na unang nakaranas ng laro?" bulong niya sa akin.

Tumango ako sa kanya.

"Kailangan natin siya makausap,mga Pards. Bakit nandito siya ngayon. Wag niyong sabihing..." nagkatinginan kaming tatlo sa sinabi ni Gino.

"Mamamatay na tayong lahat."

"Mamamatay na tayong lahat."

"Mamamatay na tayong lahat."

"Itong school ulit natin ang venue?" sabay naming sabi.

Hindi pwede 'to! Hindi pwedeng kami ulit!

Tumingin ako sa pwesto niya, isang ngisi ang sinukli niya sa akin.

Bakit kami na naman? Bakit?!


- to be continued -




A/N:

Muling nagbubukas ang gate ng Abaddon School para sa inyo, para masaksihan nyo ang tunay na mastermind ng lahat ng patayan.

Dito ko na lang po ilalagay ang part 2. Sana po basahin niyo. Salamat po sa inyong lahat.

Sino nga ba si SPENCER MARKUS? Ano nga ba ang magiging role niya sa story. Sabay-sabay po natin alamin sa muling pagbubukas ng gate ng Abaddon School.


VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top