Epilogue [Part 2]

Epilogue: The finale

GINO'S POV

"S-spencer..." nauutal at mahinang sabi ni Rey.

Nanlamig ako ng makita kong bumagsak si Spencer sa malamig na sahig ng palapag na ito.

Lalapit na sana kami ng biglang may nagpaputok ulit. Kaya nagtago kami.

Lumingon pa ako kay Spencer na ngayon ay tadtad na ng bala ang kanyang katawan at  naliligo na siya sa kanyang sariling dugo.

"Pusanggala! Bakit nangyari ito! Okay na iyong plano!" Nagwawalang sabi ni Fayce habang sinusuntok ang pader.

Huta! Kung kailan malapit na kami makaalis sa islang ito saka pa nangyari ang ganito! Handa naman kami pero... langya! Parang umulit lahat ng nangyari sa amin.

Sumilip ulit ako dahil tumigil ang pagpapaputok ng baril. May lumabas na isang taong may maskara sa pintong bubuksan sana ni Spencer. Tinadyakan ng taong nakamaskara si Spencer.

Naaawa ako sa naging kalagayan ni Spencer, walang kalaban-laban siyang binaril!

"Alam kong nakatago kayo."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig kong boses. Napatingin ako kay Fayce, gan'on din ang namutawi sa kanya.

Kilala ko ang boses na iyon. Kilalang kilala namin!

"Bakit ayaw niyo pa lumabas! Diba gusto niyong malaman kung sino ang may kagagawan ng mga ito! Lumabas na kayo!"

Dumagundong ang boses niya sa palapag. Wala siyang voice changer ngayon. Kahit hindi na namin tignan alam na namin kung sino siya. Huta! Bakit ngayon lang namin napansin!

"Gusto niyo bang malaman bakit ko ginagawa ang ganito? Ha! Sumagot kayo!"

Nakakatakot siya! Bigla siyang humalakhak ng napakalakas.

"Mga bobo! Gusto ko lang naman ng bago at kakaibang laro! Larong buhay ng mga estudyante ang mga kapalit! Ang ganda kasi panoorin ng mga hiyaw, iyak at pagmamakaawa  niyo habang unti-unti kayong pinapatay!"

Tinignan ko si Fayce na ngayon ay nanggagalaiti na sa inis. Parang gusto na niya harapin ito at patayin din.

"Nung una trip ko lang talaga, iyong sa paaralan ng Spencer na ito!"

Sinipa niya ang wala nang buhay na katawan ni Spencer. Huta!

"Pero nung lumipat ako sa paaralan niyo! Doon na lalo umusbong ang galit at silakbo ko sa pagpatay sa mga estudyante! Tngina! Principal niyo pala iyong walanghiyang Jack na 'yon! Ayun, doon ulit dumaloy sa katawan ko ang pumatay. Malas kayo at pumasok kayo that day pero swerte niyo rin dahil buhay kayo! Sarap sa tenga ng mga iyakan, palahaw at pagmamakaawa niyo! At iyong mga parte ng katawan ng mga kaklase, kaibigan at schoolmates niyo, langya ang ganda paglaruan!"

"Bakit? Bakit mo naman inulit?" May malakas na sumigaw at boses ni Rey iyon.

Huta! Bakit siya sumagot!

"Bakit ko inulit? Wala lang, gusto ko lang ulit marinig ang mga awa niyo. Nagkataon na gusto ko ng bago sa paningin kaya dinala ko kayo rito! Lahat kayo!"

A-anong lahat kami? Tumingin ako kay Fayce na naghihintay sa susunod na sasabihin niya.

"Lahat kayo! Lahat kayong sumama sa field trip!"

Huta! Ibigsabihin...

"Nasa ibang isla lang sila! Pero Tngina! Kayo na lang ang buhay at halos lahat sila patay na!"

Nanlamig ako sa sinabi niya. Hindi lang pala kami ang dinukot at nawawala. Lahat kaming sumama...

"Dapat pala pinaghihiwalay ko kayo! Tngina! Problema ko na naman kayo! Kayo na naman ang mga natitirang buhay! May mga lahing pusa yata kayo! Siyam ang mga buhay!"

May narinig akong kasa. Mukhang kasa ng baril.

"Ngayong araw na ito, mamamatay na kayong lahat!"

Pagkasabi niya iyon sunod-sunod na ang pagpapaputok niya.

"Pusanggala! Mukhang totohanin niya!"

Patuloy pa rin siya sa pagpapaputok.

"Pusanggala! Kung hindi tayo kikilos, mamamatay tayong lahat dito!"

Hinanda ni Fayce ang micro uzi niya. Kinasa ko naman ang dala kong kwarenta'ysingko baril.

Ito na. Ito na susugod na kami. Bahala kung anong mangyayari.

Tumingin ako kay Fayce at tumango siya sa akin. Napalunok ako ng laway ko habang papalapit nang papalapit ang putok nang baril.

Binalibag naming binuksan ang pinto at agad na nagpadulas sa sahig at sunod-sunod na bumaril sa kanya.

Napaluhod siya at umaagos sa tuhod niya ang pulang likido na nanggagaling sa kanya. Tinapat niya sa amin ang armalite na dala-dala niya. Katapusan na namin. Huta!

"T-tngina! K-kayo..." napaubo siya at dugo ang lumabas sa kanyang bibig.

"K-kayo talaga ang p-panira sa p-plano ko. A-alam niyo ba g-gusto ko kayong p-patayin nung una palang. P-pero nung n-nakita ko k-kayong u-umiyak dahil sa pagk-kawala ng kapatid mo," tumingin siya kay Fayce na may ngisi sa labi, "S-sinabi ko na 'wag m-muna dahil gusto ko kayo p-pahirapan. P-pero m-mali ako. T-tngina, d-dapat pinatay ko na kayo. M-mali ang m-move ko."

Pilit niyang tinatayo ang kanyang sarili habang hawak ang kanyang armalite. Suot pa rin niya ang kanyang maskara.

"A-ako nga pala si P-principal Alex Ford..." Pagkasabi niyang iyon siyang tanggal niya ng maskarang suot niya.

"A-ako ang mastermind ng lahat," nagawa pa rin niyang ngumisi sa amin, "P-pero hindi p-pa rito nagtatapos d-dahil ang isang kasabwat ko ay buhay pa. K-kasama siya ng mga kaibigan niyo. M-madali nga naman linlangin ng mukha ang tinatagong sikreto."

May kasabwat siya at kasama siya ng mga kaibigan namin.

Nagkatinginan kaming apat dahil sa sinabi ni principal Ford.

"Sino siya? Sino ang kasabwat mo?" Humihiyaw na sabi ni Rey at niyuyugyog niya ang wala nang buhay na si Principal ford.

Pero walang sumagot sa tanong. Pinagbabaril ni Rey ang wala ng buhay na katawan ni principal Ford.

"S-sina Debra..." mahinang bigkas ni Ivan at agad itong tumakbo.

"Ivan!"

Tumakbo kami at pilit namin siyang hinahabol. Para na kaming flash para makarating sa pinagtaguan namin kila Debra.

"Nandoon naman si Lincoln, chill lang guys." Sabi ko sa kanila. Pampakalma lang.

Parang hangin lang ako sa kanila. Nang makarating sa ground floor ng building na ito. Pinuntahan agad namin ang kwarto pero wala sila roon.

"Nasa'n sila? Nandito lang sila. Dito namin sila tinago!"

"Sigurado ka ba Ivan, dito niyo sila tinago?" Si Fayce.

"Oo, dito! Ito iyong plywood para takpan ang pinto nila." Tinuro niya ang plywood na ngayon ay nasa sahig na.

"Debra!" Sumisigaw na sabi ni Ivan.

"Lincoln!"

"Adessa!"

"Debra, nandyan ba kayo?"

Sumisigaw na kami pero wala kaming narinig na sumagot man lang.

"Ano iyon?" Pagtatanong ko sa kanila. "Narinig niyo ba iyon? Tunog ng helicopter?"

Tumahimik kami at agad na lumaki ang mga mata namin dahil tama kami ng hinala! Tunog nang helicopter n'yon!

Lumabas kami ng building at bumungad sa amin ang swat, sundalo at mga pulis. Nakita namin ang mga kaibigan naming nakasakay na sa helicopter.

Tumakbo kami papunta sa kanila. Huta! Akala namin napano na sila.

"B-bakit kayo umiiyak?" Nag-aalalang tanong ni Debra kay Ivan at pinunasan niya ito.

"Akala kasi namin..."

"Akala niyo napatay na kami ni Ms. Niña?" Nagulat kami sa sinabi ni Lincoln.

"M-ms. Niña?"

"Siya ang kasabwat ni Principal Ford. Binunyag lahat ni Ms ang sikreto nila. Natakot kami dahil hawak niya si Maddie. Buti na lang dumating si Macky at tinulungan kami." Pagpapaliwanag ni Debra sa amin.

"Nasa'n na si Ms. Niña?" Pagtatanong ko sa kanila.

"Wala na siya,"

"Tnginang iyon! Niligtas pa natin at sariling adviser pa natin siya rin pala ang mapapahamak sa ating lahat!" Nanggagalaiting sabi ni Rey habang nakakuyom na ang kanyang kamay.

"Nasa'n si Maddie?"

Oo nga pala, nasa'n iyong maarteng Maddie na iyon.

"Nandoon siya." Tinuro ni Debra ang isa pang helicopter, "ginagamot. Nabaril kasi siya ni Ms. Niña sa tiyan at sa paa. Nandoon din si Macky dahil sa pilay niya."

"P-paano pala nagkaroon ng mga ito?" Pagtatanong namin.

"Dahil kay Macky. Hindi namin alam kung paano niya nagawa pero magpasalamat na lang tayo sa kanya."

---

"Lincoln!" Napatingin kami kay tita Mery na tumatakbo palapit kay Lincoln.

"Mama,"

"Ikaw na bata ka! Kaya ayokong pirmahan ang waver na iyon! Tignan mo! Hindi talaga kayo tinatantanan niyang patayan!" Nagulat kami ng umiyak si tita Mery at humagulgol.

"P-paano kung mamatay na kayo roon! Lincoln naman! Sobra kaming nag-alala sayo. Maski mga magulang niyo! Walang segundo na kumukontak kami sa mga pulisya kung may nangyari na ba sa paghahanap! Jusko naman kayo!"

Yumuko kami sa sinabi ni tita Mery.

Isa-isa na dumating ang mga magulang namin at puro sila umiiyak.

"Gino naman! Hindi ko na kakayanin kung may mangyayari na naman sayo! Ayoko na mawala ka sa amin!" Niyakap ko si Mama. Alam kong takot na takot din siya. Ako rin naman.

"S-spencer! Apo ko! Bakit mo kami iniwan!"

"A-anak ko! Dyos ko po!"

Napatingin kami sa isang magandang babae at isang matandang babae na umiiyak habang nakayakap sa malamig na katawan ni Spencer.

Hindi namin kaya tumingin sa tagpo nila. Sobra kaming dinudurog nang dahil doon.

Patuloy pa rin ang pag-iyak ng dalawang mahal ni Spencer pero ito kami at nakatingin sa kanya habang sinasakay sa ambulance.

Nilabas na rin ang iba pang mga labi ng mga kaklase namin at mga schoolmates namin.

At ang huling nilabas ay ang labi ng dalawang pasimuno sa patayang naganap sa amin. Alex Ford at Niña. Ang dalawang taong umagaw sa mga buhay ng mga kaibigan, kaklase, guro at ka-schoolmates namin para sa kanilang kasiyahan. 

Lumakad kami at bumungad sa amin ang flash sa iba't ibang camera ng mga media para hingin ang aming mga panayam pero tikom ang aming bibig para rito.

THIRD PERSON'S POV:

Nakasakay na sa van ang magkakaibigan sina Fayce, Debra, Ivan, Lincoln, Rey, Gino, Adessa, at Jupiter. Sina Maddie at Macky naman ay dinala sa hospital para gamutin ang mga tamang nakuha nila.

Sa kabilang banda, may isang binatilyo ang nakatingin sa kanila.

"Hindi pa tapos ang lahat... mamamatay rin kayong lahat sa mga kamay ko." Lumakad na ang binatilyo at tumingin sa mga kamay niya.

"Kung hindi kayo napatay nina Ford at Niña, ako ang papatay sa inyo. Magsaya na kayo habang buhay pa kayo sa ngayon... dahil huli na iyan. Huli na itong pagiging pusa niyong lahat."




- End of Epilogue Part 2 -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuuu!💕💋

All rights reserved 2018

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top