Abaddon School Part 1.8
Chapter Eight:
DEBRA'S POV
Naglalakad kami ngayon palabas ng gymnasium. Halos 15 na lang kaming natira,sa sobrang daming estudyanteng nag-aaral dito, heto at kinse na lang kami.
"Bestfriend!! Ang galing mo kanina! P'wede kana mag-training sa girls basketball. Grabe ka bestfriend!" masayang sabi sa akin ni Faye habang nakahawak sa kanang kamay ko.
Maski ako hindi pa rin makapaniwala kanina. Hanggang ngayon lutang pa rin ako. Biruin mo naman, na shoot ko n'yong bola?
"Oo nga naman Debra! Lupit mo! Hindi mo naman sinabi sa amin, nagbabasketball ka pala." Sabi ni Rey habang nagshoshooting sa invisible ring niya. Minsan talaga may tililing din 'to, parehas sila ni Faye. Si Rey lang nakilala kong medyo maangas na may tililing.
"Ang dayaaaaa mo Debra! Magkababata tayo, bakit hindi ko alam niyon?" Ito na naman si Lincoln, isip bata na naman.
Hindi ko na sila sinagot basta ang importante nakaligtas kami sa pusang n'yon. Kinabahan ako roon nung hinabol kami ni Faye. Akala ko katapusan ko na.
Naglalakad kami ngayon papunta sa canteen. May 1 hour pa kami bago magsimula ang pangatlong game. Ano na naman kayo ang palalaruin sa amin.
Nang makapasok kami sa canteen, pumuwesto kami sa mahabang lamesa, sa tyansa ko kasya rito 10-15 katao. Dito kami lahat umupo.
"Bullsh*t! Ano bang nangyayari dito?" Biglang sigaw ni Fayce. Habang ginugulo ang buhok niya. Naka-upo siya ngayon sa ibabaw ng lamesa.
Wala ni isa sa amin ang sumagot sa kanya. Maski kami walang alam sa nangyayari. Lahat kami naguguluhan sa nangyayari.
Tumayo sa tabi ko si Ivan at naglakad.
"Oy Ivan, san ka pupunta?" Sigaw ni Lincoln.
"Kukuha ng pagkain. Para may lakas tayo mamaya." simpleng sagot niya.
"Teka lang ogag! Tulungan na kita!" Susundan na niya sana si Ivan ng tumingin itong kababata ko kina Amchel at Joaqui. "Oy President at VP, ngayon ko lang kayo mauutusan tulungan niyo kami kumuha ng pagkain." Hinila niya ang dalawa kaya wala na mga palag ang mga 'to.
Umiling na lang ako sa kalokohan ni Lincoln. "Napakabully talaga..." mahinang sabi ko.
"Ngayon mo lang ba nalaman na bully n'yong kababata mo bestfriend? Eh, lagi nga niya ako binubully. Hmmmp!" sabi ni Faye sa akin. Hahaha narinig pala niya. Aso't pusa kasi sila ni Lincoln. Kaya minsan hindi sila magkasundo at napupunta sa pambubully si Lincoln.
"Anong gagawin natin mamaya?" Biglang tanong ni Gino sa aming lahat. Tumingin siya sa amin isa-isa. "Tutunganga na lang ulit? Bakit hindi tayo maghanda ng mga gagamitin natin? Armas?" suggestion niya.
Maganda n'yong ideya niya. Malay ba namin na 'yung pangatlong laro ay may kakalabanin kami, Edi mabuti ng may armas kami.
"S-saan naman tayo kukuha ng magiging armas natin?" tanong ni Ria na hanggang ngayon ay natatakot sa mga nangyayari.
"San pa ba? Edi sa..."
"Sa mga archery club." sabat ni Fayce kay Gino.
Hinugis baril ni Gino ang kanyang kamay at tinutok ito kay Fayce sabay sabing "Bang! Tama si Fayce."
"Pagkatapos natin kumain. May iba na pupunta sa office ng president ng school na 'to at ang iba ay pupunta sa archery club. Kinse na lang tayo, kaya dapat magtulungan tayo." punong otoridad na sabi ni Fayce sa amin.
Nakikita ko kay Fayce ang determinado niyang mailigtas kami sa game na ito. Ibang Fayce ang nakikita ko. Sa nakikita ko ngayon hindi siya si Fayce na maloko, laging nagmumura at laging aborido. Ibang iba ang Fayce na nakikita ko ngayon.
Tumahimik kaming lahat dahil sa sinabi niya. Alam naming seryoso siya.
Nang matanaw ko sina Ivan, Lincoln, Amchel at Joaqui na may dala-dalang tray na puno nang pagkain, biglang kumulo ang tiyan ko. Nagugutom na ako!
Nilapag nila ang apat na tray na puno ng pagkain. Hhhmmmm....ang bango. Mukhang masarap 'to ha.
Kanya-kanya kami ng kuha. Walang nagsasalita sa amin. Lahat kami paniguradong gutom. Ikaw ba namang hindi magugutom, dalawang laro na ang nilaro namin.
"Pare, saan nyo nga pala nakuha 'tong mga pagkain?" tanong ng isa naming lalaking schoolmates - si Rowell.
Oo nga nuh? Saan nila 'to nakuha? 'Wag mong sabihin niluto nila 'to? Hindi naman marunong magluto sina Ivan at Lincoln. Itlog na nga lang nasusunog pa nila eh.
Nakatingin kami sa kanila at hinihintay ang magiging sagot nino man sa kanila.
Nagkibit-balikat si Lincoln sa amin. Maski ang dalawa ay tinuro si Ivan. Oh no! Don't tell me luto to ni Ivan? Gosh!
"Dito namin nakuha ang mga 'yan. Kung tatanungin niyo kung bakit may mga pagkain na nakaluto? 'Wag nyo na tanungin, hindi ko rin alam ang sagot. Basta may nakain na tayo. 'Wag niyo ako tanungin kung may lason niyan..." sa sinabi niya n'yon, gusto kong isuka n'yong mga kinain ko. "Tinignan na namin kung may lason ba ang mga niyan, wala naman sabi ni Amchel. Kaya natagalan kami dahil sa ugok na 'to. Nag-science pa sa kusina. Tss." dugto na sabi ni Ivan. Sabay subo ng pagkain niya.
Sa sinabi niya 'yon nakahinga ako ng matiwasay, hindi lang pala ako maski kaming mga natira kanina dito.
* * * * *
"Lincoln, Debra, Ivan, Roswell at Ria, Kayo ang pupunta sa Clinic ng school. Kumuha kayo ng mapapakinabangan natin doon." tumango kami sa sinabi ni Fayce.
Kagaya ng napag-usapan kanina, ito ang pinag-uusapan namin. 'Yon nga lang nadagdag ang pagpunta namin sa clinic dahil sa suggestion ni Lincoln.
"Gino, Amchel, Jinky, Ryan at Dave, kayo ang pumunta sa president office. Maghanap kayo ng mga papeles o kahit ano na bagay na tungkol sa larong 'to!"
"Kami naman nina Faye, Rey, Joaqui at Dustin, ang pupunta sa archery club." Dapat talaga sila nyong pupunta sa archery club, si Dustin ay isa sa mga member ng club na n'yon, kaya alam niya kung nasaan ang mga gamit nila.
"Saan tayo magkikita kita, Fayce?" tanong ni Ryan.
"Kung saan gaganapin ang next game natin, doon na tayo magkita kita."
Tumaas bigla nyong mga balahibo ko. Ayan naman. Ayoko talaga naririnig ang next game na 'yan. Para tuloy akong nagkaroon ng phobia.
"Tara na Debra! May 25 mins na lang tayo bago magsimula ang demonyong larong 'to!" hila sa akin ni Ivan.
Tumatakbo na kami ngayon papunta sa clinic.
Malapit na kami sa clinic ng magsalita si Ria.
"Gosh! Wait lang naman, bakit ba tayo tumatakbo?" maarteng tanong ni Ria sa amin.
"Gosh! Kasi kung hindi tayo tatakbo. Mauubos n'yong oras natin. Oh my gosh!" Panggagaya ni Lincoln sa boses ni Ria, habang nagpapaypay gamit ang kanyang kamay.
Pinipigilan kong matawa dahil sa gesture ni Lincoln. Mukha talaga siyang bakla. Gesh! Hahaha!
"Hmmmp! Tse!" sabi ni Ria sabay walk-out.
Nang magwalk-out si ria sabay-sabay kaming nagtawanan. Laptrip n'yong mukha ni Ria. Hahaha! Wala talaga makakatalo kay Lincoln pagdating sa pambubully.
"Oh my gosh, Ria! Hintayin mo kami! Babe Ria!" Sigaw ni Lincoln kay Ria na ngayon ay nasa pinto na ng clinic.
"Urgh! Bwisit ka Lincoln!" sa pagkasabi niya nun bigla niyang binuksan ang pinto at sinara ito ng padabog.
"HAHAHAHAHAHA!" tawa kami ng tawa dahil sa mukha ni Ria. Dahil dito nakakalimutan namin ang susunod na laro.
"Tss... Tara na! May 15 mins na lang tayo." KJ naman ni Ivan.
Wala kaming nagawa at sumunod na kami kay Ivan.
Nang makapasok kami sa clinic, nakita namin si Ria na abala sa pagkuha ng mga betadine at mga bulak.
Tinulungan na namin siya sa pagkuha. Kailangan agad namin ito matapos.
THIRD PERSON'S POV
Sa kabilang banda, tumatakbo na ang grupo nina Fayce papunta sa archery club. Nasa west part ito, lahat ng mga club ay nasa iisang building.
Nang makarating sa building, umakyat sila sa second floor kung saan naka-locate ang room ng archery club.
"Wala naman mga gamit ha?" nakakunot na tanong ni Rey sa kanila.
"Wala ka talagang makikitang gamit dito. Nasa storage room lahat. Tara!" naunang naglakad si Dustin papunta sa storage room na sinasabi niya. At, binuksan niya ito.
"Nandito lahat ang mga gamit na pwede nating magamit."
Namangha ang lahat, ang daming gamit na nasa loob nito.
"Kumuha tayo na alam natin magagamit natin... Tara dito Faye." Pumasok si Fayce kasama ang kanyang kakambal. Sumunod na rin ang iba.
"Ayos 'to! Ngayon lang ako makakahawak nito! Oh yeah!" natutuwang sabi ni Rey habang nililibot ang storage room.
"Hawakan niyo 'yong mga gamit para maramdaman nyo kung swak para sa inyo." Sabi ni Fayce habang isa-isa hinahawakan ang mga archery things.
Napahinto ang lahat ng marinig nila ulit ang tunog...tunog na ayaw na nila marinig kahit kailan.
"HELLO STUDENTS! 1HR IS DONE! YOU CAN GO NOW IN THE FIELD. YOU HAVE 15 MINS TO GO. LET'S PLAY THE PATINTERO."
"F*ck! Come on!" sa sigaw ni Fayce bigla silang tumakbo bitbit ang mga nakuha nilang gamit.
* * * * *
"Ano ba hinahanap natin dito? Shete! Ang baho na ng amoy ko!" sabi ni Ryan.
"Documents nga. Pero, wala rin ako makita. Ano ba 'to!" naiinis na sabi ni Jinky.
"Maghanap na lang kayo, 'wag na kayo magreklamo!" sigaw ni Gino sa kanila.
Magrereklamo pa sana si Ryan ng biglang umingay ang speaker.
"Ayan na..." mahinang sabi ni Amchel.
"HELLO STUDENTS! 1HR IS DONE! YOU CAN GO NOW IN THE FIELD. YOU HAVE 15 MINS TO GO. LET'S PLAY THE PATINTERO."
"Tara naaaaa guys!! Ayoko pa mamatay!" hiyaw ni Jinky.
Kaya tumakbo sila na walang nakuhang documents sa office ng president.
* * * * *
"Ayos na ba 'tong nakuha natin guys!?" Tanong ni Ivan habang sinusukbit ang bag ni Debra. Doon niya kasi nilagay ang mga nakuha niyang medicine at ibang pang kailangan nila incase na may masugatan sa kanila.
"Ayos na 'to, Brad! Marami na rin 'tong mga bitbit natin." sagot ni Lincoln.
"So, Tara na guys! Gusto ko kumuha ng maiinom ulit sa canteen. Oh my gosh!" sabi ng maarteng si Ria.
"Ito Ria!" abot ni Roswell sa bottle water niya.
"Ayoko niyan! Nainoman mo na eh!"
"Arte nito." mahinang sabi ni Debra.
Natigil sa pagtatalo sina Rowell at Ria dahil sa narinig nila.
"HELLO STUDENTS! 1HR IS DONE! YOU CAN GO NOW IN THE FIELD. YOU HAVE 15 MINS TO GO. LET'S PLAY THE PATINTERO."
"Sh*t! Tara na! Bilis!" Natatarantang sabi ni Lincoln.
Sila ang pinakamalayo sa field. Madadaanan pa nila ang office of the President bago makarating sa field.
"Bilisan natin, my 15 mins lang tayo!" Sabi ni Ivan at sabay-sabay silang tumatakbo papunta sa field.
- end of chapter 8 -
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
Thank youuuu!!!❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top