Abaddon School Part 1.6

Chapter 6:

THIRD PERSON'S POV :


Hindi namamalayan nila Lincoln, na nasa likod nila sina Fayce, Amchel at Joaqui.

Patuloy pa rin sila sa pagtakbo para makarating agad sa gym ng school nila. Mayroon lamang silang 10 minuto para makarating doon.

Nang makarating sa harap ng gym, huminga ng malalim ang tatlong magkakaibigan, bubuksan na sana nila ang pinto ng gym ng may nagsalita sa likod nila.

"T*ragis kayo! Kanina pa namin kayo tinatawag, ayaw niyong lumingon! Pusa naman oh! Hiningal tuloy kami!"

Tumingin ang tatlo sa nagsalita sa likod nila, nang makita lumaki ang mga mata at naghugis 'O' pa ang bibig nina Debra at Faye na parang gulat na gulat.

"Bwisit ka Fayce, ikaw lang pala niyan. Akala ko kung ano na!" Galit na sabi ni Lincoln kay Fayce.

Dahil sa sinabi ni Lincoln, napabalik sa sarili ang dalawang dalaga.

"Kuya Fayce!!" yumakap ang dalaga sa kakambal niya. At, yumakap din ang lalaki sa kapatid niya. Nasanay na kasi si Faye sa pagtawag na kuya kay Fayce.

"K-kuya... anong nangyayari kuya.." mahinang sabi ni Faye sa kakambal niya.

"Ssssshhhhh... hindi ko alam kambal. Pero, nandito na ako. Babantayan kita ng mabuti." buong tapang na sabi niya sa kakambal niyang si Faye.

Bumaling si Fayce kay Lincoln, "Saan mo sila nahanap? At saka si Ivan nasaan? Bakit hindi mo kasama?"

"Si Debra nakita ko sa tambayan natin. Si Faye nakita namin ni Debra na patakbo sa tambayan, buti na lang nakita namin siya agad. Kung hindi nagkasalisihan pa kami." sagot ni Lincoln kay Fayce.

"Eh si Ivan nasaan? Diba magkasama kayo?" Tanong ni Fayce kay Lincoln.

"Ah-eh! H-hinanap ni Ivan si Rey..."

"Pusa! Bakit pala natin nakalimutan 'yong ogag na n'yon? Dapat hindi niyo na hinanap n'yon. Alam naman natin na buhay pa n'yong t*rantadong 'yon, masamang damo niyon eh!" matapang na pabiro ni Fayce.

Alam naman nilang lahat na pagdating sa kalokohan, sina Fayce at Rey ang magkasundo sa lahat ng bagay. Buti na nga lang hindi sila naging magkaklase.

"Kuya naman! Kayo ngang dalawa ang magkasundo sa kalokohan!" suway sa kanya ni Faye na may kasamang palo sa braso.

"Tsk! Huwag mo nga akong paluin. Pagbuhulin ko kayong dalawa ni Rey eh! Tignan mo!" pang-aasar niya sa kakambal niya.

Nag-asaran at nagpikonan ang magkapatid. Sina Debra, Lincoln, Amchel at Joaqui ay nakatingin lamang sa kanila.

"Tumigil na kayo Faye at Kuya Fayce. Pumasok na tayo sa gym. Marami na rin na schoolmates natin ang nakapasok. Kaya tumahimik na kayo." saway sa kanila ni Debra.

"Si kuya kasi bestfriend!" sumbong ni Faye kay Debra at humawak siya sa kamay ni Debra.

Hindi na nila pinansin si Faye, pumasok na sila sa gym.

Pagkapasok nila, nakita nila na marami pa sila. Pero, hindi katulad ng dati na sobrang dami. Kung bibilangin sila mga nasa 30 na lang sila kasama na sila roon.

Nilibot nila ang kanilang mga mata. Hinahanap nila sina Rey at Ivan. Pero nabigo sila, wala silang nakitang Rey o Ivan sa gym.

Lumakad sila at pumuwesto sa bandang stage ng gym. Ang gym nila ay malawak dahil halos lahat ng sports ay dito nagpapractice at dito rin minsan ginaganap ang mga patimpalak.

"Rey and Ivan, they will be okay right?" Biglang tanong ni Faye sa barkada.

"Buhay si Ivan, kasama namin siya kanina." walang ganang sagot ni Lincoln.

"Nasaan na siya?" Lumapit si Faye kay Lincoln.

"Hinahanap si Rey... Si Rey ang hindi namin alam kung..." Hindi natapos ni Lincoln ang kanyang sasabihin ng inawat siya ni Faye.

"Huwag mong sabihin... Alam kong buhay siya!" giit ng dalaga.

"Guys! Tignan niyo 'yong orasan mayroon na lang tayong 4 na minuto bago magsimula ang panibagong laro." sabat ni Amchel sa kanila.

Tumingin silang lahat sa tinuro ni Amchel, nakita nga nila na may 4 na minuto na lang bago magsimula ang pangalawang laro.

"Pusa naman! Ano tatayo na lang ba tayo dito?" Biglang tanong ni Fayce sa kanila. "Hahanapin ko na sina Ivan at Rey. Ikaw, Lincoln, bantayan mo sila." Dugtong ni Fayce sa sinabi.

Aawatin sana ni Faye ang kakambal pero nakatakbo na agad ito.

"Kuyaaaaaaaa!" hahabulin sana ni Faye ang kakambal pero inawat agad siya ni Lincoln.

"Ano ba Lincoln, Bitawan mo ko! Susundan ko si kuya!!!" giit ni Faye.

Pilit na tinatanggal ni Faye ang pagkakahawak sa kanya ni Lincoln pero lalo lang hinihigpitan ni Lincoln ang pagkakahawak kay Faye.

"ANONG GAGAWIN MO? SUSUNDAN MO SI FAYCE? TAPOS ANO? KUNG PAANO IKAW NAMAN ANG MAPAHAMAK HUH? MAKINIG KA SA KAKAMBAL MO! ALAM NIYA ANG GAGAWIN NIYA!" Hindi na nakatiis si Lincoln at nasigawan na niya si Faye.

Napaupo na lang si Faye dahil sa sinabi ni Lincoln. Doon niya napagtanto na tama nga ang sinabi ni Lincoln.

Inalalayan ni Debra ang matalik niyang kaibigan at niyakap niya ito ng mahigpit.

"Amchel?" tawag ni Debra sa ssg president ng school.

Lumingon ang binata kay Debra "Bakit Debra?"

"Umakyat ka sa stage at mag-announce ka na magtulungan tayong lahat."

Sa sinabi ni Debra, umakyat si Amchel sa stage. At buong tapang na nagsalita sa harapan.

"Mga kapwa kong students ng Abaddon School, makinig kayo sa akin..." sa sinabi ni Amchel, lahat sila ay mga tumahimik at nakinig sa sasabihin ng kanilang presidente. "Alam kong lahat kayo ay nalilito kung anong nangyayari sa school natin. Ako man ay hindi ko rin alam. Nagulat na lang ako na may sumisigaw na sa mga classroom. Kaya kailangan natin magtulungan kung ano man ang magiging laro ngayon...." tumingin siya sa orasan "Mayroon na lang tayong 2 minuto para magsimula ulit ang larong sinasabi nila." dugtong na sabi ni Amchel.

Sa sinabi ni Amchel, lahat sila ay nagsitanguan at mukhang sang-ayon sa sinabi ng presidente nila.

Lumapit ulit si Amchel kina Lincoln.

"Lumipat tayo sa gilid. 'Wag tayo dito sa may stage..." bulong ni Debra kay Lincoln habang nakayakap pa rin si Faye sa kanya.

"B-bakit?" nauutal na sagot ni Lincoln.

"May nararamdaman akong mali..."
Sa sinabi ni Debra, tumayo sila at lumipat sa may gilid ng stage kung saan may mga upuan.

* * * * *

Sa kabilang banda, patuloy pa rin ang paghahanap ni Fayce kina Ivan at Rey. May dalawang minuto na lang siya para mahanap ang mga ito at makabalik sa gym.

Pumunta si Fayce sa tagpuan ng barkada. Tumatakbo siya papunta roon may mga nakakasalubong pa rin siyang schoolmates nila na mukhang papunta sa gym puro dugo rin ang mga uniform ng mga ito.

Malapit na siya makarating sa tambayan, nang may maaninag siyang tatlong tao na mukhang nagkakasagutan.

"Ano ba! Makinig ka sa akin! Makakaligtas tayo dito! Makakauwi tayo!"

"P-paano kung hindi na? P-paano kung mamatay tayo? K-kagaya ng mga kaklase ko?"

"P*ta naman! Ang arte mo Ria! Ikaw na nga ang tinutulungan eh!"

"Ano ba Rey, 'wag kang magmura. Babae n'yong kausap natin!"

Sa puntong 'yon, tumakbo agad si Fayce dahil kilala na niya kung sino ang mga 'to.

Nang makita ng malapitan ang mga ito, hindi nga siya nagkakamali. Sina Rey at Ivan ang mga ito kasama ang cheerleader na si...Ria.

"Hoy mga ogag! T*ena niyo! Kanina ko pa kayo hinahanap! May isang minuto na lang tayo para makarating sa gym!" sigaw ni Fayce sa mga ito.

Tumingin sina Rey at Ivan sa nagsalita. Laking gulat nila na si Fayce ito.

"Ano titingin-tingin niyo? Tara na! May isang minuto na lang oh!" sa sinabi ni Fayce. Tumakbo ang mga ito at binuhat ni Rey si Ria na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin dahil sa mga nasaksihan.

Nauunang tumatakbo sina Fayce at Ivan. "Saan niyo nakita niyang maarteng si Ria?" tanong ni Fayce sa kanya.

"Si Rey ang nakakita dyan. Nung nakita ko si Rey kasama na niya 'yan." bagot na sagot ni Ivan kay Fayce.

* * * * *

"Wala pa rin sila Fayce. Nasaan na kaya sila?" nag-aalalang tanong ni Debra kay Lincoln.

"Huwag kang mag-alala, papunta na siguro n'yong mga 'yon." paninigurado ni Lincoln.

"30 seconds na lang.." mahinang sabi ni Joaqui.

Kaya tumingin ang mga ito sa harap ng stage kung nasaan ang malaking orasan.

"K-kuya..." sa sinabi ni Faye.

Tumingin ang mga ito sa pinto ng gym at nakita nga nila si Fayce kasama si Ivan, Rey at si Ria.

"Mga 'tol dito!" sigaw ni Lincoln sa mga 'to. Kaya napatingin sila sa gawi nila Lincoln.

Nang makarating sila sa pwesto nila Lincoln. Napaupo ang mga ito at mukhang hinihingal.

"T*ngina! Nakakapagod maghanap sa mga 'to! May tubig ba kayo?" Tanong ni Fayce sa barkada.

"B-bag ko niyan ha?" Turo ni Debra sa bag na nakasukbit sa balikat ni Ivan.

"Ah-Oo! Ito oh!" sabi ni Ivan at binigay ang bag kay Debra.

Binuksan ni Debra ang bag at kinuha ang tumbler niya. "Ito tubig Fayce." Abot niya kay Fayce.

"Thanks!" kuha niya at uminom.

Kinuha ulit ni Ivan ang bag ni Debra sa dalaga.

Tumigil ang mga estudyante sa kanilang ginagawa ng may marinig silang matining na tunog.

"10...9...8...7...6...5...4...3...2...1..." sa pagtapos ng countdown, tuluyang nagsarado ang pinto ng gym.

At, ilang segundo may lumitaw na malaking screen sa harap ng stage. Kitang-kita nila ang mga kapwa estudyante nila, na hindi pumasok sa loob na gym na ngayon ay isa-isa sumasabog ang mga katawan.

Tumili at nandiri ang mga estudyante sa loob ng gym. May iba na umiiyak na dahil sa mga nangyayari.

"STUDENTS OF ABADDON SCHOOL! THAT'S THE PUNISHMENT TO THOSE STUDENTS WHO NOT FOLLOW MY RULES. AND NOW, THE 10 MINS IS OVER. WE WILL PLAY THE STAGE 2. ARE YOU READY TO YOUR DEAD? LET'S PLAY THE 'BRING THE BELL TO CAT'" sa sinabing n'yon. Lahat ng estudyante sa loob ng gym ay nagkagulo.

Kinabahan man ang grupo nina Fayce, hindi nila ito pinahalata.

"Kaya natin 'to..." mahinang bulong nila sa mga sarili nila.

- end of chapter 6 -

PLEASE VOTE, COMMENT AND SHARE THIS STORY. PARA LALO AKONG GANAHAN. Thank you!❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top