Abaddon School Part 1.5

Chapter Five:

FAYCE'S POV:

Tumatakbo kaming tatlo. Kasama ko sina Amchel at Joaqui para hanapin ang kakambal kong si Faye. T*ragis! Sana ligtas siya pati na rin si Debra - parang kapatid ko na rin ang isang 'yon.

Sabi ko sa dalawang 'to, maghiwalay kami. Sila ang maghahanap sa mga estudyanteng buhay pa at tignan kung saan sila pupunta. Pero, langya mga takot. Kaya wala akong nagawa kundi isama sila at kapag nahanap namin si faye, doon namin hahanapin ang mga estudyanteng nakaligtas. Sabay-sabay kaming tumakbo papunta sa classroom nina Faye.

Nang makarating sa tapat ng classroom, dahan-dahan binuksan ni Joaqui ang pinto ng classroom.

Napatakip kami ng mga ilong namin dahil sa malansang amoy na mukhang nanggagaling sa mga dugo at laman-loob ng mga 'to.

Kahit ang lansa ng amoy, tumuloy pa rin ako para sa kakambal ko. Pero, si Amchel hindi nakayanan. Pusa naman oh! Sumuka na siya. Tsk!

"T*ragis kang Amchel ka! Pinakita mo pa talaga sa amin na sumuka ka! Lalaki ka ba talaga? Tsk! Diyan ka na lang sa labas!" Pumasok na ako kasama si Joaqui at si Amchel ay nagpaiwan sa labas.

Halos masuka ako sa nakita ko. Mga kaklase ni Faye 'to at halos lahat hindi na makilala. Puro lasog ang mga katawan at sabog ang mga ulo. Halos lumabas na ang mga laman-loob sa mga katawan nila.

"Ack... Ack... Ack..." tumingin ako sa gawi ni Joaqui na ngayon ay sumusuka na rin. T*ngina mga lalaki ba talaga mga 'to? Mga SSG pa man din. T*ragis naman oh!

Nilapitan ko siya at nakita ko ang tinitignan niya. Halos bumaliktad ang sikmura ko. Nakita lang naman namin ni Joaqui ang isang prof na naliligo sa sarili niyang dugo dahil sa laslas sa bandang leeg niya, ang ulo niyang halos mahati sa gitna at ang katawan niyang bali-bali at sa tabi nito ang paa niyang putol na ngayo'y may uod na.

Umalis ako sa harapan ng prof na 'yon kahit galit ako sa mga prof may konsensya pa rin ako. Hinablot ko ang isang kurtina dito at tinabing sa katawan ng propesor. Sa lahat ng bangkay dito sa kanya ang pinakamalala.

Hinila ko si Joaqui paalis sa bangkay ng prof na 'yon. "Joaqui, tumingin ka sa akin." Pero 'tong si Joaqui ayaw tumingin sa akin. "P*ta naman Joaqui! Tumingin ka sa akin. 'Wag mong intindihin ang bangkay na 'yon. Intindihin mo ang iba pang mga schoolmates natin. Kailangan nila kayo ni Amchel!" sa sinabi kong 'yon, tumingin din siya sa akin.

"Tinignan natin ang mga bangkay na ito, para tignan ko kung isa sa mga ito ang...kapatid ko." Umalis ako sa harapan niya.

Binaliktad at tinignan ko ng mabuti ang mga katawan ng mga nilalapitan ko pati ang mga ID ng mga kaklase ni Faye tinignan ko rin dahil iba sa kanila ay hindi na makilala.

"F-fayce...sa mga tinignan kong bangkay, wala roon ang kambal mo." mahinang sabi ni Joaqui sa akin.

Tumingin rin ako sa kanya. Sa mga tinignan ko ring bangkay, wala rin si Faye roon. Ibigsabihin...B-buhay ang kakambal ko.

Nagulat kami ng sumigaw si Amchel sa labas. Kaya agad kaming lumabas nitong si Joaqui. Bakla yata 'tong si Amchel eh. Pusa naman oh!

"Hoy! Anong problema mo at bigla kana lang sumisigaw diyan!" tanong ko sa k*pal na 'to! Bwisit parang bakla talaga 'tong si Amchel eh. Paano kaya 'to naging president ng SSG.

"S-si..." t*ngina ayan na naman siya.

"Sino?" sigaw ko sa kanya. Naiinis na ko rito eh.

"S-si Faye, Debra at si Lincoln n'yon diba?" Sabi niya at tinuro ang tatlong tao na tumatakbo papunta sa gym? Bakit papunta sila roon? Anong mayroon doon?

"Sila nga..." sa sinabi kong 'yon tumakbo na agad ako. Pusa naman oh, parang maiiyak pa ako sa tuwa. Bwisit!

Sa pagtakbo ko, nakita ko rin sa magkabilang gilid ko na tumatakbo na rin sina Amchel at Joaqui pababa at papunta sa kinaroroonan nina Faye, Debra at Lincol.


Malapit na kami makababa ng biglang Umalingawngaw ang speaker. "STUDENTS OF ABADDON SCHOOL. GO TO YOUR GYM! NOW! OUR SECOND GAME WILL BE START IN 10 MINS! GOOD LUCK!" Ayan na naman ang t*nginang boses na niyan.

DEBRA'S POV:

Tumakbo ako ng tumakbo kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.

May mga nakikita akong kapwa estudyante ko, na nanginginig at umiiyak hindi rin alam kung saan sila pupunta.

Napahinto ako ng makita ko kung nasaan ako, nandito ako sa tambayan namin. Sa tambayan ng barkada at ni Ivan.

Napaupo ako sa isa sa mga favorite spot namin ng barkada. Tinignan ko ang mga kamay ko...mga kamay kong may bahid na ng dugo. Naalala ko na naman ang nangyari kanina, 'yong mga kaklase ko at ang prof namin. Hindi ko namalayan nanginginig na pala ang mga kamay ko. Tinignan ko ang kabuuan ko, puro dugo na ang uniform ko. Ito na naman ako, umiiyak.

Kumusta na kaya ang barkada. Ayos lang ba sila? S-sana buhay sila. Please lord! Guide us!

Napayuko ako sa lamesa. Wala pa akong ilang minutong napapahinga ng may marinig akong boses... boses na kilala ko.

"DEBRA! DEBRA! DEBRA!"

Lumingon ako sa likod ko at doon ko nakumpirma kung sino ang tumatawag sa akin. Si Lincoln.

Tumakbo ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Dito na bumuhos ang mga luha na kanina ko pa tinitiis.

"Ssssshhhhh... Tahan na Debra! Nandito na ako. Tahan." inaalo ako ni Lincoln. Pero, hindi pa rin ako tumatahan.

"L-lincoln... n'yong mga kaklase ko at mga schoolmates natin. Lincoln!" n'yon lang ang nasabi ko sa kanya. Humihikbi pa rin ako dahil sa saya, dahil nandito na si Lincoln.

Inakay ako ni Lincoln sa paglalakad para umalis na sa tambayan namin.

Sa pag-alis namin, may mga nakikita pa rin ako ng mga bangkay ng mga schoolmates namin.

"Debra! Tumingin ka sa akin!" pinapalingon ako ni Lincoln sa kanya. Nanginginig na ako sa takot.

"Debra!! Tumingin ka sa akin! Sa akin ka tumingin hindi sa mga niyan!" pilit akong pinapalingon ni Lincoln pero ang mga mata ko ay nasa mga bangkay pa rin ng mga schoolmates namin

"T-this is just a dream? Right, Lincoln? THIS IS JUST DREAM! DIBA!" Tanong ko sa kanya. Sana panaginip lang 'to. Please lord, gisingin mo na kami sa bangungot na ito.

Tumitig ako sa mga mata ni Lincoln pero ang siya namang ang lumihis.

"We will survive this! Makakaligtas tayo! Makakabalik tayo sa mga pamilya natin. Pinapangako ko niyan sayo!" Buong tapang na sabi ni Lincoln sa akin.

Hindi ko sinagot ang tanong ni Lincoln.

"We need to find the others. Baka may buhay pa bukod sa amin nina Fayce at Ivan! Tara na!"

Hinihila na ako ni Lincoln. Pilit niya pinapalakas ang loob ko.

"K-kasama niyo sa detention si Ivan? B-buhay siya?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Oo buhay siya! Kaya 'wag kang mag-aalala sa kanya!" Kita ko sa mukha niya na seryoso siya.

"A-ano bang nangyayari? N-nagulat na lang kami, na may pumasok na l-laruan sa room. Akala namin p-pakulo niyo ni Fayce. P-pero...nagulat kaming lahat ng pinatay niya si prof."

"Hindi ko rin alam!" 'Yon lang ang sinabi niya sa akin at nagpatuloy ulit kami sa paglalakad.


Sa paglalakad namin may makakasalubong kaming babae na umiiyak at nakayuko habang tumatakbo.

Nang makita ko ng malapitan ang babae, isa lang ang nasa isip ko. Si Faye ang babaeng palapit sa amin.

"L-lincoln..." tumingin siya sa gawi ko. "S-si Faye n'yon diba? Si faye n'yon!" Turo ko sa babaeng papalapit na sa amin.

Tinignan ni Lincoln ang tinuturo ko, nagulat din siya. Tumakbo si Lincoln kay Faye at hinila ito kaya napahinto siya sa pagtakbo.

Umangat ang kanyang mukha sa amin at nagulat siya sa amin.

"Debra at Lincoln..." sa puntong iyon, umiyak na siya. Niyakap ko siya at hinimas ko ang kanyang likod.

Paulit-ulit kong sinasabi sa kanya ang katagang "Ssssshhhhh... magiging maayos din ang lahat. Tahan na." Kailangan kong maging malakas para sa mga kaibigan ko.

Nang mahismasmasan si faye. Bumalik na ulit kami sa paglalakad. Magkahawak kamay kami ni Faye na lumakad.

Nang biglang may umalingawngaw na tunog na nagmumula sa speaker "STUDENTS OF ABADDON SCHOOL. GO TO YOUR GYM! NOW! OUR SECOND GAME WILL BE START IN 10 MINS! GOOD LUCK!"

Sa sinabi ng kung sino man ang nagsalita sa speaker, lalong kumapit sa akin si Faye - ang bestfriend ko.

Ito na naman sila. Magsisimula na naman ang laro. Kung gusto nila ng laro, sige sasabayan ko sila.

Nagkatinginan kami ni Lincoln. Tumakbo kami papunta sa gym ng school na ito na magkakahawak kamay.

Ano na naman kaya ang magiging laro sa ngayon? Kung ano man ang magiging laro, lalaruin ko rin ito. At, sisiguraduhin kong magiging ligtas kaming lahat.




- End of chapter 5 -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
Thank you!❤

Bumuto po kayo huhuhu at magcomment na rin. Salamat! *finger heart*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top