Abaddon School Part 1.3

Chapter Three:

THIRD PERSON'S POV

"Okay class, let's start our discussion..." sabi ng propesor

Magsasalita na sana ang prof ng tumungo siya sa pintuan, nagtataka ang mga estudyante ng propesor pero hindi niya ito pinansin.

Nagulat ang mga estudyante niya ng buksan niya ang pinto at bumungad sa kanila ang dalawa nilang kaklase.

"MR. STEIN AND MR. DAWN! DETENTION NOW!" malakas na sabi ng propesor sa dalawang barakong lalaki.

Ang dalawang lalaki naman ay pawang mga maamong tupa na hindi makasagot pero sa kaloob-looban nila gusto nila ito sagutin.

"Ano pa hinihintay mo Mr. Stein? Sumunod kana rin kay Mr. Dawn!" Sabi ng propesor ng makitang si Mr. Dawn ay naglalakad na papuntang detention room.

Lumingon si Mr. Stein sa pwesto ni Mr. Dawn nakita nga niya na naglalakad na ito, lumingon pa ang huli sa loob ng classroom at nakita niya ang isang babae na umiiling-iling sa kanya. At, lumakad na rin siya para puntahan si Mr. Dawn.

Sinara ng propesor ang pinto ng classroom, "Class, wag n'yong tutularan sina Lincoln Stein at Fayce Dawn, maliwanag? N'yong dalawang nyon lagi na lang huli sa klase. Ms. Debra Olfa, neighbourhood mo si Mr. Stein diba? Anong nangyayari sa kanya?" Tanong ng propesor sa babaeng umiiling kanina kay Lincoln.

Siya si Debra Olfa - matalik at kababatang kaibigan ni Lincoln Stein. Mahinhin. Mabait. Magandang dalaga si Debra. May matalik na kaibigan ang dalaga na nangangalang Faye Dawn - kakambal ni Fayce.

Tumayo si Debra at sumagot sa propesor "Hindi ko po alam,sir. Pinuntahan ko naman po siya kanina, ang sabi po ng mommy niya umalis na raw po siya."

Walang nagawa ang propesor at nagpatuloy na lang siya sa pagdidiscuss.

Hindi pa nangangalahati ang propesor ng biglang may umagaw ng pansin sa kanila...biglang na lang bumagsak ang propesor nila at sa isang iglap wala na ang propesor nila.

Nagkagulo ang klase at lalong nagkagulo dahil sa isang bagay na pumasok. Akala ng iba pakulo nina Fayce at Lincoln, lingid sa kaalaman nila nagkakagulo na ang lahat sa labas maski ang ibang classroom ganyan din ang nangyayari.

"Grabe naman sina Fayce at Lincoln! Ano na naman ba 'tong kalokohan nila!" galit na sabi ng isang lalaki.

"Omg! Pati si prof pinagdiskartehan nila sa trip nila!" galit din na sabi ng classmate nilang babae.

"Tumahimik kayo! Wag tayong magsisihin! Lumabas kayo tapos humingi kayo ng tulong." sigaw ni Debra sa mga kaklase.

Lalabas na sana ang dalawang kaklase nilang lalaki ng biglang magsarado ang mga pintuan.

May lumitaw sa harapan nila, isang square na laruan na kulay brown. O, mas kilala sa tawag na domokun.

"Stop..." malalim na boses ang nagsalita. Malalim na boses na mukhang galing pa sa kailaliman ng lupa.

DEBRA'S POV:

"Stop..." malalim na boses ang bumungad sa amin lahat.

Kaninang nagkakagulo ang mga kaklase ko kung anong gagawin pero mukhang naiba ang ihip ng hangin, lahat kami ngayon ay hindi makagalaw pati ang paghinga namin gusto namin pigilin.

"Students of Abaddon School, Let's play a game! Let's play a game called 'Freeze'. Once a see you moving, you dead..." sabi ng isang nilalang na hindi namin mawari kung anong klaseng hayop, para siyang domokun na hindi. Ang gulo.

"What the? Anong laro niyon?" tanong ng kaklase kong nerdy.

"It's easy to play my dear students... tatalikod ako sa inyo, I will be facing the blackboard then once I look back and I saw you moving you dead..." malamig na sabi niya.

"How do we know na mananalo kami?" ask someone sa classmates namin. Hindi ko na alam kung anong nangyayari, basta alam ko lang nasa kapahamakan kaming lahat.

"Once na pinindot niyo itong button sa likod ko, I stop the game and the remaining will win." Nasa harapan namin siyang lahat. Tumalikod siya sa amin at pinakita ang button na sinasabi niya. Medyo malaki ang button kaya para sa akin madali lang itong mapindot.

Humarap ulit siya sa amin. Nagkatinginan kaming mga magkaklase, sa tingin palang namin alam na namin may planong nagaganap na.

Napabalik kami sa sarili namin ng marinig ulit ang boses niya "Let's start our game...Let's start our freezing game..."

Pagkasabi niya n'yon, tumalikod na siya sa amin.

May narinig kaming kumakanta, mukhang galing sa kanya. "Gong...Hana...Dul...Set..."

Habang kumakanta siya sa paraang alam niya, ang mga kaklase ko naman ay lumalapit sa likod niya.

Pero, ito ako nakatayo pa rin. Nanginginig ang mga tuhod ko, hindi ko alam kung anong nangyayari basta ang alam ko kailangan ko ang barkada.

Nagulat kaming lahat ng bigla siyang humarap sa amin at biglang sumigaw na "DIE!"

Wala sa amin ang nakapaghanda sa pagharap niya, halos lahat ng classmates namin mga gumagalaw pa papunta sa kanya. Kaninang mga papunta sa likod niya bigla na lang nagtalsikan ang mga laman loob at dugo sa amin.

Ngayon, one-forth sa amin ang wala na. Gusto ko magbreak down pero hindi pwede. May naghihintay pa sa akin. Hinihintay pa ako ng pamilya ko.

Bigla na lang kami nakarinig ng tawa... tawa na mula pa sa kailaliman. "HAHAHAHAHAHA! ALL OF YOU WILL BE DIE! HAHAHAHAHA!!"

Lahat kami kinilabutan sa pagtawa niya. Maski, ang mga classmates naming mga lalaki, natatakot na rin.

Tumalikod ulit siya sa amin, ito na naman siya sa pagbibilang niya "Gong... Hana... Dul... Set..."

May lumapit ulit sa likod niya, ito ako umabante ng kaonti. Wala akong kaibigan dito, sina Faye, Lincoln, Rey, Fayce at si Ivan lang ang mga barkada ko. K-kumusta kaya sila? Okay lang sana sila.

Nagulat kaming lahat isang hakbang na lang si Bruno - classmate kong lalaki, sa likod ng domokun mapipindot na niya ang button. Papindot na siya ng humarap ulit ang domokun "DIE!!" Damagundong na sigaw niya.

Imbis na mapindot ni Bruno ang button, napa-atras siya dahil sa gulat. Ang sunod na lamang namin nakita, sumabog ang kanyang katawan, tumilapon ang mga laman-loob niya sa amin, maski ang mga dugo niya ay tumalsik sa amin.

Napatili ang mga kaklase kong babae, may iba pang gusto ng lumabas pero imbis na makatakas, sumabog din sila.

"HAHAHAHAHAHA!! AS I SAID, LAHAT KAYO MAMAMATAY! WALANG MABUBUHAY SA INYO!" Ayan na naman siya. Para siyang demonyo kung makapagsalita.

"PARA LALONG MAGING MASAYA ANG LARO NATIN, MAGLALAGAY NA AKO NG ORAS. 1 MINUTO PARA MAPINDOT NYO ANG BUTTON KO. PAG WALANG NAKA-PINDOT. MAMAMATAY KAYONG LAHAT!!"

Nang tumalikod siya sa amin at nagsimula ulit magbilang. Nilibot ko ang classroom namin, puro na ito dugo at mga laman-loob ng mga kaklase namin. Gusto ko sumuka pero hindi p'wede, hindi p'wedeng sumuko ako.

Tinignan ko ang mga kaklase ko, konti na lang kami. Nasa 10 na lang kami kasama ako. Kaninang 32 ngayon 10 na lang. Nakaisip na ako ng paraan, kailangan kong makaligtas dito pati na rin sila.

Tinignan ko ang orasan, mayroon na lang kaming 30 seconds. Mga nagsisiiyakan na sila, at mga nanlulumo. Naaawa ako sa kanila.

Nabaling ang tingin ko sa lapis na nakalagay sa desk ng kaklase ko, kinuha ko ito. Magagamit ko ito.

"10...9...8...7...6...5...4..." malapit na, wala akong inaksayang oras, humakbang ako ng malaki at hinagis sa likod niya ang lapis. "3...2..." bago matapos ang 1 minuto namin, nagawa ko ang plano. Napindot ng lapis ang button sa likod ng domokun. Buti na lang nalaman ko ito sa science...

"MAGALING! NAGAWA MONG MAPINDOT ANG BUTTON SA AKIN LIKURAN. HAHAHAHAHA!" malakas na tawa niya sa amin.

Magsasalita pa lang sana ako, sa isang iglap sumabog ang mga katawan ng mga natitirang kaklase ko. Sa sobrang gulat, napa-upo ako.

"A-akala ko ba? Once na mapindot namin ang button mo? Mabubuhay kami? Napindot namin ha? B-bakit?" nanginginig na tanong ko sa kanya. Kahit natatakot ako sa kanya, kailangan ko siyang kausapin.

"TAMA KA! PAG NAPINDOT NYO ANG BUTTON KO, MABUBUHAY KAYO. 'YON NGA LANG IKAW LANG GUMAWA NG PARAAN PARA MAPINDOT ANG BUTTON KO GAMIT ANG LAPIS. MATALINONG NILALANG!"

"I-ibigsabihin...ako ang pumatay sa kanila?" Mahinang tanong ko sa sarili ko. Tinignan ko ang nanginginig kong mga kamay.

"LUMABAS KANA! KUNG AYAW MONG PATI IKAW AY PATAYIN KO!!" sigaw niya sa akin.

Sa isang iglap, nakita ko na lang ang sarili ko na tumatakbo sa kahabaan at tahimik na corridor.

May nakikita pa akong, nakabukas na classroom, at puro patay ang nasa loob. Kung ano ang itsura ng classroom namin, ganun din sa mga nakikita ko.

Isa lang ang katanungan ko, ANO BANG NANGYAYARI?




- end of chapter 3-

VOTE. COMMENT. FOLLOW. SHARE
Thank you!❤

Please, bumoto naman kayo oh😂😂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top