Abaddon School Part 1.18
Chapter Eighteenth
REY'S POV:
T*ragis! Naghahanap kami sa clubroom na 'to kung anong pwedeng pangdepensa. Pero, kapag minamalas ka nga naman nasa drama club kami.
"P*tcha! May nakita kayo?" Tanong ni Lincoln sa amin. Bakas sa mukha niya ang pagiging frustrated.
"Wala rin! Pambihira naman, sa lahat ng pwedeng mapasukang club room, dito pa tayo napunta!" Sabay sipa ko sa upuan. T*ragis! T*ragis!
Inaalala ko rin si Faye, sana ligtas sila ni Fayce.
"Guys... 'yung pintuan..." nanginginig na sabi ni Debra sa amin. Lumapit siya sa amin.
"MAHUHULI KO NA KAYO! MAMAMATAY NA KAYO!" pakantang sabi niya habang pilit na binubuksan ang pinto.
"Tngina! Ano na gagawin natin, guys? Hindi dapat tayo ma-trap dito!" sumisigaw na si Lincoln.
T*ragis 'to! Kung nasa mabuting kalagayan kami, pinagtawanan ko na'to!
Tumingin kami kay Ivan na ngayon ay mukhang nag-iisip na. T*ragis ka, Bilisan mo mag-isip!
"Alam ko na!" Tumingin siya sa amin "Debra, magtago ka na, kung saan makakalabas ka ng kwartong ito. Rey and Lincoln, linlangin natin siya. Sa ganoong paraan makakalabas tayo rito ng ligtas." tuloy ni Ivan.
Sa sinabi ni Ivan, pumuwesto na si Debra sa ilalim ng mesa medyo malapit n'yon sa pintuan para makalabas agad siya. Hindi naman agad siya kita incase na lumapit siya roon.
Kumuha kami ng mga pamalo na nakita namin dito sa drama club. Mukhang mga props ang mga 'to.
Nakapwesto na kami. Hinihintay na lang namin ang pagpasok niya. T*ragis! Kinakabahan ako.
Nakahanda na kami ng biglang bumukas ang pinto. Ito na siya.
Bumungad sa amin ang mukha niya. Mukhang gustong pumatay para mabuhay.
"WALA NA KAYONG TAKAS SA AKIN! SUSUNOD NA RIN KAYO KINA DUSTIN AT ROWELL! HAHAHA!" Sabi niya sa amin ng makapasok siya sa loob.
"ALAM N'YO BA? ANG TANGA-TANGA NI DUSTIN! ANG BOBO NG HAYOP NA N'YON! UMIYAK LANG AKO SA HARAPAN NIYA, NANIWALA NA! HAHAHAHA! NAAALALA KO PA N'YONG SINABI KO SA KANYA KANINA EH 'DUSTIN, AYOKONG MAMAMATAY! NAGHIHINTAY PA ANG MGA MAGULANG KO SA AKIN. MAGTULUNGAN TAYO DUSTIN.' TNGINA! HINDI KO ALAM SI KUPAL NANIWALA SA ACTING KO! UNANG SABI KO, IHUHULI KO SI DUSTIN NA PATAYIN, PERO NUNG MAKITA KO N'YONG ARAW NA MAY ILANG ORAS NA LANG AKO, AYUN, PINATAY KO NA RIN SIYA. NATATAWA TALAGA AKO SA MUKHA NIYA EH, HINDI MAKAPANIWALANG AKO N'YONG PREDATOR! SABI PA NIYA 'A-AKALA KO P-PREY KA? I-IKAW ANG UNANG T-TUMAKBO KANINA. A-AKALA KO SI G-GINO.' HINDI BA NIYA ALAM ANG SALITANG ACTING? AYUN, SI DUSTIN PATAY NA. TAMANG-TAMA SINUNOD KO NA RIN SI ROWELL..." unti-unting lumalapit siya sa amin. T*ragis! N'yong mukha niya ang layo sa nakilala naming Joaqui. Ibang Joaqui na ang kaharap namin.
"ANG ISUSUNOD KO DAPAT SI GINO EH, TNGINA! HINDI KO MAHANAP SI G*GO! LAKAS MAGTAGO! BUTI NA LANG NAKITA KO KAYO, TATLO? HAYS, APAT NA LANG PAPATAYIN KO!"
Tinuturo niya kami isa-isa para siyang namimili ko sino unang papatayin niya. T*ragis talaga!
"SINO KAYA SA INYONG TATLO ANG UUNAHIN KO? IKAW BA LINCOLN O BAKA NAMAN IKAW REY O MAS IKAW IVAN? ANG HIRAP MAMILI! AHA! ALAM KO NA, PAGSASABAY-SABAYIN KO NA LANG KAYO!" May nilabas siyang isang rifle? Saan niya nakuha nyan?
"NAGULAT BA KAYO KUNG SAAN KO ITO NAKUHA? TNGINA! ANG TATANGA NYO! NAGLIBOT AKO NUNG NAGHANAP TAYO NG PWEDENG MAGAMIT DITO, SAKA KAYA NAUNA AKONG TUMAKBO PARA DUMIRETSO SA PINAGTAGUAN KO NITO, ALAM KO KASING MAGAGAMIT KO 'TO. AYUN NGA, NAGAMIT KO NGA! HAHAHA. PERO MAS GUSTO KONG GAMITIN NYONG CHAINSAW SA INYO!" napalunok ako ng laway dahil sa sinabi niya.
bigla siyang nagpaputok sa amin buti nalang nakaiwas kami.
"Sh*t!" sigaw ni Lincoln.
"Joaqui, ibaba mo niyan! Bro, makakalabas tayong lahat dito. Magtutulungan tayo." mahinahong sabi ni Ivan.
Pero, itong si Joaqui parang walang narinig.
"WALA KA NG MAGAGAWA IVAN! ITO ANG PATAKARAN NG LARO. KAILANGAN KO KAYONG PATAYIN LAHAT!" Lumapit na naman siya sa amin. Ilang pulgada na lang ang layo naming tatlo sa kanya.
Tinutok niya ulit ang rifle sa amin. Gulp.
"DEBRA! TUMAKBO KANA!" malakas na sabi ko. Sa sinabi kong nyan, isang malakas na sigaw ang narinig ko sa kanila.
"REY!!!"
Doon ko naramdaman na sa akin niya pinatamaan ang baril. Napa-upo ako at nakita ko ang binti ko na dumudugo.
Lumapit si Lincoln sa akin, siya ang mas malapit sa akin.
"A-ayos ka lang bro?" nag-aalalang tanong niya. "P*tcha naman! Bro, habulin ka ng sugat nuh?" g*gu 'tong isang to.
Lumalapit na sa amin si Joaqui, sa pagkakataon na n'yon, naka-tyempo kami para makatakbo.
Iika-ika akong tumatakbo habang inaalalayan ni Lincoln. Sh*t!
"Debra! Bilis!" hawak ni Ivan si Debra habang patuloy kaming tumatakas kay Joaqui. Paakyat na kami ng 4th floor. Last floor na'to. Sh*t!
Nang bigla kaming natumba ni Lincoln.
"WALA NA KAYONG TAKAS!" Malakas na sabi ni Joaqui.
Nakita ko na lamang ang braso ni Lincoln, dumudugo na rin.
"LINCOLN, REY!" Sabay na sabi nina Debra at Ivan.
Lalapitan sana nila kami ng tinutukan sila ni Joaqui.
Binalibag ni Joaqui si Lincoln at tinutok ni Joaqui ang rifle sa mukha ko. Kung oras ko na, tatanggapin ko.
At, isang malakas na tunog na baril ang huli kong narinig.
FAYCE'S POV:
"Kuya...Ayos lang kaya sina Debra, Ivan, Lincoln at Rey?" Nag-aalalang tanong ni Faye sa akin.
"Alam kong ayos lang ang mga n'yon. Lalabas tayo rito ng buhay." mahinang sabi ko sa kanya.
Lumapit si Gino sa amin. Nagulat na lang kami na dito pala nagtatago si Gino, akala ko pa man din siya ang predator.
"Bakit kaya wala pang inaannounce? Ibig bang sabihin, wala pang nahuhuli si Joaqui?" Tanong niya sa akin.
"Hindi ko alam pero sana nga. Sana nga, wala pa siyang nahahanap."
Nandito kami sa 4th floor malapit sa may hagdan para incase na mahanap kami ni Joaqui, makakababa agad kami sa ibang floor.
Nag-iisip kami ng plano para incase na mahanap kami ni Joaqui, makakatakas kami sa kanya.
Nang biglang may narinig kami ng putok ng baril.
Napatayo kaming tatlo, malapit lang n'yong tunog na n'yon.
"Kuya..." Tinignan ko ang kapatid ko. Natatakot na siya.
Lumapit si Gino sa pintuan. Sumilip siya. Nakita namin ang paglaki ng mga mata niya.
"T*rantado!" Mahinang mura niya.
Lumapit ako sa kanya at sumilip din. Doon... doon ko nakita sila. Sina Debra, Lincoln, Ivan at si Rey na naliligo na sa sarili niyang mga dugo. Hindi 'to pwede.
"REY!!!" sigaw nilang tatlo.
"Kuya!" Hindi ko napansin na nakalapit na pala sa amin si Faye.
"Anong nangyayari kuya? Sina Debra ba nyong nasa labas? Bakit sila sumisigaw?" Dire-diretso niyang sabi pero ito ako walang maisagot sa kanya. Pusanggala!
Nagulat ako ng itulak niya ako at dire-diretsong lumabas. Nakita na niya.
"REY!!!" malakas na sigaw niya.
Nakita naming napatingin sa amin sina Debra at si Joaqui.
"HAHAHAHAHAHA! WHAT A SCENE! I'M SO SORRY, JULIET. YOUR ROMEO IS NOW DEAD! HAHAHA! AND YOU'RE NEXT. FOLLOW YOUR ROMEO IN HELL!" Mala-demonyo niyang sabi.
Tinutok ni Joaqui ang rifle kay Faye. At, isa lang ang nakita ko, si Faye nakahandusay na sa malamig na semento at may tama sa...ulo. headshot.
"FAYE!!!" Nakita ko na lang si Debra na umiiyak na inaalog ang katawan ng kakambal ko. B-bakit siya pa? Pwede naman ako ang patamaan niya.
"FAYE..." napaluhod ako. Hindi ko nailigtas ang nag-iisa kong kakambal. Ang nag-iisa kong kapatid.
"FAYE!!!" Paulit-ulit kong sinusuntok ang malamig na semento. "ARGH! BAKIT! BAKIT!"
Bang!!!
Napalingon kami ni Debra, nakita naming hawak ni Gino ang rifle at ang katawan ni Joaqui na ngayon ay naliligo na rin sa sarili niyang dugo.
"Sunset..." mahinang sabi ni Lincoln.
"T-tapos na..." dugtong niya.
Tapos na ang larong 'to! Tapos na ang demonyong laro.
Kinuha ko sa mga kamay ni Debra ang malamig na katawan ng kakambal ko. Niyakap ko ito ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit na parang ayoko siyang bitawan.
"Si Rey! May pulso pa!" Napalingon ako kay Debra na hinahawakan ang pulso ni Rey.
B-buhay pa si Rey.
"Pengeng tela, bilis! Tatakpan ko ang sugat niya!"
* * * * *
Nandito kami sa hospital. Sa Jangga Hospital sa kabilang bayan ng lungsod namin.
Pagkatapos namin bumaba sa club building, silang dating ng mga pulis, swat, ambulance at iba pa.
Gulong-gulo pa ang utak ko.
"Fayce kami na bahala rito sa kakambal mo. Anak, please lang kumain ka naman. Ayaw ni Faye na nakikita kang ganyan." pakiusap ni mommy sa akin.
Tumango na lang ako at lumakad. Hindi ko alam pusanggala kung saan ako pupunta!
Napatingin ako sa tv ng hospital na'to. Naaalala ko naman ang paghabol ng mga tempter sa amin. Pusa naman!
News tungkol sa school namin ang binabalita.
"Pagkatapos ng mahigit tatlong araw na pakikipagsapalaran ng mga estudyante ng Abaddon School sa larong napaka-demonyo, anim na estudyante lamang ang nakaligtas sa mahigit na 10 libong estudyante at mga faculty member ng ekswelahan. Maski ang principal ay nakitang patay sa mismong office niya."
Pinakita sa balita ang ekswelahan namin, ang Abaddon School.
"Hindi pa rin matukoy ng mga pulisya kung sino ang mastermind ng larong ito. Ayon sa sources, ang anim na mag-aaral ng Abaddon School ay malalagay sa rehabilitation para mabilis na maalis ang bangungot na naranasan nila sa ekswelahan na ito... nagbabalita Sue Arazon."
Naglakad na ako. Nadaanan ko ang room ni Rey. Buti pa siya...
Aalis na dapat ako ng may magsalita sa likuran ko.
"Hindi ka ba papasok? Hinahanap niya ang kakambal mo. Si Faye." Mahinang sabi ni Debra sa akin. Kahit nakatalikod ako, alam kong umiiyak siya.
Humarap ako sa kanya at niyakap siya.
"Ssssshhhhh... ayaw ni Faye na ganyan ka Debra. Sssshhh." paulit-ulit ko siya pinapatahan.
MAHAL NA MAHAL KA NAMIN FAYE. IGAGANTI KITA!
- End of chapter 18 -
A/N:
Habang sinusulat ko 'to, umiiyak ako huhuhu. Ayoko na!😢 May Epilogue pa guys! Kapit lang!
HANGGANG SA MULI, FAYE DAWN.
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
THANK YOUUUU!😊💜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top