Abaddon School Part 1.15
Chapter Fifteenth
LINCOLN'S POV
Nagulat kami sa nangyari. Dahil lamang doon nagsinungaling si Ria. At, ngayon wala na siya.
Nagsalita ulit ang harvester.
"AYAN ANG MANGYAYARI SA INYO! SINO KAYA ANG SUSUNOD KAY RIA? IKAW BA LINCOLN?"
Bigla akong napatingin sa kanya. Ako na, ako na ang susunod na itatanong.
Tumitingin sa paligid ang harvester. Mukhang nag-iisip siya ng itatanong sa akin.
Bigla siyang ngumiti at binigkas ang mga salitang labis kong kinabahala.
"TRUTH OR FALSE. MAY LIHIM NA PAGTINGIN KA BA KAY DEBRA?"
Hindi naproseso ng utak ko ang tanong.
"UULITIN KO ANG TANONG LINCOLN, MAY LIHIM NA PAGTINGIN KA BA KAY DEBRA?"
Napatingin ako kay Fayce na may alam sa tunay na nararamdaman ko, nakita ko siyang tumango sa akin.
Nahagip ng mga mata ko ang mukha ni Debra na sobrang nabigla sa tanong.
Kung magsisinungaling ako, mamatay ako at kung anong nangyari kay Ria ganoon din ang mangyayari sa akin.
Dahan-dahan akong tumango sa harvester at sinabi ang katagang kay tagal ko ng gustong sabihin.
"Oo, may lihim akong pagtingin kay Debra..." Habang sinasabi ko n'yon, nakatingin ako kay Debra at nakita kong lalo siyang nagulat dahil sa mga nasabi ko.
"Pero, tanggap ko na... na si Ivan ang mahal niya at hindi ako. Tanggap ko na, na hanggang matalik na kaibigan lang kaming dalawa." Sa huling sinabi ko, lahat sila tahimik wala ni isang nagsasalita.
Nagulat na lang ako, biglang umilaw na kulay dilaw ang bilog ko. A-anong ibigsabihin nito?
"L-lincoln, B-bakit dilaw ang ilaw ng sayo?" Nag-aalalang sabi sa akin ni Debra.
Hindi ko rin alam kung bakit dilaw ang ilaw na lumitaw sa bilog ko.
"NAPABILIB MO AKO,LINCOLN! DILAW ANG ILAW NA UMUSBONG SA BILOG DAHIL SA TAPAT AT BUSILAK ANG SINABI MO..." Anong nangyayari? Ano ang sinasabi ng harvester?
"BINABATI KITA. NAKALIGTAS KA SA AKING LARONG TRUTH OR FALSE. MAAARI KA NG MAUPO SA ISANG TABI." sa sinabi niyang harvester na n'yon, bigla siyang tumingin kay Debra.
Lumakad na ako sa upuang sinasabi ng harvester. M-may ganoon pala sa larong n'yon, hindi ko alam.
"DEBRA, NAIS MO BA TALAGA ILIGTAS ANG MGA KASAMAHAN MO SA UNANG LARO? O KAGAYA KA RIN NG IBANG NAKALIGTAS?" rinig kong tanong ng harvester kay Debra.
"Oo... nais ko tulungan ang mga kaklase ko pero... pero hindi ko nagawa! Hindi ko alam na may rules siyang tungkol doon. After kong natamaan ang button sa likod ng domokun na nyon... nakita ko na lang ang mga natitira kong classmate... isa-isang sumabog ang mga katawan nila..." rinig na rinig ko ang sagot ni Debra.
"Debra..." Gusto ko siyang lapitan.
Napaluhod si Debra sa kinalalagyan niya. At, ramdam ko ang sinsero ng kanyang sinabi.
Umilaw ang bilog na kinalalagyan ni Debra. Kulay bughaw ang umilaw sa bilog niya.
"MALIGAYANG PAGBATI SAYO DEBRA!"
"LIMANG TAO NA ANG NATATANONG KO. PITO NA LANG ANG HINDI NAKAKAPAGSABI NG TOTOO."
Muling tumingin ang harvester kina Ivan.
Sino naman kaya ngayon ang tatanungin?
"YOU'RE SO SWEET. IKAW NA ANG TATANUNGIN KO... FAYE." lahat sila napatingin kay Faye.
Sa puntong iyon, hindi ko nakitaan ng kaba ang magandang mukha ni Faye.
Buong tapang na tumingin si Faye sa harvester at mukhang hinihintay ang itatanong sa kanya.
"TRUTH OR FALSE. MAY TRAYDOR BA SA INYO?" Tanong ng harvester sa kanya.
Lahat kami nagulat sa tanong ng harvester. Maski akong nandito sa gilid nila, nagulat sa tinanong.
"Anong sinasabi mo? Sinasabi mong kapatid ko ang traydor?" Nanggagalaiting sabi ni Fayce sa harvester.
"WALA AKONG SINABI. TINANONG KO SIYA KUNG MAY TRAYDOR BA SA INYO." Paliwanag ng harvester.
"I'm telling the truth. I don't know if one of them are traitor. But, my answer is no. No one of us is traitor." Matapang na sagot ni Faye.
Parang hindi siya natatakot sa sinabi niya.
Bigla umilaw ang na kulay bughaw ang kanyang bilog.
Narinig naming tumawa ang harvester. "MATALINONG NILALANG. OO NGA NAMAN! KAHIT ANONG ISAGOT MO SA AKIN AY TAMA. MAGALING!" so, kahit mag-yes siya iilaw pa rin n'yon ng bughaw.
Nakita kong ngumisi si Faye "Logic..."
Anim na lang silang tatanungin. Sana magsabi na sila ng totoo. Para wala ng sumunod kay Ria. P*tcha naman!
Patuloy na nagtanong ang harvester kina Gino, Ivan, Rey, Rowell, Dustin at Dave. Lahat sila ay mga nagsabi ng totoo. Kaya sila ay kulay bughaw ang lumabas sa mga bilog nila.
Akala namin tapos na. Akala namin makakalabas na kami sa pang-apat na laro na'to, hindi pa pala.
"PARA SA FINALE NG LARONG ITO..." lahat kami naghintay sa kanyang sasabihin. Pinabalik na niya ako sa pwesto ko kanina. "KANINA, TINANONG KO SI FAYE, KUNG MAY TRAYDOR BA SA INYO. ANG SAGOT NIYA AY - WALA. UULITIN KO ULIT ANG TANONG KO. SINO ANG TRAYDOR SA INYONG LABING-ISA?" Tumingin siya sa aming isa-isa. "THE TIME IS TICKING!"
Sa sinabi niyang n'yon, napatingin kami sa malaking tv screen, nakita namin ang 1 minuto na pabawas na pabawas na.
"TNGINA KA! WALA NGA SA AMIN ANG TRAYDOR! PUSANGGALA NAMAN OH! PAKAWALAN NIYO NA KAMI!" nagsisigaw na sabi ni Fayce sa harvester.
Pero wala kaming nakuhang sagot sa harvester.
Nagkatinginan kaming lahat. Kung may isa nga sa amin, p*tcha sino?
Wala ni isa sa amin ang nagsasalita, maski si Fayce tumahimik na rin.
Binasag ni Ivan ang katahimikan.
"May 20 seconds na lang tayo. Sino sa inyo ang traydor?"
Napatingin ako sa tv screen, 20 seconds na nga lang ang mayroon kami.
"F*ck! F*ck!" Naririnig ko ang pagmumura ni Fayce.
"G-guys! Tignan niyo n'yong harvester?" dahan-dahan kaming tumingin sa harvester gaya ng sinabi ni Debra.
Nakita namin ang harvester na nagpalit ng anyo. Kung kanina mukha siyang magsasaka sa suot niya ngayon mukha siyang nakakatakot na scarecrow na may hawak na karit na may dugo pa roon. P*tcha!
"MALAPIT NA MATAPOS ANG ORAS NIYO. SINO? SINO ANG TRAYDOR SA INYO?" nakakatakot na boses ang narinig namin sa apat na sulok na ito.
"G-guys? Umamin na kayo? Ayoko pa mamatay!" umiiyak na sabi ni Joaqui.
Unti-unting naglalakad papalapit sa amin ang harvester. P*tcha! Nakakatakot na siya tignan!
"Tanungin natin ang isa't isa, para sa kanila sino ang traydor sa atin?" sagot ni Ivan.
Lahat sila nagkatinginan. Mukhang payag sila sa suggestion ni ogag ha.
"Si Dave para sa akin." Mabilis na sagot ni Fayce sa amin. Sobrang nagulat si Dave sa sinabi ni Fayce.
Hanggang lahat kami ay nagsabi na rin. Si Dave rin ang sinabi ko, sa amin lahat siya ang hindi ko masyado nakikita sa school na'to. At, wala talaga akong tiwala sa kanya.
Nang matapos kaming magsalita.
"Urgh! B-bakit ako guys? Wala ba kayong tiwala sa akin?!" nauutal na sabi ni Dave sa amin.
Lahat kami hindi umimik at pawang mga nakayuko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Okay! Alam ko na. Ako ang traydor para sa inyo! Okay na rin 'to, para makasama ko na si Jinky." Ngumiti muna siya sa aming lahat bago siya humakbang paharap para makita ang nakakakilabot na harvester.
Nang makalapit siya. Lahat kami yumuko. Ni-isa sa amin ay umiiyak na.
Sa isang iglap, isang malakas na payahaw ang narinig namin. Wala kaming nagawa kung hindi umiyak at humingi ng tawad.
"Patawad at paalam, Dave..."
-End of chapter 15-
A/N:
May nawala naman sa kanila. Nasa game 5 na tayo. Matatapos na ang Abaddon School.
Mga natitirang nakaligtas:
Debra
Lincoln
Rey
Ivan
Faye
Fayce
Joaqui
Gino
Dustin
Rowell
May mababawasan kaya ulit sa kanila sa huling laro ng Abaddon School?
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
THANK YOU!!💜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top