Abaddon School Part 1.14

Chapter Fourteen

THIRD PERSON'S POV:

Sa labas ng ekswelahan ng Abaddon School, pinapanood sila ng mga tao kung paano sila makakaligtas at makakatakas kay kamatayan.

Maraming tao ang nagulat dahil sa larong kanilang sinasaksihan. Nagulat na lang sila bigla na may lumabas na malaking tv screen sa isang commercial building at doon nila pinapanood ngayon ang mga estudyante na gustong makaligtas sa laro ng kamatayan.

Ang mga magulang ng mga estudyante at mga kamag-anak ng mga faculty member sa school na n'yon ay pawang mga umiiyak.

Ilang beses na nilang tinangkang pumasok sa school, pero ni isa sa kanila ay hindi makapasok parang may kung anong invisible na gate ang pumipigil sa kanila.

Sa labas ng gate ng Abaddon School naroroon ang mga pulis, swat, mga doctor & nurse, mga agent para tulungan ang mga estudyanteng buhay pa kung may makakalabas man sa school na yon.

Habang abala ang mga tao sa pinapanood nila,may isang estrangherong lalaki ang kanina pang nanonood sa lahat ng nangyayari.

"Nagsimula na ulit ang kanilang laro...ang larong sumira sa buhay ko. Ang larong napaka-demonyo. Hindi lahat sa kanila ay mabubuhay...mamamatay silang lahat sa larong niyan. Tignan natin Lincoln kung hanggang saan ang kaya mo para mailigtas ang mga kaibigan mo." Titig na titig ang kanyang kulay itim niyang mata sa monitor habang naka-smirk na nakatingin kay lincoln.

Sa sinabi niyang 'yan, umalis siya na nakayuko. At paulit-ulit na sinasabing "mamamatay kayong lahat kagaya ng nangyari sa amin..."

* * * * *

Sa kabilang banda, nagsimula na ang pang-apat na laro. Larong kamatayan ang hatid sa kanilang lahat.

Nang makarating sa auditorium ng school, nakita nila ang pagbabago ng kanilang auditorium. Nagkaroon ng mga puno at mga sanga sa loob ng auditorium. Nagmukha itong gubat.

Biglang may umalingawngaw na namang tunog, ngayon ang tunog ay mga huni ng mga tigreng gustong lumapa.

"STUDENTS OF ABADDON SCHOOL. OUR 4TH GAME WILL BE START NOW!! OUR GAME WILL BE NAMED AS 'TRUTH OR FALSE'. SIMPLE AS THAT. SO PLEASE TAKE FORWARD TO THAT CIRCLE. EVERYONE HAS OWN CIRCLE. SO, GOODLUCK!"

Sa sinabi ng kung sino man ang nasa speaker, biglang umilaw ang sahig at nakita nila ang doseng mga bilog.

Nagkanya-kanya silang apak sa mga bilog. Ang kanilang arrangement ay

LINCOLN - DEBRA - FAYE - FAYCE - IVAN - REY - RIA - GINO - DUSTIN - JOAQUI - ROSWELL - DAVE.

Sa pag-apak nila biglang gumalaw ang sahig at bumuka sa dalawa ito.

Lumitaw ang isang lalaki na may hawak na malaking karit sa kanang kamay niya, ang kanyang mga mata ay kulay dugo, natatakpan ng malaking sumbrero ang kanyang noo, at ang kanyang itsura ay sobrang dilim, ang labi niya ay naka-tahi para siyang harvester.

Nagkatingin ang mga natitirang estudyante, hindi nila alam kung anong gagawin sa kanila ng harvester na mukhang siya ang in charge sa ika-apat na laro.

Isang malamig na boses ang kanilang narinig.

"KAYO AY MAGLALARO NG TRUTH OR FALSE, MADALI LANG NAMAN DIBA? KAILANGAN NIYO LANG MAGING TOTOO SA SARILI NIYO. PAANO KO MALALAMAN NA NAGSISINUNGALING KAYO SA AKIN, SIMPLENG KAPAG NAGING PULA ANG BILOG NA INAAPAKAN NIYO, MAHUHULOG KAYO SA KINALALAGYAN NIYO. AT, KAPAG NAGSASABI KA NG TOTOO KULAY BUGHAW ANG IILAW SA BILOG NA NIYAN. KAYA TARA'T MAGSIMULA NA TAYO... MALIGAYANG PAGDATING SA KAMATAYAN NIYO!"

Sa sinabi ng harvester, kaba ang namayani sa lahat. Lalabas na ang baho ng bawat isa.

"MAGSIMULA TAYO SAYO..." ginalaw niya ang kanyang mga kamay na parang namimili lamang. "AHA! IKAW..." sabay turo sa lalaking may dalang bow and arrow.

Nagkatinginan sina Fayce at Dustin dahil silang dalawa ang may dalang bow and arrow o pana.

"IKAW...LALAKING MAY MAANGAS NA MUKHA NA KATABI ANG KANYANG KAKAMBAL NA SI FAYE..." sa puntong niyon tumingin ang lahat kay Fayce.

"FAYCE! FAYCE!" Paulit-ulit na sabi ng harvester. "MADALI LANG NAMAN 'TO, ALAM KONG KAYA MONG SAGUTIN ITO. IKAW BA ANG PUMATAY SA MGA KASAMA MONG SINA AMCHEL AT RYAN?" Sa tanong ng harvester, biglang bumalik lahat kay Fayce ang nangyari.

"K-kuya..." mahinang sabi ni Faye sa kakambal.

Yumuko si Fayce, sa pag-angat niya isang ngiti ang kanyang binigay. "False... Ang mga nagbabantay sa laro ng Patintero ang pumatay sa kanila..." simpleng sagot ni Fayce sa harvester.

Biglang umilaw ang kanyang bilog...kulay bughaw ang nagpakita sa lahat.

"MAGALING!" Winagayway ulit ng harvester ang kanyang daliri. "SINO ANG ISUSUNOD KO... SINO KAYA?!" Lahat sila hindi mapakali, hindi nila alam kung ano ang itatanong sa kanila. Puwedeng itanong sa kanila ang mga sikretong tinatago nila.

"IKAW...LALAKING MAY SALAMIN. JOAQUI!" sa sinabi ng harvester, namutla si Joaqui at dahan-dahan tumingin sa harvester.

"PARA SAYO TALAGA ANG KATANUNGAN NA ITO... IKAW BA TALAGA AY KARAPAT-DAPAT NA NANALO BILANG BISE-PRESIDENTE NG EKSWELAHAN NA ITO? O BAKA NAMAN DINAYA MO LANG KAYA NAKARATING KA SA PWESTO NA NYAN?"

Halos lahat sila ay nakatingin ngayon kay Joaqui, alam nilang mabait at masipag na bise-presidente si Joaqui.

Nanginginig na ngayon si Joaqui sa pwesto niya.

"F-false..." mahinang sabi ni Joaqui.

Lahat sila nagulat sa nalaman.

"P-pero, hindi ko talagang dinaya ang botohan. Binalik ko lang ito sa tamang bilang. S-si Rico talaga ang nandadaya. Ginawa na niya n'yon last year kaya natalo ako. Binalik ko lang ang talagang para sa akin."

Bumalik sa isipan ni Joaqui ang lahat.

"Joaqui! Joaqui!" Tawag ni princess sa kanya - ang tumatakbong secretary nila.

"Bakit?" Takang tanong niya sa dalaga.

"Si Rico nasa loob ng bilangan." sa sinabi ni princess, tumakbo sila kung saan binibilang ang boto para sa ngayong ssg sa school nila.

Nang makarating, nakita nga nila si Rico na binabayaran ang mga nagbibilang. At, nagulat na lang sila na pinalitan ng isang representative ang bilang ng boto ni Rico. Kaninang 567 naging 980 na ito. Mas lamang na siya kay Joaqui na may botong 956.

Nagtago ang dalawa at hinintay na makaalis ang mga tagabilang sa loob ng room. Nang makaalis ang lahat ng tao sa room, doon nila ito binalik sa dating boto.

"N'yon ang totoo... binalik ko lang ang botong nararapat kay Rico. H-hindi ako nandaya!" Sabi ng ilang Joaqui ng matapos niyang isalaysay ang lahat.

Sa sinabi ni Joaqui, biglang umilaw ang kanyang bilog...kuya bughaw din ang kanilang nakita.

"MAGALING! PINAPAHANGA NIYO AKO SA INYONG KATAPATAN! PERO, ALAM KONG MAY MAGSISINUNGALING DIN SA INYO..."

"IKAW NAMAN NGAYON...RIA." sa sinabi get harvester na n'yon, muntik ng matumba si Ria dahil sa kaba.

"OH RIA! HUWAG KA AGAD MATAKOT! WALA PA AKONG TINATANONG SAYO!"

"ITO NA ANG TANONG KO PARA SAYO... IKAW BA DAPAT ANG MABUBUHAY SA UNANG LARO? O, BAKA NAMAN SI JANA - ANG BESTFRIEND MO? TRUTH OR FALSE?"

Hinihintay ng lahat ang sagot ni Ria. Pero, nakayuko pa rin si Ria at hindi nagsasalita.

Dahan-dahang tumungo ang dalaga at bakas sa mukha niya ang kaba.

"F-false..." mahinang sabi niya.

Humalakhak nang malakas ang harvester. Lalong nanginig si Ria ng dahil doon.

"TELL THE TRUTH...RIA."

"NAGSASABI AKO NANG TOTOO! AKO! AKO TALAGA ANG NANALO SA UNANG LARO! HINDI SI JANA!" Sigaw ni Ria sa harvester.

"IKAW BA TALAGA? O, DAPAT SI JANA ANG NAKALIGTAS SA UNANG LARO? SI JANA ANG NAKAISIP SA PARAAN NA N'YON PERO IKAW... IKAW ANG KUMUHA NG ESTRATEHIYA NIYA. IKAW...IKAW ANG PUMATAY SA MATALIK MONG KAIBIGAN, HINDI ANG DOMOKUN! KAYA SABIHIN MO ULIT SA AKIN ANG LAHAT NG SINABI MO KANINA!"

Namutla si Ria sa mga sinabi ng harvester. Tumingin siya sa mga kasamahan niya. Unti-unting tumango si Ria.

Sa pagtango niya, sabay umilaw ang bilog...kulay pula ang namutawi na kulay sa bilog na inaapakan niya.

"Oo na! Nagsasabi na ako ng totoo! Si jana! Si jana dapat n'yong buhay at h..." Hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin ng biglang bumukas inaapakan niyang bilog.

Isang matining na sigaw na lamang ang narinig nila kay Ria.

Lahat sila nagulat. May nabawasan na naman sa kanila.

Napatingin silang lahat sa isang malaking tv screen, nakita nila si Ria na nasa loob ng malaking aquarium at pilit na tinatali ng mga taong nakaitim.

Pagkatapos itali ng mga taong nakaitim, ang sumunod nilang nakita ay si Ria-ng kinakain na ng mga pirana.

Puro tili ang kanilang naririnig kay Ria. "T-TULONG!!!"

At, Maya-maya nakita nila ang katawan ni Ria na puro buto na lamang. Mga mata ni Ria na kinakain na rin ng mga pirana.

"AYAN ANG MANGYAYARI SA INYO! SINO KAYA ANG SUSUNOD KAY RIA? IKAW BA LINCOLN?"

Nagulat na lamang si Lincoln na tanungin na siya ng harvester.

"TRUTH OR FALSE. MAY LIHIM NA PAGTINGIN KA BA KAY DEBRA?"



- End of chapter 14 -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuu!❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top