Abaddon School 2.8
Chapter Eight: Killing Spree
LINCOLN'S POV
Takbo lang kami nang takbo at iwas kami nang iwas sa mga balang pinuputok nina Liam at Anton sa amin.
"Tngina! Hindi pa ba tayo tatantanan ng mga iyan? Hindi pa ba sila napapagod!" Bakas sa boses ni Rey ang inis at pagod.
Hanggang ngayon nakasunod pa rin sila sa amin, hindi na nga namin alam kung nasaan kami, basta takbo lang nang takbo para mabuhay at tumagal pa kami.
"Sht!" nakita naming hinahalughog ni Gino ang bag na nakuha niya kanina habang tumatakbo at umiiwas kami sa mga bala.
"Kapag nga namang minamalas ka! Makakapatay ba itong gamit na'to?" Tanong Gino sa amin habang patuloy pa rin kami sa pagtakbo para makalayo sa kanila.
Pinakita niya sa amin ang hawak niyang mahabang lalagyan na medyo pa-oblong. Para siyang granada.
"Boploks! teargas niyan!" sigaw ni Fayce na nasa gilid ko.
"Tngina mo, ibato mo na iyan pero hilahin mo muna iyong isang bagay diyan para gumana!" sumisigaw na sabi ni rin Rey.
Halata sa boses niya na napapagod na siya. Kanina pa kaya kami tumatakbo.
Tinignan muna kami ni Gino isa-isa at sumenyas na itatapon na niya.
"Itapon mo na, pagod na akong tumakbo!" sigaw ko sa kanya.
Napapagod na rin ako. Ang sakit na ng tuhod, binti at talampakan ko.
Pagkatapon niya ng teargas biglang umusok. Nakita naming napatigil sa pagbabaril sina Anton at Liam, pilit nilang tinatakpan ang mga ilong nila.
Sa gaanong paraan nakaalis kami sa paningin nilang dalawa.
May nakita kaming isang bahay este Abandoned House.
Huminto kami. Kailangan na namin ng matutuluyan, dumidilim na ang kalangitan kung nasa labas lang kami may posibleng may makakita sa amin at patayin kami ng walang kalaban-laban.
"Safe kaya rito?" tanong ni Ivan habang tinitignan ang abandonadong bahay.
"Titignan namin ang loob," tumingin si Fayce kina Spencer at Gino. "Kami na ang papasok. Kayo, maghintay kayo rito. Be alert." tumango kami sa sinabi niya.
Wala na kaming pwedeng pagkatiwalaan maliban sa amin pito. Lahat ng nandito ay gustong mabuhay at makauwi sa mga pamilya nila.
Umupo kami sa isang malaking puno na malapit sa bahay na iyon.
Tinignan agad namin ang mga bag na nakuha namin kanina.
"Tngina! Ang angas!" nakita namin ang nilabas ni Rey. Isang rifle at kwarenta'ysingko na baril.
"Daming bala," nilabas niya ang isang maliit na bag kung nasaan ang mga bala nito.
Tinignan ko rin ang akin, nakita ko rito ang bow and arrow.
"Pards, bow and arrow sayo." tumango ako sa kanya.
"A-ano 'to?" mahinang sabi ni Debra.
Nilabas niya ang shotgun na mula sa bag na nakuha niya.
"Whooot! Whooot! Shotgun niyan,Debra. Naku, hindi mo kakayanin niyan." sagot ni Rey.
Medyo malakas ang impact ng shotgun kapag nagpaputok ka rito.
"Tss. Puro knife ang nakuha ko." tumingin kami kay Ivan. Nilabas niya ang iba't-ibang klaseng knife.
"Magpalit na lang kayo ni Debra, Ivan. Tapos itong kwarenta'ysingko ibibigay ko kay Debra, madali lang naman 'tong gamitin." Suggest ni Rey.
Medyo gumagana pa rin ang utak ni Rey ngayon.
Binigay ni Rey ang baril kay Debra at kinuha ni Ivan ang shotgun.
"Tapos ang problema. Tuturuan na lang natin si Debra kung paano bumaril."
Tatayo na sana kami ng may narinig kaming kumakalukos.
Hinila agad ni Ivan si Debra at nilagay sa likod niya. Nakatutok agad ang mga baril nina Ivan at Rey sa direksyon kung saan namin narinig ang kaluskos.
Biglang lumitaw sina Jonvic, ang MVP sa Swimming at Loren, ang secretary namin, na may ngiti sa mga labi nila.
"Humanda kayo." madiin na sabi ni Rey sa amin.
Lumakad ng kaonti si Jonvic habang nasa likod niya si Loren.
"Kapag sineswerte ka nga naman. Mukhang may target agad si Bills," hinimas niya ang kanyang baril - isang Micro Uzi.
"Uh-uh! Mukhang si Samurai rin makakahiwa na." May demonyong sabi ni Loren habang hinahasiwas niya ang samurai sword niya.
"G-guys, pwede naman tayong magtulungan. Makakaligtas tayo ng buhay rito." mahina at nauutal na sabi Debra.
Malakas na tumawa si Loren, "My dear Debra, hindi pwede. Hindi kami maniniwala sa inyo. Alam niyo ba lahat ng mga classmate natin kayo pinupuntirya. Kaya nakakagalak na makita namin kayo at ngayon ay papatayin na namin kayo. Rest in peace."
Nakatutok na rin ang mga sandata namin sa kanilang dalawa.
Tumakbo papunta sa amin si Loren habang nakataas ang samurai niya.
Wala ng ibang nagawa sina Ivan at Rey kundi paputukan si Loren. Bigla na lang bumagsak sa lupa si Loren at may tumulong dugo sa bibig niya.
Nagwala si Jonvic at tumakbo siya papunta kay Loren na ngayon ay wala ng buhay.
"Argh! L-loren!" nagwawalang sabi niya habang tinitignan si Loren.
Tinignan niya kami, halos manlisik ang mga mata niya, "Kayo! Kayo, magbabayad kayo!" Nagulat na lang kami ng magpaputok siya ng sunod-sunod, nagtago agad kami sa malaking puno.
"Tngina! Ito na naman tayo pinagbabaril." sabi ni Rey habang kumukuha ng tyempo para magpaputok.
"Magbabayad kayo! Papatayin ko kayo!" paulit-ulit na sabi ni Jonvic habang pinapaputukan kami.
Mga nakaupo kami ngayon at pilit na pinagkakasya ang aming mga sarili sa malaking puno.
"Wala ng nagpapaputok," takang tanong ni Debra.
Wala na nga kaming narinig na putok galing kay Jonvic.
Sumilip ako, nakita ko si Jonvic na ngayon ay naliligo na rin sa kanyang dugo.
"P-patay na siya..." mahinang sabi ko.
"Sino pumatay sa kanya?" Nagulat ako nandoon na sila sa bangkay nina Loren at Jonvic.
"Kami," lumingon kami sa nagsalita na nagmumula sa taas ng abandonadong bahay.
Nakita namin naroon sina Fayce at nakatingin sa amin.
"Tagal niyo patayin si Jonvic kaya kami na pumatay. Kanina pa namin kayo pinapanood." mahabang lintana ni Gino sa amin.
"Tsk. Kanina pa pala kayo nandyan bakit hindi niyo pa kami tinulungan." malamig na sabi ni Ivan.
"Easy,Ivan. Pasensya na akala namin kayo niyo. Kunin niyo muna bagpack, micro uzi at samurai sword nila. Magagamit natin niyan."
Kinuha namin ang mga dala ng dalawa. Tinakpan namin sila ng kumot na nasa bag nila.
Pumasok kami sa loob ng abandonadong bahay, nakita namin na naroroon sina Fayce, Gino at Spencer na nakaupo sa isang sofa.
Mukhang hindi naman abandonadong bahay ito. May mga gamit pang nakalagay.
Pagkalapit namin sa tatlo, sinuntok ni Rey si Fayce sa braso.
Tumatawang hinawakan ni Fayce ang brasong sinuntok ni Rey, "Tngina mo, balak mo kami ipahamak. Alam mong kasama namin si Debra!"
"Pasensya na, akala namin kayo niyo. Pero nung nakita naming lalapitan na kayo ni Jonvic, pinatay na namin siya. Hindi namin ipapahamak si Debra, baka kayo pwede pa." Tumatawang sabi ni Fayce.
"Tngina mo/ G*go/ Tsk." Sabay-sabay naming sabing tatlo.
Sumeryoso na si Fayce, "Ligtas tayo rito. Tinignan namin ang bawat sulok, Okay naman. May dalawa tayong pwedeng labasan, sa front door at sa taas sa kabilang kwarto sa left side," tumango kami sa kanya. "Ang gawin natin bantayan ng maigi ang front door at dapat may magbantay sa taas sa right room kung saan kita roon ang kalsada. Sa left room walang bintana tanging pintuan lang." tumango uli kami sa kanya.
"Ano pala mga nakuha niyo sa mga bag niyo?" tanong ni Spencer sa amin.
Nakita namin ang hawak niyang uzi rin pero mas malaki ito kay dito sa micro uzi.
"Rifle at kwarenta'ysingko na baril ang nakuha ko."
"Bow and arrow naman nakuha ko."
"Shotgun? Sabi nila sa nakuha ko." sabi ni Debra sabay turo kay Rey.
"Iba't ibang klaseng knife naman akin."
"Shotgun nakuha ni Debra na ngayon ay hawak na ni Ivan. Hindi kaya gamitin ni Debra iyon kaya binigay ko kay Debra ang kwarenta'ysingko na baril ko. Incase lang naman." Mahabang sabi ni Rey.
"So, iyong kay Gino lang pala ang walang kwentang nakuha." pang-aasar na sabi ni Fayce.
"Hoy! May kwenta iyon, kung hindi dahil doon hinahabol pa rin tayo nina Anton at Liam." proud na sabi ni Gino.
"Oo na," sukong sabi ni Fayce.
Kinuha ni Fayce ang micro uzi, "akin na 'to, chainsaw nakuha ko." Nakita namin sa gilid ng sofa ang chainsaw na sinasabi niya.
Nagtataka ba kayo kung paano nagkasya iyon, isang malaking bagpack ang mga bitbit namin parang bag ng mga mountaineer. Saka medyo maliit lang iyong chainsaw.
"Akin naman 'tong samurai," sabi ni Gino ng makuha ito.
May kinuha si Spencer sa bag niya, isang bulletproof vest.
"Nakalagay rin ito sa bagpack ko pero mukhang mas kailangan ni Debra," inabot niya ito kay Debra. "lagi mong suotin niyan habang nandito pa tayo." Tumango naman si Debra.
"Spencer,Brad, isa lang iyong bulletproof vest mo? Baka mayroon pa, ibigay mo sa akin." ungot ni Gino.
"Wala na," walang ganang sabi ni Spencer.
"Ano pa mga nakalagay sa bagpack niyo pwera sa mga iyan?"
Agad naming nilabas ang mga laman ng bag namin. Pare-parehas lang naman medicine kit, can goods, water at mga damit.
"Magluluto na ako para may makain na tayo, alam ko namang gutom na kayo."
"Samahan ko na si Debra," sabi ni Ivan at sumunod ito kay Debra na pumasok sa isang pinto, mukhang kusina yata iyon.
"Diyan muna kayo. Magbantay kayo rito. Kami naman ni Rey sa taas." tumango kami sa sinabi ni Fayce at umakyat na sila.
Umalis si Spencer, magsi-cr daw siya.
"Kinakabahan ako Lincoln. Matatakasan kaya natin 'to? Alam na kaya ng mga magulang natin na nawawala tayo?" ramdam ko ang kaba ni Gino.
"Kaya natin 'to. Makakauwi tayong ligtas at buhay sa mga pamilya natin. Kagaya lang 'to noon,Gino." pinapatatag ko rin ang sarili ko. Ayokong mawalan ng pag-asa.
"Lincoln, iba 'to noon. Noon, sama-sama tayo para makaligtas pero ngayon ib---"
Pinutol ko ang sasabihin niya "tiwala lang Gino. Malalagpasan natin 'to." Ngumiti ako sa kanya at tinapik ang kaliwang balikat niya.
"Sana nga,Lincoln. Sana nga."
- to be continued -
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
Thank youuuu!!💕💋
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top