Abaddon School 2.7
Chapter Seven: Isla de Tempter.
THIRD PERSON'S POV
Sa pagkawala ng malay ng mga estudyante maging ang kanila teacher. Pinapasok ng driver ang mga lalaking naka-itim.
At, isa-isa silang pumuwesto sa isle ng bus habang nakatingin sa mga estudyanteng nawalan ng malay.
Muling umandar ang bus na sinasakyan nina Lincoln. Ni-isa sa kanila ay walang alam kung saan sila dadalhin.
"Boss, papunta na kami sa Isla de Tempter." sabi ng isa sa mga taong naka-itim.
Sa kabilang banda, ang kausap ng taong naka-itim ay isang matipunong lalaki na may suot na clown na maskara na ngayon ay naka-upo at tinitignan ang mga surveillance camera.
"Dalhin niyo na sila ngayon dito." Bakas sa boses ng lalaki ang saya at excitement.
"Okay,boss."
Binaba ng lalaki ang telepono at nakatitig pa rin siya sa surveillance camera.
Pumunta ang lalaki sa lamesa at may kinuhang litrato...litrato nina Lincoln na kuha sa field trip nila kanina.
"Maglalaro na ulit tayo. Magbubukas na ulit ang laro. Lincoln, Debra, Ivan, Rey, Gino, Fayce at...Spencer, mamamatay na kayong lahat."
Isa-isa niyang hinawakan ang mga mukhang ng mga ito at bigla niya itong pinunit.
"MAMAMATAY NA TAYONG LAHAT! MAGSASAMA-SAMA TAYO SA KAMATAYAN!" paulit-ulit na sabi niya.
*****
Nang makarating ang bus sa Isla de Tempter. Isa-isang kinuha ng mga taong naka-itim ang mga estudyante at dinala sa isang bodega.
Walang ingay na nilapag sila sa sahig. Umalis ang mga taong nakaitim at iniwan ang mga estudyanteng at si Ms. Niña na walang malay.
Nang makalabas ang mga taong nakaitim sa bodega na pinaglalagyan nina Lincoln, siyang bungad naman ng lalaking nakamaskarang clown sa mga ito.
Yumuko ang mga ito sa kanya.
"
Okay na po,boss." sabi ng isang sa mga nakaitim.
"Nagawa niyo ba ng tama?" anito.
Tumango ang taong nakaitim, "Ang mga gamit na kakailanganin nila ayos na po,boss. All set up na rin ang isla,boss"
"Good."
Tumalikod ang lalaking nakamaskara at muling nagsalita, "Pagkagising nila lagyan niyo na sila ng device para masundan natin kung nasaan na sila sa Isla."
"Masusunod,boss."
Lumakad na ang lalaking nakamaskara.
"Magsisimula na talaga. Magsisimula. Malapit na kayong mamatay..." bulong niya habang papalayo sa bodega ng kinalalagyan nila Lincoln.
---
Nagising si Lincoln dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Nilibot niya ang kanyang tingin, nakita niyang siya pa lang ang gising sa mga kaklase niya. Nakita niya rin Ms.Niña na nasa gilid at mukhang wala pa ring malay.
Tumayo siya pero muntik na siyang mapaupo dahil sa hilo na dala ng nalanghap nila.
Naglakad siya sa silid na kinalalagyan nila. Tinitignan ang mga kaklase niya kung sina Fayce ba ang mga ito.
Nakita ni Lincoln, sina Gino at Spencer sa isang sulok at pinuntahan niya ang mga ito.
"Spencer, Gino, gising." paulit-ulit niyang sabi sa mga ito na may kasamang pagyugyog.
"Gising!"
Nakita niyang gumalaw ang mga ito at unti-unting bumukas ang kanilang mga mata.
Napaupo agad ang dalawa habang nakahawak ang mga ito sa ulo nila.
"Urgh! Sht! Nasaan tayo?" tanong ni Gino habang hawak pa rin ang ulo niya.
"Hindi ko alam." tanging sagot ni Lincoln.
"Basta ang natatandaan ko lang nagkaroon ng usok sa unahan ng bus at doon na nagkagulo at nawalan na ako ng malay. Hanggang doon lang naalala ko." dugtong ni Lincoln sa sinabi niya.
"Nasaan ang iba? Pakiramdam ko, may mangyayari na masama." Wika ni Spencer.
"Hindi ko rin alam, baka nandito lang din si---"
Hindi natuloy ni Lincoln ang sasabihin ng may narinig silang boses.
"Tngina! Ang sakit ng ulo ko! Nasaan ba tayo?" sabi ng taong lumapit sa kanila. Walang iba kundi si Rey.
"Shete! Pusanggala! Ano ba iyong ginamit nila sa atin para mawalan tayo ng malay?" Lapit din ni Fayce sa kanila.
Nasa likod ng dalawa sina Ivan at Debra na mukhang inaalala rin ang kanilang ulo.
"Ano bang nangyayari? Tsk. Nasaan tayo?" sabi ni Ivan ng makalapit sila kina Lincoln.
Walang nakasagot sa tanong ni Ivan. Ni-isa sa kanila walang may alam kung nasaan sila.
"Si Ms.Niña nasaan? Baka may alam siya rito?" tanong ni Debra ng makaupo siya.
"Nakita ko si Ms.Niña sa may gilid ng mga kahon. Mukhang wala pa siyang malay."
Pagkasabi ni Lincoln nun, lumakad sila papunta kay Ms.Niña. Nakita nilang mga gising na rin ang mga kaklase nila at ang iba ay mga umiiyak hindi alam kung nasaan sila.
Wala rin ang mga gamit nila. Mga cellphone na maaari nilang gamitin pantawag sa mga pamilya nila ay wala sa kanila. Mukhang kinuha ang mga ito.
Nang makalapit kay Ms.Niña, pilit nila itong ginigising.
"Ms.Niña! Ms.Niña! Ms.Niña, gumising na po kayo." sabi ni Debra sa kanilang guro habang tinapik-tapik ang pisngi ng kanilang guro.
Umungot si Ms.Niña at dahan-dahan iminulat ang kanyang mga mata. Inalalayan ni Debra ang guro na makaupo.
"N-nasaan tayo?" tanong niya kay Debra.
"H-hindi po namin alam,Ms." sagot ni Debra habang tinitignan ang mga kaklase niyang humihingi na ng saklolo.
Tumayo ang kanilang guro at nilibot ang kaniyang tingin. Nakita niya ang mga umiiyak niyang mga estudyante.
"Ms, nasaan po tayo? Baka po nag-aalala na mga magulang ko." sabi ni Stella, ang muse sa section nila.
"Oo nga po,Ms." Sabay-sabay na sabi ng mga ito.
"Calm down,class. I don't know where we are. But please, you need to calm down. Makakaalis din tayo rito." sabi ni Ms.Niña sa mga estudyante niya. Pero ang iba ay hindi napatigil sa pag-iyak lalo na ang mga kababaihan.
Tumahimik na napaupo si Ms.Niña hindi niya alam kung anong gagawin niya. Hindi niya kung nasaan sila. Baka nag-aalala na ang parents ng mga ito. Sana mahanap agad sila. Mga salitang nasa isip niya.
Biglang bumukas ang pinto ng silid na kinalalagyan nila. Nagtumpok-tumpok sila lahat sa likod ng magsipasukan ang mga lalaking naka-itim.
"Anong gagawin nila sa atin?" Kinakabahang tanong ni Debra kina Fayce.
"S-sila iyong---"
"Mga tao sa laro." pagpuputol ni Spencer sa sasabihin ni Gino.
"Sila iyong sa patintero." nanlilisik na tumingin si Rey sa mga tao na nasa harap nila.
Lalo silang kinabahan ng may nilabas ang mga taong nakaitim na mga collar. Hindi lang ito basta collar, ito ay may GPS para malaman kung nasaan ang mga nakasuot nitong collar.
Wala silang nagawa na isa-isa silang pinasuot ng collar. Maski sila Fayce na lumalaban at pumipiglas ay hindi nakawala sa mga ito.
Nang masuotan silang lahat ng collar, biglang bumukas ang tv sa silid at lumabas ang isang tao na nakasuot ng maskara.
"S-siya na naman? S-siya iyon diba?" nauutal at kinakabahan na sabi ni Debra.
Bumalik sa kanilang lahat ang mga alaalang nangyari sa kanila noong nakaraang taon. Mga alaalang binaon na nila sa limot.
"H-hindi pwede 'to..." sabi ni Lincoln na ngayon ay titig na titig sa tv kung nasaan ang taong nakamaskara.
"Maligayang pagdating sa Isla de Tempter mga manlalaro ko," lahat sila nagkagulo dahil sa narinig. "Tama kayo ng narinig, mga manlalaro. Dahil, muling magbubukas ang laro na naumpisahan ko na at ngayon ay tatapusin ko na. Maligayang pagdating sa kamatayan niyo." sa pagkasabi nun biglang namatay ang tv.
Napasabunot na lang bigla si Fayce. "Shete! Pusanggala! Gan'on pa rin ang boses niya. Hindi pa rin natin matukoy."
Hindi nila alam gumagamit ito ng voice changer.
"Sht! Ito na naman tayo sa laro na'to. Bakit ayaw niya tayong tantanan!" naiinis na sabi ni Gino.
"Dahil marami kayong nakaligtas. Hindi ba sinabi sa inyo na isa lang dapat ang makakaligtas?" Hindi sila nakasagot sa sinabi ni Spencer. "Kaya ito, pinagpapatuloy niya. Para isa na lang ang makakaligtas sa inyo."
"Pero kasama ka na sa amin? Hindi ba?" Tanong ni Lincoln.
"Oo, kaya maaari na rin akong mamatay rito kung hindi ako at tayo mag-iingat." sagot ni Spencer dito.
"Tngina! Anong laro naman ngayon?" Sa sinabi ni Rey biglang may nagsalita sa mga speaker na nasa silid din.
"WE DON'T HAVE MANY RULES. THE ONLY RULES IS TO SURVIVE AND TO KILL EVERYONE TO STAY ALIVE. OUR GAME IS TO STAY ALIVE IN 7 DAYS. ARE YOU GONNA WIN THIS GAME OR YOU GONNA DIE IN THIS ISLA DE TEMPTER? KILLING SPREE IS NOW OPEN!" sabi ng hindi kilalang boses.
Lahat nagulantang sa sinabi kung sino man ang nasa likod ng boses na iyon.
"Magpapatayan tayo?" walang ganang sabi ni Lincoln.
"Tngina! Ano na naman 'to?" bulaslas ni Rey.
"Doon tayo sa stay alive. Walang magpapaloko sa sinabi niya." madiin na sabi ni Fayce sa kanila.
"Kailangan natin makahanap ng lugar na ligtas tayong lahat." dugtong ni Lincoln.
"Mabubuhay tayo." kumuyom ang mga kamay ni Rey.
"Mabubuhay tayo."
Isa-isa nilang nakikita ang mga kaklase nila na lumalabas na ng silid at may kinukuhang bagpack na itim sa gilid.
"Kailangan natin kumuha nun, baka makakatulong sa atin iyon." Wika ni Ivan sa mga ito, na ngayon ay pursigido ng gustong makaligtas.
Tumayo silang pito at tumakbo papunta sa mga bagpack na itim at kumuha sila ng mga ito.
Nang makalabas, bumungad sa kanila ang isang isla para silang nagteleport.
"Nasaan tayo?" Takang tanong ni Gino?
Para silang nasa paradise. Maaappreciate mo ang lugar kung nasa normal na araw ka.
"Hindi ko a---" Nagulat sila ng biglang may nagpaputok sa lugar nila.
"Sht! Ilag! Pinupuntirya tayo!" tumatakbong sabi ni Gino sa mga kasama niya.
Nakita nilang sina Anton at Liam ang mga ito. Si Anton ay ang Escort at si Liam naman ang binansagang badboy sa classroom nila.
"Tngina!" napapamurang sabi ni Rey.
"Hindi pa rin tayo tinatantanan! Shete!" sumisigaw na sabi ni Fayce.
"Si Debra hawakan niyong mabuti." sabi ni Rey.
Hindi nila alam kung nasaan na sila basta ang alam nila gusto na nila makaalis sa paningin nina Anton at Liam.
- to be continued -
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
Thank youuuuu!💖💋
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top