Abaddon School 2.6
Chapter Six: The Field Trip
LINCOLN'S POV
"Ma, dito na lang po." hininto ni mama ang kotse sa tapat ng gate ng school.
"Mag-iingat ka at kayo,Lincoln. Iyong mga binilin ko sayo." tumango ako sa kanya humalik sa pisngi ni mama.
"Opo,ma. Lagi po ako magtetext sayo kung nasaan na po kami at kung ano po ginagawa namin." sabi ko sa kanya.
Alam ko naman na nag-aalala sila sa akin ni papa.
"Ma, sige na po. Baka nandoon na iyong mga kumag este sila Fayce. Alis na ako, Ma."
Bumaba na ako ng kotse at kumaway sa kanya. Kumaway rin sa akin si Mama.
Naglakad na ako papunta sa quadrangle kung nasaan ang mga bus.
Ito na ang araw kung kailan magaganap ang field trip namin. May apat (4) na museum at isang parke kami pupuntahan.
Tsk. Kanina pa ako kinakabahan, hindi ko alam bakit. Basta kanina pa may bumabagabag sa puso ko at gumugulo sa isipan ko.
Kaya ilan beses ko chineck ang mga gamit ko kung may nakalimutan ba akong dalhin pero wala naman.
Nasa quadrangle na ako, kung nasaan ang mga bus. Hinanap ko ang bus number namin.
"Number 6 nasaan ka na..." inisa-isa ko ang mga bus na nandito.
"6..."
"Hoy kumag!" napalingon ako sa boses na tumawag sa akin.
"Dito, oh! Nandito kami!" Tsk. Napailing ako sa mga kumag. Kumag talaga,e.
Pagkaakyat ko pa lang sa bus namin, napailing na agad ako.
"Tagal mo. Kanina pa kami rito." sabi ni Gino na ngayon ay ngumunguya na ng chichirya.
Hindi pa kami nakakaalis, ubos na pagkain nito. Tsk. Maitago nga iyong mga pagkain ko. Mahirap na baka pati pagkain ko hindi makaligtas.
Umupo ako sa tabi ni Gino. Nasa dulo kami ng bus, para tabi-tabi talaga kami. Nasa bandang kaliwang parte si Gino, katabi niya ang bintana. Sa kanan bintana naman ay sina Debra, Ivan at Rey. Nasa gitna si Spencer.
"Hindi pa tayo nakakaalis, ubos na n'yang pagkain mo, Gino. 'Wag kang hihingi ng pagkain sa akin, ah!" Inunahan ko na si ogag baka humingi talaga 'to sa akin,e.
"Damot mo 'brad!"
Teka lang! Tinignan ko ulit ang hilera namin. Wala pa si Fayce. Kahit kailan talaga si kupal ang bagal kumilos. Tsk.
"Wala pa si Fayce?" tanong ko sa kanila kahit alam ko naman. Bakit ba?!
"Wala pa. Hindi ka na nasanay." sabi ni Ivan habang nakatingin kay Debra na mukhang natutulog sa balikat niya.
"Ang kupad talaga ni Fayce kahit kailan." Sabat naman ni Rey. Parehas lang naman sila.
"Mga ogag! Narinig ko pangalan ko." Speaking of the devil. Ayan na siya.
"Usog kayo. Masikip." Umupo siya sa pagitan namin ni Spencer.
"Ang aaga niyo, ha!" Bungad niya sa amin ng makaupo siya.
"Tngina mo Fayce, sadyang late ka lang talaga." biglang sabi ni Rey.
"Mga ulupong."
Ilang minuto lang, umakyat na si Ms.Niña.
"Magandang umaga. Lahat ba nandirito na sa bus? Tatawagin ko kayo isa-isa. Say present kung nandito na kayo."
"Antonio, Anton?"
"Present, Ms." sabi ng Escort sa amin.
Ewan ko ba't naging Escort namin n'yan, mas gwapo naman kami sa kanya.
"Dawn, Fayce?"
"Nandito!"
Langya! Anong sagot n'yon. Tsk. Buti pa ako mabait.
Tinawag niya lahat kami. 23 kaming lahat na nandito kasama na si Ms.Niña at ang driver.
"Okay, kumpleto naman na tayo. Pinapaalalahan ko lang kayo na 'wag kayong hihiwalay sa pila niyo. Ang unang pupuntahan natin ay National Museum of history, Arts, planetarium and Bahay ng tsino."
Tumango sa kanya ang lahat ng mga kaklase namin.
"Ginagawa talaga niya tayong elementary student. Nakakabanas." tumingin ako kay Gino na titig na titig kay Ms.Niña.
"Hindi ba niya alam na senior high na tayo?" dugtong niya sa sinabi niya.
Umiling ako rito.
Umupo na si Ms ng masabi niya ang lahat ng gusto niyang sabihin.
Habang bumabyahe kami, walang sawang daldalan sila. Kung anong makikita nila sa mga museum na pupuntahan namin at walang kasawaang selfie ng mga 'to dito sa bus pero kami mga nagmamatyag kung may mangyayari bang hindi kanais-nais.
Una naming pinuntahan ang National Museum of history. Lahat kami namangha sa mga nakita namin.
Nandoon ang replica ni Lolong (Crocodylus porosus) ang pinakamalaking buwaya na nahuli.
Nakita rin namin ang Rafflesia, endangered parasitic flowering plant.
"Brod, picturan mo ko rito kay Lolong." Hila sa akin ni Fayce palapit sa replica ng buwaya.
"Ayusin mo, Brod!"
"Oo na. Bilisan mo." Sabi ko sa kanya.
Langya, nagpose nga si kupal.
"Okay na." sabi ko sa kanya.
Binigay ko ang cellphone niya at umalis. Gusto ko muna umupo, napapagod na ako kakalakad.
Nakita ko sina Debra, Ivan at Rey na nakaupo sa isang bench, nakiupo na rin ako.
"Tngina. Hindi pa ba tayo aalis? Naiinip na ako." May halong inis na ang pagkakasabi ni kumag.
"Ang ganda kaya, Rey. Gusto ko iyong mala-Submarine nila rito. Ang cool." masayang sabi ni Debra habang hawak ang kanyang cellphone.
Mukhang tinitignan niya ang mga picture niya.
"Tss. Paano hindi gaganda, ginawa mo kong photographer." Reklamong sabi ni Ivan kay Debra.
"Uy, hindi ha." sabay palo niya sa braso ni Ivan.
"Hindi raw." Sabay-sabay naming sabi.
Tinaasan niya kami niyang kilay at inirapan. Mga babae talaga. Tsk.
Tumingin ako kay Rey na nakataas ang isang paa sa bench.
"Si Spencer?" tanong ko sa kanya.
Sabay na lumingon ang dalawa sa akin at hinihintay ang sagot ni Rey.
"Nag-cr. Mukhang babalik na naman din iyon." tumango na lang kami sa sinabi niya.
Tinignan ko na lang ang iba naming schoolmates, 'yong iba hindi pa napapagod pero karamihan sa amin naka-upo na sa mga bench.
Lumipas ang 15 minuto ng may magsalita.
"Okay, class fall in line. Pupunta naman tayo sa National Museum of Arts."
Pagkasabi ng teacher, lahat kami tumayo at pumila.
Museum na naman. Buti na lang may natutunan kami rito kung hindi, hindi na ako bababa sa bus.
Nang makapasok sa kabilang museum. Namangha kami sa instruktura ng museum. Makaluma pero elegante tignan.
Nakita namin dito ang baybayin, iba't ibang instrumento, iba't ibang banga, ang kilala sa paghahabi na si Darhata Sawabi at iba't ibang kagamitan na naging parte ng Pilipinas.
Marami kaming nalaman sa museum na ito. Maski sina Fayce at Rey ay titig na titig sa mga nakadisplay. Hindi nga gumagawa ng ingay ang dalawa. Puro picture ang ginagawa nila.
Pinuntahan pa namin ang dalawang museum na planetarium at bahay ng tsino at ang parke na sobrang ganda. Nakakarelax doon.
Nakatulog pa nga si Fayce. Hahaha.
Itong parke ang last destination namin.
"Sana may napulot kayong aral sa mga museum na pinuntahan natin. Sana may nalaman din kayo. Hanggang dito na lang ang ating field trip..." sa sinabi ni Sir Alex, lahat kami nagsitayuan na at pumunta na sa mga designated bus namin.
Pagkaakyat namin reklamo agad ni Fayce ang narinig namin.
"Nakakapagod."
"Pero sulit." dugtong ni Fayce.
"Yeah, boy! Pang-instagram." nakangiting sabi ni Gino.
Dating gawi ang naging pwesto namin.
Habang pauwi kami biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tinignan ko ang mga kaklase ko, mga tulog na sila. Maski sina Fayce ay mga tulog.
"May mangyayari sa atin." napatingin ako kay Spencer, akala ko tulog na rin siya.
"Pauwi na tayo,Spen---"
Nagulat na lang ako ng may biglang umusok sa pinakaunahan ng bus namin.
Ginising ko agad sina Gino at Fayce. Ganoon din ang ginawa ni Spencer kina Debra, Ivan, Rey at sa ibang mga kaklase namin.
Nagkagulo na ang lahat sa loob ng bus namin.
"Pusanggala! Anong nangyayari?" sabi agad ni Fayce sa amin.
Pilit na binabasag nina Gino ang mga bintana pero walang nangyayari. Puro iyakan na ang naririnig namin sa loob ng bus, hindi rin namin nakikita ang ibang bus.
"Iyong ibang bus hindi ko nakikita!" sumisigaw na sabi ni Gino sa amin habang tumitingin sa bintana.
"Nalintikan na!" napasabunot na lang ng buhok si Fayce.
Maski si Debra umiiyak na rin. Wala kaming magawa.
Nagulat na lang kami, isa-isang bumagsak ang mga kaklase namin maski si Ms.Niña.
Nakaramdam na rin ako ng sakit ng ulo at hilo ng umabot ang usok sa pwesto namin.
Ang huli kong naalala ay ang pagbagsak din nina fayce. At, doon na rin ako nawalan ng malay.
- to be continued -
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
Thank youuuu!❤💋
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top