Abaddon School 2.5

Chapter Five: 2nd day of School

LINCOLN'S POV:


Maaga akong bumangon, hindi ko alam bakit? Basta ang alam ko, gusto ko na marinig ang sasabihin ni Rey sa amin. Ano bang mayroon sa field trip na iyon. Tsk.


Naligo at nagsepilyo ako. Ginawa ko lahat ang aking routine tuwing umaga. Nagbibihis na ako ng may tumatawag sa telepono ko.

Debra's calling...

Bakit kaya siya napatawag ng ganitong oras? May problema kaya?

Walang alinlangan kong sinagot ang tawag.

"Hello,Debra?" Bati ko sa kanya.

Habang hinihintay ko ang sagot ni Debra. Nag-aayos na ako ng aking sarili.

"Hello,Lincoln? Nasaan ka na raw?" Napahinto ako sa pagsuot ng uniform ko dahil sa narinig ko.

"Huh? Nasaan na ako? Nandito pa ako sa bahay. Nagbibihis. Maaga pa naman,ah." Nagtatakang sabi ko sa kanya.

Wala naman sa akin sinabi na dapat maaga kami ngayon? Wala naman yata? Ewan ko.

"Ano?! Bakit nandyan ka pa sa inyo? Hindi mo ba natanggap niyong text kagabi? Lincoln naman!"

A-anong text? Ano ba pinagsasabi ni Debra? Tsk naman,oh!

"Anong text? Wala akong natanggap na text. Kaninong text ba iyon?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Kasi naman wala naman talaga akong natanggap. Wala nga ba?

"May tinext kami---"

"Wait,Debra! Anong oras kayo nagtext sa akin?" Naalala ko, maaga pala akong natulog kagabi. Pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Rey sa akin, nakatulog na ako kakaisip iyon.

"Anong oras ka nagtext,Rey? Tinatanong ni Lincoln." Rinig kong tanong ni Debra. Teka, magkakasama na sila?

"Bwisit talagang kumag na iyan! Sabihin mo Debra, mga 11 pm ako nagtext sa kanya! Siya iyong may gustong malaman tungkol sa field trip,  siya pa iyong wala... Oy,Lin! Narinig mo naman diba? 11 pm daw sabi ni Rey." Tngina ng mga 'to! Humanda sa akin 'tong si Rey mamaya.

"Salamat,Debra! Ito na aalis--"

"Hoy,kumag! Bilisan mo, kanina ka pa namin hinihintay rito sa canteen. Ikaw na lang kulang... hindi kasi tumitingin sa cellphone agad. Tss." Aba! Ang mga ogag nagsama-sama. Tsk.

"Oo na, aalis na! Mga Bwisit kayo!" Ie-endcall ko na ang tawag pero langya narinig ko pa ang mga tawa nila.

Kinuha ko agad ang bag ko at lumabas na agad ng kwarto. 

Pagkababa ko, nakita ko si Mama.

"Lincoln, ang aga mong nagising. Pupuntahan na sana kita para kumain na at pumasok na."

Lumapit ako kay mama at hinalikan ito sa pisngi.

"Ma, una na ako. Nandoon na kasi sa school sina Ivan,e. Ako na lang ang wala." sabay kamot ko sa batok ko.

"Aba, hindi ka man lang kakain? Masama iyon. Ang breakfast ang importanteng meal sa lahat." sermon sa akin ni mama.

"Ah-eh. Ma, doon na lang ako kakain sa canteen. Sige na,ma." pangungumbinsi ko sa kanya.

"Ikaw talagang bata ka! Maghintay ka dyan, kukuha ako ng sandwich na ginawa ko kanina." Pumunta si Mama sa kusina.

Pumunta ako sa pintuan. Nakita ko rin agad si Mama na may hawak na baunan.

"Oh,anak! Dinamihan ko na iyan baka humingi rin ang barkada mo." tumango na lang ako at humalik ulit sa pisngi niya.

"Mag-iingat."

"Opo,ma."

Naglakad ako papunta sa sakayan. Nakaalis na kasi si papa. Sayang. 

****

"Ang tagal mong kumag ka! Kanina pa kami rito." Bungad sa akin ni Fayce. Tsk.

"Alam niyo namang hindi ako nagbabasa ng mga text. Sana tinawagan niyo ko." sabi ko sa kanila ng maka-upo ako.

Nandito kami sa isang sulok ng canteen. Iyong inupuan namin kahapon.

"Kumpleto na tayo." sabat na sabi ni Spencer.

Hindi pa rin talaga ako sanay sa kanya. Ewan ko ba.

Tumango kaming lahat sa sinabi niya.

Pasimple kong nilabas ang baunan ko kung nasaan ang pinabaon ni mama na sandwich.

Habang nagsasalita si Rey, heto ako ngumunguya ng palihim. Mga patay gutom 'tong mga 'to.

"Hindi pa kami sigurado ni Rey pero sasabihin ko pa rin. Mag-iingat tayong lahat sa field trip. Malakas ang pakiramdam kong may magaganap na hindi maganda sa araw na iyon." madiin na sabi ni Spencer sa amin.

Isang araw lang naman ang field trip namin. Pupunta lang naman kami sa mga museum at parke. Sabi roon sa waver na nasa email namin.

"Paano mo nasabi? Diba isang araw lang naman ang field trip natin? Sa Saturday magaganap iyon." Tanong ni Gino. Hindi ako nagsasalita o sumasabat sa diskusyon nila.

"Puro museum at parke lang naman ang pupuntahan natin?" dugtong ni Ivan sa sinabi ni Gino.

Tumango ako sa sinabi ni Ivan.

"Sana nga walang maganap.  Sana nga mali ang pakiramdam ko. Sana nga." muling sabi ni Spencer.

"Pero ang mahalaga mag-iingat pa rin tayong lahat sa araw na iyon. 'Wag tayong maghihiwa-hiwalay." paalala ni Rey sa amin.

"Tama iyong sinabi ni Rey. Stick to one tayo,guys. Bantayan natin mabuti ang bawat isa lalo na si Debra." Bilib talaga ako rito kay Fayce. Alam niya kung kailan magseseryoso. Sa babae lang hindi siya seryoso.

Tumango ulit ako sa sinabi niya.

"Bwisit ka! Kaya pala puro tango lang ginagawa mo, kumakain ka pala ng palihim diyan." sabay batok ni Fayce sa akin. Tngina, ang sakit ha. Napalakas ang batok,ha.

Kinuha niya ang baunan ko kung nasaan ang mga sandwich.

"Ginawa ni tita Mery 'to,Lin?" tanong ni Debra.

"Oo, gawa ni mama."

Pagkasabi ko nun, nagkanya-kanya na sila ng kuha. Hays.

"Ang sarap talaga gumawa ni tita Mery ng mga sandwiches at pasta." sabay kain ulit ni Fayce. Tsk.

"Pati iyong specialty ni tita..."

"Iyong binangoongang baboy!" Sabay sabi nilang lahat pwera lang kay Spencer.

Pumasok kami sa klase na parang wala kaming pinag-usapan.

Dumating agad si Ms.Niña.

"Good morning class." Bati niya sa amin.

"Good morning Ms.Niña." Sabay-sabay rin naming bati.

"Okay,class. Pinaprint niyo na ba iyong mga waver niyo? At pinapirmahan sa mga parents niyo?" tumango kami sa kanya.

"Binasa niyo ba ang mga nakasulat doon?" tumango ulit kami.

Ginagawa kaming elementary at high school nito.  Tsk.

"Malamang binasa namin. bwisit na teacher." narinig kong bulong ni Fayce.

"Sa mga museum at parke tayo pupunta sa sabado. Mukhang magiging masaya kayo roon."

"Tss. Siguraduhin niyo lang." pabulong na sabi rin ni Ivan.

Tumingin ako kay Gino na nasa kaliwa ko. Mukhang wala siyang pake sa sinasabi ni Ms.Niña. nakatingin kasi siya sa bintana.

"Ilabas ang mga waver, pakipunit ang nasa ilalim nun na may nakalagay na cut-out then pakipasa sa akin."

Sinunod namin ang nasabi ni Ma'am. Pinunit naman and binigay namin sa kanya.

Pagkatapos namin, binigay nagsimula na ulit siya magturo.

Ewan ko pero hindi ko gusto ang English subject. Nanonosebleed na ako sa sinasabi niya. Tsk.

Natapos ang araw ko, sa mga sinasabi ng mga teacher namin. Wala ni isang pumasok sa utak ko. Ang nasa isip ko kung anong mangyayari sa sabado. Sa araw mismo ng field trip.

Sana naman walang mangyari. Sana.








Pero mukhang mali. May nangyaring hindi maganda. May nangyari...

- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuuu 💋💕

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top