Abaddon School 2.3

Chapter Three: Spencer Who?

LINCOLN'S POV


Lahat kami naguluhan sa sinabi ni Spencer. Isa sa classroom na ito ang mastermind.

Ang tanong 'SINO?'

"Ayan na ang kaibigan niyo, magpapakilala na."

Sabay-sabay kaming napa-angat ng tingin at tumingin sa kaibigan naming ilang buwang hindi nagpaparamdam.

"Hi. My name is Rey Smith. I'm back because I have a mission to settle down." Walang emosyong sabi niya.

Hindi ko inalis ang paningin ko kay Rey parang nagbago siya.

Ang buhok niyang maayos at ayaw niya pahawakan sa amin, ngayon magulo na.

Ang mukha niyang may pagka-jolly, ngayon wala ka ng mababakas. Isang maangas na Rey ang bumungad sa amin.

Ang katawan niya ay lalong tumindig hindi katulad ng dati.

Ano bang ginawa niya, bakit naging ganyan siya?

"Mr. Smith, you can sit beside Mr. Markus..." sabi ni Ms. Niña sa kanya.

Naglakad si Rey papunta sa tabi ni Spencer.

Pagkaraan niya sa pwesto namin, hinawakan ni Debra ang kanang kamay ni Rey.

Napatingin si Rey kay Debra, ningitian at ginulo niya ang buhok ni Debra at tumango sa amin bago siya umupo sa tabi ni Spencer.

Hindi pa pala siya nagbabago. Akala ko...

"Class, please quiet okay? Our principal, Mr.Ford, I and other teachers have a meeting today. So, this is a free time to you,guys. I'll be back after the meeting..." Pagkasabi ni Ms. Niña niyon ay umalis na siya kasabay ang aming principal na si Mr.Ford, na kanina pa pala naghihintay sa labas ng room.

Pagkaalis ni Ms. bigla silang nag-ingay.

Tsk, sabing wag mag-iingay. Mga abnormal talaga.

"Uy tukmol!" tumingin ako kay Gino na ngayon ay papunta sa pwesto nina Rey at Spencer.

Tumayo na rin siya Fayce, Ivan at Debra para puntahan si Rey.

"Kumusta,Brad? Okay na ba ang pagmomove-on natin?" Tanong ni Fayce kay Rey.

Tumawa lang ang huli at sabay sabing "Hindi pa nga,e. Pero, alam ko namang magiging masaya si Faye kapag ang mastermind ng larong ito ay mamamatay rin."

Lahat kami napatingin sa kanya na may pagtataka.

Anong ibigsabihin niya?

"Anong ibig mong sabihin,Rey?" nalilitong tanong ni Fayce.

Tumingin si Rey sa pwesto ni Spencer.

"Hindi pa ba nila alam?" Anong hindi pa namin alam? Magkakilala na ba silang dalawa?

Nagkibit-balikat lang si Spencer at "Ikaw na lang magsabi."

Ngayon, ang mga mata naming lahat ay na kay Rey. Habang ang mga classmates namin ay may kanya-kanyang ginagawa.

"Dito sa school ulit ang laro. Sa atin ulit. Sa atin ulit ang venue." madidiin na sabi ni Rey sa amin.

Bakas sa mukha niya ang pagiging seryoso.

"P-paano niyo nalaman?" May takot at nauutal na sabi ni Debra.

Nagkatinginan ang dalawa. "Wala kayong natanggap na mensahe?" anito.

Umiling kami.

"Paanong wala silang nakuha na mensahe?" tanong ni Rey kay Spencer.

"Hindi ko alam." Bumaling sa amin si Spencer. "Wala talaga kayong natatanggap? Kahit ano?"

"Wala dude." simpleng sabi ni Ivan.

"T-teka lang. Iyong mensahe na sinasabi niyo iyong may tatak na red na may mata?" napatingin kaming lahat kay Gino.

"Oo, iyon nga. May nakuha ka?" tanong agad ni Rey.

Tumango siya. "A-akala ko love letter. May natanggap din kayo." isa-isa niya kaming tinignan.

Napakamot siya ng ulo, "Maski kayo Debra at Fayce, may natanggap kayo. A-akala ko kasi love letter, tinapon ko na sa basurahan. Hehe."

Masama namin siyang tinignan.

"Pasensya na,guys! Akala ko lang naman,e." Tumingin siya kina Rey at Spencer "Para saan ba iyon?"

"Invitation. Na dito ulit ang venue."

"Lahat ng estudyante nandirito, binigyan?" takang tanong ko.

"Siguro. Ewan. Malay natin." simpleng sagot ni Spencer.

  "Teka lang ha! Kanina pa ito nasa isipan ko. Paano kayo nagpakilala?" tinuro ni Fayce sina Rey at Spencer.

Oo nga nuh? Paano ba sila nagkakilala? Tsk.

"Nakilala ko si Spencer sa probinsya ng Marinduque. Doon ako namalagi ng ilang buwan." tumingin siya sa amin.

"Naalala ko nung sinabi ni Lincoln, na may kumausap sa kanya sa rooftop ng hospital. Kaya noong nakita ko siya, kinausap at nilapitan ko na..."

"Doon ka nalaman na sila ang unang naglaro sa demonyong game na ito. Pero, maswerte tayo dahil anim tayo nakaligtas. Sa kanila, iisa lang siya."

"Nalaman ko rin sa kanya na magbubukas ulit ang laro. At, sa atin ulit ang venue. Nakumpirma ko ito nung nakita ko ang invitation."

Nilibot niya ng tingin ang buong classroom.

"Isa sa classroom na ito ang mastermind." "Huwag kayong maniniwala sa iba. Huwag na huwag."

Tumahimik kami sa sinabi ni Rey.

Tumikhim si Fayce na katabi ko.

"Sino ka pala Spencer?" Tanong nito.

Lumingon siya sa amin, nakita tuloy namin ang tenga niyang malaki.

"My name is Spencer Markus. 19 yrs old. From, Marinduque State University (MaSU). 2 yrs ago, kami ang unang naglaro sa demonyong game na iyon. Kami ang unang dumanas sa patayan at duguan na laro. Kami ang unang humiyaw, nagmakaawa at humingi ng tulong. Sa school namin ang unang may mga namatay. Maski barkada at matalik kong kaibigan, namatay. Kaya, nandito ako ngayon para maghiganti at bigyan sila ng hustisya."

Bakas sa boses niya ang lungkot at pighati. 

"Pero, mukhang maiiba ang laro ngayon..."

Magtatanong pa sana si Ivan, nang biglang tumahimik.

Dumating na pala si Ms.Niña.

Nagsibalikan kami lahat sa mga upuan namin na parang walang nangyari.

Tumikhim si Ms at tinignan kami isa-isa.

"Our meeting is done. So, here it is. Magkakaroon tayo ng field trip.  This week na. May matatanggap kayong email sa mga email account niyo, kailangan niyong papirmahan iyon sa mga parents niyo, Okay? Para payagan kayo sumama sa field trip."

Pagkasabi ni Ms. ang tungkol sa field trip lahat sila mga nagsiingay at nagpalakpak. 

"Hays. Magsaya kayo. Kapahamakan ang idudulot sa atin iyan." Napatingin kami kay Spencer na ngayon ay seryoso ang mukha.

May mali. May mali sa nangyayari. Field trip sa unang araw ng school year. Mali ito. Mali.

* * * * *

"Hoy! Lincoln! Mauuna na kami ha. Nandyan na si Tita Mery. Ingat kayo!" Sabi ni Debra habang kumakaway sa akin na ngayon papalayo nilang kotse kasama sina Ivan, Fayce at Gino.

"Sige, una na ako." tapik ko Rey at Spencer.

Tumango silang dalawa sa akin. Pero, bago ako sumakay sa kotse ni mama. Narinig ko pa ang usapan ng dalawa.

"Spencer, may mali."

"May mali talaga. Sa field trip may mangyayari..."

Hanggang hindi ko na narinig ang usapan ng dalawa.

Sa field trip. Sa field trip. Kinakabahan ako sa field trip na iyan.

- To be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuuu!😊💕

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top