Abaddon School 2.16

Chapter 16: Last Fight!

FAYCE'S POV:

Maaga kaming nagising at naghanda para sa paglusob namin mamaya.

Alam kong kinakabahan sila sa mangyayari. Wala ni isa sa amin ang may alam kung anong mangyayari sa amin at kung ano kahihinatnan namin.

Para kaming nasa hukay at kapag nagkataon sarili namin ang ililibing namin.

"Handa na ba ang lahat?" Sabi ko sa kanila. Pusanggala! Sana nga lang maganda ang mangyayari sa amin.

Tumango sila sa akin.

"Mag-stick tayo sa isa't isa. Maging alerto at alisto sa paligid. Maging handa sa lahat ng oras. Buhay natin ang nakasalalay rito." Diing sabi ko sa kanilang lahat.

Nandito na kaming lahat sa labas ng Parola tower. Bitbit ang aming mga bag.

Lumapit sa akin si Rey at Spencer.

"Sana gumana ang plano natin,"

"Sana nga gumana, Rey. Sana nga rin hindi makatunog ang mastermind sa gagawin natin."

Nasa 50/50 kami kung gagana ba ang plano namin o hindi. Ngayon namin malalaman kung sino ang mastermind sa mga nangyari sa amin.

"Gagana man o hindi ang plano natin kailangan natin maging handa kung ano man ang mangyayari sa atin mamaya. Walang may alam ni isa sa atin kung ano kahihinatnan natin."

May point si Spencer. Kailangan namin maghanda dahil buhay namin ang nakasalalay rito.

Lumingon ako sa mga kaibigan at kaklase namin. Alam kong kinakabahan na rin sila pero kailangan naming gawin ito. Pang-anim na araw na namin ito at dose pa kaming buhay. Kung aabutin kami bukas sa pang-pitong araw namin 'di namin alam kung anong laro ang gagawin ng mastermind na iyon sa amin.

"Handa na ba ang lahat?" Tanong ko sa kanila.

Tumango ulit sila sa akin. Pusanggala. Kinakabahan din ako pero 'di ko pinapakita sa kanila.

Lumakad na kami palabas ng kagubatan. Matataas na puno ang nakapaligid sa amin. Kaya todo alerto kami sa paligid namin.

Iniwan namin ang mga collar namin sa parola para makita nilang nandoon pa rin kami at hindi umaalis.

Una akong naglalakad at pinapalibutan namin ang mga babae. Todo kaming bantay at alerto sa mga paligid namin dahil isang mali lang namin buhay namin ang kapalit.

Ilang minutong lakaran ay nakalabas na kami sa kagubatan. Nakita na ulit namin ang abandonadong bahay na tinirhan namin.

Lumakad ulit kami pabalik sa pinagmulan ng lahat. Kung sa'n kami unang nagising.

Nang matanaw namin ang pinanggalingan namin, agad kaming nagtago at naghanda.

Walang ni-isang bantay ang nandoon.

"Kami ang unang papasok," Tinuro ko sina Rey at Spencer. "Kapag 5 minutes na ang nakakalipas, sumunod ang dalawa sa inyo. Ayon sa naging plano natin."

"Lincoln at Jupiter, bantayan niyo ang mga babae kapag sumunod na sa amin sina Ivan at Gino. Itago at protektahan niyo sila. Kapag nakita niyo na fireworks, sumunod na rin kayo. Ibigsabihin cleared na ang lahat." Dugtong na sabi ko sa kanila.

Tumango ulit sila sa sinabi ko.

"Ingat mga Pards!"

Sumilip kami sa pinagtataguan namin at nang makita naming cleared ang lahat tumayo na kami.

"K-kuya Fayce mag-iingat ka at kayo rin,"

"Mag-iingat kami Debra."

Agad kaming mga tumakbo papasok sa loob. Wala ng atrasan nandito na kami. Kung mamamatay man atlis lumaban kami.

"Tngina! Bakit walang nagbabantay?"

Napansin na rin pala ni Rey. Nasa pangalawang palapag na kami ng building na ito. Itong building lang na ito ang nakatayo rito sa islang ito.

"Kanina ko pa rin napapansin niyan. Ang dali nating nakarating sa palapag na ito at ni isa wala tayong nasagupa man lang." Todo kami magmasid sa mga paligid pero Pusanggala wala talagang mga tauhan na nandito.

"Baka nalaman nila?"

Napatingin kami ni Rey kay Spencer nang sabihin niya iyon. Pusanggala! 'Wag naman sana!

Paakyat na kami sa pangatlong palapag nang may nakasalubong kaming limang taong nakaitim. Pusanggala!

Agad nila kami pinaputukan.

"Tngina! Nakahanap na tayo!" Sumisigaw na sabi ni Rey.

Nasa kabilang haligi nang pader siya nakatago at hinahanda ang  kanyang baril.

Hinanda ko na rin ang micro uzi ko. Pangalawang beses ko palang gagamitin ito.

Nang marinig naming wala nang nagpapaputok, doon na kami nakahanap ng t'yempo.

Agad kaming bumawi ng putok sa kanila.

"Tngina niyo! Kami naman ngayon!" Sumisigaw na sabi ni Rey habang dahan-dahan na lumalapit sa pwesto namin.

Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan namin pero kami ang nagwagi.

"Finish na rin!"

Pinagsisipa namin ang mga katawan nila para masiguradong patay na talaga sila.

Nilapitan ni Spencer ang isa sa mga taong nakaitim. Bigla niya itong tinanggalan ng maskara. Bumungad sa amin ang driver ng bus na sinakyan namin.

"Tngina! Siya iyong driver natin?" Tumango kami sa sinabi ni Rey.

Tinanggalan namin lahat ng mga maskara ang 4 na taong nakaitim.

"Mga empleyado sila sa school diba?" Lahat kami nanlamig sa mga nalaman namin. Pusanggala! Ibigsabihin...

"School ang may kagagawan ng mga ito?" Mahinang sabi ko sa kanila.

Walang sumagot sa tanong ko dahil obvious naman pusanggala!

Paakyat na kami nang may marinig kaming mga yapak. Kaya dali-dali kaming nagtago.

"Nasa'n na kaya sila?"

Ang boses na iyon.

Lumabas agad ako sa pinagtataguan ko at nakita ko sina Ivan at Gino.

"Sila Ivan lang pala,"

Lumabas na rin pala sa pinagtataguan sina Rey at Spencer.

"Huta! Kanina pa namin kayo hinahanap!" Bulaslas ni Gino.

"Akala namin kung ano na nangyari sa inyo. May narinig kaming mga putok!"

"Ayos lang kami. May mga nalaman kami. Lumapit kayo."

Sumunod sila sa amin at nakita nila ang 5 taong nakaitim na ngayon ay kita na ang mga mukha.

"Mga empleyado sila ng school diba?" Agad na pagtatanong ni Ivan.

"Oo, lahat sila."

Napatingin sila sa amin.

"Ibigsabihin..."

"Taga-school rin ang mastermind." Pagtatapos ni Spencer.

"Huta! Nalintikan na tayo!"

"Nasa'n pala ang iba?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Nakatago sila sa isa mga room sa baba. At sinigurado naming ligtas sila roon."

Tumango ako sa sinabi ni Ivan. Alam ko naman alam niya ang ginagawa niya at hindi niya ipapahamak ang mga iyon lalo na si Debra.

Umakyat na kami sa pangatlong palapag. Ito na ang huling palapag. Paniguradong nandito na ang mastermind.

"Huling palapag..."

Huminga ako ng malalim at hinawakan mabuti ang micro uzi. Lahat kami ay naging alerto habang papaakyat kami sa huling palapag.

Pagtuntong namin sa huling palapag, isang malawak na palapag ang nakita namin at tatlong pinto ang nandito. Pahakbang palang kami ng may lumabas na isang battalion na taong nakaitim at agad kaming pinaputukan.

"Tngina!"

"Huta!"

"Sht!"

Sunod-sunod na mura ang narinig ko sa mga kasama ko. Nakatago na kami ngayon sa isa sa mga pinto na nandito.

Pusanggala! Hindi nila kami tinantanan ng mga putok ng mga baril nila!

"Wala nga tayong nakalaban kanina! Ngayon naman dinagsa tayo! Tngina!" Naiinis na sigaw ni Rey.

"Anong gagawin natin?" Pagtatanong ni Gino.

Wala ni-isa sa amin ang nakasagot. Nag-iisip na rin ako kung anong gagawin. Corner talaga kami.

"May plano ako." Napatingin kami kay  Spencer ng magsalita siya.

Sinabi niya sa amin ang plano niya at wala sa amin ng tumutol dito.

Kinuha ni Spencer ang dala niyang teargas at tinapon sa labas ng pinto. Ilang minuto rin ang itatagal nun para makalabas kami at mabaril ang mga taong nakaitim.

Dahan-dahan at maingat kaming lumabas. At sa isang iglap pinagbabaril namin sila. Kanya-kanya kami ng ilag ng nagpaputok din ang mga taong nakaitim sa amin kahit wala silang nakikita.

"Huta! Ayaw niyong mamatay ha!" Sigaw ni Gino at sunod-sunod na nagpaputok sa kalaban.

Halos ilang minuto rin ang naging mainit na sagupaan at palitan ng putok namin.  Sa pagtigil ng putok siya rin ang pagkawala ng usok na nanggaling sa teargas.

Bumungad sa amin ang mga labi ng mga taong nakaitim na puno ng bala sa mga katawan at naliligo na sa sarili nilang mga dugo.

"Isa ba sa kanila ang mastermind?" Pagtatanong ni Gino.

"Mukhang wala," sabi ko sa kanya.

Pare-pareho ang kanilang suot at paniguradong wala rito sa mga napatay namin ang mastermind.

Agad na binuksan ni Spencer ang pinto kaya sumunod kami sa kanya. Pero walang taong nandoon.

Lumapit si Spencer sa isa pang pinto ang nasa pinaka-dulong pinto ng palapag na ito.

Tumingin siya sa amin at tumango kami sa kanya.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at hindi pa gaanong na nabubuksan ni Spencer ang pinto may biglang tumadtad ng baril sa pintong bubuksan ni Spencer.
Halos lahat kami nagulat sa nasaksihan namin. Wala ni isa sa amin ang nakahanda sa pangyayaring ito.

Napaluhod si Spencer at sumuka siya ng dugo.

"S-spencer..." nauutal na sabi ni Rey.






- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuuu!💕💋

A/N:

Epilogue na ang next! Mamamaalam na ba si Spencer? Sino nga ba mastermind ng lahat? Malalaman na natin!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top