Abaddon School 2.15

Chapter 15: 5th day!

THIRD PERSON'S POV:

"Nagawa na namin!"

Isang sigaw ang nagbalik ng pag-asa sa lahat na maaari silang mabuhay at makauwi ng buhay.

Tumakbo sina Fayce, Gino, Spencer at Rey sa loob kung sa'n nanggagaling ang boses ni Ivan. 

"Na-hack niyo na?" Mabilis na sabi  ni Gino.

"Oo, na-hack na namin! May tinitipa lang si Jupiter para 'di malaman kung sino ang nanghack ng system." Sagot ni Ivan kay Gino.

Lumapit si Ivan kay Debra na ngayon ay nakaupo sa mahabang silya na gawa sa metal.

Sa isang iglap, natanggal ang mga suot nilang collar.

"Pusanggala! Natanggal na rin! Makakakilos na tayo ng hindi nila nalalaman." May diing sabi ni Fayce.

Nilagay nila sa isang bag ang mga collar nila para maging ebidensya kapag nakauwi na sila.

"Ano na ang plano natin? Salakayin na ba natin?" Nagtatanong na sabi ni Rey sa mga ito.

Tumayo si Fayce at pumunta sa may veranda ng parola.

"Pag-isipan na muna natin ang pagsalakay natin. Nadagdagan tayo, Rey. Kailangan muna natin sila turuan," tumingin siya kina Debra, Ms. Niña, Maddie, Adessa at Jupiter. "Turuan natin sila kung paano gumamit ng mga baril at by two's tayo kapag sumalakay na tayo."

Tumango sila sa sinabi ni Fayce.

"Anim tayong mga marunong na gumamit..."

Lumapit siya sa tabi ng mahabang silya na gawa sa bakal.

"Ivan at Debra, Lincoln at Maddie, Spencer at Ms. Niña, Gino at Adessa, at Rey at Jupiter. Kayo-kayo ang magiging magkapartner, at ako gagawin ko ang plano natin."

Wala silang nagawa kundi tumango ulit.

KINABUKASAN. Maagang nagising ang lahat para simulan ang pagpapractice nila.

"Ganito ang tamang paghawak ng baril, Debra. Wala kang mapapatamaan niyan." Ani ni Ivan habang tinuturuan si Debra.

"Kasi naman ang bigat-bigat nito!" Napapadyak na sabi ni Debra kay Ivan.

"Kwarenta'ysingko na 'yang hawak mo. 'Wag ka na makulit! Saka hindi naman kita papabayaan." Sabay kindat ni Ivan kay Debra.

Inismiran lang ni Debra ang sinabi ni Ivan sa kanya.

Sa katabing pwesto nina Debra at Ivan ang nagtatalo na sina Lincoln at Maddie.

"Gosh! Ang sakit na ng kamay ko kakahawak ng baril na ito! Ayoko na!" Nagpapadyak-padyak na sabi ni Maddie at panay na reklamo nito.

"Gosh, Maddie para rin naman sayo ito! 'Wag ka na magreklamo!" Panggagaya na sabi ni Lincoln sa boses ni Maddie.

"Why we need to handle this gun? Pwede kayo na lang!"

"Kung pwede nga lang! Paano kung mapahamak kayo! Para sa sarili niyo rin 'yan!" Naiinis na sabi ni Lincoln.

Umalis si Lincoln sa pwesto nila at umupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy.

Nasa labas sila ng parola kung saan napapalibutan ito ng mga nagtataasang puno. Ang mga puno na may bilog at may ekis sa mga ito ang kanilang target para sa kanilang shooting practice.

Pagkaupo ni Lincoln sa tabi ni Fayce na siyang gumagawa ng plano para sa kanilang pagsalakay.

"Nakakainis!" Bungad na sabi ni Lincoln.

Lumingon si Fayce sa kanya. "Anong nangyari sayo at sobrang problemado ka?"

"Arte-arte ni Maddie akala mo kagandahan! Siya na nga tinutulungan!"

Umiiling na lang si Fayce dahil sa reklamo ni Lincoln.

"Sayo ko na nga binigay si Maddie akala ko magkakasundo kayo. Hindi ko na nga binigay kina Gino at Rey si Maddie baka magkaroon ng giyera. Ikaw rin pala. Pusanggalang 'yan!"

"Paano naman kasi ang Arte. Akala mo kagandahan!" Biglang tumawa ng malakas si Fayce.

"Tngina ka, Lincoln! Ngayon mo lang sinabi  niyan! Mukhang tinamaan ka!"

"Ogag! Wala akong panahon sa gan'on!"

"Ano na pala plano natin?" Pag-iiba ng  usapan ni Lincoln.

"Ito may plano na akong naisip. Mamaya sasabihin ko sa inyong lahat..."

Tumango na lang si Lincoln, "balik lang ako sa maarteng Maddie na iyon baka kung ano na ginagawa nun!"

--

Sumapit ang katanghalian at tinigil muna nila ang pagpapractice.

Nasa taas na sila ng parola at nakaupo silang lahat sa mahabang upuan na may mahabang lamesa.

Habang kumakain sila ng tanghalian, sinabi na ni Fayce ang kanyang plano.

"Ito ang planong naisip ko..." Sinabi lahat ng binatang si Fayce ang kanyang plano para sa kanilang magiging pagsalakay bukas. Pang-anim na araw na nila bukas sa islang ito.

"Hindi ba delikado iyon?" Pagtatanong ni Rey.

"Hindi natin malalaman kung 'di natin susubukan. Kaya dapat mag-backup-an tayo."

"Kung 'yan ang plano, okay!"

Lumabas ulit sila sa parola at muling nagpractice. Madali namang turuan sina Adessa, Jupiter, Debra, Ms. Niña at Maddie. Iyon nga lang natatakot sila dahil mga first time nilang humawak ng mga ito.

Lumapit si Spencer kay Fayce nang siyang nakatingin kina Lincoln at Maddie na seryoso sa ginagawa nila.

"Bukas."

Napatingin si Fayce sa nagsalita. Ngumisi siya rito.

"Bukas na bukas na. Bukas na rin tayo makakapaghiganti." 

"Makikita na rin natin ang pagmumukha ng mastermind ng lahat nang ito." Diing sabi ni Spencer.

"Ang problema na lang natin si Macky. Nasa'n siya ngayon nagtatago? Baka siya ang humadlang sa plano natin."

Napahawak sa buhok si Fayce dahil sa sinabi ni Spencer.

"Uunahan natin siya! Kung sa'n man siya nagtatago si Macky, paniguradong minamanmanan niya tayo ngayon."

Sa kabilang banda, nakatago sa isang malaking puno ang binatang si Macky habang nakamasid sa grupo nila Fayce.

"Lalaban kayo! Lalaban din ako para kay Athena! Papatayin ko rin ang mastermind na iyon!" Iika-ikang umalis si Macky sa pinagtataguan niya.

Sa huling pagkakataon nilingon niya ang mga ito at sabay sabing "Magkamatayan na. Kung mamamatay lang din naman ako. Lalaban ako hindi para sa akin kung hindi para kay Athena! Kay Athena!"

- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuuu!💕💋

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top