Abaddon School 2.14
Chapter 14: 4th Day (Part 2)
FAYCE'S POV:
Nakaantambay kaming lahat kung anong sunod na gagawin ng mastermind.
Inannounced na ng mastermind kung sinu-sino ang mga nasawi. Anim na sa classmate namin ang namatay.
"Guys, ano na next? Hanggang kailan ba tayo rito?"
Napalingon ako kay Maddie na malungkot na nakatingin sa amin.
Napahilamos ako ng mukha ko, imbis na si Debra lang ang kailangan naming alagaan at bantayan dumami pa sila.
Hindi naman kami makatanggi dahil kapalit nun ay ang pagtanggal ng mga collar namin.
"Hanggang matalo at mapatay natin ang mastermind." Aniya Spencer.
Alam kong gustong-gusto na makita ni Spencer ang mastermind at patayin ito. Ako rin naman gusto ko na rin patayin ito para makaganti man lang sa kapatid ko at sa mga ka-schoolmates namin. Pusanggala.
"Gusto ko na umuwi! Natatakot na ako!" Umiiyak na sabi ni Maddie. Yinakap naman siya ni Ms.Niña at may sinasabi ito kay Maddie.
"Maddie, kami rin natatakot at gusto na namin umuwi, hindi lang ikaw! Kung gusto mong mabuhay maging matapang ka at lakasan mo loob mo! Huta!" Sigaw na sabi ni Gino kay Maddie at padabog na umalis ito.
Walang ni-isa sa kanila ang nagsalita.
"Kung natatakot ka na. Mas natatakot kami. Kasi umulit na naman ang bangungot na naranasan namin last year, Maddie. Takot na takot kami nu'n, at ito na naman naranasan ulit namin." May tumakas na butil na luha sa mata ni Debra pero agad niya ito pinahid.
"Maging matapang ka. Kasi sarili mo lang din ang magiging kakampi mo at ang mga kaibigan mo. Pinapangako naman nila," tumingin siya sa amin, "na magiging ligtas tayo at makakauwi tayo ng buhay sa mga magulang natin. Kaya maging matapang ka." Blangko ang mukha ni Debra habang pinapalakas niya ang loob ni Maddie.
Ngayon ko lang nakitang gan'on si Debra. Ang laki na nga ng binago niya.
Hindi pa rin nahahack nina Ivan, Jupiter at Adessa ang mga collar na suot namin. Mukhang hindi madali i-hack ang system nila.
Tinanaw ko ulit ang tanawin ng islang ito. Malawak at puno nang puno ang isla. Mukhang pinaghandaan talaga ng mastermind ang laro niya ngayon.
"Ang ganda ng tanawin nuh? Pero baka huling tanawin na natin ito."
Hindi ko namalayan na katabi ko na pala si Spencer.
Tinignan ko siya at nakita kong nakatingin din siya sa tanawin na kay ganda.
"Spencer, 'wag mong sabihin 'yan! Makakauwi tayo ng ligtas. At, mapaghihiganti na natin ang mga mahal natin sa buhay sa mastermind." Mariin na sabi ko rito.
Makakauwi at makakabalik kami ng ligtas nang buo at sama-sama. Walang mamamatay sa amin. Pinapangako ko 'yan!
Lumingon siya sa akin, "Hindi natin alam ang kapalaran natin, Fayce. Malay natin bukas katapusan na pala natin. Iba mag-isip ang mastermind. Mautak at wais. Kaya kailangan ready tayo palagi."
"Kaya nga uutakan din natin siya! Basta uuwi tayo ng sama-sama at buo sa mga pamilya natin!" Final na sabi ko rito.
"Sana nga, Fayce! Pumunta lang naman ako rito da--"
Hindi natapos ni Spencer ang sasabihin niya ng may matining na tunog ang umingay sa buong isla.
"Good day! Early in the morning, may namatay na naman sa inyo. Kakasabi ko lang kahapon ang mga namatay niyong classmate pero heto mayro'n ulit. Rest in peace; Dingel Liba, Stella Rase and Christ Hanna McStuff."
Isang mahabang matining na tunog ulit ang narinig namin at bigla itong nawala.
Pusanggala! Hindi na ito maganda! Kami-kami na rin ang nagpapatayan para mabuhay!
"G-gosh! P-patay na rin sila! Natatakot na talaga ako! Gusto ko na talaga umuwi at umalis sa lugar na ito!"
Rinig na rinig namin ang umiiyak na boses ni Maddie.
"Maddie, inhale-exhale! Sabayan mo lang ang sinasabi ko sa'yo."
Rinig kong sabi ni Ms.Niña. Mukhang pinapakalma niya si Maddie na ngayon ay umiiyak at natatakot na.
Tumingin ako sa mga tao sa loob. Lahat sila tahimik! Pusanggala, kinakabahan ako sa kanila. Mukhang lahat sila kinakabahan at natatakot na sa mga nangyayari sa amin dito.
"May tao sa labas!" Sigaw ni Spencer sa amin.
Agad akong lumapit sa kanya at tinignan kung sa'n siya nakatingin. Lumabas din pala sina Debra, Lincoln at Gino at tinignan din kung sino ang tao na nasa labas.
"S-si G-gremine ba 'yon?" Turong sabi ni Debra sa amin habang nakaturo ang kanang hintuturo niya sa direksyon ng babae na ngayon ay nakahiga sa lupa.
Lumapit sa amin ang katatapos lang na umiyak na si Maddie at Ms.Niña para makita kung si Gremine ba 'yon.
Hindi ko naman kilala kung sino si Gremine at anong itsura nito! Oo na! Ako na mahina sa pagmememorya ng mga pangalan at mukha. Hindi ko naman sila kaibigan. Hays.
"S-si G-gremine nga!" Nanlalaki ang mga mata ni Maddie habang nakaturo rin sa babaeng nakahiga sa lupa.
"Sino si Gremine?" Sabi ko sa mga ito. Pusanggala, hindi ko talaga siya kilala. Malay ko ba sa kanila!
Tinignan nila akong lahat na akala mo may nagawa akong kasalanan.
"Pasensya na, hindi ako palatandain! Mahina ang memory ko! Pusanggala oh!" Inis na sabi ko sa mga ito.
"Si Gremine ay isang cheerleader ng school. Siya ang pumalit sa dating cheerleader na si Ria." Sagot ni Maddie.
Hays, naalala ko na naman ang maarteng Ria na iyon!
"Ah-okay!" Maikling sabi ko sa mga ito.
"Pero," tumingin si Maddie sa amin, "kaibigan niya sina Dingel, Stella at Christ na kakasabi lang na namatay. Dapat pa--"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng may marinig kaming sunod-sunod na putok. Lahat kami napayuko at nagtago sa harang ng parola tower.
"Huta! Kaninong galing ang putok!" Galit na sabi ni Gino.
"Sinu-sino na lang ba ang mga natira sa Isla?" Tanong ni Spencer.
Hindi ko alam kung ilan na lang kaming buhay sa islang ito.
"Teka, kukunin ko ang class record!" Nakayukong lumakad si Ms. Niña habang papunta sa loob ng Parola.
Hindi pa rin tumitigil ang putok at mukhang may gustong patayin.
Bumalik ulit si Ms. Niña at may hawak na itong mahabang notebook na kulay asul.
Tumabi siya sa gitna nina Debra at Maddie. Binuklat niya ang dala-dala niyang mahabang notebook.
"T-twenty-one kayong lahat." Tumingin siya sa amin.
"22 tayong lahat kasama si Ms. Niña. Anim kahapon ang sinabing nasawi na. Tapos kanina tatlo ang binalitang patay na rin. Siyam na kaklase natin ang patay na. Trese na lang tayo ngayon." mahinang sabi ni Lincoln na siyang katabi ko.
"Bukod sa atin, sino pa ang buhay?"
Napatingin kami kay Spencer. Sino pa nga ba ang buhay bukod sa amin.
"Sina Macky at Gremine na lang ang buhay bukod sa atin na nandito sa Parola."
Silang dalawa na lang. At, mukhang magiging isa na lang dahil...
"Tngina!" Napatingin ako kay Rey na ngayon ay nakasilip na.
"Tnginang 'yan! Iyon ba si Macky?"
Tumayo na kaming lahat dahil sa sinabi ni Rey. 'Di ko napansin na lumabas pala si Rey. Akala ko tumutulong na rin siya sa tatlo.
Napaatras sina Debra, Maddie at Ms. Niña dahil sa nakita namin.
Pusanggala! Kami-kami na lang din ang nagpapatayan!
Tumalikod ang tatlong babae at pumasok sa loob.
Nakita namin ang babaeng nakahiga kanina sa lupa - na si Gremine na ngayon ay naliligo na sa sarili niyang dugo at mukhang wala ng buhay.
"Langya! Tinadtad siya nang saksak ng isang lalaki na may benda sa kaliwang balikat. At mukhang si Macky 'yon!"
Pusanggala! Pusanggala! Pusanggalang buhay 'to! Gulong-gulo na kaming lahat! Ano ba gustong mangyari ng mastermind!
Napatingin kami sa loob dahil sa malakas na sigaw ni Ivan.
"Nagawa na namin!"
- to be continued -
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
Thank youuuuu!💕💋
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top