Abaddon School 2.10

Chapter Ten: 3rd day!

THIRD PERSON'S POV

Pangatlong araw na nila sa Isla de Tempter. Apat na rin ang namamatay sa kanilang lahat. 

"Tngina! 3rd day na natin dito? Wala pa rin ginagawa iyong mastermind na 'yon sa atin!" Bakas sa mukha ni Rey ang inis.

Lahat sila tahimik at mukhang nag-iisip sa sinabi ni Rey. Hanggang ngayon wala pa rin ginagawa ang mastermind sa kanila.

"Balak talaga niyang magpatayan tayong lahat dito?" Pagtatanong ni Ivan sa barkada.

"Baka. Atsaka lang siya gagalaw kapag alam niyang maraming matitira sa 7th day natin dito." Walang paundangan na sagot ni Spencer.

"P'wede ring patayin din niya tayong lahat kapag nagsawa na siya sa laro na 'to o pwedeng patayin din niya tayo kapag nalaman niyang may pinaplano tayo sa kanya."

Lahat sila napatingin sa naging sagot ni Fayce. May posibleng tama ang sinabi niya.

"Maaari iyong patayin niya tayo kung may binabalak tayo sa kanya. Walang imposible sa kanya dahil nakikita niya ang mga galaw natin dahil sa langyang collar na 'to!" Sabay hawak ni Lincoln sa collar na nasa leeg niya.

"Kaya dapat  mag-iingat tayo sa mga galaw natin dahil sa maling galaw natin baka kamatayan ang bumungad sa ating lahat." Misteryosong sabi ni Spencer sa kanila.

Walang nakaimik sa sinabi ni Spencer.

"May paraan pa ba tayo para makaligtas sa mga kamatayan natin?" Mahinang sabi ni Debra.

"Mayroon pa naman. Pero kailangan muna natin tanggalin ang collar na 'to para sa gaanong paraan makakapag-isip tayo ng hindi niya nalalaman ang mga binabalak natin."

Tumango sila lahat sa sinabi Spencer. Kailangan nga talaga nila tanggalin ang collar sa mga leeg nila.

"Ang makakatulong sa atin sina Adessa at Jupiter. Sila ang mga science wizard sa section at sa school natin, baka alam nila kung paano tatanggalin ito?"

Sa sinabi ni Debra lumiwanag ang mga mukha nila.

"Kung kaya nga nilang tanggalin ito, kailangan natin sila hanapin."

Napatingin sila lahat kay Lincoln, "Ang tanong saan natin sila hahanapin? Malaki ang islang 'to." Nagtatanong sabi ni Gino.

"Hindi sila mahirap hanapin. Baka magkasama ang dalawa..."

"Tama! Magkaibigan sina Adessa at Jupiter. Pwede ring kasama nila si Ms.Niña at si Maddie?"

Tumatango sila sa sinabi ni Debra.

"Baka nga, kailangan na lang talaga natin hanapin sila sa malaking at malawak na islang ito."

"Tngina! Tara na at hanapin na natin sila."

"Bago tayo umalis, kailangan muna  natin magplano para sa kaligtasan nating lahat. Ito ang plano natin..."

Sa kabilang banda, nasa Parola tower ang magkakaibigang sina Adessa, Jupiter at Maddie. Kasama rin nila sa Parola tower ang kanilang teacher na si Ms.Niña.

"Ms.Niña ano na po mangyayari sa atin dito pangatlong araw na po natin dito sa Isla na 'to." Paulit-ulit na sabi ni Maddie sa kanilang teacher.

Simula nang tumuntong sila sa Isla de Tempter palaging tanong na ni Maddie ang mga katagang 'yon kay Ms.Niña.

"Hindi ko rin alam kung hanggang kailan tayo rito. Isa lang ang panalangin ko sana ligtas ang ibang mga kaklase niyo at sana hinahanap na nila tayo."

Pinuntahan nina Ms.Niña at Maddie sina Adessa at Jupiter.

"Are you okay,guys?" Tanong agad ni Maddie sa mga kaibigan niya.

"We're okay," sagot ni Jupiter na hindi nililingon ang mga ito.

"Malapit na namin ma-hack ang mga collar na suot natin," sagot naman ni Adessa na hindi rin lumilingon sa kanila.

Ang mga laptop na gamit nila ay nakuha nila sa mga bag noong 1st day nila rito. Maswerte na lamang sila at sina Adessa at Jupiter ang nakakuha ng mga ito.

"Buti naman. Ang system nila? Mahahack niyo rin ba?" Tanong ni Ms.Niña

"Malapit na po,Ms.Niña. Pilit na namin ito sinisira at nilalagyan ng virus ang mga website nila lalo na itong suot na collar natin." Sagot na sabi Jupiter na hindi pa rin tumitingin sa mga kasama.

Mukhang nagfofocus talaga ang dalawa para matanggal na nila ang mga suot na collar.

"Mabuti na lamang hindi pa nila alam na hinahack na natin ang mga system nila." Sabi naman ni Adessa na todo type at kalikot sa laptop niya.

"Kung malaman nila? Anong mangyayari?" Nag-aalalang tanong ni Maddie sa dalawa.

"Baka iactivate nila ang mga collar natin para sumabog ang mga ito," tumigil sa pagtatype si Jupiter at nilingon ang mga kasama.

Hinawakan niya ang kanyang collar at may pinakita siya rito.

"Nakikita niyo ba 'tong button na ito?" Tanong niya sa mga ito.

Tumango sila sa sinabi ni Jupiter. Si Adessa ay patuloy pa rin sa pagtatype. Waring alam na niya kung anong hahatungan nila once na malamang hinahack nila ang system ng mga ito.

"Pag-once na umilaw ito, ilang minuto lang sasabog 'to at mamamatay tayong lahat."

Tila natakot sina Maddie at Ms.Niña sa sinabi ni Jupiter.

"Kaya kailangan namin mag-ingat ni Adessa para hindi nila malaman na unti-unti na namin hinahack ang mga system nila."

Bumalik sa pagkakaupo si Jupiter at tinakpan ulit ng panyo ang kanyang collar. Masakit sa balat ang collar na nasa leeg nila.

Ang collar ang nagsisilbi sa mastermind kung nasaan ang mga player niya. Hindi niya maririnig kung ano ang sinasabi nito bagkus alam niya kung ano ang ginagawa ng mga ito at kung nasaan sila.

Habang hinahack nina Adessa at Jupiter ang system ng mastermind biglang may sumabog na malapit sa pwesto nila.

"Ms.Niña, ano pong nangyayari?" Natatakot na tanong ni Maddie.

Maski si Ms.Niña ay kinabahan dahil sa narinig na pagsabog.

"Si Arwen," biglang sabi ni Adessa.

"Arwen Lim? Ang ating Vice president?" Paniniguradong sabi ni Maddie.

"Siya nga, sa kanya galing ang pagsabog." Sumilip sina Maddie at Ms.Niña sa laptop na ginagamit ni Adessa.

Nakita nga nilang nagpapasabog si Arwen sa harap ng Parola.

"Mukhang gusto niya tayo salakayin," sabi ni Jupiter na nakatingin din sa laptop ni Adessa.

"Gumawa na tayo ng paraan! Baka makapasok agad siya rito!" Hysterical na sabi ni Maddie.

"Chill down,Maddie." Pilit na pinapakalma ni Ms.Niña si Maddie.

"Huwag kang mag-alala,Maddie, matibay ang pinto ng Parola. Kahit pasabugin niya ng paulit-ulit ang pinto hindi 'yon masisira. Ang way niya lang para mapuntahan tayo rito ay akyatin niya ito." Matapang na sabi ni Adessa.

"Tama si Adessa, mahihirapan siya mapasok tayo." Sabi rin ni Jupiter at pinagpatuloy na rin niya ang paghahack.

Hindi na nila inintindi si Arwen. Ginawa nila ulit ang mga ginagawa nila.

Patuloy ang pagsabog sa labas ng Parola pero hindi na nila ito pinansin.

Sa lugar nila Lincoln, naghahanda na sila para hanapin sina Adessa at Jupiter na makakatulong sa kanila para matanggal ang collar sa mga leeg nila.

"Gan'on na ang plano natin?" Paninigurado ni Fayce sa kanila.

Tumango silang lahat.

"Ako, Debra, Lincoln at Ivan ang sa parte ng hilaga na papunta sa dagat at kakahuyan. Kayo naman nina Rey, Spencer at Gino sa pinanggalingan natin." Mahabang sabi ni Fayce.

"Basta, kung sino ang unang makakita sa kanila Jupiter at Adessa, magpapaputok ng 3 beses at papailawin itong fireworks na 'to." 

"Sigesige, mag-iingat kayong tatlo." Sabi ni Ivan kina Rey, Gino at Spencer.

"Mag-iingat din kayo,"

Lumabas sila ng bahay at sinarado ito para wala ni-isa ang makapasok dito.

Nagsalungat sila ng dadaanan. Tumango muna sila sa isa't isa at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Kinakabahan ako," mahinang sabi ni Debra.

"Wag kang mag-alala babantayan ka namin ng mabuti. Makakauwi tayo ng ligtas." May diing sabi ni Ivan sabay hinawakan ang kaliwang kamay ni Debra.

"Makakauwi tayong lahat ng buhay."

- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuuu!💋💕

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top