Abaddon School 2.1
A/N:
Hollaaaaah! Si Park Chanyeol ang magiging portrayer ni Spencer Markus. Hihihi❤
Chapter One: The Beginning
LINCOLN'S POV:
Natapos lahat-lahat magturo si Ms.Niña pero ang aking isipan naroroon pa rin sa sinabi ni Spencer. Anong ibigsabihin niya sa Mamamatay na tayong lahat?
Isa lang talaga tumatak sa akin, itong school na naman namin ang magiging venue.
Pero, ang tanong na nagpapagulo sa akin, kung alam niyang itong school ulit namin ang magiging venue bakit nandirito siya? Bakit?
Baka naman--
"Pare!" Tumingin ako kay Gino na nakatayo sa pintuan. "Ano? Hindi ka kakain? Kanina pa bell! Siraulo ka?" Sigaw ni ogag sa akin.
Nilibot ko ang tingin ko, ako na nga lang ang nakaupo. Lahat ng mga classmate namin ay wala na.
"Lincoln?" tumingin ako kay Ivan na hinihintay rin pala ako.
"T-teka!" tumayo ako niligpit ang mga gamit ko.
Pagkalapit ko sa kanila, agad akong binatukan ni Gino.
"Tagal mo! Nagugutom na ako!" gagantihan ko sana siya pero si loko, tumakbo agad. Shete.
Habang naglalakad kami papuntang canteen. Naalala ko na naman ang pag-stay namin dito at paggising namin nasa Abaddon Hospital na kami. Gulp.
Tinapik ako ni Ivan. "Wag kang mag-alala..." tumingin ako sa kanya "Nararamdaman ko ang nararamdaman mo ngayon."
Sa ganoong paraan hindi lang pala ako ang nakakaalala sa mga nangyari sa amin.
Kahit nasa mga psychiatrists kami sa loob na anim na buwan, hindi nila lubusang nabura ang mga naranasan namin dito.
"Ivan, Lincoln, Dito tayo!" hinanap namin ang boses ni Gino at nakita namin siya sa pinakasulok ng canteen na kumakaway sa amin.
Siraulo talaga.
Simula nakasama ko siya, nagbago ang pananaw ko sa sarili niya. Akala ko kasi maangas siya, lagi kasi siyang kinatatakutan ng mga estudyante rito dati.
Pagkalapit namin sa lamesa kung nasaan siya, biglang nagsalita si Ivan.
"Bakit dito? Pang-anim na katao ang table na 'to?" sabi ni Ivan.
Oo nga nuh? Nilibot ko ang loob ng canteen, may mga pang-apat na tao na table naman na bakante?
"Basta! Wag kana maraming tanong,Ivan. Umupo ka na! Uy, ikaw rin umupo kana." sapilitan niya kaming pinaupo ni Ivan.
"Ano ba mayroon,Gino?" tanong ni Ivan. Pero, Base sa boses ni Ivan, naiinis na ang isang 'to.
"Basta! Chill lang!" masayang sabi ni kupal. Shete.
Tatayo na dapat ako para bumili ng makakain, nagugutom na ako.
"H-hoy! Saan ka pupunta?" tanong ni Gino sa akin at pilit na pinababalik ako sa upuan.
"Ano ba? Bitawan mo nga ako,Gino!" pumipiglas ko sa kanya.
"Nagugutom na kaya ako,kupal ka!"naiinis na rin ako.
"Umorder na ako. Kaya chill lang!" Sabi ni kupal.
Imposible! Gino Monteverde? Manlilibre? Guguho na ba ang mundo?
"Wag kami Gino. Ikaw Manlilibre? Sa apat na buwan nating magkakasamang tatlo never ka nanlibre. Kaya anong nakain mo at nilibre mo kami?" matapang na sabi ni Ivan.
Tumango ako sa sinabi ni Ivan.
Tumayo si Gino at sabay sabing "Kasi namaaaan! Kilalang kilala niyo na ako! Nagulat lang din naman ako eh!" Sabi niya sa amin.
Nagkatinginan kami ni Ivan, parehas kaming nalilito sa sinasabi ni Gino.
"Teka lang,Gino! Diretsuhin mo na kami!" Sabi ko sa kanya.
"K-kasi ganito niyan,guys! A-ano K-kasi..." Hindi pa natatapos magsalita si Gino nang may biglang sumabat.
"I'm back,guys!" nanlamig ako.
Kilala ko kung sino n'yong nagsalita. 4 na buwan din namin siyang namiss.
Lumingon ako kay Ivan na ngayon ay umiiyak na.
Unting-unti akong lumingon sa likod ko... nakita ko si Debra, si debra na ngayo'y maikli na ang buhok. Ang Debra namin ay bumalik na.
"Guys? Wala ba akong yakap dyan?" nakangiting sabi niya sa amin habang nakabukas ang mga kamay niya.
Bigla na lang akong tumayo at yinakap siya. Namiss ko ang bestfriend ko. Namiss ko si Debra. Pero, hindi pa ako tumatagal sa pagkakayakap kay Debra ng hilahin na ako ni Ivan.
"Move."
Langya naman oh! Kumakamot akong umalis sa pagkakayakap kay Debra.
"Ayan niyong sasabihin ko sana sa inyo. Hehehe. Saka pala..." huminto sa pagsasalita si Gino at tumingin sa likuran naming tatlo.
"Si Fayce rin...nandito na. Nakasalubong ko lang kanina." sa sinabi ni Gino bigla nalang kami nakarinig ng mga tili. Tiling nanggagaling sa mga kababaihan.
"Waaah! Si Fayce nyan diba?"
"Lalo siyang pumogi!"
Napalingon kami sa isang lalaking naglalakad na nakataas-noo at may ngisi sa mga labi.
Shete! Bumalik na si Fayce!
"Hanggang ngayon pa man din Ivan, seloso ka pa rin!" umiiling na sabi nito ng makalapit sa amin.
"Alam mo namang ikaw lang iniibig ni Debra. Pabayaan mo na si Lincoln na makayakap kay Debra, na-friendzoned na nga ang isang 'to eh!" umakbay siya sa akin.
Shete! Ako na naman ang nakita ng isang ito.
"P*kyu ka!" malutong na mura ko sa kanya.
Ang walang hiya, tumawa lang.
"Hi kuya Fayce! Namiss kita!" sabi ni Debra at yumakap ito kay Fayce.
"Oh baka magselos ka naman!" pang-aasar ni Fayce kay Ivan.
"G*gu!" sabi ni Ivan sa kanya.
"Himala! Nagmumura ka na rin! Hahaha" pang-aalaska pa niya.
Habang paupo kami, tinanong ko ang dalawa. "Pinag-usapan niyo ba na sabay kayong babalik ha?"
Nagkatinginan silang dalawa at sabay sabing "Hindi!"
"So, nagkataon lang?" tanong ko ulit habang kumakain kami. Dumating na kasi n'yong inorder ni Gino. Nang-utos pala sa mga lower year. Tss.
Tumango silang dalawa.
"Dapat nga bukas na ako pupunta eh! Naisip ko na, gulatin ko na lang kaya kayo. Saka, namiss ko ang school." sabi ni Fayce sa amin pero sa huling sinabi niya parang may diin.
"Ako rin! Dapat bukas na ako! Pero dahil miss ko na kayo, pumasok na ako! Hihihi!" masayang sabi ni Debra.
"Si R-rey may alam ba kayo tungkol sa kanya?" Tanong ni Fayce. Bakas sa tanong niya na nag-aalala siya kay Rey. Sila kasing dalawa ang matalik na magkaibigan sa amin dati.
Nagkibit-balikat lang sina Gino at Ivan.
Tumingin sa akin si Fayce.
"W-wala Bro! Halos araw-araw akong nagmemessage sa kanya pero wala siyang reply. Kaya pinabayaan na lang namin. Hindi rin namin alam kung nasaan siya." mahinang sabi ko.
Tumango siya sa sinabi ko.
"Pero, may apat daw kaming bagong kaklase. N'yong 2 kayo na ni Debra n'yon, 'yung isa si Spencer. Baka n'yong isa si Rey?" Out of the blue-ng sabi ni Gino.
Nangunot ang noo ni Fayce.
"Tama ba ang narinig ko? Spencer?" nagkatinginan kami sa isa't isa.
"Siya ba nyong nagkwento sayo about sa..."
Hindi pa natatapos ni Fayce ang sasabihin niya ng sinagot ko na siya.
"Oo. Siya nga! Classmate natin siya."
"P-pero? Paano?" Nag-aalalang tanong ni Debra.
"Mukhang itong school na naman natin ang venue ng laro..." mahinang sabi ko.
Lahat sila napatahimik sa sinabi ko. Dapat mapigilan ko na agad kung itong school na naman ang venue.
Pero, paano ko makukumpirma na ito nga ulit? Isa lang ang paraan, tanungin kay Spencer.
- to be continued -
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
Thank youuu!❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top