Chapter 4: Stupid Thing
⚔︎ Garam ⚔︎
Nanginginig ang kalamnan na diniinan ko ang paghawak sa supot na naglalaman ng pera.
For more than five months...
I pretended.
Nagbagsakan ang itim na balahibo sa paligid, I gritted my teeth as the taste of blood spread throughout my mouth.
Ever since Abaddon was gone,
This barrel of land, was more or likely became cursed place.
I clenched my fist, kahit na ikuyom ko ang kamao ko ay nanginginig pa rin ang kalamnan at kamay ko.
Naramdaman kong tumama ang malamig na hangin sa balat ko at sinayaw nito ang buhok ko, I felt horrible.
This disgusting battlefield, this cursed land, and the sound of the dead,
I hate all of it.
Pero bigla akong napatingin sa supot na hawak ko.
"It's not time to be depressed..."
Pagak akong tumawa kahit di ko dama.
I got a big money this time!
This is a jackpot!
It's not like I killed someone?
Napakamot ako sa ulo ko,
"Yeah, I killed."
"I think I killed someone again."
But, come to think of it? They will become undead, so di pa rin sila patay!
Tumango-tango ako, pinapagaan ang loob ko pero nang gumulong sa paanan ko ang ulo ni Qiro na galit ang mukha na nakatingin sa akin, nakagat ko ang labi ko.
"Sorry Qiro," sinipa-sipa ko ng paa ko nang mahina ang ulo nito.
Mulat ang mata nito at nagsasalita pero walang lumalabas na boses, I'm sure na minumura niya ako. Well, wala na siyang lalamunan? So kahit sumigaw siya, wala nang silbi.
Haha.
"Hindi ako traydor, hindi kita trinaydor. Oo, magnanakaw ako at kumukuha ng gamit ng patay pero marangal ako."
Kumunot ang noo nito sa paliwanag ko pero sumigaw-sigaw siya na wala na namang tunog.
"Tsk, makinig ka, wala akong alam sa nangyari ngayong gabi, nataon lang na napaaga ang paglabas ng tunay na kulay ko dahil sa raven na nauna." pagpapaliwanag ko at pinagpag ang damit ko.
I feel somehow bad kahit na scammer 'yang hayop na Qiro na yan.
Nakagat ko ang ibabang labi ko, I didn't expect Qiro to die. I only intend to steal tonight, but not to see them dead... in a horrible manner.
I sighed as I looked at the red and dark sky filled with flames.
Well, I guess I'm really a raven, I'm a bad omen, and associated with death.
Pero nang may maalala ako,
"Tsk." biglang nauurat na sabi ko at sinipa ko ng malakas ang ulo ni Qiro na para ba itong bola.
Qiro is not a good man either, I don't need to sympathize with them. There are even rumors where the group of Qiro and his men abducted many women or minor females to raped them.
They also killed poor farmers and innocent people after stealing.
They must really die.
"I should be the one to kill them, now that I think of it, tch." Iritable kong utas at lumamig ang mata.
Naglakad ako sa gitna ng nakakalat na bangkay nila Qiro at ng Gamdo sect. Hindi na buo ang katawan nila at kalas-kalas na, pero gumagalaw ang mga ito.
Now that I think of it, the body of undead has resemblance to the tentacles of an octopus, which will still respond to stimuli after being severed from the body.
Inapakan ko ang isang palad na kumikibot-kibot at nakaharang sa daan.
Patuloy ang paglinga ko sa paligid at napansin ko na sobrang daming bangkay ng lugar na ito bukod sa bangkay nila Qiro at ng miyembro ng Gamdo.
In Agrona there are many types of undead.
The most common one is what happened to Qiro and Gamdo bastards who died tonight.
Mayroon silang pandama at rasyonal na pag-iisip pero dahil hindi na maayos at kalas na ang katawan nila, wala na rin silang silbi.
Tinignan ko ang mga bangkay nila at napangiwi ako. Pinatay talaga sila nang sobrang lala ng naunang raven, hiwa-hiwalay na ang parte ng katawan nila. Ang iba'y tila naging pino talaga.
Abaddon City is an abandoned place which is capital for undead. Tapunan ito ng bangkay.
Biglang nawalan ako nang gana dahil sa amoy.
Kaya siguro mas lalong di na bumalik pa si Abaddon, ang diyos ng kamatayan sa lugar na ito dahil siraulo ang mga tao ng Agrona.
Sino bang magtiya-tiyaga sa lugar na puro walang kwenta ang mga taong nasasakupan mo? Martyr lang ang kaya gumawa 'non.
Nang nasa gitna na ako ng siyudad at patungo na sa gate papalabas ay nahinto ako dahil parang papalapit na ako sa napakadilim na parte ng lugar.
Napatingin ako sa langit at para akong nanginginig sa takot dahil sa ipo-ipo na tila gawa sa apoy ang meron sa kalangitan, para kang hihigupin nito pag tinitigan mo katagalan. Napaiwas ako ng tingin.
Pero para akong nawala sa sarili nang maagaw ang pansin ko ng napakalaking istatwa ng siyudad.
The middle of the city where the statue of Abaddon, the god of death resides.
Napalunok ako at napatingin sa paligid nito.
May mga kalansay na ang ibaba ng istatwa, punong-puno ito ng alikabok at parang hindi ko kakayanin ang amoy ng paligid.
Para akong nasusuka.
Pero,
Lumapit pa rin ako sa istatwa, kasing laki ng tao ang mismong statue.
Nakatayo ito at nakapatong sa isang marmol at mamahaling bato na limang talampakan ang taas.
Nang tatlong hakbang nalang ang layo ko sa istatwa ay huminto ako.
Tumingala ako dito at nakita ko nang malapitan ang sinasabi nilang imahe ng Diyos ng kamatayan.
He has a pointed nose, fiery eyes and hair up to his neck. Napansin ko ngayon ang mga itim na ibon na dumadapo dito.
Bumuntong hininga ako. Pumikit ako at pinagdikit ang dalawang palad ko. I'm giving tribute.
Many elders say that,
"You can only find the mystery of life through death...."
Tumingin ako sa mismong istatwa.
"Pero ngayong hindi na kami namamatay, 'pano na namin malalaman ang misteryo ng pagkabuhay?"
Parang walang buhay ang mata ko, ngunit muli akong pumikit at nagdasal.
Then from the bottom of my heart, I speak.
"Abaddon, wala kang kwenta, siraulo ka, mamatay ka na, 'wag ka nang babalik hayop ka."
Marami pa akong sinabing 'mabuting' salita at 'sincere na dasal' pero nang matapos ako ay parang nawala ang bara sa lalamunan ko.
Napahawak ako sa bandang tiyan ko, napakagaan ng pakiramdam ko.
Ang sarap murahin ni Abaddon.
Ngayon ko na naiintindihan bakit minumura siya ng mga tao sa Agrona.
Well, he ought to be respected, but what do you expect from us? from morons like me? From stupid people he left who only knew how to fight and now will soon become undead?
He left us. He failed to protect us.
Ngumiti ako nang may pait. Masamang umasa sa diyos, at isisi sa kanya ang lahat, pero hindi kailanman kontrolado ng tao ang salitang 'buhay' at 'kaluluwa'.
Akmang aalis na ako nang may naalala ako.
"Ah..."
Dali-dali akong tumakbo at hinanap ang ulo ni Qiro at dinala sa paanan ng istatwa ni Abaddon.
Halata sa bibig ni Qiro na nagmumura siya habang sabu-sabunot ko siya. Nilapag ko ang ulo niya sa paanan ni Abaddon. Tumatagas ang dugo mula sa leeg ni Qiro at tumutulo ito.
"Inaalay ko sayo si Qiro, sana kunin mo na siya para magsaya na siya sa impyerno." Ani ko at ngumiti,
Muli akong tumingala ngunit nangunot ang noo ko nang makakita ako ng itim na ibon na tumatae sa bandang ulo ng istatwa.
See? This motherfreaking land is doomed.
Even birds have no respect and are truly shameless....like me.
Napakamalas ni Abaddon at siya ang naging tagapagbantay ng Agrona.
Ngunit naalis ang walang kwentang pag-iisip ko nang mapansin ko ang kumikinang na bagay sa istatwa.
"D-Diamond?"
Kumikinang ang mata ng istatwa?
Hindi! Isa lang ang ibig sabihin niyan!
May mamahaling bato ang istatwa!
"Y-Yayaman na ako!"
Walang inhibisyon akong tumalon at parang unggoy na inakyat ang istatwa, nang hawakan ko ang mata ng istatwa ay,
"Yayaman na ako!!"
Hindi ko alam kung diyamante o kung ano pero kung pagbabasehan palang ang bato, alam kong hindi ito normal.
This level of stone can be on par or greater than diamond! My eyes never fails! Thieves like me know the value of things!
And the fact that I'm a raven or crows or whatever you called! I am attracted to shiny things and treasures.
The statue of Abaddon is a treasure!
"Hahahahaha!"
Mabuhay ka Abaddon!
Bumaba ako sa istatwa at kumuha ng bato para martilyuhin ang mata ni Abaddon at kunin ang makinang na bagay.
Ngunit nanlaki ang mata ko sa sumunod na nangyari.
Lumakas ang ihip ng hangin, biglang tila umuga o yumanig ang lupa.
Pag-angat ng tingin ko sa kalangitan, ang sentro ng ipo-ipo na kulay asul na apoy ay tila bumaba! Bumababa sa kinalalagyan ko!
Nanginig ang kalamnan ko, nanlamig ang paa ko, para akong hihigupin ng apoy! Hindi ako makagalaw!
My senses are shaking, and it's telling me that if I didn't run, I'll die!
Bigla akong napatingin sa kaninang pinupukpok ko na bato sa mata ng statue, ngunit, nanlaki ang mata ko nang tila nagliliwanag na ngayon ang istatwa ni Abaddon at nagkakaroon na ng crack ito.
But the thing that caught my attention is the stone that I wanted to get, suddenly release unknown characters or letters!
May mga letrang naglabasan mula sa bato na nasa mata ni Abaddon, it's like magic, letters were surrounding me and floating in the air!
Wh-What is this stupid thing?!
⚔︎☠⚔︎
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top