Epilogue

As a child from broken family, meeting my true and greatest love has been my fantasy. Oo, mayroong takot sa puso ko na baka magaya ako kay mama, pero the thought of having someone that will treat me right, that will love me dearly, has never left my mind. Isa sa mga panalangin ko noon na sana, makahanap ako ng lalakong pahahalagahan ako. Yung hindi ako ipagpapalit at hindi ako sasaktan.

The journey wasn't easy, AT ALL. There were a lot of ups and downs, and it is a shame that I have to experience all of those just to learn. Oh well, sabi nga nila, that's life. Ang hirap man pero kailangan talagang mabuhay. Although I hope, wala na sanang makaranas ng mga pinagdaanan ko at huwag ko na rin sanang danasin pa ulit. Because it was never okay, I just really have to forgive, let go, and move on.

"Hi, pa! Kumusta ka diyan?" Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Venn habang kaharap namin ang puntod ni papa.

He died during his sleep. Pauwi pa lang sana kami noon sa Cebu para ipakilala ko si Venn ng pormal, kaso hindi na umabot, eh. I remember, I received the news the moment we stepped out of the airport. I was so shocked to the point I was void of emotions and feelings. Tuluyan na lang akong nag-breakdown nang inuwi na siya sa bahay, nasa loob na ng kabaong.

"E-eto na, pa. Ipapakilala ko na sa'yo ang mapapangasawa k-ko." Inabot ko ang kamay ni Venn at hinawakan ng mahigpit, dahilan para maramdaman ko ang singsing na binigay niya sa akin.

"Uh...h-hello po, tito. Nandito po ako para magpaalam ulit sa inyo...at hingin ang basbas niyo sa pagpapakasal namin." Pinagsiklop niya ang mga kamay namin. Tinignan niya ako at hinalikan sa noo bago binalik ang tingin sa puntod ni papa.

I feel so happy to have him. Hindi lang ako mahal niya, kung hindi pati na rin ang pamilya ko. He's really one of a kind. I am so blessed.

"Pinapangako ko pong aalagaan ko siya, at gagawin ko po ang lahat para hindi siya masaktan. M-mahal na mahal ko po ang anak niyo, tito. Hindi ko po siya iiwan."

***

Family, kadugo man o hindi, is a priceless treasure. Kung wala sila, hindi ko alam kung paano ko malalagpasan ang lahat. Hindi ako sure kung nakatayo pa ako ngayon, hindi ako sure kung buhay pa ako ngayon, kung hindi dahil sa kanila. The moments when I feel so down, to the point na hindi ko na kayang bumangon, they were there to help me. Sila ang sandalan ko, pag masyado na akong mahina para tumayo at lumaban sa buhay.

Life is a constant battle. It is not life if there are no struggles, sadly. But the best thing is, I don't have to face them alone. I always have someone who supports me. And in this new chapter of my life, I am so grateful to have him as my partner for the rest of my life.

"Good Morning, love." Ang ngiti niya ang una kong nakita pagkamulat ng mga mata ko.

Napangiti rin ako at umungol. Dahil antok, pumikit ulit ako at siniksik ang sarili ko sa kaniya. Mahina siyang tumawa dahil sanay na siya na ganito ako tuwing umaga. Pinalupot niya ang braso niya sa akin habang nakapatong naman ang ulo ko sa isa. Siniksik ko ang ulo ko sa leeg niya at sininghot ang amoy niya.

Uminit ang pakiramdam ko sa posisyon namin at sa magkadikit naming balat. Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at hinalikan siya sa leeg. Tumaas 'yon hanggang sa narating ko na ang labi niya. Lalong uminit nang tumugon siya sa mga halik ko. Lumalim nang lumalim, halos maubusan na ako ng hininga.

Pumaibabaw siya sa akin at ang labi naman niya ang naglakbay sa mukha ko. Hindi ko napigilang mapaungol nang napunta siya sa leeg ko. Hawak na niya ang dulo ng damit ko at itataas na sana nang nakarinig kami ng iyak ng bata! Pareho kaming napatigil at nagkatinginan. Natawa na lang kami bago siya umalis sa ibabaw ko at tumayo.

"Ako na bahala kay Tavi. You can rest muna." Nginitian niya ako bago siya lumabas ng kuwarto.

Pero sino pa ba ang makakapagpahinga at makakatulog pagkatapos non? Nawala na ang antok ko! Bumangon na ako at naghilamos at nag-toothbrush bago sumunod sa kaniya. Pagkabukas ko ng pinto, si Chavi ang sumalubong sa akin. Nakalabas ang dila niya habang winawagwag ang buntot.

"Baby! Hindi ka ba pinansin ni daddy?" Dinampot ko siya at sinama sa nursery.

Binili ko si Chavi nang bumisita kami sa bahay nila Lala. Meron pa lang Golden Retriever ang girlfriend niya na kakapanganak lang. The moment I entered the house, sinalubong niya ako at parang nagpapansin siya sa akin. Hindi na niya ako nilayuan, nasa tabi ko lang siya buong stay ko doon. At dahil cute siya at kamukha niya ang stuffed toy ni Venn, tinanong ko kung pwede kong bilhin. Mabuti na lang at pumayag ang jowa ni Lala.

Originally, Hotdog ang naisip kong ipangalan sa kaniya para sa namayapang laruan ni Venn. Pero nang sabihin ko 'yon, unti-unti niyang nilapag si Chavi at humba ang nguso.

"No one can replace Hotdog."

Kaya nag-isip kami ng ibang pangalan. And because nakikita ko rin si Venn sa aso, pinagalan ko after him. Savenn, para cute, ginawa kong Chavenn. At para hindi too literal at halata, naging Chavi!

Pagkarating ko sa kuwarto ni Tavi, naabutan kong buhat-buhat siya ni Venn at pinapadede. Tulog siya kaya sinenyasan kong tumahimik si Chavi bago kami pumasok. Nang naubos na niya ang dede, sumiksik siya sa braso ng tatay niya at tinuloy ang tulog!

"Manang mana sa'yo," bulong ni Venn habang malaki ang ngiting nakatingin sa anak namin.

I can still remember how happy he was when I gave birth to our first child. Pagkamulat ng mga mata ko, after a painful labor, ang ngiti niya ang una kong nakita habang buhat-buhat ang anak namin. I felt like I was able to accomplish my mission that day, to give birth to a wonderful baby, Octavia.

This is my family. They are my source of happiness and strength. Hindi man madali ang buhay mag-asawa at maging magulang, nakakayanan ko dahil sa kanila. Binibigyan nila ako ng rason para bumangon, ngumiti, at maging masaya. They are indeed, my home.

I am just so thankful that everything fell into place kahit ilang beses akong nadapa, nasaktan, at nagkamali. I learned how to value my life, forgive those who wronged me, and love without any fear.

And now, no matter how many years will pass, I will always choose to love.

THE END

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top