Chapter 9

Hindi na nawala pa sa isip ko ang mga napag-usapan kanina. Ang assumera ko naman kase kung iisipin kong ako yung tinutukoy ni Venn. Eh tatlo yung kaibigan niya at ang dami na nilang naging girlfriends. Dun sa dalawa pa lang ilan na 'yon! Tapos si Luigi, may tatlong ex bago ako. Malay ko ba kung si Alisson pa pala 'di ba? So maraming choices!

Kaso, dati pa kami magkaibigan ni Venn at alam kong ganon lang talaga siya. Alam kong kaibigan lang ang tingin niya sa'kin. Kaya siguro hindi naman ako yung babaeng minahal niya. May possibility, oo, pero feeling ko ako ang may pinakamaliit na possibility. Kase, mararamdaman ko naman siguro kung may pagtingin siya sa'kin, 'di ba? Or manhid lang ako?

Ay ewan! Bakit ko ba pinoproblema 'to? Kasalanan talaga 'to nung dalawa kung ano-ano tinanong nila! Nakakahiya pa kay Venn kasi parang na-hot seat siya! Yung iba very private pa, halatang hindi siya komportable. Pasalamat sila at mabait yung tao. Sinakyan yung trip nila kahit nakakainis!

Kaya pinagsabihan ko sila pagkaalis ni Venn para hindi na nila ulitin. Mabuti naman at naintindihan nila at hindi sila na-offend. Hindi katulad nung kakilala ko.

"Mabuti na lang talaga at nahanap ka agad ni Venn! Kung hindi, ay nako! Baka kung ano na nangyari sa'yo!" sabi ni Mickey.

"Shutang Tristan talaga na 'yon. Hindi pa rin talaga nagbago!" inis naman si Lala.

Napatigil ako sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin. Napalingon ako sa kanila at nakita ko silang kumakain ng chichirya.

"K-kilala niyo 'yon?" gulat kong tanong sa kanila.

Nabitin sa ere ang kinakain nila. Nagkatinginan sila at parang hindi alam ang sasabihin. Kaya naman lalo akong nagtaka. Kasi parang nagtuturuan pa sila kung sino ang magsasalita. Hanggang sa si Lala na ang mukhang napilitan at humarap sa'kin.

"Uh ... a-ano kasi." Nag-alangan siya at lumingon ulit kay Mickey para humingi ng suporta. Pero ang gaga, hindi tunay na kaibigan, umasta siyang di niya nakita at bumalik sa pagkain! Kaya naman walang choice si Lala kung hindi humarap ulit sa'kin. "A-ano ... e-ex siya ni Liz."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ex! Ni Liz?!

"N-noon pa man, maloko na talaga 'yon. Kawawang kawawa nga si Liz. He was abusive, manipulative, and an a-hole. There were times pa nga na pumapasok si Liz ng may b-bugbog, umiiyak, wala sa sarili," pagkukwento niya. Nangilid ang luha sa mga mata niya kaya mabilis niyang pinunasan 'yon.

Hindi na ako nagtanong pa tungkol don at hindi na rin sila nagkuwento pa. Kaya sandali rin kaming tahimik. Hanggang sa naramdaman siguro nila ang awkward na atmosphere at may pasok pa mamaya kaya napagdesisyunan na nilang umuwi.

Pagdating sa trabaho, hindi ko alam kung paano ko sila ia-approach. Lalo na si Liz. Hindi ko alam kung sinabi ba nila sa kaniya ang nangyari kagabi. Pero mukhang hindi dahil wala siyang nabanggit sa'kin. Ang pakikitungo niya ay normal naman. Kaya hindi ko na rin kinwento sa kaniya dahil baka makasama pa.

"Hi, Venn!"

Napaitlag ako nang sabay-sabay silang sumigaw. Kapapasok pa lang ni Venn at kasama ulit niya yung babae. Nahihiya siyang kumaway sa amin at tsaka tipid na ngumiti bago sumunod sa kasama.

"Palagi niyang kasama 'yun, no?" pang-iintriga kaagad ni Mickey pagkaupong pagkaupo nung dalawa.

"Hindi kaya girlfriend niya?" pagsali naman ni Liz sa chismis pagkatapos niyang malunok ang kare-kare.

"Ano ba 'yan? Lumayo ka nga, amoy kang bagoong!" Pagtaboy ni Mickey sa kaniya.

"Ang sama neto! Kala mo naman 'di amoy tilapia!" Bumusangot naman si Liz at humalukipkip.

"Aish! Manahimik nga kayo! Pareho naman kayong mabaho!" bawal ni Lala sa kanila. "Going back, sinabi niya sa'min na wala naman siyang girlfriend."

Nagdikit-dikit ulit ang mga ulo nila at tinuloy ang chismisan. Ako naman ay kunwaring di sumali. Pero ang totoo ay all ears ako sa usapan nila. Baka kasi pag sumali ako kung ano na naman isipin nila!

"Ay true ba?" kumpirma ni Liz na tinanguan naman nung dalawa. "Kung ganon, ano niya 'yang babaitang 'yan?" usisa niya.

Natapos kaming kumain ng lunch ng walang nalamang sagot. Kaya akala ko wala na silang pakielam at binitawan na nila. Pero nang pauwi na kami, nagtaka ako nang hinulog ni Liz ang susi niya tapos sinipa ni Mickey sa ilalim ng isang sasakyan!

"Hala! Nahulog 'yung susi ko. Help me find it!" kunwaring nag-aalalang sigaw ni Liz pero ang laki naman ng ngisi!

Lalong nagsalubong ang mga kilay ko nang sabay-sabay silang yumuko at naghanap. Kung saan-saan pa sila nagpunta, eh kitang kita namang sa ilalim ng sasakyan sinipa ni Mickey! Yuyuko na sana ako at kukunin doon nang akbayan ako ni Lala at dinala sa kabilang sasakyan.

"Dito tayo maghanap, Mabel," sabi pa niya!

"Doon—"

"Hi, Venn!" rinig kong bati ni Mickey!

Dumeretso kaagad ako ng tayo at lumingon sa kanila. Ngiting ngiti sila Mickey sa harap nila Venn at ng babaeng palagi niyang kasama.

"H-hi." Nag-aalangang bumati si Venn. "Anong ginagawa niyo? May ... hinahanap ba kayo?" tanong niya habang nakatingin sa lapag.

"Ah! Ano kase ... nahulog yung susi ko, eh." Kunwari pang ngumuso si Liz.

"Gano'n ba? Sige tulungan ko na kayo." Yumuko siya kaagad at umambang maghahanap.

"Nako, huwag na! Nakakahiya naman!" pigil ni Mickey. "Tsaka ... nakakahiya rin sa kasama mo." Sinipat pa niya sa likod yung babae na mukhang inip na inip na siya kahit sandali pa lang siyang nandon.

"Ah, hindi! Okay lang sa kaniya." Bumaling siya sa kasama niya. "Can you help us look for her keys, Tessa?"

"O-of course!" Pilit namang ngumiti yung Tessa at nakihanap na rin.

"N-naku! Nakakahiya naman sa kapatid mo!" kunwari pang pigil ni Mickey!

Lahati kami ay gulat na napatingin sa kaniya. Pati yung Tessa ay napaderetso ng tayo at nagdikit ang mga kilay!

"A-ah ... h-hindi ko siya kapatid. She's my friend and kasama ko siya sa Summit," paglilinaw niya.

At ngayon ay naintindihan ko na kung bakita nil 'to ginawa. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdama ng inis. Umabot pa talaga sa ganito para lang makakuha ng impormasyon? Tapos itong si Venn naman napakapaniwalain! Kaya nadadali siya ng mga kabigan niya noon, eh!

Hindi ko namalayang ang tagal ko na palang nakatingin ng masama sa kaniya. Kaya nang nabaling sa'kin ang mga mata niya'y napaitlag ako! Nagulat siya nang nakita ako dahil nasa gilid ako. Hindi niya napansing nandoon ako!

"Mabel?" usal niya.

Tipid ko na lang siya nginitian bago ko sila tinalikuran at umalis na doon. Ayaw kong masali sa kalokohan nila. Sabi ko na nga ba kahina-hinala na yung sadyang paghulog pa lang ni Liz ng susi niya. Iyon pala ang balak nila.

Pero at least, ngayon alam ko nang hindi nga talaga ako ang babaeng tinutukoy ni Venn. Dahil una, hindi lang naman ako tinutulungan niya. Pangalawa, hindi niya kaagad ako napansin. 'Di ba sabi nila pag gusto mo ang isang tao, siya ang una mong nakikita. Gano'n ako nun sa animal na Luigi na 'yon, eh! Parang may magnifying glass yung mga mata ko pagdating sa kaniya!

Magnifying glass? Ni hindi mo man nga nakita yung red flags niya!

Luh! Nakita ko naman kaya! Sadyang ... hindi ko lang pinansin.

Hayst! Bakit ko ba kasi iniisip na naman yung lalaking 'yon?! Stop na! Hindi ko na dapat pang binabalikan ang nakaraan. Hays! Kasalanan 'to ni Venn, eh! Kung hindi ko siya nakita, hindi ko maaalala yung kaibigan niya! Dapat talaga iwasan ko na siya. Siguro naman tama na yung 'thank you' sa mga tulong niya. Hindi ko na kailangan pang makipag-interact sa kaniya!

***

"Good Morning, Mabel," bati niya sa'kin pagkapasok niya ng elevator.

Nginitian ko lang siya at tsaka binalik sa harap ang tingin. Nakita ko sa reflection ang pagtataka niya sa naging kilos ko. Ilang sandali rin siyang nakatingin sa'kin. Parang bang pinag-aaralan niya kung bakit ganon ang naging tungo ko sa kaniya. Pero bandang huli ay yumuko na lang siya at humarap na lang sa pintuan.

Pagkarating sa floor ng parking ay dire-diretso akong lumabas. Papanindigan ko na talaga ang sinabi ko sa sarili kahapon. Kailangan kong gawin 'to para panatilihin ang linya sa pagitan namin. Hindi ko siya pwedeng palagpasin don. Para tuluyan na talaga akong maghilom from the past, wala na dapat akong papasukin pa sa buhay ko na parte non.

Kaya kahit na nagi-guilty ako tuwing nakikita ko ang malungkot niyang mukha, pinilit kong hindi siya pansinin. Lalo na't hindi na naman nakikisama ang tadhana! Kahit saan ako magpunta, nandon siya! Konti na lang magkulong ako sa unit ko maiwasan lang siya!

"Uy! Ano namang drama mo diyan?" tanong ni Mickey sa'kin.

"H-ha?" Ano namang dramang tinutukoy nito?

"Feeling mo ba hindi namin napapansin 'yang pang-iisnab mo kay Venn?" Pinanlakihan niya ako ng mga mata bago siya uminom ng alak.

Nagyaya ulit silang uminom kaninang after work. Sumama na ako para hindi ko makasabay si Venn. Sa ibang bar na rin kami nagpunta, bakasakaling wala siya rito. Ang sabi ko ay dahil kay Tristan para hindi sila maghinala. Hindi ko naman alam na napansin pala nila.

"H-ha? H-hindi, ah!" tanggi ko. Mabilis kong dinampot ang baso ko para mlipat doon ang pansin ko.

Wala akong balak magpakalasing. Sandali lang nga akong sumayaw kanina at bumalik ako rito. Sosolohin ko na sana 'tong pwesto namin nang bumalik din si Mickey at inusisa ako.

"Sige, deny mo pa!" Inirapan niya ako at tsaka umupo ng diretso. "Dahil ba sa kaibigan siya ng ex mo?"

Hindi ako nakasagot.

"Sabi ko na nga ba." Umiling-iling siya habang nakalukipkip. "Bakit ba pati sa kaniya galit ka? Magkaibang tao sila, Mabel." Iba ang tono niya. Parang bang naiinis siya sa'kin—sa pakikitungo ko kay Venn.

"Hindi mo naman kasi alam ang buong kwento." Hindi ko napigilang ibulong.

Akala ko ay hindi niya maririnig sa lakas ng music. Pero certified chismosa nga ata siya at narinig niya pa 'yon. Sandali pa siyang napatigil at napatulala sa'kin. Na-guilty rin ata dahil ngumuso siya at yumuko.

"W-well ... andon na'ko, wala akong alam. Pero ... hindi ba parang unfair sa kaniya na ganiyan ang treatmeant mo? Sa nagdaang linggo, puro kabaitan naman pinakita niya sa'yo."

Parang siyang konsensiyang bumulong sa'kin para palalahanan. Kaya kahit anong pilit kong ito dapat ang gawin ko, hindi ko maiwasang sumang-ayon sa kaniya kahit papaano. Dahil tama naman siya. Ang bait ni Venn sa'kin. Noon pa man. Pero mabubura ba non lahat ng ginawa niya? Nila ng mga kaibigan niya?

Dapat ko bang kalimutan ang lahat dahil lang don? Hindi ba parang balewala lang non lahat ng paghihirap ko dahil sa kanila?

Tuluyan na akong nawala sa mood kaya nag-paalam na'ko sa kaniyang umuwi. Madaling araw na rin naman na. Siguro naman ay nakauwi na si Venn kanina pa. Hindi ko na siya makakasabay sa parking at elevator.

Pero 'yon ang akala ko. Dahil naglalakad pa lang ako papuntang elevator ay nakasalubong ko na siya. Pareho pa kaming napatigil at sabay pang napaiwas ng tingin.

Yawa! Ano bang ginawa nito at nasa labas pa rin siya ng ganitong oras? Hindi ba dapat ay nasa loob na siya? Nagpapahinga? Natutulog? Bakit siya nandito? Nakipag-inuman din ba siya? Sino kasama? Mga kaibigan niyang animal? Hay!

Masama ko siyang tiningnan dahil sa naisip. Nagulat siya dahil doon at tsaka napaatras dahil sa sindak.

Inirapan ko na lang siya bago lampasan. Habang naghihintay sa pagbaba ng elevator, naramdaman ko siya sa likod ko. Kaming dalawa lang kaya sobrang awkward! Sana ay may kasama kami sa loob para naman hindi nakakailang! Pero siyempre, dahil nananadiya talaga ata ang tadhana, walang laman!

Mabigat ang loob kong pumasok doon at pinindot ang floor ko. Sumunod naman siya at ginawa rin 'yon. Pagkatapos ay tahimik na kaming umakyat. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa tumataas na numero para hindi ko siya matignan sa reflection sa harap. Kaya laking gulat ko nang biglang tumigil 'yon at tsaka namatay ang ilaw sa loob!

"Waaah!" Napakapit ako kay Venn sa sobrang takot! "Hala! Hala! Na-stuck tayo, Venn! Hala!" Hindi na ako nakapag-isip pa at nagsisigaw na ako sa loob. Naiyak na rin ako dahil pakiramdam ko hindi na ako makakalabas dito! Pakiramdam ko ito na ang magiging katapusan ko!

"M-Mabel, calm down. Calm down. Sshhhh." Hinigpitan niya ang yakap sa'kin at pinakalma ako. "Calm down, we'll be fine. Makakalabas tayo rito. Relax. Breathe," bulong niya sa mismong tenga ko.

Kumalma ako dahil sa malumanay niyang boses. Unti-unti akong tumahan nang pinatong niya ang ulo ko sa dibdib niya. Ramdam at rinig ko ang sobrang bilis na pagtibok non. Kaya hindi ko alam kung paano niya napapakalma ang sarili niya.

"Let me troubleshoot, okay? Calm down, makakalabas tayo rito. Trust me." Yakap-yakap pa rin ako, inakay niya ako palapit sa buttons ng elevator.

Nilabas niya ang cellphone niya at inilawan 'yon gamit ang flashlight. Tinagilid ko ang ulo ko para tignan ang ginagawa niya. Pinindot niya yung door open, pero walang nangyari. Tapos ay yung door close naman pero wala ring nangyari. At tsaka niya pinindot ang third floor, hindi ko alam kung bakit pero wala ring nangyari. Narinig ko siyang napabuntong hininga bago niya pinindot yung button na may parang telephone.

Ano 'yun?

Napaitlag ako nang may narinig akong tunog! Hala! Anong nangyayari?

"Hello? Security Operations Center speaking, how may I help you?"

Luh? May ganito pala?

"Uhm ... hello, sir. We're stucked in Elevator 2, around fourth floor," malumanay na sagot ni Venn.

"Okay, sir. We'll immediately send our maintenance technician there."

"Parating na ang tulong. We'll be safe. Makakalabas tayo rito, okay?" baling niya sa'kin pagkatapos niyang makipag-usap doon.

Dahil sa ilaw na nanggagaling sa cellphone niya, nakita ko ang ngiti niya sa'kin. Kaya kahit papaano, naging panatag ako na ligtas kami. Mas kumalma ako.

Pero pumasok bigla sa isip ko ang mga sinabi ni Mickey kanina. Oo nga, napakabait niya. Kung wala siya rito, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Baka nagngangawa na lang ako rito. Lalo tuloy ako nakaramdam ng guilt dahil sa naisip.

Kumalas ako sa yakap at bahagyang lumayo sa kaniya. "I-I'm sorry."

Sandali siyang napatigil. "Why? What are you sorry for?"

"Y-yung pakikitungo ko sa'yo. Ilang araw kitang hindi pinansin, ilang araw kitang sinungitan." Napayuko ako. Hindi ako makatingin sa kaniya sa sobrang hiya. "P-palagi ko kasing naalala yung nakaraan. K-kaibigan ka niya, eh. G-galit ako. Masama ang loob ko sainyo."

Hindi kaagad siya nakasagot. Kaya inangat ko ang ulo ko para tignan siya. At lalo lang akong na-guilty nang nakita kong kumislap ang mga mata niya. Iniwas niya pa 'yon at mabilis na pinunasan.

"I-it's okay. I understand." Tumango-tango siya at mapait na ngumiti. "In fact, ako pa nga dapat ang humingi ng sorry sa'yo. As a friend, not just his but yours as well, I should have done something to stop it."

Napayuko siya. Ilang sandali ring natahimik. Pilit niyang pinipigil ang pag-iyak niya pero hindi niya kaya. Sa ilaw, nakita ko ang kislap ng luha niyang dumeretso sa lapag ng elevator.

"B-believe me, I really really regret not informing you." Inangat niya ang ulo niya at diretso akong tinignan. "If could just turn back time, I will do everything to spare you from the heartbreak. But I can't. The only thing I could do is apologize ... and help you whenever I can. I'm really sorry, Mabel."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top