Chapter 7

Ilang araw din akong wala sa sarili. Minsan ay maiiyak na lang ako bigla. Pag kase naaalala ko ang memories namin together, nanghihinayang ako. Kaya gusto ko na ngang makipag-ayos. Gusto ko siyang tawagan. Pero pinipigilan ko ang sarili ko. Pinipigilan ako ng galit at mga hinanakit ko.

Masama ang loob ko dahil pinagkatiwalaan ko siya. Never kong naisip na magagawa niya sa akin 'yon. Hindi ko akalaing magagamit niya laban sa akin ang mga kahinaang binahagi ko sa kaniya. Pinatunayan niya lang sa akin na kahit sino, kahit pa ang mga taong mahal ko at malalapit sa akin, kaya akong traydurin.

Ano ba kase ang meron at lagi na lang akong binibigo ng mga tao sa paligid ko? Una, ang mga magulang ko. Tapos, si Luigi. Ngayon, si Nisha naman. Minsan napapaisip tuloy ako kung ako ba ang mali? Ako ba ang may diperensiya? Masyado ba ako kung magtiwala? Kailangan ba bawat tao ay pagdudahan ko na para hindi ako masaktan ng ganito?

Parang tuloy akong nakipag-break ulit. Ganito rin nung naghiwalay kami ni Luigi. Same ang feelings. Same ang sakit. Same ang panghihinayang. Matagal din kase kami naging magkaibigan. Marami na rin kaming pinagsamahan. Kaya sa ginawa niyang 'to, sinira niya ang lahat ng 'yon.

Ang ipinagpapasalamat ko na lang ngayon ay kinakausap pa rin ako ni Mimi. Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko pag kinakamusta niya ako. At nagustuhan ko ring hindi siya pumili ng side na kakampihan. Hindi rin naman ako isip bata para papiliin pa siya at pilit kuhanin mula kay Nisha. Gets ko naman kung bakita sila ang magkasama ngayon at ako ang nahiwalay. Kahit mahirap, kakayanin ko na lang at ako na ang iintindi.

Napabuntong hininga na naman ako nang naalala ko sila.

"Alam mo, Mabel, medyo nasanay na kami sa hitsura mong ganyan. Konting saya naman aba!" puna sa akin ni Mickey.

Nang tingnan ko ay kumpleto pala silang tatlo na nasa gilid ko. Tutok na tutok pala sila sa akin! Hindi ko man lang naramdaman sa dami ng iniisip ko.

"S-sorry, marami lang talaga akong problema ngayon. Pero huwag kayong mag-alala, okay lang ako." Isa sa mga natutunan ko sa break-up namin ni Luigi ay dapat tuloy lang ang buhay kahit na may problema. Wala rin naman akong choice, hindi ako mayaman at wala akong time para maging malungkot. Dapat diretso kayod.

"Okay lang, ano ka ba! Kami rin naman ay may mga pinagdadaanan sa buhay kaya gets ka namin!" Hinampas pa ako sa balikat ni Liz na medyo masakit! Hindi sana ako magkapasa!

"True! Pero dapat, hindi mo pa rin kalimutang mag-enjoy at maging happy! So ano, sama ka sa amin mamaya?" Napaitlag pa ako sa lakas ng boses ni Lala! Umupo pa talaga siya sa desk ko!

"Uh ..." Hindi ko talaga alam kung sasama ako. Parang kasing ayaw ko? Mas gusto kong mag-stay na lang sa bahay at humilata lang sa kama. Isipin ang mga bagay-bagay.

"Ay nako, girl! Hindi naman sa namimilit, ah. Pero mamimilit na rin!" pagpapatawa ni Mickey.

"Kidding aside, kailnagan mo talagang magpakasaya muna. Kalimutan ang problema kahit sandali lang, ganon," pangungumbinsi naman ni Liz.

Isa-isa ko silang tinignan at tumango-tango sila sa akin. Tinakot pa nila akong magkaka-wrinkles ako agad sa sobrang stressed! Pero hindi ako masyadong natakot. May lines na rin na ako sa noo. Sa dami ba naman ng pinagdaanan ko, tatanda talaga agad ako! Ang dami ko na ngang puting buhok.

Pero sa tingin ko ay tama rin naman sila. Baka makatulong din sa akin ang paglabas-labas para ma-relax ang utak ko, to have fun, and makalimutan ang problema kahit sandali lang. And siguro, para rin maka-bonding at maka-close ko ang tatlo. More than two weeks ko na rin silang nakakasama pero wala pa kaming masyadong bonding bukod sa lunch breaks.

"S-saan ba 'yan?"

Nagtinginan sila at ngumiti. Kaya medyo kinabahan ako. Ano naman kaya ang balak ng tatlong 'to?

***

"Welcome to our paradise!" Sabay-sabay nilang sigaw at binuka pa talaga ang nila ang mga braso nila. Napatingin tuloy sa kanila ang mga papasok. May ilang masama ang tingin habang yung iba ay natawa lang.

Ako naman ay napatulala lang sa tinawag nilang "paradise".

"BAR?!" Naguguluhan ko silang tinignan bago ko inikit sa buong gusali ang mga mata ko.

Bakit naman dito? Akala ko pa naman mall? O kaya amusement park? Restaurant? Road trip? Or food trip? Pero sa bar?!

"Huwag mong sabihing hindi ka pa nakakapunta ng bar?!" Nanlalaki ang mga mata ni Lala nang napansin niya atang naguguluhan ako.

"H-hindi pa, eh," nahihiya kong pag-amin.

"WEH?!" marahas naman nilang reaksiyon. Napalapit pa sila sa akin na parang bang ang rare para sa isang tao na never pang nakaapak sa ganitong lugar.

"E-eh ... pinagbabawalan kase ako ng ex ko non. Tapos, hindi rin naman mahilig sa ganito ang f-freinds ko kase sa bahay lang kami umiinom," paliwanag ko.

"Hay! Pabawal-bawal pa, hihiwalayan din naman." Umirap si Lala at tsaka pa humalukipkip.

Kaya sinuway siya ni Liz at sinagi sa braso bago siya bumaling sa akin. "Pagpasensiyahan mo na, matabil lang talaga dila nito," turo niya kay Lala.

"Aray naman! Kung makapalo 'to akala mo hindi isang kilo yung kamay!" Masama naman ang tingin ni Lala kay Liz habang hinihimas-himas ang braso.

"Che!" Gumanti tuloy ng irap yung isa at humalukipkip din.

"Aish! Tumahimik nga kayong dalawa!" suway ni Mickey sa kanila. "So ... ano? Okay lang ba sa'yong dito tayo? Pwede tayong lumipat kung ayaw mo talaga," baling niya sa akin.

Nakakaintindi naman silang tumango-tango sa akin at ngumiti. Kaso parang nakonsensiya naman ako kung mag-aaya pa akong lumipat, eh nandito na kami. At tsaka ... I guess okay din namang maranasan ko 'to kahit papaano. Kaya kahit nag-aalinlangan, tumango na lang ako.

Napatalon naman sila sa tuwa. Hinila kaagad ako ni Mickey kaya nagpatianod na lang ako papasok sa loob. Habang yung dalawa ay nakasunod sa amin.

Pagpasok ko, hindi ko mapigilang ikumpara 'to sa mga bar sa movies and series na napanood ko. Typical na bar, I guess? Yung mga ilaw na masakit sa mata, nakakasakit sa ulo na music, mga sumasayaw na tao, mga umiinom. Ang titindi nilang pumarty at uminom! Medyo maaga pa pero may mga nakita na akong lasing at wasted na. Parang gusto ko tuloy mag-back out!

Pero wala na akong nagawa. Ngayon pa ba ako aatras? Umupo na kami sa isang table at umorder na ng mga inumin. Sila na lang ang hinayaan kong pumili dahil wala naman akong masyadong alam sa mga alak. Kung ano lang kasi ang meron 'yun ang iniinom ko. Si ... Nisha lang naman ang lasinggera sa aming tatlo.

Hay. Nakaramdaman na naman ako ng lungkot ngayong naalala ko siya.

"Oy! Oy! Oy! Ano 'yan ha? Anong mukha 'yan? Nandito tayo para magsaya, hindi para magmukmok, okay?" puna ni Lala. Siya kase ang katabi ko, tapos yung dalawa ay busy pa orders namin kami siya lang ang nakapansin.

"May naisip lang." Tipid ko siyang nginitian. At tsaka ako kumuha ng isang baso nang saktong dumating ang order.

"Ano ba kasi ang problema mo? Pwede mo namang i-share sa'kin. Promise, safe 'yan kung sikreto man." Tinaas pa niya ang isa niyang palad.

Nag-aalangan ko siyang tinignan. Promise? Safe? Totoo naman kaya? Ang dami nang nasirang promises sa buhay ko. Ilang beses nang nasira ang tiwala ko. Maniniwala pa ba ako sa salitang promise? Hindi naman natutupad. Hindi naman napapanindigan ang mga pangako. Truly, promises are meant to broken.

"Halatang nag-aalangan ka." Tinuro niya ang mukha ko at natawa pa.

Nakaramdaman tuloy ako ng hiya. Halata atang jinudge ko siya base sa tingin ko! Hindi ko naman sadya. Sadyang ... takot lang akong magtiwala. Ayaw ko nang mag-share nang mag-share, tas bandang huli gagamitin laban sa akin. Ang sakit kaya.

"Okay lang. Gets naman kita," sabi niya bago nilagok ang isang baso ng alak.

"B-bakit? May ... t-trust issues ka rin?" Hindi ako makapaniwala dahil mukha naman siyang carefree.

Siguro hindi mo talaga makikilala ang tao sa isang tingin lang? Masyado kasing maraming layers. Hindi mo tuloy alam kung anong meron sa mga layers na nakatago pa kaya nakakatakot. Minsan kase, ibang iba ang pagkakakilala natin sa tao yung mga layers na 'yon. Parang bang as we peel them, nare-reveal ang mga ugaling kasalungat ng nagustuhan natin sa kanila.

"Ako? Malala." Mapait siyang ngumiti bago nilagok ang isang baso ng alak. "Well, first of all, kung hirap kang magtiwala dapat alam mo kung gaano kahalaga 'yon. Alam mo dapat na you should never share the secrets entrusted on you, tama?" Paninigurado niya bago magkwento.

"O-oo." Tumango ako.

"Dahil diyan, ipagkakatiwala ko sa'yo ang sikreto ko," bulong niya sa akin. "Aasahan kong hindi mo sisiraan ang tiwala ko," banta pa niya.

Grabe naman. Parang nakaka-pressure? Though wala naman akong balak ipagkalat ang sikreto niya at sirain ang tiwala niya. Hindi naman siguro siya nakagawa ng krimen at nagtatago? Kaya tumango na lang ako.

"So eto na nga ..." Lumagok muna ulit sya at kumagat ng buffalo wings bago nagsalita, pampalakas siguro ng loob. "I'm ... homosexual. I'm a lesbian."

Napangaga ako sa sinabi niya, hindi makapaniwala. Hindi ko kase inexpect dahil—well, hindi halata? O hindi ko lang nahalata? Nasanay kase ako na pag tomboy, yung parang lalaki talagang gumalaw. Eh maarte pa siya sa akin! Kaya hindi ko talaga naisip.

"So ... t-tomboy ka?" nag-aalangan kong tanong.

"Obviously, hindi no! Nahiya naman 'tong pa-cleavage ko!" Tinuro pa niya ang suot siyang dress na may mababang neckline.

"H-ha?" Lalo akong nalito. Kakasabi niya pa lang, eh! Niloloko ba ako nito? Or sarcastic lang siya? Hindi ko ma-gets!

"Okay, ganito kase 'yan. Pag tomboy, babaeng boyish. Pwedeng magsuot siya ng panlalaking damit, panlalaki ang gupit ng buhok, maangas, or mahilig sa activities na stereotypically na panlalaki. Pero hindi ibig sabihin non, lesbian na agad siya. Kase it is a sexual orientetaion, we're homosexual. Meaning, babaeng attracted sa same sex. Pero, pwedeng pa-boy siya, or like me, labas diyoga pa rin!" mahabang paliwanag ni Lala.

Naliwanagan ako at napa-"aahh". Lumaki kase ako na pareho lang ang tomboy at lesbian. Hindi ko naman akalaing magkaiba pala sila at maling kaisipan ang naipasa sa'kin.

"Hindi mo naman need maging mas lalaki pa sa bouncer na 'yon para maging lesbian." Natatawang tinuro ni Mickey ang bouncers na naglalayo doon sa mga lasing na nagsuntukan sa dance floor.

"Dahan-dahan naman sa bouncer." Umikot ang mga mata ni Liz at maarteng sumimsim ng alak. Mukhang sensitive siya sa mga ganitong usapin kaya natawa ako ng mahina.

"Ghorl, bouncer ang sinabi ko, hindi bouncy!" pang-aasar pa ni Mickey kaya lalong nainis si Liz at pinalo siya sa balikat.

"Sa ayon no, tuluyan na nga tayong nalayo sa kwento ko. Pwede ko na bang simulan?" sarkastikong tanong sa amin ni Lala.

Kaya naman humarap na ulit kami sa kaniya at hinintay siyang magkwento. Baka kase kung saan pa mapunta ang usapan namin, hindi na natumbok pa ang main point. Curious na curious pa naman ako sa kwento niya. Feeling ko hindi pa natatapos sa pagiging lesbian niya.

Natawa siya nang nakita niyang abang na abang kami. "Basta talaga chismis."

Bayolente ang naging reaksyon nung dalawa. "Dali na! Andami namang arte!" reklamo pa ni Liz.

"Oo na! Oo na!" Iniripan niya kami. "So ayon na nga. Kaya ko sinabi yung kanina dahil nung high school ako, hindi pa ako out. Walang ibang nakakaalam na lesbian ako maliban sa friends ko," tuloy niya sa kwento.

Tumango-tango naman ako at kumuha pa ng isang baso ng alak habang nakikinig. Sa sobrang tutok ko sa pakikinig, hindi ko na nabilang pa kung nakailang baso na ako. Medyo nakakaramdam na nga ako ng hilo pero hindi ko na pinansin.

"Siyempre alam mo na, high school tapos girlies, hindi mawawala ang mga crush! Of course ako iba ang bet! Wala akong pake sa mga pa-pandesal ng basketball players pag nanonood kami ng friends ko. Habang sila ay tili nang tili sa mga crush nilang players. Ako naman tamang irap lang sa mga players na nagpapa-cute sa'kin." Nag-hair flip pa siya.

Pareho kaming natawa ni Liz sa ginawa niya. Sino bang hindi mawiwili sa pakikinig sa kaniya? Very expressive siyang magkwento. Pwede siyang mag-storytelling sa mga bata kase with facial expressions and actions pa siya.

"Eh dahil alam mo na, maganda ako." Proud niyang tinuro ang mukha niya. "May tatlong basketball players ang nanligaw sa'kin! At ang twist, crush sula ng mga kaibigan ko! Silang lahat, isa-isa sila sa tatlo. At dahil siyrempre may sis code, bawal mang-agaw."

Ngayon ay may konting idea na ako. Mukhang alam ko na ang patutunguhan nito.

"Edi ayon, inaway nila ako! Eh hindi ko naman kasalanang bet ako ng mga crush nila! Ang ginawa ko lang naman umupo sa bleachers. Kung tutuusin nga sila pa ang namilit sa aking samahan silang manood. Tapos sa'kin pa nagalit nung ako yung nagustuhan! Mga gaga, no?"

Tumango naman ako. Oo nga naman, kasalanan ba niya? Hindi naman niya inakit yung basketball players. Hindi naman niya nilandi. Naalala ko tuloy nung naging laman ako ng chismis sa university dahil lang sa apat ang manliligaw ko. Grabe, ang dami talagang insecure sa magaganda!

Wow! Ganda ka? Feeling mo naman.

Napailing-iling ako sa naisip at mahinang tinawanan ang sarili. Kaya napalagok ako ng isang baso.

"Pagkatapos non, siyempre evicted ako sa group. Friendship over, ganern!"

Ay, super relate naman ako! Kaka-split lang namin ni Nisha. At siyempre, masakit ang split lalo na pag hindi flexible.

Nagsalin ulit ako ng alak sa baso ko at tinagay 'yon.

"At eto pa ang malala! After few days kase ng friendship over namin, nakita nilang sinurprise ako ng isa sa mga crush! You know, yung may pa-balloons, cartolina with sweet message, tapos may pa-kanta eme eme pa! Edi namatay tuloy sa inggit ang mga pangit!" Nanlalaki pa ang mga mata niya at parang gigil na gigil.

Natawa tuloy ako dahil nakaka-engganyo talaga siyang magkwento. Kaso nagtaka naman ako nung sarili ko lang ang narinig ko. Nilingon ko tuloy yung dalawa dahil baka umalis pala sila at hindi ko namalayan dahil tutok ako sa pakikinig kay Lala. Pero nandon naman sila at seryoso silang nakikinig. Si Mickey nga ay nakayuko pa! Siguro alam na nila ang kuwento kaya ganiyan ang reaction nila?

"At alam mo kung anong ginawa nila?" Kumislap ang mga mga ni Lala nang tamaan ng ilaw. "P-pinagkalat nilang lesbian ako." At tuluyan na siyang naluha. Yumuko siya at pasimple niyang pinunasan.

Nalungkot naman ako dahil alam ko ang pakiramdam ng masiraan ng tiwala. Lalo na at hindi lang naman kase sa mga sumira non ka mahihirapang magtiwala ulit, eh. Kundi pati na rin sa iba. Lahat na ng tao paghihinalaan mo na. Lalo na at napakalaking sikreto ang binunyag nila. Isang sikreto na pinagkatiwala niya sa kanila. Kaya kung saan niya man nahugot ang lakas ng loob na i-share sa'kin 'to, gusto ko siyang i-commend. Hindi pa man niya ako masyadong kilala, pero nagawa niya akong pagkatiwalaan. Gusto kong sabihin na sana ako rin ay ganito kalaki ang tiwala sa kaniya—sa kanila. Pero ... mahirap pa rin talaga para sa'kin 'yon.

"Eh 'di nalaman ng buong school. Yung classmates ko, teachers, pati yung mga manliligaw ko. Lahat ng tao nag-iba ang tingin sa'kin. Lahat sila j-jinudge ako. Pakiramdam ko tuloy wala akong m-matakbuhan." Napahinto siya pagukwento dahil naiiyak na naman siya.

Kahit anong pigil niya'y tumulo pa rin ang luha niya. Pero pilit niya pa ring pinalakas ang sarili. Tumawa pa siya at pinaypayan ang sarili para pagtakpan ang lungkot at sakit sa mukha niya.

"At siyempre, mabilis kumalat ang balita. Nalaman din ng p-pamilya ko na lesbian ako. Yung mga magulang ko, hanggang ngayon hindi pa rin nila ako k-kinakausap." Tuluyan na siyang umiyak nang banggitin na niya ang mga magulang. "H-hindi pa rin nila akong t-tanggap."

Naluha na rin ako nang humagulgol na siya. Hindi niya deserve maranasan ang ganito. No one does. Una, hindi dapat kinalat ng mga kaibigan niya ang ganong impormasyon. At pangalawa, hindi dapat siya tratuhin ng ganon ng mga magulang niya. Dahil wala namang mali sa kaniya at wala naman siyang ginawang masama.

Lumapit ako sa kaniya at pinatahan siya. Sinubukan ko pang maghanap ng panyo or tissue kaso wala. Kaya nang nakita ko ang paper towel kung saan nakalagay ang french fries, kinuha ko agad 'yon ay pinampunas sa mukha niya.

"W-wait! Mamantika!" Nilayo niya kaagad ang kamay ko at hinablot yung tissue. "Mabel naman, eh!" Ngumuso siya at kunwari'y masama akong tinignan.

Tatawa na dapat ako nang narinig kong may humagulgol sa likod. Nang tignan ko ay si Mickey pala! Bakit siya umiiyak? Baka nadala rin siya sa kuwento? Sabagay nakakaiyak nga naman talaga.

"Oy, gaga! Umiiyak-iyak ka diyan! Guilty ka no?!" sigaw ni Lala.

Guilty? Napabalting tuloy ulit ako sa kaniya at nagtatanong ko siyang tinignan. Bahagya tuloy siyang natawa nang nakita ako.

"Isa kase ang gagang 'yan sa mga kinwento kong friend," imporma niya sa'kin na parang wala lang.

Habang ako naman ay nagulat sa sinabi niya. Nagpalipat-lipat pa ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"P-paano?" wala sa sarili kong natanong.

"Anong paano?" nagtatakang tanong ni Lala.

"Paano't ... kaibigan mo pa rin siya?" paglilinaw ko.

Sa totoo lang ay nag-aalangan ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang itanong 'yon. Pero gusto ko kase malaman kung bakit pa rin sila magkaibigan. Hindi ba siya nagalit at all? Or baka naman yung other two friends lang yung nag-out sa kaniya noon? Hindi ko alam. Medyo naguluhan ako doon. Dahil kung ako ang nasa position niya, baka habambuhay kong hindi pansinin si Mickey. Baka maaway ko pa siya.

"Aaminin ko, I'm not righteous. Kung iniisip mong hindi ako nagalit or napatawad ko siya agad despite what she did, huwag. Dahil sa totoo lang, ang hirap magpatawad kahit ilang beses pa siyang nag-sorry noon," sagot niya.

Kay Mickey lang siya nakatingin na hindi pa rin matigil sa pag-iyak. Hindi naman makatingin sa kaniya ang kaibigan dahil siguro guilty pa rin. Lalo na ngayong naungkat ang nangyari sa kanila noon.

"Pero wala eh, mula college hanggang sa trabaho nandiyan siya. Hindi na ako nilubayan ng gaga sa sobrang guilty." Natawa pa siya sa sinabi. "Sa katagalan, nagawa ko siyang mapatawad. Doon ko napagtanto na ang gaan pala sa pakiramdam non sana noon ko pala ginawa."

Halata sa tawa at mukha niya na kahit papaano, okay na talaga siya. Ako kaya? Kaya ko kaya ang sinabi niya? Hindi ko alam. Parang ang hirap magpatawad? Ang hirap na ngang maka-move on, paano pa kaya ang kalimutan ang isang napakalaking kasalanan? At kung makapagpatawad man ako, hindi ko alam kung mababalik pa yung dating samahan.

"Kung ano man ang pinagdaanan, pinagdadaanan, at pagdadaanan mo, always remember na maganda sa pakiramdam ang magpatawad. Pero, hindi mo dapat pilitin ang sarili mo. Just take your time." Nginitian niya ako at tsaka hinawakan ang kamay ko. "Healing is a long process. So huwag mong madaliin dahil lalo ka lang masasaktan at mahihirapan," dagdag pa niya.

Hindi ko na napigilang maiyak. Tagos kase sa puso ang advice niya sa akin. Tumatak sa puso't isip ko. Dahil magkaiba man ang kuwento namin, naka-relate pa rin ako kahit papaano. Pareho kaming nagtiwala sa kabigan na kalaunan ay sinira.

"At alam m-mo, hanggang ngayon ay guilty at n-nagsisisi pa rin ako. Kaya alam ko na gaano kaimportante ang t-tiwala. Natutunan ko kung pano maging totoong k-kaibigan." Umiiyak pa ring dagdag ni Mickey.

Kaya tumayo si Lala para lapitan siya at yakapin ng mahigpit. Naanting ang puso ko kaya napayakap din ako kay Liz. Umiiyak din kami habang pinapanood ang magkaibigan na parang bang ngayon pa lang sila nagkaayos.

"A-ano ba 'yan! Dapat nagsasaya tayo ngayon, eh! Mukha tayong tanga at dito pa talaga tayo nag-drama!" reklamo ni Lala. Pabiro pa niyang tinulak si Mickey para humiwalay sa yakap.

Kaya naman gumanti yung isa at tinulak siya ng malakas at nahulog sa upuan! "Ay shit! Sorry, napalakas!"

"Ikaw, ha!" Pinalo ni Lala ang braso ni Mickey. "Siguro masakit pa rin ang loob mo na ako ang niligawan ni bebeboi, no!" biro pa niya.

"Luh! Ang pangit lang non! Hindi ko nga alam kung bakit ko naging crush 'yon!" Humalukipkip si Mickey at umirap sa hangin.

"Ay nako! Tumigil na tayo at hindi na tayo nakpag-party party! Tara na sa dance floor, let's go!" Excited na tumayo si Lala.

Nakisali na rin ako nang puamapalakpak na tumayo si Mickey. Kaso naputol ang saya nang napansin namin si Liz, nakaupo pa rin at tutok sa cellphone.

"Sorry girls, pero kailangan ko nang umuwi!" Kunwaring malungkot niyang balita sa'min pero halata namang napapangiti siya! "Nendiyen ne ne kese se fefeble, eeh." Pabebe pa niyang inipit ang buhok niya sa likod ng tenga at tsaka humagikhik.

"Ano?! Eh hindi pa nga tayo nagsisimula sa party tapos uuwi ka na agad?!" protesta ni Lala.

"Nagdrama pa kase kayo, eh! Alam niyo namang ... iiiihhh!" Halos mangisay na siya sa upuan! "Alam niyo namang sabik sa'kin ngayon si fafable kase kararating niya lang." Sinuklay-suklay niya ang buhok niya gamit daliri. Tapos yung maiikli naman niyang mga paa ay sumipa-sipa pa!

"Oh siya! Oh siya! Alam naman naming miss na ni Trevor ang chicharon ng pinas!!" asar ni Mickey kaya sumama ang tingin ni Liz. "Chariz! Oh siya, laya na!"

Umirap muna si Liz at kumuha ng isang buffalo wing bago tumayo at umalis. Kinain niya 'yon habang naglalakad kaya may nabangga pa siyang lasing na pasuray-suray! Muntikan tuloy siyang natumba! Mabuti na lang naalalayan siya nung bagong dating na foreigner! Kaso medyo nag-aalala ako dun sa tingin nung lalaki. Parang kakain ng chicharon! Kaya lalapit sana ako para kunin siya do'n. Pero nung nakita kong inipit na naman niya ang buhok niya at pabebeng ngumiti, napagtanto kong 'yon ang fafable niya!

"Haaay! Buti pa si Liz may jowabels. Tayong tatlo nganga!" Naiinggit na sumimangot si Mickey.

"Hayaan mo na! Alam mo naman ang pinagdaanan niyan kay Tristan." Inismiran siya ni Lala. "At tsaka at least tayo, makaka-party! Eh kung may jowa kang strict, wala ka sana ngayon?"

"Oo nga, no?" Napaisip naman doon si Mickey at tumango-tango.

"Kaya tara na, daliiiii!" Tumakbo na agad si Lala papuntang dance floor at nakisayaw doon sa isang grupo ng mga babae.

Sumunod naman kaagad doon si Mickey at sinamahan ang kaibigan. Ako nama ay uminom pa muna ng isang baso ng alak kahit pa medyo nahihilo na'ko. Pampalakas ng loob. Kaya nang sumunod ako sa kanila ay halos magwala na ako!

Hindi ko na maramdaman ang sarili ko. Ang alam ko lang, masaya ako at magsasaya ako! Sayaw lang ako nang sayaw at kung kani-kanino ako nakipagsabayan. Hindi ko nga makita sina Lala pero hindi ko na inisip 'yon. Masayang kasayaw itong lalaking nakilala ko.

"What's your name?" tanong niya sa'kin habang sinusundan ang beat ng tugtog.

"I'm Mabel! You?" balik ko ng tanong bago ko tinanggap ang basong inabot niya. Ininom ko agad 'yon at halos iluwa sa sama ng lasa!

Natawa tuloy siya. "I'm Tristan!" pasigaw niya akong sinagot dahil lalong luamakas ang music.

Kaya lalong nag-ingay an mga tao at na-hype dahil doon sa dj na sigaw nang sigaw. Nakisabay naman ako doon at halos tumalon-talon na! First time ko at medyo ramdam ko na ang sakit ng paa. Pero hindi ko na ininda pa 'yon. Nakisayaw lang ako at tinuloy ang pakikipagkwentuhan kay Tristan. Kahit na mukha kaming nag-aaway dahil sigawan ang way of commication namin. Napatingin tuloy sa amin yung isang grupo ng babae at inirapan pa ako! Mga impakta! Inggit lang kayo, ble!

"Another drink? Promise, masarap na 'to." Nakangisi niyang inabot sa akin ang drink.

Tinanggap ko ulit 'yon ng walang pag-aalinlangan. Nang tikman ko, aba masarap nga! Natawa siya nang tumango-tango ako at tinuloy ang pag-inom.

"Do you have a boyfriend?" tanong niya pagkaabot uli sa'kin ng panibagong baso.

"Boyfriend?! Matagal nang namayapa!" Tumawa ako ng malakas.

"So you're brokenhearted because your boyfriend ... died?" naguguluhan niyang tanong.

"Broken?! Sinong nagsabing broken ako?!" Tumawa na naman ako ng malakas bago ko nilagok ang ang alak.

"So ... your boyfriend's death's nothing for you?" Parang gulat naman siya ngayon.

"Ha?! Patay?! Sinong patay?!" Inikot ko pa ang paningin ko pero wala naman akong nakitang patay! Ang saya nga ng mga tao rito, eh! Hayst! Kung ano-ano na pinagsasabi niya! Lasing na siguro?

Bumalik sa kaniya ang tingin ko nang narinig ko siyang tumawa. Umiiling-iling pa siya at maangas na nakatakip sa bibig ang kamay niya.

"Have another drink." Tumatawa pa rin siya nang inabot sa'kin ang parehong inumin.

Yung masarap 'to kaya tinanggap ko at kaagad ininom. Pero dahil doon, parang umikot ang paningin ko! Medyo ang labo na rin! Pero tuloy lang ako sa pagsayaw at talon kasabay ng mga tao kaya lalo akong nahilo. Tapos, naramdaman ko na lang ang mainit na hininga ni Tristan sa tenga ko. Ang lapit na pala niya!

"Would you like to come with me?" tanong niya, malandi at husky ang boses.

"H-ha?" Pasara-sara na ang ang mga mata ko pero nilabanan ko.

Naramdaman kong hinawakan niya ang likod ko at mas pinaglapit ang mga katawan namin. Gusto ko siyang pigilan pero masyado na akong nanghihina! Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa!

Naaninag ko ang malaki niyang ngisi bago ulit niya nilapit labi niya sa tenga ko. "Let's go—"

Naramdaman ko na lang na may humila sa'kin kaya lalong naalog ang ulo ko at nahilo! Hindi ko alam kung sino 'to pero alam kong hindi si Tristan ang may hawak sa'kin ngayon. Nang inangat ko ang ulo ko para tignan kung sino, nasilaw ang sa ilaw kaya napayuko agad ko at napasandal sa katawan niya.

"Who the hell are you, huh?! What the fuck is your problem?!" Kinabahan ako nang narinig ko ang galit na boses ni Tristan! Nakakatakot!

"My problem? Your filthy hands are touching my girl," mariing sagot ng may hawak sa'kin.

Teka! Parang pamilyar ang boses niya? Sino kase—Venn?! Si Venn! Si Venn? Siya ba talaga 'to? Bakit siya nandito? Paano siya nakapunta rito?

"Your girl?" Sarkastikong tumawa si Tristan. "She said she doesn't have a boyfriend, fucker!"

"Meron na siya ngayon so fuck off!" Sa sigaw niya ko tuluyang napagtantong si Venn nga 'to.

Pero nagulat ako nang narinig siyang magmura. Ngayon ko lang siya narinig magmura. Hindi ko alam pero ang hot pakinggan. Luh! Hele! Nahawa na ata ako kay Liz!

"Let's go," malumanay niyang bulong sa'kin bago ako inakay paalis.

Pero hindi pa kami nakakalayo nang naramdaman kong hinila kami. Muntikan pa kaming matumbang dalawa dahil doon! Feeling ko hahandusay talaga ako sa sahig kung walang sumalo at umalalay sa'kin!

"O-okay ka lang ba, Mabel?" tanong sa'kin ni ... sino nga ba 'to? Si Mickey!

Tumango lang ako at tsaka binalik kay Venn ang tingin. Nang aninagin ko ay hawak niya ang panga niya. Tapos nakatingin siya ng masama sa harap. Mabilis siyang tumayo ng maayos at tsaka sinapak si Tristan! Humandusay sa sahig ang lalaki at pumutok ang labi! Susuntok pa sana siya nang dumating na ang bouncers para pigilan ang gulo. Inalalayan nilang tumayo yung manyak at nilayo dahil masama pa rin ang tinginan ng dalawa.

Dahil hindi ko na kayang pigilan ang sakit ng ulo ko at antok, tuluyan nang nagsara ang mga mata ko. Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin na parang prinsesa. Nang buksan ko ng konti kanan kong mata, naaninag ko ang ibabang view ng mukha ni Venn. Hindi ko alam, pero naramdaman kong safe ako sa kaniya. Kaya hinayaan kong sumandal sa dibdib niya ang ulo ko at tuluyan nang nagpahila sa antok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top