Chapter 4
Mabuti naman at after non ay tinigilan na nila ang pag-iissue sa amin ni Venn. Naloka talaga ako sa mga pinagsasabi nila! Grabe, sa dinamidami kong nakasalamuha at sa daming beses ko nang nakasama ang lalaking 'yon, never pa kaming nasabihang bagay kami! Kaya hindi ko talaga alam kung saan napulot ng tatlong 'yon ang ganon.
Umiling-iling na lang ako at nag-focus na sa trabaho. Kailangan kong matapos agad dahil hindi ako pwedeng mag-OT since lalabas kami mamaya nina Mimi. Nang dumating kase ako rito sa Manila last week, busy sila sa trabaho kaya hindi na nila ako nasundo. Tapos ako naman na-busy din sa pag-aayos ng mga papeles, gamit, at trabaho. Kaya ngayon pa lang niyan kami makakapag-bonding after two months since nung visit nila sa Cebu.
Sobrang excited tuloy akong nagpunta sa parking! Kaso pagkarating ko doon, nagkita na naman kami ni Venn. Nagulat pa nga siya nang nakita ako! Naaligaga siya at hindi alam kung saan haharap. Kaya nagtaka ako, lalo na nang dali-dali siyang pumasok sa sasakyan niya pero hindi naman umalis. Ano naman kaya 'yon?
Iniiwasan ba ako non? Eh 'di ... maganda! At least, hindi ko na rin kailangang mag-effort masyado. Kung pareho naming iiwasan at hindi papansinin ang isa't isa, mas giginhawa ang buhay. Mas maayos kung ganito. Mas maganda sana kung hindi na kami magkita pero mukhang imposible sa lagay naming 'to.
Pero hindi ko na inisip pa 'yon. Pumasok na ako nang sasakyan ko para makaalis na dahil siguradong traffic, baka ma-late pa ako. Kaso, nang ini-start ko na ang makina, ayaw gumana! Ilang beses kong sinubukan pero ayaw talaga!
Hala! Ano'ng nangyayari? Bakit ganito? Haist!
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan sana sina Mimi at papasundo na lang ako. Pero siyempre, malas forever, saktong nag-expire ang load ko! Ano na niyan ang gagawin ko?
"Mabel?
Napaigtad ako nang may kumatok sa bintana ko. Si Venn!
"Mabel, may problema ba?" tanong niya, puno ng concern.
Wait, sasabihin ko ba? Nakakahiya naman kasi kung sa kaniya pa ako humingi ng tulong. Maghapon ko siyang iniwasan, parang blacklisted sa buhay ko. At tsaka kaibigan siya ni Luigi! Pero, pag kasi hindi ko binaba ang pride ko, baka hindi ako makaalis dito! Yawa, anong gagawin ko?
"Mabel? Okay ka lang ba?"
Mariin akong pumikit at huminga ng malalim. Okay! Babawi na lang siguro ako sa kaniya tapos iwas na ulit! Sige! Ganon na lang kase sa walang mangyari sa akin.
Binuksan ko ang pinto at bumaba para harapin siya. Kaso pagkababa ko naman, parang akong naputulan ng dila! Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko! Hindi ko rin alam kung anong klaseng tulong ang hihingin ko. Basta sabihin ko na lang siguro ang problema? Tapos bahala na siya kung anong klaseng tulong ang maibibigay niya. Bahala na!
"Uhm ... ayaw kasing mag-start ng kotse ko," nahihiya kong pag-amin. Hindi man ako makatingin ng diretso sa kaniya.
"Oh ... okay." Tumango-tango siya habang sinisipat ang kotse ko. "Do you mind if I try starting your car?" nag-aalinlangan niyang paghingi ng permiso.
"Uh ... no! Go ahead." Tumabi ako at hinayaan siyang umupo sa driver seat.
Sinubukan niyang ring i-start ng ilang beses pero namamatay lang din. Tapos binuksan niya ang headlights, nag-blink naman. May ilan pa siyang tinignan bago siya bumaba at humarap sa akin.
"Yung battery ang problema. Meron ka bang jump starter?" tanong niya sa akin habang fino-fold ang sleeves ng dress shirt niya.
"Uh ... w-wala, eh," nahihiya kong sagot.
Tumango lang siya at tsaka tumakbo pabalik sasakyan niya. Nilapit niya iyon sa harap ng akin. Pagkatapos ay may kinuha siya trunk ng sasakyan—nilabas niya ang jumpers. Binuksan niya ang hood ng mga sasakyan namin at may kung anong pinagkonekta.
"Venn?"
Napalingon ako sa babae nang tawagin niya si Venn. Siya yung kasama niya sa Pizza Hut kahapon! Baka girlfriend niya?
"Tessa!" Gulat na napaangat ng ulo si Venn na busy sa kotse ko. "Uhm ... can you wait for a little bit? My friend needs help." Tinuro niya ako.
Ay so kasabay pala niya? Nakakahiya naman kung maghihintay yung girlfriend niya dahil sa akin! Nakita kong sandaling napatigil yung babae at tsaka ako tinignan. Hindi nakatakas sa akin ang pagtaas niya ng kilay at pasimpleng pag-irap! Pero nung humarap kay Venn, okay lang daw at tsaka ako nginitian.
"Uh ... ano ... Venn, okay na mauna na kayo. Tawagan ko na lang si Mimi para magpasundo." Obvious naman na hindi okay sa girlfriend niya. Baka mag-away pa sila dahil sa akin! Tsaka halatang mataray at maarte, baka ako naman ang awayin.
"N-no, it's okay. She can wait." Nakita kong nag-panic siya sa sinabi ko. Bumaling pa siya sa girlfriend niya para siguro kumuha ng assurance. Pilit namang ngumiti yung babae at tumango kaya nag-proceed na siya sa ginagawa.
Hinayaan ko na lang. Nasimulan na rin naman na, sayang naman ang effort kung ititigil. Kung mag-away man sila, labas na ako don.
Ni-start niya ang sasakyan niya at tsaka tumayo sa gilid. Ilang minuto rin kaming ganon. Walang nagsalita, hindi nagkikibuan. Patingin-tingin lang ako pero sa totoo lang ay nao-awkwardan na ako. Bakit ba kasi ako napunta sa sitwasyong 'to? Pesteng sasakyan kasi!
Napatayo ako ng maayos nang lumapit siya kotse ko at sinubukan ulit i-start. Kaso ayaw pa rin talaga! Kaya maghintay pa raw ulit kami. Kaya ngumiti na lang ako at tumango kahit kinakabahan na ako sa matalas na tingin nung jowa niya. Pagkalipas ng ilan pang minuto, sinubukan niya ulit pero ayaw pa ring mag-start!
"Uhm ... one last try. Let's give it another five minutes." Nahihiya niya akong nginitian at tsaka kinamot batok.
"U-uh ... o-okay lang! Papasundo na lang ako!" Sa totoo lang ay gusto ko na siyang itulak papasok sa kotse niya dahil ang sama na ng tingin nung girlfriend niya! Nakakailang buntong hininga na siya tapos pumapadyak-padyak pa! Ito naman kasing si Venn, ni hindi man tignan!
"A-ah ... hindi! Isa pa, malay mo gumana na," pilit pa rin niya.
Wala na akong nagawa kundi hayaan siya. Basta, sinasabi ko talaga, huwag nila akong madamay-damay sa away nila pag nagkataon. Kinumbinsi kong mauna na si Venn, not just once, but twice. Kaya pag talaga inaway ako ng girlfriend niya, nako talaga ewan ko na lang.
"Uhm ... kumusta ka na pala?" tanong ni Venn out of the blue.
Napaturo pa tuloy ako sa sarili ko para siguraduhing ako talaga ang tinatanong niya. Sa akin kasi siya nakaharap, eh! Pero ayaw ko namang mag-assume.
Tumango lang siya at tipid na ngumiti.
"O-okay naman ako." Pilit ko siyang nginitian.
Siyempre hindi ko naman pwedeng sabihing bothered ako sa presence niya, no! Tsaka ayaw nang masyadong ungkatin ang nakaraan, lalo na pag sila ang kaharap. Baka isipin niya apektado pa rin ako at hindi pa naka-move on. Dahil excuse me, moved on na moved na ako!
"That's nice to hear." Bahagyang lumaki ang ngiti niya.
Pero kalaunan ay unti-unti 'yong nawala at tsaka siya yumuko, hindi ulit ako matignan ng deretso. Tinuon niya ang mga mata niya sa kamay niyang hindi mapakali't pinaglalaruan.
"I want to apologize again for ... what happened. I know I should have done something. I'm so sorry." Inangat niya ang ulo niya't malungkot akong tinignan.
Hindi ko inasahan ang paghingi niyang tawad kaya napatigil ako. Hindi ko alam kung paano ako mag-rereact. Walang lumabas na silat sa bibig ko, wala akong maisip na sasabihin. Kaya ilang sandali rin kaming nagtinginan. Nang ramdaman namin ang ilang, sabay naming nilipat ang mga mata namin. At sakto namang sa girlfriend niya ako napatingin. Sobrang sama na ng tingin sa amin!
Oo nga pala! May naghihintay nga pala sa kaniya!
"U-uh, Venn, yung..." Tinuro ko ang sasakyan sa kaniya para ipaalala.
At tila'y nakalimutan din niya. Dali-dali siyang lumapit sa sasakyan ko para subukang i-start. Kaso ayaw pa rin. Mukhang wala talaga.
"Seems like we need a mechanic to repair this," malungkot niyang imporma sa akin.
Yawa! So paano na niyan? Mag-commute na lang siguro ako?
"Okay lang. Thank you sa tulong mo, ah?" Tatalikod na sana ako nang nagsalita na naman siya.
"Sabay na lang kita, same naman tayo ng uuwian."
Nagulat ako sa sinabi niya! Seryoso ba siya? Isasabay niya ako sa girlfriend niya? Eh ang sama nga ng mukha dahil sa paghihintay! Baka sabunutan na talaga ako niyan! Tsaka nakakahiya naman! Tinulungan niya na nga ako sa sasakyan, tapos sasabay pa ako? Baka mabaon ako sa utang na loob sa kaniya. Ayaw ko non!
"H-hindi na! Hindi pa naman ako uuwi. Magbu-book na lang ako ng grab," tanggi ko.
"That would be hassle ... and ... I'm worried." pilit pa rin niya! Magkasalubong ang mga kilay niya tapos ay nakanguso pa. "What if something bad happens? It's dangerous, Mabel."
"P-pero sa SM Manila pa ako, eh. Out of the way sa condo," pagdadahilan ko.
Kaso lumiwanag lang ang mukha niya sa sinabi ko. "No! It's actually nice kasi malapit lang sa place ni Tessa ang SM." Nilingon niya ang girlfriend niyang mukhang naiinis na. "Right?"
"Y-yeah." Pilit niyang binalik ang ngiti sa labi niya at tumango.
Nako. Paano ba 'to? Nakakahiya talaga. Pero sa totoo lang ay tempting ang offer niya. Hindi nga ako mahihirapan kesa sa mag-commute. Tapos, I think safe naman ako kung sa kaniya? I mean, hindi naman siguro niya ako papatayin or what di 'ba? Wala naman siguro siyang masamang gagawin? Ni ipis nga hindi kayang saktan nyan.
Napahinga akong malalim at tumango. Mas madali nga kung sasabay na lang ako sa kaniya. Tsaka umoo naman 'yung girlfriend niya kahit mukhang labag sa loob. Hindi naman siguro ako aawayin nito.
"I know a mechanic so don't worry about your car. Siya na ang bahala rito," imporma niya sa akin na tinanguan ko na lang.
Mabilis niyang tinanggal ang jumpers at sinara ang hood ng mga sasakyan namin. Kinuha ko na ang mga kailangan kong gamit bago ako naglakad papunta sa kaniya. Sa likod sana ako sasakay dahil alam kong sa passenger's seat ang girlfriend niya. Kaya nagulat ako nang buksan niya 'yon at minuwestra akong umupo doon!
Pareho kaming nagulat nung girlfriend niya. Sasabihin ko sanang sa likod na lang ako nang nanuna nang pimasok doon yung babae. Kaya wala na akong nagawa kung hindi pumasok at umupo doon sa shotgun.
Walang nagsalita sa amin sa buong biyahe. Ang awkward nga, eh! Lalo na at ramdam kong galit ang girlfriend ni Venn sa likod ko. Tapos siya naman ay tingin nang tingin sa akin! Hindi man niya maramdamang may toyo na ang jowa niya! Red flag!
Kaya halos tumalon na ako palabas ng sasakyan nang nakarating na kami. Noon na lang ako nakahinga ng maluwag!
"Thank you." Nginitian ko siya at tsaka ko tinanggal ang seatbelt.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang naunahan na ako ni Venn. Nginitian ko na lang siya at nagpasalamat ulit nang nakababa na ako.
"Take care," paalam niya.
Nginitian ko na lang siya at kinawayan bilang tugon.
Agad akong tumalikod at mabilis naglakad papasok ng mall. Dumeretso ako sa Starbucks dahil doon namin napag-usapang mag-meet. Pagkarating ko doon, may kani-kaniyang drinks na sila at nagkukwentuhan. Parang bang hindi man sila worried na wala pa ako kahit isang oras na akong late sa na-set na time! Hindi man nga nila ako tinawagan o tinext man lang para tanungin kung nasaan ako!
"Well, inisip lang namin na late ka lang. Sanay na kami, eh!" Tinaasan ako ng kilay ni Nisha,
"A-ano?! So hindi man talaga kayo nag-overthink na may nangyaring masama sa akin or something?" Medyo na-offend ako at nakaramdam ng inis dahil parang wala man nga talaga silang paki!
"Alam naman naming traffic so..." Nagkibit lang ng balikat si Mimi.
"Tsaka bakit ka ba na-late?" tanong ni Nisha.
Huminga muna ako ng malalim bago ko kinwento sa kanila ang nangyari. Lahat kinwento ko! Including the detail na sa pareho kami ng tinitrhan ni Venn at sa iisang building lang kami nagtatrabaho!
"Ano?! Gaga, lumipat ka na!" Naaligaga na si Nisha.
"Ha? Bakit naman?" pagtataka ko.
"Eh paano kung doon din pala nagtatrabaho yung mga gago niyang kaibigan? Yung ex mo? Eh alam mo naman, isang package ang apat na 'yan!" Nanlalaki ang mga mata niya at ang lakas pa ng boses! Napatingin tuloy sa amin ang ibang customers! Nakakahiya!
"Hinaan mo nga boses mo," mariin kong bulong sa kaniya."Tsaka hindi ko pa naman nakikita yung tatlo. Feeling ko hindi naman siya kasama."
"Pero paano kung hindi lang pumasok?" sabay ni Mimi.
"True! Alam mo naman ang mga 'yon, tarantado forever!" pagsang-ayon naman ni Nisha, gigil na gigil pa!
"P-pero ... nakakahiya naman kung mag-resign agad ako sa trabaho? Hindi ba parang ang unprofessional non?" Kebago-bago ko pa lang tapos aalis na kaagad ako? Ang pangit namang tignan na dalawang araw pa lang mula nang nagsimula ako. Baka isipin nila nag-job hopping ako.
"Eh paano kung makita mo na naman sila? Paano kung makita mo si Luigi? Ano? Mag-iiyak ka na naman? Eh todo effort ka nga sa pag-move on." Puno ng pag-aalala si Nisha.
Na-touch naman ako nang napagtanto kong inaalala lang nila ako. Sabagay, alam nila ang mga pinagdaanan ko sa nagdaang mga buwan. Feeling ko hindi ko na maaalis sa kanila ang pag-aalala kahit ano pang assurance ang ibigay ko sa kanila.
"Hindi ko naman siguro sila miiwasan. I mean, ang liit lang ng mundo. Kahit siguro saan, may chance akong ma-encounter sila."
Nakita ko silang tumango-tango at ngumiti kahit nag-aalinlangan pa rin.
"At tsaka bakit ako mag-aadjust? Matagal na kaming hiwalay ni Luigi. Pinutol ko na siya sa buhay ko. So dapat, wala na siyang epekto sa akin, 'di ba?"
Napagtanto ko kasi na kung iiwasan ko sila, lilimitahin ko lang ang sarili ko. Kung sila—lalo na siya, nabubuhay ng matiwasay at hindi apektado sa mga nangyari, bakit ko pahihirapan ang sarili ko maiwasan lang sila? Eh unang una sa lahat, sila ang may atraso sa akin, not the other way around.
Napangiti sila at sumang-ayon sa sinabi ko. Huminga pa ng malalim si Nisha na parang bang nabunutan siya ng tinik. Habang si Mimi naman ay niyakap pa ako.
"Oh, tara na! Hindi tayo nagpunta rito para mag-drama. We're here to bond!" Pumalapak sa excitement si Nisha. Tumayo na siya at nauna nang naglakad palabas ng SB kaya natatawa na lang namin siyang sinundan ni Mimi.
"Kakain ba muna tayo or shopping?" tanong ni Mimi sa amin.
"Kain na lang muna? Para deretso uwi na pagkatapos nating mamili," suggestion ko.
Pumayag naman sila kaya namili na muna kami ng masarap kainan. Gusto ni Mimi ay mag-pizza at pasta na lang kami. Kaso gusto kong kumain ng Filipino foods. Habang si Nisha naman ay nagc-crave daw sa Samgy! Sa hinaba-haba ng diskusyon namin, sa Jollibee kami nauwi.
"Sa susunod nga mag-set tayo ng bakasyon. Hindi yung puro mall lang ang beauty natin!" Masama ang loob ni Nisha habang nginunguya ang Chickenjoy niya.
"Sige tingin ako ng holidays or kahit long weekends man lang," pangsang-ayon naman ni Mimi na busy sa pag-twirl ng spaghetti.
"Gusto ko beach! Pero huwag sa Boracay, masyadong matao. Ayoko sa mga tao." Napairap pa si Nisha na kasalukuyang naiinis sa paghimay ng manok. Kaya bandang huli ay kinamay na niya.
"Speaking of beach pala, magkakaroon daw kaming team building sa Crystal Beach. Zambales daw," imporma ko sa kanila nang nalunok ko na ang kinakain kong Burger Steak.
"Ay wow! Sanaol!" komento ni Nisha.
"Tignan ko kung maganda. Kung okay, doon na lang tayo magbakasyon. What do you think?" suggestion ko. Pinakita kasi sa amin ni Mickey kahapon ang pictures ng resort at mukhang maganda naman.
"Ay bet ko yan!" Masayang tumango-tango si Nisha.
"Haaay! Sayang talaga at hindi hiring sa amin. Eh 'di sana magkakasama na tayong tatlo sa trabaho!" Napasimangot naman si Mimi.
Sa totoo lang ay nalungkot din ako non. Eh ang isa nga sa mga dahilan kung bakit ako bumalik dito sa Metro ay dahil sa kanilang dalawa. Kaso wala naman daw palang bakante sa kanila.
Pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan pa muna kami sandali bago tumayo. Nag-ikot-ikot na kami at nagtingin ng puwedeng mabili. Pero ako, siguro ay window shopping na muna. Marami-rami akong nagastos sa pagabalik dito. Condo unit pa lang halos umurong na ako.
"Ay 'di ba sabi mo may team building kayo sa beach? Try mo 'tong swimsuit dali!" Tinapit sa akin ni Nisha ang isang green na two piece!
"Ih! Alam mo namang hindi ako nagsusuot ng ganiyan," tanggi ko.
Hindi akong komportableng nagsusuot ng mga ganito. Pakiramdam ko kasi ay hindi naman bagay sa akin, baka ma-judge pa ako ng iba. Lalo na at hindi naman ganon kaganda ang katawan ko para ipakita pa sa iba. Hindi naman kagaya ng mga artista at model.
"Pwes! Ito na ang time para magsuot ka na ng ganito dahil single ka na! Ang ganda kaya, oh!" pilit pa rin niya!
"Hindi nga ako komportable!" Hindi ko na napigilan pang pagtaasan siya ng boses sa inis.
Palagi naming pinag-aawayan 'to tuwing magbi-beach kami. Kaso noon, nadadahilan ko pang ayaw ni Luigi na magsuot ako ng ganito kahit hindi naman talaga. Eh ngayon wala na akong pwedeng alibi!
"Masasanay ka rin! Tsaka ang ganda nito sa pictures! For sure, mare-realize ni Luigi kung sino ang niloko't iniwan niya!" Ang laki pa ng ngiti niya akala naman niya natuwa ako.
Wala na akong balak pang maghiganti o kung ano pa kay Luigi. Hindi na sa kaniya umiikot ang mundo ko. Kaya tanalikuran ko si Nisha para takasan. Alam kong hindi ko talaga siya mapipigilan sa balak niya.
Nagtago ako sa pagitan ng shelves. At dahil nakatuon ang pansin ko sa pagtago at takbo mula sa kaniya, may nabunggo ako! Napaangat ang ulo ko para sana mag-sorry. Kaso nang nakita ko kung sino, nanlaki ang mga mata ko. Yawa!
"Mabel?"
Napakaliit talaga ng mundo! Sa dinami-dami ng tao, siya pa talaga ang nabangga ko. Nakaramdaman kaagad ako ng kaba sa posibleng mangyari. Kaya tatalikod na sana ako para wala ng gulo.
"Huli ka, Mab—"
Napapikit na lang ako nang mariin nang narinig ko si Nisha sa likod ko! Humarap kaagad ako sa kaniya para hilahin na siya palayo. Kaso nilagpasan na niya ako at sinugod si Meraki!
"Hoy! Putanginamo anong ginagawa mo dito, ha?!" Ang sama ng tingin niya, pulang pula ang mukha halos umusok na ang ilong at tenga. Kung hindi ko lang siguro siya naharang baka pinagsasampal na niya!
"N-nica?" Napaatras si Meraki at napataas ang mga braso niya para panangga kay Nisha.
Pareho kaming napatigil ni Nisha nang maling pangalan na naman ang natawag sa kaniya! Yawa, hindi ko na talaga mapipigilan ang isang 'to! Pero hindi ko siya pwedeng palapitin. Baka pag umabot sa pisikalan, sa pulis na kami dalhin!
"A-ano?! Nica?!" Lalong nagpumiglas si Nica kaya halos matumba na kami! "Pagkatapos mo akong lokohin, hindi mo man matama-tama ang pangalan ko?! Gago ka talaga!"
Mabuti na lang at lumapit na sa amin ang ibang staff at si Mimi. Dahil kung hindi, baka tumilapon na ako!
Hinila namin palayo si Nisha. Nagpupumiglas kasi siya at gusto niya talagang sugurin. Kung ano-anong masasakit na salita ang sinabi niya. Pinagtitingin na tuloy kami ng ibang tao, pati mga nasa labas ng store ay nakiusyoso na! Kaya pinaalis na lang namin si Meraki para tumigil na itong isa.
Bago kami umalis ay humingi kami ng dispensa sa mga staff at sa mga taong nakakita. Umuwi na kaagad kami dahil nakakahiya! Andaming nakakita! Maraming nagchichismisan at mayroon kaagad silang kani-kaniya nilang komento kahit hindi naman nila alam ang buong kuwento.
Hanggang sa paglabas ay pinagtitinginan kami dahil sa hitsura ni Nisha. Mukha siyang nakipagrambolan! Gulo-gulo ang buhok niya. Ang sama ng tingin pero tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata niya. Basang basa tuloy ang mukha niya.
Dinala namin siya sa sasakyan ni Mimi at sa unit ni Nisha kami umuwi. Doon na siya nagsimulang maglabas ng mga sama ng loob. Hindi namin alam kung paano siya pakalmahin dahil tuloy-tuloy siyang nagsalita at pinagmumura pa si Meraki.
Napaisip tuloy ako. Ganito rin kaya ako pag nagkaharap ulit kami ni Luigi? Huwag naman sana. As much as possible wala sana akong maramdaman. Kung magalit man ako, sa tingin ko ay hindi ko naman siya susugurin? Hindi ko masabi dahil hindi pa nangyari. Pero sana talaga makapag-isip ako ng maayos.
"Oh, inom ka muna." Inabutan ng tubig ni Mimi si Nisha.
"Gagong 'yon," nanggigigil pa rin si Nisha. Halos mabasag na ang baso sa sobrang higpit ng hawak niya.
Kinabahan naman ako kaya kinuha ko agad 'yon mula sa mga kamay niya. Baka pag nabasag sugatan niya pa ang sarili niya o ano. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Hindi ko alam kung ano ang posible niyang gawin.
"Pasalamat siya at hindi ako nakalapit! Kung hindi, baka basag ang bayag niya!"
Natakot ako sa pagdagundong ng boses niya sa buong kuwarto. Ganito rin siya nang nalaman niyang may ... babae si Meraki. Kaya dapat talaga ay bantayan siyang maigi. Baka kung ano na naman ang maisipan niyang gawin.
"Kumuha nga kayong beer sa ref!" utos niya sa amin!
"Tangek! May trabaho pa tayo bukas! Huwag kang maglasing!" suway ni Mimi sa kaniya.
"Dila na! Isang lata lang naman, eh!" pilit pa rin niya.
Nang hindi kami pumayag, siya na mismo ang kumuha. Napasunod tuloy kami sa kaniya dahil sa kusina siya nagpunta. Marami pa namang kutsilyo doon!
Naglabas siya ng anim na can ng beer. Umupo siya sa dining at nilagok kaagad yung isa. Kaya napabuntong hininga na lang kami ni Mimi at umiling-iling. Wala kaming nagawa kung hindi samahan siya. Hindi rin naman siya papapigil kaya bahala na.
"Animal talaga 'yang Meraki na 'yan! Kumukulo talaga ang dugo ko pag nakikita ko siya!" Humigpit ang hawak niya sa beer kaya medyo nayupi ang can!
Nanlaki ang mga mata ko sa nasksihan. Tapos ay binalik ko sa hitsura niya ang tingin ko. Although kita ko ang galit, alam kong may halo pa rin 'yong sakit. Napaisip na naman tuloy ako at nalagay ulit ang sarili ko sa sitwasyon niya.
Hanggang kailan kaya ako galit kung sakali? Hanggang kailan kaya ako may sugat? Kailan kaya kami makakalimot? Kailan kaya kami magiging totoong masaya? Yung walang dinadalang mabigat sa pakiramdam. Yung bang maginhawa lang? Masaya at puno ulit ng pagmamahal.
"Cheers sa mga malas sa pag-ibig!" Tinaas ni Nisha ang beer niya kaya nakipag-cheers na lang kami.
Sinakyan na lang namin ang trip niya. Hindi rin naman niya napansing di na namin iniinom dahil lasing na siya.
"Hindi ka pa ba inaantok?" bulong ko.
Antok na antok na kase ako! Tapos may pasok pa ako bukas! Maglasing-lasingan na lang kaya ako para makatakas? Kunware knock out na ganon tapos deretso tulog? Kaso hindi ko naman pwedeng hayaang mag-isa si Mimi. Baka bigla na namang magwala si Nisha.
"Ano? May binulong ka ba, Mabel?" baling sa akin ni Nisha. Naniningkit ang mga mata niya at sobrang pula na ng mukha. Siguro konti na lang ay babagsak na 'to.
Napangisi ako sa naisip. "Ang sabi ko, CHEERS!" Tinaas ko ulit ang can at nakipag-cheers naman sila.
At kagaya kanina, si Nisha lang talaga ang uminom sa amin. Lalo akong napangisi nang ni-straight niya yung isang lata. Well, gusto naman talaga niyang malasing. Kaya lasingin na lang kaagad para matapos na 'to at makatulog na kami pare-pareho!
Tutok na tutok kami sa kaniya lalo na at payuko-yuko na siya. Kaya nagulat kami nang bigla na lang siyang tumawa ng malakas! Hala! Tuluyan na atang nabaliw!
"Akala niyo maloloko niyo ako?" Tumawa na naman siya. "Hindi niyo ako madadaya—" Naputol ang sinasabi niya nang tuluyan na siyang bumagsak.
Nagkatinginan kami ni Mimi at napahinga na ng maluwag. Pinagtulungan namin siyang ibuhat papunta sa kuwarto niya. Pagkatapos ay hinilamusan namin siya at pinalitan ang damit niya ng pantulog. Nang maayos na siya, kami naman ang naghilaoms at nagpalit ng damit. Mayroon naman kaming mga naiwang damit dito dahil madalas kaming mag-overnight noon.
Nag-set ako ng alarm dahil may pasok pa ako bukas. Hindi ako puwedeng umabsent.
***
Pagkapasok ko pa lang, nakita ko agad si Venn sa tapat ng elevator. Parang may hinihintay dahil pinapauna niyang sumakay ang iba. Pero nang nakita niya ako, nagpatay-malisya siya at tumayo ng deretso. Parang bang hinihintay niyang bumaba ulit ang elevator. Kahit naguguluhan sa kaniya ay hindi ko na lang pinansin 'yon. Baka hinihintay niya ang girlfriend niya.
Nang nasa tabi na niya ako, nginitian namin ang isa't isa. Pero pagkatapos ay hindi na ulit kami nag-imikin. Although kita ko sa reflection sa pinto ng elevator na tumitingin-tingin siya sa akin.
"Uhm ... paano ka pala ano ... nakapasok?" Napakamot siya sa ulo at nahihiya akong nginitian.
"Paano ako nakarating dito?" paglilinaw ko. "Hinatid ako ni Mimi."
"Aahhh ..." Tumango-tango siya. "Good Morning pala," bati niya.
"Good Morning." tipid ko siyang nginitian.
"At ano ... naayos na pala ng mekaniko yung sasakyan mo. Eto yung susi." Bahagya pang nanginginig ang kamay niya nang inabot niya sa akin.
"Salamat."
Nang tumapat na ang elevator at bumukas ang pinto, pumasok na ako dahil akala ko maiiwan siya. Wala pa kasi ang girlfriend niya. Kaya laking gulat ko nang sumunod siya sa akin!
Kahit hindi lang kaming dalawa sa elevator, nakaramdam pa rin ako ng awkwardness. Lalo na at na-engkwentro lang namin ang kaibigan niya kagabi at inaway pa ni Nisha. And speaking of, bakit parang unaware si Venn? Hindi ba nakwento ni Meraki sa kaniya? I mean, for me, yung mga tipo nila ay yung pagkukwentuhan ang mga nasaktan nilang babae. Tapos pagtatawanan. It's something that will feed their ego, eh.
Nang nasa floor na kami ng department ko, dumeretso na lang ako ng labas. Hindi ko kase alam kung kailangan ko bang magpaalam. O tunguan man lang siya? Ngitian? Hindi ko talaga alam kung paano siya pakikitunguhan. Pakiramdam ko kase ang bait niya sa akin para awayin ko. But at the same time, parte pa rin siya ng nangyari sa nakaraan. Kaibigan siya ni Luigi!
Buong maghapon ko tuloy pinag-isipan ang bagay na 'yon. Hindi nga ako makausap ng maayos nila Lala dahil lumilipad ang isip ko! Ang sabi ko na lang sa kanila ay puyat ako dahil lumabas ako at nag-overnight with friends.
Natapos ang araw na okupado ang isip ko at hindi makapag-focus. Lutang pa rin ang utak ko habang nag-aayos ng mga gamit para umuwi nang nag-text si Mimi. Gumising ang utak ko sa nabasa!
[Mabel balik ka rito sa unit ni Nisha!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top