Chapter 35
Pero pagkatapos ng ilang araw, nahimasmasan din ako. Parang pala akong tanga at bata. Kaya inunblock ko ulit siya at lalabas sana para mag-aral ulit sa coffee shop. Pero pagkabukas ko ng pinto, may isang box ng cake sa tapat nito!
Nang napansin ko ang kaparehong sticky note na nakadikit sa taas, dinampot ko agad at dinala sa loob. Sa kaniya 'to galing, sure na talaga ako. Very sure na!
MABEL,
I EAT SOMETHING CHOCOLATE WHENEVER I STUDY. I HOPE THIS WILL HELP YOU.
-SMC
Nagtaka ako nang nakita kong may bura sa tabi ng C. Ano naman kaya 'yon? Hindi ko na lang pinansin at binaligtad ang note dahil may naaninag ulit akong nakasulat sa likod.
ARE YOU UPSET? I'M SORRY! I JUST THOUGHT YOU'RE UNCOMFORTABLE WHENEVER I'M AROUND SO I DISTANCED MYSELF.
Napanguso ako nang nabasa ko 'yon. Sa imagination ko kasi nakanguso rin siya. Napangiti tuloy ako na parang sira! Ang cute cute niya kasi sa imagination ko! Kung nasa tabi ko lang siya baka nakurot ko na pisngi niya.
Grabe ka Savenn Marius Caandra! Kahit sa malayo, kaya mo pa ring manuyo!
Naging maayos na ang mood ko. Nagtimpla pa ako ng tsaa at tsaka nag-slice ng cake. Kinuha ko ang mga nirereview ko at sa nook ako nag-aral habang kinakain ang bigay niya.
Ilang beses naulit 'yon, iba-iba pa ang mga pagkaing pinadala niya. Nung minsan ay si Nisha pa ang nakakita at nagpasok. Akala niya tuloy may secret admirer ako! Hindi ko na lang tinama dahil ayaw ko rin namang aminin na kay Venn galing.
"Sino kaya ang SMC na 'yon?"
Dining kong pinag-uusapan nila 'yon habang nag-iinuman sa sala. Lumabas lang ako para kumuha ng Avocado na may gatas. Padala rin 'to ni Venn at mukhang siya pa mismo ang gumawa. Kinuha ko na ang buong tub tapos dahan-dahan akong bumalik sa kwarto para hindi nila ako marinig.
Pagkadaan ko, iniisip pa rin nila kung sino si SMC. Buti na lang pala hindi ako sumali sa inuman. Kailangan ko na kasing maghanda para sa mock exam. Kaya nakatakas ako sa interrogation nila. Dahil sigurado ako, hindi nila ako titigilan kung kasali ako doon.
Minsan, natutukso akong mag-send ng dm sa kaniya. Pero pinipigilan ako ng hiya. Madalas akong magkaroon ng diskusyon sa utak ko bago matulog. Bandang huli, nakakatulog ako ng walang desisyon kaya hindi na natuloy. Nakuha nang dumating ng araw ng board exam na puro sticky note lang ang way of communication niya sa akin.
MABEL,
GOOD LUCK ON YOUR EXAM! YOU GOT THIS! I BELIEVE IN YOU, REMEMBER THAT!
-SMC
Ito ang nakadikit sa bento box na pinadala niya para sa mismong araw ng exam. Hindi ko tuloy napigilang mapangiti at maluha. Ang saya talaga pag alam mong mayroong naniniwala sa'yo. Sa simpleng salita lang, nawala ng konti ang kaba ko at mas lumakas na ang loob ko.
At dahil alam ko namang may note siya sa likod, binaligtad ko. Pero hindi ko inaasahan ang nakasulat sa likod.
3 WEEKS AFTER YOUR EXAM, I'LL COME BACK FROM WORK. CAN WE MEET AFTER THAT?
Napatigil ako at napaisip. Siguro, ito na nga ang araw na hinihintay ko para makausap ulit siya. Ito na siguro ang nakatadhana.
Masugid kong hinintay ang araw na itinakda. November 4. Ang weird dahil isang araw 'yon bago mag isang taon kaming maghiwalay. Pero gusto niya raw kasi ako ang una niyang kitain at kausapin pagkabalik niya.
Kaya hindi na ako mapakali nang dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko. Mamayang alas onse ng gabi pa lang lalapag ang eroplano niya galing Singapore. Pero gusto ko nang magbihis at mag-ayos!
"Umamin ka ngang babae ka! Sino ba 'yang SMC na yan, ah? May date kayo, no?" usisa ni Nisha habang nagbo-blower ako ng buhok.
"Mabel sigurado ka ba talaga sa lalaking 'yan? Baka naman scammer 'yan, ah? Saan mo ba nakilala?" nag-aalala naman si Mimi sa kabila ko.
"Huwag kayong mag-alala, safe 'to." Ayaw ko pa ring sabihin sa kanila. Baka kasi ma-jinx pag pinagsabi ko.
"Anong safe?! No! Hindi ka lalabas ng condong ito!" Lumapit si Nisha sa pinto ng kwarto ko at sinara 'yon. Sinandalan pa niya para protektahan at hindi ko mabuksan!
"Ha?! Hindi pwede 'yan! That's kidnapping!" reklamo ko. Paano ko kikitain si Venn kung ikukulong ako ng dalawang 'to? Ang tagal ko pa namang hinintay tapos iindianin ko lang pala siya? No way!
"Eh sino ba kasi 'yan?"
Mukhang wala akong choice kung hindi umamin! Hindi naman siguro totoo yung jinx jinx, no? Napabuntong hininga ako at sumuko na.
"Si Venn." Hindi ako makatingin sa kanila.
Nag-expect ako ng sigaw, ng gulat. Pero wala! Magkasalubong lang ang mga kilay ni Mimi. Habang si Nisha naman ay nakahalukipkip habang nakataas ang isa niyang kilay sa akin. Bakit ganito mukha ng mga 'to?
"Tama na ang lokohan. Sino ba talaga si SMC?"
Ha? Ano namang lokohan?
"Si Venn nga! Savenn Marius Caandra! SMC!" Nilabas ko na ang cellphone ko at pinakita ang chat namin. Doon na namin pinag-usapan kung kailan, saan, at anong oras kami magkikita.
Pareho silang napanganga sa nabasa. Nagkatinginan sila tapos bigla na lang silang nagtitili! Patalon-talon silang lumapit sa isa't isa at hinawakan ang kamay ng isa't isa. Habang ako ay nakatulala lang habang tinitignan ang mga kaibigan kong malapit nang mabaliw.
"Oh my God! We're so happy for you, Mabel!" Lumapit sila sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
Hindi ko tuloy napigilang mapangiti. Lalo na nang tulungan nila akong mag-ayos. Kung kanina pa sana, no? Hindi yung kung ano-ano pa inisip nila. Pero kidding aside, I am really thankful to have them as friends. Nasubok man ang friendship namin, napakasaya kong nagkaayos-ayos din kami at ngayon ay nagtutulungan.
Pagpatak ng alas dies, bumyahe na ako papunta sa Bacood Park Sta. Mesa. Ang balak ko lang talaga ay mag-taxi papunta doon. Pero pinahiram ni Nisha sa akin ang kotse para raw hindi na ako mahirapan at gumastos para sa pamasahe. Libre na rin daw ang gas, advance regalo raw ng gaga para sa kasal.
Hindi mawala ang excitement ko habang papunta doon. May konting kaba, oo. Pero talo 'yon ng pagkasabik kong makita at makausap ulit si Venn. Gusto ko na siyang mayakap ulit. Kaso kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil technically, break na kami. Ako pa nga mismo ang nakipag-break. Kaya dapat, composed.
At siyempre, traffic! Kinabahan tuloy ako dahil alas dose na ako nakarating! Akala ko nandoon na si Venn pero wala pa siya. Nasaan naman kaya 'yon? Sinubukan ko siyang i-chat pero walang reply. Baka kasalukuyang nakasakay sa eroplano?
Umupo na lang muna ako sa isang bench at tinignan ang buong paligid. Simple lang pero maganda. Yung mga ilaw sa puno made the place look magical dahil parang may mga alitaptap sa paligid. Sobrang konti lang din ng tao, well sobrang late na rin kasi. Huwag lang sanang masasamang tao ang mga 'to.
Nasaan na ba kasi si Venn? Ala una na, eh. Na-jinx nga ata dahil sinabi ko kina Mimi. Pag talaga sobrang excited sa isang bagay, parang hindi na talaga mawawala ang mga aberya, no? Bakit kaya ganon?
Nag-send ulit ako ng DM pero wala talaga. Sinubukan ko rin siyang tawagan pero cannot be reached. Baka kung ano nangyari sa kaniya on the way? Paano kung napahamak siya? Alam kong hindi niya ako magagawang indianin, hindi ganon si Venn. Kaya sigurado ako, may malalim na dahilan kung bakit wala pa rin siya. Huwag lang sana siyang naaksidenta o ano. Hindi ko ata kakayanin pag ganon.
Tinaas ko na ang dalawa kong paa sa bench ay pinatong ang mukha ko sa tuhod. Doon ako humagulgol dahil alas dos na. Ano kayang nangyari sa kaniya? Kung sino-sino na tinawagan ko pero hindi rin daw nila ma-contact. Tapos na-low batt pa ang cellphone ko kaya hindi na ako makakuha ng update!
Alam ko, pwede namang umalis na ako rito at umuwi. Pero gusto kong hintayin si Venn, dumating man siya o hindi. Ayaw kong masayang ang pagkakataong ito. Matagal na rin naman na akong naghihintay, kaya itotodo ko na.
Kaso, nang tumapak na sa alas tres ang mga kamay ng relo ko, doon na ako nakaramdam ng sobrang takot, lamig, at antok. Napatayo na ako at sinubukang buhayin ang cellphone ko pero ayaw na talaga. Bakit ko ba kasi nakalimutang dalhin ang powerbank ko?
Napaupo ulit ako sa upuan at umiyak na naman. Wala na rin namang ibang tao bukod doon sa taong grasa kaya malaya na akong humagulgol. Bahala siya kung magigising siya.
"N-nasaan ka na ba kasi, Venn? May nangyari bang m-masama sa'yo?" Sana wala. Sana talaga walang masamang nangyari. Kahit bukas pa siya magpakita sa akin, okay lang basta ligtas siya. Kahit ilang oras pa akong maghintay, basta dumating lang siyang buo at walang sugat sa katawan.
Buong oras ay nagdasal lang ako para sa kaligtasan niya. Nakaupo lang ako sa bench, naghihintay sa kaniya. Dahil siya, taon ang hinintay niya para sa akin, ano pa ba ang ilang oras? Kung siya, natiis niya lahat ng sakit at paghihirap para sa akin, ano pa ba 'to kung ikukumpara doon? Walang wala 'to sa mga ginawa ni Venn para sa akin. Walang wala 'to. Kaya ko 'to. Kayang kaya ko 'to.
"Kaya ko. K-kaya ko 'to. Hindi ako susuko. H-hindi ako ... su-susuko ..." Napahagulgol ulit ako pagkatapos ng ilang sandaling pahinga dahil napagod na ako kakaiyak. Pero nang nakita kong mag-alas quatro na, hindi ko na napigilan pa.
Paano nga kung hindi siya magpunta? Para sa wala lang ba 'tong ginagawa kong paghihintay? Ganito pala ang pakiramdam niya noon. Yung hindi mo alam kung mangyayari ba ang inaasam mo? Kaya hindi, hindi ako uuwi. Hihintayin ko siya, ano mang mangyari.
"I-I love you so much, love. G-gihigugma t-tika, Venn." Niyakap ko ang sarili ko at umiyak na naman. Nararamdaman ko nang pasuko na ako. Hindi ko alam kung katawan ko na ang susuko o ang morale ko.
"M-Mabel?"
Napaangat kaagad ako ng ulo nang narinig ko ang boses niya. Hinanap ko siya at nakita ko siya sa bandang madilim. Dala pa niya ang bagahe niya, nakasuot ng hoodie at cap. Pero kahit ganon, alam kong siya 'yon. Sa katawan, tikas, at boses. Kaya napatayo agad ako at tumakbo palapit sa kaniya.
"Venn!" Yumakap agad ako sa kaniya pagkalapit ko. Tuluyan ko nang naramdaman ang pagod kaya sinandal sa kaniya ang buong katawan ko. Nilagay ko ang ulo ko sa pagitan ng dibdib niya at doon ako humagulgol.
"Ssshh ... don't cry. Nandito na ako, love." Niyakap niya rin ako tapos naramdaman ko pa ang paghalik niya sa ulo ko.
"A-akala ko something bad happened to you." Mas hinigpitan ko yakap sa kaniya at mas lalong humagulgol. Sobrang relived ko na nandito siya at okay siya. Parang wala namang sign ng injury o ano pa man. Iyon ang importante sa akon ngayon.
"I'm sorry for making you wait. I'm so sorry." Hindi siya tumigil sa pagsabi ng sorry at pagpapatahan sa akin.
Nang tumahan na ako, umupo kami sa isang bench para doon mag-usap. Nakakahiya dahil siya pa ang nagpunas ng luha ko. Sigurado mukha akong tae ngayon! Ang tagal ko pa namang nag-ayos tapos mugto ang mga mata at gulo-gulo ang buhok ko nang nagkita kami! Nakakainis!
"Oh? Why is my love pouting?" Pinababa niya pa ang boses niya na parang bata ang kausap.
Iniwas ko ang mukha ko para hindi niya makita. Kaso hinawakan naman niya ako sa pisngi para iharap sa kaniya. Sinuri niya ang buo kong mukha at nakita ko ang pagbagsak ng mga balikat niya at paglamlam ng mukha.
"I'm sorry for taking so long. My flight got delayed, tapos I left my cellphone in my hotel room kakamadali," paliwanag niya sa nangyari. He looks so guilty for what happened.
"Mas okay na 'yon kaysa sa plane crash at ma-snatchan ka tapos saktan ka pa ng snatcher." Umusog ako palapit sa kaniya at patagilid siyang niyakap. Pinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya.
Parang na rin akong nagpapahinga sa ganitong posisyon. Nawawala na ang pagod at stress na naramdaman ko. There's really something with cuddles, especially his. I feel so safe, relaxed, and at home, lalo na nang ipalupot niya rin sa akin ang braso niya. Gusto ko sanang matulog pero gusto ko pa siyang makausap kaya nilabanan ko antok.
Sa ilang sandali naming pananahimik, bumalik ang mga alaala namin sa isip ko. Naalala ko lahat. Lalo na ang masasamang memories. Ang mga ginawa kong hindi maganda. At ngayong balak kong magsmula muli, gusto kong ayusin ang gusot. I want to formally apologize and address my mistakes kahit alam kong hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa'kin.
"I'm sorry for hurting you and taking you for granted. Hindi ko inisip ang nararamdaman mo at puro sarili ko lang ang inalala ko. I-I'm so sorry..." Tumulo na naman ang luha ko. Ang sakip kasi sa dibdib tuwing naalala ko ang mga ginawa ko sa kaniya. I was basically toxic throughout our relationship, and I feel so bad na tiniis niya lang lahat.
"It's okay, I understand that you were hurt kaya ka ganon."
Napakalas ako sa yakap para tignan siya. Sandali siyang nagulat sa biglaan kong paghiwalay. Tapos masama ko pa siyang tinignan kaya kita ko ang pagkalito sa mga mata niya.
"It's not okay! Being hurt is not a reason to hurt someone else. Hindi dapat kita pinagdudahan kasi wala ka namang kaduda-dudang ginawa. Hindi dapat ako nag-demand sa'yo na layuan si Tessa just because I feel threatened. Hindi dapat kita minonitor as if kriminal ka. You don't deserve that, Venn. You should know that. You should not settle on that!" Hindi ko alam kung sa kaniya ba ako maiinis o sa sarili ko.
Napayuko siya at nakita kong mabilis niyang pinunasan ang luha niya. Nang inangat niya ulit ang mukha sa akin, tuloy-tuloy ang pagtulo non.
"I ... I love you so much, Mabel. Kaya kong tiisin lahat para sa'yo." Inabot niya ang mga kamay ko at hinawakan ang mga 'yon.
"At hindi dapat ganon. Yes, love endures, but it doesn't condone. You have worth and you should't settle with that kind of relationship. This is what I learned before, leave a toxic relationship, and don't ever compromise yourself."
I don't want him to think na okay lang na ibaba niya ng sobra dahil lang mahal niya ako. I want him to realize what I learned before. No one should sacrifice their own good just to keep a person, especially someone who doesn't see their worth. Someone who takes advantage of their love.
"Naiintindihan mo ba?"
Nang tumango siya, bumalik ako sa pwesto ko kanina at mas hinigpitan ang yakap ko sa kaniya. Pareho naming nilabas ang lahat ng sakit sa pamamagitan ng pag-iyak. Walang nagsalita sa amin, ang tanging naririnig ko lang ay ang paghikbi niya at ang tibok ng puso niya.
"Love, I promise that I am going to be better and better. I won't take you for granted, I will love you without any inhibitions." Pangako ko 'to sa kaniya at sa sarili ko. Dahil sabi ko, if ever I love again, I want to be whole, devoid of pain and doubts caused by tha past. I may still have scars, but at least I know that I have healed and fully recovered. They're just reminders that I am triumphant, and will never succumb to sorrow because of them.
"I also promise to love you right. You are my queen, but I own myself. I will cherish you with all my heart, but I will leave some space for myself. I will love you without compromising myself. I love you, as much as I love myself," bulong niya sa akin.
Napangiti ako sa mga pangako namin sa isa't isa. Now, it feels right and everything is in their place. It's up to us kung paano namin pangangalagaan ang isa't isa at ang relasyon namin. It is up to us if we will keep our promises. It is up to us we will stay in love for the rest of our lives.
Nang tumingala ako, kulay asul na ang langit. Unti-unti nang nagliliwanag ang kalangitan, unti-unti na ring nagigising ang mga tao. Mayroon nang mga nagja-jogging sa paligid. Meron na ring mga nagse-set up para sa zumba. Ang mga ibon ay nagsimula na ring magsiliparan, malayang umiikot-ikot sa kalangitan.
Nang humarap ako kay Venn, nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Nagniningning ang mga mata niya at nakangiti ang labi. I never felt so loved with just a stare. Uminit tuloy ang pisngi ko at napangiti! Mahina tuloy siyang natawa at tsaka ako hinalikan sa pisngi. Nagtitigan lang kami, enjoying our faces that doesn't have any trace of pain. Mugto man ang mga mata, kita pa rin ang saya.
"I love you so much, My CPA," he lovingly said.
"You also made me realize what love truly is, Engineer SMC."
Bahagya kaming natawa dahil doon. Pero kalaunan, nagkatinginan ulit kami at nginitian ang isa't isa. Nilapit ko ang mukha ko at nilapat ang labi ko sa kaniya. It was just a simple, short kiss, but it bursts love and happiness. But it didn't felt enough sa tagal naming hindi nagkasama. Isang taon! Kaya hinawakan ko pisngi niya at humalik pa ng isa. Mas malalim, mas matagal.
We kissed as the sun rises, illuminating the world both of us created.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top