Chapter 33

Pinagnilayan ko ng husto ang mga sinabi ni Kurt. Hindi ko alam kung bakit ako nakinig sa kaniya pero natamaan talaga ako sa mga sinabi niya. There are times na lumalaban pa rin ang utak ko at jina-justify ang idea ko noong una. Reluctant pa rin akong puntahan si papa para makausap. But at the same time, his words bothers me so much to the point na binabasa ko paulit-ulit. Parang bang isang kampana na kumakalembang tuwing simbang gabi.

"Peace be with you." Matipid kong nginingitian ang mga nasa harap ko. Pero nang bumaling na ako sa kaliwa, si Leigh Belle nga pala ang katabi ko. Napatigil kami at nagkatinginan sandali bago tinanguan ang isa't isa at hindi na ulit nagpansinan.

Mas humirap pa ngayong nagsisimba kami at hindi ko sila pinapansin. Kagabi, balak ko sanang mag-sorry habang kumakain ng hapunan. Kaso, walang lumabas na salita sa bibig ko. Sa isip ko, ang kapal ng mukha kong humingi ng tawad eh hindi ko man magawang magpatawad. Kaya naisip ko ngayon na lang sa simbang gabi. Pero pist—bawal nga palang magmura. Pero hindi ko talaga magawang sabihin!

Siguro, mamaya na lang pagkatapos. Ang weird kung bigla na lang akong mag-so-sorry habang nagsesermon ang pari. Kaya buong misa, iyon lang ang nasa isip ko at halos di na nakinig. Sumusunod na lang ako pag tatayo, uupo, at luluhod. At nang patapos na, doon na ulit ako kinabahan at nawala lahat ng nasa isip ko kanina.

Kaya habang papalabas, tahimik na naman kami. Parang kaming hindi magkakakilala. Yumuko na lang ako at napagdesisyunang sa bahay na lang ako mag-so-sorry. Bumalik ako sa pag-da-draft ng apology ko nang may nakabangga ako!

"Oh my God, I'm sorry!"

"Ay sorry po—Tita Risa?" Halos lumuwa ang mga mata ko nang siya ang nakita! Bumilis puso ko at kinabahan!

Napatulala rin siya nang napagtantong ako ang nakabangga niya. Pero kaagad naman siyang nakabawi at binigyan ako ng tipid na ngiti. Pero nang napatingin siya sa dibdib ko, bahagyang namilog ang mga mata niya.

Yawa! Suot ko nga pala yung kwintas na bigay niya! Hinanda ko na ang sarili ko sa pwede niyang sabihin. O kaya baka hablutin niya at tanggalin sa pagkakasuot sa akin! Kung ano-anong scenario ang pumasok sa isip ko kaya nang ngitian niya ko, nalunok ko ang sariling laway at naubo!

"Are you okay?" Lumapit siya sa akin at hinagod ang likod ko. Tapos kinuha niya ang isang bote sa nagtitinda ng mineral at pinainom sa akin.

"T-thank you po." Napayuko ako sa sobrang hiya!

"It's nice to see you here, Mabel. Kumusta ka na?" Hindi ko maramdamang pinaplastikan niya lang ako. Yung ngiti niya, totoong totoo. Hindi ko tuloy alam kung hindi ba talaga siya galit o nananaginip lang ako.

"O-okay lang po ako, tita." Sinubukan kong ngumiti pero feeling ko sobrang awkward non kaya binawi ko agad at yumuko ulit.

Mahina siyang natawa at tinapik ako sa balikat. "Oh! Is this your family?" tanong niya nang nakita sina mama sa likod ko.

"Uh ... o-opo." Bahagya akong gumilid para mabati niya sila.

"Hi! I'm Risa, Venn's mom," pagpapakilala niya.

Kita ko ang gulat sa mga mukha nila. Napatingin pa sila sa akin bago binalik kay tita ang atensiyon nila. Nagkabatian sila at nagkamayan. Pero nang kay mama na, meron pang pa-beso! Nagngitian pa sila na parang naiintindihan nila ang iniisip ng isa't isa!

"It's nice to finally meet you! Dalaw kayo minsan sa bahay para mapagluto ko kayo," paanyaya pa niya na kinagulat ko!

Seryoso ba talaga 'to? I mean, yung ngitian kanina medyo naintindihan ko pa. Mabait si tita, at some point alam kong hindi niya rin ako aawayin in public. Lalo na sa tapat pa mismo ng simbahan! Pero ang yayain pa kaming kumain sa bahay nila? Hindi ko expect 'yon! Hindi ba talaga siya galit sa akin?

"And by the way, can I borrow Mabel for a coffee date? Matagal na kaming hindi nakakapag-usap, eh."

Nagkatinginan kaming lahat sa gulat. Si mama ay napangiti habang si Sabel naman ay parang kinabahan para sa akin. Tapos yung si Leigh Belle ay nakangising napapailing-iling! Konti na lang ay iwagayway nya ang hintuturo niya at sabihing lagot ako.

Yawa! Ito na ata 'yon? Baka malagot na talaga ako pag kaming dalawa na lang. Feeling ko ilalabas na niya ang galit niya. Hindi naman siguro niya ako sasaktan? Pero for sure masakit din pag nagsalita siya. Baka nga mas hindi ko pa kayanin 'yon kesa sa pisikal na sakit.

Pero ang bastos naman kung tumanggi ako. Kaya tumango at pumayag naman si mama. Humiwalay na ako sa kanila at kay tita ako sumama papunta sa kotse niya. Kahit nasa loob na kami ng sasakyan, hindi pa rin ako makapniwala! Lalo na at dinadaldalan niya ako buong biyahe na parang bang walang nangyari sa pagitan namin ng anak niya.

May na-miss ba ako? May milagro bang nangyari? Or baka hindi niya alam na hiwalay na kami ni Venn? Pero imposible! Halata sa mukha niya ang gulat nang nakita ako kanina at sobrang civil lang ng reaksiyon niya noong una. Nagbago lang nang nakita niyang suot ko ang kwintas.

"This is my favorite coffee shop. Dito kami madalas mag-date ni Sixto noon pag may away kami," casual niyang kwento. Tutok siya sa pag-pa-park at medyo nahirapan dahil perpendicular ang parking.

"Ako na po ang mag-park?" offer ko. Meedyo nag-alangan pa ako dahil baka isipin niya iniisip kong hindi siya marunong. But at the same time, nahihirapan kase talaga siya at nakakakonsensiya naman kung hindi ako tumulong.

"Really? Okay okay, let's switch."

Bumaba kami at nagkapalit. Medyo sanay naman ako sa ganitong parking kaya nagawa ko naman agad. Napapalakpak pa si tita nang matagumpay kong nagawa! Lalo tuloy akong nahiya!

"I'm sorry about that. Hindi kasi talaga ako sanay mag-drive. Kaso tulog pa yung driver ko, nakakahiya namang gisingin lalo na at ang lakas pang humilik!" Humagikgik siya sa kwento kaya natawa na rin ako.

Pagkapasok namin, hindi ko maiwasang mamangha sa sobrang ganda. Sa wood and glass siya mainly gawa, tapos white and salmon pink ang dominant color ng furnitures. Ang relaxing tignan!

Sa gilid kami pumwesto malayo sa aircon dahil sobrang lamig. Tsaka ang cozy din ng feeling lalo na couch ang upuan namin tapos faux fur ang pillowcase. Lace ang table cover tapos may flower arrangement sa gitna na nakasunod sa motif ng buong caffee shop.

"What is your order?" tanong ni tita sa akin.

Tinignan ko ang menu at dumeretso sa listahan ng mga tsaa. "Uhm ... green tea

po."

Bahagyang lumaki ang ngiti niya at tumango. Sinara niya ang menu at tsaka sinabi sa waitress na pareho kami ng order. Nagtaka ako doon, lalo na at parang mas lalo siyang sumaya sa naging order ko. Ano bang meron? Baka sobrang sarap ng green tea nila rito?

"Kumusta ka na ba talaga? Yung totoo, ah?" Inunahan na niya ako nang sasabihin ko sanang okay lang.

Napayuko ako at natahimik, hindi alam kung ano ang sasabihin. Ayaw ko namang magsabi ng problema sa kaniya. Siyempre kahit mabait siya sa akin, at palagay na ang loob ko sa kaniya, I feel like hindi kami ganoon ka-close para mag-share sa kaniya. Lalo na at ex ko nga anak niya. Kakahiwalay pa nga lang namin, eh.

Napaangat ako ng tingin nang bumuntong hininga siya. "I know that you already broke up."

Nagulat ako sa sinabi niya at nakaramdam ng kaba. Lalo na at ang seryoso na ng mukha niya. Hindi naman siya mukhang galit, pero obviously, hindi rin siya natutuwa. Maamo pa rin naman ang expression niya pero wala na ang ngiti niya kanina.

"I-I'm so sorry po." Hindi ko alam pero iyon ang una kong nasip at iyon nga ang nasabi ko. Lalo tuloy sumikip ang dibdib ko dahil hindi ko man masabi sa pamilya ko 'to.

"Bakit ka nag-so-sorry sa akin?" nagtataka niyang tanong.

Hindi ako nakasugot sa sobrang kaba. Mukha namang hindi niya ako aawayin pero nakakatakot pa rin talaga. Lalo na at sinaktan ko ang anak niya. Pagkatapos niyang ibigay sa akin ang kwintas para sa mapapangasawa ng anak niya, at tsaka kami naghiwalay.

"Mabel, huwag kang mag-alala, I understand. I was so angry at first, I admit. But then I realized, you made the best decision for yourself at that time. I admire you for that."

Namuo ang luha sa mga mata ko sa sinabi ni tita. Hindi ako makapaniwala! Parang akong nananaginip sa init ng puso ko. Pagkatapos ng ilang linggo na parang pinipiga ito, ngayon ay parang hinaplos niya. At tuluyan ko nang hindi napigilan nang yakapin niya ako ng mahigpit.

"Bilang isang ina, pinakakinakatakutan ko ang masaktan ang a-anak ko. I can't even bear to see him cry, M-Mabel." Lalo akong naiyak nang narinig ko ang panginginig ng boses niya at pagsinghot.

Ang lakas ng loob kong hindi magpatawad, where in fact, marami rin akong mga pagkakamali't kasalanan. But still, ramdam ko at tinatamasa ko pa rin ang kapatawaran sa init ng yakap ni tita. Parang na ring sarili kong ina ang kayakap ko, kahit hindi kami magkadugo. May kalinga, pag-intindi, at pagmamahal.

"Ang sabi ko pa noon, kakalbuhin ko ang sinumang babae ang manakit sa anak ko," may pagbabanta niyang sabi.

Natawa pa siya sa sinabi niya pero ako naman ay kinabahan. Paano kung kalbuhin niya nga ako?

"Kidding aside, masakit talaga sa akin ang makitang masaktan si Venn. I did noy take care of him like a delicate glass just to be shattered into pieces. Kaya sana mapatawad mo ako dahil ilang beses kitang minura sa isip ko noon."

Napatango ako dahil naiintindihan ko naman. Kung ako rin siguro, nanay na buong buhay inalagaan ang anak, tapos sasaktan lang? Sigurado, hindi ko siya mayayakap ng ganito kagaya ni tita. Baka nga matindi pa sa pagkalbo ang gawin ko at hindi ko lang sa isip mumurahin yung tao.

"Pero as weeks went by, I realized that it won't do anything to hold grudge against you. Lalo na, ni anak ko nga hindi galit sa'yo. Naiintindihan niya ang naging desisyon mo, and he made sure that I understand and will respect it as well."

Na-touch ako, but at the same time nasaktan dahil ang bait pa rin niya. I would understand kung nagalit siya sa akin. Dahil bukod sa break-up, pinahirapan ko siya sa buong relationship namin. And it feels so wrong na hanggang ngayon, ayos pa rin siya na ganon ang naging treatment ko sa kaniya. I feel so bad that he actually had to endure a lot just to be with me. I took him for granted.

"He chooses to forgive you, every second, everyday."

***

Mugtong mugto ang mga mata at gulo-gulo ang hitsura ko pagkababa ko ng sasakyan ni tita. Pero hindi ko na alintana 'yon at dire-diretso akong pumasok ng hospital. Natataranta kong tinanong kung saan ang room ni papa at halos madapa na ako sa pagtakbo marating lang 'yon.

Nagsisisi akong hinintay ko pang mangyari 'to para puntahan siya at makausap. Paano kung hindi ko na siya abutan? Paano ko siya mapapatawad? Kung sanang nakinig agad ako. Kung nagpakumbaba sana ako. Hindi na siguro aabot sa ganito.

Pagkabukas ko ng pinto, sina Sabel at Leigh ang una kong nakita. Parehas silang umiiyak habang magkayakap. Sa tabi naman nila ay ang kinakasama ni papa, yakap-yakap ang anak nila. Habang siya naman ay napapalibutan ng mga nurse at doctor, pilit nire-revive ang naghihingalo niyang katawan.

"P-papa! Papa!" Gusto ko sanang lumapit pero may humila kaagad sa aking nurse. Lumapit din sa akin sina Sabel at niyakap ako habang wala akong tigil sa pagtawag sa kaniya.

Pa, please huwag kang bumitaw. Hindi pa tayo nakakapag-usap, eh. Kung kailan ako nakapagdesisyon at tsaka ka ganiyan. Patatawarin na kita, oh. Handa na ako. Nalinawan na ako. Kaya please, huwag mo muna kaming iwan.

"P-pa..." Dahil na rin siguro sa stress, puyat, at sobrang pag-iyak, hindi na kinaya ng katawan ko. Napakapit ako sa dalawa nang nakaramdam ako ng pagkahilo, parang ang gaan ng ulo ko. Pakiramdam ko ay masusuka ako sa sobrang sakit ng ulo ko! Unti-unting nanlabo ang paningin ko, tapos may mga ilaw na biglang nagkislapan—parang christmas lights. Rinig ko ang pagtawag nila sa pangalan ko na unti-unting humina hanggang sa nawala. Pagkaraan lang ng ilang segundo, dumilim na ang lahat at parang akong nag-shutdown.

"Mabel..."

Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko. Pero wala namang tao rito sa kuwarto ni papa sa hospital. Nasaan sila? Umalis ba sila ng di ko alam? Nandito lang sila kanina, ah?

"S-Sabel? Leigh Belle?" Ilang beses kong tinawag ang pangalan nila kaso walang lumitaw. Pati sa banyo hinanap ko sila pero wala talaga. Pero pagkalabas ko doon, naabutan kong nakahiga si papa sa kama! Kaya dali-dali akong lumapit sa kaniya.

"Kung kailan wala na siya at tsaka ka nagpunta?" Napalingon ako sa gilid nang narinig ko si Leigh Belle. Nakatayo siya ng diretso, masama ang tingin sa akin.

"A-anong ibig mong sabihin?" Humakbang ako palapit sa kaniya.

Tatanungin ko pa sana siya nang nagulat ako sa biglaang pagbukas ng pinto. Pumasok ang maraming nakaputi na dumeretso sa kama ni papa. At halos atakihin ako sa puso nang itabon nila ang kumot sa ulo niya!

"H-hindi..." Umiling-iling ako, ayaw kong maniwala sa nakikita. Namuo na naman ang luha sa mga mata ko at agad silang tumulo ng tuloy-tuloy. Lumapit ako doon, gusto kong malapitan si papa pero pinipigilan ako ng mga nurse!

"Ayaw mo kasing makinig!"

"Sinabi na namin sa'yong patawarin mo na siya, pero ayaw mo!"

Napalingon ulit ako nang pati si Sabel ay narinig ko na. Nandoon din siya, masama rin ang tingin sa akin. Tapos, mula sa banyo ay lumabas si kuya na kapareho din ng ekspresyon nila. Teka, nandoon siya? Bakit hindi ko siya nakita kanina?

"Kaya ngayon, habang buhay ka nang magdudusa at magsisising hindi siya agad pinakinggan! Huli ka na, Mabel!" sigaw ni kuya na nag-echo sa buong kuwarto.

"Huli ka na!" Isa-isa nilang sinabi ito ng paulit-ulit hanggang sa nagkasabay-sabay na sila. Halos mabingi ako kaya tinakpan ko na ang tenga ko. Napaupo na ako sa sobrang sakit. Hindi ko na kaya!

Oo na! Kasalanan ko at buong buhay kong pagsisisihan ito! Hindi ko naman ginustong magmatigas. Sadyang masakit ang lahat para sa akin para magpatawad. Pero ngayon namang finally, nakapagdesisyon na akong makinig at palayain ang sarili ko, parang lalo lang akong nakulong. Nadagdagan ang mga kandado, humigpit ang tanikala sa paa ko. Paano pa ako babangon nito?

"Venn ... tulungan mo 'ko. Ayoko na rito." Siniksik ko ang mukha ko sa pagitan ng tuhod. Mahigpit kong tinakpan ang tenga dahil palakas nang palakas ang boses nila kuya.

"Mabel..." Napaangat ako ng tingin nang may tumawag at tumapik sa akin. Si Venn!

Napatulala ako sa sobrang guwapo niya sa suot niyang ... lab coat?! Nakatingin siya sa akin na parang akong sinusuri. Seryosong seryoso siya, parang talagang isang doctor! Kaso engineer siya, 'di ba? Paano siya naging doctor? Siya ba talaga 'to o kamukha niya lang?

Yawa! Siya nga! Halos lumabas na ang puso ko nang tipid niya akong nginitian at nilapit ang mukha niya sa akin. Akala ko pa naman hahalikan niya ako! Kaso lumagpas siya sa labi at sa tenga dumeretso!

"Don't worry, love. You'll be fine. You can open your eyes na," malumanay niyang bulong. It's so soothing, napapikit ako at naibaba ang mga kamay ko.

Pero pagkamulat ng mga mata ko, nakakabulag na mga ilaw ang tumambad sa akin at puting kisame! Teka, nasaan si Venn? Tsaka paano ako napunta rito?

"She's awake!" anunsiyo ng isang lalaki.

Nang tumingin ako sa gilid, isang batang doctor ang lumapit sa akin at sinimulan akong suriin. Guwapo naman 'to, pero hindi siya si Venn! Mas bagay kay love ang lab coat! Mas guwapo pala siya pag ganito ang suot, puti at malinis. Dapat pala nag-doctor na lang siya.

"A-ate..." Natakot ako nang nakita ko si Sabel na lumapit sa akin, tapos sa likod niya ay si Leigh Belle na patingin-tingin doon sa doctor at si kuya na naniningkit ang mga mata sa akin!

"Stable na siya at normal na ulit ang BP niya. Kailangan niya lang magpahinga to fully recover. And I suggest, huwag muna siyang patayuin or pagalawin masyado para hindi siya mahimatay ulit," sabi ng doctor.

Mahimatay ... ulit?! Nahimatay ako? Kailan? Nung dumating—kanina nung nire-revive si papa! So ibig sabihin hindi totoo yung nangyari after non? Hindi pa siya patay? Hindi galit sa akin ang tatlo. At higit sa lahat, hindi dumating si Venn?! Wait, parang nahilo ata ulit ako doon, ah?

"I'll be back for further tests to know kung may iba pa bang cause ang fainting ni Ms. Custodio." Nginitian niya kaming lahat bago umalis at nawala sa hallway.

"Ang guwapo ni doc!" bulong ni Leigh Belle sa ate niya pagkaalis ng doctor.

Sinuway naman siya ni Sabel bago bumaling sa akin. "Okay na ba ang pakiramdam mo, ate?"

Tumango lang ako at naalalang itanong ang kalagayan ni papa. Kung nahimatay ako at hindi totoo ang panaginip ko, ibig sabihin hindi pa siya patay! Makakausap ko pa siya!

"Kumusta si papa?" tanong ko agad.

Kinabahan ako nang nagtinginan sila. Kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko! Like paano kung totoo pala talaga yung kanina? O kaya nung nahimatay ako, namatay siya? Ang daming possibilities!

"O-okay na siya, ate. Na-revive siya pagkatapos mong nahimatay," sagot ni Mabel.

Nakahinga ako ng maluwag at napatango-tango. At least, alam kong okay si papa. Gusto ko sana siyang puntahan. Kaso bawal pa nga pala akong tumayo. At tsaka baka tulog din siya at nag-iipon din ng lakas. Kung gising man siya, sa tingin ko hindi rin 'to ang tamang oras para kausapin siya.

Napatingin ako sa kanilang tatlo. Si Sabel ay nakatutok pa rin sa akin, hindi pa rin mawala ang pag-aalala kahit ilang ulit ko nang sinabing okay na ako. Tapos si Leigh Belle, busy siya sa cellphone niya, napapangiti pa ang gaga. Ka-text siguro ang Albie niya kaya ganiyan. Si kuya naman, parang siyang lawin na nagmamatyag, mariin siyang nakatingin sa akin habang nakahalukipkip.

"Bakit ganon makatingin si kuya sa akin?" tanong ko kay Sabel.

Napatingin muna siya kay kuya para tignan ang tinutukoy ko. Napakagat siya ng labi at napailing-iling bago humarap ulit sa akin.

"Ang sabi kasi ng doctor kanina, baka raw buntis ka kaya ka nahimatay," bulong niya.

"H-ha?!" Napatingin sa akin ang lahat ng tao sa ER dahil sa sigaw ko. Pero grabe naman kasi! Hindi ako buntis! Paano ako mabubuntis eh wala man ngang nangyari sa amin ni Venn!

"Napano ka naman, Mabel?" pagsusungit ni kuya.

"Kuya, hindi ako buntis!" depensa ko agad nang nakita ko ang reaksiyon niya.

"Uh-huh?" Yawa! Ayaw pang maniwala! Tinaasan lang niya ako ng kilay at patagilid pa akong tinignan! Nang tignan ko si Sabel, kagat-kagat pa rin niya ang labi niya tapos hindi nakatingin sa akin. Habang si Leigh Belle naman ay nagme-make face at tumitirik pa ang mga mata!

"Seryoso nga!" Naiinis na ako dahil parang pinagtutulungan nila ako rito! Porket ilang araw ko silang hindi pinansin, nakabuo na sila ng alyansa laban sa akin? Hindi naman tama 'yon!

"Naniniwala kami," sarkastiko si kuya.

"Bahala nga kayo! Hmp!" Humalukipkip ako at gumilid ng higa patalikod sa kanila.

Tumawa lang sila at inasar pa ako lalo ni kuya! Si Sabel naman ay yumakap sa akin at sorry nang sorry. Pero halata namang hindi sincere dahil tawang tawa pa rin siya! Tapos si Leigh Belle naman ang may pinakamalakas na tawa. Akala nila, makakaganti rin ako! Mararanansan nila ang ganti ng isang api! Kahit magsama-sama pa sila! Hmp!

"Ate, nagpapasalamat ako at bibigyan mo na ng chance si papa na makausap ka," sabi ni Sabel. Inabot niya ang kamay ko at pinisil-pisil iyon.

Kami na lang dalawa ang narito dahil bumalik na si Leigh Belle sa kuwarto ni papa habang si kuya naman ay lumabas para bumili ng pagkain para sa akin. Bigla kase akong nag-crave ng Jollibee Chickenjoy, fries ng KFC, at spaghetti ng McDo. Hindi niya alam gusto ko lang siyang gantihan dahil wala siyang magawa kanina kung hindi sumunod dahil nakaharap yung doctor.

"Sorry nga pala dahil ganon ang reaksiyon ko, ah? Inaway ko pa kayo." Nagi-guilty pa rin ako sa mga pinagsasabi ko noong gabing 'yon. Masyado akong na-control ng emosyon at pinalakas pa ng alak ang loob ko kaya kung ano-ano na lumabas sa bibig ko. Kaya dapat talaga mag-isip muna bago magsalita, hindi na kasi mababawi.

"Okay lang 'yon, naiintindihan ka namin. Nung kami ni kuya, hindi rin naman naging madali. Ilang beses din kaming kinausap at pinilit ni Leigh bago niya kami napapayag."

Ha? So ibig sabihin ... bago pa 'to mangyari, nagkausap na sila dati? Kailan? Bakit hindi ko alam?

Nahalata niya siguro ang pagkalito ko kaya napabuntong hininga siya at nag-kwento. "Two months ago pa namin nalaman na may Cardiac Sarcoma si papa. Simula non, pinilit na kami ni Leigh makipag-ayos sa kaniya. Pero siyempre hindi rin kami agad pumayag at nagkasagutan pa sila ni kuya. Hindi ko na lang pinaalam sa'yo dahil ayaw kong ma-stress ka pa."

Sabi ko na nga ba. Napakaimposible na sa isang pitik lang, ayos na sila kay papa. Lalo na si kuya! Dahil kung galit ako, mas galit siya! Mas mataas ang pride niya at mas matigas ang puso. Kaya hindi ako makapaniwala noong una. Akala ko basta na lang nilang kinalimutan ang lahat ng paghihirap namin noong mga bata pa kami.

"Pero last month, lumala ang cancer at nagsimula nang kumalat sa baga niya. Kaya tinaningan na siya ng doctor ... more or less five m-months daw." Tumulo na ang luha niya at napayuko.

Inabot ko ang mukha niya at pinunasan ang luha. Hindi ko rin tuloy maiwasang maiyak kahit pilit kong pigilan. Malungkot ako na may taning na ang buhay ni papa, pero nakadagdag sa sakit ang makitang umiiyak ang kapatid ko.

"Nang sabihin ni Leigh 'yon, sumama na kaagad ako sa ospital. Pero si kuya, wala talaga, ayaw niya kahit pa si Ate Bianca na ang kumausap sa kaniya. Si mama lang talaga nakapagpapayag sa kaniya, eh."

Bahagya akong napangiti. Mama's boy talaga kahit kailan.

"Kaya sorry rin dahil prinessure ka namin, without even thinking na matagal din bago namin napatawad si papa. S-sorry, ate."

Hinila ko siya at niyakap ng mahigpit. Kahit umiiyak din ako, pinatahan ko siya at pinagaan ang loob. Ang tagal din naming nag-iyakan kaya nadatnan kami ni kuya ng ganon. Hindi niya tuloy kami tinigilan sa pang-aasar! Kaya pinagtulungan namin siya at bandang huli siya pa ang napikon.

"Mama's boy!" Bineletan ko siya at inirapan.

***

Nang nagawa na ang lahat ng test at normal naman ang naging result, pinayagan na akong umalis sa ER nung doctor. Okay na rin naman na ang pakiramdam ko, hindi na ako nahihilo o ano pa man. Kaya sa kuwarto na kami ni papa dumeretso. Kaso ulog pa rin siya habang ang kinakasama niya at anak nila ang nagbabantay sa kaniya.

"Nasaan si Leigh Belle?" bulong ko kay Sabel. Inikot ko ang buong paningin ko sa kuwarto pero wala talaga siya. Baka nasa loob ng CR? Saan naman kasi magsususuot ang babaeng 'yon?

"Uh ... Tita Emily, chineck po ba ulit siya ng doctor?" tanong ni kuya.

Nakuha naman non ang atensiyon ko at sinubukang makinig. Nakatutok ako sa sasabihin ng kinakasama ni papa na Emily pala ang pangalan. Nagulat pa siya nang kausapin siya ni kuya kaya hindi siya nakasagot. Tapos napatingin pa siya sa banda namin ni Sabel. Napayuko siya nang nakita niyang nasa kaniya ang atensiyon namin, naiilang ata siya sa presensiya namin.

"A-ano ... kumalat na raw sa spine yung cancer. Kaya kailangan na raw talaga niyang magpa-chemo kung gusto pa nating humaba ang buhay n-niya." Naluluha nang tuluyan si tita habang kinukwento ang sinabi ng doctor. Niyakap niya ng mahigpit ang anak niya na umiiyak na rin.

Nagkatingin kaming tatlo at nalungkot sa balita. Sabi pa naman sa akin ni Sabel kanina, ayaw na raw magpa-chemo ni papa. Mamamatay din naman daw siya kaya magsasayang lang daw ng pera at mahihirapan lang siya. Kaya namamag-asa raw sila na mahikayat ko siya. Pumayag naman ako na pakiusapan siya, pero hindi ko alam kung ako ba talaga ang makakapagpapayag sa kaniya. Dahil noon pa man, hindi ako ang paborito niya. Si kuya ang panganay tapos lalaki pa. Tapos nang nagalit sa kaniya si kuya, si Leigh Belle ang nakasundo niya. Kung si Tita Emily, ang anak nila, sila kuya at Leigh nga hindi siya mahiyakat magpa-chemo, ako pa kaya? Baka murahin lang ako niyan.

Umalis muna si kuya para mag-withdraw ng pera para sa pagpapa-chemo ni papa. Kung di raw papayag, gagawa na raw siya ng paraan para mapilit. Alam ko hindi naman pwede 'yon pero bahala siya, hindi naman siya papapigil. Porket nakaratay si papa feeling niya siya na ang batas? As if.

"Nasaan po pala si Leigh?" tanong ni Sabel pagkatapos ng usapan tungkol sa lagay ni papa.

"Ah, sinamahan niyang lumabas yung doctor," sagot niya.

Nagkatinginan kami ni Sabel. Doctor? Bakit naman niya sasamahan yung doctor? At tsaka saan niya ba sinamahan at hanggang ngayon wala pa rin siya? Binili pa ata niya ng lunch at pinagsilbihan yung doctor para magtagal ng ganito.

"Wait lang, ate. Hanapin ko lang ang babaeng 'yon." Tumayo si Sabel.

"Wait, sama ak—" Tatayo rin sana ako dahil ayaw kong maiwan dito! Ang awkward kaya!

"Dito ka na lang ate, abangan mong magising si papa," pagpigil niya.

Wala tuloy akong nagawa kung hindi manatili sa upuan ko! Yawa! Ang awkward! Sobrang tahimik pagkalabas pagkalabas ni Sabel, pati yung magnanay hindi man nag-uusap. Yung aircon at mga makinang naka-konekta kay papa lang ang source of sound sa kuwartong 'to.

Kaya nilabas ko na lang ang cellphone ko at inabala ang sarili sa Instagram. Gusto ko sanang mambulabog sa group chat namin kaso siguradong nagtatrabaho sila. Kaya tiniis ko na lang ang mga reels, medyo nakakatuwa naman sila kaya nalibang ako kahit papaano.

Pero dahil wala akong dalang earphones, narinig ko nang tumuyo si Tita Emily at pumasok ng banyo. Naiwan ang anak nila ni papa, bale kapatid ko na hindi ko pa rin alam ang pangalan. Nang tignan ko siya, napaigtad ako dahil nakatingin din pala siya sa akin! Nahiya tuloy siya at napayuko.

Ngayon ko pa lang siya natignan ng ganito kalapit. Napagtanto kong kahawig niya si papa! Singkit ang mga mata, maputi, at bilugan ang mukha. Parang kaharap ko ulit si Sabel noong nagdadalaga pa lang siya. Matangos lang ang ilong ni Sabel at curly na parang santo ang buhok nitong bata, kamukha ng sa nanay niya.

"Uh ... anong pangalan mo?" Naglakas na ako ng loob tanungin siya. Ako rin naman ang ate at gusto kong makasundo siya. Mukha naman siyang mabait at magaan ang loob ko sa kaniya. Dahil siguro pakiramdam ko, siya ang kapatid naming hindi man naisilang.

"R-riley po," sagot niya, bahagya lang inangat ang ulo para tignan ako.

Nginitian ko siya. "Ako si Ate Mabel." Sinubukan kong gawing jolly ang boses ko kahit konti, kaso nagtunog pre-school teacher. Eh hindi naman batang bata ito.

Natahimik na naman tuloy kami hanggang sa lumabas na ng banyo si Tita Emily. Nginitian ko lang siya dahil hindi ko alam kung paano siya kakausapin ng very casual lang. Hindi ko tuloy alam kung masyado ko bang tinutulak ang sarili ko o tama lang itong gingawa ko. Sa tingin ko kasi, kung patatawarin ko si papa, dapat patawarin ko rin siya? Pareho naman silang nagkasala. Tapos si Riley, wala naman siyang kasalanan. Kaya tama lang na pakitunguhan ko sila ng maayos. Sadyang nakakailang lang dahil bukod na sa hindi ko sila ka-close, madilim na nakaraan ang nagdudugtong sa buhay namin.

Siguro, I should do it gradually? Wala naman siguro may kayang maging instant close sa kinakasama at anak ng tatay mo sa ibang babae, hindi ba? Should I push myself? Magiging masama ba akong ate kung hindi ko pa rin 'to magawa? Unfair ba ako sa kanilang mag-ina, lalo na kay Riley? Sana naman hindi, mahirap kasi talaga.

Napabuntong hininga na lang ako sa mga naisip. Para sana libangin ulit ang sarili at alisin ang isip ko doon, babalik na lang sana ako sa pag-I-Instagram. Kaso, napansin ko ang paggalaw ni papa! Akala ko namamalikmata lang ako nang bahagyang gumalaw ang ulo niya!

"T-tita, gumalaw si papa!" Napatayo ako at lumapit kaagad sa kama niya. Sinigurado ko kung namamalikmata lang ba ako. At napatakip na lang ako ng bibig nang bahagyang bumukas ang mga mata ni papa.

Tumawag kaagad ng nurse si Tita habang ako ay hindi mapigilan ang pagluha nang nagbukas-sara ang mga mata niya. Hanggang sa tuluyan na niyang naibuka at inikot ang mga mata sa buong palagid. At nang sa akin na siya napatingin, kita ko ang paglaki nila. Kaagad namuo ang luha na tuloy-tuloy ang pagtulo kalaunan.

Habang ako ay napahawak kay Riley para kumapit. Nagyon ko na lang nakita si papa ng mata-mata. Ni hindi ko na nga maalala ang huling beses dahil sa sobrang tagal. Takot din ako sa kaniya noon kaya ni mukha niya, madalang kong tignan dahil palagi lang akong nakayuko pag kasama ko siya.

"U-ugh..." Sinubukan niyang inangat ang kamay niya pero masyado siyang mahina. Kaya ako na mismo ang umabot non at humawak para hindi na siya mahirapan.

Kahit kailan, hindi ko naisip na lalapitan ko si papa ng ganito. Hahawakan ang kamay niya. Titigan siya sa mata. Ni hindi man nga pumasok sa isip ko na darating ang araw na mapapatawad ko siya. Na iiyakan ko siya ng hindi dahil sa pagkayamot.

Sa sobrang tagal ng pagkakawalay namin sa isa't isa, ni hindi na ako sanay sa presensiya niya. Parang siyang estranghero, pero kilala ng buong pagkatao ko.

Hindi ko alam na ganito na katanda ang hitsura niya. Puno na ng linya ang mukha at nakakalbo na. Sobrang payat niya, lubog ang pisngi niya at kitang kita ang mga ugat niya sa leeg. Tapos ang mga kamay niya, halos wala ng laman at buto na kaagad ang nahahawakan.

"M-m-mab...e-el," pinilit niyang banggitin ang pangalan ko kahit hirap na hirap siya.

"H-huwag ka munang magsalita pa." Pigil ko sa kaniya, baka kasi kung mapano pa.

Napalingon ako nang bumukas ang pinto. Sunod-sunod na pumasok ang mga nurse at ang cardiologist na tumitingin kay papa. Gumilid na ako habang nakakapit pa rin kay Riley na umiiyak din. Kaya hinagod ko ang likod niya para patahanin.

Ang sunod na pumasok ay yung dalawa. Mukha pa silang magkaaway dahil magkasalubong ang kilay ni Sabel habang hila-hila si Leigh Belle na nakabusangot. Napalitan lang 'yon ng gulat at pag-aalala nang nakita ang nangyayari. Lumapit agad sila sa amin at nagtanong.

"N-nagising na siya," sagot ko, hindi pa rin tinatanggal ang tingin kay papa. Kung ano-anong test ang ginawa sa kaniya ng doctor at tinanong din ng kung ano-ano.

Tinawagan ni Sabel si kuya para sabihin ang balita. Si Leigh naman ay umiiyak sa kabilang banda habang nakakapit sa braso ko. Kaya pati siya ay pinatahan ko na rin.

Nang nasuri na si papa, pinagpahinga muna siya ng doctor. Kinausap niya sina kuya habang ako ay umupo sa tabi ng kama niya. Tulog ulit siya pero ngayon ay mas panatag na ang loob namin dahil bumuti naman daw pakiramdam niya. Kailangan daw magpahinga at siyempre, magdesisyon sa chemo. Nang subukang banggitin 'yon kanina, umilig kaagad si papa. Kaya papagpahingahin pa raw muna namin siya bago kausapin tungkol doon para hindi siya ma-stress.

Ilang oras din akong nandoon sa tabi niya. Umalis lang ako nang yayain na akong umuwi nila Sabel. Balik na lang daw ako bukas para makausap si papa pag nagising na ulit siya. Baka sakaling kaya na niya sa naipong lakas.

Pero kinagabihan pa lang, habang kumakain kami ng hapunan, biglang tumawag si Tita Emily. Napatigil tuloy kami at pare-parehong kinabahan. Akala namin may masama na namang nangyari at isang emergency! Mabuti na lang pala at hindi.

"Hinahanap ka raw niya, ate," sabi ni Sabel pagkababa ng tawag.

Ako ang hinahanap niya pagkagising niya? Dahil siguro sa kanina. Ito na siguro ang tamang panahon para makausap siya. Hindi ako sigurado kung malakas na ba siya para doon. Nang tignan ko si mama, nginitian niya lang ako at tumango. Kaya tumayo na ako at nag-ayos. Hinanda ko rin ang sarili ko sa kung ano man ang mapag-usapan mamaya. Dahil sigurado, mauungkat ang mga nangyari noon.

Naiwan sina Sabel sa bahay at si kuya lang ang sumama sa akin. Buong biyahe hindi ako nagsasalita dahil sa kaba. Kaya nang napansin ni kuya, hindi na niya ako tinigilan sa kakaasar. Pero sa tingin ko effective naman dahil kahit papaano kumalma ang puso ko at natigil ang pag-o-overthink. May silbi rin pala ang pagiging bully niya.

Pagkarating namin sa hospital, lumalakas ulit ang kabog ng dibdib ko habang papalapit sa kuwarto ni papa. Nang nandoon na kami, gising na nga siya at mukhang nagtatalo pa sila ni tita. Nangungulit ata siya dahil wala pa rin ako. Narinig ko kasing binanggit nila ang pangalan ko.

"Oh, ayan na siya. Sabi ko naman sa'yo pupunta, eh." Tumayo si Tita Emily at doon ako pinaupo sa tabi ni papa.

"Uh ... h-hello, pa," naiilang kong bati. Hindi ko pa rin makatingin sa kaniya ng matagal. Napapatingin-tingin ako sa ibang direksiyon para i-divert ang awkwardness na nararamdaman ko.

"A-anak..." Inabot niya ang kamay ko at hinawakan 'yon ng mahigpit.

Malat na ang boses niya at nahihirapan na pala talaga siyang magsalita. Hindi ko alam kung epekto ba talaga 'to ng sakit niya o dahil kagigising niya lang kanina. Pero ang sabi naman nila ay nakabawi na raw siya ng lakas kahit papaano. Siguro, ganito na talaga siya.

"Masaya a-ako dumating ka ... d-dalaw mo ko ..." Malaki ang ngiti niya at nagniningning ang mga mata niya habang pinipisil-pisil at hinahaplos-haplos ang palad ko.

"H-huwag mong piliting magsalita kung nahihirapan ka." Hindi ko mapigilang maiyak nang nakita ko kung gaano siya nahihirapan.

Kaso matigas ang ulo niya at umiling. "A-ayaw ko na ... magsayang ... panahon. M-maraming pagkakataon na ... n-nasayang."

Napatango ako sa sinabi niya. Sayang nga ang mga araw na sana ay magkakasama kami. Kaya ngayong kulang na ang isang taon, ang bawat segundo ay hinahabol.

"S-sorry sa lahat ng n-nagawa ko, a-anak. A-ako pa mismo ang sumira ng ... p-pamilya natin." Napahagulgol na siya sa pag-iyak at lalo nang nahirapang magsalita. Napalapit lalo ako sa kaniya para yakapin siya at patahanin.

"Napatawad na kita, pa. Okay na ang lahat," sabi ko para gumaan ang pakiramdam niya.

Pero umiling siya at lalong lumakas ang pag-iyak niya. Natakot na ako baka kung ano pang mangyari sa kaniya. Gusto ko sanang itigil muna ang pag-uusap pero alam kong hindi siya papayag. Baka lalong sumama ang loob niya.

Anong gagawin ko?

Napatingin na ako kina kuya para humingi ng tulong. Mabuti na lang at lumapit si Tita Emily at siya ang nagpakalma kay papa.

Kumalas ako sa yakap at binigay siya kay tita. Habang tinitignan ko sila, hindi ko maiwasang mapatanong kung bakit hindi ko nakitang ganito siya kay mama? Hindi niya ba talaga minahal si mama? Kung ganon, bakit sila nagpakasal at bumuo pa ng pamilya? Sabi naman sa akin ni mama dati, nagkakilala sa school. Hindi naman mayaman ang mga pamilya nila para ipagkasundo sila. Ayaw pa nga raw ng tatay ni mama kay papa dahil pulis daw at delikado ang trabaho.

Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng sakit para kay mama. Siya sana ang nandito at nakaagapay kay papa. Siya sana ang nag-aalaga sa kaniya. Ito dapat ang lugar niya, hindi ang wheelchair na nagpapahirap sa kaniya. Siya ang asawa, pero sa papel na nga lang pala.

"I think mas makabubuti po kung mauna na kami?" Tatayo na sana ako para yayaing umalis si kuya kaso mabilis akong hinawakan ni papa para pigilan.

Umiling siya at nakiusap na huwag ko siyang iwan. Mabilis na lumambot ang puso ko at naawa sa kaniya. Kaya bumalik ako sa pagkakaupo at hinawakan ang kamay niya.

"S-sige po, hindi po ako aalis." Paninigurado ko dahil kita sa kaniya ang takot nang nagpaalam ako kanina.

Hindi ko akalaing magiging ganito siya sa akin. Nakakagulat na binibigyan na niya ako ng importansiya ngayon. Parang bang hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nasasabi ang lahat. Baka dahil sa aming magkakapatid, ako na lang ang hindi niya nakausap? At bilang katawan niya ang may sakit, ramdam niyang limitado na lang ang oras niya.

"Alam k-ko ... n-nasaktan kita ng sobra. Kaya p-patawad talaga sa lahat ng ... s-sa lahat ng n-nagawa ko. S-sorry, a-anak. Sorry." Puro sorry na lang ang nasabi niya sa sobrang pag-iyak. Hinayaan ko lang siya hanggang sa napagod at nakatulog ulit.

Habang pauwi, hindi ko maiwasang isipin na naghihirap na nga talaga siya. Akala ko noon humihingi lang siya ng tawad para gumaan ang pakiramdam niya at maging ayos. Hindi ko akalaing ganito palang pagdurusa ang pinagdadaanan niya. Kaya mabuti na rin talagang nagpatawad na'ko at pinakinggan siya. Sa ganitong paraan, nabawasan ko sana ang bigat ng nararamdaman niya kahit papaano.

"Noon, nung hindi pa ganiyan kalala ang karamdaman niya, sinabi niya sa aking gustong gusto niyang makapag-sorry sa'yo at kay mama," sabi ni kuya habang tutok sa pagmamaneho.

Pauwi na kami ngayon at hindi nawala sa isip ko ang nangyari kanina. Kaya bahagya akong nagulat nang bigla siyang nagsalita. Pero mas nagulat ako sa sinabi niya. Kay mama, naiintindihan ko pa. Pero ako? Bakit?

"Ikaw daw kasi ang nakasaksi at nakarinig sa lahat ng away nila ni mama. Ikaw din ang pinagmalupitan niya, madalas pagalitan, sigawan, at saktan."

Naisip pa pala ni papa 'yon? Akala ko, wala na siyang pakielam at kinalimutan na niya. Simula kasi nang nagkaisip ako, palagi na silang nag-aaway ni mama. Eh nung mga panahong 'yon, mas madalas sa labas si kuya. Kaya ako lang palagi ang nasa bahay, sumasalo sa lahat ng galit niya pag tapos na siya kay mama.

Pero pare-pareho niya naman kaming nasaktan. Kaya ayaw kong isipin na sa akin siya may pinakamalaking atraso. Dahil kaming apat, all of us deserve a complete happy family. At hindi niya naibigay sa amin lahat 'yon. Lahat kami tinalikuran niya at bumuo ng bagong pamilya.

Gusto ko na lang isipin na nasa nakaraan na ang lahat ng 'yon. At sapat na ang pagsisisi niya para patawarin ko siya. Hindi ko naman kakalimutan ang mga nagawa niya, dahil una sa lahat, napakaimposible non. Pero umaasa akong sa susunod na balikan ko ang masasakit na alaala, hindi na ako masasaktan. Hindi na rin ako matatakot. Hindi na rin ako magagalit.

Truly, forgiveness gives us peace of mind and heart. Parang may isang malaking bloke ang natanggal mula sa pagkakadagan sa akin.

***

Pagkarating namin sa bahay, dumeretso na kami sa pagtulog dahil mag-a-alas dose na. Kaso hindi naman ako madalaw ng antok kahit sobrang pagod ko sa araw na 'to. Naaalala ko pa rin kasi si papa at paghingi niya ng tawad. Kaya bumangon ako at bumaba para uminom ng gatas.

Pero pagkarating ko sa kusina, nagulat ako nang naabutan kong umiinom ng tubig si mama! Muntikan niya pang mabitawan ang baso nang napatili ko.

"Ginulat mo naman ako!" Napahawak siya sa puso niya at huminga ng malalim.

"Ginulat mo rin kaya ako." Sinimangutan ko siya na kinatawa niya. Napapailing-iling akong lumapit sa ref at kumuha ng pitsel. "Bakit hindi ka pa tulog, ma?"

"Bakit hindi ka rin tulog?" Panggagaya niya sa sagot ko kanina.

Seryoso ko lang siyang tinignan habang nagsasalin ng tubig. Tumawa lang siya ulit at inasar ako. Alaskador kasi si mama, mas seryoso pa nga kami kaysa sa kaniya. Kaya nga naiinggit din ako dahil nagagawa niya pa ring magbiro, tumawa, at maging masaya kahit sobrang dami ng dinanas niyang pagsubok sa buhay.

"Paano mo nagagawa 'yan ma?" tanong ko sa kaniya.

"Ang alin?" Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Ang tumawa, maging masaya, at magpatawad sa kabila ng mga pinagdaanan mo?" paglilinaw ko sa tanong.

Ilang sandali siyang napatigil, nakatingin lang sa akin. Kalaunan, nilipat niya ang mga mata niya sa ref. Kung saan nakapaskil ang isa naming family picture na naka-magnet.

"Dahil sa inyo. Dahil sa inyo kaya pa rin ako lumalaban hanggang ngayon, kahit gaano kahirap. Kayong mga anak ko ang lakas ko para tumawa, sumaya, at magpatawad." Kahit tumutulo ang luha, ngumiti pa rin siya ng malaki na parang walang problema.

I am so dumb for not realizing how strong of a woman she is. Masyado akong focused sa paghihirap ko bilang ate ng mga kapatid ko, without even thinking kung gaano kahirap para sa kaniya, bilang isang ina, na makita ang mga anak niya sa ganoong sitwasyon.

I thought I was so mature then. Kasi I am independent, kaya kong suportahan ang sarili ko. Kinaya ko nga ring tumayo bilang ina ng mga kapatid ko. Pero ang dami ko pa pala dapat matutunan. Dahil ang dami ko rin palang mga pagkakamali. Kahit gaano man pala kahirap ang buhay namin noon, marami pa palang pagsubok ang hindi ko nahaharap.

I thought marami na akong alam—mas marami kaysa kay mama. Madalas kong isipin noon na she could have done this, she could have done that. Without thinking na yung mga ginawa niya, were the best thing she could do at that time. Not just for herself, but for all of us.

And yes, she made mistakes that shouldn't be justified. Maling mali na pumatol siya sa may asawa na. Parang bang sinaksak niya ang ibang tao gamit ang espadang iniwan sa kaniya ni papa. Kaya oo, hindi siya perpekto, kagaya ng ibang tao. Ngayon, ang mahalaga sa akin ay inamin at inako niya ang mga pagkakamali niya. At ang kalagayan niya ngayon ang habambuhay na magpapaalala sa kaniya non.

Now, I see her as a seasoned soldier I should learn from instead of competing with. Walang wala ako sa kaniya, talong talo. As her skin is her armor, and her experiences as her weapon, she could slay anyone even on her wheelchair.

"You're so strong." Hindi ko maiwasang sabihin. Lumapit ako sa kaniya para yakapin din siya ng mahigpit. Sa balikat niya ako umiyak, basa tuloy ang parte ng damit niyang 'yon.

"At malakas ka rin, Mabel. Sa dami ng mga pinagdaanan mo sa buhay, nakatayo ka pa rin ... lumalaban...."

Kumalas siya sa yakap at hinawakan ako sa balikat para mahinang itulak. Pinakatitigan niya ang mukha ko at tsaka pinunasan ang luha ko.

"Nagpapatawad..."

Matamis niya akong nginitian at tsaka ako hinalikan sa noo, matagal at mariin. Nang humiwalay siya, hinawakan niya ako sa pisngi at tinitigan ako sa mata.

"At nagmamahal..."

***

Kinabukasan, napakagaan ng pakiramdam ko. Parang akong nasa gitna ng garden na puno ng mga bulaklak at paro-paro. Tapos may rainbow pa sa langit kung saan malayang lumilipad ang ibon. Ito ata ang epekto ng isang mahimbing na tulog. Yung walang problemang iniisip, walang luhang tumutulo. Kailan ko ba huling naranasan 'to?

"MAAYONG BUNTAG!" Bati ko sa kanila pagkababa ko. Taas na taas pa ang mga kamay ko at sobrang laki ng ngiti ko.

Napatigil sila sa pagkain ng agahan at napatingin sa akin. Nakabihis pa silang lahat, galing sa simbang gabi. Hindi ako nakasama dahil hindi ako nagising kanina sa alarm.

Nagsalubong ang mga kilay nila nang nakita ako. Parang silang nakakita ng diyosa! Si Mico lang ang naka-appreciate at napapalakpak pa!

"Good Morning, Baby Mico!" bati ko, siya lang kasi talaga ang may deserve!

"Good Mornong, Tita Ganda!" pambobola niya pa! Siyempre maniniwala ako dahil hindi raw nagsisinungaling ang mga bata.

"Aww! Thank you! Huwag kang mag-alala, bibigyan kita ng pera pag may trabaho na ako, ah?" Kinurot ko muna ang pisngi niya at hinalikan sa mukha bago ako umupo sa pwesto ko.

"Ay, may suhol!" biro ni Leigh Belle.

"Wala ka lang panuhol," sagot ko naman, sabay irap pa.

"Uuuyyy! Bati na sila!" puna ni Sabel.

At yawa! Oo nga pala! Paano nawala sa isip ko na hindi pa nga pala kami okay dalawa? At mukhang nakalimutan niya rin nang napatigil siya. Nagkatinginan pa kami tapos nagkaiwasan din kalaunan. Tinulak tinuloy ni mama si Sabel para patigilin sa pang-aasar nang napansin niya ang reaksiyon namin ni Leigh Belle.

Na-bother na naman tuloy ako dahil oo nga pala, hindi pa kami pormal nagkaayos. Kaya naman nang maghugugas na siya ng pinagkainan dahil siya ang nakatoka ngayon, nagpaiwan ako at sumunod sa kusina. Nagkunwari pa akong kumuha lang ng tubig sa ref pero sa totoo lang ay naghahanap ako ng tiyempo.

Nang naubos ko na ang tubig, nilapag ko sa lababo ang baso para hugasan niya. Pero sa totoo lang ay ginawa ko lang 'yong dahilan para makalapit sa kaniya. Kaso hindi ako makapagsalita kaya ang tagal kong nakatayo sa galid, nakatingin lang sa kaniya. Kaya tuloy nagtaka siya at napatingin sa akin ng magkasalubong ang mga kilay.

Huminga ako ng malalim at pinalakas ang loob ko. Si Leigh Belle lang naman 'to, bakit ako kakabahan? "Pwede ba tayong mag-usap?"

Napatigil siya sa paghuhugas ng plato. Ang tagal niya lang nakatulala doon habang hawak niya ang pinagkainan at sponge. Nataranta na 'ko nang nakita kong may tumulong luha sa mukha niya! Binitawan niya ang mga hawak at agad akong niyakap, magrereklamo sana ako dahil basa siya at puro bula ang kamay niya pero hinayaan ko na lang. Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko kaya nag-bend pa siya at doon umiyak.

"I-I'm so sorry, ate. I'm so sorry..." sabi niya sa pagitan ng paghikbi niya.

Pinalupot ko ang braso ko sa kaniya at hinagod ang likod niya para patahanin. "Okay na 'yon sa akin, huwag ka nang umiyak."

"S-sorry sa mga n-nasabi ko. H-hindi totoo mga 'yon. Ikaw ang best a-ate."

"Talaga? Paano si Sabel?" biro ko para pagaanin ang sitwasyon at ang loob niya.

Napaisip siya ng sandali don bago siya sumagot. "Second best lang siya."

Mahina akong natawa habang tuloy-tuloy din ang pagbagsak ng luha ko. Baby pa rin talaga ang bunso namin kahit ang landi na niya. Kahit dalagang dalaga na siya, parang pa rin siyang bata.

Naalala ko tuloy tuwing tumatakas siya para magpunta kina papa. Ang sandamakmak na pinapabili niya tuwing lumalabas ako. Ang pangungulit at pang-aasar niya. Sa kabila non, hindi rin maitatanggi na isa siya sa mga tumulong sa akin para makabangon noon. Siya ang nagtatanggol sa akin pag hindi ko kaya. Kahit mas bata siya sa akin, may mga natutunan din ako mula sa kaniya. Parang ko na rin talaga siyang anak kahit magkapatid kami. Kaya sobrang sakit nang nagalit siya sa akin at pinagsalitaan ako ng masasama. Parang akong sinaksak ng espadang ako mismo ang nagpanday.

"H-huwag mo nang uulitin 'yon, ah? Hindi maganda na nag-aaway tayo dahil lang sa lalaki. Lalong lalo na misunderstanding lang ang lahat. Kaya dapat sa susunod, makinig ka muna bago ka magwawala diyan," pangaral ko sa kaniya. Ayaw ko nang maulit ang nangyari, sobrang hirap at sakit.

"Oo, ate, hinding hindi na. Lalo na kung dahil lang sa walang kwentang lalaki." Puno ng pait boses ang niya at lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"Teka nga? Napano ba kayo ni Albie at parang galit ka sa kaniya ngayon?" Nako pag talaga nalaman kong may kagaguhang ginawa ang lalaking 'yon makakatikim talaga siya sa akin! Nag-away kami ng kapatid ko dahil lang sa kaniya tapos ganito?

Humiwalay si Leigh Belle mula sa yakap at bumalik sa paghuhugas ng pinggan. Halatang iniiwasan niyang pag-usapan! Hindi pa siya makatingin sa akin kahit anong lapit ng mukha ko. Hmmm ... I smell something fishy here, ah? May nangyari talagang masama, eh.

"Uy, ano na? Kung may problema ka, pwede ka namang magsabi sa akin," pag-udyok ko sa kaniya para magsalita siya. Base sa mukha niya, parang malalim ang pinaghuhugutan, eh.

"Wala, ate. Narealize ko lang na hindi siya worth it." Napairap pa siya sa ere.

Natawa tuloy ako nang naisipan ko siyang asarin. "Weh? Konting suyo lang niyan rurupok ka na, eh!"

"Hindi naman ako kagaya mo, 'no!" Nginisian niya ako at tinaasan pa ng kilay!

"Aba! Halika nga rito!" Lumapit agad ako sa kaniya para kilitiin siya sa tagiliran. Sinubukan niyang tumakas pero hindi ko siya pinabayaan.

Kaso nakaganti siya sa haba ng mga braso niya. Kaya napuno ng tawanan ang kusina at nagkalat ang mga bula nang nagbatuhan na kami at nagbasaan!

***

"Ate, kain ka po." Nilahad sa akin ni Riley ang isang bilao ng puto.

"Salamat." Nginitian ko siya at kumuha ng puto. Nang tikman ko, ang sarap! Hindi ko tuloy napigilang magtanong para makabili rin ako. "Saan mo nabili 'to? Ang sarap, eh!"

"Uh ... ako po ang nagluto niyan," nangingiti niyang sagot.

Literal na nalaglag ang panga ko. "Ikaw nagluto nito?!" Grabe daig pa ako ng bata! Hindi ko alam kung paano gumawa nito.

"O-opo." Dahan-dahan siyang tumango.

"Hilig na niya ang pagluluto dati pa lang. Pag pumupunta ako sa kanila, siya lagi ang nagluluto ng pagkain," kwento ni Leigh sa amin.

Napatango-tango ako habang patuloy na kinakain ang puto. Feeling ko ako ang makakaubos nito! Masarap kasi, eh. Tsaka nakakatuwang malaman na si Riley pa mismo ang nagluto nito. Masaya akong may nalaman ulit ako tungkol sa kaniya, sana mas makilala ko pa siya.

"Anong grade ka na pala?" tanong ko.

"Grade 8 po," sagot niya. Hindi pa rin siya makatingin sa akin hanggang ngayon, nakayuko pa rin at pinaglalaruan ang foil sa bilao.

Napatango-tango ako. "Kumusta ang grades mo?"

"Uhm ... okay naman po."

"Anong okay?! Ate, matataas ang grades niyan. With High Honors!" pagbibida ni Leigh.

"Ooh! Buti hindi ka nagmana kay kuya!" biro ko kaya pare-pareho kaming nagtawanan. Malakas lang ang loob ko ngayon dahil wala siya rito. Wala lang sanang magsumbong, kundi lagot talaga ako.

Tinuloy ko lang ang pakikipagkwentuhan kay Riley para gumaan ang loob niya sa akin. Kaya masaya ako na kalaunan, kita kong komportable na siya. Nakakatingin na siya sa akin at nakakasagot na siya agad tuwing nagtatanong ako. Humahaba na rin ang mga kwento niya at nakikitawa na rin pag nagbibiruan kami.

Pagkatapos ng ilang oras na pagkukwentuhan, kinailangan na niyang umuwi dahil may exam pa raw sila sa Lunes. Medyo nalungkot ako dahil natutuwa na ako sa pakikipagkwentuhan sa kaniya. Marami akong nalaman, at bilang ate niya, masaya ako na nakilala ko na siya.

Ngayon ay kaming tatlo na lang ang natira para magbantay kay papa. Noong una ay nagkukwentuhan pa kami pero kalaunan ay nagkaroon na kami ng sari-sariling mundo. Si Sabel ka-chat ata si Son. Habang si Leigh Belle naman ay hindi ko alam, kanina napapangiti-ngiti pa siya, pero ngayon nakabusangot na.

So ako lang pala ang walang ka-chat? Nakakainis naman 'tong mga 'to, kami ang magkakasama tapos iba kausap nila? Nakakapagtampo, ang tagal naming hindi nagkasama-sama at nag-usap-usap tapos ganito sila.

Kaya nilabas ko na lang din ang cellphone ko at balik sa Instagram. Sandali rin akong nalibang sa reels. Pero nang nainip na ako, aalis na sana ako sa app. Napatigil lang ako nang reel ni Mimi ang nakita ko. Magkasama sila ni Nisha pumasyal sa Casa Manila.

Hindi ko maiwasang mainggit. Kung sanang magkaibigan pa rin kami ni Nisha, magkakasama sana kami. Karamay ko rin sana siya. Baka nakatanggap pa ako ng masasakit pero totoong salita. Nakakamiss din pala ang mga araw na okay pa kami.

Should I reach out? Mukha kasing okay naman na siya kahit wala ako. Mukhang masaya na siya at kuntento. At tsaka baka galit pa rin siya sa akin. Pero siguro wala namang masama kung susubukan ko, 'di ba? Kung ayaw niya, okay lang. At least, I tried. Malay ko kagaya nila Lala at Mickey, magkaayos kami at maging friends ulit, 'di ba? Kung ayaw na niya, well, at least nalinaw na namin ang lahat at wala na kaming sama ng loob sa isa't isa.

Pinindot ko ang profile ni Mimi at nag-dm sa kaniya. Blocked na kasi ako kay Nisha sa lahat ng social media accounts niya at pati na rin sa contacts pagkatapos ng away. Hindi ko alam kung paano ko pa siya mako-contact. At indirectly asking for help na rin para kung hindi man siya pumayag, mapakiusapan siya.

Agad namang na-seen ni Mimi at sinabing kakausapin niya si Nisha. Lalo tuloy akong kinabahan dahil pakiramdam ko hindi talaga siya papayag. Pero bahala na, naghintay pa rin ako ng sagot.

Ilang oras din ang lumipas at nagawa na namin nakauwi ng bahay pero wala pa ring sagot. Ngayon, sigurado na akong ayaw niya. Baka pinakikiusapan na lang talaga siya ni Mimi. Pero alam kong hindi siya basta-basta mapapasunod at mahihikayat kaya hindi na lang ako aasa. Kaya nang tumunog ang cellphone ko, hinanda ko na ang sarili ko na hindi siya papayag.

[Sige raaaaaawwww!!!!]
[Kita raw tayo sa pasko]

Wait—Ha?! Seryoso? Tama ba pagkakabasa ko? Yawa tama nga! Hindi kaya niloloko lang ako ni Mimi? Pero bakit naman niya ako lolokohin, 'di ba? So totoo nga? Pumayag talaga si Nisha? Sa pasko?

Okay, kalma. Kailangan kong paghandaan 'yon at ikondisyon ang sarili ko.

Sige, ako na ang hihingi ng tawad at magpapakumbaba. Siguro kailangan ko rin talagang i-acknowledge na nasaktan siya at sobra ang epekto ng ginawa ni Meraki sa kaniya. Kagaya lang ng naging epekto nila papa sa akin.

[See you!]

***

Huminga ako ng malalim bago ako pumasok ng Starbucks. Nakakahiya na kung sino pa ang tiga Cebu ang na-late. Nakakainis kasi si Leigh Belle, hindi niya tinigilan ang videoke kagabi pagkatapos ng Noche Buena! Hindi tuloy ako nakatulog agad kaya late na akong nagising! Pero okay na rin siguro 'yon, at least natakasan ko ang mga inaanak ko ng hindi ko sadya. Nakatipid ako ngayong pasko.

"H-hi. Sorry, na-late ako." Nahihiya akong umupo sa tapat ni Nisha. Hindi tuloy namin magawang pagtagpuin ang mga mata naming dalawa.

"Okay lang! Kakarating lang din namin ... 10 minutes ago!" Tumawa ng malakas si Mimi kaya nakitawa na rin ako kahit sobrang kabado. Thank you sa effort niyang magpatawa, pero sana huwag na niyang i-try next time.

"Uhm ... naka-order na ba kayo?" tanong ko.

"Yeah," si Nisha ang sumagot.

Nagulat ako nang nagsalita siya. Memoryado pa ng utak ko ang boses niya, pero at the same time nakakapanibago dahil matagal ko nang hindi narinig.

"Uh ... s-sige, order muna ako wait lang." Tumayo ako at nagpunta na sa counter. Ngayon na lang ulit ako nakahinga, parang akong sinasakal kanina.

Bumalik na ako sa upuan ko pagka-order. Sila ang nag-uusap kanina pero tumahimik si Nisha pagkabalik ko. Kaya kami lang ni Mimi ang nagsasalita. Humahanap ako ng tiyempo na isali siya sa conversation pero pinangunahan ako ng kaba.

"Hindi ko pa alam kung saan kami after Christmas. Pero siguro around Philippines lang since busy si mama," sabi ni Mimi.

"Kami sa bahay lang sa New Year. Or ... sa ospital na lang kaya para kasama namin si papa?" Yayain ko kaya sila para naman sama-sama kaming mag-celebrate.

Sumang-ayon si Mimi sa plano ko. Habang ako naman ay pinapalakas ang loob kong kausapin si Nisha. Ito na ang tamang timing para isali siya sa usapan namin.

"I-Ikaw, Nisha?"

Napaitlag siya nang bigla kong sabihin ang pangalan niya. Muntikan pang matapon ang iniinom niyang latte! Hindi pala iyon ang tamang timing. Dapat pala pag hindi niya hawak!

"H-ha?"

"Pinag-uusapan kasi namin kung saan mag-ce-celebrate ng New Year," paglilinaw ni Mimi.

"Sa condo lang," tipid niyang sagot bago binalik sa cellphone ang tingin.

Nagkatinginan kami ni Mimi. Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga dahil nawawalan na talaga ako ng pag-asa. Siguro ayaw niya rin talaga? Baka gusto niya lang din subukang makipag-ayos pero mukhang hindi na talaga. Baka kung i-push ko pa, magalit na naman siya. Mas okay na 'tong kaya na naming manatili sa iisang lugar.

"Uh ... wait lang, restroom lang ako," paalam ni Mimi.

"Sam—" Patayo na ako para sana sumama dahil ang awkward na maiwan kami ni Nisha. Kaso pinanlakihan ako ng mata ni Mimi at sinenyas ang kasama naming busy pa rin sa cellphone.

Wala na akong nagawa nang tuluyan na niya kaming iniwan. Napabuntong hininga ako at tiningnan si Nisha. Sumisimsim siya sa latte niya habang nasa cellphone pa rin ang mga mata. Pero napatagal ata ang tingin ko sa kaniya kaya napatingin din siya sa akin. Pareho tuloy kaming napaiwas ng tingin sa sobrang ilang! Dinampot ko na lang ang chai tea na inorder ko at uminom.

"Ehem. M-mabel."

Agad akong napalingon sa kaniya nang tawagin niya ang pangalan ko. Diretso siyang nakatingin sa akin. Ilang sandali lang ay namuo na ang luha sa mga mata niya hanggang sa tumulo na. Nahawa tuloy ako!

"Nishaaaa!" Hindi ko na napigilang tumayo para lapitan siya at yakapin. Kaso nangawit ako dahil nakaupo siya kaya kumalas agad ako sa yakap at umupo sa upuan ni Mimi kanina.

"S-sorry ... so much," sabi niya pagkaupo ko.

"Sorry din. Hindi kita inintindi non." Noong ako ang may problema, kahit naiinis na siya, inintindi niya ako. Tapos nung siya na, kahit naman maganda ang intensiyon ko, hindi ko pa rin kinonsider ang nararamdaman niya.

Umiling siya. "Don't. Ako ang hindi nakaintindi. Masyadong sarado ang isip ko, tapos ang taas pa ng pride. In fact, ako pa nga dapat ang nag-initiate nito dahil ako ay may kasalanan. Kaya sorry talaga, Mabel. Hiyang hiya ako sa'yo."

Lumapit siya sa akin at pinatong ang ulo niya sa balikat ko. Hindi na ako nakapagsalita at pinabayaan ko na lang ding tumulo ang luha ko. Kaso biglang umurong nang nakita kong nakatingin sa amin ang ibang customers at staff. Nakakahiya at nagdrama na naman ako sa isang public space!

"U-uhm ... maraming nakatingin Nisha," bulong ko sa kaniya. Bahagya ko siyang tinulak para lumayo na siya. Kaso ayaw niyang patinag at lalong hinigpitan ang yakap sa akin!

"Don't mind them, babe. Ngayon lang sila nakakita ng live drama." Sinadya pa talagang lakasan kaya narinig nung mga malapit sa amin!

Natawa na lang kaming pareho sa kalokohan niya.

Pagkabalik ni Mimi, umalis na kami dahil pupunta pa raw kami sa Plaza Independencia. Gusto raw puntahan ni Nisha 'yon na isa pala sa mga dahilan kung bakit siya pumayag kitain ako. Nahilig daw kasi siya sa mga old places and houses ngayon, lalo na sa mga naitayo noong Spanish era. Kaya nagkunwari akong nagtatampo. Buong biyahe papunta doon ay nag-aasaran kami. Lalo na at hindi ko hinayaang makatakas si Mimi tungkol doon sa kambal.

And speaking of kambal, kasama pala ang mga kumag! Ang sinabing dahilan ay para makausap ako ng personal ni Kurt. Pero siyempre, alam ko namang si Mimi talaga ang sinusundan niya!

"Sorry talaga, Mabel." Humingi kaagad siya ng tawad nang nagkaroon siya ng pagkakataon makalapit sa'kin.

"Nako Mabel 'wag mong patawarin 'yan para magtanda!" pabirong gatong ni Mimi.

"Mi naman!" Humaba tuloy ang nguso nitong isa.

Balak ko pa sanang magkunwaring galit ako sa kaniya pero hindi ko na napigilang matawa! Na-explain na rin naman niya sa'kin ang side niya at wala na rin naman akong dahilan pa para magalit sa kaniya. Dahil somehow, biktima lang din siya rito at ginamit lang ng kaibigan niya.

Apparently, may lihim na pagtingin pala si Matt kay Sasha. Kaya pala biglang nagbago ang mood at ugali ng loko simula nung volleyball match! And since may galit sa'kin ang Cruella de Vil, ginamit niya si Matt para gantihan ako. At dahil may issue rin si Kurt noon sa kakambal niya at lumabas na involved ako, dinawit na nila siya.

They conspired againts me and used my feud with Maritessa. Pinalabas nilang tinangka siyang kidnappin at ako ang tinurong mastermind. Sila ang nasa likod ng fake text messages! At dahil malakas nga ang kapit ng bruhang Cruella since pamangkin nga siya ng pinsan ng dating classmate ng may-ari ng establishment, napasibak kaagad ako kahit alam nilang fabricated lang yung evidence.

Hanggang ngayon wala pa rin akong narinig mula kina Cruella. Kaya medyo may sama pa rin ako ng loob sa kumpanya dahil alam kong 'di man sila naparusahan sa ginawa nila. Mabuti na lang pala talaga at hindi ko tinanggap ang offer ni Sir Len. Alam ko namang compensation na lang 'yon sa ginawa nila.

"Alam mo Kurt, with all the things that happened to me, I realized that 'sorry' is not a just a statement. It is also a promise. A promise to change. A promise to be better. A promise to never do the same mistake again."

Inabot ko ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya lalo na nang ngitian ko siya.

"I learned that when we forgiveness is not a pass for someone to be held accountable, but a chance for them to change and prove themselves."

Pagkatapos ng heart-to-heart talk namin, nagkasiyahan na kami. Bumalik ang sigla niya at pinag-aasar na naman ako na akala mo hindi ko lang siya pinatawad. Kala mo hindi sorry nang sorry ang animal kanina!

Hindi na naalis ang ngiti sa mga labi ko buong araw. Kung saan-saan nila ako dinala, hindi na ako umangal dahil ang tagal din nang huli kaming lumabas tatlo. Kaya sinulit na rin namin dahil uuwi na rin sila agad bukas sa Manila. Parang gusto ko ulit tuloy bumalik doon para makasama sila. Pati na rin sina Lala, Mickey, at Liz.

Pero buo na talaga ang desisyon kong mananatili ng Cebu. Siguro mag-organize na lang ako ng gala kasama silang lahat. Medyo mahirap dahil busy kaming lahat, pero kakayanin naman siguro. Madali lang naman silang paghihilain.

Pinanuod ko silang dalawa habang nagkukuhanan ng litrato. Hindi ko mapigilang maluha dahil sa wakas, buo na ulit kaming tatlo.

***

"Bilisan mo Leigh Belle! Iiwan talaga kita!" Pang-ilang sigaw ko na 'yon dahil ang tagal niyang mag-ayos! Akala mo naman may mababago siya hitsura niya.

"Eto na! Eto na!"

Napabuntong hininga ako nang narinig ko nang bumukas ang kwarto niya. Nauna na akong lumabas at sumakay sa sasakyan. Pupunta kami ngayon sa mall para mamili ng regalo para sa new year. Balak ko sana maaga kaming magpunta dahil sigurado, maraming tao dahil 31 na bukas. Pero itong sumabay, akala mo naligo pa siya sa gatas sa sobrang tagal! Buong biyahe tuloy wala ako sa mood.

Sa Dept Store na kami dumeretso dahil karamihan naman ng maireregalo namin doon ko na mabibili. Ang bilin ko pa sa kaniya, huwag siyang hihiwalay dahil mahirap maghanapan sa dami ng tao. Kaso, wala pa mang isang oras ang lumipas, wala na siya sa paningin ko! Babaeng 'yon talaga!

Sinimulan ko na lang ang paghahanap ng regalo. Inuna ko ang sa mga lalaki dahil madali lang namang regaluhan sina kuya, Son, at papa. Pabango ang binili ko para kina kuya at Son, habang smart pill organizer naman kay papa.

Pagkatapos ko doon, si Mico naman ang hinanapan ko sa Kids' section. Napagdesisyunan kong damit na lang ang ibigay ko sa kaniya. Marami na rin naman siyang laruan, baka murahin na ako ni kuya pag dinagdagan ko pa ang kalat sa bahay.

Patingin-tingin lang ako nang naengganyo akong magtitingin ng mga damit ng baby. Ang ku-cute kasi! Kung may baby lang sana sa amin, kahit buong araw pa akong mamili rito, ayos lang! Pero hindi ito ang agenda, wala ng kasya rito si Mico. Kaya binitawan ko na ang hawak kong maliit na dress at aalis na sana nang nabangga ang paa ko ng stroller!

"Aray!"

"Shit! Sor—Mabel?!"

Yawa! Si Luigi!

Parang iniwan ako ng kaluluwa ko nang nakita siya. Naestatwa ako. At kahit gusto ko siyang talikuran hindi ko magawa!

Nang ibaba ko ang paningin ko, nakita ko ang isang baby na nakasakay sa pink na stroller. Merong pacifier sa bibig niya at nakatingin pa ng diretso sa akin!

"Uhm ... hi! Mauna na ako." Tatalikuran ko na sana siya nang nakabawi na ako sa pagkakagulat kaso pinigilan niya ako!

"Can we talk?" Hinawakan niya ang braso ko. "Please?"

Napaisip ako kung papayag ba ako. Kasi una sa lahat, ano pa ba ang dapat naming pag-usapan? Sa pagkakaalala ko, malinaw naman na ang lahat. Nambabae siya, nakabuntis ng iba, ngayon may anak na. Alam ko na 'yon, kaya nga ako pa ang nakipaghiwalay, 'di ba?

Pero sa kabilang banda, alam ko sa sarili kong binabagabag pa rin ako ng nakaraan namin. Dala-dala ko 'yon hanggang sa relasyon namin ni Venn. Kaya kung kakausapin ko si Luigi, baka sakaling mawala na ang pait na iniwan niya. Dahil kahit hindi ko na siya mahal, naiwan pa rin sa akin ang bubog ng mga nabasag niyang pangako. Patuloy na sumusugat sa akin kahit matagal na kaming tapos.

Pero ... papayag ba talaga ako? Maniniwala ba ako sa lalaking 'to? Baka maghuhugas lang siya ng kamay, ah? Tapos puro kasinungalingan na naman ang mga sasabihin niya. Pakiramdam ko kailangan ng lie detector pag siya ang kausap, eh.

"If you want kahit dito na lang. I just ... I just really want to talk to you. Promise, I won't do anything you won't like." Halos lumuhod na siya pumayag lang ako.

Napahinga ako ng malalim at tumango. Gagawin ko 'to para sa sarili ko. Para sa ikapapanatag ng puso ko. Para pag nagmahal na ako uli, hindi ko na bitbit pa ang mga alaala ko kay Luigi.

Binayaran ko muna ang mga napamili ko bago ako sumama sa kaniya. Tinext ko rin si Leigh Belle at sinabi sa kaniya ang gagawin ko. Tumutol siya pero hindi ko na lang pinansin.

Naghanap kami ng kainan malapit sa SM Store, kaso puno lahat. Kaya bandang huli, sa isang bench na lang kami nauwi. Nakakahiya dahil dinadaandaanan kami ng mga tao tapos ganito ang pag-uusapan namin. Pero bahala na, wala na siguro silang pakielam. Sa dami ng tao di na siguro nila kami mapapansin.

"Uhm ... kumusta ka?" tanong niya pagkatapos niyang timplahan ng gatas ang anak niya. Dinampot niya mula sa stroller ang baby at nilagay niya sa bisig niya para padedein. Habang naghahanap kasi kami ng mauupuan, iyak nang iyak, gutom na siguro.

"I'm doing better, thankfully. Ikaw?" As much as possible, I want to act tough. Baka gamitin niya ulit against sa akin pag nakita niya ang vulnerability ko.

"Eto, okay lang din. Although ... I really feel guilty for what I've done." Hindi na siya makatingin sa akin. Inabala niya ang sarili niya sa anak para iwasan ang mga mata ko.

Kaya nagulat ako nang may tumulong luha mula sa kaniya! Pinusan niya agad 'yon. Tapos tumingala pa siya para siguro pabalikin ang luha sa mata niya. Naalala ko tuloy ang pa-handstand ni Hua Ze Lei!

"I'm so sorry. I'm so sorry for everything, Mabel. I know it won't do anything, but I really want to apologize because that's the only thing I can do."

May inhibitions pa rin ako. Kahit gusto kong maniwala, may parte pa rin sa akin ang nagsasabing umaarte lang ulit siya. Pero sabi ng kabila kong isip, para saan pa ang pagkukunwari niya? He can just ignore me and say nothing kung hindi talaga siya nagi-guilty. Dahil wala na kami, matagal na kaming tapos, hindi na namin mahal ang isa't isa.

"If I could just turn back time, I would. I would right my wrongs, I would make better choices. B-but I can't ... I can't." Napayuko ulit siya at umiling-iling.

Pagkaangat niya ng tingin sa akin, namumula na ang mga mata at ilong niya. Magsasalita na dapat ulit siya pero inunahan ulit siya ng iyak. Napakagat siya ng labi at napalunok, pilit niyang pinipigilang maiyak.

"I'm sorry. You don't deserve to be treated that way. I was so heartless for cheating on you, fooling you, and gaslighting you."

Hindi ko na rin napigilang maluha nang maalala ko na naman ang lahat. Yung mga pagsisinungaling niya, pagbabalewala sa akin, at panloloko niya. Mga masasakit na salita, at mga salitang nagpaikot sa akin. Now, all I can think of it as a box full of black smoke and heavy clouds. Thankfully, nakalabas ako doon bago ako tuluyang napatay ng toxicity.

"I was so selfish for just thinking about myself. I was blinded with ... with everything just because ... it-it felt good. I didn't even consider you and your feelings. I didn't even think about my p-promises."

Halos isandal na niya ang ulo niya sa anak niya kaya medyo kinabahan ako para sa bata. Hindi na siya tumigil sa kaka-sorry. Halos humagulgol na rin siya, nagmamakaawang patawarin ko siya sa mga nagawa niya.

"T-tama na, let's just leave it in the past and move on. Just knowing that at least, guilty ka, nagsisisi ka, and you're holding yourself accountble, okay na ako doon. Because just like what you said, hindi na natin mababago ang nangyari na." Pagpigil ko sa kaniya.

Siguro, dito na dapat namin tuldukan ang lahat, hindi lang ang relasyon namin. Oo, hindi ko makakalimutan ang mga nangyari, but I should get over with the pain and fear. Dahil sa pag-uusap naming ito, umaasa akong tuluyan na akong lalaya sa lahat ng naranasan ko sa relasyon namin. Hindi man agad-agad, naniniwala naman akong isa itong hakbang pasulong.

"Thank you so much, Mabel. Salamat talaga." Kahit papaano, parang nabunutan na rin siya ng tinik sa dibdib.

Tipid ko na lang siyang nginitian. Sa tingin ko hanggang dito na lang kami, ito na talaga. Kaya tumayo na ako at magpapaalam sana nang pigilan niya ako.

"I'm wondering if we could be ... f-friends?" nag-aalangan niyang alok.

Friends? I don't think that is possible. Kung sina papa at Nisha, kaya ko. Ito, I think sobrang awkward lang. Kahit pa pinatawad ko na siya, ayaw ko nang magkaroon pa ng ugnayan sa kaniya. Dahil ito na talaga ang tuldok, permanent marker ang gamit. Period. No erase.

"We can be civil with each other." Umiling ako.

Malungkot siya tumango at yumuko. Doon ko na napagdesisyunang umalis at iwan ang mag-ama. Bumalik ako sa pagbili ng mga regalo pero nasa napag-usapan pa rin namin ang utak ko. Definitely, nilanaw na ang lahat at nagkapatawaran na. Pero at some point, alam kong hindi pa rin naghilom ang sugat.

But I think, now I am on the right path. Siguro, unti-unti na rin akong magiging okay pagkatapos nito. Sakit lang 'to pagkatapos kong buhatin ang mabibigat na bato sa dibdib ko sa napakatagal na panahon. Pero sure na ako na nabitawan ko na lahat ng 'yon, kaya hihintayin ko na lang mawala ang ngalay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top