Chapter 3

Napakahirap ng pinagdaanan ko makapag-move on lang. Hindi simple, hindi madali. Halos ikamatay ko na ang sakit. Kaya salamat sa Diyos at nakabangon ulit ako. Natanggal ko na si Luigi sa buhay ko ngayon, masaya na ako at kuntento kasama ang mga mahal ko sa buhay.

After three months, I am confident to say that I've finally moved on. Kaya hindi ko hahayaang mapunta lang sa wala lahat ng paghihirap ko. Ilang araw pa lang nang bumalik ako ng Manila pero ganito na kaagad ang kalagayan ko. The fact na si Venn pa lang 'yon at hindi pa mismong si Luigi ang nakaharap ko pero libo-libong alaala na ang nagbalik para saktan na naman ako.

I know I shouldn't be affected. Alam kong naka-move on na talaga ako. Kaya nakaka-frustrate! Dahil lang sa lalaking 'yon parang gumuho lahat ng binuo ko. Hindi ko matanggap na nasaktan at umiyak na naman ako dahil sa pisteng mga 'yon!

Nagpupuyos sa galit, pilit kong pinakalma ang sarili ko. Unang araw ko pa naman sa trabaho. Ayaw kong maging pangit ang performance ko lalo na at bago lang ako rito. Ayaw kong bigyan ng pangit na impression ang mga katrabaho't employer ko.

"Hi! Mabel, right?"

Napaigtad ako nang biglang may kumalabit sa akin. Napabungisngis siya dahil doon. Awkward na lang akong ngumiti at tumango ng dahan-dahan.

"Gusto mo bang sumabay sa amin kumain sa baba? Pa-welcome lang namin." Tinuro niya ang nasa likod niya.

Kumway sa amin ang dalawa pang babae na sa tingin ko ay kaibigan niya. Mukha naman silang mabait at walang masamang gagawin. Wala namang masama kung sasama ako. Pero aayusin ko pa kasi ang mga gamit ko sa bago kong biling condo unit. Gusto ko na ring magpahinga dahil ang dami ko ring nilakad. Kaso, nakakahiya naman silang tanggihan. Bago lang ako rito at kailangan kong makisama.

"U-uh ... s-sige." Tumango ako.

"Great!" Napapalakpak pa siya. Tapo ay nag-thumbs up siya doon sa dalawa pa kaya napapalakpak din sila.

Mabilis kong inayos ang mga gamit ko sa cubicle ko. Tinignan ko muna sa compact mirror ang hitsura ko at nag-lip tint bago ako sumabay sa kanila pababa.

Ang first three floors kasi ng building ay commercial. Ang daming kainan, boutiques, and the likes. Kaya ang tagal pa nilang nag-diskusyon kung saan kakain. Ilang beses na rin nila akong tinanong pero kahit saan naman kasi ay okay lang sa akin. At tsaka nahihiya rin akong mag-suggest pa lalo na at hindi ko pa naman sila ganon kakilala.

Bandang huli ay nagkasundo kami sa Pizza Hut. Wala silang tigil sa pagkukwentuhan habang naghihintay kami ng order. Pero kahit na ganon, sinasali nila ako sa usapan nila. Kaya magaan kaagad ang loob ko dahil mukhang hindi naman sila toxic at plastic. Kaya sa tingin ko ay makakasundo ko naman sila. Lalo na at parang same vibes lang din naman sila nila Nisha at Mimi.

"Ay! By the way, magkakaroon daw tayo ng team building this summer! Sa Crystal Beach daw sa Zambales," imporma sa amin ni Mickey. Kaya napalitan na naman tuloy ang topic namin dahil na-excite sila sa balita niya.

"Grabe! Makabili nga ng bagong swimsuit!" Pinagsiklop ni Liz ang mga kamay niya, malaki ang ngiti at kumikislap pa ang mga mata.

Nagulat ako nang sa kaniya mismo nanggaling 'yon. Hindi ko tuloy napigilang pasimpleng tignan ang katawan niya. Dahil hindi naman sa nagja-judge ako, pero...mataba kasi siya. Hindi lang ako sanay kasi kadalasan pag katulad niya, nahihiyang ipakita ang katawan nila. Ako nga hindi ko rin kaya, eh. I still don't have the confidence.

"Ikaw, Mabel? Sasama ka ba?" yaya sa akin ni Lala nang napag-usapan nilang mag-shopping para sa team building.

"U-uh ... sige, tignan ko," nahihiya kong sagot.

"'To naman! Mga walang hiya kami kaya huwag ka nang mahiya!" biro ni Mickey. Mahina niya pa akong pinalo sa braso at nakipagtawanan sa mga kaibigan niya.

Nakitawa na lang din ako para kahit papaano ay mawala ang ilang na nararamdaman ko. Nakisali na ako sa kwentuhan nila hanggang sa naging komportable na ako. Although siyempre ayaw ko namang magmukhang feeling close kaya may konting reservations pa rin.

Busy ako sa pag-ubos ng pagkain ko nang balingan ako ni Mickey para kwentuhan. Parang lahat ng chismis sa office ay alam ko na dahil sa kanila! Kaya nang may ikwento siyang nakakatawa, napaangat ako ng ulo para mag-react. Kaso, saktong sakto naman ang pagpasok ng isang pamilyar na pigura sa kainan! Napatigil tuloy ako at nabitin ang tawa ko. Tinitigan ko pa siya ng maigi para masiguradong siya nga 'yon. Pagkatapos ay nilipat ko sa kasama niyang babae ang mga mata ko.

Yawa! Anong ginagawa niya rito?!

"Uhm ... Mabel? Bakit ka nakatulala diyan?" Pumitik si Mickey sa harap mismo ng mukha ko.

Napaigtad tuloy ako at napagtantong ang tagal ko na palang nakipagtitigan sa kaniya. Gulat din siya nang nakita ako. Napatigil pa siya sa mismong entrance kaya binalikan pa siya ng babaeng kasama niya at hinila sa isang table na pandalawahan.

"Saan ka nakatingin?" Mabilis siyang lumingon.

Pipigilan ko dapat siya para hindi na makita kaso wala na akong nagawa! Nakita kong namilog ang mga mata niya at bumagsak ang panga. Pero nang humarap siya sa akin ay biglang pumorma ang ngisi sa labi niya at pinaningkitan ako ng mata.

"Ikaw ha! Crush mo si engineer, no!" asar niya!

Lalo akong kinabahan nang napatingin din sa amin yung dalawa at tinanong kung ano ang pinag-uusapan namin. Nang ikwento niya, sumali na rin sila sa pang-aasar sa akin!

"Okay lang 'yan, Mabel! Marami namang may crush diyan kay Engineer Caandra kaya huwag ka nang mahiya," gatong pa ni Lala.

Napatigil ako nang banggitin nila ang apelyido niya. "K-kilala mo siya?"

"Hindi naman. Pero sa Summit Design and Construction kasi 'yan nagtatrabaho," sagot niya.

"Sa 12th floor!" dagdag ni Liz nang halata pa rin ang pagkalito sa mukha ko.

Wait, what? Ibig sabihin ... nagtatrabaho kami sa iisang building?! YAWA! Kung dito siya nagtatrabaho, ibig sabihin malaki ang possibility na dito rin nagtatrabaho ang mga animal niyang kaibigan!

Lalo akong kinabahan sa naisip. Paano kung mag-krus na naman ang landas namin? Anong gagawin ko?

Tuluyan na tuloy akong nawala sa sarili ko hanggang sa matapos kami. Kaya naman kahit wala silang tigil sa pang-aasar ay hindi ko na masyadong napagtuonan ng pansin. Kahit naman anong tanggi ko ay ayaw nilang makinig. Mas pinagtuonan ko na lang ang concern ko, at iyon ang presence niya.

Buong biyahe ay iyon ang nasa isip ko. Naisip ko na kung doon din nagtatrabaho ang tatlo, bakit hindi niya kasama kanina. For sure, out na rin nila 'yon at doon nag-dinner. Isang babaeng hindi ko kilala ang kasama tapos sa pandalawahan pa sila umupo. Which means, wala na silang ibang kasama. Is it possible na may sariling lakad na naman yung tatlo? Posible! Magahahanap na naman siguro ng babae yung tatlong animal. Tapos yung piste ay naiwan dahil loyal sa girlfriend?

Ano ba yan? Hiwalay na nga kami pero stress pa rin ang hatid ni Luigi! Tapos ang hirap pang humanap ng mapagparkingan dito sa condo unit! Andami naman atang nakatira rito't halos wala ng mapagpwestuhan ang sasakyan ko? Nakakainis! Lalo tuloy uminit ang ulo ko!

Kaya halos tumalon ako sa upuan nang nakahanap na ako ng parking slot sa tabi ng sasakyang kaka-park lang din. Sa wakas! After ng ilang beses kong pagikot-ikot sa parking space!

Inayos ko muna ang gamit ko at siniguradong hindi ko maiiwan ang mga kailangan bago ako bumaba ng sasakyan. Kaso, kamalasmalasan, nahulog yung susi ko nang nilalagay ko sa bag. Hindi pala na-shoot sa loob ang piste!

"Argh!" Yumuko ako at kinuha 'yon. Pero nang pag-angat ako ng tingin, napaigtad ako nang nakitang may tao! At lalo akong nabuwisit nang nakakilala ko kung sino!

"M-mabel?" Hindi rin siya makapaniwala!

"A-anong gingawa mo rito? Sinusundan mo ba 'ko? Kanina ka pa, ah!" akusa ko sa kaniya.

Lalong nanlaki ang mga namimilog niyang mga mata. Nataranta siya at ilang beses bumuka ang bibig niya para magpaliwanag ko kaso masyado ata siyang natakot sa akin.

"H-hindi! Hindi!" Winagayway niya ang dalawa niyang kamay sa harap ko kasabay ng pag-iling niya.

"Oh? Eh bakit ka nandito?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"E-eh ... d-dito rin ako nakatira, eh." Napayuko siya at tinignan ang mga pinaglalaruang kamay.

Napatagil ako at nakaramdam ng pagkapahiya. Hindi na rin tuloy makatingin sa kaniya! Ang tanga ko naman kasi! Bakit nga naman niya ako susundan? Ano ako? Gold? Hayst.

"U-uhm ... o-okay." Tumango-tango na lang ako at tsaka ko siya agad na tinalikuran.

Mabibilis ang mga hakbang kong papasok ng elevator, nagbabakasakaling matakasan siya. Pero dahil mahahaba ang binti niya, naabutan niya ako. Ang awkward tuloy dahil kaming dalawa lang sa loob! Hindi man kami nagkibuan hanggang sa nakarating na kami sa floor niya. Bago siya lumabas ay nagpaalam muna siya at tipid pa akong nginitian bago tuluyang sumara ang pinto.

Noon na lang ulit ako nakahinga! Pisteng yawa! Bakit ba ang malas ko ngayon at parang pinaglalaruan kami ng tadhana? Kaninang umaga pa 'to, ah?! Mula sa coffee shop, yung muntikang pagkakaaksidente, sa trabaho, tapos ngayon sa condo naman? Kinulam ata ako ng apat na 'yon! Palibhasa'y mga kampon ng kadiliman!

Ay nako, ang laking problema nito! Nakahiga na ako sa kama pero hindi pa rin ako nilulubayan ng mga thoughts ko! Hindi ko kasi maiwasang kabahan sa presensiya ni Venn. Pakiramdam ko ay may masamang mangyayari. Masyado na ata akong napraning!

Pero teka nga, bakit nga ba ako apektado? Ano ba sa akin kung doon siya—sila nagtatrabaho? Bakit ako namomroblema kung dito nakatira si Venn? Dapat ay wala na akong pakielam doon, 'di ba? Sila pa nga dapat ang mahiya sa akin dahil sila ang nanloko! Sila ang may atraso!

Kaya dapat, hindi ko na sila isipin. Dedma lang! At bukas, pag nagkrus ulit ang landas namin ni Venn, I shouldn't be affected.

***

Nasa loob pa lang ako ng kuwarto pero kinakabahan na ako dahil baka makasabay ko na naman si Venn sa elevator! O kaya baka magkita na naman kami sa parking area? Baka makasalubong ko siya sa trabaho!

Ano ba yan?! Sinabi ko na kagabi, dapat wala akong pake. Hindi dapat ako magpaapekto sa kaniya—o sa kanila. Nagkasundo na kami ni self, eh! Kaya nakakabuwisit dahil ganito ako ngayon!

Pero dahil baka ma-late, pinalakas ko na lang ang loob ko. Wala akong choice! Mukhang maliit lang talaga ang mundong ginagalawan namin. Siguro ay maghaharap at maghaharap talaga kami. Kaya siguro okay na ring si Venn na muna sa ngayon, para pag si Luigi na ay mas handa na ako. Tama! Ganon nga!

Nang nakumbinsi ko na ang sarili ko, at tsaka ako lumabas. Confident pa akong naglakad, pero nang nasa elevator na ako ay tinablan na naman ako ng kaba. Bawat pagbaba ng numerong nakikita sa taas ay siyang pagbilis naman ng tibok ng puso ko! At nang nasa fifth floor na, halos magtago na ako sa gilid. Tinignan ko ang mga nakaabang at nakahinga ako ng maluwag nang di ko siya nakita. Kaya halos sumiksik na ako sa mga kasama ko sa elevator nang nakita ko siyang patakbong hinabol ang pagsara ng pinto!

Humarap agad ako sa gilid at yumuko para itago ang sarili. Hindi ko alam kung bakit ko ginagagawa 'to pero gusto ko siyang iwasan. Kahit pa nasa iisang building ang tinuluyan namin at pinagtatrabauan, dapat ma-lessen ang interaction naming dalawa.

Nang nasa floor na kami intended for parking area, pinauna ko na muna siya. Lalo na at magkatabi pa naman ang sasakyan naming dalawa! Binagalan ko talaga ang paglalakad para siguradong hindi talaga kami mag-aabot. Mabuti na lang nga at hindi ako na-late sa mga pinaggagawa ko kung hindi lagot!

Kaso, pagkarating ko naman ay nag-umpisa na naman sa pang-aasar yung tatlo! Kaya imbis na kung ano-ano pa ang isipin nila, sinabi ko na lang na magkakilala kami. Na kaibigan siya ng ex ko. Pero siyempre, hindi ko na dinetalye pa dahil hindi pa rin ako komportableng mag-share sa kanila ng mga personal na bagay.

"Ay ganon? Sayang! Bawal pa naman magkagusto sa ex ng tropa. Kasalanan 'yon sa bro code!" Biglang nanlumo si Mickey! Ngumuso siya at nangalumbaba habang sa malayo ang tingin.

Ano raw? Anong bro code?

"Whaaat?! Walang bro code bro code! Kung gusto, dapat go lang nang go!" Pahisteryang hindi pagsang-ayon ni Lala. Kinumpas-kumpas niya ang mga kamay niya at sumuntok pa sa hangin na parang si Ruffa Mae!

Wait! Anong gusto naman? Magsasalita na sana ako para patigilin sila sa iniisip nila. Ang layo na nang narating at nasa gusto-gusto na! Eh iniiwasan ko man nga yung isa! Kaso nang pipigil ako ay naunahan ako ni Liz!

"Pero hindi ba parang ang pangit naman non? Paano kung magalit yung kaibigan ni engineer?" pagsalungat naman niya

"Ay wala na! Hiwalay na sila, eh! Pag ganon, wala nang pakielaman!" Mabilis na umiling-iling si Lala habang nakahalukipkip. Pilit pa rin niyang pinapanindigan ang opinyon niya.

"Teka—"

"Oh sige nga! Paano kung may jowain ako sa mga ex mo? Bet mo ba yon?" panghahamon ni Mickey sa kabigan.

"Kung may ma-jowa ka sa mga 'yon." Ngumisi siya.

"B-bakit naman wala?" bwelta naman ni Mickey. Mariin siyang tumingin si mga mata ni Lala, akala mo'y nag-uusap sila sa mga isip nila.

Sandaling napatigil si Lala. Nawala ang ngisi niya at natanggal sa pagkakahalukipkip ang braso. Parang bang nakakagulat ang sinabi ni Mickey. Pero kaagad din naman siya nakabawi.

"O-okay lang! Ano'ng paki ko sa kanila? Ikaw lang din naman magdudusa sa kanila." Ayaw talagang patalo!

"Teka nga! Teka nga! Kung saan-saan na kayo nakarating!" pag-awat ko sa kanila.

Kinuha ko na ang pagkakataong pare-pareho silang napatigil. Hindi ko alam kung anong meron pero bigla silang naging wary nang napasok sa usapan ang mga ex ni Lala. Baka meron pa silang hindi nasabi sa akin? Anyway, wala na dapat ako doon. Ang mahalaga ay malinaw ko sa kanila dahil kung ano-anong conclusion na naman ang meron sila at nagkaroon pa sila ng diskusyon.

"Kung mag-diskusyon kayo parang namang nagkakagustuhan kami ni Venn?" malumanay kong sermon sa kanila.

Nilakasan ko ang loob long sermunan sila kahit kakakilala lang namin. Nakakahiya man, hindi rin naman magandang nag-conclude kaagad sila ng ganito. At baka kung hayaan ko lang sila, baka kung saan pa makarating at akalain pa nilang may namamagitan talaga sa amin. Or worse, baka malaman pa ni Venn. Nakakahiya naman sa kaniya at baka kung ano pa ang isipin niya. I-share pa niya sa mga dimunyu niyang kaibigan at pagtawanan pa ako.

"Walang bro code na susuwayin. Walang magkaibigang mag-aaway. Walang jojowaing ex ng tropa dahil hindi naman namin gusto ang isa't isa, okay?."

As much as possible ayaw kong magtunog harsh ang tono't pananalita ko. Feeling ko misunderstanding lang din naman at hindi naman nila kasalanan. Sadyang nag-assume lang sila at sobrang layo ng narating ng imagination nila. Lalo na at hindi naman ang buong kuwento ang shinare ko sa kanila. Hindi nila alam na niloko ako ni Luigi at kasabwat si Venn doon. Kaya hindi ko rin talaga sila masisi.

"Sorry, Mabel. Medyo na-excite lang kami," paghingi ng tawad ni Liz.

"Ma-issue lang din talaga ako. Sorry talaga," si Lala naman ang sumunod.

"Tsaka ... bagay din kasi talaga kayo." Ngumisi si Mickey at kinindatan pa ako!

"Oh tignan mo! Si Mickey kasi talaga, eh! May bro code pang nalalaman na-carried away tuloy ako!" paninisi ni Lala kay Mickey.

"Luh! Bakit ako lang, mhie? Bakit parang kasalanan ko?" Napahawak pa siya sa bandang puso niya. Tumingin-tingin pa siya sa amin na akala mo pinagtutulungan namin siya!

"Ikaw naman talaga pasimuno!"

"Wow naman! Ikaw nga meron pang 'go lang nang go'!" Ginaya niya pa si Lala!

Hindi ko na tuloy napigilang tumawa dahil nartehan niya talaga ang boses niya. Pati ang pagsuntok sa hangin ay ginaya niya. Kaso yung isa naman ay napikon. Kaya ayon, nagbangayan na naman sila. Nagkatinginan na lang kami ni Liz napailing-iling sa dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top