Chapter 27
Naging maayos ulit ang takbo ng relasyon namin ni Venn after that night. Masama man ang loob ko noong una dahil walang nangyari beyond ... it. Pero ngayon, I realized na hindi pa nga ako handa para doon. Lalo na at walang proteksiyon. Mabuti na lang talaga at napigilan ako ni Venn.
Kinaumagahan non, bumalik na siya sa Tarlac. Ayaw ko pa siyang pakawalan noong una. Gusto ko pa ngang sumama dahil alam kong nandoon pa rin si Maritessa. Pero pareho kaming may trabaho at tinatawagan na siya para bumalik.
Kaya pinangakuan niya na lang ako to always update me, at hindi na hahayaang mawala ulit ang cellphone niya. And as a man of his words, I received updates every hour. Tapos nag-video call din pag pareho kaming walang ginagawa.
His stay in Tarlac was difficult for me. Kung pwede ko lang paalisin doon si Maritessa gagawin ko. Kaso hindi kaya wala akong choice kung hindi magtiwala. At dalasan ang pag-tetext na hindi ko na sinubukang pinigilan. Baka kase mawala na naman ang phone niya. Sinabihan ko na rin naman siyang huwag i-silent para kung itago na naman, kaagad mahahanap.
"Love, uhm ... niyaya kase kami ng senior engineer namin na lumabas," nag-aalangan niyang paalam.
"Kasama ba diyan si Maritessa?" tanong ko agad. Siya talaga ang primary concern ko ngayon dahil sa kalandian niya.
Hindi siya agad nakasagot. Doon pa lang, alam ko na. Mariin akong pumikit at napabuntong hininga. Uminit kaagad ang ulo ko.
"Huwag kang sumama," pagbawal ko. Baka gumawa na naman ng kung anong moves ang babaeng 'yon.
"B-but ... it's my senior who asked us. I also don't want to come but it's hard to decline his offer."
Napaisip ako doon. Oo nga naman, mahirap suwayin ang mga senior kahit hindi na scope ng trabaho. Lalo na pag sobrang tanda na at matagal na sa field. Mahilig silang mag-power trip at baka pag-initan pa si Venn kung hindi siya sumama.
Animal kasi yung Maritessa na 'yun, eh! Hindi naman kasi dapat kasali!
"Saan ba kayo pupunta?"
Huwag lang sa bar! Kahit pa sa Jollibee kayo magpunta wala akong paki! Basta huwag lang sa bar!
"Sa ... V-villain's Den," mahina niyang sagot.
Sa pangalan pa lang ng lugar kinabahan na ako. Kaya humarap ako sa computer ko at nag-search agad. At nanlumo ako kung anong lugar ito. Villain's Den nga. Bagay na bagay kay Maritessa!
Pero anong gagawin ko? Sumunod kaya ako don? Kailangan ko siyang bantayan. Hindi pwedeng hayaan ko lang sila, baka kung ano pa ang gawin ni Maritessa at tuluyan niyang maagaw si Venn sa akin!
Naalala ko na naman tuloy ang picture nila Luigi at Alisson noon sa bar. Galing din sila sa trabaho. Pinilit kong isinantabi 'yon at kahit pa masama ang kutob ko. Mas pinili kong magtiwala at inisip na lumabas lang talaga sila para magsaya at mag-relax. Walang malisya ang hawak, walang malisya ang lapit. Pero bandang huli, tama rin pala ang hinala ako.
Ayaw ko nang maulit 'yon. Lalo na at siguradong may alak. Ang daming karumaldumal na pwedeng mangyari pag mayroon non. Kaya dapat kong masiguro na walang mangyayari. Kailangan kong mapanatag.
"Sige, sumama ka na. Susunod ako diyan."
"W-what?" Ilang sandali rin siyang natahimik. Pero kalaunan ay napabuntong hininga na lang at pumayag.
Pagkababa ko ng tawag, tinuon ko ang pansin ko sa trabaho para matapos agad. Distracted man sa lahat ng iniisip, nagtuloy-tuloy lang ako. Niyaya ko rin ang tatlo pero bandang huli ay si Mickey lang ang libre. Okay na rin, basta may kasama ako na pwedeng mambalibag kay Maritessa pag may hindi siya magandang ginawa.
"Sure ka bang pupunta talaga tayo do'n?" tanong sa akin ni Mickey pagsakay namin sa kotse ko.
"Sure na sure." Tumango ako habang umaalis sa parking.
"Huwag kang gumawa ng eksena doon, ah?" nag-aalala niyang paalala.
"Iyan ang hindi ko sure." Maisip ko lang ang pagmumukha ni Maritessa, kumukulo na agad ang dugo ko.
"Nako! Kalmahan mo lang! Baka magaya ka sa friend mo!"
"Ex-friend," pagtama ko.
Hindi naman ako basta-basta susugod kung wala naman siyang gagawing hindi ko magugustuhan. Basta manatili lang siya sa pwesto niya buong gabi, kahit pa laklakin niya lahat ng alak sa bar na 'yon, wala akong paki. Huwag na huwag lang dudugpa ang kahit na anong parte ng katawan niya kay Venn, hahayaan ko siyang mabuhay ng payapa.
Matagal ang biyahe tapos sobrang traffic pa. Hindi ko alam kung makakahabol pa ako. Baka kung ano na ang pinaggagawa ni Maritessa doon maakit lang si Venn. Kaya nang nakalagpas na kami dikit-dikit na traffic, halos paliparin ko na ang sasakyan. Muntikan pa akong mahuli kung hindi lang ako sinigawan ni Mickey!
At kung suswertehen, naligaw pa kami. Mabuti na lang at active sa pag-update sa akin si Venn. Kahit papaano ay napapanatag ako ng konti. Pero hindi ako pwedeng magpakakampante. Kaya kahit alas dies y media na at malapit nang magsara ang bar, tumuloy pa rin ako. Hindi ko alam kung mas mapapanatag ba ako pag naabutan ko sila o kung nakauwi na.
Hindi na rin kase nakapag-text si Venn. Kaya lalo akong kinabahan. Di bale, pag wala na sila dito, sa hotel ako didiretso.
"H-hindi ba si Venn 'yon?" Turo ni Mickey sa isang gilid ng parking area pagkababa namin ng kotse.
Tumingin agad ako doon. Nasa gilid sila kung saan maraming halaman. Nanlaki ang mga mata ko nang si Venn nga iyon! Tapos may babaeng nakayuko sa gilid niya, nagsusuka.
Hinuha kong si Maritessa 'yon. At nakumpirma ko nang tumayo siya ng tuwid habang pinupunasan ang labi niya. Inalalayan kaagad siya ni Venn at aalis na dapat sa pwesto nila nang muntikang matumba ang nauna! Inalalayan naman siya ng huli.
Sa tagpong pa lang na iyon, nanikip na kaagad ang dibdib ko. Dahil sobrang lapit nila sa isa't isa! Magkadikit ang mga katawan nila at ilang sentimetro na lang ang layo ng mga mukha nila.
Pero nang tuluyan nang ilapat ni Maritessa ang labi niya, halos sumabog na ako! Nag-alab kaagad ang galit sa akin. Mabibigat ang mga hakbang kong lumapit doon.
Agad namang tinulak ni Venn ang babae. At dahil malakas ang tunog ng sapatos ko, napatingin siya banda ko. Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata niya gulat. Hindi niya alam kung lalapitan baniya ako o aalalayan ang burikat.
"Walang hiya kang malandi!" Hinila ko agad ang buhok ni Maritessa pagkalapit ko sa kaniya.
Nandilim na ang paningin ko at binalibig ko siya pabalik kung saan siya sumuka. Tila nawala rin ang kalasingan niya o baka hindi naman talaga siya lasing. Gulat siya sa biglaan kong pagsugod. Pero hindi siya handa sa pagsalubong ng kamao ko!
Pumaibabaw ako sa kaniya at sinabunutan siya. Niyugyog ko ang ulo niya, halos iuntog na sa konkretong lapag. "Animal kang babae ka! Sabi ko na nga ba may masama kang balak! Ang landi-landi mo!"
Nagsisigaw na siya pero wala akong paki. Hindi siya makapalag sa sobrang higpit ng pagkakasabunot ko. Pasalamat siya at nahila ako nila Venn at Mickey. Sumipa-sipa pa ako nang naitayo nila ako at ilang beses ko rin siyang natamaan sa mukha at tiyan.
"Kadiri ka! Lumalandi ka sa may girlfriend! Tapos hahalik ka pagkatapos mong magsuka?! Ang baboy mo! Malandi!"
Kung ano-ano pang masasamang salita ang sinabi ko. Kaya nang tuluyan na akong nailayo sa kaniya, hingal na hingal ako. At nandidiri kong pinagpag ang buhok niyang sumama sa kamay ko.
"Mabel, kalma ka lang baka makapatay ka pa!" Naiiyak na si Mickey.
"Love, calm down. Please ... calm—"
Tinulak ko si Venn mula sa pagkakayakap sa akin. Tinignan ko siya ng masama. Tuwing titignan ko siya, naalala ko ang paghalik ni Maritessa sa kaniya. Na nagpaalala rin sa akin ng nakita kong tagpo sa restroom noon. Kahit pa hindi siya ang humalik, hindi ko maiwasang pagkumparahin. Kahit magkaibang sitwasyon, parehong sakit ang hatid sa akin.
"Alam mong pinapalayo na kita sa babaeng 'yan, 'di ba?! Bakit mo pa siya sinamahang magsuka?!" sermon ko sa kaniya.
Nagulat siya sa paninigaw ko sa kaniya. Napakagat siya ng labi at napayuko.
"G-gusto ko lang naman siyang tulungan—"
"Dapat hinayaan mo na lang siyang magsuka at magkalat doon! Alam mo namang may gusto sa'yo 'yan, eh! A-alam mo namang nagseselos ako sa kaniya!"
Napatalikod ako nang tuluyan nang lumabas ang mga luha ko. Nakita kong ilang napapatingin sa amin. Buwisit! Ano 'to, drama sa hapon? Sigawan ko rin kaya sila?!
"I-I'm sorry, love. I'm sorry."
Naramdaman ko na lang ang pagpalupot ng mga bisig ni Venn sa akin. Sinubukan kong tanggalin pero lalo niyang hinigpitan. At lalo ko nang hindi natanggal nang narinig ko ang paghikbi niya. Pakiramdam ko ay nanghina ako, naramdaman na ang pagod mula sa pagbiyahe ng malayo, sa pananakit kay Maritessa, sa pagsigaw, at pag-iyak.
"I promise, lalayuan ko na siya. If you want me to resign and find a new job, I will. Just ... just forgive me, love. Please, f-forgive me."
***
Simula ng gabing iyon, binantayan ko na ng husto si Venn. Hindi ko rin siya pinayagang umalis ng trabaho. Baka hanggang doon, sundan pa rin siya ni Maritessa. O kaya naman may bagong umaligid. At least dito, mas mababantayan ko siya.
Nilabas ko ang cellphone ko para i-check ang app na ininstall ko para i-monitor text messages ni Venn. Alam ko na rin ang lahat ng password ng social media accounts niya. Ni Gmail niya nabubuksan ko na rin ngayon. Madalas na rin akong bumisita sa floor nila, minsan ay alam niya pero kadalasan ay patago ko siyang binabantayan.
Base naman sa nakikita ko, nilalayuan na niya talaga si Maritessa. Pero mapilit talaga ang burikat at lapit pa rin nang lapit. Text din siya nang text! Mabuti na lang at si Venn na mismo ang nagtataboy sa kaniya ngayon.
"Mabel, hindi kaya sobra na ang ginagawa mo? Konti na lang itali mo na si Venn sa tabi mo," puna ni Mimi.
Nakatingin pala silang apat sa akin. Hindi ko alam kung matagal na. Kanina pa kase ako nakatutok sa phone ko, binabasa ang bawat text at DM kay Venn. Punong puno kase ng malalandi ang message request niya! Hindi man lang ba chineck ng mga 'to kung may jowa na yung chinat nila? Naka-pin pa nga ang pictures namin sa butterfly sactuary! So walang excuse!
"Gusto ko lang makasiguro. Base sa experience, prevention is better than cure," depensa ko, hindi ko man sila tinapunan ng tingin.
"Oo, nandoon na kami. Pero parang robot na lang si Venn, kontrolado mo lahat sa kaniya. Konti na lang pati mama niya kailangan nang humingi ng appointment sa'yo makausap lang," sermon naman ni Lala.
"At tsaka hindi ba parang against na sa privacy ni Venn kung pati ang messages niya mino-monitor mo na rin?" dagdag ni Liz.
"Ni si Venn nga hindi nagrereklamo, kayo pa ang kuda nang kuda ngayon." Napairap ako dahil masyado na silang pakielmara!
"Kailan pa ba nagreklamo 'yon? At kung diktador lang din naman ang jowa ko, aba matatakot na talaga akong magsalita!" sagot ni Mickey, sobrang sama ng tingin sa akin.
Tuluyan na akong nainis. Binaba ko ang cellphone ko at masama rin silang tinignan.
"Alam niyo namang tatlo ang pinagdaanan ko, 'di ba? Alam niyo naman kung saan nanggagaling ang takot ko. Kaya pwede ba? Kung wala kayong matinong sasabihin, manahimik na lang kayo!"
Bakit ba hindi nila ako maintindihan? Pakiramdam ko pinagtutulungan nila ako! Akala ko bang susuportahan nila ako? Eh puro pagtaliwas lang sa mga ginagawa ko ang mga sinasabi nila! Palibhasa wala naman sila sa posisyon ko para malaman kung gaano kahirap ang lahat para sa akin.
"Mabel, concerned lang naman kami sainyo ni Venn. Bilang kaibigan mo, kahit gusto ka man naming suportahan, hindi ka namin kukunsintihin kung alam naming mali na ang ginagawa mo," pagpapaintindi ni Mimi sa akin.
"Hindi man kasi magsabi si Venn, alam naming nahihirapan na siya sa ginagawa mo. Hindi tamang bawat galaw niya alam mo. Hindi tamang bawat desisyon niyo ay kontrolado mo," dagdag ni Liz.
"At tsaka ang toxic mo na! Mas pinapalayo mo lang ang loob ni Venn dahil sa mga ginagawa mo! Wala lang ding saysay ang ka-toxican mo kung bandang huli, mapagtanto niyang nasasakal na siya sa'yo!" Magkasalubong na rin ang mga kilay ni Lala, kumukupas pa ang mga kamay habang nanenermon.
Hinawakan naman siya kaagad ni Liz at binawalan.
Nagpintig naman ang tenga ko sa sinabi niya. Hinampas ko ang palad sa lamesa. Nanginginig na ako sa sobrang galit. Namumuo na rin ang luha sa mga mata ko na pilit kong pinipigilan.
"W-wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganiyan kung hindi mo naman naranasan ang lahat ng paghihirap ko!" napataas na ang boses ko.
Kinagulat nila 'yon, pati na rin ang ibang customers ng cafe. Narinig ko silang nagbulungan. Nang iikot ko ang tingin ko, nasa amin na pala ang atensiyon nila. Naalarma na rin ang mga staff.
Dahil sa pagkakapahiya, tatayo na dapat ko. Pero napatigil nang narinig ko ang tanong ni Mickey.
"Sigurado ka bang naka-move on ka na talaga kay Luigi?" Mukhang nagpupuyos din ang galit niya nang linungin ko siya.
Napatigil ako sandali at napaisip. Pero wala na akong ibang maramdaman ngayon kung hindi ang galit. Galit sa kanila, galit kay Maritessa, galit kay Alisson, kay Tita Stella, at lalong lalo na kay Luigi. Wala na akong ibang maramdaman sa kaniya kung hindi poot!
"Oo! Sigurado ako!"
Tumayo na ako at umalis doon. Rumagasa ang luhang pinigilan ko kanina pagkalabas ko. At dahil napapatingin sa akin ang lahat ng nakakasalubong ko, dumeretso ako sa CR. Kagaya noon, pumasok ako sa isang cubicle at doon nilabas ang lahat ng luha ko. At habang nakaupo sa inidoro, narinig ko ulit ang lahat ng sinabi nila.
Mali ba talaga ang ginagawa ko? Nasasakal na ba talaga si Venn sa akin? Toxic na ba talaga ako? Iiwananan niya ba talaga ko dahil dito?
Hindi ko kaya. Ayaw kong mawala siya sa akin. Ayaw ko nang maiwan ulit. Kaya anong gagawin ko?
Kung ititigil ko ang ginagawa ko, baka naman tuluyan siyang maagaw sa akin. Pero kung itutuloy ko naman ito, baka iwan niya lang din ako.
Bakit ganon? Bakit parang wala na namang tamang gawin? Bakit parang anong desisyon ko, pwedeng pwede siyang mawala sa akin. Pwedeng pwede niya akong iwan. Masasaktan at masasaktan ako ano man ang gawin ko.
Kung kilala ko lang si Stranger, pwede ko sana siyang tanungin. May dilemma na naman kasi akong kinakaharap, pero hindi ko alam kung kanino ako tatakbo. Sino ang pagtatanungan ko?
Si mama kaya?
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko para i-text sana siya. Pero pagkabukas ko ng convo namin, nagdalawang isip ako. Bigla akong nakaramdam ng hiya at pagkailang. Hindi ko matulak ang sarili kong magtipa ng text. Kaya bandang huli, pinatay ko ang cellphone at binalik sa bag.
Siguro ako ha ang bahala? Ako rin naman ang magdedesisyon kaya bakit pa ba ako magtatanong? Lalo lang akong maguguluhan sa opinyon ng iba. Nagulo na nga ako nung apat. Kung ano-ano ang pinasok sa utak ko.
Kaya sige, ipagpapatuloy ko ang ginagawa ko. Mukhang ayos naman kay Venn. Kahit ano gagawin niya mapanatag lang ako. Siya rin naman ang nagsabi dati, gawin ko lang kung anong gusto ko at susunod daw siya.
Napatango-tango ako sa naging desisyon. Pinunasan ang mukha bago lumabas at naghilamos. Pagkabalik ko sa office, nandoon na ang tatlo. Inirapan ako nung dalawa habang nag-aalala naman akong tinignan ni Liz. Hindi ko na lang sila pinansin at tumuloy na sa desk ko. Bahala sila diyan.
Hanggang sa matapos ang trabaho sa araw na 'yon ay hindi kami nagpansinan. Kaya takang taka si Venn nang nilagpasan lang namin sila nang palabas na kami. Ni hindi ko sila binati o tinignan man lang kagaya ng ginagawa ko noon.
"Nag-away ba kayo nila Mickey?" tanong niya pagkasakay namin ng sasakyan.
Napabuntong hininga ako. "Yeah. Pero huwag mo nang isipin, maliit na bagay lang 'yon," pagsisinungaling ko.
"Are you sure? You can share your problems with me, love." Inabot niya ang kamay ko at minasahe 'yon.
Paano ko naman sasabihin sa kaniya kung siya mismo ang ugat ng away namin? Sigurado makokonsensiya lang siya pag kinwento ko. Kahit kasalanan naman talaga nung apat, sisisihin niya ang sarili niya.
Kaya nginitian ko na lang siya at umiling. "Ayos lang talaga."
Ngumiti na lang din siya at hinalikan ang kamay ko. Hindi niya binitawan 'yon kahit pa nagmamaneho siya. Hindi ko tuloy matanggal ang tingin ko doon. Napanatag ako na hindi niya ako iiwan kahit anong mangyari. Kaya sana nga ay hindi siya magsawa sa akin. Huwag niya sana akong iwan.
***
Hindi ko akalaing aabot ng ilang linggo ang alitan namin. Mabuti na lang talaga at palaging nasa tabi ko si Venn. Hindi ko masyadong ramdam na mag-isa lang ako. At mabuti na lang din wala na akong ibang problema bukod sa mga DM sa kaniya na padumi nang padumi! Marami-rami na rin nga akong na-block dahil ang lala ng iba!
Napabuntong hininga na lang ako nang may message request na naman. Napairap na ako kahit preview pa lang ng chat niya kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at binlock siya. Medyo okay pa naman kase yung mga 'hi' lang ganon, at mga nakaka-appreciate na guwapo siya. Pero yung mga bastos na at nag-send pa ng picture ng suso o kaya naman tite, ibang usapan na 'yon!
Ang hirap talaga pag sobrang guwapo at hot ang jowa. Binura ko na ang mga shirtless pictures niya dahil akala ko titigil ang mga nag-me-message ng ganito. Pero walang epekto. Hindi nga talaga sa suot nakadepende ang kalibugan at kabastusan ng ibang tao.
"Oh, love? Bakit ka nakabusangot? May problema ba?" Lumapit siya sa akin at tinignan ang cellphone ko.
"Itong mga nag-d-DM kase sa'yo, nakakainis na!" Nanggigigil kong pinagba-block ang mga nag-message sa kaniya.
"Huwag mo na lang pansin ang mga 'yan. Hindi ko naman binubuksan ang mga message request ko noon pa." Inakbayan niya ako at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Ang guwapo mo kasi, eh!" kunwaring reklamo ko.
Mahina siyang natawa. "I'm glad that you find me handsome."
Napahiwalay ako sa kaniya at tinignan siya. Sino ba ang hindi magaguwpuhan sa kaniya? Ano na lang ang standard nila, 'di ba? Guwapo pa nga sa mga artista 'tong baby love ko, eh!
"Hala! Meron bang hindi nagwapuhan sa'yo? Sino 'yan, ha? Nasan, awayin ko?" Tumayo pa ako na parang naghahanap ng away.
Tawang tawa tuloy itong isa. Hinila niya ako pabalik sa sofa at niyakap. Pinatong niya pa ang ulo niya sa balikat ko kaya nakatutok sa tenga ko ang pagtawa niya.
"Well, I don't mind other people's opinion naman. As long as guwapo ako sa paningin mo, I'm happy." Ngiting ngiti siya habang nakatingin sa akin.
"Kailan ba ako hindi nagwapuhan sa'yo?" tanong ko.
Hindi pa kami, I think I acknowledged naman na gwapo siya? Dati pa, kahit noong college at mukha pa siyang totoy. Kahit mukha siyang bata noon kumpara doon sa tatlong tukmol, gwapo naman siya pero more on the cute side? Basta, mukha siyang higanteng baby noon!
At baby ko na ngayon! Iiiihhhhh!
"The first time you saw me?"
Napaisip ako. The first time I saw him?
"See? You can't even remember." Bahagya siyang lumayo sa akin at ngumuso.
"N-naalala ko kaya! Sa ticket booth, 'di ba?" depensa ko. Naalala ko naman talaga, hindi nga lang agad-agad. Siyempre matagal na rin naman 'yon.
May binulong pa siyang hindi ko masyadong naintindihan bago niya ko tinignan ng may hinanakit. "But still, you weren't charmed that time. You liked someone else."
Napatigil ako at pilit na inalala ang araw na 'yon. Iyon ang unang araw na nakita ko sila. At totoo naman, kay Luigi nga ako nagkagusto noon at hindi sa kaniya. Kahit si Venn ang nauna sa pila, ang kasunod niya ang nakakuha ng atensiyon ko.
I don't know why. Pareho naman silang guwapo, but in very different and distinct way. For me, Luigi back then was like a heartthrob? Someone who popped out of high school shows. Charming, sociable, and fun to be with. Kung nasa fiction world man, siya ang tinitilian ng kababaihan pag naglalakad sa corridors ng school.
Venn on the other hand, he's handsome with a quiet personality. Mahiyain siya so he has a different aura. More on the simple and mysterious side. At mukha nga siyang bata, very high school boy in real life. Less muscles, softer fearures, and smaller frame. With his personality paired with his physical features, my younger self put him in the sideline?
Kasi, Luigi is the center of the group. Pag magkakasama sila noon, sa kaniya tutungo ang mga mata mo. And I think, ganon ang tipo ko ... noon?
Naalala ko na naman tuloy ang tanong sa akin ni Mickey. It haunts me for weeks already. Pag wala akong ginagawa, madalas kong marinig ang tanong niya.
Alam ko namang I moved on already. Ni katiting na pagmamahal wala na akong maramdaman. Puro sakit at galit na lang ang mayroon ako sa kaniya.
"Love?"
Napakurapkurap ako, napagtantong matagal na pala akong nakatulala. Ang layo na pala ang narating ng isip ko.
Napatingin ako kay Venn. Puno ng tanong at pangamba ang kaniyang mga mata. Bahagyang nakabukas ang bibig niya, gustong magsalita pero hindi matuloy-tuloy ang gustong sabihin.
"I-I think kailangan na nating pag-usapan ang second monthsary date?" suggestion ko para mawala na sa pinag-uusapan namin kanina ang topic.
Nag-aalangan siyang tumango. Tinanggal niya ang brasong nakaakbay sa akin at bahagyang umusog palayo. Wala na rin ang saya at mapaglaro niyang aura kanina. Tumahimik siya at naging seryoso na ulit.
"Saan mo gustong magpunta?" tanong niya sa akin.
We decided to make this monthsary celebration extra special. Dahil bukod sa kumain lang kami sa bahay last month, naging away pa ang sumunod na araw. Kaya I thought na late naming i-celebrate on Sunday since Ninoy Aquino Day naman 'yon, holiday. Pero, may date din kami sa mismong araw ng monthsary sa Wednesday.
"Wait, search tayo." Nilabas ko ang cellphone para sana mag-search. Kaso, nakita kong may notification mula sa Gmail niya.
CIVIL ENGINEERING HOMECOMING
November 30, 2022
Invitation? Homecoming?
"Love? Nakita mo na ba 'tong invitation? Homecoming niyo raw mga CE." Nilapit ko sa kaniya ang cellphone ko para ipakita.
"May ganiyan pala?" Mabilis niya lang tinignan, halatang wala siyang pakielam. Sabagay, hindi naman talaga siya mahilig dito.
"Hindi ka pupunta?" pagkumpirma ko.
I don't think papayag din naman ako. Paano kung mayroon pala siyang blockmates na may gusto sa kaniya? And what if landiin siya, 'di ba? Pinagsisisihan ko tuloy na tinanong ko pa siya.
"Nope. Tinatamad ako. And besides, baka makita ko sila ... Luigi diyan."
Napatingin sa kaniya nang banggitin niya ang pangalan ng dating kaibigan. Hindi ko naman nakumpirma, pero sa tagal ko na siyang kasama ni isang beses hindi ko pa nakita ang tatlo. Well, si Meraki. Pero hindi naman sila magkasama. Hindi niya rin madalas banggitin. At hindi na rin niya pina-follow sa social media. Base rin sa reaksiyon niya ngayon, it seems like they cut ties.
"Love, natahimik ka na naman? Iniisip mo ba ... siya?" maingat niyang tanong, nag-alangan.
Malungkot siyang nakatingin sa akin. Nang tignan ko naman, siya ang umiwas. Yumuko siya at tinuon sa cellphone ang pansin. Scroll lang siya nang scroll, hindi man ata binabasa ang mga nakalagay.
"Nagseselos ka ba?" Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para tanungin siya non. Pero nakakapag-alala kase ang reaction niya.
Tumigil siya sa pag-scroll pero hindi inangat ang tingin sa akin. Sa cellphone pa rin ang mga mata niya. Napabuntong hininga siya bago niya pinatay ang cellphone at nilapag 'yon.
"I don't want to be a clingy, possessive, and overly jealous boyfriend. Pero ... Luigi was not just your ex, he was also my friend. And I witnessed everything—almost, sa relasyon niyo. Kaya ko ngang ikwento ang love story niyo, eh." Tumawa siya ng walang humor habang pinaglalaruan ang kamay niya.
Nang tingnan niya ako, nakita ko ang pamumula ng mga mata niya. Halatang pinipigilan niya ang pagluha, lalo na nang gumalaw ang adam's apple niya.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng selos. Palagi ko ngang nararamdaman 'yon, eh. Lalo na sa kanila ni Maritessa dahil mag-ex din sila.
At pag nagseselos, assurance ang kailangan ko. Kaya kailangan kong masiguro sa kaniya na wala na dapat siyang ikaselos. Kailangan kong patunayan na naka-move na ako kay Luigi.
Kaya sige, pupunta kami. Sasama ako sa homecoming.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top