Chapter 26
Simula nung araw na 'yon, parang naging maayos naman na ang lahat—sa relasyon namin ni Venn, at least. Although hindi pa rin nawawala ang takot na nararamdaman ko, mas nako-control ko na ngayon. Kalmado na ulit ako, hindi na basta-bastang nang-aaway.
I think isang malaking bagay din na laging nakaagapay si Venn. Palagi niya akong tine-text, kinakausap, at sinasamahan. I felt somehow assured. But I truly felt loved. Walang araw na hindi niya pinapaalala at pinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Minsan naluluha na lang ako because the feelings and emotions were just so extreme. Konti na lang aatakihin na ako sa puso!
Hindi ko tuloy maiwasang isipin na sana siya na lang mula noon. Sana, siya na lang ang minahal ko simula pa noong umpisa. Siguro hindi ako masasaktan kung siya. Hindi ako tuluyang nabasag kung sa kaniya ko binigay ang puso ko. Hindi sana ako ganito.
Minsan—kadalasan, pakiramdam ko ang unfair ko sa kaniya. He's already giving his all. Love, time, care ... just everything. Pero nagagawa ko pa ring magduda sa nararamdaman niya. Like, what if magsawa siya sa akin? What if may makilala siyang iba? Someone who is a lot better than me. Someone who can love him without any inhibitions.
Dahil noon, alam ko namang binigay ko lahat kay Luigi. Minahal ko siya, sobra. Pero nagawa niya pa rin akong ipagpalit. Kaya paano pa ngayong puro pasakit lang ang bigay ko kay Venn? Masasabing kong kapalit-palit ako.
Argh! Stop thinking depressing thoughts, Mabel! It won't help! Just be better instead of thinking that way. Si Venn na lang ang isipin mo, focus on him!
Para matanggal sa isipan ko ang mga 'yon, inalala ko ang mga sinabi sa akin ni Venn. His words truly help. Dahil hindi lang sila basta mga salita. May puso, may pagmamahal. Kaya pumikit ako at inalala ang mga naging pag-uusap namin sa nagdaang mga araw.
"Love, you don't have to be perfect. Don't beat yourself up. I love you the way you are, including your flaws."
"Just trust the process, love. One day, you'll just realize that your free! Free from all the pain, free from the past."
"Huwag kang matakot, nandito lang ako."
His words were like therapy! Sa tingin ko dapat maging siyang motivational speaker. Kaso baka lalong dumami ang magkagusto sa kaniya kapag ganon. Guwapo na, full of wisdom pa! I am so blessed to have him.
Natigil ako sa pag-iisip nang nag-vibrate ang cellphone ko. Matagal na pala akong nakatulala at napatigil sa pagtatrabaho! Pero di ko na inisip pa 'yon dahil agad kong dinampot phone nang nabasa ko ang pangalan ni Venn. Lalo pa akong napangiti nang sunod-sunod na pumasok ang mga text niya.
[hello, love!]
[nakarating na kami sa site]
[have you eaten your lunch already?]
[huwag kang papagutom, love]
Hindi ko maiwasang kiligin. Pero pinigilan ko 'yon at kinagat ang labi para hindi mapangiti. Pasimple kong tinignan ang mga katrabaho ko at busy naman silang lahat.
[Hi, love! Oo nakakain na ako ng lunch. How about you?]
Pagka-send ko ng text, inakala kong ilang minuto pa ang aabutin bago siya makapag-reply. Kaya nagulat ako nang nag-vibrate agad ang phone ko nung bibitawan ko pa lang sana.
[not yet]
[probably later after we monitor the site]
[oh wait tinatawag na nila ako]
[text na lang ulit kita mamaya
[i love you!]
Medyo sumama ang loob ko. Pero inisip ko na lang na nandoon siya para magtrabaho. Sinabi rin naman niya na mag-te-text siya mamaya.
[Okay! I love you too!]
Napahinga ako ng malalim at bumalik sa trabaho. Pinanatag ko ang sarili ko. Ang sabi naman niya ay hindi kasali sa project na 'to si Maritessa kaya hindi dapat ako masyadong kabahan.
I should trust him. Kaso ang hirap lalo na ngayong malalayo kami sa isa't isa. Ilang araw din kase sila sa Pampanga para sa project. Hindi ko naman siya pwedeng bantayan hanggang doon. Hindi rin naman ako pwedeng sumama.
Kaya ang mga update na lang niya ang panghahawakan ko. Ang sabi naman niya ay palagi niya akong i-te-text. At pinangako ko sa sarili ko na never akong mag-iisip ng kahit ano. Hindi ako mag-te-text, hihintayin ko siyang mauna. Test ito sa akin para matuto akong magtiwala at huwag manghinala.
Venn is trustworthy, I should trust him.
Paulit-ulit kong pinapaalala sa sarili ko 'yan tuwing marami akong negativities na naiisip. Ilang beses na rin akong na-tempt na i-text siya at manghingi ng updates. Kaya 'yan ang naging mantra ko buong araw.
Ayaw kong maging clingy at toxic na girlfriend. Ayaw kong gumawa ulit ng hindi pagkakaintindihan at magsimula ng away.
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko tinanggal ang mga mata ko sa cellphone nang damputin ko ang tsaa at tinapat sa bibig ko. Dahil sa kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko, hindi ko na nagawang hipan pa at ininom agad ang tsaa!
Halos idura ko pabalik sa tasa! Ang init!
"Oh, loko! Init no?" pang-aasar pa ni Mickey!
Tinignan ko siya ng masama pagkalunok ko sa mainit na tsaa. Grabe! Ang hapdi sa lalamunan! Tsaa pa ata ang ikamamatay ko!
"Ano ba kase ang iniisip mo at kanina ka pa tulala?" tanong ni Lala. Nakataas ang kilay at patigilid na nakatingin sa akin habang sumisipsip ng bubble tea.
Huminga ako ng malalim at dinampot ang cellphone. Binuksan ko 'yon at nadismaya nang nakita kong wala pa rin siyang text. Mag-ta-tatlong oras na ang nakalipas! Nag-aalala na ako ng slight.
"Naku! Naku! Naku! Si Venn, ano?" Umiling-iling si Mickey, hindi pa rin ako tinatantanan sa pang-aasar!
"Mabel, siguradong busy 'yan. Nagpunta siya doon para sa trabaho kaya huwag kung ano-ano iniisip mo!" sermon ni Lala.
"True! Tignan mo kami ni fafable, nasa magkabilang mundo pero chill lang." Tumango-tango si Liz.
Napangiwi ako, medyo nainis dahil kinumpara ang sitwasyon nila sa amin. I mean, sanay na sila sa LDR. Nagkakilala nga sila sa internet, naging sila kahit magkalayo. Habang kami ni Venn, palaging magkasama. At hindi rin masabing hindi siya makapag-reply dahil magkaiba kami ng oras.
"Kailangan mo siyang pagkatiwalaan. Alam kong mahirap. Pero bukod kase sa pagmamahal at commitment, kailangan din ng tiwala para magtagal ang isang relasyon," payo pa niya.
Umiling-iling ako. Napasandal ako sa upuan at humalukipkip.
"Hindi mo naman kase ako maintindihan. Naloko na ako dati. Pinagpalit. Ayaw ko lang maulit 'yon," paliwanag ko.
Pakiramdam ko kase ay hindi nila ma-gets. I felt invalidated. Mali ba talaga 'tong nararamdaman ko? Mali bang matakot ako para sa relasyon namin ni Venn? Mali ba na mag-alala ako para sa kaniya? Hindi ko na alam dahil ganito talaga ang nararamdaman ko. But the way they react, parang mali ako.
"Anong hindi? Mabel, sa taba kong 'to, you think wala pang nanloko sa akin?" Napaahon siya mula sa pagkakasandal at napa-lean forward sa akin. Mukhang na-trigger siya sa sinabi ko.
Madalas ay sympathetic si Liz. I always find comfort sa malambot niyang tingin at mahinahong boses tuwing umiinit na ang ulo nung dalawa. But now, seeing her forehead creased, sharp eyes, and thinned lips, nakakatakot pala siya pag galit. Tumapang ang hitsura niya.
"Sa standard ng mga tao, hindi maganda ang kagaya kong mataba. Baboy. Balyena. Tabachoy. Damulag. Hindi na bago sa akin ang mapagsalitaan ng ganiyan, kahit pa ng pamilya ko mismo. Kahit pa ng ex k-ko."
Napatigil siya sa pagsasalita nang tuluyan nang tumulo ang luha niya. Napahawak siya sa bibig niya at yumuko, nanginginig ang mga balikat.
Bumigat lalo ang pakiramdam ko. Nakokonsensiya naman ako ngayon dahil pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit siya umiiyak ngayon. Lalo na nang naalala ko ang kinwento sa'kin noon nila Mickey. Oo nga pala, 'yung Tristan ang ex niya at hindi maganda ang naging relasyon nila.
Lumapit sa kaniya si Mickey at hinagod ang likod niya. Gusto ko rin sanang lumapit, o kahit mag-sorry man lang mula rito sa pwesto ko. Pero hindi ko magawa. Hindi ko masabi.
"P-pinaniwala niya akong siya lang ang lalaking magtitiis sa akin dahil mataba ako. Na wala akong choice but to stay in the relationship and just endure all the pain. Kase sino pa nga ba ang tatanggap at magmamahal sa akin? Sinong matinong lalaki ang magkakagusto sa akin? I thought, siya lang."
Inangat niya ang ulo niya at tinignan kami. Pulang pula ang maputi niyang balat at mga mata. Basang basa ang mukha niya. Kitang kita ang sakit at hinagpis. Nakakadurog ng puso.
"I thought he loves me. But then I found out that he was cheating. Siyempre nagalit ako, sinugod ko siya sa trabaho at kinompronta. I came there as the victim, but then was gaslit ... again. At the end, ako pa napahiya at nahusgahan. Aside from his piercing words, the judging eyes and remarks I heard wounded me d-deeply."
Tumulo na rin ang luha namin. Hindi akalaing ganito pala kasakit ang pinagdaanan ni Liz. I feel so bad na ganon ang sinabi ko kanina. Dahil pakiramdam ko, na-invalidate ang nararamdaman ko. Without knowing na I invalidated her feelings as well.
"I was so heartbroken. I was depressed. Bawat araw, pawala nang pawala ang gana kong magising at mabuhay. Gusto ko na lang ... gusto ko na lang m-mamatay."
Nag-iyakan na kami sa table namin. Tumayo na rin kami ni Lala at lumapit sa kanila para sumali sa yakap. Hingi ako nang hingi ng tawad dahil kasalanan ko. Masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko. Sarili ko lang inisip ko.
"I understand, Mabel. Mahirap talaga. Mahirap pulutin ang sarili at iangat ulit. Mahirap tumayo, lalo na kung hindi ka lang basta nadapa, kundi tinulak at inapak-apakan pa. But, that doesn't mean you can't get up. Because as I can see, nakatayo ka na. You're just badly injured and has to heal to fully recover." Hinwakan niya ang dalawa kong kamay at marahang nginitian.
"Don't worry, nandito lang kami to support and guide you," dagdag ni Mickey.
"Hindi ka namin iiwan," pangako naman ni Lala.
"Tandaan mo Mabel, this will take time. Don't push yourself too much kase ma-fu-frustrate ka lang sa sarili mo. Just continue what you're doing and keep improving. As the day will come when find yourself victorious against your demons."
Gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi nila. Just the right amount of support and understanding. But also words to wake me up and advices that will make me better. I am just so happy that I found them. Hindi ko alam kung paano na lang ako ngayon kung hindi ko sila nakilala.
Yes, there's Mimi. Pero inaalagaan niya rin kase si Nisha. Ayaw ko namang mag-demand ng sobra sa kaniya. I feel like I can't rant to her. I can't share my problems dahil alam kong problemado pa rin siya sa pa naming—isa pa niyang kaibigan.
And speaking of her kaibigan, napaayos kami ng upo nang pumasok siya sa cafe kasunod si Mimi! Pare-pareho kaming nagkagulatan, hindi inaasahan ang muling pagkikita. Bilang ang huling tagpo namin ay yung away, hindi namin alam kung ano ang magiging reaksiyon ko bukod sa pag-iwas ng tingin.
Dumeretso siya at umupo sa malayong table for two. Sumunod naman sa kaniya si Mimi who apologetically smiled at me and mouthed sorry. Nginitian ko na lang siya, hindi niya rin naman alam na nandito kami.
Ayaw ko na sana siyang pansinin. Pero hindi ko maiwasang tumingin sa kaniya. Base sa hitsura, mukhang maayos na siya. Hindi katulad noong huli naming pagkikita. Sa bagay, naghahanap na nga raw siya ng trabaho sabi ni Mimi. So I think, okay na talaga siya.
Nang napansin niyang nakatingin ako sa kaniya, inirapan niya ako. Sana rin pala pati ugali maging okay na rin.
Nawalan na ako ng gana. At mukhang naramdam din ng mga kasama ko kaya nagyaya na silang umuwi. Pumayag na ako dahil parang apoy na binuhusan ng gasolina ang galit ko kay Nisha. Nagliyab na naman ngayong nakita ko siyang wala mang hint ni konting guilt at pagsisisi. Walang magbabago sa ugali niya kung mananatili siyang ganyan.
***
So room ni Venn ako dumeretso since hawak ko naman ang spare key niya. Humalata agad ako sa kama niya at niyakap ang unan. Parang nandito lang siya sa tabi ko at yakap-yakap siya. Sa buong kwarto kase ay amoy niya ang namumutawi, lalo na ang kama at mga unan.
"Kumusta ka na, love?" pagkausap ko sa unan. "Nakakain ka na ba ng dinner? Nakapagpahinga ka na ba?"
Pumikit ako kaya tumulo ang namuong luha. Sobra na ang pangungulila ko sa kaniya kahit wala pa mang isang araw. Na-boang na ata ako?
"I love you, Venn. I miss you so much," bulong ko sa unan.
Binaon ko ang mukha ko doon at umiyak. Nilabas ko ang kokonting luha bago ko napagdesisyunang tumayo at maghilamos. Iniwasan kong itutok ang pansin ko sa cellphone at tinago sa bag ko. Ayaw kong matukso at baka ako na mismo ang mag-text sa kaniya.
Pagkatapos kong maghilamos at magbihis, humiga na ako sa kama para matulog na sana. Kaso di man ako dinadalaw ng antok. Kahit anong ikot ko sa kama, hindi ko mahanap ang tamang posisyon. Kaya sumuko na ako at kinuha ang cellphone ko. Pero iniwasan kong magpunta sa messages at dumeretso sa Instagram.
Balak ko sanang magpaantok. Kaso ang unang napansin ko ay may IG story ni Maritessa. At hindi lang basta IG story, kundi naka-close friends only ito. At dahil kita ko, ibig sabihin kasama ako sa mga close friends niya? Aba! Pati ba naman sa IG plastic pa rin ang babaeng 'to?
Pinilit kong ignorahin 'yon. Ayaw ko na siyang pansinin at pag-aksayahan ng oras. Nilalayuan na rin naman siya ni Venn kaya wala na dapat akong pakielam sa kaniya. Kaya nagtuloy-tuloy lang ako sa pag-scroll, nila-like ang posts ng mga artista at model.
Pero hindi talaga mawala sa isip ko ang story ni Maritessa. Kahit pa ang mga cute videos ni Tucker Budzyn ay hindi ako na-distract. Parang bang may pwersang humihila sa akin para tignan ang story. Kaya kahit ayaw ko man at pinigilan ko ang sarili kong tignan 'yon, napa-scroll ako pabalik sa taas.
Nang nabalikan ko ang IG stories, nagdalawang isip pa ulit ako. Nasa tapat na ng pangit niyang mukha ang daliri ko, handa nang pindutin. Kaya lang, may isang parte sa utak ko na pumipigil sa akin. May masama akong kutob dito. Pero natalo 'yon ng kuryosidad kaya bandang huli ay tinignan ko pa rin.
Sabi nga nila, curiosity killed the cat. And this ... killed me.
Napatigil ako sa nakita. Hindi makapaniwala. Nakuha nang matapos ang story at lumipat ay nakatulala pa rin ako. Nanikip ang dibdib ko, nakaramdam ng sakit at galit!
Binalikan ko ang IG story para makasigurado. At nanlumo lang ako nang napagtantong si Venn nga iyon. Nakatagilid siya, halatang stolen shot dahil nakatutok siya sa kung ano man ang tinitignan nya sa harap. Tapos sobrang lapit ng mukha ni Maritessa dahil selfie ang picture. Pareho pa silang nakasuot ng puting safety helmet!
Nayuyupos sa galit, umalis ako sa Instagram. Balak ko sanang i-text lang si Venn, pero hindi ako mapapanatag doon. Kaya dumeretso ako sa pagtawag sa kaniya. Wala akong paki kung nasa trabaho siya, kung nasa kalagitnaan ng meeting o kung ano man! Kung si Maritessa nga ay nakapag-story pa, bakit siya hindi man lang makapag-text!
Kaso, nakailang subok na ako pero hindi siya sumasagot! Tapos yung huling tawag ko, pinatay niya! At nang tatawag ulit sana ako, cannot be reached na! So ano?! Pinatayan niya ako ng cellphobe?! Pisteng yawang animal!
[VEEEEEENNNNNN!!!!!!!]
[BAKIT NANDIYAN ANG BURIKAT?! AKALA KO BANG HINDI YAN KASAMA? TAPOS NGAYON AYAW MONG SAGUTIN ANG TAWAG KO? PINATAYAN MO PA AKO NG TAWAG! PINATAY MO PA ANG CELLPHONE MO! SO ANO?! NAKAKAISTORBO AKO SAINYO NG MARITESSANG YAN HA?!]
Kahit nag-text lang, hiningal ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nanginginig pa ako habang nagta-type. Kasabay non ay ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha. Pero kahit na nanlalabo na ang mga mata ko, tuloy lang ako sa pag-text. At ang mga huling na-send ay puro mura na. Dito ko nilabas ang galit ko.
Pero hindi sapat. At dahil nakapatay nga ang cellphone ni Venn, alam kong hindi siya mag-re-reply. Kaya bumalik ako sa IG at nag-DM kay Maritessa.
[HOY!]
[ANIMAL KA! HINDI KA BA TALAGA TITIGIL?! GANIYAN KA BA KAKATI?! PWES KAMUTIN MO HINDI YUNG PINAGSISIKSIKAN MO ANG SARILI MO SA MAY GIRLFRIEND NA!]
Mag-ta-type pa sana ako nang nag-reply siya.
[Huh? What are you talking about?]
Aba! Maang-maangan ka pa, ha? Eh ang kalandian mo, parang neon dress. Kahit sa malayo, kitang kita! Nakakasilaw sa mata! Nakakairita!
[Girl, alam ko ang mga galawan mo! Kung ako sa'yo, lubayan mo na si Venn. This is a warning!]
Totoong warning ito. Dahil pag hindi pa talaga siya tumigil, baka masapak ko rin siya. O mas higit pa! Huwag ko lang talaga siyang makasalubong, baka mabura ang mukha niya!
[You know what? You're crazy! Venn doesn't deserve a crazy ang cheap girlfriend like you!]
Ako pa talaga ang baliw at cheap?! Eh sinong matinong babae ang ipagpipilitan ang sarili sa lalaking may karelasyon na? Kung nasa tamang pag-iisip ka at may konsensiya, didistansiya ka!
[Sinong deserve niya? Ikaw? Dream on, burikat! And girl, I'd rather be cheap than to be a desperate bitch!]
Halos mayupi na ang cellphone ko sa sobrang higpit ng hawak ko. Kating kati akong dagdagan pa ang reply pero baka masabihan na naman akong cheap. Kaya hinintay ko na lang ang reply niya. Kaso, hindi na dumating 'yon at nawala na ang green dot niya.
Duwag ang burikat! Desperate bitch lang pala taob na!
Hinagis ko sa gilid ang cellphone ko at humiga. Hinila ko ang kumot pataas at niyakap ulit ang unan. Masama pa rin ang loob ko pero nakatulong ang pakikipag-away kay Maritessa para kumalma ako ng konti. Pakiramdam ko kasi kanina, sinapian na naman ako ni Leigh ... Belle.
Isa pa 'yon. Naalala ko na naman tuloy ang text ni Sabel nung isang araw. Nahuli niyang magkasama sina Leigh Belle at Albie. Kaya pala hindi ko na rin nakita yung isa pagkabalik namin ni Venn galing Cebu.
Napailing-iling ako. Hindi na lang ako magsasalita, baka kung ano na naman ang isipin at masabihan na naman akong walang kwentang ate. Kung gusto niya ng walang kwenta, eh 'di bigyan ng walang kwenta. Bwisit.
Sinubukan kong makatulog pero hindi ko magawa. Lalo na ngayong magkasaama sila Venn at Maritessa. Kaya sinubukan ko ulit tawagan si ang nauna kaya lang nakapatay pa rin! Anong gagawin ko?
Pumunta kaya ako doon? Nasabi naman sa akin ni Venn kung saang hotel sila nag-check in. Kaso gabing gabi na, baka bigla na akong antukin habang nasa biyahe at makatulog ako. Baka maaksidente pa ako! At tsaka may trabaho ako bukas.
Ilang sandali pa akong nakipagtalo sa sarili nang mag-ring ang cellphone ko. Nang nakita kong si Venn ang tumatawag, dinampot ko kaagad 'yon at sinagot.
"H-hello, love?"
Nanikip ang dibdib ko at namuo ang luha sa mga mata ko pagkarinig pa lang ng boses niya. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang pag-iyak.
"Love, I'm sorry I wasn't—"
"A-akala ko bang wala diyan si Maritessa?! Bat siya nandiyan ngayon? N-nagsinungaling ka ba, ha?!" Hindi ko na napigilang pagtaasan siya ng boses. Kahit miss ko na siya at ang boses niya, hindi ko pa rin maiwasang magkaroon ng hinanakit at makaramdam ng galit.
"I-I'm sorry, but I was also shocked when she came. Uhm, I ... I will explain everything to you once I'm home. Please, love, trust me. Please." Hirap na hirap siyang magsalita. Parang bang hinang hina na rin siya.
Pero nagpintig ang tenga ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa siya. Kung magtitiwala pa ba ako. Ngayon, trust seems too much to ask from me already. Masyado nang sira!
"Gulat na gulat ka ba kaya hindi mo man lang naisip na sabihin sa akin?!"
For sure naman hindi pa lang niya kadarating doon. Maliwanag pa doon sa IG story ni Maritessa. Nasa same timezone naman siguro ang Manila at Tarlac. Kaya bakit hindi niya agad sinabi sa akin ngayong alam niya na ayaw ko doon sa babae. Hindi kaya kasama naman talaga ang burikat na 'yon sa new project at tinago niya sa akin?
"I'm sorry hindi ko agad nasabi sa'yo. I'm so sorry, love. P-please ... sorry talaga. But trust me hindi ko talaga alam, bigla na lang siyang sumulpot and suddenly became part of the p-project." Base sa boses niya ay naiiyak na rin siya. Naririnig ko ang bawat paglunok niya.
"Part ng project?! So ibig sabihin nandiyan pa rin siya?! Diyan siya matutulog?!" pagkumpirma ko.
Hindi kaagad siya nakasagot. Doon pa lang ay lalong kumulo ang dugo ko.
"O-oo ..." mahina niyang sagot.
Sabi ko na nga ba!
"Ano?! Umuwi ka na rito! Ngayon na!"
Hindi na ako nakapag-isip pa ng maayos. Basta ang alam ko, dapat ko siyang mailayo kay Maritessa. Hindi ako mapapanatag na nadoon siya at magkasama sila! Ngayon pa lang kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko kaya lalong nanikip ang dibdib ko at nakaramdam ng galit.
"H-ha? H-hindi pa kami tapos sa trabaho—"
"Wala akong paki! Umuwi ka na rito!"
Matagal siyang natahimik. Puro buntong hininga niya lang ang narinig ko. Kaya nawalan na ako ng pasensiya!
"SAVENN!"
"O-okay ... okay, I'll come home. Uuwi ako, love. Uuwi ako." May pag-aalinlangan ang boses niya noong una pero nasiguro akong uuwi talaga siya sa huling salita niya.
Binaba ko agad ang tawag at hinagis ulit sa gilid ang cellphone. Rumagasa lalo ang luha ko kaya kinuha ko ang unan at siniksik doon ang mukha ko. Doon ako umiyak nang umiyak. At dahil na rin sa sakit ng ulo at antok, tuluyan akong nakatulog.
Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas. Naramdaman ko na lang ang pag-angat sa ulo ko tapos ay nilapag sa pamilyar na braso. Naramdaman ko ang pagpalupot ng bisig niya sa akin. Sa amoy pa lang ay kilala ko na kung sino ito.
Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko, medyo hirap pa dahil kagigising pa lang. Inaninag ko ang mukha ni Venn. Malamlam ang mga mata niya. Malungkot, pagod, at inaantok. Pero nagawa niya pa rin akong ngitian.
Nananaginip ba ako?
Napagtanto ko lang na hindi nang halikan niya ako sa noo. Matagal at mariin pero malambot at magaan din.
"Love," bulong niya.
Ngingitian ko rin sana siya. Pero nang naalala ko ang mga nangyari, tila tuluyan akong nagising. Bumalik ang inis at galit na nararamdaman ko kanina.
Lumayo ako sa kaniya at bumangon. Masama ko siyang tinignan. Habang siya naman ay nabigla at nalungkot sa naging aksiyon ko. Bumababa ang tingin niya at inabot ang kamay ko.
"I'm sorry."
Binawi ako ang kamay ko. Naninikip ang dibdib ko nang nakita kong nasaktan siya sa ginawa ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na kasama pala si Maritessa? Akala ko bang hindi?" Mas kalmado na ako ngayon kumpara kanina. Nakatulong din siguro na nakatulog na ako kahit papaano.
"H-hindi ko rin alam. Nagulat na lang ako—actually kaming lahat kase bigla na lang siyang sumulpot," paliwanag niya.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin?" may hinanakit kong sabi.
"I was ... afraid. I knew you'll react this way and—"
"Buti alam mo." Umirap ako at humalukipkip.
"I'm sorry." Napayuko ulit siya.
"Bakit naman nung tumawag ako hindi ka sumasagot? Tapos pinatayan mo pa ako."
Ganon ba siya katakot? Baka may mali pala talaga siyang ginagawa? Hindi naman siguro siya matatakot sa akin kung wala siyang kalokohang tinatago. Baka dinala niya talaga doon si Maritessa. O baka kasama talaga si Maritessa sa project at ayaw niya lang aminin.
Nagpupuyos ako sa galit. Sumisikip lalo ang dibdib ko sa bawat masasamang idea na naiisip.
"W-what? But my phone was lost. It took me hours to find it," depensa niya.
"Pero na-decline mo ang tawag ko?" sarkastiko kong tanong.
"W-wha—love, my phone was under a mountain of documents and plans. Probably natabunan siya noong nagtatrabaho kami," paliwanag niya. Umusog pa siya palapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.
Kung ganon, bakit na-decline ang tawag ko? Kung nawala ang phone niya at hindi siya, may ibang gumawa? Maritessa!
"Natabunan o tinabunan? Savenn, makakatikim talaga ng sapak iyang ex mo!" Kumuyom ang dalawa kong palad sa sobrang gigil!
Nagulat naman siya at bahagyang nalito. Pero bandang huli ay kinuha niya rin ang isa kong kamay at tinanggal ang pagkakakuyom non. Tapos inangat niya at parehong hinalikan.
"Don't worry, kakausapin ko siya tungkol dito."
Naalarma ko doon! Kakausapin? Hindi pwede!
"No! Ako ang kakausap sa kaniya!"
Napabuntong hininga siya at mabagal na tumango. "O-okay, if that's what you want."
Matagal kaming natahimik pagkatapos non. Magnanakaw ng tingin tapos iiwas din pag nagkahulian. Kaya namuo ang kakaibang tensiyon. Hindi na dahil sa galit.
Nagtagal ang tingin ko sa mukha niya. Una, ang mga mata na kumikislap sa kakurampot na ilaw. Bumaba sa matangos niyang ilong. Hanggang sa napunta ang tingin ko sa mga labi niya. Parang na naman akong hinihila.
Gusto ko siyang halikan. May nagtutulak sa akin na halikan siya.
Kaya bahagya akong umusog at unti-unting nilapit ang mukha ko sa kaniya. Bahagya akong nag-alangan, pero malakas ang kagustuhan kong mahalikan siya. It feels like a sense of assurance na akin siya?
Pero dahil doon, namilog ang mga mata niya at naestatwa. Pero nang dumampi na ang labi ko sa kaniya, napapikit na rin siya at nanlambot. As soft as his lips.
Hinawakan ko ang kaniyang dibdib at mahina siyang tinulak pahiga, hindi punutol ang halikan. Pumaibabaw ako sa kaniya at lalong pinagdikit ang mga katawan namin. Nang hindi nakunteto, nilipat ko sa kabila ang binti ko at sinakyan siya.
Lumihis ang halik ko at napunta sa pisngi niya. Parang may sariling pag-iisip ang labi ko at bumaba sa leeg niya. Hanahalikan ko lang noong una, pero kalaunan ay dinidilaan ko na at hinihigop na parang bampira.
"L-love..." ungol niya. Nakatagilid ang ulo at pikit ang mga mata.
Lalo akong ginanahan. Binalikan ko ang bahagya niyang nakabukas na labi at mas pinalalim ang halik. Habang nagsasayaw ang mga dila namin, inabot ko ang mga butones ng dress shirt niya at isa-isang binuksan.
Inupuan ko siya nang nabulatlat ko na damit niya. Mula sa kaniyang guwapong mukha, nilipat ko sa katawan niya ang tingin ko. Toned and right amount of muscles. Hinawakan at nilakbay ko ang buo niyang katawan. Soft, smooth, white skin. Hindi ko tuloy napigilang ilapit ang mukha ko at ilapat ang labi ko sa dibdib niya. Pababa nang pababa hanggang sa nakarating ako sa tiyan niya at dinilaan ang bawat hukay ng kalamnan niya.
Nang iangat ko ang tingin ko sa kaniya, naabutan ko siyang nakatingin din sa akin. Malamlam ang mga mata, pasara-sara. Sinabayan pa ng mabigat niyang paghinga.
So I felt more aroused. Binalikan ko ang labi niya habang naiwan naman sa sinturon niya ang mga kamay ko. Nang subukan kong i-unbuckle ang belt, agad niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan. Naglayo rin ang mga labi namin mula sa halikan.
"A-are you sure about this?" kabado niyang sa akin.
Napaisip ako at nakaramdam din ng pag-aalinlangan. Pero masyadong malakas ang nararamdaman kong libog ngayon. I want to do it. With him. Kaya tumango at babalik na sana sa paghalik sa kaniya nang pigilan niya ulit ako.
"B-but ... I don't have a ... c-condom."
Napatigil ako sa sinabi niya. But later on smiled. Sa aming dalawa, siya pa ang nakaisip at nakaalala non. I felt cared and respected as most men would prefer unprotected sex.
But my mind said go on kaya tinuloy ko ang paghalik sa kaniya. Nang tuluyan ko nang nabuksan ang slacks niya, pinasok ko agad ang kamay ko. I cupped his penis, and even though it's still under his boxers, I can feel the erection, the heat, the veins, and his girth and length.
"L-love ... ugh!" Ungol niya nang pinasok ko na ang boxers at hinawakan ang pagkalalaki niya.
Pinalupot ko ang aking palad doon at sinimulang galawin 'yon. Taas-baba. Kaya lalong lumakas ang ungol niya.
Hearing his moans made me satisfied.
But holding his manhood made me assured. I am assured that he's mine and no one will get him from me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top