Chapter 24

"Hi, love." Niyakap ako ni Venn at hinalikan sa pisngi bago siya umupo sa tabi ko.

Binati ko rin siya at nginitian ng matamis. Tapos ay pasimple kong tinignan si Maritessa na masama pa rin ang tingin sa akin. Nasa malayong lamesa siya ngayon, kasabay ang iba nilang katrabaho. Nginisian ko lang siya bago ko binalik sa menu ang mga mata ko.

Pwede ka naman palang sumabay sa mga 'yan, pinagsiksikan mo pa ang sarili mo rito. Kaya imposible talagang walang hidden agenda 'to sa paglapit-lapit kay Venn, eh. Kaya kahit na hindi na siya sumasabay sa amin, may kaba pa rin akong nararamdaman. Baka kase kung anong ginagawa niya pag nagtatrabaho sila.

Wala naman akong magagawa doon. Hindi naman siguro pwedeng paalisin ko si Venn sa trabaho niya. Malalayo lang siya sa akin kung gagawin ko 'yon. Paano kung may iba namang babaeng umaligid sa kaniya doon? Kaya mas magandang nandito siya, mas madali para sa akin ang magbantay.

Kaya kalaingan kong manatiling mapagmatyag. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan lahat ng social media apps na meron ako. Pumunta ako sa accounts ni Venn at binuksan ang notification to all. At ganoon din ang ginawa ko kay Maritessa kaya kinailangan ko pa tuloy siyang i-follow.

Pero okay na 'yon para sigurado. Mahirap na.

"Mabel, nandito na jowa mo." Kinalabit ako ni Lala.

Napaangat agad ako ng tingin sa banda ng pintuan. Nakita kong nakatayo doon si Venn, sinusundo ako para umuwi. First monthsary kasi namin ngayon kaya balak naming kumain sa labas.

Kaya agad ko nang inayos ang mga gamit ko. Nang okay na, tinignan ko sandali ang itsura ko sa compact mirror ko. Nagpulbo ako at naglagay ng lip tint bago ako tumayo bitbit ang bag ko at lumapit sa kaniya.

"I'm sorry, pinaghintay kita." Yumakap agad ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.

"It's okay, love." Pinalupot naman niya sa baywang ko ang braso niya at hinalikan din ako sa pisngi.

Kinuha niya ang bag ko at siya ang nagdala noon. Hindi niya tinanggal ang braso niya sa baywang ko at iginaya ako paalis doon.

Pagkapasok namin sa sasakyan, kinumusta ko agad ang araw niya. Nakinig ako ng mabuti kung may babanggitin ba siyang Tessa. At buti na lang ay wala. Sa pagkakaalam ko, sa ibang team ngayon si Venn at may bago silang project. Ilang araw na nga siyang puyat at mukhang pagod.

"Sigurado ka bang kakain pa tayo sa labas? You look tired," puna ko.

Sandali siyang napatingin sa akin. Nabigla ata. Pero nang nakabawi ay umiling siya at tumingin ulit sa harap. "I-I'm fine."

"Are you sure? Pwede namang magluto na lang ako. Para makapagpahinga ka muna at makatulog." Alalang alala na talaga ako dahil na-co-compromise na ang health niya. Ayaw ko namang maging inconsiderate at ipilit ang date sa labas kung pwede naman sa unit.

"Sigurado ka?" paninigurado niya.

"Oo naman." Nginitian ko siya para ma-assure na okay lang. Marami pa namang monthsaries ang pwede naming i-celebrate sa labas. Ngayon, masaya na akong kasama siya.

"Thank you, love."

Dumeretso na kami sa unit ko. Nag-grocery naman na ako kahapon kaya may maluluto ako ngayong gabi kahit isang putahe lang. Kaya hindi na rin ako nag-alangang yayain siya sa bahay na lang kami mag-date.

Sa kusina agad ako pumunta pagkarating namin sa room ko. Ang sabi ko magpahinga na muna siya sa kuwarto at tawagin ko na lang siya pag handa na. Pero ang makulit, Sumunod pa rin siya sa akin at gusto akong tulungan.

"Love, kaya nga dito na lang tayo kakain para makapagpahinga ka na," suway ko sa kaniya.

Ngumuso lang siya at nagmamakaawa akong tinignan. Cute man, hindi pa rin ako pumayag. Mas mahalagang makapagpahinga siya. Kaya hinila ko na siya papuntang kuwarto dahil mukhang wala talaga siyang balak sumunod. Pinaupo ko siya sa kama, tinanggal ang sapatos at dress shirt niya.

"A-ako na diyan," agap niya nang ibaba ko ang zipper ng slacks niya.

Tinignan ko siya ng masama habang hinihila 'yon pahubad sa paa niya. Naka-boxers naman siya kaya walang problema. Nang nahubad ko na rin ang mga medyas niya, tumayo na ako at nilagay sa laundry basket ang damit niya.

"Matulog ka na muna. Gisingin na lang kita pag ready na ang pagkain."

Nang tumingin ulit ako sa kaniya, napataas ang kilay ko dahil nakatulala siya. Tapos mayroon na siyang unang nakapatong sa kandungan niya.

Mukhang wala talaga siyang balak matulog, ah? Kaya lumapit na ko sa kaniya't tinulak siya pahiga ng kama. Tapos ako na rin ang nag-akyat ng mga paa niya. Tatanggalin ko dapat ang unan sa kandungan niya kaso hinigpitan niya ang kapit doon.

Napaangat ulit ako ng tingin sa mukha niya. Hindi pa rin siya makatingin sa akin. Tuwing magnanakaw siya ng sipat, ililihis niya agad ang mga mata niya tapos napapalunok pa.

"May sakit ka ba?" Kinapa ko ang noo at leeg niya pero hindi naman siya mainit.

"H-hindi ... wala." Umiling-iling siya.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil mukhang wala naman siyang lagnat. Baka antok lang talaga. Tinaas ko na lang ang kumot para hindi siya lamigin. Tapos binaba ko ang ulo ko para halikan siya sa noo.

"Sleep ka muna, love." Napangiti ako nang namilog ang mga mata niya.

Tumayo na ako at pinatay ang ilaw sa kuwarto para makatulog siya. Pagkalabas ko, bumalik na ako sa kusina at binalikan ang manok na pina-thaw ko. Balak kong magluto Chicken a la King dahil kumpleto naman ang ingredients at Vegetable Salad para kunware healthy.

Lagpas isang oras din akong nagluto at naghanda. Inayos ko rin kase ang dining table para mukha talaga kaming nasa date. Pinalitan ko pa ang mantel ng lamesa dahil plain na white lang 'yon. Itong pinalit ko ay white lace na my red designs and gold tussles na hindi naman masyadong kita. Tapos naglagay din ako ng kandila sa gitna at in-arrange ang plastic flowers na naka-display sa sala.

Nang tapos na ang lahat, nagpunta na ako sa kuwarto para gisingin si Venn. Pero naagaw ng pansin ko ang umiilaw at nag-va-vibrate niyang cellphpone nang lapitan ko siya.

Tessa is calling...

Kumunot agad ang noo ko nang nabasa ako ang pangalan na 'yon. Bakit naman kaya tumatawag ang babaeng 'to?

Napatingin ako kay Venn at mukhang mahimbing ang tulog niya. Kaya dinampot ko ang cellphone at pinatay ang tawag. Pero hindi ko pa man 'to nabibitawan, nag-text naman si Maritessa.

[Venn pasundo sa sakayan]
[Ang haba ng pila eh]

Uminit agad ang ulo ko. Binuksan ko ang cellphone dahil alam ko naman ang passcode.

2 1 3 2 1 4

Dumeretso ako sa messages at ni-replyan siya. Ginaya ko rin ang paraan ng pag-type ni Venn para hindi mahalata.

[sorry, busy ako.]

Binura ko ang messages niya mula kanina at ang reply ko. Tapos pinatay ko agad ang cellphone para hindi na siya makatawag. At para hindi rin makita ni Venn dahil siguradong mag-te-text pa rin 'yon. Baka masira pa ang dinner namin dahil sa kaniya.

Sino ba kase siya sa akala niya? Jowa?! Maghanap siya ng ibang susundo sa kaniya doon. O kaya sumakay na lang siya sa walis, mukha rin naman siyang mangkukulam!

Tinago ko sa loob ng drawer ang cellphone bago ko ginising si Venn. Pinagbihis ko na rin siya dahil may damit naman siya rito sa kuwarto ko. Habang ako ay nakaupo lang sa kama, pinapanood ang bawat galaw niya. Kabado ako na hahanapin niya ang cellphone niya kaya nakahinga ako ng maluwag nang hindi.

"Happy Monthsary, love!" bati ko sa kaniya pagkaupo namin.

"Happy First Monthsary, love. I'm sorry I wasn't able to help." Nakangiti siyang nakanguso habang tinitignan ang mga nakahanda sa lamesa.

"Okay lang, love! Ang mahalaga, magkasama tayong dalawa." Hinawakan ko ang kamay niya para hindi na niya isiping hindi siya nakatulong.

Napakagat siya ng labi para pigilan ang ngiti niya. At kahit dim ang lights, kita ko pa rin ang pamumula ng pisngi niya! Aasarin ko sana siya kaso kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. Nagkabaligtad tuloy at ang pisngi ko naman ang uminit!

Natawa siya sa reaksiyon ko kaya inirapan ko siya. Akala mo naman hindi rin siya kinilig!

"Let's take a picture?" yaya niya.

"Okay, para sa memories." Tumango ako.

"Kunin ko lang ang cellphone ko."

Nataranta ako nang umamba siyang tumayo. Kaya agad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan. Takang taka tuloy niya akong nilingon.

"B-bakit?!" Hindi ko napigilang mapataas ang boses ko sa kaba.

Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. "To take pictures."

"Yung akin na lang!" Dinampot ko agad ang cellphone na nakapatong lang sa table at inabot sa kaniya.

Tinignan niya iyon tapos binalik sa akin ang mga mata niya. Nagtataka pa rin siya. Kaya nawala ng parang bula ang kaba at napangiti nang kunin niya 'yon. Mabuti na lang nandito lang sa malapit ang cellphone ko.

Masaya naming pinagsaluhan ang niluto ko. At natuwa ako nang magustuhan niya 'yon. Mukha namang nasarapan siya dahil naka tatlong cups siya ng kanin. Parang tuloy akong asawa, ngiting ngiti habang pinapanood siyang kumain.

At hindi ko inaakala, naubos namin—niya ang a la King. Akala ko pa naman maiinit ko pa bukas para sa almusal. Bahagya tuloy lumaki ang tiyan niya at kinailangang buksan ang pantalon. Hindi na niya tuloy ako natulungan sa pagliligpit dahil na-empacho siya!

"Sorry talaga, love. Hindi na naman kita natulungan." Pinapanood niya akong maghugas ng pinagkainan habang umiinom ng tsaa. Nakasandal siya sa upuan at hawak ang tiyan.

"Okay lang. Pahinga ka lang diyan." Nginitian ko siya dahil nakanguso pa rin siya.

At least hindi siya kagaya ng kaibigan niya na may scheduling pang nalalaman. Kaya kahit ayaw ko ring naghuhugas ng pinggan, masaya ako dahil na-a-appreciate kong gusto talagang tumulong ni Venn kung hindi lang naparami ang kinain niya.

Pagkatapos kong maghugas, niyaya ko na siya sa kuwarto. Sanay naman na kaming matulog sa tabi ng isa't isa. Hindi kagaya nung una na nagkakahiyaan pa kami. Tapos halos mahulog na siya sa sobrang layo namin sa isa't isa.

"Masakit pa rin ba ang tiyan ng baby love ko?" tanong ko sa maliit na boses.

Nakapatong ang ulo ko sa braso niya habang nakayakap naman ako sa kaniya. Flat na ang tiyan niya nang hawakan ko. Nakapa ko rin ang abs niya at sinundan ng daliri ko ang contours ng muscles niya.

"H-hindi na masyado." Hinablot niya ang kamay ko at niyakap ulit sa katawan niya.

Napamulat tuloy ako at tinignan siya. Nakapikit siya pero kagat naman ang labi. Tapos medyo namumula rin. Kaya ngumisi ako at binalik sa tiyan niya ang kamay ko para asarin siya. Napamulat din tuloy siya at tumingin sa'kin. Kinuha ulit ang kamay ko at niyakap sa baywang niya.

"B-baka kung saan ulit mapunata yung...kamay mo."

Dahil doon, naalala ko na naman tuloy ang nakakahiyang pangyayaring 'yon! Kaya napalunok ako at pumikit na. Niyakap ko ulit siya pero nasa bandang dibdib na ang kamay ko para iwasan ang nasa...baba? Basta!

Matagal tuloy bago ako nakatulog at hindi agad nagising kinabukasan. Pagkamulat ko, amoy ko na ang bawang at pinipiritong bacon. Ayaw ko munang bumangon dahil alam kong gigisingin naman niya ako. Kaya patago akong ngumiti nang naramdaman kong may yumakap sa akin at humalik sa pisngi ko.

"Love, wake up. Wake up. Wake up." Bawat 'wake up' ay humahalik siya sa akin. Palaging ganito ang ginagawa niya at effective naman.

Hindi ko tuloy alam kung imumulat ko ba ang mga mata ko o itutuloy ang pagtulog. Pero mahuhuli ako sa trabaho kung uunahin ko ang kalandian. Kaya gumising na ako at bumangon na.

"Good Morning, love." Niyakap ko siya at pinatong ang ulo ko sa balikat niya.

"Good Morning, love." Hinalikan niya ulit ako at tsaka tinapik sa balikat. "Tara na, handa na almusal."

Sabay ulit kaming kumain ng niluto niyang sinangag at bacon. At dahil mabagal daw akong maligo, siya na ang naghugas ng pinagkainan at pinauna na ako sa banyo pagkatapos naming mag-almusal.

"Love, nakita mo ba yung cellphone ko?" tanong niya pagkalabas ko ng banyo. Hinalungkat niya ang laundry basket at kinakapa ngayon ang bulsa ng slacks niya.

Napatigil ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin! Paano ko matuturo sa kaniya kung nasaan ang cellphone? Ang weird naman kase na nasa loob ng drawer. At alam kong nasa loob ng drawer. Kaya nag-isip ako ng mabilis!

"Uh...a-ako na maghahanap. Maligo ka na, baka ma-late ka pa," kunwaring suggestion ko. Tapos lumapit pa ako at nagkunwaring naghahanap sa basket.

Mabuti na lang at tumango siya. Nakahinga ako ng maluwag nang pumasok na siya sa banyo at naligo. Habang ako naman ay naglakad na papunta sa bedside table para kunin sa drawer ang cellphone niya. Sabihin ko na lang nahanap ko sa lapag or something. Sana maniwala siya.

***

Hindi ko mapigilan ang sarili kong tumingin sa orasan dahil excited na akong mag-lunch. Sabay kasi kaming kakain ni Venn. Kahit ilang oras pa lang kaming hindi nagkikita, miss ko na agad siya. Kung pwede lang na sa tabi niya ako magtrabaho, gagawin ko.

Kaya nang lunch break na, halos maging si Flash na ako sa pag-ayos ng gamit ko. Gusto ko nang makita si Venn!

"Hi, Mabel! Sabay ka na samin ni kuya mag-lunch," yaya ni Kirk.

Lumapit sa akin ang kambal. Nakaakbay si Kurt sa kapatid niya. Habang si Kirk naman ay pilit lumalayo sa kaniya. Halos itulak na ng huli ang mukha nung nauna.

"Kay Venn ako sasabay, eh." Ngumuso ako para kunware nanghihinayang ako. Pero sa totoo lang gusto ko na silang lagpasan para puntahan si Venn.

"Palagi na lang si Venn ang kasama mo, hmp!" Inismiran ako ni Kurt at exaggerated niyang pinahaba ang nguso.

Natawa tuloy kami ni Kirk sa kakambal niya. Pinalo pa nga niya ang mukha nito. Palibhasa magkahawig at kita niya ang sarili niyang ginagawa ang ganong expression. Kung ako rin siguro kikilabutan din ako pag ganon!

"Ay may boyfriend na nga, lumalandi pa rin sa iba," parinig ni Cruella nang dumaan siya sa gilid namin.

Pare-pareho kaming napatigil at napatingin sa kaniya. Tinaasan niya pa kami ng kilay at umirap. Tapos sadya pa siyang nag-hair flip bago naglakad. Akala mo kagandahan. Sana naman inayon sa hitsura ang kaartehan hindi ang ugali. Pangit na nga, buwisit pa!

"Hayaan mo 'yon, Mabel. Palibhasa kahit matagal na rito wala pa ring nagkakagusto sa kaniya." Sinadya pang lakasan ni Kirk ang boses niya.

Pareho kaming natawa habang sinuway naman siya ng kapatid niya. Habang si Cruella naman ay padabog ulit na umalis. Napikon na nanaman!

"Oh ayan pala si Matt, siya na lang yayain niyo!" Tinuro ko ang paparating nilang kaibigan.

Lalapitan sana siya ni Kurt nang tignan siya nito ng masama at lagpasan kami. Ang weird! Anong nangyari sa kaniya? Parang simula nung beach volleyball naging bugnutin siya bigla.

"Anyare don?" tanong ko kay Kurt.

Nakatingin pa rin siya sa direksyon ng kaibigan, hindi rin makapaniwala sa inasal nito. ""Di ko alam. Nakalimutan na naman siguro niyang uminom ng gamot," biro na lang pero halatang nababahala.

"Oh siya, mauna na ko, ah?" paalam ko na lang.

Nang tanguan nila ako, iniwan ko na sila doon. Sobrang bilis kong maglakad para makababa na kaagad. Nabagalan pa nga ako sa elevator, lalo na at ang daming sumasakay! Napairap na lang ako dahil nauubusan na 'ko ng pasensiya.

Mabuti na lang at nakababa rin sa parking space! Hinanap ko agad ang sasakyan ni Venn at hindi naman ako nahirapan dahil alam ko kung saang banda siya nag-park. At hindi rin siya mahirap na ma-notice. Sa height pa lang at itsura pa lang niya, makukuha na agad ang atensiyon mo. Ang guwapo ng boyfriend ko!

"Hi, love!" Patakbo akong lumapit sa kaniya at niyakap ko siya agad.

"H-hi, love."

May bakas ng pag-aalinlangan ang boses niya kaya napakalas ako ng yakap. Tinignan ko ang mukha niya at sinuri 'yon. Sa ibaba lang siya nakatingin tapos ilang beses pa siyang napalunok.

"May problema ba?" Hinawakan ko siya sa balikat at dinungaw ang mukha niya.

Nang nagtama ang mga mata namin, inuwas niya agad. Anong nangyari rito? Hindi kaya may nagawa siyang kasalanan sa akin?! May babae ba siya? Si Maritessa ba? Kung ano-ano na ang pumasok sa utak ko. Gusto ko na lang siyang bunutin at itapon sa basurahan!

"Love?" Hinawakan ko ang baba niya para iangat ang ulo niya.

Kaya wala siyang choice nang nagkatinginan na kami. Napalunok ulit siya bago huminga ng malalim at pumikit ng mariin. Malungkot niya akong tinignan.

"I-ikaw ba yung nag-reply kay Tessa kagabi?" tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Kumabog agad ang dibdib ko at nag-panic internally. Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko! Dahil gusto kong itanggi, ayaw kong umamin. Pero ano pa ba ang saysay? For sure, alam na niyang ako ang may gawa kasi kami lang naman ang magkasama kagabi.

Kaya nilakasan ko ang loob ko at tinignan siya ng diretso. "Oo, ako nga."

Siya naman ang nagulat sa sagot ko. Hindi ko alam kung hindi niya inaasahang ako nga ang may gawa. O akala niya magsisinungaling pa ako.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya.

Sumiklab ang inis sa puso ko. Hindi na ako nakapag-isip pa at gusto ko na lang ilabas ang galit na nararamdaman ko!

"So ano? Pag sinabi ko pupuntahan mo siya?" May panghahamon kong tanong.

Nagulat siya sa agresibo kong tanong. Napatulala siya bago niya sinubukang sumagot. Ilang beses niyang binuka ang bibig niya pero isasara niya rin kalaunan. Bandang huli ako ay napapikit na lang siya ng mariin at napayuko habang hawak ang ulo niya.

"So iiwan mo nga ako sa date natin kung sinabi ko?!" Napataas na ang boses ko dahil pisteng animal, i-po-postpone niya ang monthsary namin para lang sa babaeng 'yon?!

"Hindi naman sa ganon." Sinubukan niyang lumapit sa akin at hawakan ang kamay ko pero lumayo ako at winaksi 'yon.

Hindi ako makapaniwalang kaya niya palang gawin sa akin 'yon? Mabuti na lang pala hindi ko sinabi! Mukhang lilipad pa siya papunta sa Maritessa niya maligtas lang ang bruha mula sa pagka-stranded! Edi yung date pa namin ang napurnada non?

"Love, ang sa'kin lang, sinabi mo sana kase delikado ang lagay niya kagabi," paliwanag pa niya.

"Pero nakauwi naman, 'di ba?! Nakapasok naman siya ngayon? Nakapagsumbong pa nga siya sa'yo, eh! So ano ang problema ngayon? Ganyan ba ang pag-aalala mo sa kaniya?!"

Uminit na ang mga mata ko at unti-unti nang nabuo ang luha doon. Sinubukan kong pigilang tumulo pero hindi ko kaya. Sobra-sobrang emosyon ang nararamdaman ko.

Tapos ngayon hindi pa siya makasagot. Hindi niya alam kung lalapit ba siya. Kung aaluin niya ako. Hindi man nga siya makapagsalita. Expect ko pa naman by this time ma-realize niyang ako dapat ang kampihan niya! Akala ko pa naman mag-so-sorry siya. Pero hindi, eh!

"Ok, fine! Kung ganon lang din pala siya kahalaga sa'yo, siya ang isabay mo mamaya at ako ang mag-co-commute pauwi!"

Tinalikuran ko siya at mabilis na naglakad pabalik sa loob. Tinawag niya ako pero hindi ako nagpatinag. Piste siya! Bahala siya diyan. Kung gusto niya si Maritessa ang isabay niyang mag-lunch at wala akong pakielam! May makakasabay din ako, akala niya!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top