Chapter 22
Magkatabi kami ngayon sa bench, nakatingin sa buong ciudad. Ang ulo ko ay nakapatong sa balikat niya habang nakaakbay naman sa akin ang isa niyang braso. Magkahawak ang mga kamay namin, pinipisil-pisil niya. Parang nga kaming may sariling mundo rito. Hindi namin pansin ang mga tao sa paligid.
"So ... we're official na, no?" pagkumpirma ko.
"I would love to. Pero ... siyempre ikaw pa rin ang bahala. If you want me to court you first, then I will. I am willing to wait," sagot niya.
Napatingin tuloy ako sa kaniya. Grabe talaga ang lalaking 'to, wala ba siyang kapintasan? Kung ibang lalaki lang siya, siguro sasabihin oo kami na. Pero iba talaga siya, eh. Kaya kahit nilabanan ko ang nararamdaman ko, natalo lang ako bandang huli at lalo lang nahulog sa kaniya.
"Hindi pa ba panliligaw yung ginawa mo? More than ligaw pa nga 'yon, eh. Tsaka anong willing to wait ka diyan? Hindi na, jowa na kita." Patigilid ko siyang niyakap ng mahigpit, ayaw nang pakawalan.
Pareho kaming natawa sa sinabi ko. Hindi ko akalaing ganito pala kasaya kung hayaan ko lang magmahal ulit ang sarili ko. Masyado akong natakot sa dalawang side ng pagmamahal kaya nanatili na lang ako sa gitna. Kung saan sa tingin ko ay ligtas ako sa sakit, kalungkutan, at poot. Hindi ko napansin na pinipigilan ko na pala ang sarili kong maranasang muli ang saya ng kabilang parte.
Oo, may takot at kaba pa rin naman akong nararamdaman. May doubts pa rin kung tama ba ang desisyon ko. Pero masyado akong masaya ngayon para pagtuunan pa ng pansin ang ganong thoughts. Kaya pilit kong isinasantabi ang mga 'yon at gusto kong mag-focus sa amin ni Venn. Gaya ng sabi ko, ayaw ko nang manatili sa comfort zone dahil sa takot. Susugal ulit ako para sa pag-ibig.
"Uh ... do you want to ... meet my mom tonight?"
Tinanggal ko ang pagkakayakap sa kaniya at umusog ng konti palayo. Tinignan ko siya ng matagal, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko kase alam kung handa ba akong harapin ang nanay niya? Baka kase hindi ako magustuhan ni tita. I mean, na-meet ko na siya dati at mabait siya. Pero hindi naman kami ni Venn noon kaya hindi ko masyadong iniisip ang opinyon niya at tingin niya sa akin.
"I-it's okay if you don't want to. If you want to keep our relationship a secret for the mean time, I understand." Hinawakan niya ang mga kamay ko at tumango-tango para i-assure ako.
Pinalo ko siya sa braso at masamang tinignan. "Anong secret naman? Kinakabahan lang ako sa magiging reaksiyon ng mama mo."
Kilala ako ng nanay niya bilang gilfriend ng kaibigan ng anak niya. Ano na lang ang iisipin niya pag pumasok ako doon bilang girlfriend ni Venn? Na tinuhog ko yung magkaibigan? Pagkatapos sa isa, tumalon ako sa kaibigan niya? Ni hindi ko man nga alam kung alam niyang hiwalay na kami ni Luigi. At kung alam man niya, baka isipin niyang panakip butas ko lang ang anak niya.
"Natatakot ako sa mga iisipin niya, lalo na kaibigan mo si Luigi," pag-amin ko.
Ngumuso ako at napayuko, nilaro-laro ko ang mahahaba niyang daliri. Pinagkumpara ko pa ang ang laki ng mga kamay namin. Nagmukhang pambata ang kamay ko nang ipatong ko sa kamay niya. Napangiti ako at pinagsiklop ang mga kamay namin. Kinilig pa ako sa sarili kong kalandian!
"You don't have to worry. I promise, mom would be cool about it," pag-a-assure niya.
"Pero paano kung hindi?" Hindi ko talaga matanggal ang kaba at pag-overthink.
"Love..."
Napaangat ako ng tingin sa kaniya, nagulat sa tinawag niya sa akin. Nawala ang ngiti niya at napatulala nang nakita ang reaksyon ko.
"Love?" pangungunpirma ko. Hindi kase ako sigurado kung tama ba ang pagkakarinig ko o guni-guni ko lang 'yon.
Napakurap-kurap siya tapos iniwas ang tingin sa akin. Narinig ko pa siyang bumuntong hininga bago ako ulit ako tignan at nagpaliwanag.
"I just felt ... saying it and thought it could be my term of enderament? But if you don't like it—"
"Love," pa-sweet kong pagtawag sa kaniya.
Napatigil siya sa pagsasalita nang tawagin ko siya sa naisip niyang endearment. Namilog pa ang mga mata niya at nalaglag ang panga. At sa saktong ilaw na tumatama sa kaniyang mukha, nakita ko ang pamumula ng pisngi niya.
"Papatayin mo ata ako," bulong niya. Napahawak pa siya sa puso niya at napapikit.
Natawa ako at napalo ko pa siya sa braso! "Ganti ko 'yan sa'yo!" biro ko.
Nagtawanan at nagkwentuhan pa kami ng almost isang oras. Pero nang napansin kong medyo nanginginig na siya sa lamig, inaya ko na siyang umuwi. Sa kanila. Dahil pumayag akong i-meet ang mama niya—as his girlfriend na.
Kabado pa rin ako habang nasa biyahe. Hinawakan ni Venn ang kamay ko para pakalmahin. Pero lalo lang akong kinabahan dahil malamig pa rin ang kamay niya. Kaya tumigil muna kami sa isang cafe na nadaanan namin para uminom siya ng tsaa. Dapat talaga ay kape sa 7 Eleven, pero ayaw niya raw ng kape kaya naghanap pa kami ng cafe.
"Pero paano nga kung hindi ako magustuhan ni tita?" tanong ko ulit sa kaniya, pang-ilang beses na. Buti nga hindi siya nawawalan ng pasensiya, eh.
"Love, magugustuhan ka non, promise. And you're not difficult to like, so don't worry." Pinatong niya ang kamay niya sa kamay ko habang nagmamaneho ang isa pa niyang kamay.
"Pero si Tita Stella nga hindi naman ako nagustuhan," bulong ko, masama pa rin ang loob.
Masama pa rin ang loob ko na kuninsinti pa niya ang anak niya. Tapos ang sasakit pa ng mga salitang binitawan niya. Hinamak niya ang estado ng buhay namin, ang propesyunal na buhay ko, at ang pagkababae ko.
Hindi tuloy maiwasang mag-alala na baka ganoon din ang nanay ni Venn. Baka kase kahit pakitunguhan niya ako ng maayos ngayon, ang totoo pala ay hindi niya ako gusto para sa anak niya. Natatakot akong masabihan na naman ng masasakit na salita, tapos galing pa mismo sa taong nagluwal sa mahal mo.
"Mom is far far different from her, Love. I promise, she won't ever do that to you." Hinawakan niya ang kamay ko at nilapit sa labi niya para halikan.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Pero habang papalapit kami, bumabalik ang kaba. Naisip ko na naman ang inaalala ko kanina. Naramdaman ata ni Venn 'yon dahil hindi naman ako mapakali. Kaya inabot niya ulit ang kamay ko at pinisil 'yon. Nang humarap ako sa kaniya, nginitian niya ako bago ulit tumingin sa daan.
Nang nakarating na kami sa tapat ng bahay nila, nanigas ako sa kinauupuan ko. Lalo na nang nakita kong mama pa niya mismo ang nagbukas ng malaking gate para makapasok ang sasakyan niya. Kung hindi niya lang ako pinagbuksan ng pintuan, hindi ako lalabas. Nanghihina ang mga binti ko pero hindi ko pinahalata dahil nakatingin sa akin ngayon si tita. Naglabas na lang ako ng hininga at pinilit mag-think positively.
"Uh ... mom, si Mabel po. Girlfriend ko," pagpapakilala niya.
"G-good Evening, po," nag-aalangan kong bati.
Napatigil saglit si tita nang ipakilala ako ni Venn. Nalaglag ang panga niya kaya napatakip siya ng bibig. Tapos nilipat-lipat niya ang tingin sa aming dalawa, hanggang sa napansin niya ang magkahawak naming mga kamay. Humigpit tuloy ang hawak ko sa kamay ni Venn dahil sa kaba.
"G-girlfriend mo na siya?" Tinuro niya ako.
Napalunok tuloy ako ng sariling laway! Paano kung tumutol siya? Like ngayon na talaga. Mas okay ba yon na harapan niyang sabihing hindi niya ako gusto? Mas maganda nga siguro 'yon kaysa sa plastikan, 'no? Siguro gumawa na lang ako ng mga bagay na ikatutuwa niya para magustuhan niya ako.
"Yes, mom." Ngiting ngiti naman 'tong boyfriend ko!
"At last! Thank you, Lord at tinupad mo na ang matagal kong pinagdadasal!" sigaw niya. Napatingala pa siya at tinaas ang dalawa niyang kamay!
Napanganga na lang ako sa reaksiyon niya. Napatingin ako kay Venn at nakita ko siyang nakayuko habang kinakamot ang batok niya.
"Oh my! Tara sa loob, Mabel. Magkwentuhan tayo kaya rito ka na kumain." Nilapitan niya ako at inakay papasok ng bahay nila.
Habang ako ay gulat na gulat pa rin sa pangyayari. Hindi ako makapaniwala! Kanina lang ay kabadong kabado ako. Kung ano-anong possible scenarios ang naisip ko, lahat ng masasakit na salitang pwede niyang ibato sa akin inisip ko na para hindi ako masyadong masaktan. Tapos ngayon, tuwang tuwa pa ang mama niya at nakaakay sa braso ko.
Dinala niya ako sa kusina at pinaupo ako. Nagsandok siya ng pagkain kaya nag-volunteer akong tumulong. Nakakahiya kasi kung umupo lang ako doon. Tsaka kahit na mukhang tuwang tuwa siya na girlfriend ako ng anak niya, gusto ko pa ring magpa-impress sa kaniya. Ayaw kong isipin niyang tamad pala ako, baka bawiin niya yung dasal!
"I'm so happy na kayo na ng anak ko," sabi niya sa akin habang inaayos namin ang hapag.
"T-thank you po, Tita ..." Nakakahiya at hindi ko man lang alam ang pangalan niya!
"Marissa. Just call me Tita Risa, pero pwede rin namang mama," pang-aasar niya sa akin!
Hindi ako nakapagsalita sa gulat. Hindi ko akalaing may ganitong side pala ang mama ni Venn? Well, hindi ko naman siya madalas makita noon. I think limang beses ko pa lang siyang nakita? Pero unang pagkakita ko pa lang sa kaniya, nasabi kong girl version siya ng anak niya. Dahil bukod sa magkahawig sila, pareho silang tahimik lang. Kaya ngayong nakikita ko siyang ganito, hindi ko maiwasang mabigla! Bukod sa nakakabigla talaga ang mga sinabi niya!
"Mom!" reklamo ni Venn na kakapasok pa lang ng kusina.
"Eto naman, kunwari pa pero ang totoo kinikilig naman," pang-aasar naman ni tita sa anak niya.
Sumusukong bumuntong hininga si Venn at lumapit sa amin para tumulong. Kinuha niya pa sa akin yung pitsel ng juice kaya tinignan ko siya ng masama. Juice na lang nga ambag ko kinuha pa niya!
Nang handa na ang hapag, umupo na kami sa 8-seater na dining table. Sa kabisera umupo si Tita Rissa, sa kanan niya ay si Venn na katabi ako. Nagdasal muna kami na pinangunahan ni tita bago kami kumain.
"Pasensiya na pala kung masyado akong hyper ngayon, ah? Masaya lang ako dahil finally, kayo na!" sabi sa akin ni tita hahang inaabot ang Sinigang na Hipon.
Aabutin ko na sana kaso inunahan ako ni Venn. Siya ang kumuha serving bowl at siya na rin ang naglagay non sa sarili kong mangkok. Patago akong ngumiti dahil ang sweet niyang tignan. Mas sweet sana kung hindi sobrang dami yung nilagay niya!
"Nagpapakitang gilas, ah? Nako Mabel, hanggang umpisa lang 'yan." Umiling-iling pa si tita at patigilid na tinignan ang anak.
"Mom! Consistent kaya ako!" depensa ni Venn.
"Pag sure! Ganiyan na ganiyan din ang tatay mo noon! Tapos bandang huli, ni remote lang na nasa tapat niya ipapakuha pa sa akin!" Inirapan siya ng mama niya.
Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Ngayon ko lang kase nakita mapikon si Venn at magreklamo. Kitang kita ko ang closeness nilang mag-ina. Kahit naman kase nag-aasaran sila, halatang mahal nila ang isa't isa. Siguro love language nila ang mag-asaran?
Nagkwentuhan kami habang kumakain. Tinanong ako ni tita ng kung ano-ano. Pinakwento niya pa kung paano naging kami! Nag-alangan tuloy akong magkwento nang naalala ko kung paano nga ba. Nakakahiya naman kung sabihin kong nagsimula ang usapan namin doon sa paghalik ko sa anak niya kagabi. Kaya tinanggal ko 'yon sa kwento at sinabi ko na lang na nagkaroon kami ng heart-to-heat talk sa Tops. Hindi lips-to-lips!
Pagkatapos naming kumain, nagpresinta si Venn para maghugas ng mga pinagkainan. Tutulong sana ako kaso hinila na ako ni tita! Dinala niya ako sa sala at pinaupo sa sofa. Tapos ay tumabi siya sa akin, seryoso akong tininignan.
Kinabahan tuloy ako. Paano kung kunware lang pala yung kanina? Tapos ngayon lalaitin na niya ako at sasabihang layuan ang anak niya? Huwag naman sana.
"Alam mo Mabel, totoong masaya ako para sa inyo ng anak ko. Pero hindi mo naman siguro ako masisisi na matakot din ako para sa kaniya," sabi niya pagkatapos ng mahabang pananahimik.
Naguluhan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. Kaya lalo akong kinabahan dahil pakiramdam ko papalayuin niya ako kay Venn. Baka sa isip niya sasaktan ko lang ang anak niya?
"Nakita ko kung gaano ka kamahal ng anak ko. Alam kong gagawin at ibibigay niya ang lahat para sa'yo. Kaya natatakot akong masaktan siya." Diretso siyang tumingin sa akin kaya nakita ko ang pamumula ng mga mata niya at panunubig ng mga 'yon.
Pati tuloy ako naluha na rin. Dahil sa sobrang kaba. Parang nararamdaman ko na kung saan hahantong 'to. Kaya tuluyan nang tumulo ang mga luha ko at napayuko. Alam ko kaseng totoo naman ang sinasabi niya. Totoong ibibigay at gagawin lahat ni Venn para sa akin. Pero ayaw kong iyon ang maging dahilan para makipaghiwalay sa kaniya. Hindi naman ako demanding, at alam kong mahal ko na siya.
"Hala! Bakit ka umiiyak?" Nag-panic si tita nang umiyak ako. Lumapit siya sa akin at hinagod ang likod ko para patahanin.
"G-gusto niyo pong hiwalayan ko siya?" tanong ko. Inangat ko ang ulo ko at umiling sa kaniya. "A-ayaw ko po."
Nalaglag ang panga niya at napatulala sa akin. Napatigil din siya sa paghagod sa likod ko. Akala ko magagalit siya sa akin kaya sobrang gulat ko nang tumawa siya. Lamayo siya sa akin at umupo ng maayos, parang bang sinasabing bat niya pa ako inalo sa pag-iyak ko dahil lang sa ganong dahilan.
"Hindi—" Hindi niya matuloy-tuloy ang sinasabi niya kakatawa.
Napatigil tuloy ako sa pag-iyak at ngumuso. Mali ba ang pagkakaintindi ko? Malay ko ba? Ganon kase yung tono niya, eh!
"Hindi yun ang ibig kong sabihin! Ang sinasabi ko ay natatakot akong masaktan si Venn. Kaya ang hihilingin ko sa'yo ay alagaan mo siyang mabuti, hindi hihiwalayan!" pagkaklaro niya. Bahagya ulit siyang tumawa at napailing-iling pa.
"Nakakaba po kase ang seryoso niyo po kanina." Napayuko ako sa sobrang hiya!
"Siyempre dapat seryoso ako. Ganiyan din kase si Sixto, masyadong mabait! Kaya siguro maaga siyang kinuha ni Lord." Pabirong sinabi ni tita 'yon pero halatang nalungkot siya nang naalala ang namayapang asawa.
"Parehong pareho po ba sina Venn at Tito Sixto?" tanong ko.
"Sobra! Mukha lang ang nakuha sa akin ni Venn. Pero yung ugali, personality, mannerism, pati pananalita niya, kuhang kuha niya sa tatay niya." Tumango-tango siya habang nakatingin sa malayo.
Sayang, hindi ko man lang na-meet ang tatay niya. Sa pagkakaalala ko, grade four ata siya nang namatay ito? Iyon ang sabi sa akin ni Luigi noon nang tanungin ko siya tungkol sa tatay ni Venn kase never ko pang nakita.
"Ay gusto mo bang makita baby pictures ni Venn?" tanong sa akin ni tita.
Nakaramdam agad ako nang excitement! Tumango agad ako habang ngiting ngiti. Feeling ko kase sobrang cute ni Venn noong bata siya. Ngayon nga na ang laki-laki na niya ang cute pa rin!
Bumalik si tita na may dalang isang box ng photo albums! Marami ang laman tapos organized pa ang pagkakalagay. At sa spine ng bawat album, may nakadikit na label at year.
"Eto, baby pictures ni Venn mula nung pinanganak siya hanggang one-month old." Kinuha ni tita ang blue na album na nasa tabi ng white, ang wedding photo album nila ni tito.
Inabot ko 'yon at excited na binuksan. Ang unang pahina ay mga impormasyon tungkol kay Venn. Yung buo niyang pangalan, birthday, blood type, at pati ang mga bakuna na tinurok sa kaniya. Kumpleto sa bakuna ang baby boy!
Nang ilipat ko, hindi maiwasang mapangiti nang nakita ang first baby picture niya. Siyempre malayo-layo pa ang hitsura niya rito, pero napakaamo na talaga ng mukha niya. Gusto ko tuloy siyang damputin mula sa litrato at buhatin! Sana ganito rin kalusog at kaamo ang mukha ng magiging anak namin.
"Around 7.6 pounds si Venn nang ipanganak ko siya. Pero alam mo ba, inborn na ata ang kabaitan ng batang 'yan at hindi ako pinahirapan sa pag-labor!" imporma sa akin ni tita.
Tumango-tango ako habang tinitignan ang iba niya pang pictures. Tapos ang sunod namang binigay sa aking photo album ay ang binyag niya. Lalong umumbok ang pisngi niya at nakakangiti na para bang alam niyang pinipicturan siya! Gusto ko tuloy pisilin ang pinspi niya!
"Eto naman ang first birthday." Inabot sa akin ni tita ang photo album.
"Ang cute!" bulalas ko pagkakita pa lang sa unang picture.
Nakadapa siya sa kama habang ang bisig niya ay nakatukod. Hindi siya nakatingin diretso sa cemera, nasa bandang gilid. Tapos sobrang laki ng ngiti niya, kumikislap pa ang mga mata. At sa kasunod na picture, nakita ko na ang tinatawanan pala ay ang daddy niya na may hawak na tutang stuffed toy.
"Paboritong laruan ni Venn dati 'yan, Hotdog ang tawag niya. Hanggang sa seven years old siya kasa-kasama niya pa rin 'yan, kahit sa pagtulog," kwento ni tita. Natatawa pa siya habang tinitignan ang picture.
"Nasaan na po yung laruan niya?" tanong ko dahil never ko pang nakita 'yon—well hindi naman kami super close noon to see it, though.
Nawala ang ngiti ni tita. Napahinga siya ng malalim at pilit na ngumiti nang tingnan niya ako.
"Hiningi ng pamangkin ko sa kaniya noon, eh. It was difficult for him to give Hotdog up. Umiyak pa nga siya noon. Pero binigay niya na rin nang umiyak ang nakababata niyang pinsan."
Napatango-tango ako sa kuwento ni tita. Tapos binalik ko ang tingin ko sa kasunod na picture kung saan yakap-yakp niya ang aso. At sa mga sumunod pang picture, ganon din. Mas madalas ko pa ngang makita yung laruan sa pictures kaysa sa mga magulang niya. At kahit pa may ilang stuffed animals din siyang natanggap, specifically aso, bandang huli si Hotdog pa rin ang hawak niya.
So he really loved the toy. Lalo na at hanggang seven years old siya gamit niya pa rin. Ang hirap nga siguro para sa kaniya nang ipaubaya 'yon sa pinsan niya. Parang gusto ko tuloy sugurin 'yon para bawiin yung laruan ni Venn! Kaso sa tagal na non, baka wala na rin yung laruan. Baka nasira na.
"Mom?! What are you doing?" Mabilis siyang lumapit sa amin. At nang nakita niyang hawak ko ang kindergarten album niya, napahawak na lang siya sa mukha at marahas na huminga.
Pareho tuloy kaming natawa ni tita. Ang sama kase ng tingin niya sa nanay niya at ang haba pa ng nguso! Umumbok tuloy lalo ang pisngi niya at hindi ko na napigilang abutin 'yon para pisilin!
"Ang cute mo kaya! Oh! Anong nakakahiya rito?" Pinakita ko sa kaniya ang picture niya kung saan nagbibigay siya ng speech bilang first honor.
"But it's embarassing." Sa photo album naman siya nakatingin ng masama ngayon.
Natawa na naman tuloy kami ni tita! Mukha kasing gusto niyang hablutin 'yon para sirain. But knowing Venn, alam kong hindi niya magaga 'yon. His permanently innocent face just does not screams violence and brutality.
"Anong embarasssing? Kung nakasalubong nga kita nung bata ako baka naging crush pa kita!" Tumawa pa ako. Pero nang napagtanto ko ang sinabi, naptigil ako sa pagtawa at napahawak sa bibig.
Napatingin kami ni Venn sa isa't isa at parehong nagulat. Habang si Tita Rissa naman ay nagpipigil ng tili sa tabi ko. Umuuga-uga pa ang sofa at tumutunog. Hindi ko alan kung ano ang ginagawa niya dahil nakatutok lang ako kay Venn.
Kita ko ang pamumula ng pisngi niya at pag-iwas ng tingin. Kaya napagtanto kong ang tagal ko palang nakatingin sa kaniya. Binalik ko na lang ang pansin ko sa paglipat ng pahina ng photo album.
Wala na rin namang nagawa si Venn at nakisali sa kwentuhan habang tinitignan ang photo albums. Nakita ko pa ang pictures niya noong seventh birthday niya kung saan huling beses ko nang nakita si Hotdog.
Tapos ang sumunod na album ay recognition photos niya buong elementary since consistent honor student siya. Nakita ko rin ang tatay niya hanggang grade three, walang mintis, pero simula noong grade four ay wala na rin.
Napansin ko rin na mula sa pagiging consistent first honor, bumaba ang ranking niya sa second. Tapos bumaba ulit sa third noong grade five. Hanggang sa tuluyan na siyang nahulog sa fifth nang grumaduate siya noong grade six. At sa bawat picture niya, halatang pilit lang ang ngiti niya kung nakangiti man.
Nalungkot tuloy ako pero hindi ko pinahalata. Kagaya ko, marami ring pinagdaanan si Venn sa murang edad. Lalo na at kitang kita ko kung gaano kalaki ang parte ng tatay niya sa buhay niya mula pagkabata. Kaya naiintindihan ko kung gaano kasakit para sa kaniya ang mawala ito.
Una si Hotdog, tapos si Tito Sixto. Kaya pangako ko, hinding hindi ko siya iiwan. Ayaw ko nang makita pa ulit na malungkot ang mga mata niya. Gusto ko, nakangiti siya palagi at tumawa ng buong puso. I will do everything to protect this precious gem.
Pagkatapos naming tignan ang photo albums ni Venn hanggang sa college graduation niya, napagdesisyunan ko nang umuwi. Nakita ko kaseng ilang beses na siyang nakatanggap ng texts mula kay Sabel na sa tingin ko ay si kuya. Tinawagan na rin siya at lumayo pa saglit sa amin ni tita kaya hindi ko narinig. Hindi sana siya inaway ni kuya o ano mang sinabi niya.
Kaya naisip ko ring kailangan ko na talagang umuwi para sabihin sa kanila ang balita. Gusto ko malaman nilang boyfriend ko na si Venn. Kahit kinakabahan ako sa magiging reaksiyon ni kuya, gusto kong gawin para makuha ang suporta nila dahil importante iyon. Para kase sa akin, kahit pa matanda na ako, mahalaga sa akin ang basbas nila.
Sinabi ko na rin ang balak kong ito kay Venn. Pumayag naman siya agad pero kita ko ang kaba niya. Hindi man nga siya nakapagsalita agad. Tapos ngayon ay extra tahimik siya—bukod sa tahimik talaga siya. Tapos hindi rin mapakali ang mga mata niya at ilang beses nan napabuntong hininga.
Maaawa sana ako sa kaniya. Pero naisip ko na at least ngayon alam na niya ang pakiramdam ko kanina! Ang kaibahan lang, kinakabahan ako lalo na sa magiging reaksiyon ni kuya. Lalo na at biglaan 'to, ni hindi ko man napakilala si Venn bilang manliligaw. Ni hindi ko man nga siya maayos na nadala sa bahay. Hanggang ngayon, ang tingin pa rin nila sa kaniya ay ang kaibigan ng ex ko.
Kaya hindi ko maiwasang mag-alala. Baka masama rin ang tingin nila sa kaniya. Lalo na hindi naman nila siya nakilala noon pa man. Kase kung ako nga na kilala siya at alam na mabait siya, nagalit pa rin at pinagtabuyan siya noong una. Sila pa kaya?
Ang panalangin ko na lang ngayon ay sana, pakitunguhan naman nila si Venn ng maayos. Malakas ang kumpyansa ko kina Sabel. Pero si kuya ang hindi ako sigurado. Sana lang makapagtimpi siya mamaya, lalo na pag sinabi ko ang malaking balita.
Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayang nakarating na pala kami. Nagkatinginan muna kami ni Venn at nginitian ang isa't isa bago bumaba ng sasakyan. Ilang sandali pa kaming tumayo sa labas, maghawak ang kamay para palakasin ang loob ng isa't isa. Pumikit pa ako at nagdasal pa muli bago ko siya hinila papasok ng bahay.
"Ate!" Napatayo si Sabel nang nakita ako sa tapat nang pinto. Pero napawi ang pagkasabik niya nang nakita kung sino ang nasa likod ko.
Ang mga kasama naman niya ay napatingin din sa direksiyon namin. Kumpleto sila, ultimo si Leigh Bellel nandoon din. Hindi ko alam kung kasali ba talaga siya sa paghihintay sa akin since sinabihan ko silang uuwi na ako o nakatambay lang talaga siya sa sala ngayon. Pero hindi ko na siya pinansin at iniwas na ang tingin sa kaniya.
"N-nako, Mabel! Mabuti naman at nakauwi ka na, alalang alala kami sa'yo!" bulalas ni mama pagkatapos ng mahabang katahimikan.
Pumasok na ako sa loob at hinila si Venn. Hindi pa rin naghihiwalay ang mga kamay namin.
"Sorry umalis ako bigla at pinag-alala kayo." Hindi ako makatingin sa kanila dahil medyo nahihiya ako at ganon ang ginawa ko. Pero alam ko ring kailangan ko 'yon para di lumala ang gulo, lalo na at emosyonal kaming lahat.
"At buong araw ka ring wala. Bakit hindi ka agad umuwi, ha?" tanong ni kuya. Nakatayo siya sa gilid ng sofa. Nakahalukipkip at masama ang tingin sa akin, masama pa rin ata ang loob dahil hindi ako sumunod sa kaniya.
Agad kong inalis sa kaniya ang tingin dahil sa takot. Pakiramdam ako babangungunitin ako sa itsura niya ngayon.
"Uh ... kinailangan ko lang ng mas marami pang oras para ... magpalamig." Mabilis kong sinulyapan si Leigh na nakayuko lang ngayon, inaabala ang sarili sa mga kuko.
"Ganon ba?"
Napatingin ako kay kuya. Kaya nakita ko ang pagbaba mga mata niya mula sa mukha ko hanggang sa magkahawak naming kamay ni Venn. Doon pa lang ay kinabahan na ako lalo na nang kumunot ang noo niya. At nang ibalik niya sa akin ang tingin at tinaasan ako ng kilay, nalunok ko ang sariling laway.
Eto na. Napahinga ako ng malalin at hinigpitan lalo ang hawak ko sa kamay ni Venn.
"Uhm ... si Venn nga po pala," pagpakilala ko sa kaniya.
Nginitian niya sila at lumapit pa kay mama para magmano. Napahinga rin naman ako ng maluwag nang ngumiti sila pabalik—pwera kay kuya na masama pa rin ang tingin. Ang reaksiyon nila ang nagpalakas ng loob ko para sabihin sa kanila ang totoo.
"B-boyfriend ko po," dagdag ko.
"Ano?!" sabay-sabay nilang reaksiyon.
Pati si kuya na magkasalubong kanina ang mga kilay ay nanlaki na rin ang mga mata. Napatulala silang lahat at napatigil sa balita.
"B-boyfriend?" pagkukupirma ni mama.
Tumango ako at inabot ulit ang kamay ni Venn. Medyo awkward kase na nakatayo siyang mag-isa doon sa gitna. Lalo na at kung maglipat-lipat ang tingin nila sa amin dalawa ay parang sinusuri kami.
"Nawala ka lang tapos pagbalik mo may jowa ka na, ate?!" Hindi pa rin makapaniwala si Sabel.
Napakagat na lang ako ng labi dahil biglaan nga naman talaga. Kaya naiintindihan ko naman kung bakit ganito ang reaksiyon nila.
"Teka nga muna, teka nga muna. Maupo muna kayong dalawa para makapag-usap tayo ng masinsinan," sabat ni mama. Tinuro niya ang mahabang sofa kung saan nakaupo si ate Bianca.
Tumayo si ate at nagpunta sa kusina. Pagbalik niya, meron na siyang dalang dalawang baso, isang litrong coke, at dalawang box ng ensaymada. Yung isa original, tapos yung isa ube.
"So ... kayo na?" kumpirma ni mama, hindi pa rin pala makapaniwala.
"O-opo." Tumango ako.
"Uhm...sorry po hindi ako nakapagpaalam, kahit sa panliligaw man lang po," paghingi ng paumanhin ni Venn.
"A-ah ... ano kase, hindi na ako nagpaligaw," agap ko dahil baka magkaroon sila ng masamang impression.
"Hindi ka nagpaligaw?!" pagtaas ng boses ni kuya.
Napaigtad kami dahil sa biglaan niyang pagsigaw. Napatingin kami sa kaniya at sinundan ng mga mata ang mabilis niyang paglakad sa harap namin. Ang sama ng tingin niya sa amin. Napakapit pa ako sa braso ni Venn dahil akala ko susugurin niya kami!
"Bakit hindi ka nagpaligaw?! Nahihibang ka na ba?!" Nanlalaki na ang mga mata ni kuya. Maangas siyang tumayo sa harap namin at nakapamaywang.
Matindi pa siya kay mama, eh. Napalapit na si Ate Bianca para pakalmahin ang asawa. Kaso masama pa rin ang tingin niya sa akin. Hindi ko tuloy siya matignan. At ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"G-ganito kase 'yan," sabi ko, hindi alam kung paano ko sisimulan ang paliwanag ko.
Napatingin pa ako kay Venn. Hindi ko kase alam kung paano ko ikukwento? Hindi ko alam kung saan sisimulan. Wala na kasi akong maisip sa sobrang kaba. But when I saw his eyes and little smile, I felt encouraged. Naalala ko kung bakit ba ako sumugal muli kahit ilang beses na akong nabigo ng mga taong mahal ko.
"Marami ang nangyari pagbalik ko ng Manila. The moment I stepped my feet on that place again, it surely opened a lot of wounds. And seeing him again at that moment made it worse."
Hindi ko tinanggal ang tingin ko kay Venn kaya bawat pagbabago ng ekspresyon niya ay nakita ko. Mula sa pagkalito, sa agulat, hanggang sa lungkot. Kaya bahagya kong ginalaw ang mga kamay niya at nginitian siya.
"Hindi naging madali. Lalo pa at nag-away kami ni Nisha. Sa pag-amin ni Venn at pag-iwas sa kaniya. Hanggang sa hindi namin pagkakaintindihan ni Leigh Belle."
Looking back, I've been through a lot nga talaga. Hindi na talaga ako nilubayan ng problema.
"But Venn was always there, kahit pa sinaktan ko siya. Kahit pa inaway ko siya, binasted ko siya, pinagtabuyan ko siya. He s-stayed."
Napayuko ako at pinunasan ang luhang nagbabadyang tumulo. I feel like I've always known how kind and loving Venn is. Pero parang never ko pang nasabi sa kaniya how I appreciate it? Maybe because he never asked something in return. Never siyang nanumbat at nagbilang ng mabubuting bagay na ginawa niya.
Inangat niya ang ulo ko at pinunasan ang luha ko. Hinagod niya ang dalawa kong braso at pinatahan.
"H-he calmed me when I was resentful. He consoled me when I was sorrowful. He stayed with me when I was at my worst. And he loved me when I felt undeserving."
Napangiti ako nang nakita ko rin siyang naiiyak. Parang kaming sira! Pero at least it came from the heart. Kaya ako naman ang nagpunas ng luha niya.
"Wasn't that enough to prove how he loves me? To wait blindlessly for years, not even knowing if I'll reciprocate his feelings. Sa tingin niyo papakawalan ko pa 'to? Ha?!"
Niyakap ko nang mahigpit si Venn. Tapos humarap ako sa kanila at tumingin ng masama. Lahat tuloy kami bahagyang natawa kahit namumula ang mga mata. Syempre pwera kina kuya na masama pa rin ang mga tingin kahit halatang naiiyak din. At si Leigh na hindi makatingin.
"G-grabe, wedding vow na ata 'yon," sabi ni Sabel habang pinupunasan ang luha niya.
Natawa ulit kami sa kagagahan niya. Well, gusto ko lang naman kasing malaman nila kung bakit ko sinagot si Venn. Gusto kong makilala nila kung sino ang taong mahal ko at kung bakit tumibok muli ang puso ko. I just want them to know how great he is. Because this man, deserves every appreciation, kindness, and love in this world.
"Venn, hijo. Welcome to the family," sabi naman ni mama. Binuksan pa niya ang braso niya para yumakap.
Nagulat naman noong una si Venn. Napatingin pa siya sa akin, nagtatanong ang mga mata. Kaya tumango ako at tinapik ang balikat niya. Tumayo naman siya agad at niyakap si mama.
"Ehem!"
Napatingin kaming lahat kay kuya. Nakahalukipkip siya ngayon habang seryosong nakatingin kina Venn. Natakot naman tuloy itong isa at napatuwid ng tayo. Napalunok pa siya, kitang kita sa paggalaw ng adam's apple niya.
"Nakita mo naman siguro ang ginawa ko sa kaibigan mo noon. Kaya huwag mong sasaktan itong kapatid ko, kung hindi matindi pa doon ang aabutin mo," pagbabanta niya.
"Kuya!" suway ko sa kaniya. Tinignan ko siya ng masama kase nanakot pa talaga!
Inirapan niya ako lang ako. Pero ang ikinabigla namin ay nang ilahad niya ang kamay niya kay Venn. Nang ibigay ng huli ang kamay niya, hinila siya ni kuya at tinapik ang likod niya.
Nagsaya kami dahil sa pagtanggap ni kuya sa kaniya. Niyaya pa nga siyang kumain ni mama kaso nag-dinner na kami. Kaya ako na ang tumanggi at nagsabi dahil alam kong nahihiya pa siya. Kaya sa lunch na lang kinabukasan ang yaya ni mama.
At dahil late na, pinauwi ko na siya dahil baka abutin pa siya ng madaling araw sa daming sinasabi ni mama. Hinatid ko siya sa labas, maghawak ang mga kamay namin na ayaw kong bitawan. Ngayon pa lang kase pakiramdam ko mami-miss ko na siya.
"Love, babalik naman ako bukas dito. Ilang oras lang," sabi niya nang hindi ko binitawan ang kamay niya.
Napanguso tuloy ako at binitawan ang mga 'yon. Naisip kong parang akong tanga at teenager na first time ma-in love. Pero masisisi niyo ba ako? Naging kami lang kanina, tapos mula kagabi kami lang ang magkasama. Na-attach na kaagad ako sa kaniya.
Kaya bilang pampalubag ng loob, inabot ako ang mukha niya. Hinila ko pababa ang ulo niya at tumingkayad naman ako para halikan siya sa labi. Isang dampi lang sana kaso hindi ako nakunteto kaya ilang beses ko pang inulit.
"T-teka teka, Mabel." Natatawa akong nilayo ni Venn mula sa kaniya. "You're becoming a kissing monster, huh?" pang-aasar niya.
"Nakakaadik kase yung labi mo," deretsahan kong sagot.
Napatakip ako ng labi nang napagtanto ko ang sinabi ko. Habang si Venn naman ay napatulala, nawala ang mapang-asar na ngisi.
"Maria Isabelle! Pumasok ka na nga rito!" sigaw ni kuya!
Napaitlag kaming dalawa at nakita naming nakadungaw pala si kuya! Kailan pa siya nandoon? Nakakahiya!
Mariin akong napapikat habang si Venn ay napakamot sa batok. Grabe naman kase ang timing ni kuya! Tsaka eepal na lang sa mga ganitong eksena pa!
"Uh ... I think I have to leave na?" Tinuro niya ang sasakyan.
"Y-yeah ..." Baka i-kiss pa ulit kita.
Muntikan ko nang batukan ang sarili ko dahil sa naisip! Buti na lang hindi ko nasabi.
"Sige, pasok ka na." Minuwestra niya ang gate, kung saan nakadungaw si kuya ngayon.
Tumango na lang ako dahil sa hiya. Naglakad na ako pabalik sa tapat ng gate. Nang lingunin ko siya ay nakatingin pa rin siya sa akin. Nginitian ko pa muna ulit siya bago pumasok. Nang nasara ko na ang gate, doon na siya pumasok ng kotse niya. Tapos ay kinawayan muna namin ang isa't isa bago siya nag-drive paalis.
Ngiting ngiti pa ako dahil sa kilig. Pero pagkatalikod ko, si kuya ang tumambad sa akin! Nakamasid nga pala siya kanina! At ngayon ay napakasama pa ng tingin niya.
Patay!
***
Ang sarap ng tulog ko! Kahit late na akong natulog dahil nag-chat pa kami ni Venn hanggang alas tres, I feel so energized pa rin. Cellphone pa ang una kong kinuha para batiin siya ng Good Morning. Nag-alarm pa talaga ako para masiguro kong hindi ako tanghali magising!
Napangiti ako nang nakita kong nauna siyang bumati. Alas sais! Ang aga naman niyang nagising? Natulog pa ba 'to?
[good morning, love!]
[Bat ang aga mong nagising? Tatlong oras ka lang natulog?]
Akala ko pa naman pareho kaming late magigising ngayon. Kaya nga alas nueve na ang alarm ko. Pero alam kong hindi ako magigising doon kaya nag-alarm ako ng ten-minute intervals hanggang alas dies.
Nang hindi agad siya nag-reply, tumayo na ako at naghilamos. Ang akala ko nakatulog ulit siya, o baka after niyang bumati doon pa lang siya natulog. Kaya nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko. Kaya kahit nagtu-toothbrush, dinampot ko ang cellphone para tignan.
[i wasn't able to sleep, probably just a nap? haha!]
[hindi pa rin kase ako makapaniwala]
[takot pa akong matulog dahil baka panaginip lang lahat ng nangyari]
Mahina akong natawa sa nabasa. Binitawan ko muna ang cellphone at tinapos ang pagtu-toothbrush. Nang tapos na ako sa aking morning routine, bumalik ako sa kama at nag-reply kay Venn.
[Matulog ka muna, love. Masama ang nagpupuyat.]
Ngiting ngiti ako habang nag-re-reply. Nakayakap pa ako sa unan ko at nakasiksik sa gilid. Na-excite pa ako nang nag-reply na siya.
[actually, nasa sainyo ako ngayon]
[kausap ko mom mo]
Nandito na siya?! Dali-dali akong bumaba. Muntikan pa akong masubsob dahil sumabit ang paa ko sa kumot. Tapos baligtad pa ang pagkakasuot ko ng tsinelas!
Pagkalabas ko, naabutan kong nagwawalis si Ate Bianca. Hindi ko na siya pinansin at dumeretso sa hagdan. Hindi pa man ako nakakaapak sa huling step, naririnig ko na ang boses ni mama!
"...gwapo raw yung bata! Eh kaso narinig ni Mikel. Alam mo naman 'yon, overprotective sa mga kapatid niya. Kahit crush lang, pinagalitan niya si Mabel!" chismis niya.
Lalo ko tuloy binilisan ang paglakad ko. Baka kase kung ano pang maikwento ni mama! Pag pa naman nagsimula na siyang dumaldal, wala ng tigil. Lahat ng maisip niyang ikwento, ichichismis niya.
"Ma!" suway ko sa kaniya pagkarating ko sa dining.
Pareho silang napatingin sa akin. Si mama ay tumatawa habang si Venn naman ay naiilang na nakangiti. Ano pa kaya ang napagkwentuhan nila? Baka kung ano-anong kahihiyan na ang na-share ni mama!
"Oh, Mabel! Halika rito! Kinekwento ko kay Venn yung first crush mo!" pagmamalaki pa ni mama.
First crush?! Yawa! Bakit pati 'yon kinwento pa niya? Nakakahiya kay Venn! Boyfriend ko tapos ang chinismis niya yung first crush ko?
"Mama! Hindi si Son 'yan para chismisan mo 'yan ng kung ano-ano!" Lumapit ako sa kanila at pasimpleng sinenyasan si mama na tumahimik.
Kaso hindi niya ata na-gets o hindi niya lang talaga ako pinansin.
"Ay! Alam mo naman sigurong may gusto si Son kay Mabel dati di 'ba?" pagpapatuloy pa rin niya!
"Mama!" Konti na lang busalan ko na bibig niya para tumigil siya.
Pero wala! Tinignan niya lang ako at nginisian.
"Noong kinweto ko 'to sa kaniya noon para hulihin, nagbago ba naman ang timpla niya! Biglang umalis at hindi nakipaglaro kina Mabel ng ilang araw!" Mas lalong lumakas ang tawa ni mama. Napapasandal pa siya sa wheelchair niya at napapahawak sa tiyan kakatawa.
Habang yung kausap naman niya ay pilit na tumatawa. Halatang naiilang siya! Nag-alala tuloy ako dahil for sure, nahihiya lang siyang magsabi at magreklamo. Pero halatang hindi siya komportable sa pinag-uusapan nila. Paano pa kaya kung may mas malala pang chinismis kanina si mama!
Kaya nang saktong bumaba na si Ate Bianca para magluto, hinila ko agad si Venn paalis doon. Nagreklamo pa si mama kaya tinignan ko si ate para humingi ng tulong. Na-gets naman niya agad at nagsimula ng panibagong chismis tungkol sa kapitbahay namin. Kaagad naman naagaw non ang atensiyon ni mama.
Ginamit ko ang pagkakataon na 'yon para dalhin sa labas si Venn. Iginaya ko siyang umupo sa wooden sofa namin sa patio. Regalo ko 'to kay mama noong birthday niya para may upuan ang mga kachismisan niya tuwing pupunta rito. Nakakahiya naman sa kanila.
"B-bakit mo ako dinala rito?" tanong ni Venn, naguguluhan pa rin sa biglaan kong paghilo ko sa kaniya.
"Si mama kase, eh. Sorry sa mga kinwento niya sa'yo, ah? Sadyang ipinanganak lang siyang chismosa."
Nagulat siya sa paghingi ko ng tawad. Nang nakabawi, agad-agad siyang umiling at winagayway ang dalawang kamay.
"N-no! It's okay. Masaya nga ako na very warm siya sa akin."
Kahit na sabihin niya 'yon, hindi pa rin ako mapalagay. Alam ko namang hindi siya aamin na awkward talaga na marinig kay mama 'yon. Kahit pa sabihing bata pa ako non at hindi na ako ang gusto ni Son, siyempre boyfriend ko na si Venn. At tsaka malay ko ba kung ano pa ang nakwento at baka pati yung sa amin ni Luigi chinismis ni mama!
Hinawakan ko na lang ang kamay niya. Walang use na mag-insist akong mag-sorry kase alam kong ipipilit niyang ayos lang.
Kaso lalo akong nag-alala nang napayuko siya at napabuntong hininga!
"I just wish that I was the kid whom you've given the face towel, though." Humaba ang nguso niya.
Sandali akong napatigil sa pagkabigla. Pero dahil ang cute niya, hindi ko napigilang matawa!
"Nagseselos ka ba?"
Napatingin tuloy siya sa akin, nanlalaki ang mga mata. "H-hindi! That was just a kid from the past. Bakit naman ako magseselos?" Iniwas niya ang mukha niya sa akin, hindi makatingin dahil halatang guilty! Bahagyang magkasalubong ang mga kilay niya tapos lalo pang humaba ang nguso niya.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at hinarap sa akin. Hinigpitan ko ang hawak kaya napisil ang mukha niya na parang sandwich. Yung labi pa niya ay bahagyang nakabukas. Mukha tuloy siyang bibe! Natawa na naman tuloy ako!
"Nagseselos ang baby love ko? Aww! Abujing! Abujing!" Niliitan ko pa ang boses ko na parang bata talaga ang kausap ko.
Kung ano-ano ang ginawa ko sa kaniya. Ginalaw-galaw ang pisngi niya at kinurot-kurot pero wala siyang angal. Noong una nakabusangot lang siya pero bandang huli ngumiti rin at nakitawa sa mga kalokohan ko.
"Well, why am I even sulking about your first crush? I am your baby love na. It is more than what I prayed for."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top