Chapter 21
Nang tumahan na ako, kumalas na ako sa yakap at patago kong pinunasana ng luha ko. Pasimple ko ring inayos ang buhok ko at tinignan ang repleksiyon ng mukha ko sa kotse niya para siguraduhing maayos ang itsura ko.
"Mabel? Okay ka na ba?" tanong niya sa akin.
Napaangat na ako ng tingin sa kaniya at nang napansin kong sobrang lapit pala namin sa isa't sa, napalayo agad ako. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa sobrang hiya.
"S-salamat, ah?" mahina kong sabi.
"Uh...I think we're taking so much time in the middle of the road." Sa paligid siya nakatingin.
Pinagtitinginan na pala kami ng mga taong dumadaan! Tapos hindi naman makadaan ang ibang sasakyan sa lane na ito. Mabuti na lang wala pang nanigaw sa amin. Pero nakakahiya pa rin, gumawa kami—ako—ng eksena rito.
"Would you mind ... riding the car? Saan ka ba papunta? Hatid na kita," yaya niyang may pag-aalinlangan.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Napakagat na lang ako ng labi at napayuko. Ayaw ko pang umuwi, hindi ko pa kaya at hindi ko rin alam kung paano ko sila haharapin, lalo na si Leigh Belle. Mas makabubuti kung sa labas na muna ako magpalipas ng oras.
"May alam ka bang ... malapit na hotel?" tanong ko. Napakagat na lang ako ng bibig, hindi kase ako sure kung may budget ako para mag-check in.
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Venn at nagtatakang nagtanong, "Aren't you supposed to stay at your home?"
Hindi ako makasagot kaya napayuko na lang ako. Ayaw kong sabihin sa kaniya kase nahihiya ako. Palagi ko na lang siya napagsasabihan ng problema. Tsaka malaking pabor na rin itong pinatahan niya ako tapos humingi pa ako ng tulong sa paghanap ng hotel.
Bumuntong hininga siya at tumango na lang nang. "Okay, I know a hotel."
"S-salamat."
Ngiti lang ang sagot niya. Inalalayan niya papunta sa sasakyan niya at pinagbuksan ng pinto. Pagkasakay niya, dinala na niya ako sa sinasabi niyang hotel. Pero nang may namataan akong convenience store, bumaba ako sandali para bumili ng beer.
"You're going to drink?" Nagulat siya nang nakitang beer in can at chichirya binili ko.
"Uh ... pampaantok lang," nakayuko kong sagot.
Matagal niya muna akong tinitigan bago tumango. Sa harap na siya tumingin at nag-drive. At malapit-lapit lang nga ang hotel dahil pagkaliko ay nakita ko na. Mukhang afford ko rin naman ang isang single room dito for one night.
Pagkapasok namin, nag-book na kami sa reception. Nang tinanong ang credit card details ko, ibibigay ko na dapat kaso inunahan ako ni Venn! Tututol sana ako kaso binigay na yung susi!
"Bakit ikaw yung magbabayad?" Baling ko agad sa kaniya nang nakalayo na kami sa desk.
Bumuntong hininga siya. "Just think of it as a treat."
"Huh? Hindi mo ako kailangang ilibre! Babayaran kita bukas," tanggi ko.
"Mabel," alma niya.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata kaya napanguso na lang siya at tumango. Mula pagkasakay namin ng elevatpr hanggang makarating sa kuwarto, nakayuko lang siya at walang kibo.
Pagkapasok namin, inikot niya agad ang buonh kuwarto. Tinignan niya ang bawat sulok, pati banyo. Yung ref, microwave, at TV, tinignan niya kung gumagana. Pati yung security ng mga pinto at bintana! Paikot-ikot siya sa kuwarto kaya sinusundan lang siya ng mga mata ko habang nakaupo sa kama, hindi makapagsalita.
Tapos nagtaka ako nang isara niya ang mga kurtina at patayin ang mga ilaw. Tapos naaninag ko siyang iniikot sa buong kuwarto ang paningin niya.
"T-teka! A-anong ginagawa mo?" Napaatras ako at napaakyat sa kama ang dalawa kong paa.
Nakaramdam ako ng kaba dahil baka kung anong gawin niya! Alam ko namang hindi niya magagawa sa akin ang iniisip ko. Pero malay ko, 'di ba?
"I'm checking if there are hidden cameras." Nagtitingin-tingin pa rin siya sa buong kuwarto tapos pumasok pa sa banyo.
Nakahinga ako ng maluwag. Pero na-guilty rin ako dahil pinaghinalaan ko pa siya.
Pagkalabas niya, binuksan naman niya ang flashlight ng cellphone at tinapat sa bawat sulok ng room. Pinagmasdan ko lang siya dahil napakaseryo niya. Hindi ko maiwasang puriin ang kaguwapuhan niya. Sa konting ilaw na nagre-reflect sa sa kaniya, kitang kita ko ang bawat korte ng mukha niya.
Sa sobrang pagkatulala ko, hindi ko napansin na tapos na pala siya. Napaigtad tuloy ako nang buksan niya ang ilaw. Buti nabawi agad ako at umaktong normal.
"It's clear, okay ang buong room." Nginitian niya ako at nag-thumbs up.
Tumayo ako at lumapit sa kaniya. "Uhm ... salamat sa pagtulong sa akin."
"I'm glad to help." Matamis niya akong nginitian.
Napatitig ako sa kaniya, lalo na sa ngiti niya. Ang friendly and cute kase ng ngiti niya. Tumataas yung pisngi niya, gusto ko tuloy kurutin! Kahit hindi naman kase mataba ang mukha niya, umuumbok siya tapos mukhang malambot.
Hindi ko namalayan na matagal na naman pala akong nakatingin sa kaniya. Bumalik lang ako sa senses ko nang nawala na ang ngiti niya at nahihiyang yumuko.
Napaiwas din ako ng tingin at nakaramdam ng hiya! Umubo na lang ako at tinuon ang tingin doon sa vase sa 2-seater na dining table. Ang ganda!
"Uhm ... mauna na ako, Mabel," paalam niya.
Mabilis tuloy akong napatingin sa kaniya. Hindi ko alam pero pinigilan ko siya. Ayaw ko muna siyang paalisin.
"Samahan mo muna ..." Sabi ko agad nang patalikod na siya. Pero nang napagtanto ko ang ginawa ko, humina ang boses ko. "... akong uminom."
Nagulat siya sa pagpigil ko sa pag-alis niya. Hindi siya kaagad nakabawi at matagal pa siyang napatingin sa akin. Nang pareho kaming nailang, sabay pa kaming umiwas ng tingin. Grabe, mukha kaming tanga rito bakit ko ba kase siya pinigilan.
"Uh ... o-okay." Alanganin siyang tumango.
Naiilang ko pa rin siyang nginitian at tsaka niyayang maupo sa sofa. Tapos ay nagpunta ako sa ref para kunin ang mga beer. Hindi ko alam na sumunod pala siya at tinulungan pa akong dalhin 'yon. Tatanggi sana ako kaso ramdam ko pa rin ang ilang kaya hinayaan ko na lang.
Pagkaupo namin, kukuha na sana ako ng isa para buksan. Kaso nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko! Napaigtad tuloy ako at nalayo ko sa kaniya 'yon. Pati siya ay nagulat.
"Uh ... I'm sorry." Binaba niya ang kamay na nabitin sa ere. "I ... I just want to ask kung kumain ka na? Have you eaten dinner?" tanong niya.
Napatigil ako nang napagtanto kong hindi pa nga pala ako kumakain! Nakagat ko ang labi at umiling. Dahan-dahan kong binitawan sa lamesa ang beer dahil masamang uminom pag walang laman ang tiyan.
"Baba na lang tayo para kumain muna ng dinner or magpa-deliver na lang?" tanong niya sa akin.
"Deliver na lang?" Tinatamad na kase akong bumaba pa.
Tumango siya at nilabas ang cellphone niya para umorder. Nang nakita ko ang cellphone niya, doon ko lang naalala ang akin! Kinapa ko ang mga bulsa ko para hanapin pero wallet lang ang nandoon. Yawa! Sana lang naiwan ko sa bahay 'yon at hindi nahulog kung saan!
"Are you okay?"
Napaangat ako ng tingin sa kaniya mula sa pagkapa ng mga bulsa ko. "Uh ... I think nakalimutan ko yung cellphone ko." Ayaw kong sabihin sa kaniya na may posibilidad na nawawala, baka lumabas kase siya tapos hanapin sa daan magdamag.
"Oh? Hindi ba alam sa inyo kung nasaan ka?"
Kinagat ko ang labi ko at dahan-dahang umiling. Kumalabog ang puso ko dahil feeling ko hinahanap na nila ako ngayon. Baka nag-aalala pa sila at kung napano ako. Hindi ko pa naman dala o nahulog ang phone ko!
"Call them, they must know you're safe." Inabot niya sa akin ang cellphone niya.
Nahihiya at nag-aalinlangan man, kinuha ko na para matawagan si Sabel. Ayaw ko nang magsayang ng oras, lalo na at alas siete y media na ng gabi.
Pagka-dial ko, ilang ring pa lang ay sinagot na agad ni Sabel. Narinig ko siyang sumisinghot. Tapos sa background naman ay naririnig kong sumisigaw si kuya. Hindi ko alam pero parang may inaaway siya.
"H-hello po?" Halatang umiiyak si Sabel.
"S-sabel?"
Natahimik siya saglit. Pati ang paghikbi niya natigil.
"Ate?! Ikaw ba 'yan, ate?!"
"Si Mabel yan?!" tanong ni kuya.
"O-oo, ako 'to." Kinakabahan ako dahhil pakiramdam ko papagalitan ako ni kuya.
"Mabel, nasan ka?! Umuwi ka na rito!" sigaw ni kuya, naka-loud speaker ata.
Pero ako, kahit hindi naka-speaker, narinig ni Venn yung sigaw niya. Ang lakas kase! Nalayo ko pa nga yung cellphone mula sa tenga ko dahil nakakabingi!
"H-hindi muna ako uuwi, kuya," mahina kong sagot.
"Ano?! Bakit? Nasaan ka ba?" lalo siyang nagalit.
"B-basta, safe naman ako rito," pag-iwas ko sa tanong. Ayaw kong sabihing nasa hotel ako. Baka puntahan pa nila ako tapos piliting umuwi.
"Anong safe safe?! Uwi ka rito!" sigaw na naman niya! Parang talaga siyang nanay!
"Iiiih!" Bahagya pa akong tumalbog-talbog sa sofa kaya lumagitik.
"Huwag mo akong artehan, Maria Isabelle! Uwi!" pilit pa rin niya.
Pero bahala siya diyan! Hindi naman ako uuwi kahit sigawan niya pa ako! Ano ako? Bata? 24 years old na ako, nagtatrabaho na, at nakatira ako malayo sa kanila. Kaya hindi, hindi ako susunod!
"Ih, ayoko nga! Ayaw ko pang umuwi!"
"Aba talagang—"
"Mikel, hayaan mo na muna ang kapatid mo," sabi ni mama.
"Pero, ma! Paano kung mapano 'to?" pagtutol ni kuya.
"Mikel, matanda na ang kapatid mo. Ang sabi niya, safe naman siya kaya pabayaan mo na."
Napangiti ako nang ipagtanggol ako ni mama. Muntikan pa akong ma-yes pero pinigilan ko. Baka kase tuluyang magalit si kuya tapos hindi na talaga ako payagan. Pikon pa naman siya at mainitin ang ulo! Isang maling salita lang siguradong magagalit siya.
"Sige, bahala kayo diyan. Pag may nangyari sa'yo Mabel, bahala ka," pagsuko ni kuya. Tapos narinig ko ang mabibigat niyang hakbang, nag-walk out.
Hindi ko alam pero imbis na ma-guilty o kabahan, muntikan pa akong matawa sa reaksiyon ni kuya. Feeling ko dahil hindi ko nakikita ang nakakatakot niyang istura? Siguro kung harapan 'to baka kanina pa ako sumunod sa kaniya.
"Kakilala mo ba 'tong pinaghiraman mo ng cellphone, ate? Para ma-contact ka pa rin namin. Naiwan mo kasi cellphone mo, eh," tanong ni Sabel.
Nakahinga ako ng maluwag nang malamang nasa bahay ang cellphone ko. Pero kinabahan ako sa tanong! Ayaw kong magsinungaling, pero ayaw ko ring sabihin na si Venn ang kasama ko. At hindi ko alam, pero kahit hindi naman niya narinig ang tanong ni Sabel, ayaw ko pa ring magsinungaling lalo na at magkaharap kami ngayon!
"O-oo." Diretso akong nakatingin kay Venn.
"Sino?"
Nakatingin pa rin ako kay Venn, nag-aalinlangan kung isasagot ko ang pangalan niya sa mismong harap niya. Napakurap-kurap pa siya nang matagal na naman akong nakatingin. Nagtataka ata kung bakit ako nakatitig. Bubuka na sana ang labi niya para magtanong nang may nag-doorbell, yung order ata for dinner.
Tinuro niya ang pintuan para magpaalam. Tumango lang ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakarating siya sa pinto. Kaya nakita ko nang ngitian niya ang delivery boy at magalang na kinausap.
"Si Venn," walang pag-aalinlangan kong sagot.
Napatingin sa akin si Venn nang narinig niya ako. Nagtatanong pa ang tingin niya, akala ata may sasabihin ako sa kaniya. Pero nang ituro ko ang cellphone, napatango siya at binalik sa pagbayad ang atensiyon.
"Venn?! As in yung kaibigan ni Kuya Luigi??" Gulat na gulat siya.
"W-wait lang, kakain na kami, bye." Binaba ko na agad ang tawag dahil ramdam ko na ang sunod-sunod niyang tanong.
Mabuti at sakto na ring umupo si Venn sa tabi ko, dala ang dinner. Inusog ko ang beer at chips para ayusin ang pagkain. Nang ilabas niya mula sa paper bag, natakam agad ako nang nakita kong Bulalo ang binili niya!
"Here's the rice. I ordered extra kung kulang." Nilapag niya sa harap ko ang isang paper container na may lamang kanina. Tapos nilapit niya pa sa akin ang tatlo pang balot.
"S-salamat."
Nakangiti ako habang kumakain. Pasimple ko kase siyang tinitignan, ang seryoso niya sa kinakain niya tapos medyo nakanguso pa habang ngumunguya. Umuumbok pa pisngi niya habang kumakain! Ang cute!
Natapos kaming kumain ng ganon. Nang naligpit na namin—niya—ang pinagkainan, nagsimula na kaming uminom. Tahimik pa kami noong una, inom lang nang inom habang nakatingin sa malaking bintana. Tila malalim ang iniisip namin pareho, gusto ko tuloy malaman kung ano ang nasa isip niya.
Ako kase, bukod sa kaniya, ang nangyari pa rin kanina ang nasa isip ko. Tuwing naaalala ko ang kaganapan kanina, lalo na ang huling sinabi ni Leigh, sumasakit ang puso ko. Nagbadya na naman ang luha ko kaya napakagat na lang ako ng labi at tumingala para pigilan.
"Venn," tawag ko sa pansin niya, "deserve ko bang ... maiwan at masaktan?"
Hindi ko alam pero ang lakas ng loob kong magtanong. Probably because of the alcohol? Hindi pa naman siguro ako lasing, dalawang can pa lang naman nainom ko.
Sa gilid naman ng mata ko, nakita ko ang pagkagulat kay Venn. Napatingin siya sa akin at matagal napatitig. Nang nakabawi, nag-adjust siya ng pagkakaupo para humarap sa akin. Kaya kita ko ang paglamlam ng mga mata at pagkalaglag ng dalawang gilid ng labi niya.
"No one deserves that, Mabel. Especially you. You're the kind of person who puts the people you love first, even if it costs you your own happiness," malumanay niyang sagot.
Napapikit ako nang humapdi na ang mga mata ko at namuo na naman ang luha. Kaso kahit anong pigil ko, tumulo pa rin nang hindi ko na kinaya. Kaya pinunasan ko agad 'yon, bakasakaling hindi niya napansin kahit nakatingin siya sa bawat galaw ko.
"You gave your all to him and loved him unconditionally. To the point na you already forgot about ... y-yourself." Napatigil siya nang nag-crack ang boses niya.
Kaya napamulat agad ako at napatingin sa kaniya. Nakayuko siya ngayon at pinapahid ang gilid ng daliri niya sa ibaba ng mga mata niya. Nang iangat niya ang ulo niya, dinampot niya ang isang can ng beer at uminom.
Uminom na alng din ulit ako at binalik sa bintana ang tingin. Tinignan ko ang madalim na langit, tapos liliwanag bigla pag kikidlat. Maulap ang gabi kaya hindi kita ang mga bituin at buwan. At pagkaraan ng ilang sandali, bumuhos na ang ulan.
Kasabay non ay ang paglagok ko ng alak at pagluha. Suminghot ako nang naramdaman kong palabas na ang sipon ko. Tapos pinunasan ko pa gamit ang likod ng palad ko.
"Nag-away kami ni Leigh Belle kanina kaya ako umalis ng bahay. Galit siya sa akin dahil kay Albie." Hindi ko alam, pero dahil na rin siguro sa alak, na-open ko sa kaniya ang nangayri kanina. Pinipigilan ako ng utak ko, pero makulit naman ang labi ko.
Pinipigilan ko ang umiyak at pagbiyak ng boses ko. Pero makulit talaga, eh. Maisip ko lang ang nangyari kanina, tumutulo na agad ang luha ko at namumuo ang laway sa lalamunan ko na pilit kong nilunok.
"I tried to explain, pero ayaw niyang makinig. Kung ano-ano pa ang sinabi niyang masasakit na salita. T-tapos sabi pa niya ... s-sabi niya d-deserve ko raw m-m-masaktan at iwan ni Luigi."
Tuluyan na akong napahagulgol. Sinapo ng dalawa kong kamay ang mukha ko at doon umiyak. Nilabas ko ang lahat ng luha at sakit na nararamdaman ko. Ayaw ko ng nararamdaman ko, masakit sa dibdib ang galit at dismaya. Lalo na at sa kapatid ko pa mismo. Ang taong mula pa sanggol siya hanggang sa nagdalaga, kasama at inalagaan ko.
"Ang sakit na sa kaniya pa mismo nanggaling na w-wala akong kwentang k-kapatid."
Ulit-ulit kong narinig sa isip ako ang sinabi niyang 'yon. Parang akong tinuklaw ng ilang beses ng ahas. Napaksakit at nakakapanghina ang kamandag na dumaloy sa dugo ko, unti-unti akong pinapatay.
Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Venn. Nilagay niya ang kamay niya sa braso ko at hinagod. Tapos yung isang kamay niya, pinunasan ang basa kong mukha at inayos ang buhok na humarang sa mukha ko.
"E-eh mula bata ako, sila na ni Sabel ang inisip ko. Lahat ng sakripisyo at hirap ko, ginawa ko ang lahat ng 'yon para hindi na sila mahirapan kagaya namin ni kuya. Tapos dahil lang kay Albie, ibabalewala niya lang mga 'yon?"
Hindi naman sa nanunumbat ako, at oo hindi naman niya hiningi sa akin 'yon, pero sana alam niya kung paano rumespeto. Ang sakit lang kase para sa akin na ginawa ko naman ang lahat para sa kaniya pero meron siyang kapal ng mukha para sabihan ako ng ganon. Pumreno man sana siya kahit galit siya.
"It makes me sad that your efforts were invalidated. But trust me, Mabel, Leigh is grateful for all what you've done for her. Because you're an amazing sister, someone who everyone would wish to have," bulong niya sa tenga ko.
Lalo tuloy akong naiyak, hindi dahil sa sakin kung hindi dahil tumagos sa puso ko ang sinabi niya. Naramdaman ko ang paglambat ng puso ko at nawala sandali ang galit. Kaya napayakap na naman ako sa kaniya at binaon sa dibdib niya ang mukha ko.
Kagaya kanina, nagulat ulit siya at matagal bago nakabawi. Pero kalaunan ay hinawakan niya ang ulo ko at inayos ulit ang buhok ko. Hinagod naman ngayon ang likod para tumahan.
Kaya nakaramdam ako ng kakaiba. Unti-unting naubos ang iyak ko nang nakaramdam ako ng init. At nang lalo kong hinigpitan ang yakap sa kaniya at dinama ang katawan niya. Tinupok na ako ng apoy.
Inangat ko ang ulo ko at tinitigan siya—ang labi niya. I am tempted to kiss his lips. Kaya unti-unti kong nilapit ang labi ko sa kaniya, habang siya ay gulat na gulat at nanigas sa kinauupuan. Kaya nagawang dumugpa ng labi ko sa kaniya.
Pagkadampi ay lumayo ako ng bahagya tapos dinampi ko ulit. Ilang beses kong ginawa niya 'yon until I craved for more. Kaya I crashed my lips on his and nibbled. Hindi siya tumutugon pero wala akong paki, all I am thinking right now are his lips. At mas lalo ko pang pinalalim ang halik ko sa kaniya at hinawakan siya sa batok para malapit pa.
Pagkatapos ng ilang halik pa, I felt wild. Uminit lalo ang katawan ko. Kaya tinulak ko siya pahiga sa sofa at pumaibabaw sa kaniya.
"M-mabel—" Sinubukan niyang tumayo pero pinigilan ko siya.
Tinulak ko siya pahiga at sinunggaban ulit ang mga labi niya. Tinuloy ko 'yon hanggang sa naramdaman kong tumugon na siya. At lumalim nang lumalim ang halikan namin.
***
Naalimpungatan ako noong madaling araw dahil naiihi ako. Ang sakit ng ulo ko! Pero dahil malakas ang tawag ng kalikasan, napabangon ako. Pero laking gulat ko nang nasa ibang kuwarto ako! Tapos merong natutulog sa sofa—si Venn!
Paano—Hala! Piste! Piste! Piste! Oo nga pala! Nag-check in nga pala ako—kami sa isang hotel. Pero anong ...
Teka nga muna! Naiihi na talaga ako!
Bumaba na ako sa kama at halos tumakbo papunta sa banyo. Pagkalabas ko doon nang tapos na ako, nakita kong natutulog pa rin si Venn. Napakapayapa ng hitsura niya habang natutulog, mukha siyang anghel.
Naalala ko tuloy lahat ng kabutihan at tulong niya sa akin. Sinamahan niya pa ako rito, pati sa pag-inom. Naalala ko rin ang sarili kong nagkwento tungkol sa away namin ni Leigh. Hindi ko maiwasang mangiti nang naalalang dinamayan at pinalakas pa ang loob ko.
Babalik na sana ako sa kama ng bumaba sa labi niya ang tingin ko. At doon, may isa pang alaala pumasok sa isip ko! At hindi ko lang basta nakita sa isip ko, naramdaman ko pa! Yawaaaa!
Napahawak ako sa labi ko at halos sabunutan ang sarili dahil sa kahalayan! Pero kahit anong gawin ko, tuloy-tuloy talaga sa pag-play sa utak ko ang nangyari. Kaya uminit na naman tuloy ang pakiramdam ko lalo na nang naalala ko ang pagtugon niya sa halik ko.
Tugon sa halik ... hala! Baka may nangyari sa amin? Pero suot pa rin naman namin ang mga damit namin at hindi pa kami magkatabi pagkagising ko. At nang gumalaw-galaw ako ... hindi naman siya masakit. Ibig sabihin walang nangyari sa amin? Piste, sana wala!
Napasabunot ako sa buhok dahil sa inis sa sarili. Kumakabog pa rin ang dibdib ko dahil aa kaba. Pero sa totoo lang, ramdam ko rin kase ang intensidad ng nangyari kagabi. Kaya lalo akong naiinis sa sarili ko! Hindi tama yung ginawa ko, kahit lasing ako hindi ko dapat siya pinilit.
Humiga na lang ulit ako sa kama at pinilit ang sarili na matulog. Pero wala talaga, hindi na ako dinalaw ng antok! Hindi ko tuloy alam kung lasing ba talaga ako nung halikan ko siya o ano, eh. Pero naramdaman kong wala naman ako sa sarili ko noon. Hindi ko naman siya hahalikan kung wala pa akong tama non—actually ngayong nasubukan ko na hindi ko na kailangang malasing.
Aish! Matulog ka na lang kesa kung ano-ano ang iniisip mo!
Nagtalukbong na lang ako ng kumot at nagbilang ng tupa sa isip. Effective naman kase inantok ulit ako nakatulog. Ang himbing at haba ng tulog ko, ang ayos nga ng pakiramdam ko pagkagising.
Pagmulat ko, maliwanag at maaraw na. Mabuti na lang nga at nakasara ang kurtina, hindi ako nasisinagan ng araw. Base kasi sa taas ng araw, mukhang malapit nang mag-alas dose.
Kaso medyo inaantok pa rin ako at balak ko pa sanang ituloy ang tulog ko. Umikot ako paharaap sa kabila para tignan kung maganda ba ang pusisyon na 'yon. Pero nang nakita kong nakaupo si Venn sa sofa at nagse-cellphone, napaigtad ako. Nawala ang antok ko!
Dahil doon, napatingin siya sa akin. Medyo nagulat siya nang nakitang nakamulat na ako.
"G-good Morning. Let's eat our brunch na?" yaya niya sa akin. Minuwestra niya ang dining table at lumapit doon pero hindi siya makatingin sa akin.
Tumango lang ako at sumunod na sa dining table. Fried chicken naman ngayon ang ulam at doon ko na lang tinuon ang pansin ko. Hindi ko siya kayang tignan ngayong ulit-ulit nagpe-play sa utak ko yung nangyari kagabi. Nakakahiya dahil sinunggaban ko pa siya! Tapos pumatong pa 'ko!
Nakakahiya ka talaga, Mabeeeeel!
Mabuti na lang at hindi rin siya kumikibo ngayon. Baka nabigla o kaya na-trauma sa ginawa ko kagabi? Baka sa isip niya masyado akong agresibo! Na-turn off kaya siya sa ginawa ko?
Siguro sa isip niya ngayon ang wild ko pag lasing. Noong una nakita niya akong nakikipagsayaw sa manyak. Pangalawa, sinigawan ko siya. Tapos ngayon naman hinalikan ko siya! Triple dead!
Pero siguro okay na rin 'yon? Mas magandang ganito na lang ang tingin niya sa akin para makalimutan niya ang nararamdaman niya. Sa ganon, makahanap siya ng iba na handa siyang mahalin. Hindi kagaya ko na parang ginagamit lang siya. Inaabuso ko yung kabaitan niya.
Maybe—no, someone really deserves him more than I do. That thought hurts me so much, pero iyon ang totoo. Hindi ako karapatdapat mahalin ni Venn. Hindi ako karapatdapat sa lahat ng mga ginawa niya para sa akin. Dahil pakiramdam ko, ilang beses ko na siyang nasaktan noon pa man. Sinasadya ko man o hindi.
"Uh ... Mabel?" pagtawag niya sa pansin ko.
Napaigtad ako dahil masyado na pala akong nalunod sa mga iniisip. Kanina pa ata ako nakatulala at hindi na naubos ang kinakain. At nang iangat ko ang tingin ko kay Venn, bahagyang magkasalubong ang mga kilay niya. Medyo nakababa pa ang ulo para siguro sipatin ako.
"B-bakit?" Nakagat ko ang labi at napaiwas ng tingin.
Hindi ko alam kung kanina pa ba siya nagsasalita. Nakakahiya naman dahil lumilipad ang isip ko!
"Okay ka lang ba?" tanong niya.
"Uh ... o-oo naman, okay lang ako. May ... naisip lang." Naiilang ko siyang nginitian. Pero nang napagtanto ko ang sinabi ko, nanlaki ang mga mata ko at napayuko. Baka kase akala niya iniisip ko yung halik kagabi!
"Uhm ... uuwi ka na ba niyan sa inyo?" nag-aalangan niyang tanong. Hindi ulit siya makatingin sa akin, sa pagkain lang nakatuon ang mga mata niya.
Nakaramdam na naman ako ng hiya dahil sa tingin ko pareho kami ng naisip. Pero hindi ko na inalala 'yon at nag-isip kung uuwi na ba ako. Sa totoo lang kase, ayaw ko pang umuwi. Ayaw ko munang makita si Leigh, hindi ko pa kaya. Kahit gumaan ng konti ang sakit kagabi, bumabalik pa rin tuwing naaalala ko ang naganap kahapon. Kaya kailangan ko munang lumayo para makapag-isip-isip ako—pati na rin siya.
"O-oo," pagsisinungaling ko. "Pero huwag mo na akong ihatid." Hindi ako makatingin sa kaniya dahil nagi-guilty ako.
Ayaw ko namang magsinungaling. Pero ayaw kong ihatid niya pa ako kung saan man ako pupunta. Ayaw ko na siyang isama dahil nakakahiya na. May sarili siyang buhay at ayaw ko siyang ikulong sa sa'kin. Hindi ko rin gusto ang pakiramdam na pinagsasamantalahan ko ang kabaitan niya.
"B-bakit?" Napatingin na siya sa akin, nagulat dahil ayaw kong magpahatid.
"Uh ..." Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko alam ang idadahilan. "Uhm ... nakakahiya kase, naaabala na kita."
"Hindi ka abala sa akin, Mabel."
Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Pinigilan kong mangiti lalo na nakaramdam ako ng kiliti sa tiyan at uminit ang mukha ko. Mabuti na lang nakayuko siya kaya hindi niya nakita ang reaksiyon ko.
Mabilis kong pinakalma ang sarili ko at nag-isip. Ganon lang ang sinabi niya nawala na agad ako sa focus. Parang hindi malungkot ang mga naisip ko kanina at may nalalaman pa akong someone deserves him eme. Naguguluhan na naman ako kung dapat ko pa bang ituloy ang pag-iwas para kalimutan siya, o ituloy itong nararamdaman ko.
Wala na namang umimik sa amin simula non. Tahimik na lang naming inubos ang lunch namin. Pagkatapos ay naghanda na kaming umalis at nag-check out na nang maayos na ang lahat.
Habang papalapit kami sa sasakyan niya, iniisip ko pa rin kung sasabay ba ako sa kaniya o ipilit kong mag-commute na lang. Kaso anong dahilan naman sasabihin ko? Na naiilang ako? Na sa tingin ko dapat layuan na lang muna namin ang isa't isa? Sasaktan ko na naman siya? Anong gagawin ko?
Dahil ang tagal naming nagdiskusyon ng utak at puso ko, nakarating na kami sa tapat ng sasakyan niya. Kaya kinailangan kong gumawa ng mabilisang desisyon. Ginawa ko ang una kong naisip, at sinunod ang gusto ng puso ko. Bandang huli, natagpuan ang sarili ko na nakaupo sa passenger's seat ng kotse ni Venn.
Napahinga ako ng malalim "Ayaw ko munang umuwi."
Napabaling siya sa'kin. "H-huh? Akala ko uuwi ka na?"
"Hindi pa 'ko handang umuwi," pagsabi ko ng totoo.
"Saan mo gustong magpunta kung ganon?" tanong niya nang nakabawi sa pagkakagulat.
Napaisip tuloy ako. Saan pa nga ba ako pupunta? Hindi naman kase ako gala kaya wala akong masyadong alam na lugar. Tuwing lalabas ako, mga kasama ko ang pumipili ng itinerary. Sa mga date namin ni Luigi noon, siya lagi ang nagpaplano. Nagakaroon lang naman ako ng initiative noon nung nagkalabuan na kami at hindi naman sa Cebu ang mga plano ko.
"H-hindi ko alam, eh." Umiling ako.
"Gusto mo ba sa ... Jumalon Butterfly Sanctuary?" suggestion niya.
Butterfly Sanctuary? Mukhang maganda 'yon, ah? Ganon yung mga nakita ko dati na may papasukang garden tapos maraming lumilpad na butterflies tapos dadapo sila sa'yo. Kagaya nung sa proposal ni Dingdong kay Marian? Teka nga, bat proposal pa naisip ko? Naboboang na naman ako!
"S-sige, mukhang maganda doon." Tumango ako at naiilang siyang nginitian.
Kagaya kaninang kumakain kami, tahimik lang kaming dalawa buong biyahe. Ako ay sa labas nakatingin, habang siya sa daan nakatuon ang pansin. Kaya ginamit ko ang pagkakataong 'yon para magnakaw ng sipat sa kaniya. Hindi ko kase maiwasang hindi mapatingin sa side profile niya. Sa angulong 'to, kita ko ang mahaba niyang pilik mata, matangos na ilong, at ang ... matambok niyang labi.
Binalik ko agad sa labas ang tingin ko nang sa labi na naman nag-focus ang mga mata ko. Halos iuntog ko na ang ulo ko sa bintana para mawala ang mga naiisip ko! Kaya pinigilan ko na ulit siyang tignan, baka kung saan pa umabot 'tong nasa isip ko.
Nakahinga na lang ako ng maluwag nang nakarating kami. At hindi ko maiwasang mamangha dahil ang ganda ng lugar! Ang nauna kase naming pinuntahan ay sala ng bahay na ginawang museum kung nasaan ang mga preserved na butterflies at moths. Nasa loob sila ng mga glass frames at yung iba ay nakaayos na parang mga bulaklak.
Habang tinitignan namin ang mga butterfly, mayroong guide na nag-e-explain kung anong species ang mga 'yon. Tapos meron ding posters na may informative facts at pictures pa. Kaya bukod sa pagkamangha, ang dami ko ring natutunan at nalaman.
Pero hindi natapos doon at lalo lang akong na-amaze nang lumabas na kami sa mismong sanctuary. Swerte raw kami dahil season ng mga butterfly at marami kaming makikita. Pero bukod doon, natuwa rin ako dahil maraming bulaklak.
"Ang ganda," sabi ko sa sobrang pagkamangha.
"I'm glad you're enjoying." Matamis akong nginitian ni Venn.
Kaya napangiti rin tuloy na agad kong pinigilan. Kinagat ko ang labi ko at pilit na binalik sa mga halaman at paro-paro ang atensiyon ko. Pinakalma ko ang sarili ko dahil hindi ko kinaya ang ngiti niya, feeling ko matutunaw na ako rito. Lalo pa ngayong ramdam ko pa rin ang mga mata niya sa akin. Hindi tuloy ako makanakaw ng tingin sa kaniya kase mahuhuli ako!
Pinanuod ko na lang ang mga lumilipad na paro-paro dahil marami sila sa spot na ito. At ang hindi ko inaasahan ay ang paglapit sa akin ng isang paro-paro. Napanganga na lang ako sa sobrang tuwa nang dumapo siya sa ilong ko! Tinignan ko siya sa pagitan ng mga mata ko, hindi ko inaasahang makakaharapan ko ang paro-paro ng ganito! At kahit umalis na siya pagkaraan ng ilang sandali, hindi nawala ang saya ko.
"You're so beautiful."
Napatingin ako kay Venn nang sabihin niya 'yon. Nakatingin siya sa akin, nagniningning ang mga mata at bahagyang nakabukas ang nakangiti niyang labi. Pero nang napagtanto niyang nakaharap na ako sa kaniya, napakurap-kurap siya at napaiwas ng tingin.
"Uhm ... p-pinicturan kita." Pinakita niya sa akin ang screen ng cellphone niya, tinataasan ang brightness dahil nasa pinakamababa ito.
Nang lumiwanag na at nakita ko na ang picture, namangha ako sa pagkakakuha niya. Ang ganda kase! Sa akin naka-focus kaya kitang kita ang emosyong naramdaman ko kanina nang dumugpa ang paro-paro sa ilong ko. Tapos sa likod ay blurred na mga halaman kaya dominant ang green. Pakiramdam ko tuloy ang ganda-ganda ko at pwede akong maging model!
"Ang ganda ng kuha mo! Pa-bluetooth sa akin mamaya para ma-post ko." Hindi ko maalis sa picture ang mga mata ko.
Binalik ko na sa kaniya ang cellphone para ituloy namin ang tour. Pero ngayon ay nag-uusap na kami at nagpipicturan. Nakailang selfie rin kaming dalawa at nagpa-picture pa sa kasabay namin na nag-volunteer.
"Gaano na kayo katagal? You look good together," sabi niya nang iaabot na niya ang cellphone pabalik.
Pareho kaming napatigil ni Venn at napatingin doon sa lalaki. Hindi ako makapagsalita at nakaramdam na ng ilang dahil sa sinabi niya. Itong kasama ko naman nakita kong namula nang iniwas niya ang tingin doon sa lalaki. Yung ngisi niya kase nang-aasar, akala ata niya nahihiya lang kami.
"U-uh ... we're not ano ..." Hindi ko alam pero hindi ko matuloy ang sasabihin. As if hindi ako sure sa isasagot eh malinaw naman na hindi kami.
"Oh? I'm sorry but I really thought that you're a couple." Hindi pa siya makapaniwala noong una at nanlaki rin ang mga mata sa gulat.
Pare-pareho na lang naming tinawa dahil pati siya ay mukhang nailang na rin. Tinuloy na lang namin ang tour at hindi na naman kami masyadong nagpansin ni Venn. Nawala yung tuwa at saya na naramdaman ko kanina dahil bumalik na naman pagkailang namin sa isa't isa.
Hanggang sa nakarating na kami sa art gallery, kahit nasa tabi lang namin ang isa't isa ay parang may distansiya sa pagitan namin. Kahit tuloy ang gaganda ng mga artworks dito lalo na ang mga mosaic na gawa sa mga nasirang pakpak ng paro-paro ay hindi ko masyadong ma-appreciate.
Nang natapos na ang tour at nasa sasakyan na kami, hindi pa rin namin alam kung paano kakausapin ang isa't isa. Walang magsasalita kung hindi importante ang sasabihin.
"Uuwi na ba tayo?" tanong niya.
Napaisip na naman ako, dahil kung hindi ako uuwi siya ang makakasama ko. Kung uuwi naman, si Leigh ang makikita ko. At kahit nakakailang, mas gusto ko siyang kasama. Hindi, siya talaga ang gusto kong makasama ngayon. Dahil kahit alam kong may ilangan kaming dalawa, magaan at palagay ang loob ko pag siya ang nasa tabi ko.
Napapakalma niya ako kahit pa halos magwala na ang puso ko pag nasa tabi ko siya. Nakakapag-isip ako ng maayos kahit pa halos mabaliw ako pag nakikita ko siya.
Kaya umiling ako. Hindi dahil ayaw ko pang umuwi. But because I want to spend more time with him.
"O-okay." Tumango-tango siya at tsaka nagtanong, "Uhm ... nakapunta ka na ba sa Tops Lookout?"
"Tops Lookout? Dati ko pa gustong magpunta doon!" Na-excite ako at napangiti ng malaki.
Narinig ko na 'yon dati pero kahit kailan ay hindi ko pa napuntahan. Kung sino-sino na ang niyaya ko pero hindi natutuloy for some reason. Palaging may aberya na nangyayari para hindi matuloy. Kaya ngayong ako na mismo ang niyaya, hindi ko ma-contain ang tuwa at excitement na nararamdaman ko.
Hindi na nawala ang ngiti ko hanggang sa nakarating na kami doon. At dahil gabi na, ang gandang tignan ng ilaw ng mga gusali na nakikita namin mula dito sa taas. Lumapit agad ako sa gilid at inikot ang tingin ko. Feeling ko kita ko ang buong Cebu sa kung nasaan ako ngayon.
Kaso dahil gabi na, nalamigan ako lalo na at t-shirt lang ang suot ko. Nayakap ko ang sarili ko nang umihip ang hangin. Hinagod-hagod ko ang braso ko para uminit kahit papaano.
"Here, wear my jacket." Hinubad ni Venn ang suot niyang black jacket at binigay sa akin.
"Paano ka?" Hindi ko agad tinanggap dahil ang suot niya na lang ngayon ay white t-shirt.
"It's okay, hindi ako mabilis malamigan." Mas nilapit niya sa akin ang jacket at tumango.
Kaya kahit nag-aalangan man, tinanggap ko na dahil nilalamig talaga ako. Sinusuot ko pa lang, naaamoy ko na ang pabango. Hindi sobrang tapang ng amoy niya kaya hindi nakakahilo, sa totoo lang ay pasimple ko pang sininghot.
Pagkatapos non ay hindi na ulit kami nag-usap. Pareho lang kaming nakatingin sa city lights. Pero hindi na ako makapag-focus hindi katulad kanina na manghang mangha ako sa nakikita. Pinapakiramdaman ko kase si Venn, lalo na ngayong nasa tabi ko na naman siya at suot ko pa ang jacket niya.
"Let's sit? Baka nangangawit ka na." Tinuro niya sa akin ang bench sa harap at iginaya ako papunta doon.
Tumango ako at umupo na doon. Nasa magkabilang dulo kami ng bench, mukha tuloy kaming hindi magkasundo. Hindi kami nagkikibuan, hindi man namin matignan ang isa't isa.
Gusto ko siyang kausapin, hindi ko lang alam kung paano ko uumpisahan. Hindi ko nga rin alam kung ano ang sasabihin ko. Dapat ba i-open ko yung pag-amin ko sa Mt. Purro, o kaya naman yung paghalik ko sa kaniya kagabi? Gusto kong pag-usapan namin ang mga 'yon pero kinakabahan ako.
Pero kailangan kong lakasan ang loob ko dahil importanteng mapag-usapan namin ang tungkol sa nararamdaman namin. Hindi mawawala ang ilangan namin sa isa't isa kung hindi. Ang saya namin kanina sa sanctuary, pero dahil lang napagkamalin kaming magjowa, nawala agad dahil alam naming may nararamdaman kami sa isa't isa.
Nalilito na naman nga ako dahil baka hindi lang 'to basta pagkagusto. Pakiramdam ko mas lumalim pa 'tong nararamdaman ko sa kaniya. Kaninang naisip kong someone deserves him, ayaw ko na ang idea na 'yon. Makita ko lang nga silang magkasama ni Maritessa nagagalit na ako, yung pa kayang may iba na talaga siyang gusto? Baka hindi ko na kailanganin ng alak non para manugod.
Kaya anong gagawin ko? Aamin ba ako? Sigurado na ba talaga ako sa nararamdaman ko? Kaya ko na ba talagang magmahal ulit? Paano ko malalaman?
"Uhm—"
"Venn—"
Sabay kaming nagsalita kaya pareho kaming napatigil. Nagulat pa kami nang magkatinginan kami.
"Uh...mauna ka." Tinuro niya ako.
Tumango ako at huminga ng malalim. "Uh ... about last night, you know yung kiss? Gusto kong mag-apologize. I'm really sorry." Kinagat ko ang labi ko at yumuko sa sobrang hiya! Hindi na talaga ako iinom kahit konti pag nakapaligid siya! Baka kung ano na naman mangyari.
Nagulat pa siya noong una at mukhang nalungkot pa. Tapos umiling siya at tipid akong nginitian. "Y-you don't have to apologize."
"But I forced you. Kahit sabihin mong kiss lang 'yon at lasing ako, it is still an ... assault." Humina ang boses ko sa huling salita. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kamali ang ginawa ko.
Kaya ayaw kong ipagsawalang bahala niya lang 'yon dahil alam kong mali. Bigla ko siyang hinalikan ng walang paalam. Tapos hindi ko pa siya sinunod noong pinigilan niya ako, tinuloy ko pa rin. At kung nagkabaligtad kami ng sitwasyon, kahit pa may nararamdaman ako sa kaniya, magagalit pa rin ako.
"It was ... shocking and uh ... uncomfortable at first. And the reason why I tried to stop you is because you're drunk, and I don't want to take advantage of that. But ... but I liked it and ... I gave in." Napayuko siya at kinamot ang batok niya.
Ako naman ay napatulala at hindi ko agad naproseso ang sinabi niya. Ilang beses ko pang inulit-ulit sa isip ko kahit madali namang intindihin ang gusto niyang sabihin. At nang na-process ko na, bumilis ang tibok ng puso ko. Lalo tuloy akong nahiya kaya sa harap na lang ulit ako tumingin.
"B-but still, mali pa rin. I promise, hindi ko na ulit gagawin." Lalayo na talaga ako sa alak para ma-keep ang promise ko.
"But I won't mind if you would," bulong niya.
Napatingin tuloy ako sa kaniya at pareho kaming nagulat. Akala ko pa noong una imagination ko lang 'yon. Sa tingin kokasi hindi naman masasabi ni Venn 'yon. Pero nang napahawak siya sa bibig niya, hindi ko napigilang paluin siya sa braso!
"Ikaw, ah!" Masama ko siyang tinignan.
"I-I'm sorry, I thought sa isip ko lang 'yon." Ngumuso siya at napakamot na naman sa batok.
Natawa na lang tuloy ako. Hindi ko akalaing sa cute at inosente niyang mukha, may kapilyuhan din pala ang isang 'to. Sabagay, matanda na rin naman siya at may experience na rin siguro. Lalo na at kaibigan niya yung tatlo, hindi na nakakapataka. Sa tagal na nilang magkakaibigan, for sure na-corrupt din nila 'to kahit konti lang. Sana nga konti lang.
Tawa lang ako nang tawa nang may naalala ako! Kumalabog na naman tuloy ang puso ko dahil sa pagkakaalala ko, tumugon din siya sa halik? Well, nararamdaman ko pa rin kase sa labi ko yung ... halik, kagat, tsaka yung ... dila.
"H-hanggang kiss lang naman ang nangyari, 'di ba?" kabado kong tanong.
Nanlaki ang mga mata niya at napanganga ng bahagya. Tapos mabilis na umiling at winagayway ang dalawang kamay.
"Nothing happened beyond that. I was able to stop you when you ..." Napatigil siya sa pagsasalita at napaiwas ng tingin.
Nagtaka tuloy ako. "When I?" May kakahiyan pa ba akong ginawa bukod sa paghalik sa kaniya?!
"I got back into my senses when you touched my ... c-crotch." Napayuko siya at mabilis akong tinignan bago sinabi ang huling salita.
Touched his crotch? I touched his—oh my! MABEEEEEEEELLLLLLL!
Nasapo na lang ng dalawa kong kamay ang mukha ko at tinukod ang siko ko sa paa. Dahil grabe, nakakahiya yung ginawa ko. Akala ko pa naman grabe na yung hinalikan ko siya. Tapos hinawakan ko pa pala yung ... iyon! Basta iyon!
Naiiyak na lang ako sa hiya! Kung hindi ko lang ikamamatay ang pagtalon dito sa Tops, baka ginawa ko na maiwasan lang si Venn. Kaso hindi! Kaya sana lamunin na lang ako ng lupa. Yung sobrang baon, yung hindi na niya ako makikita kase wala na akong mukhang ihaharap sa kaniya!
"H-hey, it's okay lang. I understand why you did it. And it was not your intention naman," pagpapagaan niya ng loob ko. Lalapitan niya pa dapat ako pero umusog ako palayo.
"No, it's not okay! Hinawakan ko yung ... ano mo! Hindi okay 'yon! Kung may ibang hahawak diyan, okay lang sa'yo?" Medyo nainis ako dahil pakiramdam ko binibigyan niya ako ng free pass sa lahat ng ginawa ko.
Ayaw ko ng gano'n. Ayaw kong mabulag siya at hindi makita ang mga maling bagay dahil lang sa nararamdaman niya. Alam ko ring mabait siya, pero parte ng pagiging mabait ang pagtama ng mga mali. Hindi tama ang i-tolerate ang isang kasalanan dahil lang mahal mo ang taong gumawa non. Ginawa ko na 'yon at nag-backfire lang sa akin dahil ang mali ay mali, ang kasalanan ay kasalanan.
"N-no. Pero—" Umiling siya habang nakanguso.
"See? Bakit sa'kin okay lang?" Medyo napataas na ang boses ko at napalapit sa kaniya.
"Y-you were drunk and ... and we were k-kissing, it was intimate. It's ... it's pretty normal to put your hands ... everywhere?" depensa niya pa rin.
May point din naman. Pero kahit na! Kahit lasing ako, hindi pa rin tama 'yon. And kasalanan ko rin naman kung bakit napunta kami sa pagiging intimate kaya kasalanan ko talaga.
"Sinasabi mo lang ba 'yan dahil mahal mo 'ko?" kompronta ko.
Napatigil siya sa tanong ko. Hindi siya kaagad nakasagot at tinuon ang pansin sa harap. Nakapatong ang bisig niya sa binti at nag-crouch. Napahilamos na lang siya ng mukha at huminga ng malalim bago ulit ako tinignan.
"Okay, yes. Well ... somehow? Okay lang sa akin dahil I didn't feel forced, assaulted, not even violated. Because gaya nga ng sabi ko kanina, I liked it. And I liked it because I love you. If a random girl did that I would have pushed her away. But it was you, Mabel. And as much as I don't want to take advantage of it, it really felt good and I enjoyed every bit of it." Mariin niya akong tinignan habang hiningal pagkatapos niyang nagsalita ng tuloy-tuloy.
Habang ako naman ang natameme ngayon. Never ko pa kase siyang nakitang assertive. Ang seryoso ng mukha niya, ang intense ng mga mata niya. Mukha na nga siyang galit dahil umiigting na ang mga panga niya.
"So if you're going to blame yourself, then I'll blame myself too. Because I know that you were under the influence of alcohol so I should have stopped you. I should not have kissed you back. And between the two of us, I was more sober. So I am as guilty as you are. I'm so sorry." Nahihiya niya akong tinignan bago mapagkumbabang yumuko.
Namuo ang luha sa mga mata ko at tuluyan nang naiyak. Tinakpan ko ulit ang mukha ko at hinayaang sapuin non ang mga luha. At lalo lang akong naiyak nang lumapit siya sa akin para yakapin at patahanin.
"B-bakit ba ang bait mo to the point na feeling ko hindi kita deserve," sabi ko sa kaniya habang umiiyak pa rin.
"Everyone deserves kindness, Mabel," bulong niya sa akin.
"But do I deserve your love?" tanong ko.
Humiwalay siya sa yakap at hinarap ako sa kaniya. Tinanggal niya ang mga kamay kong nakatakip at tinignan ang mukha ko. Dahan-dahan niyang pinunasan ang luha ko at inayos ang magulo kong buhok, inipit niya sa tenga ko.
"Why are you doubting yourself? Mabel, ikaw ang isa sa mga taong kilala kong mapagmahal. You love people wholeheartedly and unconditionally. So why are you questioning if you deserve my love? Because for me, you deserve every good things in this world. You deserve to be loved the way you do." Hawak niya ang mukha ko at pinupunasan ang bawat luhang pumapatak. Ang tamis ng ngiti niya, pero kita ko ang pagkislap ng mga mata niya dahil sa pamumuo ng luha.
Napangiti rin ako dahil sa sobrang saya. Nakakagaan ng pakiramdam ang sinabi niya. Yung puso ko, mabilis mang tumibok, malumanay naman at masarap sa pakiramdam. Hindi ko na rin maramdaman ang kiliti sa tiyan, instead ay sobrang kasiyahan ang nararamdaman ko. Hindi na tumigil ang luha ko dahil sa sobrang saya.
"You're such a lovely person, Savenn," bulong ko sa kaniya.
Mahina akong natawa nang nakita ko ang pagkagulat niya nang sabihin ko ang buo niyang pangalan. Ang cute kase ng bahagyang paglaki ng mga mata niya! Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili kong kurutin siya.
"Ouch!" daing niya nang napalakas ang kurot ko.
Hinawakan ko 'yon at hinaplos para maibsan ang sakit. Pero hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kaniya, lalo na sa magaganda niyang mata. Sa konting ilaw, kumislap ang kulay tsokolate niyang mga mata. At doon, nakita ko ang repleksiyon ko, masayang nakatingin sa kaniya.
"I hope you can see through my eyes what I truly feel. I hope you can also see the image of the person I love.."
Lalong lumaki ang ngiti ko nang nanlaki ang mga mata niya.
"W-what?" Hindi siya makapaniwala.
"Can you catch me?" tanong ko sa kaniya.
Mukha pa rin siyang litong lito at gulat sa mga sinabi ko. Yumuko pa siya at bumulong-bulong kung tama ba ang narinig niya. Baka nananaginip lang daw siya. Natawa na naman tuloy ako sa kaniya. Hinawakan ko ang baba niya at inangat ang ulo niya.
"Can you catch me now that I've fallen in love with you?" deretsahan ko nang tanong.
Nalaglag ang mga panga niya. Tapos ang nagbabadya niyang luha ay tuluyan nang bumagsak. Parang gripo na walang tigil. Pareho na tuloy kaming umiiyak ngayon.
"I-I'm sorry for crying. This just felt ... surreal." Lalong lumakas ang iyak niya.
Kaya pinatong ko ang ulo niya sa balikat ko at doon siya umiyak. Niyakap ko lang siya at hinagod ang likod para patahanin. Ilang sandali rin ang lumipas bago siya tumahan. Inangat niya ang ulo niya at tinitigan ako sa mata.
"I-I've already fallen for you years ago. So yeah, I will catch you from down here."
Napapikit na lang ako at dinama ang saya na nararamdaman ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at ganon din siya sa akin. Tapos pareho pa kaming humihikbi kaya bandang huli pinapatahan namin ang isa't isa. Pero nang may naalala ako, kumalas ako sa yakap. Hinawakan ko ang mukha niya at tinignan siya.
"Can I...kiss you?" Medyo nakakahiya na ako pa talaga ang nagtanong. Pero hindi ko na inisip 'yon. Dahil ngayon, humingi na ako ng permisyon.
Mahina siyang natawa at tumango. "You can kiss me anytime you want."
Napangiti ako doon at agad ko nang pinaglapit ang mga mukha namin. Nang naglapat ang mga labi namin, it felt so magical. Parang lang sa fairytale, wherein the princess is having her happily ever after with the prince. A kiss that symbolizes love and sealed eternity.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top