Chapter 2
Isang buwan na ang lumipas at hindi pa rin ako bumalik ng Manila. Sabi ni kuya ay huwag na muna akong bumalik ng Manila. Ako na muna ang pinamahala niya sa gotohan naming kabubukas lang ngayong taon. Napansin kasi namin na humihina na ang compurter shop at naisip namin na baka dahil nagpalagay na ng internet ang karamihan. Kaya nag-isip kami ng business na kayang mabuhay kahit sa panahon ng mga robot at gotohan ang naisip namin.
So far, nakatulong naman ang pamamahala ko kahit papaano. Pag nasa gotohan ako, nawawala ang utak ko kay Luigi at sa mga nangyari kamakailan lang. Maganda nga sigurong may iba akong pinagkakaabalahan kaysa manatili sa kuwarto buong araw. Although minsan, pag mag-isa lang ako lalo na tuwing gabi bago ako matulog, kung ano-ano na namang negative thoughts ang pumapasok sa isip ko. May mga gabi pa ring natulog akong lumuluha.
"Ehem!"
Napaigtad ako nang may costumer pala sa harap ko. Ang tagal ko na palang nakatulala sa lalim ng iniisip ko! Kaya pagkaangat ko ng tingin ay napatigil ako nang napagtanto ko kung sino 'to.
"Pabili po ng Special Goto at Tofu and Pork," maarte niyang sabi.
"NISHA!" Tumakbo ako palabas ng counter at sinugod siya ng mahigpit na yakap.
Miss na miss ko siya! Lagpas isang buwan ko na silang hindi nakikita ni Mimi. Nagdeactivate kasi ako ng social media. Nilimitihan ko rin ang paggamit ng cellphone ko. Parang bang I disconnected myself? Madalas ko lang maka-interact ay ang pamilya ko. Tapos minsan lang ako mag-reply sa mga texts nila Nisha. Kaya hindi ako aware na pupunta siya ngayon sa Cebu!
"I missed you, Mabel!" Mahigpit niya akong niyakap.
Nang kumalas kami sa yakap, nakita kong nakanguso siya at namumula ang mga mata. Kaya niyaya ko siyang maupo para makapag-usap kami ng maayos.
"Kumusta ka naman?" tanong niya sa akin. Akala mo naman hindi ko alam na araw-araw nila akong pinag-uusapan ni Leigh. Feeling ko nga chatmates na sila ngayon, eh!
"Mas okay na ako ngayon." Nag-aalangan ko siyang nginitian.
"Tologobooo—" Ramdam ko nang sasalungat siya at aasarin ako, kaya sandali akong nagtaka nang napatigil siya.
Nang nakita ko kung sino ang kadarating lang, na-gets ko na. Biglang naging awkward ang atmosphere. Nakaiwas ng tingin si Nisha sa entrance at tinuon ang pansin sa naka-display na menu sa pader. Habang si Sabel naman ay nakayukong naglakad papunta sa counter.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para maging okay sila sa isa't isa. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong makielam? Very personal and sensitive kasi. Kaya kahit pa kapatid at kaibigan nila ako, hindi ako maka-mediate. Pakiramdam ko masyado akong pakielamera kung pilitin ko silang pag-ayusin. Dapat ba makuntento na lang ako na civil sila sa isa't isa? Kasi as someone na close sa kanilang dalawa, I want them to get along.
"Uhm ... so ayon, okay na talaga ako!" Pinilit kong gawing lively ang boses ko para mawala ang awkwardness.
Bumalik sa akin ang tingin ni Nisha. Patago akong napahinga ng malalim nang bumalik ang liwanag sa mukha niya. Patagild niya akong tinignan at nginisian para asarin.
"Okay yang ganyang hitsura?" Humalukipkip siya at umiling-iling na parang bang mukha akong broken na broken. Paano pa kaya kung nakita niya ako noong mga unang araw after ng hiwalayan namin nin Luigi, 'di ba?
"Pero sabagay, mas maayos na 'yan kesa noon. Kaya sige, hindi na muna kita sasabunutan hangga't hindi ka fully recoverd!" patuloy niya sa pang-aasar.
"T-teka! Pano mo nalaman yung hitsura ko non?" Bahagya akong napabangon sa pagkakasandal.
"Sabihin na lang nating ... magaling ang informant ko." Nginisian niya ako.
Informant? Yawa! Lagot sa'kin ang Leigh Belle na 'yan!
Natawa siya nang nakita ang iritasyon sa mukha ko. Halos mahulog na siya sa upuan niya! Kaya lalo tuloy akong nainis! Pero nahawa na lang din ako sa tawa niya, bandang huli gumaan ang pakiramdam ko. Siguro nasanay na lang din talaga ako sa ugali niya.
"Teka nga. Bakit ikaw lang? Nasaan si Mimi?" tanong ko.
"Ay wow! So hindi ako sapat gano'n? Grabe ka na, Mabel, ha!"
Natawa ako nang mukha siyang na-offend sa sinabi ko. Napahawak pa siya sa puso niya at ang sama ng tingin sa akin!
"Well, nasa Paris pa siya with her fam!" imporma niya sa akin.
Napatango-tango ako bago ko tinawag ang isa sa mga waitress namin. Nagpakuha ako ng mga inorder ni Nisha kanina. Natuwa pa siya akala niya libre. Hindi niya alam sisingilin ko siya mamaya. Well, business is business.
Habang kumakain siya, napagkwentuhan namin ang mga nangyari sa kaniya nang umalis ako. Hindi na ako masyadong nagkuwento ng akin dahil, well, informed na informed naman siya. Kakaiba talaga pagka-chismosa talaga ni Leigh Belle!
Anyway, magaan ang pakiramdam ko na hindi niya ako sinumbatan ngayong pagkikita namin. She never gave me the "I-told-you-so" attitude. Akala ko, pag bumalik ako ng Manila, raratratin niya ako ng sermon. Kasi bago ako umalis non, tutol siya sa desisyon kong ayusin pa ang relasyon namin ni Luigi. Konti na lang talaga sabunutan niya ako at iyugyog ang utak ko.
Kung nakinig siguro sa kaniya hindi ako ganito kasawi, no? Kung hindi ko lang pinilit an gusto kong gawin, hindi sana ako masyadong umasa pa. Dahil pinatagal ko lang talaga ang pagdurusa ko, eh. Pero bandang huli, nauwi lang din naman sa wala.
"Sorry hindi ako nakinig sa'yo noon," nasabi ko na lang out of nowhere habang dumadada siya.
Napatigil siya sa pagsasalita at napatingin sa akin. Ngumuso siya nang napansing namumuo na ang luha sa mga mata ko.
"Ano ka ba! Okay lang, no!" Pinalo niya ako sa balikat at tsaka ako inirapan bago ako nginitian. "Ang mahalaga, may natutunan ka sa katangahan mong 'yon!"
Mata-touch sana ako kung walang halong kalokohan ang sinabi niya. Pero okay, katangahan nga namang maituturing 'yon. Kung ako nga tangang tanga na rin sa sarili ko, sila pa kaya?
"At tsaka sa totoo lang, na-gets din naman kita kalaunan. Naisip ko na magkaiba lang siguro tayo ng perspective?" Umupo siya ng maayos nang sumeryoso ang tono niya. Nginitian niya ako at hinawakan ang kamay ko.
"Aalam ko kung gaano mo kamahal si Luigi, saksi ako doon. Pero sana, sa susunod na magmahal ka, matuto kang magtira sa sarili mo. Huwag mong idepende ang kasiyahan mo sa iba. Dahil pag nawala sila, mawawasak ka talaga."
Pagkatapos ng heart-to-heart talk namin, balik na kami sa asaran at tawanan. Plinano rin namin ang mga gagawin pag nakasunod sa Mimi sa Cebu. Sa susunod na araw na raw kasi ang uwi nila at baka dito na raw siya dumeretso. Miss niya na rin daw akong maka-bonding. Pero sa dinamidami ng mga lugar na naisip namin, bandang huli ay nauwi kami sa malling para raw makapag-shopping at manood ng sine.
Napairap na lang ako dahil parang naman dito lang merong mall. Pero pumayag na lang din ako. Ang mahalaga naman ay silang dalawa ang kasama ko.
***
Nauna na kami sa mall dahil alas dos pa lang daw lalapag ang eroplano ni Mimi. Sabi ko nga dapat bukas na lang para whole day. At tsaka dumeretso na talaga si Mimi rito kaya for sure pagod na siya sa biyahe. Pero may trabaho raw kase sila at hanggang ngayon na lang ang leave. Sabi ko nga kahit i-resched na lang namin sa long weekends or sa holy week ang bonding namin para sulit at hindi hassle. Pero ayaw paawat ni Mimi, miss na raw niya ako at naiinggit siya kay Nisha. Yung isang gaga kasi, nang-inggit pa at ang dami raw naming pinuntahan. Eh tambay lang naman siya sa gotohan at naki-serve doon! Baka raw kasi may afam na kumain at makabingwit siya.
Sa huli ay pumayag na lang ako. Miss ko rin naman silang maka-bonding kaya susulitin ko na lang ang malling namin ngayon. Kung saan-saan na ako nahila ni Nisha at kung ano-anong damit na ang pinasukat sa akin. Para raw may maganda naman akong suotin pag nasa gotohan ako at hindi raw mukhang nalulugi! Gaga talaga ang isang 'to!
"Pwede na 'yon! Di na kakasya dala kong pera!" Pigil ko sa kaniya nang may pinapasukat na naman siyang damit sa akin!
"Ay nako! Libre ko 'to 'no! Kaya dali na, sukat na!" Kinuha niya ang kamay ko at sapilitang binigay sa akin ang damit.
"Ano kita? Jowa?" Tatawa-tawa kong reklamo.
Pero sa totoo lang ay nahihiya ako dahil andami nitong pinili niyang mga damit! Siyempre kahit naman magkaibigan kami, ayaw ko namang mamihasa! Thankful na ako sa suporta niya sa akin at pagtulong niya sa gotohan. Lalo na at hindi rin siya nagpabayad sa mga araw na nagtrabaho siya doon!
"Ano ka ba? Congratulatory gift ko 'yan sa pag-mu-move on mo sa gagong 'yon! Kaya dali!" Inikot niya ako paharap sa fitting room at tinulak papunta doon. Gusto ko pa sanang magpumiglas kaso ang higpit ng hawak niya sa mga braso ko. Binitawan niya na lang ako nang nasa loob na ako ng fitting room kaya wala na akong nagawa.
Kaya mabigat ang loob ko habang binabayaran niya ang mga pinili niyang damit. Ang sabi ko ay kahit hati na lang kami. Pero ayaw niya! Wala naman daw siyang jowang mapaggastusan ng sinahod niya kaya ako na lang daw.
"Pero sa pagkain at sine ako na magbabayad!" sabi ko sa kaniya nang palabas na kami ng Dept Store.
"Oo na! Oo na! Kahit bayaran mo pa akin, sige!" napipilitan niyang sabi, parang bang rinding rindi na siya dahil kanina ko pa sinasabi 'yon.
Pero mabuti na rin 'yon dahil nakakahiya talaga! Nasa sampung outfits ata ang binili niya sa akin, kasama na ang shoes at bags! As if magtitinda ako sa gotohan ng ganon ang suot? Mukha akong a-attend ng event o magbabakasyon! Baka nakawan pa kami dahil akala nila milyonaryo ako sa suot ko!
"Bili na muna tayo ng ticket bago tayo kumain. Mandaue na raw na si Mimi," imporma niya sa akin.
Tumango ako at nag-elevator na kami papunta sa cinema para bumili ng ticket. Mabuti nga at hindi ganon kahaba ang pila at mayroong showtime ng alas siete ang pelikulang papanoorin namin. Iyon na ang pinili namin kahit meron namang alas dos at alas quatro para maka-bonding ko pa si Mimi.
"Mabel!" Halos talunin na ako ni Mimi nang salubungin niya ako ng yakap. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit!
"U-uh ... M-mimi ..." Tinapik ko ang braso niya para pakalasin dahil nasasakal na talaga ako!
"Oy, Mimi! Hindi na makahinga si Mabel!" awat ni Nisha sa kaniya.
"Ay hala!" Kumalas kaagad siya sa yakap."Sorry! Sorry! Na-miss kasi kita." Humaba ang nguso niya habang tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha.
"Ramdam ko nga," biro ko pagkatapos kong huminga ng malalim.
"Ay nako! Ikaw talaga Mimi. Tsk! Tsk! Tsk!" Humalukipkip si Nisha at mapagbirong umiling-iling.
Napikon naman tuloy kaagad yung Mimi at pinalo sa braso yung isa. "Ang sama mo talaga! If I know, mas OA ka nung nagkita kayo ni Mabel!"
"Nuh-uh! I was so cool kaya! Tanungin mo pa si Mabel."Proud na ngumisi si Nisha at tinaasan ng kilay ang kaibigan.
Bago pa sila tuluyang mag-away, inawat ko na sila at niyaya nang kumain. Nagpunta kami sa isang Filipino restaurant na eat-all-you-can. Sa totoo lang ay hindi sulit sa akin ang mga ganito dahil hindi ako malakas kumain. Pero gutom na gutom na raw kasi si Mimi at na-miss niya raw ang Filipino food. Akala mo naman ilang taon siyang umalis ng bansa.
"Kumusta ka na, Mabel?" tanong ni Mimi nang kumakain na kami.
"Umo-okay naman, thankfully. Nalilibang ako sa gotohan kaya kahit papaano, nawawala sa isip ko ang mga problema," masaya kong balita sa kaniya.
"That's nice to hear." Ngumiti siya habang tumatango-tango. Pero biglang naglaho 'yon nang tila'y may naisip. "So ano pala plano mo? Babalik ka pa ba ng Manila?"
Sandali akong napatigil sa tanong niya. Dahil sa totoo lang ay hindi ko pa alam. Pinag-iisipan ko pa kung babalikan ko ang lugar kung saan mas lumago at nasira ang relasyon namin ni Luigi. Parehong marami ang masasaya at masasakit na alaala ang meron kami doon. Kaya hindi ko alam kung kakayanin ko pang tumungtong sa lugar na 'yon.
"Sa ngayon ... hindi muna? Parang hindi pa ako handa," sagot ko sa kaniya. Hindi ako makatingin sa kanila dahil pakiramdam ko binigo ko sila.
Napatigil sila sa pagkain at sandali silang natahimik bago naunang nagsalita si Mimi.
"O-okay lang 'yan, ano ka ba! Take your time lang. At kung may time, don't worry, palagi ka naming bibisitahin ni Nisha," pagpapagaan niya ng loob ko.
Kaso nang tignan ko si Nisha ay nakahalukipkip siya habang mariing nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang iniisip niya. Nag-alala ko na baka galit siya o masama ang loob niya dahil wala pa akong balak bumalik ng doon. Akala niya kasi ay susunod din ako after a month or so. Hindi ko pa nasasabi sa kaniyang baka hindi na talaga ako bumalik at all.
"Dahil ba 'to kay Luigi?" deretsahan niyang tanong sa akin.
Nakaramdaman ako ng kaba sa tanong niya kaya iniwasan ko ang mariin niyang tingin. Hindi ko alam kung aaminin ko ba? Mukha kasing sesermunan na naman niya ako kung sakali.
"Mabel, paano ka makaka-move on kung hindi mo ipu-push ang sarili mo? Parang bang hanggang ngayon nag-aalangan ka pa rin kung kakalimutan mo siya o hindi."
Parang akong nasapul ng mga salita ni Nisha. Masakit. Masakit ang masampal ng katotohanang pilit kong tinatanggi. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung mali ba talaga ang paraan ko?
"Ano? Umaasa ka pa rin bang magkakabalikan kayo? Kaya ba hanggang ngayon naka-follow ka pa rin sa kaniya? Kaya hindi pa rin burado ang pictures niyo sa profile mo?" dire-diretso niyang lintaya kahit pa pinipigilan na siya ni Mimi.
Ako naman ay nagulat dahil tinignan niya pa pala 'yon. Hindi ko tuloy maipagtanggol ang sarili ko. Dahil totoo nga ang sinasabi niya. Maybe, a part of me still clinging into the idea na pwede pa kaming magkabalikan.
"Don't tell me hindi rin deleted ang pictures niya sa gallery ng phone mo?" Tinaasan niya ako nang kilay. Nang lalo lang akong napayuko, nagsalubong na ang mga kilay niya at napaupo ng maayos. "So hindi pa nga?!"
Napaigtad ako sa bahagyang pagtaas ng boses niya. Napatingin tuloy sa amin ang ibang kumakain doon. Mayroon pa namang isang pamilya, yung mga titas doon ay pinagbulungan na kami.
"Kung hindi mo kaya, ako na lang ang gagawa." Nilahad niya ang kamay niya. "Give me your phone."
Napasinghap si Mimi. "Nisha, that's too much!" protesta niya.
Ako naman ay kinuha ko ang cellphone kong nakapatong sa mesa at tinago sa ibaba para hindi niya makuha.
"Mabel," may halong pagbabanta na niyang sabi, hindi pinansin si Mimi.
"This is unecessary, Nish. Huwag mo siyang pilitin kung hindi niya pa kaya," suway ulit ni Mimi sa kaniya. Tinabig na niya ang kamay ni Nisha na nakalahad pa rin sa akin.
"Mimi, kung hindi ko 'to gagawin, habambuhay ganiyan ang kaibigan natin!" giit pa rin niya. Mukhang lalong nainis nang tabigin siya.
"Hayaan mo lang siya. Huwag mong madaliin. Moving on is a process, Nisha. Kung ikaw mabilis makalimot, well, siya hindi. Bawat tao iba-iba ang pacing," katwiran naman ng isa.
Naramdaman ko ang tensiyon sa pagitan nila. Seryoso lang na nakatingin si Mimi habang si Nisha ay mukhang galit na talaga. Aawatin ko sana sila dahil baka dito pa sila mag-away kaso napasinghap na lang ako sa sinabi ni Nisha.
"Eh ano bang alam mo? Never ka pa namang nagkaroon ng jowa. Never ka pang na-broken." Ngumisi siya, tinutuya si Mimi.
"Well, alam kong respetuhin ang mga personal na desisyon ng ibang tao," mariin namang sagot ng isa.
Hindi na nakasagot pa si Nisha kaya pareho na silang nanahimik. Walang umimik sa amin hanggang ng ilang sandali. Hanggang sa nauna nang humingi ng pasensiya si Mimi nang natapos na kaming kumain. Kaya bandang huli ay nagkaayos din sila at kahit papaano ay...naging okay na rin? Hindi na kasi hiningi pa ni Nisha ang cellphone, although may mga pasaring pa rin siya tungkol sa pag-mu-move on ko.
Hanggang tuloy sa pag-uwi ay hindi nawala sa isip ako naging diskusyon nila.
For Mimi, I should take my time. Hayaan ko lang ang panahon ang magpagaling sa akin at hindi ko kailangang magmadali. I have my own pace at hindi ko kailangang makipag-unahan. Hindi ko dapat pilitin ang sarili ko. Parang...go with the flow lang?
While Nisha, on the opposite end, gusto niya itulak ko ang sarili ko sa pag-move on. Na hindi lang dapat ako umasa sa bawat oras na lumilipas. Kailangan, maging goal ko ang paglimot na kailangan kong maabot. Hindi lang ako basta sasabay sa agos ng panahon, pero dapat ay magsagwan din papunta doon.
Sa totoo lang, pareho silang may punto. Although kanina, bias ako sa opinyon ni Mimi dahil iyon na iyon ang ginagawa ko ngayon. Pero...parang ang bagal nga ng progress? Parang wala mang nangyayari? Madalas ay bumabalik ako sa square one pag pakiramdam ko nakailang hakbang na ako.
Kaya siguro kailangan ko ring makinig kay Nisha. Dapat ay iderekta ko rin ang sarili ko at gumawa ng paraan para mapabilis ang paglimot. Hindi yung dadaan lang ang isang araw na ipinapaubaya ko lang sa oras ang lahat. Dahil kung hahayaan ko lang na ganito, baka dumaan na ang ilang taon, wala mang isang metro ang nalakbay ko. Baka manatili lang akong nakakulong sa nakaraan.
"Tandaan mo Mabel, part of moving on ang letting go. Hindi ka makakausad kung kakapit ka lang sa nakaraan. Kailangan mong bumitaw."
Pumasok ulit sa isip ko ang huling sinabi ni Nisha bago kami maghiwalay.
Kailangan kong bumitaw.
Napatango-tango ako sa naisip. Feeling more motivated, kinuha ko ang cellphone ko at binuksan 'yon. Pero iyon pa lang ang ginawa ko, nanghina na kaagad ako. Hinigop ang lahat ng lakas na inipon ko.
Ang bumungad kasi sa akin ay...picture namin ni Luigi. Hindi ko pa pinalitan ang lockscreen ng cellphone ko. At ang mas lalong nagpasikip pa ng puso ko ay nang maalala ko ang nakitang lockscreen sa spare phone niya.
Pero pinilit kong hindi magpaapekto doon, nilabanan ko pa rin ang nararamdaman ko. Push yoursel, Mabel! Iyan ang paalala ko sa sarili. Pinigilan ko ang pagluha, tinatagan ko ulit ang loob ko. Kaso hindi ko na nakontrol pa ang pagragasa ng luha ko nang tuluyan ko nang i-open ang cellphone. Pagka-enter ko ng passcode, picture ulit namin sa home screen ang sumalubong sa akin.
Parang na naman akong hinigop ng nakaraan. Pilit pinasok sa isip ko ang mga alaalang gusto ko nang kalimutan. Dapat ko nang kalimutan. Kaya kahit nanlalabo ang paningin, nagpunta ako sa settings para tanggalin mga 'yon.
Naging madali iyon. Pati rin ang pag-block sa kaniya sa contacts ko at sa mga social media niya, pati na rin sa mga animal niyang kaibigan at kabit. Pero nung mga pictures na namin ang buburahin ko, hindi ko napigiling i-reminisce ang masasayang memories namin. Napahagulgol na naman tuloy ako. Napakasakit kasing isipin na nauwi lang sa wala ang lahat ng pinagsamahan. Parang bang tinapon niya na lang basta-basta. Wala man lang bang halaga 'yon sa kaniya?
Kaya tama si Nisha. Kailangan ko nang mag-let go. Si Luigi kasi, hindi niya lang ako basta binitawan, eh. Pinaikot-ikot niya pa 'ko! Hindi lang siya basta nag-cheat, hindi lang niya ako basta niloko. Minanipula niya pa ako! Kaya ang sakit-sakit! Kasi masasabi ko na talagang hindi na niya ako mahal dahil nagawa niya sa akin 'yon. Wala na akong importansiya. Wala na akong lugar sa buhay niya.
So what's the point of keeping these memories? What's the point of keeping him in my life kung siya na mismo ang umalis?
That's why from now on, I shouldn't feel anything but resentment. I must delete him in my life.
Kaya huminga ako ng malalim at isa-isang sinelect ang pictures. Sumisikip ang puso ko tuwing piinipindot ko ang mukha niya, pero pinapatatag ko ang sarili ko. Nang napindot na ang lahat, lakas-loob kong pinindot ang trash bin. Nanginginig ang mga kamay ko at walang tigil ang pag-agos ng luha ko. Pikit-mata kong pinindot ang delete at pagkatapos ay dinilete ko na rin sa mismong trash bin.
Halos humagulgol ako nang tuluyan nang nawala ang pictures niya. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayaw kong marinig ng mga kasama ko sa bahay. Tinakpan ko ang bibig ko at kinulong ang iyak ko.
Hinila ko ang sarili ko sa pagtulog na gano'n ang kundisyon. Yakap-yakap ang unan na sumasalo lahat ng luhang iniiyak ko, sinumpa kong ito na ang huli. Pinangako ko sarili kong hindi na ako iiyak pa dahil lang sa pesteng lalaking 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top