Chapter 14
Isang oras din akong nakapagpahinga sa clinic habang sinusuri ng physician nila rito. Mabuti na lang at wala naman daw severe na nangyari. Ipahinga ko lang daw. Itutulog ko na lang nga sana dahil masama ang loob kong hindi ko matatapos ang laro. Pinilit ko na lang ngang bumalik si Venn doon para kahit papaano ay pwede niya akong i-sub. Sayang naman kasi ang pinagpaguran namin kung mapupunta lang sa wala dahil sa natamaan ako ng bola.
"Well, well, well. Kumusta ka naman diyan?"
Napaangat ako ng ulo nang narinig ko ang boses ni Paul. Nasa paanan siya ng kama ko, nakahalukipkip at nakangisi sa'kin. Inaasar ba ko nito? Siya kaya batuhin ko ng bola!
"Anong ginagawa mo rito?" Hindi ko na napigilang ilabas ang inis ko sa kaniya.
"Well, gusto ko lang naman ipaalala na may parusa ka pa." Tumayo siya ng maayos at tsaka namulsa, sumeryoso na ang mukha. "Sa staff's lounge," masungit niyang sabi bago ako tinalikuran.
Kaya naman confident akong nag-make face. Kaso, sakto naman at bumaling ulit siya sa'kin! Nakita niya tuloy! Dali-dali kong inayos ang mukha ko kahit huli na.
"Really, Ms. Custodio?" Umiling-iling siya. "Bring your boyfriend."
Boyfriend? "Sinong boyfriend?"
Nginisian niya ako bago tinuro ang pintuan ng clinic. "Siya."
Pagkalingon ko doon, sakto namang dumating si Venn. Hanahabol niya ang kaniyang hininga.
Bubulyawan ko na sana 'tong facilitator kaso naunahan na niya kong magsalita. Nakakainis talaga!
"Sundan niyo 'ko." Nginisian niya muna kami bago siya lumabas.
Pareho kaming naguguluhan ni Venn habang nakasunod sa kaniya. Pero ni isa sa'min ay walang nangahas na magtanong. Namangha na lang ako na unti-unti na kaming palapit sa isang kubo. Maraming pagkain, tapos may mga gamit pang pang decorate! Anong meron?
"We're here." Tumugil siya sa tapat ng kubo.
"Anong gagawin namin?" tanong ko sa kaniya dahil imposible namang para sa'min 'to.
"Ikaw, tutulungan mo ako para ayusin ang set-up dito." Tinuro niya si Venn. "Habang ikaw naman, dalhin mo rito si Jean," utos niya sa'kin.
Wait, medyo naguguluhan ako. So ibig sabihin, para kay Sir Jean 'to? So ... magkakilala sila? Magjowa ba sila?! Paano? Bakit? Nagkagusto si sir sa lalaking 'to?
"Pero huwag mong sabihin sa kaniyang may ganito. Hindi rin pwedeng magsama ng iba. Gumawa ka ng paraan para makapunta siya rito ng mag-isa. Gets mo?"
Wala naman akong choice kung hindi sumunod sa kaniya. Kaya iniwan ko na sila doon para hanapin si sir. Bumalik ako kung saan kami naglaro kanina pero wala na siya doon. PInagtanong-tanong ko pa tuloy at kung saan-saan ako nakarating kakahanap sa kaniya. Tapos nandoon lang pala siya sa bandang dulo ng dalampasigan kung saan maraming rock formations! Nakatingin lang siya sa dagat. Malalim ang iniisip.
Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Napaigtad pa siya nang naramdaman niya ang presensiya ko. Pero nang nakabwi'y nginitian niya ako.
"Uh ... h-hi! Ako si Mabel," pagpapakilala ko, naiilang.
Ayaw ko namang bigla ko na lang sabihing pinapapunta siya ni Paul. Parang ang pangit namang pakinggan lalo na at hindi naman kami magkakilala. Tapos pakiramdam ko kasi, may tampuan sila base sa mood nila kanina. Kung sasabihin kong pinapapunta siya ng jowa niya para suyuin, baka hindi siya magpunta!
"Uhm ... hi?"
"A-ano ... kita ko kasing ka-close ka nila Mickey. Pero tayo hindi pa kaya ... gusto ko sanang maka-close ka?" Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil sa guilt. Kahit naman kasi genuine yung kagustuhan kong makilala siya at maka-close, alam ko sa sarili kong may iba akong motibo kung bakit ko siya nilapitan ngayon.
"Ah gano'n ba? Uh ... thank you?" Ilang siyang tumawa bago binalik sa dagat ang tingin niya.
Tumawa na lang din ako kahit wala namang nakakatawa. Sobrang nakakailang kasi! Ilang sandali rin kaming tahimik dahil wala akong maisip na pwede naming pag-usapan. Kaya nang naalala ko ang nangyari kanina, 'yon na lang ang binuksan kong topic.
"Kumusta pala yung sugat mo?" Tinuro ko ang kamay niya.
Napatingin siya doon at bahagya niyang inangat. "Ito? Okay naman na. Hindi naman gano'n kalaki at kalalim. Gagaling naman 'to kaagad."
Tumango-tango ako. "Mabuti naman. Nag-alala ako nung nakita ko yung dugo kanina."
"Mas kabahan ka pag hindi dumugo. Dahil ibig sabihin, nasa loob ang sugat." Tipid siyang ngumiti habang inoobserbahan ang kamay niya. "Ikaw pala? Kumusta? Pinatamaan ka ng bola kanina, 'di ba?" baling niya sa'kin.
"Ah!" Nagulat ako nang ibalik niya sa'kin ang tanong. At pinatamaan. Sinadya nga siguro ni Cruella 'yun, no? "O-okay naman," sagot ko na lang.
Tumango-tango lang siya bago binalik ang tingin sa dagat. Nakangiti siya, tipid, pero kita naman sa mga mata niya ang lamlam at lungkot.
"May ... pinagdadaanan ka ba?" Nag-aalangan kong tanong na pinagsisihan ko rin naman agad. Apaka invasive! Babawiin ko na sana kaso naunahan niya ko.
"Lahat naman tayo may pinagdadaanan, Mabel." Binalik niya ulit sa'kin ang seryoso niyang tingin. "Pwedeng sa pera, trabaho, sa pamilya, kaibian, o kaya ... sa pag-ibig naman."
Wala na akong nasabi pa. Hindi talaga siya diretsong sumagot. Matalino nga siguro ang lalaking 'to. Unang kita ko pa lang sa kaniya sa trabaho, napansin ko nang napakaseryoso niya. Parang wala siyang time makipagbiruan at kwentuhan! Ilang beses na nga rin siyang niyayang sumama sa'min, kahit pang buong accounting department, hindi talaga siya sumasama. Marami raw kasi siyang trabaho! Kung hindi nga lang siguro siya kinausap ni Sir Len, hindi rin siya sasama rito.
Grabe. Matalino, masipag, guwapo. Kaya naman pala pasuyo-suyo ang Paul kasi triple check 'to! Pero kung ako si sir, huwag siyang marupok. Dasurv mahirapan ang jowa niya! Paiba-iba ng mood tapos mainitin pa ang ulo! Kung ako rin jowa no'n, aawayin ko talaga!
"Pinapunta ka ba rito ni Paolo?" tanong niya bigla! Naniningkit ang mga mata niya at magkasalubong ang mga kilay.
"H-ha?!" Napaatras ako ng bahagya ng nahuli niya ko!
Yawa! Pano niya nahalata? Nako! Ano nang gagawin ko nito? Hindi niya pwedeng malaman ang plano ni Paul. Siyempre kahit naman Team Jean ako, hindi ako pwedeng pumalkpak dito! Baka hindi na talaga ako makabalik ng Manila dahil siguradong lagot ako!
"I knew it." Napabuntonghininga siya at tsaka binalik ang tingin sa dagat.
"U-uy." Kinalabit ko siya pero ayaw niya kong pansinin. "Sorry na. Baka kase mapagalitan ako pag hindi ako sumunod. Alam mo naman siguro ugali ng jowa mo, 'di ba?"
"Jowa?" Napalingon siya sa'kin. "'Yan ba ang sinabi niya sa'yo?" Tumaas ang boses niya. Magkasalubong ang mga kilay at laglag ang panga.
Hala! Hindi sila magjowa? Lagot! Kung ano-ano naman kasi pinag-iisip ko!
"U-uh ... hindi. Hindi. Wala naman siyang sinabing gano'n. Nag-assume lang ako kasi ..." Napatigil ako. Hindi ko pwedeng isuwalat na may surprise!
"Kase?" Tinaas niya ang mga kilay niya, hinihintay ang idudugtong ko.
"Kasi ano ... nag-assume lang ako. Kasi alam mo na, pinakausap ka niya sa'kin ganon," alibi ko. Partly, totoo naman na inassume ko lang dahil wala naman talagang sinabi si Paul.
Naniningkit pa rin ang mga mata niya, ayaw pa rin atang maniwala sa'kin. Ako na tuloy mismo ang napaiwas ng tingin dahil nakakailang siya! Parang bang hinahalukay niya ang deepest secrets ko.
"Never assume unless otherwise stated. As an accountant, you should know that," mariin niyang pangaral.
Napayuko tuloy ako dahil sa pakiramdam ko napahiya ako. Senior accountant namin 'to! Na-lecturan pa tuloy ako dahil sa lintik na Paul na 'to.
"I-I should have know that."
Napaangat ako ng tingin sa kaniya nang narinig ko ang panginginig ng boses niya. Nakatingin na siya sa dagat, mamasamasa ang mga mata. Ilang beses pa siyang lumunok na parang bang may nakaharang sa lalamunan niya.
"Love. I thought love was a beautiful feeling, a gift given to us," panimula niya. "The idea of loving and being loved struckd me when I was a still child. Seeing my parents, the movies we watched, the books I read, I thought I already had the best image of love, printed in my mind."
Napatulala ako dahil sa kwento niya. Kabaligtaran kase ng akin, kabaligtaran ng idea ko ng love noong bata ako. Lumaki kase ako na nag-aaway sina mama, tapos nagkahiwalay kalaunan.
"Growing as a gay boy, all I wished for was to meet the one. The man I will fall for, the man I will cherish, and the man I will love...forever."
Pumasok tuloy si Luigi sa utak ko. Akala ko kase noon, siya na talaga. Kahit pa takot akong magmahal, sinagot ko siya and I took the risk. At masasabi ko rin namang masaya kami...noong una. Akala ko nga rin forever na, eh.
"Pero wala namang forever. That's what I learned when a ton of guys broke my heart, when my parents left me, and when the only person I am holding on to get through those pain ghosted me." May kislap na naman sa mga mata niya na nahulog at dumaan sa pisngi niya.
Napatigil ako doon at napatulala. Hindi ko akalaing may ganito palang pinagdadaanan si Jean. At napagtanto ko, si Paolo kaya ang tinutukoy niyang nang-ghost sa kaniya? O isa siya sa mga lalaking nanakit sa kaniya? Kaya ba may pasuyo siya ngayon para mag-sorry sa nagawa niya?
"And now, I am on the other side of love. Far from the cupcakes, and rainbows, and unicorns. I am now put and left in a dystopian world, far from the paradise I thought what love is."
Tagos sa puso ang sinabi niya, natamaan ako. Kaya hindi ko na namalayan at nahila ko na siya para sa isang mahigpit na yakap. At doon, pareho kaming umiyak habang dinadamayan ang isa't isa.
"M-minsan, napapaisip ako na ang isa bang baklang katulad ko, walang karapatang m-mahalin?" sabi niya sa gitna ng paghikbi.
"Shh, huwag kang mag-isip ng ganiyan. Walang mali sa'yo, okay? Ang may mali ay sila, kase iniwan at sinaktan ka nila. Sinayang nila ang pagkakataong makasama ang isang tulad mo na mabait, masipag, matalino, at higit sa lahat, mapagmahal," pagpapalakas ko ng loob niya.
"Thank you, Mabel."
Humiwalay na kami sa yakapan at napatawa nang nakita namin ang isa't isa. Sa dagat na ulit kami humarap. Tumahimik at dinama ang sariwang hangin. Pinakinggan ang bawat hampas ng alon.
Ngayong alam ko na ang kuwento at pinagdaanan ni Jean, naka-relate ako sa kaniya. Pakiramdam ko halos magkapareho ang pinagdaan namin. Nagmahal at nasaktan kalaunan. Kaya napaisip tuloy ako kung dapat pa ba niyang makausap si Paul? Dadalhin ko pa ba siya doon? Siguro ... siya na dapat ang magdesisyon.
"Ang totoo ... pinapunta ako ni Paul dito para sunduin ka. May ... hinanda kasi siyang surprise dinner," pag-amin ko. Napapikit ako ng mariin dahil siguradong pagagalitan ako at baka masigawan pa!
"Wasn't that supposed to be secret?" Namilong ang mga niya nang ibunyag ko ang plano.
"Ah eh ... naisip ko kasi na nasa sa'yp dapat kung gusto mo ba siyang puntahan para makausap," paliwanag ko. "Kung ayaw mo man, okay lang. Ako na ang bahala—"
"No need." Tumayo siya at pinagpagan ang nadumihang pang-upo. "Kakausapin ko siya."
Nauna na siyang naglakad habang gulat pa rin ako sa desisyon niya. Pero nang hilain na niya, doon na ko tuluyang nakabawi. Dinala ko siya sa lugar kung saan hinanda ni Paul ang surprise niya. Pareho pa kaming namangha ni Jean nang nakita namin ang hinanda nila Venn. Dahil kahit simple man, ang romantic pa ring tignan. May candles, flowers, and seashells from the seashore pa.
Bago pa ko tuluyang makisalo sa dinner nila, pinanlakihan na ako ng mata ni Paul. Tinuro niya pa ang direksiyon paalis gamit ang ulo niya! Haist! Ang sama talaga ng ugali ng lalaking to! Umalis na lang ako dahil wala naman akong balak maging third wheel. Bahala na sila diyan.
"Hi!"
Napaigtad ako nang may bigla na lang sumulpot sa tabi ko.
"Venn!" Hindi ko napigilang paluin siya sa braso sa sobrang gulat. Napahawak pa ko sa puso ko dahil parang akong aatakihin!
"S-sorry! HAHAHAHAHAHA!" Pilit man niyang pigilan, tawa pa rin siya ng tawa. Sorry raw pero ang saya-saya naman! "S-sorry, but your reaction ... your reaction was so epic!"
Gusto kong umaktong naiinis pero hindi ko napigilang mahawa sa tawa niya. Hindi ko mapigilang macutan sa kaniya! Nagmumukha kasi siyang bata! Pero kalaunan ay pinigilan ko ang sarili ko at nagsunit-sungitan.
"Bahala ka diyan! Hmp!" Tinalikuran ko siya at nauna nang naglakad.
"H-hey, wait! I'm sorry!" Hinabol niya ako at hinawakan sa braso para pigilan.
Nakaramdam ako ng kuryente sa paghawak niya kaya mabilis kong binawi ang braso ko. Napaatras din naman siya. Pareho kaming napatigil sa pangyayaring 'yon. Feeling ko tuloy naramdaman din niya?
Hindi, Mabel. Don't assume. Kaibigan lang ang tingin sa'yo ni Venn. Ikaw lang ang nakakaramdam ng ganito. Don't be delusional!
Mabilis ko siyang tinalikuran, piinapangaralan ko ang sarili ko habang naglalakad. Konti na lang ay sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa mga naisip.
"Mabel, wait!"
Hindi ako lumingon. Nahihiya ako, hindi ko alam kung paano siya haharaping ganito ang nararamdaman ko. Dahil ganito ang naiisip ko. Ngayon ko napagtanto na tama sila Liz. May malisya nga pag kasama ko siya. At dahil 'yon sa'kin! Ako ang nagbibigay ng malisya sa friendly gestures niya.
"Mabel!"
Nang hindi pa rin ako lumingon, hinila niya ang braso ko para pigilan. Pero dahil sa pwersa, pareho kaming natumba sa buhangin. Napasigaw ako nang naramdaman ko ang pagka-out of balance. Pero halos masira ang vocal chords ko nang napansin kong nakapatong ako sa kaniya! Mabilis akong gumulong paalis sa pwestong 'yon at naglagay ng espasyo sa pagitan namin.
Pati siya ay mukhang nagulat din. Hindi man niya magawang makatayo. Nakatingin lang siya sa'kin, nanlalaki ang mga mata at laglag ang panga.
"I-I'm sorry, Mabel. I'm so sorry." Mabilis siyang bumangon at inobserbahan na naman ako kung may natamo akong sugat. "May masakit ba?"
Umiling lang ako at tahimik na humarap sa dagat. Pinanood ko ang unti-unting paglubog ng kahel na araw.
"Can we talk?" Naramdaman ko ang pag-usog niya ng konti palapit sa'kin.
Nakaramdam ako ng kaba, hindi ko alam kung bakit. Ramdam niya kaya? Napapansin niya kaya? Halata ba 'ko? Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Kaya hindi na lang ako sumagot dahil baka mapagtanto niyang may nararamdaman na'ko sa kaniya. Pakiramdam ko, isang maling salita lang ay ikakapahamak ko.
"I-I know it's odd to say this here, at this very moment. But ... I feel like this is already the right time?" kabado niyang simula. "Well, I mean, this has been long overdue." At tsaka siya mahinang tumawa. Maybe to ease the tension in the atmosphere?
Kaya ako naguluhan. Ano ang ibig niyang sabihin? Does he know a secret? Tungkol saan? Kay Luigi? Yung lalaking 'yon na naman ba?
"Kung tungkol lang 'yan sa animal mong kaibigan, 'wag na lang," pagtataray ko. Umirap pa ko sa hangin at padarag kong tinupi ang mga tuhod ko.
"No, it's not about him. It's about ... me."
Napalingon tuloy ako sa kaniya, lalong nagulumihanan sa sinabi. Ano'ng ibig niyang sabihin?
"It's about what I've been feeling ... towards you." Humarap siya sa'kin, tumingin diretso sa mga mata ko.
"A-anong ibig mong sabihin?" Lalo akong kinabahan dahil parang pa-suspense pa siya! Hindi ko tuloy alam kung may tinatago ba siyang galit sa'kin o ano.
"Since college, I've been dying to have what we've been doing today. I've been wanting to sit by your side. To laugh heartily with you. To share a meal with you. To talk with you so I would know your thoughts. To help you with your problems. To remove your worries. To ease your pain." Kumislap ang namamasa niyang mga mata sa sinag ng araw.
Sa bawat salitang sinasabi niya, lalong lumilinaw sa isip ko kung ano ang gusto niyang iparating. Bawat emosyong pinapakita niya, nalalaman ko ang nararamdaman niya.
"I may have planted it in the dark, but ... b-but my l-love for you grew, Mabel." Tuluyan nang nahulog ang kaniyang namumuong luha.
Tila tumigil sa pag-ikot ang orasan. Parang akong nabingi sa mahina niyang boses nang sabihin niya 'yon. Pakiramdam ko ay pina-prank lang ako, hindi makapaniwala. Hindi ko tuloy alam kung tama ba ang narinig ko. Tama ba ang pagkakaintindi ko? Masyado na ba 'kong nagde-delusyon?
"You're the one who made me feel what love truly is."
Napaiwas ako ng tingin nang rumagasa ang aking luha. Tiningnan ko na lang ang dagat at ang paglamon nito sa araw. Unti-unti, nawala ang liwanag. Umangat ang buwan ngunit natatabunan naman ng mga ulap.
Habang tahimik kami, ang daming pumasok sa isip ko. Ang dami kong boses na narinig. May mga nagpu-push sa akin kay Venn, ay mga pumipigil. At ako, hati ang nararamdaman ko. Magkaiba ang sinasabi ng utak ko sa sinisigaw ng puso ko. Kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin, hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
Dahil oo, may gusto na rin ako sa kaniya. Mabait siya, palagi niya akong tinutulungan. Noong una kahit sinusungitan ko siya, maayos niya pa rin akong pakitunguhan. Kapag kailangan ko siya, kahit hindi ko pa sabihin at kahit hindi ko siya tawagin, nandiyan siya. He's a good friend, companion, and maybe...a great partner to have.
Pero, kaya ko na bang magmahal? Pwede ko ba siyang mahalin na kaibigan pa mismo ng ex ko? Kaya ko na ba ulit magtiwala?
Naalala ko na naman tuloy ang sinabi ni Albie. Natakot tuloy ako lalo dahil baka magkamali na naman ako. Baka pati si Venn, sirain din ang tiwala ko kalaunan. Lalo na at hindi niya rin sinabi sa akin noon ang panloloko ni Luigi. Pinagtakpan niya ang kaibigan niya kahit alam niyang mali siya.
Tapos pumasok sa isip ko si Jean at ang kwento niya. Ang pagmamahal, ay hindi rin maganda kagaya ng inaakala. May sakit at lungkot din, hindi lang puro saya. At takot na ulit akong masaktan. Takot din akong maiwan.
At tsaka bumalik ang mga alala ko kila papa at Luigi. Naalala ko na ang mukha ng pag-ibig sa una ay hindi nanatili. Kalaunan, ang tao ay magbabago at magbabago kagaya nga ng sinabi ni Kirk. Kaya paano kung magbago rin si Venn? Paano kung years from now, hindi na siya ganito kabait, kamahalalahanin, at kamatulungin. Paano kung pagdaan ng panahon, mawala na rin ang pagmamahal niya sa akin?
Kaya hindi, hindi pa talaga. Hindi ko pa kaya. Hindi pa pwede.
"I-I'm sorry, Venn."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top