Chapter 13

"Kulang na nga kayo, late pa kayo!" sermon sa'min ni Paul. Magkasalubong na naman ang mga kilay niya habang nakatayo ng diretso sa harapan namin.

"Sorry po." Lalo kaming napayukong tatlo.

"Dahil late kayo, disqualified kayo sa second game. Void na ang bye and third place niyo sa game kanina."

Nalaglag ang panga namin sa sinabi niya. Nagkatinginan pa muna kami bago nagreklamo si Matt.

"Pero hindi pa naman namin game, eh," katwiran niya.

"But didn't I told you to come back before 1PM?" Humalukipkip si Paul at tinaasan pa niya ng kilay si Matt.

Kaya nainis ata siya at naangasan sa inasta ni Paul. Masama niyang tiningnan ang facilitator pero mapang-asar lang siyang tinawanan nito. Nginisian pa kami bago tumalikod at binalikan ang mga naglalaro ng Tug-of-War.

Doon ko lang napansin na nakatingin pala silang lahat sa'min. May mga naaawa sa'min kagaya nina Mickey, pero merong ding natatawa kagaya nung grupo ng babaeng maliit. Napatingin ako kay Venn gusto sanang isumbat sa kaniyang yun yung mga sinamahan niya kanina. Kaso napatigil ako nang nakita ko siyang nakanguso habang nakatingin sa'kin.

"Sorry, dahil sa'kin na-late tayo." Malamlam siyang umupo sa bench at yumuko.

"Hala! Hindi mo kasalanan, okay?" Tumabi ako sa kaniya.

"Tsaka gago lang talaga 'yung facilitator na 'yon." Padabog namang umupo si Matt sa tabi ko.

"Pero kung hindi naman ako naligaw, hindi naman tayo male-late. Na-disqualify pa tuloy tayo." Pinatong niya ang siko sa binti niya at nangalumbaba habang malungkot na nakatingin sa mga naglalaro.

"Okay lang! At least makakapagpahinga tayo 'di ba?" pagpapalubag ko ng loob niya.

"But our efforts earlier just got wasted!" Marahas siyang humarap sa'kin.

Magkasalubong ang mga kilay niya. Kaya bahagyang natakpan ang nangingilid niyang luha at namumulang mga mata. Huminga siya ng malalim at tsaka ulit humarap sa mga naglalaro.

"Kirk even got injured just to finish in third. But it all went for nothing! We lost it!" Padabog siyang dumukmo.

Hindi ko tuloy makita kung umiiyak ba siya. Hindi naman gumagalaw ang balikat niya, hindi ko rin naman siya naririnig. Pero malay ko kung tahimik lang siya?

Huminga na lang ako ng malalim para pagaanin ang naninikip kong dibdib. Nalulungkot ako para sa'min. Naawa ako sa kaniya. Nung pabalik kasi kami rito, napag-usapan naming gagalingan namin para dun sa kambal. Na ipapanalo namin ang lahat ng games para kay Kirk. Pero ayaw ko namang sisihin niya ang sarili niya. Kaso hindi ko alam kung paano pagagaanin ang nararamdaman niya. Hindi ako makahanap ng tamang salita para sabihin. Kaya umusog ako palapit sa kaniya at inakbayan siya, maramdaman niya lang na hindi siya mag-isa.

At dahil hindi niya inaasahan, napaangat siya ng ulo para tignan ako. Nanlalaki ang mga mata niya at bahagyang nakabukas ang bibig. Hindi makapaniwalang nakatingin sa'kin.

Kaya napagtanto ko ang ginawa ko at mabilis kong tinanggal ang pagkakaakbay sa kaniya. Baka ayaw niyang dikitan ko siya. At nakakahiya rin namang basta-basta ko na lang siyang inakbayan! I mean kahit friends naman kami, hindi pa sa levels na mag-akbayan? Yung maging touchy, gano'n?

"Sorry." Umusog ako palayo sa kaniya.

"N-no, it's okay." Mabilis siyang umiling at tsaka binalik ulit sa mga naglalaro ang tingin niya. Pero hindi ulit nakatakas sa'kin ang pigil niyang ngiti at pagkagat ng labi.

Parang kanina lang sa ospital! Gano'n na gano'n! Tatanunungin ko na sana siya nang narinig kong nagsigawan yung mga naglalarol. Nang tignan ko sila, nakita kong nagsasaya ang grupo nila Lala. Sila ata ang nanalo sa laro. Pero natigil ang lahat nang sumigaw si Paul.

"Jean!" Mabilis siyang tumakbo at dinaluhan si Jean.

Nakita ko na lang siyang nakaupo sa buhanginan. Namamalipit siya sa sakit habang hawak-hawak ang isa niyang kamay! Kaya napatayo ako at lumapit hanggang sa naaninag kong dumdugo ang kamay niya. Hala! Anong nangyari?

"Th-there's a ... broken glass." Napapakagat na lang siya ng labi sa sobrang sakit.

Napaiwas ako ng tingin dahil pati ako parang nasasaktan sa nakita. Parang bang nasugatan din ako at ang hapdi ng palad ko. At tsaka ayaw ko ring nakakakita ng maraming dugo. Hindi ko kaya. Nanghihina ako.

"Ben!" Bigla na lang sumigaw si Paul.

May nanginginig na binatang lumapit sa kaniya. Dito rin siya sa resort nagtatrabaho dahil magkasing-uniform sila. Naawa naman ako dahil parang maiiyak na siya. Nakayuko lang at hindi siya makatingin kay Paul.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yong siguraduhin mong malinis ang area na 'to ngayon?! Sinabi kong alisin mo ang mga bato at basag na bote, 'di ba?!" Nanlilisik ang mga mata niya at umiigting ang mga panga. Lumilitaw ang mga ugat sa pulang pula niyang mukha tuwing sisigaw siya. Katakot!

"O-opo, Sir Paul." Napayuko siya lalo.

"Oh bakit meron pa?! Nasugatan 'tong isa, oh! May bubog pang nakatusok!" Halos batukan na niya ang binata!

Alam kong may mali siya pero hindi ko mapigilang mainis kay Paul. Pwede naman niyang pagsabihan ng mas maayos. At tsaka seryoso? Dito pa talaga sa harap namin? Hindi dapat niya ipahiya ang mga tao kahit mas mataas ang posisyon niya rito. Pareho silang nagtatrabaho, at for sure napagalitan na rin siya. Alam naman siguro niya ang pakiramdam na masigawan sa harap ng ibang tao.

Nakakainsi talaga 'tong lalaking 'to! 'Wag sanang magka-jowa! Baka sigawan lang nang sigawan! Kawawa naman yung babae pag nagkataon.

"S-sorry po."

"Anong sorry—"

"O-okay lang ako, Paul. Papagamot ko lang 'to si clinic," pigil ni Sir Jean sa kaniya, naawa na rin siguro.

"Samahan ko na po siyang magpunta ng clinic," paalam naman nung isa niyang kagrupo na lalaki. Inakbay niya sa kaniya ang braso dahil mukhang napilayan sir Jean 'to at umiikang maglakad.

Marahas na bumuga ng hininga si Paul kaya napatingin ulit kami sa kaniya. Nakina sir pa rin ang tingin niya, nanlilisik ang mga mata. Kaya nang ibalik niya ulit ang mga mata niya dun sa binata, napayuko ulit 'yon at bumalik ang panginginig.

"Siguraduhin mong malinis 'to pagkabalik namin mamaya. Naiintindihan mo?!"

"O-opo, sir." Mabibilis na tumango yung binata.

"The LiabiliTeam won the final match. They won again on the second game," anunsiyo niya sa'min.

Tinuloy nila Lala ang celebration nilang naudlot kanina. Nag-apir-apir pa sila at sinigaw ulit ang cheer. Kaya hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng inggit. Hindi ko rin maiwasang isipin na kung paano, nakapaglaro kami. Mananalo kaya kami kahit tatlo lang kaming present? Hindi ko alam. Pero mas maganda nga sana kung nakalaban man lang sana kami.

"Come back mamayang 3 PM for your last game! Ayaw ko nang may ma-late!" Masama niya munang tiningan ang grupo namin bago siya umalis.

Ang sama talaga non! Nakakainis!

"Tara, let's eat lunch muna?" yaya sa'kin ni Venn.

Tumango ako at naunang naglakad sa kaniya papunta ulit sa kanina. Nagugutom na rin kasi ako dahil hindi kami nakakain kanina. Dahil nga galing kaming ospital tapos na-late pa ng balik, wala na kaming time. Baka bugahan na talaga kami ng apoy nung Paul na 'yon!

"Uuuyy! Sabay silang mag-lunch!"

Napairap na lang ako nang nakarinig ako ng mga dimunyu! Sa mga ngiti pa lang nila, alam kong mang-aasar na naman ang mga 'to. Ay nako, tignan mo nga naman ang layo ng narating nila. Hanggang dito sa Zambales nang-aasar pa rin sila! Akala ko pa naman tumigil na sila.

"Kayo ha, solo moment," asar sa'min ni Mickey pagkaupo niya sa harap namin.

"Sinong gusto niyong kasabay kong kumain? Kayo? Eh nag-lunch na kayo," katwiran ko. "Kayo talaga, ang malisyoso niyo." Sinamaan ko sila ng tingin para senyasang tumigil na sa pang-aasar.

"Hindi kami malisyoso, sadyang may malisya lang talaga!" Naghagikgikan sila dahil sa sinabi ni Lala.

Mas lalo ko silang sinamaan ng tingin para tumigil. Naiinis ako kasi parang hindi ko man sila pinagsabihan. Nakakahiya kasi kay Venn! Baka isipin pa niya ... may hidden feelings ako sa kaniya. Baka akala niya may kinukwento ako sa kanila. Tapos ma-awkward pa siya dahil lang sa pang-aasar ng mga 'to.

"Oh siya, bigyan na nga namin kayo ng privacy. Bye na!" May pang-aasar pa ring sabi ni Liz. Nakangisi siya habang patagilid na nakatingin sa'min!

Kaya nagtawanan na naman sila bago tumayo. Akala ko magiging payapa na ang pagkain namin. Kaso habang paalis naman sila, hindi pa rin nalawa ang mapang-asar nilang ngisi at tingin sa'min! Muntikan pang matisod si Liz dahil sa'min pa rin siya nakatingin! Mabuti na lang at nahawakan kaagad siya nung dalawa. Kung hindi, tatawa talaga ako ng malakas! Hmp!

"Sorry sa mga pinagsasabi nila, ah? Hayaan mo, pagsasabihan ko pa sila," hingi ko agad ng pasensiya kay Venn nang nawala na sila sa paningin ko.

Napatingin siya sa'kin, bahagyang nakabukas ang bibig. Mabilis siyang umiling at bahagyang ngumiti. "No, no, it's okay lang. You don't have to apologize."

"Are you sure?" paninigurado ko. Kilala ko ang isang 'to, hindi siya nagsasabi kahit hindi okay sa kaniya.

"Yeah."

Hindi ko na lang siya pinilit, alam ko namang mahiyain siya. Kakausapin ko pa rin yung tatlo kahit sabihin niyang okay lang sa kaniya. Kasi sabihin man nilang nagbibiro lang sila, hindi naman lahat ng biro ay tama at nakakatawa. Okay lang naman magpatawa, pero sana maging sensitive lang at huminto pag pinapatigil na.

"Stop thinking about it. Okay lang talaga, Mabel. Continue eating."

Hindi ko alam na napatulala na pala ako! Natawa tuloy sa'kin 'to nang napaigtad ako. Kaya masama siyang tinignan. Walang hiya siya, siya na nga 'tong inaalala ko tapos tatawanan niya lang ako? Ang tindi! Bahala siya diyan, hmp!

"Sino namang nagsabing 'yun ang iniisip ko?" Umirap ako sa hangin bago tinuloy ang pagkain kaya lalo siyang natawa.

"Okay, sabi mo eh." Nagkibit balikat siya at pababang ngumiti!

"Aba! Marunong ka nang gumanyan, ah!" Kinurot ko siya braso. Nagiging pilyo na siya!

Lalo siyang natawa at lumayo sa'kin. Kaya hindi ko siya tinigilan at pinagkukurot. Sinubukan niyang sanggain pero hindi pa rin ako nagpatinag. Kaya halos mahulog na siya sa upuan makaiwas lang. Nawili tuloy ako dahil gustong gusto ko siyang nakikita at naririnig na tumatawa. Gusto ko ang napakalaki niyang ngiti kung saan hindi na makita ang mga mata niya. Nacucutan ako! Mukha lang talaga siyang bata pag ganito. Gusto ko ngang abutin ang pisngi niya para kurutin kaso baka magalusan ko! Sayang naman ang face.

"Ehem!"

Napatigil kami sa pagkukulitan at napatingin sa harap namin. Asungot lang pala, akala ko naman kung sino. Ano naman kaya ang ganap nito? Nakahalukipkip pa siya at nakataas ang isang kilay. Jowa ba 'to ni Venn? Kung makatingin sa'kin akala mo inagawan ko siya.

"Yes?" pagtataray ko rin. Hindi lang siya ang may karapatang umasta ng ganiyan!

"Pinapatipon na tayo ni Paul, magsisimula na raw ang last game. Baka ma-late na naman kayo kakaharutan niyo diyan." Inirapan niya ako bago tumalikod at nagdadabog na umalis.

Ano namang problema non? May gusto nga siguro 'yon kay Venn! Akala naman niya maganda siya? Eh hindi naman siya ang tipo ng lalaking 'to! Alam ko ang mga babaeng gusto niya. Yung mga simple lang at mababait. Parang ako! Hindi kagaya niya na mukhang pinaliit na Cruella de Vil animated version!

"Let's go. Baka ma-disqualify na naman tayo."

***

"For your last game, you will play beach volleyball!"

Napalunok ako nang nakita ang naka-set up na net sa likod niya. Hindi ako marunong maglaro nito! In fact, wala talaga akong alam laruing sports. Mabuti na lang mukhang sporty 'tong mga ka-team ko. Kaso hindi ko pa nakitang maglaro ng volleyball si Venn, basketball pa lang. Kaya sana marunong si Matt para naman makabawi pa kami.

"Two players each team. One set per game. The first team to score 21 points wins," paliwanag niua sa mechanics. "For the set of rules, makinig kayong mabuti dahil maghihigpit kami. So first, you're not allowed to touch the net. Second, prolonged contact with ball is not allowed, meaning, bawal niyo hawakan o ibato ang bola na parang dodge ball. And lastly, substitution is allowed."

Nagkatinginan kaming tatlo at natawa na lang. Alam na namin ang kapalaran ng team namin.

"Paano natin 'to masu-survive?"

Tatlo lang kami kaya siguradong kaagad kaming mapapagod. Mabuti na lang nga at two players lang ang kailngan at pwede ang substitution. Kaya sana kahit isang laro man lang maipanalo namin para hindi nakakahiya. At para na rin kay Kirk bilang pambawi sa pagkakapilay niya at hindi namin paglaro kanina.

"Kaya natin 'to, tiwala lang." Hinawakan ni Venn ang kamay ko at tsaka ako nginitian.

Hindi ko napigilang mapangiti. Lumakas ang loob ko kahit papaano.

"Wow naman! Kagrupo niyo rin ako, oy!" sita sa'min ni Matt.

Napabitaw tuloy kami ni Venn sa kamay ng isa't isa. Hindi na magkatinginan pa. Nakaramdam kami ng ilangan at naglagay ng konting espasyo sa pagitan naming dalawa. Sa harap na lang ako tumingin at pasimpleng sinamaan ng tingin si Matt. Ayaw niya kasing tumigil! Isa pa siya, eh!

"Since disqualified ang ... 4XY1XX." Kumunot ang noo niya habang binabasa ang group name namin at napatingin pa sa'min.

Natawa tuloy ang iba naming kasama. Ang weird nga naman group name namin. Parang bang gawa ng mga alien.

"Tunog pornsite talaga, eh."

Pasimple ko siyang tinignan ng masama. Baka marinig pa siya ni Paul at baka pagalitan na naman kami. Baka kunwari wholesome at R-13 siya eh naninigaw naman ng bata!

"They are considered fifth on the second game."

Nanlumo ako sa narinig. Nasayang nga pala talaga ang ginawa namin kaninang first game? Kaya hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansina ng mga pinagsasabi ni Paul. Ang alam ko lang ay first game kami laban kina Liz na nasa fourth place. Tapos kung ano-ano na pinagsasabi niya.

"Let's use this loss as a motivation."

Napaangat ako ng ulo nang hawakan ni Venn ang braso ko. Nakangiti siya sa'kin at pinalakas ulit ang loob ko.

Kaya tumango ako at sinabing, "Ipanalo rin natin 'to para sa kambal."

"Let's go Chromosomes!" Nilahad ni Matt ang kamay niya sa gitna kaya pinatong namin doon ang palad namin.

"Let's go!"

Pumwesto na kami sa court at nag-toss coin muna. Kami ang panalo kaya pinili naming maunang mag-serve ng ball. Kasi ... wala lang, feel namin 'yon ang tamang gawin. Wala naman kasing marunong sa'min! Sabi lang kasi ni Matt, sa jump ball daw sa basketball, dapat makuha ang bola para maunang humawak non at makapuntos. Kaya baka raw magandang mauna ring mag-serve sa volleyball.

Pinalakas muna ulit namin ang loob ng isa't isa bago nagsimula ang game. Silang dalawa muna ang pumasok at si Matt ang nag-serve. Pero masyadong malakas ang palo niya kaya lumabas ng linya! Nasapo na lang niya ang mukha niya sa frustration dahil sa kabila ang puntos. Sila na rin ang magse-serve.

"Go Matt! Okay lang 'yan!" Nag-cheer na lang ako para hindi siya panghinaan.

Lumingon naman siya sa'kin, nginitian ako at nag-thumbs up. Pero nanag ilipat ko ang tingin ko kay Venn, nakayuko lang siya at sinisipa-sipa ang buhangin. Nang inangat niya ang ulo niya, napansin kong nakanguso siya. Malungkot din siguro dahil hindi kami nakapuntos.

Kaya pati siya ay naisipan ko na ring i-cheer. Tinaas ko pa ang dalawang kamay ko at sumigaw, "Go Venn! Kaya mo 'yan!"

Napatingin din siya sa'kin at ngumiti. Nag-thumbs up din siya bago humarap sa mga kalaban para hintayin ang serve nila. Nang paluin ang bola, sinundan 'yon ng mga mata ko at inakalang lalagpas dahil malakas din ang palo. Kaya siguro hindi na hinabol pa ni Venn. Kaso pasok pala kaya sa kabila na naman ang puntos!

Naging mahirap ang umpisa ng laro namin—nila. Sunod-sunod ang serve na hindi na-recive kaya ang score ngayon ay 10-3. Mabuti na lang at matangkad ang dalawang 'to kaya naka-block sila ng dalawang beses. Tapos yung isang puntos ay service error pa. Kaya kahit wala kaming kaalam-alam sa volleyball, nag-time out kami para mag-strategize.

"Akala ko pa naman mapapagod tayo. Hindi man tayo pinagpawisan, oh! Eh kung basketball 'to, 'di ba?" pagyayabang pa ni Matt akala mo hindi kami tambak!

"Eh pa'no kayo pagpapawisan kung hindi niyo hinahabol yung bola?! Hindi 'yon kusang lalapit sainyo!" sermon ko.

Pa'no ba kasi, pagka-serve hindi man nila sinubukang habulin man lang. Pag hindi sa direksiyon nila ang punta, tatayo lang sila na parang tuod! Kung hindi lang nasaktuhan, hindi sila makaka-receive!

"Ang hirap kaya!" katwiran pa ng dambuhalang 'to.

"Pag sure! Eh sa baketball nga ang galing niyong makipag-agawan ng bola! Tapos maghabol lang ng volleyball hindi niyo magawa? Oh come on!" pang-aasar ko.

Kilala ko ang mga lalaki. Matataas ang ego nila! Ayaw nilang natatapakan 'yon. Kaya oo, ito ang nasisip kong strategy. Tignan natin kung hindi pa nila habulin ang bola!

Nagkatinginan silang dalawa at tumango sa isa't isa. Nang tingnan nila ako, napakaseryoso na nila. Kung kanina, nakangisi lang si Matt at maangas na nakatayo sa gitna ng court. Habang si Venn naman ay pangiti-ngiti lang na ang cute. Ngayon game face on na!

Sana nga lang epektibo 'yan. Baka naman puro sa mukha lang tapos parang na naman silang inugat sa kinatatayuan mamaya! Nako talaga. Babatuhin ko na sila ng bola para naman gumalaw-galaw na sila!

"Watch and learn, Mabel." Maangas niyang tinuro ang mga mata niya at pagkatapos ang mga mata ko naman gamit ang dalawa niyang daliri.

"Pag-cheer mo kami." Matamis naman akong nginitian ni Venn.

"Sabi ko serious mode, eh!" Pabiro siyang binatukan ni Matt kaya pare-pareho kaming natawa.

Bumalik na sila sa court nang natapos na ang alotted time for time-out. Ang kabila ang magse-serve kaya inabangan ko kung hahabulin na ba talaga nila ang bola. Tutok na tutok ako, mula sa pag-serve, pagtaas ng bola, pagdaan sa ibabaw ng net, hanggang sa ... dumugpa siya sa lupa! Ay, Dios ku dai!

"HOY! NASA'N NA YUNG WATCH AND LEARN?! PURO WATCH LANG AKO RITO, WALANG LEARN!" Hindi ko na napigilan dahil sa frustration! Nako, isang sablay na lang talaga magsa-substitute na'ko!

"Sandali lang, Mabel! Ikaw kaya ang maglaro dito?!" sigaw pabalik ni Matt. Lumapit pa siya ng bahagya at dinuro pa 'ko! Ang kapal naghahamon pa ata ng away!

"Oh! Oh! Mamaya na kayo mag-away!" suway sa'min ni Paul.

"Mamaya na kayo mag-away pag talo na kayo!" dagdag pa nung lalaki sa kabilang grupo at tsaka siya tumawa nang tumawa! Pero napatigil siya nang tignan namin siya ni Matt ng masama.

"Aba! Humanda ka sa'kin, payat na Majin Buu! Sisiguraduhin kong tataba ka dahil papakainin kita ng alikabok!"

Nang pumito si Paul, nag-serve na ang kabila. Inabang ko ulit ang bola at tinignan kung saan pupunta. Sa direksiyon ni Matt! At ang bogo, wala atang balak i-receive! Mabuti na lang tumakbo si Venn at nag-dive para isalba ang bola. Tapos nang tumalbog 'yon papunta kay Matt, patalikod niyang ni-receive palipat sa kabila. Nang paluin ng kalaban pabalik sa kanila, binlcok nila kaya nakapuntos kami!

"YEEEEY!" Napatayo pa 'ko sa sobrang tuwa!

Sumiigaw din si Matt at tumalon-talon pa habang nakataas ang dalawang kamay. Habang si Venn naman ay nakaupo pa rin sa buhangin, tuwang tuwa at hindi na makita ang mga mata. Kaya mas lumaki ang ngiti ko sa proud ko sa kaniya. Hinabol niya talaga ang bola at sumubsob pa! Eh yung kakampi niya puro yabang lang. Ang sabi pakakainin ng alikabok si Majin Buu. Pero bandang huli yung kasangga niya ang kumain ng buhangin! Amaw talaga!

Pero mabuti na lang at nagtuloy-tuloy ang pagpuntos namin hanggang sa nagdikit ang scores. Isa na lang ang lamang ng kalaban. Kaya siguro naisipan nilang mag-time out at mukhang sila naman ang nag-aaway ngayon. Awayin niyo si Majin Buu! Hmp!

Inabutan ko sila ng tubig pagkabalik nila sa side namin. Ngayon ay deserve na talaga nila kasi hinihingal at pinagpapawisan na talaga sila. Kaya kinuha ko yung bimpo para punasan ang pawis ni Venn at pagpagin yung alikabok sa katawan at damit niya.

"Aba! Parang supportive girlfriend lang, ah?" pang-aasar na naman ni Matt. Kahit umiinom ay kita pa rin ang ngisi sa labi niya!

"Manahimik ka nga!" Binato ko sa kaniya yung isa pang bimpo.

Tinawanan niya lang ako at tsaka pinunasan ang sarili. Sinamaan ko lang siya ng tingin bago ko binalik kay Venn. Nagtaka ako nang nakita ko siyang nakayuko at namumula. Hala baka naiinitan 'to o nahihilo!

"Okay ka lang ba? Naiinitan ka ba?" Pinaypayan ko siya gamit ang kamay ko kasi wala akong mahanap na pwedeng gamitin.

Mabilis niyang inangat ang ulo niya at napatulala pa saglit. Pero nang nakabawi, tipid niya akong nginitian at tumango. "O-okay lang ako."

"Sigurado ka ba? Pwede kitang i-sub." Hindi maalis ang pag-aalala ko. Baka kasi bigla na lang siyang mahimatay o ano. Hindi naman 'to olympics para ikapahamak pa niya.

"Okay lang talaga ako." Isang tango pa ulit ang ginawa niya bago siya tumalikod at bumalik sa court.

Naging mainit ang laban kase pareho nang determinado ang players. Kung kanina ay easy-easy lang, isang palo puntos agad, ngayon medyo tumatagal na ang palitan ng bola. Kaya natuwa naman ako at hindi talaga nagpatalo yung dalawa. I'm a proud teammate!

At bandang huli, kami pa ang nanalo! Napatayo tuloy ako at tumalon-talon! Akalain mo nga naman, kanina tambak kami tapos kami pa pala ang mananalo bandang huli. Kailangan lang palang mang-asar ni Majin Buu para umayos ang dalawang 'to!

Inabutan ko ulit sila ng tubig at bimpo pagkabalik nila sa pwesto namin. Hindi ko na pinausan ang pawis ni Venn dahil baka bigyan na naman ng malisya ni Matt! Naku! Magsama-sama sila nila Lala!

"Oh, nabilib ka sa'min, no?" Nameywang si Matt. Nakataas pa ang isa niyang kilay at nakangisi!

"Pa'no naman ako bibilib sa'yo puro yabang ka lang," pambabara ko sa kaniya, baka kase lumaki ang ulo. "Kay Venn lang ako bumilib!" Inakbayan ko pa si Venn kahit ang hirap dahil sa laki ng height difference namin.

"Wushoo! May gusto ka lang kay Venn kaya ka bilib sa kaniya, eh!" pang-aasar niya!

Ang lakas pa ng pagkakasabi niya! Napatingin tuloy sa'min yung iba at nakiasar din. Nangibabaw pa yung tatlo! Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin, nanigas lang ako! Ilang beses kong sinubukang ibuka ang bibig ko para patigilin sila.

"Quiet! Parang kayong mga high school!" Napatahimik silang lahat nang umalingawngaw ang boses ni Paul. "Simulan na natin ang next game!"

Ang team nina Lala at Sir Jean ang naglaban sa second game. Naging sobrang dali lang ng laro para sa LiabiliTeam dahil marunong pala si Cruella! Akalain mo nga naman 'yon, mas malakas pa ang palo niya kesa sa appeal niya! At least may maipagmamalaki naman pala siya since kulang siya sa height.

Kaya mas motivated akong manalo sa next game namin laban kina Mickey. Gusto kong makalaban si Cruella sa finals kahit alam kong hindi ako mananalo sa kaniya. Kaya this time, ako ang pumasok at si Matt ang pinaupo namin kase wala naman siyang ganap. Baka mag-ala tuod na naman siya.

Nang pumwesto na kami sa court, medyo nakaramdam ako ng kaba at nawala ang lakas ng loob ko kanina. Kaya huminga ako ng malalim at nag-focus. Pero nang tumingin ako sa kabilang court, hindi ko napigilang matawa kase tawa nang tawa si Mickey! Yung tawa niya kasi nakakahawa! Kaya kahit hindi ko alam kung ano ang nakakatawa, natawa pa rin ako.

Iyon pala ay strategy lang nila 'yon! Nagulat ako nang pumito na ang facilitator na referee namin ngayon. Kaya nakapag-serve na ang teammate ni Mickey nang humarap ako. Buti na lang at kinapos! Hindi man lang lumipat sa side namin kaya tawa na naman kami nang tawa. Pati yung nag-serve natawa na lang din.

Dahil doon, sa'min ang first point at ako na ang magse-serve. Kaso masyadong mababa kaya natamaan yung net! At nagtuloy-tuloy ang ganon, lagpas kalahati ng puntos namin ay dahil sa service error. Kaya buong laro ay mukha lang kaming tanga na tawa nang tawa! Halos maglupasay na sa buhangin si Mickey kakatawa kaya pinalitan siya. Pero kahit ganon, kami pa rin ang nanalo!

"Ang galing!" Lumapit agad ako kay Venn at nakipag-apir sa kaniya. Siya lang kasi ang nagdala sa laro namin.

"You did great as well," pang-eechos pa niya. Pasalamat siya ang cute ng ngiti niya.

Pinagpahinga muna kami saglit bago ang final match. Ginamit namin ang oras na 'yon para pag-usapan ang magiging strategy namin since marunong nga sina Lala at Cruella. At ang napagdesisyunan namin ay kaming dalawa muna ni Venn ang maglalaro. Tapos sa bandang gitna ng game, magsa-substitue si Matt. Pag konti lang ang lamang sa'min, si Venn ang papalitan niya. Pero pag tambak, ako ang papalitan.

"Okay, let's start the final match!"

Pumwesto na kaming dalawa ni Venn at hinintay ang toss coin. Head kami, tail sila at iyon ang lumabas. Pinili nilang maunang mag-serve, at si Cruella ang gumawa non. Tinignan ko siya ng mabuti at inabangan ang gagawin niya.

Malakas ang palo niya pero calculated. Sa'kin papunta ang bola kaya umatras ako ng konti para ma-receive 'yon. Mabuti na lang at kahit masakit, na-receive naman kaya na-set ni Venn. Hindi naman talaga siya marunong. Nakita lang namin kanina kila Lala kaya inobserbahan niya at sinubukang gayahin. Hindi namin alam kung tama, pero tumalbog naman yung bola at napalo ko papunta sa kabila.

Pero na-receive ni Cruella, sinet ni Lala, tapos pinalo ni Cruella papunta sa side namin. Akala namin sa direksiyon ni Venn niya ibibigay. Kaya nagulat ako at hindi alam ang gagawin nang sa'kin pala! Tumayo na lang ako at sinubukang i-receive. Kaso tumalbog papuntang ibang direksiyon kaya sa kanila ang puntos. Nginisian pa ako ni Cruella bago siya tumalikod at nakipag-apir kay Lala.

Napahinga ako ng malalim at inisip na unang puntos pa lang naman 'yon. Kaya pa naman siguro naming mabawi. Kaya nang pumwesto na ulit si Cruella sa labas ng linya para mag-serve, naghanda na ulit ako. Ang goal ay mahabol ang bola at ma-receive. Kaya pagka-serve niya, tinutukan ko ang bola. At nang na-receive ko, ginawa ulit namin ang ginawa namin kanina. Pero ngayon, pumwesto na malapit sa net si Venn kaya na-block niya ang attack ni Lala.

Sa'min ang ikalawang puntos kaya lalong lumakas ang loob namin. Pero pagkatapos non, hindi na ulit kami nakaisa pa! At pansin ko, ako lagi ang puntirya ni Cruella. Iniisip niya atang mahina ako kaya ganon. Good strategy naman. Kaya dapat makaisip ako ng strategy namin. Ano kaya?

Habang naka-timeout kami, napatingin ako kay Venn nang buhusan niya ang sarili niya ng tubig. Bumakat tuloy ang katawan niya ngayon sa suot niyang t-shirt! Napaiwas ako ng tingin dahil puti 'yon, kitang kita ang katawan niya. Kaya huminga ako ng malalim at pumikit para makapag-focus.

Makapag-focus ...

Focus! Kailangan mawala sa focus si Cruella! Para sa ganon, mas madali siyang puntiryahin. At para gawin 'yon ... napatingin ulit ako kay Venn. Nagpupunas siya ng pawis ngayon at basa pa rin ang damit niya. Napatango ako sa naisip ko at napangisi.

"Ang basa at dumi na ng damit mo. Tanggalin mo na lang," utos ko sa kaniya.

Napatingin tuloy siya sa'kin at napatigil sa pagpupunas. Hinila ko pa ang dulo ng damit niya para makabawi siya sa pagkakagulat. Napakurap-kurap siya at tsaka tinignan ang damit pagkatapos.

"Uy, Mabel! Pumaparaan ka lang, eh!" pang-aasar na naman ni Matt sa'kin. Eto kung makaasar akala mo super close na kami!

"Ano'ng pumaparaan naman? Ang pawis-pawis na niya kaya at ang dumi na ng damit! Pa'no kung makasakit pa siya?" pagdadahilan ko, nanlalaki ang mga mata para manahimik na siya.

Tumawa lang siya at sumenyas na zinipper ang labi. Inirapan ko siya bago ko binaling ulit ang tingin ko kay Venn. Gulong gulo pa rin siya sa pinapagawa ko kaya tumango ako at tinaas ang damit niya ng konti. Kaya nag-alangan man, tinanggal niya ang damit niya.

Bandang huli, ako pa ang napatulala nang nakita ko ang katawan niya. Grabe, ilang buwan lang kaming hindi nagkita lumaki na pala ng ganito ang katawan niya? Sa gym ba 'to tumatambay o ano? Dati kasi, hindi siya ganito ka-lean. Pero ngayon, well-defined ang ... abs niya.

"Uh ... Mabel?" Winagayway niya ang kamay niya sa harap ko kaya nawala ako sa pagkakatulala.

Grabe! Nakakahiya! Ang tagal ko atang tinitigan ang katawan niya. Sa sobrang hiya hindi ko na siya matignan ng diretso ngayon. Iniiwasan kong makita kahit anino niya kase kita rin doon ang katawan niya! Humagikgik tuloy 'tong si Matt tapos narinig ko pang nang-asar si Mickey! Ang layo na nga niya pero nakita niya pa rin ako!

"Ehem! Tara na." Nauna na akong bumalik sa court.

Pagkabalik ni Cruella sa court, inabangan ko ang magiging reaksiyon niya sa surprise ko. Kaya natuwa ako nang hindi ako nabigo. Napangisi ako nang napatulala siya nang nakita si Venn. Kaya niyugyog pa siya ni Lala para bumalik sa kasalukuyang panahon. Masyado kasing nawili sa katawan ni Venn!

Naghanda na ako nang pumwesto na sila at naghanda nang mag-serve si Cruella. Habang hinihintay niya ang pagpito, patingin-tingin pa rin siya kay Venn. Kaya sinenyasan ko si Venn na mag-receive rin. Nang ginawa niya ang arm position, nag-flex ang braso niya. Pati tuloy ako napatulala at hindi ko nakita na nag-touch sa net ang bola!

Tagumpay ang plano! Sa wakas, nakadalawang puntos na kami! At ngayon, si Venn na ang mgase-serve. Na-receive naman 'yon ni Lala. Pero ang Cruella, late ang reaction kaya hindi na nahabol ang bola!

Ilang ulit pang nangyari 'yon kaya umabot pa kami ng anim na puntos. Tapos nung magba-block dapat si Venn, hindi naman napalo ni Cruella kaya seven points na.

At bago sila nag-timeout, napunta sa kabilang side ng net si Venn para habulin ang bola. Sakto naman, sa side pa talaga ni Cruella kaya may live viewing! Nagsalubong ang kilay ko nang napangiti pa siya! Kaya nang bumalik sa side namin ang bola, pinalo ko papunta sa kaniya dahil alam kong distracted na naman ang gaga. Kaya ayun, nakahabol pa kami at naging 9-12 ang score.

Matutuwa sana ako dahil epektibo ang plano. Kaso ako mismo na-didistract din minsan! Although nakapuntos kami, parang may backfire sa'kin! Hindi ko nga alam kung bakit sa kaniya nadi-distract ako? Eh ang dami namang naka-topless dito. Mismong si Matt na mas malaki ang katawan, wala namang epekto sa'kin! Kaya bakit ganito?

"Venn, suotin mo na ulit yung t-shirt," utos ko sa kaniya. Hindi ko siya tinignan at tinuon lang sa pag-inom ng tubig.

"Ha?" pagtataka niya.

"Suotin mo na yung damit mo, tuyo na 'yan."

"Bakit mo na pinapasuot? Distracted si Sasha, oh. Mananalo tayo."

Naptingin ako kay Matt nang nagsalita siya. Nagtaka pa ako dahil napakesryoso niya ngayon. Eh kanina lang pangiti-ngiti siya at nang-aasar pa! Ano naman kaya ang nangyari rito?

"A-ayaw kong manalo sa ganong paaran no." Napaiwas ako ng tingin.

"Malapit na ang lamang, isa-substitute ko na si Venn."

"H-ha?" Napaatras ako nang bigla siyang tumayo at nag-stretching! Mukha siyang may babanatan!

"Napag-usapan natin kanina, 'di ba? Sa kalagitnaan ng game, magsa-substitute ako." Tinaasan niya ako ng kilay.

Ay oo nga pala. Tatango na sana ako nang sumabat si Venn. Saglit ko siyang tinignan at nakahinga ako ng maluwag nang may suot na siyang damit.

"Pero nakuha na namin ang groove at ilang beses nang nakapuntos. I think it would be a bad strategy kung bigla tayong magaplit kahit nagwo-work naman," pagtutol niya.

Sang-ayon naman ako sa kaniya, lalo na at sa aming tatlo siya talaga ang may pakinabang. Pero ngayong nakakatingin na 'ko sa kaniya, mas nakita ko kung ga'no na siya ka-exhausted. At ngayon ko lang na-realize, kanina pa siya naglalaro. Nakapagpahinga lang siya nung lumaban ang ibang team. Pero sa bawat match namin, naglaro siya. Baka mapano pa siya, lalo na at sobrang init!

"P-pero kanina ka pa naglalaro, Venn. Magpahinga ka muna."

Bahagyang lumaki ang mata niya, hindi niya siguro inasahang kay Matt ako sasang-ayon. Dahil sa totoo lang, mas gusto ko talagang siya ang kasama ko. Pero ayaw ko namang magkasakit pa siya dahil lang sa team building. Baka mamaya bigla na lang siyang mahimatay.

"Kaya ko pa naman," pilit niya.

"Alam ko naman 'yon. Pero ayaw naming ipilit mo pa. Remember, team tayo rito. Tatlo na lang nga tayo, hindi pa tayo magtutulungan?"

Magsasalita pa sana siya, pero bandang huli ay sinara na lang niya ang labi niya. Huminga siya ng malalim at yumuko. Mukhang ayaw niya talaga pero tumango na lang. Pagod na rin siguro talaga siya kaya pumayag na lang.

"Sige, substitute mo 'ko," baling niya kay Matt.

Tumango lang yung isa at tsaka dumeretso sa court. Nagtaka naman kami sa inasta niya pero hindi na pinansin pa.

"Uh ... good luck?"

Bumaling ako sa kaniya at nginitain siya. "Thank you."

Susunod na sana ako kay Matt nang tapikin ni Venn ang ulo ko. Napatigil ako at napatulala nang ngitian niya pa'ko.

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam pero naramdaman ko na parang kinikiliti ako sa tiyan. Parang akong magkakasakit!

"M-Mabel?" Winagayway niya ang kamay niya sa harap ko. "Okay ka lang ba?"

Mabilis kong iniwas ang tingin ko. Hindi ko siya matignan sa pagkailang. Hindi ko kasi alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko? May mali, eh. May kakaiba. May hindi tama. Alam kong naramdaman ko na 'to dati.

Attracted ba ko kay Venn? May ... crush na ba ko sa kaniya? Yawa! Hindi pwede! Magkaibigan kami. Kaibigan niya ang ex ko! Yung ex kong nanloko sa'kin na tinulungan pa niyang pagtakpan! Kaya hindi pwede! No! Mabel, stop!

"Mabel!" Napaigtad ako nang tawagin ako ni Matt. Naka-ready na siya sa pwesto niya at pati na rin ang kabilang team.

Kanina pa ata sila handa at ako na lang ang hinihintay. Kaya mabilisan ko lang nginitian si Venn bago ako tumkbo papunta sa pwesto ko. Masama na naman ang tingin sa'kin ni Cruella, mukhang naayos na nila. Habang itong kakampi ko naman ay mukhang wala na talaga sa mood. Inip niya akong tinignan habang hawak ang bola, handa nang mag-serve. May gusto rin ba 'to kay Venn? Ang sama rin kung makatingin, eh.

Pagkapito ni Paul, sinerve na ni Matt ang bola at pumasok naman 'yon. Pero na-recieve ni Lala at pinalo ni Cruella nang napakalakas! Akala ko ulit sa iba niya ibibigay, kaya nagulat ako nang sa'kin papunta ang bola! Nanigas na lang ako sa bilis ng mga pangyayari. Naramdaman ko na lang ang pagtama ng bila sa ulo ko at tsaka ako natumba!

"Mabel!" Mabilis an tumakbo papunta sa'kin si Venn. Kahit nanlalabo na ang mga ko, kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata niya. Sinuri niya ang buo kong mukha habang maingat niya akong inangat. Kaso lalo lang umikot ang paningin ko.

"Bawat laro na lang ba hindi pwede walang maaksidenta sainyo?" Halos sabunatan na ni Paul ang sarili niya. "Dalhin niya na sa clinic 'yan, dali!"

Gusto ko sanang magprotesta dahil ayaw kong magpunta doon. Gusto kong tapusin ang laro! Kaso wala na kong nagawa nang buhatin ako ni Venn. Imbis na magsalita ay napatulala na lang ako. Nawala ang sakit ng ulo ko nang tumibok nang napakabilis ang puso ko!

Crush ko na ba talaga siya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top