Chapter 12
Dahil late na naman akong natulog, antok na antok na naman ako pagkagising. Alas siyete pa naman ang call time namin para mag-agahan bago ang unang activity na magsisimula ng alas otso. Kaya sinermunan na naman ako ni Liz dahil baka ma-late daw kami. Paano naman kami me-late eh alas singko y media pa lang, ginising na niya ako! Masyado siyang excited!
Pagkarating namin sa kainan, hindi ko maiwasang mamangha lalo na nung nakita ko 'to ng malapitan. Parang isang malaking bahay kubo, dalawang palapag. Tapos maraming mahahabang lamesa at mga upuan na bench-type. Pang-grupo talaga ito kaya naisip kong dalhin dito sina kuya para naman makapag-bonding kaming pamilya.
Buffet ang pagkain, eat-all-you-can kaya pumila na kami. Nanguna sa pila si Liz at ang dami niyang kinuhang pagkain! Kahit sinuway siya ni Mickey, hindi siya nagpatinag. Napailing-iling na lang kami ni Lala at natawa sa dalawa.
"Ang sabi ni Jean, baka raw aakyatin natin ganon." Rinig ko kay Mickey pagkarating ko sa table.
"Ano 'yang pinagkukwentuhan niyo?" tanong ko.
"Ah, kanina kasi nakasabay ko si Jean. Tapos, ang sabi niya parang obstacle course daw ang activity nating today. May mga gulong daw ganon, tapos ayon na nga, meron daw mataas na scaffolding na feeling niya aakyatin natin!" Maganang nagkwento si Mickey, palibhasa siya ang nauna sa chismis at nasa kaniya ang atensiyon namin ngayon.
"Ay ganon? Saan niya nakita?" Kinabahan ako sa sinabi niya. Feeling ko kasi nakakapagod yung laro kung gano'n. Sana naman iba yung maglalaro nung nakita ni Sir Jean. Pero parang kami lang naman ang may team building ngayon dito, eh.
"Ay ewan ko ba doon at kung saan-saan kase nagsususuot! Ngayon nga hinahanap ko kasi bigla na lang nawala!"
As if on cue, biglang pumasok si sir sa kainan at kasunod pa si Paul! Magkasalubong ang mga kilay niya at magkadikit ang mga labi. Diretso lang siyang naglakad at hindi man niya pinansin ang mga bumati sa kaniya. Habang yung nakasunod naman sa kaniya ay mukhang hindi rin maganda ang gising. Dumeretso siya sa harap at doon nag-announce. Napatingin tuloy sa'min yung ibang turistang kumakain.
"Magsisimula tayo ng 7:30 kaya bilisan niyong kumain!" sigaw niya at tsaka lumayas ng parang wala lang.
"Ano?! Akala ko bang alas otso ang start? Ano 'to, ipapasok ko na lang lahat ng pagkain sa bunganga ko? Wala ng nguya-nguya, gano'n?" reklamo ni Lala nang tuluyan nang nakalayo si Paul. Inirapan pa niya ang direksiyon kung saan dumaan.
"Hindi ko nga alam kung team building ba talaga 'tong pinasok natin o military training!" Padabog na kumain si Mickey, ang ingay tuloy ng plato at kubyertos niya. Kaya lalong nairita si Lala at nag-away pa sila!
Sinubukan ko silang awatin, pero hindi sila nagpaawat kaya hinayaan ko na lang sila. Kung diyan sila masaya, eh 'di bahala sila! Mas lalo lang din silang mauubusan ng oras para kumain. Baka nga ipasok na lang talaga ni Lala sa bunganga niya ang pagkain.
Dahil busy sa pagkain si Liz, inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa iba. At kagaya kahapon, may kaniya-kaniya kaming grupo.
Ang una kong napuna ay yung kambal. Magkasama kasi sina Kurt at Matt with the other guys na ka-department siguro nila. Habang si Kirk naman ay mag-isa lang sa lamesa noong una bago siya samahan ni Jean. Binati siya nito at binigyan ng maliit na ngiti. Nagulat tuloy yung isa at napatulala saglit bago siya ilang na kumain.
Nang ilipat ko naman ang tingin ko sa katabing lamesa, nakita ko doon si Venn. Kasama niya yung grupong nasamahan niya kagabi before yung regrouping. Kausap siya nung babaeng maliit! Parang close na nga sila agad, eh agabi niya lang nakilala! Samantala nung ako, halos hindi niya ako lapitan at kausapin dahil sa hiya. Sabi ni Luigi, gano'n lang daw talaga siya sa mga bagong kakilala kasi mahiyain nga. So ibig sabihin, nag-improve na ang social skills niya ngayon? Eh 'di congrats.
Hindi ko alam pero napairap pala ako. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Nagseselos ba 'ko? Baka dahil lang expect ko sa'min siya sasabay since kami ang ka-close niya. So baka tampo lang? Kasi sandali lang naman silang nagkausap kagabi, tapos ngayon nagtatawanan na sila! Ni wala man nga atang limang minuto 'yon kasi agad ding pinagwatak-watak ang original group. So kung wala palang twist, super duper close na sila ngayon? Eh 'di sila na ang close!
"Oh? Ba't parang biglang sumama ang mood mo? Anyare?" tanong sa'kin ni Lala nang tapos na silang mag-away ni Mickey.
"Wala. Naiinis lang ako sa facilitator," pagsisinungaling ko. Sa pagkain na lang ako tumingin, dinere-deretso ang pagsubo.
"Gaano kainis?" tanong ni—shet.
Nang tignan ko ang mga kasama ko, nakatingin silang lahat sa likod ko. Mukha silang kinakabahan at natatakot. Kaya dahan-dahan kong inikot ang ulo ko. At ganon na lang kalakas ang kabog ng puso ko nang nakita ko si Paul sa likod ko. Nakahalukipkip siya at masama ang tingin sa'kin!
Patay ka ngayon, Mabel!
"What's your name?" Nagulat ako nang umupo siya sa tabi ko! Dahil doon, nakuha namin ang atensiyon ng ibang table at narinig ko pa ang bulungan nila.
"M-Mabel po."
Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Baka pagalitan niya ako ng todo. O kaya baka pahirapan ako sa activity mamaya! Yawa!
"Ms. Mabel, I really hate those who talk shit about me behind my back," mariin niyang bulong sa tenga ko kaya nanubig ang mga mata ko. "So for your punishment, meet me at the staff lounge later after the activities for today. Kung hindi mo alam kung saan 'yon, magtanong-tanong ka. At siguraduhin mong pupunta ka, dahil kung hindi, lagot ka sa'kin." Mariin niya ulit akong tinignan.
Hinampas niya ang palad niya sa lamesa at tumayo. Dahil doon, nakuha niya ang atensiyon ng lahat, pati ang mga hindi kasama sa team building! Inikot niya ang tingin sa buong lugar at tinignan kaming lahat. Pinasok niya ang isa niyang kamay sa bulsa ng shorts niya at pinatong naman ang kabilang paa sa upuan namin.
"Bilisan niyo nang kumain dahil meron na lang kayong five minutes bago magsimula ang first activity," anunsiyo niya bago ulit siya umalis.
Pagkaalis niya ay nagtayuan na ang karamihan at umalis na, takot mahuli sa first activity. Habang ako naman ay pilit pa ring nagpipigil ng iyak. Ayaw ko namang makita ng lahat ng iyakin ako. Sinubo ko ang natirang kanin at tsaka tumayo habang pinupunasan ang luha ko.
"Mabel? Ayos ka lang ba? Ano'ng nangyari? Ano'ng sabi?" Lumapit sa'kin si Venn, ang daming tinanong.
Dahil wala na talaga ako sa mood, hindi ko siya pinansin at nauna na. Pero habang palayo ako ay si Lala ang narinig kong sumagot. Pinabayaan ko na sila doon at nauna nang bumalik sa room. Nag-toothbrush muna 'ko bago ako nagpunta sa venue ng unang activity. Pero hanggang do'n ay wala pa rin akong imik. Nagsalita lang ako nung introduction ng team at cheer bago nagsimula ang laro.
"So for your first game is the obstacle course! The first station is the Synchronized Walking Planks. Mula sa starting line hanggang sa second station, kailangan niyong suotin ang Walking Plank. Isang tila mahabang kahoy na tsinelas para sabay-sabay kayong makarating sa second station."
Ang Walking Planks ay may mga kahoy na may straps na parang tsinelas. Doon namin isusuot ang mga paa namin kaya dapat sabay-sabay kami para makalakad.
May limang personnels na nag-act as a team tapos ginawa nila ang game. May mga natawa pa nang nasubsob yung nasa harap. Kaya sinamaan na naman kami ng tingin ni Paul at pinatahimik. Nang nakaabot na sila sa second station, tinuloy niya ang explanation ng game.
"Next is the Land Surfing. Yung apat sa inyo ay gugulong habang nakapatong ang surf board. Tapos, doon tatayo ang isa niyong member. Yung apat ay kailangan magpalipat para matuloy ang paggulong niyo hanggang makarating sa third station."
Ginawa rin ng staffs 'yon. Habang ginagawa 'yon ay nagplano na kami. Sa first station, ako raw ang sa harap at ako ang magsasabi ng right-left, right-left. Tapos sa ikalawang station, ako ang nakatayo sa surf board tapos sila ang gugulong. Kinabahan ako doon dahil hindi ko alam kung makaka-balance ba 'ko. Mas gusto ko pang gumulong-gulong sa buhanginan. Kaso ayaw nila akong payagan!
"Kaya ko naman!" pilit ko pa rin sa kanila. "Mas malaki ang possibility na ma-injure ako sa surf board kasi di ako magaling sa balancing. Matatalo lang tayo kung ipipilit niyo." Medyo tumaas na ang boses ko dahil ayaw nila akong pakinggan.
Feeling ko akaya lang nila ako nilagay sa surf board dahil ako lang ang babae sa'min. Which]h for me, doesn't make sanse. Marunong naman kasing mag-surf si Kurt tapos ako ang patatayuin at papagbalansehin nila do'n.
Bandang huli, napabuntong hininga na lang silang apat at pumayag. Napagkasunduan naming si Kurt na ang sa surf board.
"Third station ay ang Tire Relay. Dadaan kayo sa mga gulong, which I think you're already familiar with. Pero ang twist, pagkadaan niyo, kailangan niyong bumalik at i-piggy back ang kasunod niyo. Pagkalapag ng naka-piggy back, babalik siya to carry the next member."
Dinemonstrate din ng staffs kaya mas naiintindihan namin. Habang ginagawa nila 'yon, pinlano na namin ang sequence namin. Mauuna si Matt, tapos si Venn, sunod si Kurt, and then si Kirk, tapos ako ang huli. Pumayag ako kasi anlalaki nila! Kahit pa sabihing payat lang si Kirk, mas malaki pa rin talaga siya sa'kin!
"And lastly, ang Wall Climbing. Kailangan niyong magtulungan para makaakyat kayong lahat sa 10-feet wall. Pag nakaakyat na kayong lahat, doon matatapos ang time niyo."
Ang plano namin, bubuhatin kami nina Matt, Kurt, at Venn na parang cheerleaders. Tapos isusunod si Kurt. Si Venn ang susunod, tutungtong siya sa balikat ni Matt tapos hihilahin namin siya pataas. Tapos si Matt ay bubwelo at tatalon ng malakas para maabot ang kamay namin at hilahin siya.
"So ayan nga ang first game niyo today. Of course, it is a race and the top three teams will be bye on the next game." Humarap sa'min si Paul at binulsa ang dalawang kamay. "Mag-ready na kayo. You'll start on my cue!"
Mabils kaming pumwesto sa Walking Planks at hinawakan ang tali. Nilabas na ng facilitator ang timer at tinaas ang isang kamay niya.
"Ready ... set ... go!"
Ang ibang teams ay nagmamadaling naglakad kaya hindi sila nagkasabay-sabay. Kaya kahit pa sumisigaw sila ng left-right, ilang beses silang nasubsob. Habang kami, mabilis naman pero napagdesisyunan naming liitan lang ang hakbang para less subsob. Dahil ubos-oras lang 'yon since nakaka-halt yung subsob, tapos tatayo pa, and then start ulit.
"LEFT-RIGHT! LEFT-RIGHT! LEFT-RIGHT!" Sumisigaw na 'ko dahil ang ingay din ng ibang team. Kailangan kasi marinig ako ng groupmates ko at hindi sila malito. Kapag kasi nag-iba-iba kami at nawala ang synchronicity, masusubsob kami panigurado.
Dahil doon, kami ang naunang nakarating sa Land Surfing! Sumundo ang team nila Lala, sobrang dikit lang. Kaya agad kaming humiga at kinuha ang surf board. Nang tumayo na si Kurt sa board, siyempre nabigatan ako sa kaniya. Pero hindi ko na inisip 'yon at gumulong na.
Halos dikit lang namin sina Lala noong una. Pero nahirapan kami sa station na 'to habang sila naman ay sobrang bilis kaya naunahan na nila kami sa third station. May binubuhat na sa kanila nang nagsimula si Matt sa pagdaan.
Bukod pa doon, sobrang dikit na samin sila Mickey. Kaya nakaramdam kami ng pressure na bilisan pa para hindi mahuli. At lalo rin akong kinabahan nang nagbubuhatan na ang mga kagrupo ko. Baka kasi mapatid sila o kaya sobrang mabigatan. Kaya nag-cheer na lang ako para lalo silang ma-hype.
Nang buhatin na ako ni Kirk, ramdam kong nabigatan siya sa'kin. Sobrang nag-bend ang likod niya at narinig ko siyang dumaing. Pero tinuloy niya pa rin at binilisan pa kaya kinabahan ako dahil ang unstable. At nang nasa panglimang gulong na, nasubsob kaming dalawa! Alam kong nasaktan siya ng sobra sa daing pa lang niya.
"Mabel!"
"Kirk!"
Mabilis na lumapit sa'min ang mga kagrupo. Tinulungan akong tumayo ni Venn habang kay Kirk naman si Kurt.
"Okay ka lang ba, Mabel? May masakit ba?" Magkasalubong ang mga mata ni Venn habang sinusuri ang buong katawan ko.
"Wala naman, ayos lang ako. Si Kirk—"
"Let's go, Mabel. Ulitin natin." Seryoso ang mukha ni Kirk nang tumayo ulit siya sa starting point. Nag-bend kaagad siya at sobrang focus niya.
Kaya lumapit na 'ko sa kakiya at sumakay sa likod. Nahirapan ulit siya at narinig ko siyang dumaing. Pero ramdam kong determinado siya ngayon. Mabilis siya nung una. Pero nang nahirapan na talaga siya, medyo bumagal kami at sinigurado na niya. Kaya naman napatalon ako nang narating namin ang dulo at nayakap ko siya sa saya!
Pero dahil nadapa kami sa third station, tuluyan na kaming naunahan ng dalawang team. Pangalawang member na ang inaakyat nila Lala. Habang nagsisimula na sa unang member sina Mickey. Kaya napatakbo na kami sa wall dahil gusto pa naming makahabol at mabawi ang first place.
Pagkarating doon, ginawa namin ang napagplanuhan. Ako ang una nilang binuhat. Sinubukan kong abutin ang edge ng wall. Pero dahil maliit ako, hindi ko maabot yung edge ng tuktok! Kahit anong taas nila sa'kin, hindi ko talaga kaya!
"Hindi ko abot! Masyado akong maliit!" sigaw ko kaya binaba nila ako.
"So anong gagawin natin?" tanong ni Matt nang naibaba na nila ako.
"Si Kirk na muna? Mas matangkad siya kay Mabel," suggestion ni Venn.
Sumang-ayon kaming lahat at 'yon ang ginawa namin. Habang binubuhat si Kirk, tiningnan ko ang ibang teams. Nasa pang-apat na member na sina Lala kaya alam kong hindi na namin sila mahahabol. Tapos nasa pangatlo na sina Mickey at kasabay namin na sila Sir Jean! Kaya nakibuhat na rin ako para makatulong. Nakahawak naman na si Kirk sa taas. Kaso nahirapan siya sa pag-akyat at hindi niya mahila ang katawan niya pataas.
"Ako na muna, dali!" presinta ni Kurt.
Dahil mas mataas, naabot niya kaagad. At dahil mas malakas, naangat niya agad ang sarili. Nang nakaakyat na siya, ako sumunod dahil mas kaya niya akong hilahin kaysa kay Kirk. Medyo nahirapan din ako dahil mag-isa lang siyang humihila sa'kin. Pero dahil na rin siguro sa adrenalin, nakaakyat ako.
Sakto namang nagsigawan sina Lala, senyales na tapos na sila at nauna. Nang tingnan ko ang ibang grupo, nasa panghuli na sina Mickey. Sina Jean naman ay nasa pangatlo na rin! Tapos nagsisigawan na ang lahat kaya sobrang intense na ng laban!
Kaya nang naangat na si Kirk, inabot ko ang kamay niya at hinila. Kaso hindi ko alam kung napalakas ba 'ko dahil nakita kong namilipit ang mukha niya! Hindi ko tuloy alam kung hihilahin ko pa siya. Baka kasi lalo siyang masaktan! Kaso hindi naman siya makaangat-angat dahil nabibigatan din si Kurt sa kaniya.
"Pull me up! Pull me up!" Hinila niya ang kamay ko.
Natapos na sina Mickey at kadikit na namin sila Sir Jean. Kaya hinila ko na lang siya kahit alam kong masakit ang braso niya. Na-guilty tuloy ako! Lalo na nung pagkatungtong niya, doon niya inindi ang sakit. Hawak-hawak niya ang braso niya habang namimilipit.
"Kirk—" Dadaluhan ko sana siya.
"Just pull Venn up!" Sigaw niya sa'kin at tsaka gumapang papuntang likod.
Sinunod ko na lang siya dahil nasa pang-apat na rin ang kabilang team. Pero dahil ang tangkad ng mga kagrupo ko, mabilis naangat si Venn at nahila. Nung nakaakyat na siya, hinihila pa rin pataas ang ikapaat na miyembro ng kabilang grupo.
Kaya naman sumigaw na 'ko at pumalakpak para i-cheer si Matt. Tapos yung dalawang teams din ay naki-cheer na. May sari-sarili silang mga bet na manalo.
Nung unang talon, hindi naabot nu Matt ang kamay nina Venn. Kaya umulit pa siya ng buwelo at nakahabol pa yung kabila! Kaya nag-cheer ulit ako ng todo at hinype siya. Mas malakas ang talon niya ngayon. Kaso, hindi ko akaling sa kamay ko siya hahawak kaya muntikan pa akong masubsob at mahulog! Mabuti na lang at nayakap agad ako ni Venn sa bewang at naabot naman ni Kurt ang isa pang kamay. At doon, sabay-sabay namin siyang hinila hanggang sa nakaakyat siya.
Nang tingnan ko ang kabilang team, napatalon ako sa tuwa nang nakita kong naunahan namin sila! Sabay-sabay kaming nag-cheer dahil pangatlo kami at bye sa susunod na laro!
Magsasaya pa sana ako kaso nakita ko si Kirk sa gilid. Nakahiga na siya habang iniinda pa rin ang braso niya. Kaya nilapitan ko agad siya na nakakuha ng atensiyon ng iba.
"Kirk!" Umupo ako sa gilid niya at tinignan ang left shoulder niya. "S-sorry, masyado atang napalakas ang hila ko. Sorry talaga, Kirk." Naiiyak ako dahil pakiramdam ko kasalanan ko kung bakita siya nasaktan.
"N-no, it's not your fault. K-kaninang Tire Relay pa 'to. N-nung nadapa ... napang ... n-napangtukod ko." Napakagat siya sa labi niya at mariing napapikit.
"The medic is coming, Kirk." Pinanatili ni Kurt ang pagkakalmado niya pero halatang nag-aalala rin siya sa kakambal. Pinalakas niya ang loob nito at maingat na hinawakan.
Nang dumating na ang medic, lumayo kaming lahat at hinayaan silang ibaba siya. Dali-dali namang sumunod su Kurt, hindi alintana ang taas at nilundang ang 10 feet. Habang kaming tatlo naman, kahit gusto naming sumunod kaagad, aba nakakatakot talunin, 'no! Kaya ginamit namin ang ladder at doon kami bumaba.
"Kumusta?" tanong ko kay Kurt pagkarating namin sa clinic.
"Wala pa, eh. Sinusuri pa rin," sagot niya.
Hindi siya mapakali at lakad siya nang lakad sa tapat ng clinic. Kaya nagpaiwan doon si Matt para samahan siya. Habang kami naman ni Venn ay pumasok para kumustahin si Kirk. Naabutan namin siya nakaupo sa bed. Sinusuri ng doctor ang braso niya at hinahawakan. Napapapikit sa sakit siya sa sakit.
Nang natapos na si doc, pumasok na si Kurt para marinig kung ano ang lagay ng kapatid. Lahat kami ay kabado. Ako ay napadasal pa na sana hindi malala ang nangyari. Dahil kung malala, may malaking contribution doon ang paghila ko.
"We're suspecting it's a bicep tear. But ... we still have to conduct physical exams and other tests just to make sure. So, we have to transfer him to a nearby hospital to perform these," imporma sa'min ng doctor.
Pumayag si Kurt at gusto niyang sumama kaya nagpaalam siya. At dahil lunch break naman, nakiusap kami kay Paul na sumunod doon. Nung una akala ko hindi siya papayag dahil tinaasan niya ako ng kilay. Akala ko masama pa rin ang loob niya sa'kin. Kaya sobrang tuwa ko nang payagan niya kami. Pero, kailangan daw naming bumalik ng ala una.
Dahil sumabay si Kurt sa ambulansiya, kami na lang tatlo nina Venn at Matt. Dahil siya lang naman ang may dalang sariling sasakyan, sa kaniya kami sumabay. Naligaw pa kami nung una, buti na lang at nahanap pa rin namin ang ospital kakatanong sa mga tao.
Pagkarating namin, tinanong agad namin kung nasaan si Kirk. Nasa ER daw kaya doon kami dumeretso. Silang dalawa lang na magkapatid ang nando'n. Tapos naabutan pa namin silang nagtatalo! Napatakbo agad kami sa kanila at pumagitna.
"Ang kulit mo naman! Ganiyan na nga ang kalagayan mo, ipipilit mo pa rin ang gusto mo? Paano kung lumala 'yan, ha?" sermon ni Kurt sa kapatid niya.
Parehong masama ang tingin nila sa isa't isa. Magkadikit na parang isang manipis na linya ang labi ni Kurt at magkasalubong ang mga kilay. Si Kirk naman ay nakakagat-labi habang may tumutulong mga butil ng luha.
"Ganiyan naman ang tingin mo sa'kin, eh! Para sa'yo mahina lang ako!" sumbat naman ni Kirk.
"Ano namang pinagsasabi mo? Kirk, injured ka! Kahit sino kailangang magpahinga kapag ganiyan ang kalagayan!" Nahihirapan na siyang ipaintindi sa kapatid niya ang point.
"Eh kaya ko nga!" Napapadyak naman itong nakaratay sa kama.
"Kaya? Eh namimilipit ka na nga sa sakit tapos ipipilit mo pa rin 'yang gusto mo? Kirk, lalala lang 'yan kung sasali ka pa sa games!" Napaupo na sa kabilang kama si Kurt at hinampas niya sa unan ang kamay niya.
"See?! Mahina talaga ang tingin mo sa'kin noon pa! Kayo ni papa! Kaya sige, ikaw na ulit ang masunsunod kasi ikaw yung kuya, 'di ba?!" Tuluyan na siyang nagalit at tumaas na ang boses niya. "Ikaw yung magaling! Ikaw yung gusto ng mga tao! You're everyone's guy! While I am just your shadow! Kaya sino ba naman ako para sumalungat sa'yo, kuya?" sumbat pa niya.
Kami naman ay nagulat sa mga sinabi niya. Mismong si Kurt ay napatigil at matagal na napatitig sa kapatid niya. Nang nakabawi ay pasugod siyang lumapit sa kaniya kaya mabilis kaming pumagitna. Tapos dumating na rin ang mga nurse para tumulong.
"A-ano?! Ganiyan pala ang tingin mo sa'kin? Gago ka ba? Kirk, pamilya mo kami! Kuya mo 'ko! Wala kaming ibang hinangad kung hindi ang kaligtasan mo! Tapos ganiyan lang ang sasabihin mo? Wala kang kwentang kapatid!" Dinuro-duro niya ang kapatid niya at pilit lumalapit. Nakakuyom ang mga kamao niya kaya natakot ako. Baka kasi sapakin niya ang kapatid niya!
Mabuti na lang at dumating na ang guard. Sa tulong din ni Matt at ng ibang nurse, nahila nila si Kurt palabas ng ER.
Si Kirk naman ay naiwang umiiyak kaya lumapit ako sa kaniya at dinaluhan siya. Sa intense ng nangyari at ng masasakit na saling binitawan nila, pati ako naiyak na. Kaya ang ironic dahil hinahagod-hagod ko pa ang likod niya at pinapatahan siya. Pero ako mismo, sumisinghot.
"M-mali ba 'ko, Mabel?" tanong niya sa'kin.
Isinandal ko siya sa balikat ko na parang nakababatang kapatid. Hind ako makasagot dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Gusto ko siyang pangaralan, gusto kong sabihing mali ang ginawa niya. Pero ayaw kong saktan lalo ang damdamin niya. Hindi ko kase alam kung paano ko 'yon sasabihin na hindi nagtutunog masama. Baka kase imbis na gumaan ang pakiramdam niya at maliwanagan. Baka masaktan lang siya o kaya ma-offend or magalit.
Kaya tinignan ko si Venn para humingi ng tulong. Baka kase alam niya kung paano i-a-approach si Kirk. Marami naman siyang natulong sa'kin at ilang beses na 'kong naliwanagan.
Nang na-gets niya, nilakad siya papunta sa kabilang side ng kama at doon umupo. Tinignan niya muna ako tapos ay nilipat niya kay Kirk na umiiyak pa rin sa balikat ko. Pumikit muna siya at bumuntong hininga bago nagsimulang magsalita.
"Uhm ... Kirk ... I want you to know that what you're feeling is valid. You know, minsan talaga hindi natin maiiwasang masaktan. Nagkakaroon ng sama ng loob sa mga taong malapit sa'tin. Sa mga kaibigan, kapatid, kahit pa mga magulang natin." Ingat na ingat si Venn sa mga salitang binitawan niya.
Pinatong ni Venn ang kamay niya sa ulo ni Kirk at hinimas-himis 'yon. Ako naman ay hinagod ko ang likod niya para patahanin.
"May I know why you ... feel that way?"
Umayos si Kirk ng upo at sa kama na sumandal. Diretso lang ang tingin niya, tila nakikita sa harap ang iba't ibang eksena na inaalala niya. Noong una nakangiti pa siya, kahit maliit lang 'yon ay makikitaan naman ng ningning ang mga mata niya. Pero bigla na namang bumagsak ang gilid ng labi niya at nawala ang saya sa mga mata.
"Masayang pamilya naman kami, lalo na dati. Palagi kaming lumalabas para mag-bonding, napo-provide nila mama ang needs namin. Tapos, si kuya ... close na close kami noon. Hindi kami mapaghiwalay."
Napangiti ako dahil naalala ko rin ang mga kapatid ko. Lalo na nood maliit pa kami. Si Leigh, makulit na siya noon pa man. Madalas niya pa kaming guluhin pag gumagawa kami ng assignment para makipaglaro. Kapag hindi pinayagan, magmumukmok siya at iiyak. Tapos, pag matutulog, gusto niya katabi kaming tatlo at dapat siya ang malapit sa bintana para makita niya ang langit. Dahil baka mahulog sa kama, ayaw namin siyang payagan noon at nilalagay sa gitna. Pero meron bang hindi nakukuha si Leigh Belle?
Si Albie.
Nako naalala ko na naman tuloy ang suliranin ko. Bago pa 'ko mamroblema, tinuloy na ni Kirk ang kwento niya.
"Pero ... nag-iiba talaga ang mga bagay-bagay pang tumatanda, 'no? Unti-unti kang lumalabas sa mundo na binuo ng pamilya mo. Makikita kung ano nga ba ang totoong mundo. Dumadami ang problema, humihirap ang buhay, nadidiskubre mong ... hindi ikaw ang taong inakala mo. Dahil kahit kinakatakutan ko ang pagbabago, hindi talaga maiiwasan. Sa ayaw ko man o sa gusto."
Malayo sa masayang tono niya kanina, ang bigat na sa pakiramdam ang pakinggan siya. Hindi ko maiwasang malungkot dahil ito ang masakit na katotohanan. Sa huli, lilipas talaga ang panahon, iikot ang mundo, tatakbo ang oras. Meron at merong magbabago.
"While we were growing, we found ourselves in different paths, it felt like we parted ways. Siya, lumalabas kasama ang barkada, naglalaro ng basketball kasama si papa. Habang ako naman, nasa bahay lang, nagbabasa at nag-aaral.
"Until one day, I got bullied by our classmates. Ang lampa ko raw, bakla raw ako, bakit daw hindi ko gayahin kuya ko. Pinagtanggol naman niya 'ko, lumipat pa nga kami ng kase napaaway siya. Pero alam niyo yung masakit? Hindi talaga sila mawala-wala kahit saang lupalop. Kahit anong gawin ko, hindi na talaga bumalik ang confidence ko sa sarili. Kaya instead of socializing, I isolated myself from everyone, pati kay kuya at kina mama.
"I made myself invisible. I created my own world. Mandalas nasa kuwarto lang ako. Nagbabasa, nagdo-drawing, naglalaro ng video games, at nanonood ng movies. Hanggang nung minsan, I had my first heart attack. We discovered that I have a coronary heart disease."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nagkatinginan pa kami ni Venn dahil hindi kami makapaniwala. Hindi namin akalain na may ganito pala siyang karamdaman.
"It was due to my sedentary lifestyle. I was physically inactive kaya ... ayon, fats built up sa arteries ko which blocked the circulation. So, I undergone medication. Pinag-exercise ako, sinali nila ako sa basketball even though I look like stupid at the court. Until ... na-fracture ang binti ko."
"Ang dami mo naman palang sakit sa katawan." Napatakip ako sa bibig ko nang napagtanto kong nasabi ko pala 'yon. "S-sorry," sabi ko agad nang pareho nila akong tignan.
"Okay lang, totoo naman." Mahinang tumawa si Kirk. "So ayon nga, doon na tayo sa fracture na part," pagpapatuloy niya sa kuwento. "Ilang buwan din akong na-tengga noon dahil sa injury. Kaya ayon, I had my second heart attack na mas malala. I was seconds away from dying kung hindi lang ako nakita ni mama."
Napasinghap pa ako sa narinig. Kaya napatingin ulit sa'kin. Nag-peace sign na lang ako at sinenyasan siyang ituloy ang pagkukwento.
"Since then, I was treated like a fragile glass. I felt so weak and incapable. Monitored bawat galaw at pagkain ko. Tapos si kuya, he wanted to pursue Aviation. But to look after me, he was forced to take engineering. At hanggang ngayong nagtatrabahao na kami, parang pa rin akong bata na kailangan ng chaperone. Ni hindi man nga dapat kami magkagrupo sa team building pero nakipagpalit siya." Magkasalubong ang mga kilay niya at mahaba ang nguso habang nagkukwento.
Masama ang loob niya dahil nag-aalala sa kaniya ang pamilya niya? Hindi ba dapat magpasalamat siya at concerned sila sa kaniya? Meron siyang mga magulang na handang ibigay ang lahat. May kapatid pa siyang palaging nasa tabi niya. May mga taong naghahangad kung anong meron siya. Kagaya ko!
Pero, sino nga ba naman ako para mag-judge? Eh kung gano'n talaga ang nararamdaman niya, wala rin naman akong magagawa. Ang kailangan na lang siguro naming gawin ay ipaintindi sa kaniya ang side ng pamilya niya. Nang sa gano'n, hindi niya ma-misundertsand ang pag-aalala nila sa kaniya.
"Your brother really loves you and care for you so much. Hindi ka niya sasamahan hanggang sa trabaho kung hindi—" naputol si Venn nang sumabat si Kirk.
"Alam ko naman," pagsusungit pa niya.
Ngumiti lang si Venn na parang bang bata lang ang kausap niya. "Yes. And, I also know nahihirapan ka sa ganitong set-up. Naiintindihan ko 'yon. Feeling ko ganiyan din ang mararamdaman ko kung nasa parehong sitwasyon tayo. Pero sana, alam mng mali rin ang mga sinabi mo sa kuya mo kanina."
Hindi ko maalis ang tingin ko kay Venn habang nagsasalita siya. There's something sa aura niya whenever he gives advice. Yung parang bang tinatama ka niya pero hindi ka niya jina-judge. Hindi nakakasakit ng loob ang mga sinasabi niya kasi sensitive siya sa nararamdaman ng iba. Kaya kung sino man ang ... maging girlfriend niya, ang suwerte.
Bahagya akong napaigtad nang bigla siyang tumingin sa'kin! Binaling ko agad ang tingin ko kay Kirk at napaubo.
"Uhm ... Kurt was hurt," sabi ko na lang nang na-realize kong magka-rhyme.
"But I was also hurt! I feel so lame and unreliable. F-feling ko natalo tayo kanina dahil sa'kin. Kaya nagalit ako nung ayaw niya akong paglaruin dahil gusto kong bumawi. Ayaw kong maging pabigat sa grupo!" Sapo ang mukha niya, umiyak ulit siya.
Kaya umusog ako palapit sa kaniya para patahanin at aluin. "Kirk, we're a team. Kasalanan nating lahat kung bakit tayo natalo, hindi iyo lang. Marami tayong naging mali kanina kaya tayo naunahan. Pero, hindi tayo talo kasi third tayo at natapos natin ang laro."
Ayaw kong sisihin niya ang sarili niya at akuin ang pagkatalo namin. Pare-pareho kaming may pagkakamali kung bakit kami natalo. Lahat kami ay nagkulang at magagaling din ang mga kalaban namin.
"Ikaw, tumuloy ka pa rin kahit masakit na ang braso mo. Pwede ka namang mag-quit kanina at maiintindihan naman namin. Dahil kung ako ang tatanungin, ayaw ko yung ginawa mo kanina kase masyadong delikado."
Gusto ko pa sana siyang sermunan, lalo na at feeling ko ang laki ng contribution ko sa injury niya. Doon sa mga gulong kung saan siya nasubsob, ako ang buhat niya. Tapos sa wall, ako ang humila ng braso niya. Pero na-realize ko na sasama lang ang loob niya kung pagagalitan ko pa siya. Ginawa niya lang naman 'yon para sa team at ayaw kong isipin niyang hindi ko na-appreciate ang sakripisyo niya para sa amin.
"But still, I must commend your courage. Because, courage is a strength that not every physically strong person has. You're a strong person, Kirk. So don't ever feel the need to prove to other people that you are."
Napangiti ako nang ngumiti siya sa sinabi ko at tumango. Pinupunasan niya ang basa niyang mukha dahil sa luha. Kaya binigay ni Venn ang panyo niya at tinulungan siyang magpunas.
"Thank you kasi dinamayan niyo 'ko at binusan ang isip ko. Promise, I'll apologize to kuya." Itataas niya dapat ang kaliwa niyang kamay para sa promise, kaso injured nga kaya napadaing siya. Natawa na lang siya at tinaas ang kabila.
"Kausapin mo lang kami kung may kailangan ka, ah?" paalala ko. "Basta 'wag lang pera," biro ko pa para mas gumaan ang pakiramdam niya.
"Mauna na kami, ah? We were give until 1 PM lang by the facilitator," paalam ni Venn.
Tumayo na kami at nagpaalam. Masaya ako na aalis kaming hindi siya malungkot. Hindi pa man magaling ang braso niya, at least yung sa emotional and mental ay nakatulong naman kami kahit konti.
Palabas kami ngayon para tawagin si Kurt at yayain nang bumalik sa resort si Matt. Tatanungin ko sana kung anong oras na nang napansin kong nakangiti si Venn.
"Uy! Bakit ka nakangiti? May naisip ka bang joke?" Siniko ko siya para mapansin ako.
"Ah ... wala. I just find it cute na we were like Kirk's parents earlier." Ngiting ngiti pa siya nang sumagot.
Napatigil tuloy ako at nalaglag ang panga, gulat na napatingin sa kaniya. Nang tingnan niya ako, at tsaka niya lang ata na-realize kung ano ang sinabi niya. Kaya napayuko siya dahil sa hiya. Pero kahit iniwas niya ang mukha niya, nakita ko pa rin ang pagkagat niya ng labi at pagpipigil ng ngiti.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top