Chapter 10
"Ay etong Honey Butter, paborito ko 'to." Nilagay niya ng chichirya sa cart namin.
"Huwag 'yan! Mahal 'yan! Hindi magkakasya budget natin." Tatanggalin sana ni Lala 'yon.
"Ako ang magbabayad niyan, mayaman ako!" Binawi ni Mickey ang chichirya at binalik sa cart. Hiniwalay niya pa talaga 'yon sa ibang chichiryang paghahati-hatian namin! "Pero huwag kayong hihingi, ah! Akin lang 'to!"
"Ay wow naman, Madamme Michaella! Sana all tagapagmana, 'di ba?" sarkastikong sabi ni Lala.
"Ay ganon talaga, Daniela! Ayaw niyong isali sa budget, eh 'di akin lang!" umirap naman itong isa.
Grabe. Chichirya lang pero parang lupa ng bahay yung pinag-awayan! Namimili kase kami ng mga pagkain para sa movie night namin. Tapos ang matira ay baka baunin na lang namin sa team building para may snacks kami sa biyahe.
"Guys, eto ang akin!"
Nanlaki ang mga mata namin nang dumating si Liz. May dala siyang isang basket na puno ng pagkain! Maraming chichirya, biscuit, chocolate, cup noodles, chicharon, at iba't ibang canned goods! Para pa ba 'to sa movie night namin o grocery na niya sa bahay?
"Wow naman, Elizabeth! Sana kumuha ka na rin ng hotdog, bacon, at chicken nuggets para kumpleto na, ano?" sarkastikong sabi ni Lala habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa basket ni Liz.
"Ay oo nga 'no? Wait lang—" Naniwala naman itong isa at aalis na sana para kumuha!
"Gaga! Ang dami na nito, hindi na kasya sa budget!" Hinila siya ni Mickey.
"Ay ganon? Ako na lang magbabayad, may binigay namang pera sa'kin si fafable. Ehe!" Nakuha pa niyang kiligin!
"Ay so kami lang ni Maria Isabelle ang poorita rito, ganern?" Napahawak sa dibdib si Lala.
Magrereklamo sana ako at sasabihing hindi ako poorita! Pero naalala kong magpapadala pa nga pala ako ng pera sa Cebu kaya nanahimik na lang ako.
"Eh 'di bahala kayo diyan! Basta kami na lang ni Mabel ang maghahati, hmp!" Inirapan niya yung dalawa at tsaka lumapit sa'kin. "Let's go, ghorl!" Hinila niya ako paalis sa aisle na 'yon.
"Oy teka, yung Honey Butter ko!" Hinabol pa talaga kami ni Mickey para lang doon at tsaka kami inirapan bago umalis!
Tumatawa kaming lumayo ni Lala at nagpunta sa may mga drinks. Ang balak ko ay kahit 1L na Coke lang since may tubig at juice naman sa unit ko. At for sure, since nagkanya-kanya yung dalawa, bibili sila ng kanila. Kaya nagulat ako nang kumuha ng Coke, Fanta, at Sprite etong kasama ko!
"Oy! Ang dami niyan! Baka magka-diabetes pa tayo diyan!" pigil ko sa kaniya.
"Okay lang 'yan! Para mainggit yung dalawa!" At tsaka pa siya kumuha ng Root Beer!
"Oh pa'no yung budget?" tanong ko sa kaniya.
"Keri na 'yan! Ako na magbayad sa sosobra." Hindi na talaga siya nagpaawat.
Hindi na ako nakapagsalita dahil tumuloy na siya sa pagkuha ng malalaking Delight at Mogu-mogu! Naiwan ako do'n, ang nagawa ko na lang ay tignan siya at hayaan. Sabi naman niya ay siya magbabayad ng sobra. Hindi na lang ako magrereklamo dahil marami pa akong bayarin.
"Mabel?"
Napalingon ako nang may narinig akong pamilyar na boses. "Albie?!"
"The one and only!" Binuka niya ang mga braso niya at mayabang na ngumiti.
"Anong ginagawa mo rito?" Sa pagkakaalala ko, nag-stay stay din siya sa Cebu. Nurse siya doon! Kaya anong ginagawa niya rito? Namamasyal?
"Well, lumipat na ako rito." Pinasok niya sa bulsa ng hoodie ang mga kamay niya
"L-lipat? As in ... dito ka na titira?" pagkumpirma ko.
"At magtatrabaho." Tumango-tango pa siya.
"Kailan ka pa dumating?" tanong ko.
"Three days ago?" Nagkibit balikat pa siya na parang wala lang.
Nalaglag ang panga ko. Ilang araw na pala siyang nandito? "Amaw ka! Di mo man ako sinabihan? Parang naman 'di tayo magkaibigan." Inirapan ko siya bago ako tumalikod at pinuntahan si Lala na nagtatakang nakatingin sa'min.
"O-oy! Hala! Hindi naman sa ganon, Mabel." Sumunod siya sa'kin, nawala yung yabang sa tono ng pananalita niya.
"Sino siya?" bulong ni Lala pagkalapit ko sa cart namin.
"Kakilala ko lang sa Cebu." Tinulak ko na ang cart papunta sa cashier. Hindi na nakapalag pa si Lala dahil siguro mukha talaga akong badtrip.
"Uy, sorry na Mabel. Balak ko kaseng sorpesahin ka sa unit mo dahil doon ko na ring balak umupa. Kaso ayaw namang sabihin ni Leigh kung saan ka nakatira. Mabuti na lang nga at naisipan kong mag-grocery kaya nakita kita," paliwanag niya habang sumusunod sa amin.
Masama ko siyang tinignan. "Bakit hindi na lang ako yung tinanong mo?"
"Eh 'di hindi na surprise," nakanguso niyang katwiran.
Napahiya ako doon, ah? Kaya inirapan ko na lang siya at mas binilisan ang pagtutulak ng cart. Bahala siya diyan, silang dalawa ni Lala ang mag-usap!
"Uy, Mabel! Sandali lang!"
***
Sinabay ko siya pauwi sa condo dahil doon naman kami mag-mo-movie night. Dito na rin naman niya balak umupa. Pero magtatanong pa muna kami kung meron. For the meantime, nag-check in pala ang boang sa hotel! Kaya pinagalitan ko pa siya kasi ang dami na niyang nagastos sa ilang araw niya rito. Kung kaagad lang siyang nagpakita sa'kin, eh 'di sana kaagad ko siyang natulungan!
"Naku mabuti na lang at may dumating kang kaibigan. Meron tayong katulong sa pagbubuhat." Ngiting ngiti si Mickey habang nakatingin kay Albie. Tapos ay napahagikgik pa siya at pinalo ako sa braso nang ngitian siya nito pabalik!
"Pagpasensiyahan mo 'yang kaibigan namin, ah? Nababaliw lang talaga 'yan pag nakakakita ng guwapo," bulong kunware ni Lala kay Albie pero rinig naman namin. Lukot na lukot pa ang mukha niya, parang bang nandidiring nakatingin kay Mickey.
Nanlaki ang mga mata ni Mickey at muntikan pag sugurin si Lala kung hindi lang kami masikip sa elevator. "O-oy! Di ka lang kase tinatablan ng guwapo! Hmp!"
At nagsimula na silang magbangayan. Medyo nakakahiya nga dahil may iba kaming kasama. Pero masyado silang nakakatawa para pigilan kaya hinayaan ko na lang. Mukhang nae-entertain din naman yung iba.
Nasa kalagitnaan ako ng pagtawa, ngangang nganga pa ako nang saktong bumukas ang pinto ng elevator at si Venn ang tumambad doon! Nabitin ang tawa ko at ilang sandali rin ata akong nakanganga bago ko napansin! Sinara ko agad 'yon at napayuko sa sobrang hiya. Hindi ko tuloy siya nabati at bahagya na lang umusog para makatayo siya sa tabi ko.
"Uy, Venn! Hi!" Isa-isa siyang binati nung tatlo at kinulit pa siya.
Habang ako naman ay nanatili lang nakayuko, hindi siya matignan. Pakiramdam ko nangyari na 'to dati, eh! Aish! Bat ba kase ako nahihiya? Eh ano naman ngayon kung nakita niya akong ganon? Masama ba? Tumatawa lang naman ako, eh! Wala namang masama don!
Pero pa'no kung pangit akong tignan?
E-eh ano naman ngayon, 'di ba? Bakit ba ako nag-aalala?
"Ayan, diyan ka na lang kay Venn." Napaangat ako ng tingin kay Albie na nasa kabila ko. Kay Mickey siya nakaharap.
"Ay! 'Di na pwede 'yan. Kay Mabel na 'yan, eh." Nang-aasar na tumingin sa'kin si Mickey!
Nagulat naman ako sa sinabi niya at hindi kaagad nakapag-react. Napatingin tuloy sa'kin si Albie, magkasalubong ang mga kilay niya. Kaya nataranta ako at napailing na lang. Walang salitang lumabas ng labi ko.
"Oh, eh saan ka naman pala pupunta, Venn?" pang-iintriga ni Lala, alam mong may halong pang-aasar!
"U-uh ... pagdadalhan ko sana ng Humba si Mabel. Nagluto ako." Nahihiya niyang inangat niya ang dalang paperbag. "Buti na lang pala at sakto ako."
"Saktong sakto talaga! Sumama ka sa movie night namin!" yaya sa kaniya ni Liz.
"U-uh ..." Napatingin sa'kin si Venn, parang humihingi siya ng permisyon.
"A-ayos lang." Tumango ako at alanganing ngumiti.
Natuwa yung tatlo sa pagpayag ko. Nang nasa tamang palapag na kami'y umangkla pa sa kaniya si Mickey at nauna silang naglakad papunta sa unit ko. Sumunod naman sila Lala at Liz, habang kami ni Albie ay pinakahuli. Parehong walang kumikibo sa'min. At nang inangat ko ang tingin ko, nakatingin lang siya sa'kin. Magkasalubong ang mga kilay.
Hindi ko na lang siya pinansin at nauna nang naglakad. Nasa akin kase ang susi kaya hindi sila makakapasok.
Inayos na namin ang mga kailangan para sa movie night. Habang busy sila sa sala ay nagpunta ako sa kusina para kuhanan ng bowl ang popcorn. Inaabot ko 'yon nang may nagsalita sa likod kaya napaitlag ako.
"Bakit nandito 'yon?" tanong ni Albie.
"Ha? Sino?" Pagmamaang-maangan ko kahit alam ko namang si Venn ang tinutukoy niya.
"Yung Venn. 'Di ba kaibigan ni Luigi 'yon?" Magkasalubong na naman ang mga kilay niya.
"O-oo." Tinalikuran ko siya at tinuon ang pansin ko sa pagkuha ng bowl para iwasan ang tingin niya. "Dito rin siya nakatira, eh."
"Kaya close kayo ulit? May bigayan pa ng ulam? Tapos ngayon kasali pa siya sa movie night?" Nahihimigan ng inis ang boses niya.
Kaya napalingon ako sa kaniya at nagulat akong mas malapit na siya sa'kin. Kaya mas lalo kong nakita hitsura niya. Kagat niya ang konting parte ng labi niya at nakaigting ang panga. Natakot ako ng bahagya dahil mukha siyang mananakit!
"E-eh ... simula kase nung dumating ako rito, ilang bese na niya akong natulungan. K-kaya gumaan na ang loob ko," paliwanag ko.
Kabado ako at medyo inis din dahil sa reaksiyon niya. Pero somehow, naiintindihan ko rin siya. Weeks ago, galit din naman ako kay Venn. Hindi ko siya pinakitunguhan ng maayos kahit pa nung tinulungan na niya ako.
"Pero kaibigan siya ni Luigi. Ng ex mo. Yung nanloko sa'yo. Yung iniyakan mo ng pagkatagal-tagal. Kaya sigurado ka ba don sa Venn na 'yon?" paalala niya pa sa'kin, pinagdiinan talaga ang bawat salita. Parang bang pilit niya akong ginigising sa ginagawa kong kahibangan.
Hindi ko alam pero nanikip ang dibdib ko. Pero hindi dahil sa pag-mention niya kay Luigi at sa mga ginawa niya. Kung hindi sa mga salitang binato niya patungkol kay Venn. Pakiramdam ko ay ang unfair na pag-usapan namin siya ng ganito. Pagkatapos niya akong pakitaan ng kabaitan, parang siyang kaibigang bina-backstab sa harap ko.
"P-pero kagaya nga ng sabi ko kanina, ilang beses na 'kong tinulungan ni Venn. Mabait siya at sincere." Masama ko rin siyang tiningnan bago siya lagpasan. Pero hindi pa 'ko nakakalayo nang nagsalita na naman siya.
"Nag-aalala lang ako sa'yo. Ayaw ko lang na masyado kang magtiwala. Ganiyan ka nadali nung kaibigan niya noon, eh. Kaya sana mag-ingat ka. Baka bigla na lang 'yang umatake."
Sandali akong napatigil. Parang isang lason na dumaloy sa'kin ang sinabi niya. Hindi na nawala sa isip ko at hindi ako nilubayan ng pag-aalala at paghihinala. Kaya bothered ako buong movie night. Halos hindi man doon nakatuon ang pansin ko. Hindi ko na rin nga alam kung ano na ang nangyayari, hindi ko na maintindihan. Dahil ang inintindi ko na lang ay ang mga salitang binitawan ni Albie.
Baka bigla na lang 'yang umatake.
Anong atake naman? At tsaka ... bakit naman niya gagawin 'yun pag nagkataon? Wala naman akong ginawang masama sa kaniya. Sa pagkakaalala ko wala naman akong atraso sa kaniya. Sila pa nga ang meron sa'kin, eh. At hindi ganon ang pagkakakilala ko kay Venn.
Pero, hindi rin naman ganon ang pagkakakilala ko kay Luigi noon, 'di ba?
Haay! Bakit ba ganito na naman ang iniisip ko? Stop na! Hindi magandang pag-isipan ko ng masama si Venn. Pero siguro, hindi rin masamang mag-ingat? I think, hindi naman ako ganon ka-attach sa kaniya para maloko at masaktan niya kung sakali.
***
Kagaya ng pangako ko kay Albie, tinulungan ko siyang maghanap ng unit na pwede niyang upahan dito. Mabuti na lang at meron pa, ang kaso ay masyado ng mahal. Hindi na practical. Mas malaki rin kase sa unit ko 'yun. Dalawa ang bedroom tapos sa pool ang view.
Kaya ngayon ay naghahanap kami ng apartment na malapit sa ospital na pinagtatrabahuan niya. Ilang oras din kaming naghanap. Dinala ko pa siya sa inupahan ko noon kaya ang dami na namang memories na bumalik. Pero bandang huli ay pinili niya yung malapit-lapit sa condo namin.
"Salamat sa pagtulong sa'kin, ah?"
Mabilis ko siyang tinapunan ng tingin bago ko binalik sa daan ang tingin ko. "Wala 'yon, ano ka ba?"
Natawa naman siya. "Kaya sige, ililibre kita!"
Napatingin ulit ako sa kaniya sa gulat. Napakakuripot kase nito! Siya pa ang madalas magpalibre at si Son ang palagi niyang nauuto noon. Si Adi nga na sobrang kuripot din ay nalilinlang niya! Kaya naman I grabbed the opportunity na bawasan ang kayamanan niya. Ipagyayabang ko 'to kila Jojo!
"Saan mo gusto?" tanong niya sa'kin.
Napaisip naman ako dahil dapat kong sulitin 'to.
"Sa mall para maraming options." Ngumisi ako.
"Maraming options o maraming bibilhin? Akala ko pa naman kakain lang." Parang gusto pa niyang umurong!
Oh tignan mo na, kuripot talaga! Siya manlilibre pero nagrereklamo! Ilang taon na nga nung huling nanlibre siya, nung nililigawan niya pa ako!
"Oh sige, huwag na lang. Magpapahinga na lang ako."
"Uy joke lang! Sige na nga, sa mall tayo! Ako ang sugar daddy mo for today's video!"
Pagkarating namin sa SM City Manila, naghanap na agad kami ng makakainan dahil malapit nang mag-lunch. Sa kakalibot, napagdesisyunan naming sa Lechon Haus na lang kumain. Umorder kami ng dalawang Original Lechon Belly, Pork Sisig, at Garlic Kangkong para kunware healthy pa rin.
Habang kumakain, nagkwentuhan kami tungkol sa mga nangyari sa kaniya sa Cebu. Pati na rin ang mga plano niya ngayong lumipat siya rito sa Manila.
"Sa totoo lang, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang Med? Nakakatamad nang mag-aral. Gusto ko na lang ay magtrabaho at kumita."
Pareho kaming natawa. Wala pa rin talaga siyang pinagbago.
"Tapos sabi naman nung tita ko, kumuha na lang daw akong Law kung ayaw kong tumuloy sa Med School! Nako, sabi ko kay nanay ayaw kong sundin 'yon. Nakamamatay yung mga gusto niya sa buhay!"
Tumawa na naman siya kaya sumabay na lang ako. Pero sa totoo lang ay nakaramdam din ako ng awa. Ang tita niya kasing 'yon ay nurse sa ibang bansa. Siya ang nagparaal sa kaniya sa college. Iyon ang nagsabi sa kaniyang mag-nursing at mag-doktor. Parang bang kundisyon? Dahil kapos sila at iniwan pa sila ng tatay niya, wala siyang nagawa kung 'di sundin kahit ayaw niya basta makapag-aral lang.
"Nung sinabi 'yon ni nanay, sabi niya sunod na lang daw ako sa England para doon magtrabaho. Eh 'di mas ayaw ko! Takot akong lumayo, alam mo naman, Feeling ko nga ang tapang ko ngayong nakipagsapalaran ako rito pa lang sa Manila." Napatulala na lang siya sa malayo pagkatapos tumawa, malalim ang inisip.
"Ano ba kase talaga ang gusto mong gawin? Kung ano man 'yon, gawin mo na. Ilang taon ka nang naghirap diyan sa profession na hindi mo naman gusto. Mula college hanggang ngayon ..." Binilang ko ang mga taon sa utak ko. "Lagpas eight years na! Hindi ba parang sayang naman ang buhay mo kung ikukulong mo lang ang sarili mo diyan?"
Dati ko pa sinasabi sa kaniya na sundin na niya ang gusto niya. Dati pa lang kase ay pangarap na niyang i-pursue ang photography! Pero ang palagi niyang sagot, hindi raw 'yon practical. Kaya naiintindihan ko rin naman. Lalo na noon! Pero ang tagal na rin kase niyang tinitiis ang trabaho niya. Hindi rin naman maganda kung ipilit pa niya.
"Hindi pa pwede, kailangan ko munang maiahon sa kahirapan si nanay." Seryoso siyang tumingin sa'kin. "Tsaka ko na abutin ang pangarap ko pag maayos na ang buhay namin."
Sigruo nga ay dapat ko rin siyang intindihin. Bilang pareho rin naman ang pinanggalingan namin, dapat alam ko pakiramdam. Pero ako kasi, wala akong ibang inisip noon kung hindi ang yumaman. Mula bata ako, wala akong plano kung hindi ang kumita nang kumita. Wala akong oras para mangarap. Ang ginawa ko lang ay nag-aral at pumili ng kursong sa tingin ko'y kakayanin ko at pwedeng magpayaman sa'kin. Hindi ko naman akalaing halos ikamatay ko ang accountancy!
Kaya iniba ko na lang ang topic namin dahil alam kong sensitive siyang pag-usapan pa 'yon. Pinag-usapan na lang namin yung ospiyal na pinagtatrabahuan niya ngayon. Ayon naman sa kaniya, maayos naman daw at malaki ang sweldo kumpara sa dati. Kaya natuwa ako doon. Mas malaki na ang maiipon niya.
Pagkatapos naming kumain, tumayo na kami at lumarga. Nag-ikot-ikot kami at nagtingin-tingin. May ilang binili pero hindi naman masyadong mahal. At ngayon ay nasa department store kami. Busy ako sa pagtingin ng mga damit nang may naramdaman na lang ako sa leeg! Napaigtad tuloy ako! Mabils kong tinanggal 'yon at binato!
"Ang epic ng hitsura mo!" Halos mahiga na siya sa sahing kakatawa!
Kaya pinulot ko yung neck-pillow at binato sa kaniya! "Kabagin ka sana kakatawa! Hmp!" Iniwan ko siya doon at sa ibang brand ako tumingin. Bahala siyang magmukhang tanga doon, nakakainis siya.
"Uy, galit ka?" tanong pa talaga niya as if hindi halata! Nakausot pa sa kaniya neck-pillow kaya lalo akong nainis.
"Hindi, masaya ako. Sobra."
"Hala! Sorry na, hindi naman akalaing magugulat ka. Gusto lang talaga kitang bilhan ng ganito para sa team building niyo bukas." Tinanggal niya ang suot na neck-pillow at nilahad 'yon sa harap ko.
Ngayon ko lang tuluyang napansin ang details. Napagtanto kong peach pala 'to! Kulay pink, tapos may stem at dahon.
Medyo na-touch naman ako doon kaya kinuha ko at nagpasalamat. Tapos ay tinuloy na namin ang pag-iikot hanggang sa napagod na kamin. Nagdesisyon na kaming umuwi nang napansin naming madilim na pala.
Tuloy lang ang kwentuhan namin hanggang sa makarating kami sa parking lot ng condo. Ihahatid ko na dapat siya pero gusto raw niyang masigurong safe akong nakauwi. Mag-commute na lang daw siya papunta sa apartment niya since malapit lang naman.
Bababa na sana ako nang pigilan niya 'ko. Nang lingunin ko siya, napansin kong napaka-seryoso niya. Pero hindi naman siya makatingin sa'kin ng diretso. Ano naman kaya ang problema nito?
"Uhm ... Mabel, may gusto sana akong sabihin." Kapansin-pansin ang kaba sa mukha niya.
"Ano 'yon?"
Naglakbay ang utak ko sa sobrang intriga dahil sa hitsura niya. At nang naisip ko si Leigh, kinabahan ako! Ang bata pa non! Senior high school pa lang at wala pa sa legal na edad! Hindi ako makakapayag na ligawan niya ang kapatid ko! Kahit pa magkaibigan kami! Maghintay muna siya ng dalawang taon bago niya ligawan!
"A-alam mo namang ... gusto na kita noon pa. Niligawan kita pero ... hindi successful." Napakagat siya ng labi at napalunok.
Ako naman ay napanganga. Medyo nalito pa ako dahil kung ano-ano ang naisip ko kanina! Pero mukhang alam ko na kung saan hahantong 'to kaya lalo akong kinabahan! Sana mali ako.
"Alam ko na baka masyado pang maaga. Pero gusto kong i-take ang chance na 'to para wala akong pagsisihan."
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang tignan niya ako. Hindi dahil sa kilig! Dahil sa kaba. Natatakot ako sa sasabihin niya. Gusto ko siyang pigilan. Gusto ko na lang takpan ang bibig niya. Pero nanigas na ako sa sobrang kaba at hindi na nakapag-react pa.
"Mabel, pwede ba kitang ... ligawan ... ulit?"
Hindi ako nakapagsalita kaagad nang nasabi na niya ang kinakatakutan ko. Ang daming bagad ang pumasok sa isip ko. Grabe naman, nambibigla naman 'to! Ang saya pa namin kanina as friends lang. Hindi ko akailang hahantong ulit sa ganito! After more than four years!
Ibig bang sabihin nito, ako pa rin ang gusto niya? Paano si Leigh Belle? Oo, ayaw kong ligawan siya ngayon dahil bata pa siya. Minor siya at adult na si Albie! Pero ayaw ko rin namang talunin siya. At isa pa, platonic lang talaga ang feelings ko sa lalaking 'to!
"Albie ... ano kase ..."
Hindi ko mahanap ang mga tamang salita para i-reject siya. Ayaw ko naman siyang saktan. Pero wala talaga siguro akong choice? Ang mahalaga, magsabi ako ng totoo. Kaya huminga muna ako ng malalim bago ulit nagsalita.
"H-hindi talaga pwede. Kagagaling ko lang sa break-up. Tapos si Leigh. Gustong gusto ka ni Leigh at ayaw kong magkasariaan kami dahil lang sa'yo."
Napayuko ako dahil ayaw kong makita ang reaksiyon niya.
"Albie, mabuti kang kaibigan. Kaya sana ... let's just stay that way."
Agad-agad akong lumabas at binitbit ang mga pinamili. Bibilisan ko sana ang paglalakad para hindi niya ako maabutan. Kaso mahahaba ang mga binti niya kaya nahabol niya pa rin ako.
"Mabel, wait!" Hinablot niya ang braso ko. "Please, just give me this chance. Kahit ano pa ang maging kahihinatnan, just please, hayaan mo 'kong ligawan ka."
Nahihirapan ko siyang tinignan. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko para pigilan siya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na kahit ano pa ang gawin niya, walang magbabago. Gano'n pa rin ang nararamdaman ko. Hindi talaga, eh.
"Okay, I understand." Tumango-tango siya kaya napahinga na ako ng maluwag. " Pero sorry, minsan lang dumadating ang pagkakataon kaya liligawan kita. Pagkabalik mo galing sa team building, magsisimula ako. Liligawan kita, Mabel." Pagkatapos niyang sabihin 'yon, nauna na siyang naglakad at iniwan akong gulat.
Ilang sandali rin akong nakatayo doon at nag-isip. Papasok na sana ako nang napansin kong nakatayo pala sa 'di kalayuan si Venn! Nakatingin siya sa'kin. Malamlam ang mga mata niya at bagsak ang mga balikat. Pumikit siya sandali at yumuko bago umalis doon at tumuloy na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top