part 1

Im Carl, 17 years old and i devoted my life in writing,

I love writing stories, sa pamamagitan ng pagsusulat ay naipapahayag ko ang aking saloobin, lahat ng aking hinaing, at higit sa lahat, nagsusulat ako para iparating sakanya lahat ng mensaheng gusto kong malaman niya na hindi ko nasabi at  nagawa nung mga panahong nasa tabi ko pa siya

................

"Hi babe, kamusta yung sinusulat mo??"-tanong saakin ni desserie,

Si desserie ang babaeng minahal ko ng lubos bukod sa pagsusulat at sa aking pamilya,

" ok naman, malapit ko ng matapos yung isang chapter, at gusto ko ikaw ang unang magbasa neto babe ah"-masayang tugon ko sakanya at napangiti na lang ako ng yakapin niya ako mula sa likod at

"Oo naman no, im always here to support you, and im really proud of you"-

Naguumapaw ako sa kaligayahan ngayun ng sabihin niya yun, nagpapasalamat ako kase natagpuan ko ang babaeng tulad niya, na handa akong suportahan,  At hindi ako iniwan kahit na minsan ay nawawalan na ako ng oras sakanya,

Lumipas ang oras, araw at walang nagbago saamin, lagi siyang nasa tabi ko at nagbibigay ng ilang payo, ideya at suporta,

Ngunit hindi ko alam na sobrang pagkaabala ko sa pagsusulat, hindi ko na siya nabigyan ng atensyon dahil na rin sa pag-aakalang walang magbabago saamin,

"Babe tignan mo oh, bagong gupit lang tong buhok ko, bagay ko bah??"-tanong niya saakin pero hindi ko na siya inabala pang tignan,

" babe mamaya na muna ha"-sagot ko

"Ahh, ok, umm babe nabasa ko na pala yung bagong publish na story mo, ang ganda, binili ko rin pala yung libro mo, grabe buti nga hindi ako naubusan eh--"-hindi ko na siya pinatapos

" ano ba desserie, sabi ng mamaya diba??mamaya na tayo mag-uusap"-hindi ko napansin na nasigawan ko na pala, at natauhan na lang ako ng makita ko yung reaction niya ngayun,

"Sorry, sige ituloy mo lang yan, hindi na kita aabalahin pa"-Saad niya saka na siya tumakbo paalis, ngunit bago siya tumakbo, may inilapag siyang libro sa table,

Hindi ko inabalang tignan ito hindi ko na rin muna siya pinansin at pinaglatuloy yung pagsusulat ko, pagtapos ko na to saka na lang ako mag-sosorry, maiintindihan naman niya siguro ako,

Dahil sa sarili ko lang ang iniisip ko ng mga oras na yun, yung kagustuhan kong matapos yung kwento na ginagawa ko, ito na rin pala ang magiging hudyat para ako'y magsisi ng sobra.

Sa kabilang dako,

tumakbo ng tumakbo si desserie habang umiiyak, wala na siyang pake sa kanyang nadadaanan, nang maramdaman niya ang pagod ahy napaupo na lang siya sa isang upuan sa parke at duon nag-isip

'Bakit carl??sinuportahan kita, lahat lahat ginawa ko dahil sa pag-aakala ko na kung gustuhin ko rin yung bagay na gusto mong ginagawa ay mapapalapit ako sayo, yung feeling na ako yung pinakamalapit sayo, pero bakit pakiramdam ko, lalo pa akong napalayo sayo, ang sakit eh, alam kong hindi ko kayang higitan yung pagmamahal mo sa  pagsusulat pero sana ,kaunting oras mo lang ang kailangan ko, kaunti lang'

Labis ang kanyang pag-iyak upang ilabas ang kanyang sama ng loob ng biglang may 3 lalaki ang lumapit sakanya

"Miss, gabi na, bakit nasa labas ka pa??naghahanap ka ba ng magpapaligaya sayong gabi"- sabi ng isang lalaki habang yung 2 dalawa ahy nagtatawanan

Hindi ito pinansin ni desserie at akmang aalis na siya ng hawakan siya sa braso nung dalawa

" wag kang bastos kinakausap ka namin"-

Nagpupumiglas siya ngunit sadyang malalakas sila kaya ang tanging nagawa niya na lamang ay duraan sa mukha yung lalaking kaharap niya,

"Shit"-sa inis ng lalaki ay sinampal niya ng sobrang lakas yung babae, at hindi na sila nagpaliguy-ligoy pa at isinakatuparan na nila yung plano nila sa babae, pilit na kumakawala si desserie pero naging dahilan lamang ito upang madagdagan ang sakit na nararamdaman niya ngayun, hindi lamang emotional kundi pati na rin physical, walang awa siyang pinaggagahasa ng tatlong lalaki

'Carl, nagsusulat ka pa rin bah??wag kang magpakapagod hah??alagaan mo pa rin yung sarili mo, andito pa rin ako para suportahan ka sa kung ano man ang gusto mong gawin, at tandaan mo, mahal na mahal kita' yan na lamang ang nasa isip ni desserie dahil wala na siyang lakas pang natitira para lumaban

Hindi pa nakontento yung mga lalaki at pinagbububugbog nila ang kaawa awang babae hanggang sa nalagutan na lamang ito ng hininga, walang puso, walang awa nilang iniwan yung babae at tumakas sa takot na mahuli,

Kinaumagahan

"May bangkay ng isang babae ang natagpuang patay sa parke, ayon sa pulis na aking nakausap ay nagahasa at nabugbog ang babae dahil na rin sa laki at dami ng pasa neto sa kanyang katawan at hindi pa rin umano nalalaman ng pulisya kung sino ang may sala"-

Nahulog na lamang ang basong pinag inuman ni carl ng dahil sa gulat sa napanood na balita, hindi siya nagkakamali, natatandaan niya pa kahit saglit lamang niyang nakita yung suot ni desserie, labis ang kabang kanyang naramdaman, gusto niyang paniwalain ang sarili na nagkakamali lamang siya sa nakita.

Agad siyang tumakbo papalabas sa kanyang kwarto ng matabig niya at nahulog sa sahig yung librong inilapag ni desserie bago siya umalis ng silid

Nakita niya yung litrato nilang dalawa na nakasigpit sa libro at may kasama ring sulat,

'Happy 5th monthsary babe, nabili ko rin yung kwento mo, sobrang ganda talaga, kaya bilib ako sayo eh, i love you'

Napahagulgul na lamang siya sa nabasa, halos madapa dapa na siya makapunta lamang sa lugar ng pinangyarihan ng insidente at nakita niyang tatakluban na sana yung katawan ngunit pinigilan niya ito, nanginginig ang kanyang kamay na hinawakan ang mukha ng nakakaawang nobya,

"Bakit ikaw pa, BAKITTTTT, SORRY, SORRY"-yan lamang ang nasabi niya ngunit madami siyang gustong sabihin, marami siyang gustong gawin pero wala na, wala na

Hanggang sa burol at hanggang sa libing, walang gana si carl na kumain, wala siyang ibang ginawa kundi ang bantayan si desserie, yakap yakap yung libro kasama ng litrato nila,

Desserie, i love you, hindi kita makakalimutan,hindi kita bibiguin, magiging successful akong writer, sisiguraduhin kong hindi masasayang yung isinakripisyo mo

..........

Isinara ko na yung notebook at inilapag yung ballpen na hawak ko, tapos ko na ang isa pang chapter,

tumingin sa langit, saka mapait na ngumiti,
Hinihiling ko na sana bawat pagsulat ko ng kwento ay maiabot ko yung mensaheng gusto kong iparating kay desserie,yung mga gusto kong iparamdam sakanya na hindi ko nagawa nung meron pa siya

, na sana maiparating ko sa lahat ang labis na pagsisisi ko sa pamamagitan ng pagtabig ko sa bawat puso ng aking mambabasa sa pagsusulat ko,

Napakalaki ng itinuro mong aral saakin desserie, na dapat noon ko pa nalaman, na dapat noon ko pa ginawa, yun ahy ang pahalagahan ang bawat oras na meron saatin dahil hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundo at ang matutong hatiin ng pantay ang oras sa bawat bagay,

Mananatili ka sa aking puso, at inspirasyon ko sa lahat ng bagay, salamat!!

A/N: sana magustuhan niyo yung short story ko, sana rin ay nagawa kong tabigin ang inyong mga puso sa aking munting kwento. Maraming salamat sa pagbabasa.

Vote and comment na rin, it would be a great help for me😀😀😊😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top