p r o l o g u e
11:36 pm | 03.06.18
"Miss Ellis please, sana ma meet mo na yung deadline this time, for God's sake this is our last chance para maisalba itong libro na ito, we're thankful enough that Director Soo gave us a second chance to finish this so pl---" I cut her off, dahil alam ko narin naman kung saan tutungo ito.
"Yes Nica, I know, tatapusin ko na ito okay? I'll submit it to you by Friday. " Honestly I don't even know myself if matatapos ko ba talaga tong prompt, pero dahil sa gusto ko ng matapos itong usapan at halos isang oras na kaming nasa telepono.
"Thank you Miss Ellis, I'll contact you again." Then she hanged out.
I just released a sigh of relief, "Diyos ko natapos din."
Bumalik na ako sa table kung saan nakalagay ang mga gamit ko then started working again.
I am Ellis Reed, just your normal average girl who is living on a small shabby apartment at yung babaeng kausap ko kanina ay ang aking editor and you might already have an idea what my occupation is, yes, I am a writer, pero hindi yung big time writer na iniisip nyo, wala pa ako sa kalingkingan ng mga iyon.
"Urgh, shit hindi ako makapag focus." Nasabunutan ko nalang sarili ko out of frustration.
Hindi ko alam kung ano ang naging mali sa buhay ko, maybe it was the moment I disobeyed my Dad? Ang tatay ko kasi ay isang Businessman and he want me to take over his business, pero ayoko kasi may pangarap ako and that is to be a famous writer, he keeps on pushing me the responsibility even on a young age.
Naaalala ko pa noon na pinahinto niya ako sa pag aaral at kinuhaan ng private tutor para matuto sa pasikot sikot na daan sa Business Industry and I loathe him for that, kasi kinuha niya yung kasiyahan ko, him and my mom got married through politics at duon ako nabuo, there was no romance or spark in between them at dahil doon naging malayo din ang loob ko sa kanilang dalawa, they never really genuinely cared for me from the start, but whatever.
Then one day nag decide ako na ilabas ang hinain ko sa tatay ko, but It didn't really go well, naging resulta lang nun ay napalayas ako sa bahay namin, like wtf after all of those hard work na ginawa ko, sa pag aaral ko ng politics and shits dun lang ako hahantong, but I look at it on the bright side, I can now pursue my dreams.
Buti nalang talaga may ipon ako and I manage to live independently, and that's all in the past now, I'm 23 and I'm proud that I can be an independent person.
Enough with the pep talk, I am friggin hungry.
Tumungo ako sa maliit kong refrigerator na second hand at nakitang wala itong laman.
"Putaragis naman oh." I grabbed my jacket and house key, wala na akong choice kundi bumili sa malapit na convenience store, 7/11 na nga lang, ang arte.
As I walked outside I felt the cold breeze brush through my face.
"Buti nalang pala lumabas ako, at least I can take some breather." Nakapasok na ako sa 7/11 at bumili lang ng siopao nila gusto ko sanang bumili ng gulp kaso naghihingalo na pala yung wallet ko so, tubig-tubig nalang. Inabot ko na yung 50 pesos ko at lumabas na.
Habang nag lalakad ako pauwi I can't help but be in deep thoughts, sigh, would my life have been better kung sumunod nalang ako sa tatay ko? Nasa ganto kaya akong estado ngayon? Would I have gain even a little bit of his affection? Tears started to form in my eyes. Hindi ko mapigilang isip na
"Bakit ang lungkot ng mundo? Bakit ang lungkot ng buhay ko? Bakit ang hirap maging masaya?" While I was in deep thoughts nakarinig ako ng mga boses di kalayuan sa akin, habang papalapit ako ng papalapit dito mas lumalakas at mas naiintindihan ko ang sinabi nila.
"Boy, sabi ng akin na eh!" Sabi ng malalim at nakakatakot na boses.
"Kuya huwag po, sahod ko ito," samantalang eto naman ay alintanang nagmamakaawang boses ng lalaki.
"Gusto mo pa talagang masaktan eh!" Kahit labag na labag sa loob ko tinahak ko ang daan na iyon ng punong puno ng kaba at sinuot yung hood ng jacket ko.
Baka lang naman biyayaan ako ni Lord kapag tinulungan ko itong lalaki.
"Hoy ano yan!" Putangina sa lahat ng pwedeng sabihin yun pa talaga.
Nakuha ko naman ang atensiyon nilang dalawa, puta bakit ganun ang pogi ni kuyang nang h-holdap, wala na talagang pinipiling tao ang kasamaan.
"Aba! Bakit nangengeelam ka?! Kung ako sayo aalis na ako ditl at kakalimutan ito!" Pagbabanta niya sakin.
Sorry kuya but mas malala pa banta sakin ng tatay ko noon. Walang pag d-dalawang isip kong sinugod yung lalaki at kinalmot yung braso niya.
SHIT BAKIT KO GINAWA YUN?! NABABALIW NA AKO! PUTANGINA MAY KUTSILYO SIYA!
Umatras ako ng makita kong may hawak siyang kutsilyo at nabaling na ang buong atensiyon niya sakin, causing for him to losd focus to the man, at letse tumakbo na siya while he had the chance.
PUTA! INIWAN AKO!
"Ahehe, kuya alam mo mas kikita ka pa ng malaki kapag ginamit mo iyang mukha mo." Ngunit wala siyang sinabi at masamang nakatingin sa akin.
Shit, I'm so dead
Lumapit siya sakin ng pa unti unti at ako naman itong paabante at ng akmang tatakbo na ako palayo ay bigla niyang hinila ang buhok ko at hinampas ako sa pader.
"Tangina mong babae ka, pagbabayaran mo ito!" Nilabas niya ang kutsilyo niya at mahigpit itong hinawakan.
"K-kuya wait lang po baka pwe--" then a throbbing pain woke my entire system, hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Mukhang hindi pa nakontento doon ang lalaki, paulit ulit niya pa akong pinag sasaksak, tears fell down from my eyes and so does blood from my mouth.
The last thing I knew bumulagta nalang ako sa sahig and before I lose consciousness nakita ko pang kinapkapan niya ako at nakuha yung sukli ko sa 7/11.
"Putangina!" sinipa ako nito sa tagiliran kung saan niya ako sinaksak at umalis na ito.
This is it? This is how my life will end? I didn't even get the chance to be successful. How unfortunate, how unfair of this world.
The moon appeared after hiding behind the clouds, as it witnessed the unfortunate state of Ellis Reed covered in her own blood and tears.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top